HE'S MY GIRL!

By fedejik

707K 14.9K 461

Si Minam Go ay miyembro ng sikat na Boy Group na A.N.Jell. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi siya lala... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 - Part 1 of 2
Chapter 4 - Part 2 of 2
Chapter 6 - Part 1 of 2
Chapter 6 - Part 2 of 2
Chapter 7
Chapter 8 - Part 1 of 2
Chapter 8 - Part 2 of 2
Chapter 9 - Part 1 of 2
Chapter 9 - Part 2 of 2
Chapter 10 - Part 1 of 2
Chapter 10 - Part 2 of 2
Chapter 11 - Part 1 of 2
Chapter 11 - Part 2 of 2
Chapter 12 - Part 1 of 3
Chapter 12 - Part 2 of 3
Chapter 12 - Part 3 of 3
Chapter 13 - Part 1 of 2
Chapter 13 - Part 2 of 2
Chapter 14 - Part 1 of 2
Chapter 14 - Part 2 of 2
Chapter 15 - Part 1 of 3
Chapter 15 - Part 2 of 3
Chapter 15 - Part 3 of 3
Chapter 16
Chapter 17 - Part 1 of 3
Chapter 17 - Part 2 of 3
Chapter 17 - Part 3 of 3
Chapter 18 - Part 1 of 2
Chapter 18 - Part 2 of 2
Chapter 19
Chapter 20 - Part 1 of 3
Chapter 20 - Part 2 of 3
Chapter 20 - Part 3 of 3
Chapter 21 - Part 1 of 3
Chapter 21 - Part 2 of 3
Chapter 21 - Part 3 of 3
Chapter 22 - Part 1 of 2 (Finale)
Chapter 22 - Part 2 of 2 (Finale)

Chapter 5

20.1K 430 10
By fedejik

Published: October 7, 2012

CHAPTER 5

Gabi na nang magising si Tae Kyung.  Saktong pagdilat niya ng kanyang mga mata ay nabungaran niya si Minam na natutulog sa gilid ng bed niya at nakayupyop.

                "Minam!"  Tinapik pa niya ito sa kamay para magising.

                "T-tae Kyung!"  Agad naman din itong nagising.  "Kumusta ka na?"  Alalang-alala siya hindi pa man.

                "Thank God, I'm okay..."  Sarkastiko pa nitong sagot habang dahan-dahang umuupo.

                "Sorry... sorry talaga..."  Lumabi siya at sobra talaga siyang nag-alala.

                "I therefore conclude na malas ka sa buhay ko."  Umismid ito at sumimangot.

                "Sorry na nga.  Feeling ko kasi nananaginip ako kaya naitulak kita.  Sorry na talaga."  Sumamo pa rin niya dito.  "Nagugutom ka ba?  Ikuha kita pagkain?"  Pag-iiba pa niya.

                "'Wag na!  Baka lasunin mo pa ako!"  Tanggi naman din agad nito.  Iniinis lang naman niya ito.  Labis talaga ang pag-aalala niya para dito kanina.

                "Tae Kyung naman, e..."  Tila bata pa siyang nagmukmok sa isang tabi.

                "'Wag kang lalapit sa akin ha!  Disgrasya inaabot ko sa'yo!"  Masungit pa niyang sabi at sumimangot naman si Minam.

                "Eto na nga, o.  Lumayo na..."  Maktol pa niya at kahit papaano'y nakahinga na rin siya nang maluwag.  Ang importante'y safe ito.

                "Si Mr. Han?"  Iginala pa niya ang tingin.

                "Halos kakauwi pa lang.  Dinalhan ka ng pagkain.  Ayaw na ayaw mo raw ng hospital food."  Itinuro pa nito ang  pagkain sa may side table.

                "Eto kakainin ko 'to, kasi hindi galing sa'yo."  Agad pa nitong kinuha ang pagkain at sinenyasan siyang iabot ang bed table.

                "Sorry, Tae Kyung ha..."  Muli ay ulit niya.  "At thank you rin for saving my life."  Seryoso pa nitong sabi.

                Sa halip na kumibo ay nagkunwari na lang siyang walang narinig.

                "Kumain ka na ba?"  Tanong na lamang nito.

                "Hindi pa."  May kasama pang iling na sagot niya.  "Hindi kasi ako makakain kanina.  Nag-aalala kasi ako sa'yo."

                "Puwes, bumili ka sa labas!  Hindi kita hahatian dito."  Masungit pa niyang sagot.

