The Friendly Wedding (Season...

By FGirlWriter

11.9M 283K 42.4K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... More

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Fourteen

192K 5.3K 324
By FGirlWriter

CHAPTER FOURTEEN

"MAGIGING okay lang kaya sila?" nag-aalalang sabi pa rin ni Sapphire.

Hinawakan ni Johann ang kamay niya. "Hayaan mo na sila diyan. Nagpapahinga na sina Charlie at Kuya Bari. Sinabihan mo na rin ang mga kasambahay na huwag papalabasin ang mga kinulong natin, di'ba? Wala na tayong problema. Nasa anim na lang kung magkakaayos sila." Hinila siya nito at bumaba sila ng hagdan.

            "Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong niya rito.

            "Doon ulit tayo sa may dagat. Maglakad-lakad tayo."

            Hindi na siya tumutol dahil gusto niya ang idea nito.

Nang nasa labas na sila ay hawak pa rin nito ang kamay niya. Ayaw bitawan. Hindi na lang rin niya binawi. Masarap naman sa pakiramdam ang mainit na palad nito na bumabalot sa kamay niya.

            Malamig na malamig ang hangin pero sapat na ang init sa kamay nito para maging komportable ang pakiramdam niya.

            "Two hours na lang, birthday mo na. Gusto mo mag-count down?"

            Napatingin siya sa suot na wristwatch. "Oo nga, ano? Well, I don't do count downs. Matutulog na 'ko pagkatapos nating maglakad."

            "Hindi mo hinihintay ang birthday mo? Aren't you excited? Once a year lang dumadating ang araw mo."

            "Magigising naman ako bukas. Bakit kailangan ko pang maghintay hanggang mamaya?"

            Natawa ito. "May issue ka rin sa paghihintay, ano? Sabagay, mayaman ka. Maraming bagay na hindi mo kailangang hintayin para mapasa'yo."

            She just shrugged. "Ikaw ba? Nagka-countdown ka kapag dumadating ang birthday mo?"

            "Oo. Masaya kaya. When the clock strikes twelve, araw ko na iyon. It's something that I'm thankful for."

            He swayed their clasped hands. "Misis?"

            "Yes?"

            "Kung hindi ka pala talaga man-hater... bakit ayaw mo sa mga lalaki? May nagawa ba ang mga lalaki sa'yo kaya ka ganyan? Naloko ka ba dati?"

Umiling siya at nilayo ang tingin rito. Tumingin siya sa madilim na dagat na kalmado. "Kaya ko nasabunutan si Lavender noon sa mall kasi natamaan ako sa mga sinabi niya."

            "Ano bang sabi niya?"

            Oras na siguro para mag-share pa siya sa asawa ng mga bagay na matagal niyang kinikipkip at kahit isa ay wala siyang pinagsabihan.

"Ayoko sa mga lalaki kasi... as I grow up, nakita ko kung gaanong bigyan sila ng atensyon ni Mommy. Yung mga boyfriends niya, sobrang pampered niya. Kahit wala nang oras sa'kin ang Mommy ko at naalala niya lang yata ako kapag wala siyang boyfriend, masaya naman ako kapag masaya siya...Naiinggit ako sa mga lalaki kasi may oras sa kanila si Mommy..." Nakagat niya ang mga labi nang nagbadyang tumulo ang mga luha niya. She hates crying. Ugh!

"N-Nagagalit din ako kapag... k-kapag hinihiwalayan nila si Mommy. Tapos makikita ko siyang umiiyak. Naiinis ako sa mga naging boyfriends niya kasi sinayang nila ang love and time ng Mommy ko. Eh, buti nga sila, naramdaman nila iyon sa Mommy ko, tapos sasaktan lang nila siya? K-Kaya ayoko sa mga lalaki, eh. Naiinggit ako kasi sila lang nagpapasaya sa Mommy ko, sinasaktan pa nila..." Napasinghot siya. "K-Kung ako na lang ang binigyan ni Mommy ng time and love, I'll assure her na hindi ko siya sasaktan. But maybe, being a child out of wedlock, I'm never enough to make her h-happy..."

Iyon ang pinakatatagu-tago niya. Na ayaw niyang aminin kahit kanino. Na naiinggit siya sa mga lalaki... na ang katotohanan na hindi niya mapapasaya ang Mommy niya, dahil anak lang siya nito sa lalaking hindi ito nagawang panagutan.

It was never easy growing up for Sapphire. Ayaw niyang magalit sa Mommy niya kahit wala itong laging oras sa kanya pero sa boyfriend nito ay mayroon. Ayaw niyang magalit sa Mommy niya, because, she's still her mom and her Lola told her that she must love her mother no matter what.

And she loves her. Kaya ang hatred niya, napunta na lang sa mga lalaki para hindi siya magtanim ng sama ng loob sa nanay niya. Kasi ayaw niya. "S-Someday, when my mom's youth and beauty was gone, it's me who can only love her truly and unconditional. I wanted to save that love, Johann...  I can never hate my mom. So, I hated guys, instead."

Hindi niya namalayang naiyak na siya. Nanlabo na lang ang paningin niya at sunud-sunod na sa pagtulo ang mga luha niya.

Tumigil sa paglalakad si Johann kaya napatigil rin siya. Ayaw niyang humarap rito dahil ayaw niyang makita nito na umiiyak siya.

"Sapphire..."

Napapikit siya at awtomatikong napalingon rito. It's in the way that he called her name kaya hindi niya napigilang humarap rito.

He gently cupped her face and wiped her tears away. Hindi ito nagsalita. Walang pagpapatawa o pagko-comfort na ginawa. Tahimik na pinalis nito ang mga luha niya.

Pagkuwa'y bumaba ang braso nito sa baywang niya at kinabig siya palapit rito. Dinala nito ang ulo niya sa dibdib nito at mas niyakap siya nang mahigpit.

Lalo tuloy siyang napaiyak. Yumakap na rin siya sa baywang nito at mas sinubsob ang mukha sa dibdibd nito.

Hinagod-hagod nito ang likod niya. "Iiyak mo lang. Matagal mo ring kinipkip iyan."

Mas napahigpit ang yakap niya rito. And that's all she needed for the past years that she kept everything to herself. Kahit sa Lola niya, hindi niya nagawang umiyak ng ganoon noong nabubuhay pa ito. Iyon lang ang kailangan niya