                "Ang dami naman niyan..."  Sinilip pa niya ang pagkaing hawak nito.  "'Di mo mauubos.  Akin na lang ang matitira mo..."  Kinagat niya ang kanyang labi at sa totoo lang ay ngayon na lang niya naramdaman ang pagkalam ng tiyan.

                "Tira ko, kakainin mo?"  Kumunot pa siya.  Hindi siya makapaniwalang wala man lang itong selan.

                "Bakit naman hindi?  Nagba-brush ka naman palagi."  Ngumisi pa siya at wala sa sariling hinimas ang tiyan.  Nagugutom na talaga siya.

                "Really?"  Hindi niya maiwasan ang mangiti sa nakitang reaksyon nito.  Halata kasing gutom na gutom na ito.  "Bakit ba kasi sa pool ka pa nagbihis kanina?  Muntik ka na."  Parungit pa niya.  Gusto niyang gutumin ito nang husto.  Agad pa niyang sinundan nang malalaking subo ang pag-uusisa.  "Hindi ka pa nahuli!  Sayang naman..."

                "E, kasi..."  Hindi niya maiwasang ma-distract sa tila nananakam na pagkain nito.  "Hindi naman ako puwede sa locker room n'yo.  May makakakita sa akin d'un."

                "Sa palagay mo walang makakahalata sa'yo kapag ganyan ka nang ganyan?"  Taas-kilay pa ito.

                "Mag-iingat naman ako..."  Talagang kumukulo na ang tiyan niya sa gutom.

                "Kaya pala,"  tatangu-tango pa ito.  "Muntik nang may makakita sa'yong naka panty at bra lang!" 

                Agad namang namula sa hiya si Minam sa mga pagkakataong iyon lalo na nang maalala ang eksena nila ni Tae Kyung.  Halos makita na nito ang lahat lahat sa kanya!

                "Sana ipinikit mong mata mo."  Umirap siya at ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi.  Kahiya-hiya ang hitsura niya kanina.

                "Are you crazy?  Naghahabol ka na nang hininga iisipin ko pa ba ang makikita ko sa'yo?  As if ang ganda ng katawan mo!"  Nakangiwi pa niyang sagot.  Muntik pa siyang masamid sa pagsisinungaling.  Sa totoo lang naman ay hindi siya makapaniwala sa ganda ng tanawin dito.  Pati na rin ang dampi nang malambot na labi nito.  Noong una'y nandidiri siya dahil sa pag-aakalang lalaki ang nakahalik sa kanya pero nang malaman niyang babae ito ay naiba na lahat nang pagtingin niya dito.

                "E, kasi..." Hindi na niya malaman ang sasabihin.  "Ginamitan mo ba ako ng mouth to mouth?"  Nahihiya pang tanong niya.

                "Do you think I have a choice?"  Pilit niyang ikinubli ang nararamdaman.  "Just by looking at your mouth, naiisip ko ang pagsuka mo sa harapan ko!  That's disgusting!"  Ngumiwi siya at nagpamukhang diring-diri.

                'Sama naman nito..."  Sinamaan niya ito nang tingin.

                "You're maybe a girl but still you're one of the boys for me."  Sabi pa nito sabay sinundan nang subo para pa rin hindi mahalata ng babae na kabaligtaran ang mga sinasabi niya.

                "Buti na lang at ikaw ang nakakita sa akin.  Akala ko si Shin Woo..."

                "Shin Woo?"  Kumunot pa ito.  "Why Shin Woo?"  Hindi niya maintindihan kung bakit parang naiinis siya.

                "Wala lang."  Bumuntong-hininga pa siya.  "Isip ko lang ay  napakabait na tao noon.  For sure madi-disappoint nang husto sa akin 'yun kapag nalamang babae ako."

                "Why are you so concern about Shin Woo?  Gusto mo ba siya?"  Magkakasunod pa niyang tanong.  Hindi siya komportable sa sinabi nito.

                "Hindi, a!  Para ko lang kapatid 'yun!  Kumain ka na nga lang d'yan!"  Irap pa niya.  "Tirhan mo ako ha!"  Hirit pa niya.

                "Good luck kung may matira."  Nang-iinis pa ring sabi na lang niya at muli ngang itinuloy ang pagkain.

Bandang huli ay tinirhan pa rin niya ito at ang hirap para sa kanyang tiisin ito. 

 ***              

                Kinabukasan lang din ay nakalabas na galing ng hospital si Tae Kyung.  Pero isang hindi inaasahang bisita ang bubungad sa kanya.

                "Tae Kyung, halika!  May bisita ka!"  Si Mr. Han na agad pa siyang sinalubong sa may pinto.

                Hindi na rin niya nakuhang makakibo sa pagkakita pa lang sa tinutukoy na bisita nito.  Ang kanyang mama!

                "Why would a legendary singer visit me here?"  Sarkastiko pa niyang sabi sa ina.

                "Hello, Tae Kyung..."  Alanganin pang bati niya sa anak.  Hindi rin niya alam kung papaano sasalubungin ang anak lalo na nga't wala namang nakakaalam na mag-ina sila.

                "She requested if maybe you can remake her old song for her."  Si Mr. Han na rin ang sumagot.  Ni hindi alintana ang namamagitang lamig sa pagitan ng dalawa.

                "Really?"  Nagtaas ng kilay si Tae Kyung at mas lalong sumeryoso.  Sa napakatagal na panahon ay hindi nagparamdam sa kanya ang ina tapos ngayon ay bigla-bigla itong susulpot para hingan nang pabor.  Hindi talaga niya alam kung papaano ito pakikitunguhan lalo pa't ramdam niya ang galit para sa pagiging pabayang ina nito.

                "You have one of the most amazing voice I heard."  Pormal pang ngumiti ang medyo may edad pero maganda pa ring singer na si Nera.

                "I am fully aware of that but I guess, mas marami pa ring iba d'yan na mas maganda ang boses kaysa sa akin."

                "Pero ikaw ang gusto ko."  Mahina ngunit may diin ang pagkakasabi nito.

                "Tae Kyung,"  si Mr. Han na bahagya pa siyang tinapik sa balikat.  "Why don't you give it a try.  Maganda naman ang kanta.  It was an all-time favorite.  For sure, magiging hit kapag ikaw ang kumanta."

                "It's not my thing."  Makahulugan pa siyang tumingin sa ina at gusto niyang iparating nang mas malinaw na ayaw na niyang magkaroon pa nang ugnayan dito.

                "Please, Tae Kyung.  Think it over before you even decide."  Sumamo pa nito at malamlam ang mga matang timitig sa anak.      

                "Oo nga naman, Tae Kyung baka bumagay rin sa'yo ang song.  Lapatan mo na lang ng musika na magiging moderno ang dating.  Doon ko mahusay diba?  Ang lumang kanta ay nagagawa mong bago sa pandinig?"  Si Mr. Han na nahihiya rin namang tanggihan ang sikat na singer lalo na nga't dinayo pa talaga sila nito sa A.N.Jell office.

                "Okay..."  Napilitan rin naman si Tae Kyung lalo na nga't ayaw niyang makahalata ang handler nila.

                "Thank you."  Nagniningning ang mga mata nito.  "Balita ko na-hospital ka, are you alright now?"  Nag-aalala pa nitong tanong.

                "Yeah..."  Matabang pang sagot nito.  "Malayo sa bituka."

                "Oh by the way,"  baling pa ni Mr. Han kay Minam na nasa likod lang nila.  "This is our new member, Minam Go."  Pakilala pa nito.

                "Hello po."  Nahihiya pa siyang ngumiti at inabot ang kamay ng babae.  Sino bang hindi makakakilala sa legendary singer na 'yun.  "Nice to meet you po, ma'am.  Ang ganda n'yo po pala sa personal."

"Thank you.  That's so sweet of you."  Pormal naman niyang kinamayan iyon at matamang tinitigan.  "Oh, you're hand is so smooth."  Bahagya pa itong kumunot at hindi pinawalan agad ang kamay ni Minam. 

                "Huh, e.  Thank you po."  Inagaw rin naman niya kaagad ang kamay sa takot na makahalata ito.

                "He's handsome, huh?  Though medyo feminine ang rehistro ng face niya."  Mataman pa rin nitong tinitigan si Minam mula ulo hanggang paa.  Sa pakiwari niya'y may kakaiba dito.

                "Come, Minam!"  Si Tae Kyung na agad pang hinila si Minam palayo.  "Nice to meet you, Ms. Nera."  Paalam pa niya at noon na tuluyang lumayo sa kinamumuhiang ina.

Kumaway na lang si Minam bilang paalam dito at agad niyang napansin ang paglungkot ng mukha nito.

***

                "Tae Kyung, ang ganda ni Ms. Nera diba?"  Si Minam na hindi pa rin mapigilan ang paghanga.  Kasalukuyan silang nasa studio para mag-practice ulit ng kanta.

                Sa halip na sumagot ay nananatili lamang siyang tahimik.  Wala pa ring nabago sa pagtingin niya sa ina.  Galit pa rin ang nararamdaman niya para dito.

                "Kaya lang parang mahahalata pa niyang girl ako."  Ngumiwi siya at medyo natakot siya kanina sa agad na pagpuna nito.

                "Careless ka kasi."  Parungit pa nito at seryosung-seryoso pa rin.

                "Hindi naman, a."  Umirap pa siya at tiningnan ang sarili sa salamin.  "Cute lang talaga ako."  Matamis pa siyang ngumiti sa reflection niya sa salamin.

                "Nananaginip ka!"  Iiling-iling pa ito.

                "Hmm..."  Lumapit siya sa kinauupuan nito at nakiusisa sa hawak na piyesa ng kanta.  "Alam ko ang song na 'yan.  Panahon ng mama ko 'yan." Masiglang sabi pa niya.

                "Mama mo?"  Kunot-noo pa ito.  "May mama ka pa?"

                "Yup!"  Bahagya pa siyang tumango at mapait na ngumiti.  "Kaya lang n'ong iwanan niya kami ni Minam sa kumbento, hindi na niya kami binalikan."  May pait pang sabi niya.  May dala pa ring kurot sa puso niya ang katotohanang iyon.  Pero mahal na mahal pa rin nilang magkapatid ang kanilang ina sa kabila nang ginawa nito.  Alam niyang ang pagpapatawad ang makakapagpagaan sa buhay nilang magkapatid.  Natutunan niya sa kumbento ang pagmamahal na hindi humihingi nang kapalit at hindi nagtatanim nang galit.

                "Ginawa niya 'yun sa inyo?  Bakit daw?"  Kunot-noo pa siya.  Halos parehas pala sila nang kalagayan.

                "I don't know.  Wala pa rin kaming alam kung bakit hindi na niya kami binalikan.  I hope na itong exposure ko, makatulong para mahanap ang mama namin."  Kibit balikat pa siya.

                "What about your papa?"

                "Wala na ang papa ko."  Malungkot pa niyang sagot.

                "I'm sorry to hear that." 

                "Okay lang."  Mapait pa siyang ngumiti dito.  "Sana makita na lang namin si mama."

                "I think your exposure on t.v. would help you a lot."  Hindi rin naman niya naiwasan ang maawa dito.

                "Sana nga, Tae Kyung.  Iyon lang ang pangarap namin ni Minam."  Hindi pa niya naiwasan ang bumuntong-hininga.

                "Kaya galingan mo ang pagkanta para hindi kita patalsikin dito!"  Tinaasan pa niya iyon ng kilay.

                "Oo na po!"  Bahagya pa siyang umirap dito.  "Ikaw nga pala, may mama ka pa?"  Balik-tanong niya dito.

                "I am not an open person, Minam.  And, I don't intend to chat with you about my personal life."  Nag-iwas siya at nagpamukhang galit.

                "Huh?"  Sumimangot siya.  "Ang daya mo naman." 

                "Madaya?  Puwede mo namang hindi sagutin ang tanong ko kung ayaw mo diba?"

                "Daya!"  Sinimangutan pa rin niya ito.

                "Minam Go!  Bumalik ka sa puwesto mo at aralin mo nang husto ang kanta mo!  'Wag mo akong guluhin dito."  Pagtataboy pa niya dito.

                "Oo na!  Hmp!"  Umirap pa siya nang kuntodo dito at nagmartsa palayo.

                Kataon na rin namang dumating na sina Shin Woo at Jeremy kaya natigil na rin talaga ang pag-aasaran nilang dalawa.

                Gayunpaman, ang pagbisitang iyon ng mama ni Tae Kyung ay nagbalik lang nang sakit na kay tagal niyang ikinubli sa kanyang puso.  Hindi niya maintindihan kung bakit sa tinagal-tagal nang panahon ay muli na naman itong nagpakita sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

174K 5.4K 24
Si Kathleen Espinosa ay naniniwalang isa siyang Dyosa ng Kagandahan. Maganda raw kasi talaga siya... sabi ng nanay niya. Ngunit bakit kaya wala pa ri...
3.5M 89.4K 52
Payapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard niya na si Hunter. Sa kadahilanan mahan...
17M 270K 62
"If you are going to enter my world, be ready to play my game," babala ni Mago, "If you can't keep up then you'll have to endure the pain." He was a...
1.5M 5.2K 6
She's Mine Side Story Devon's face turned red with rage. "You bitch" He said sharply. I laughed, lips curled up in amusement. "I'm what you said, tha...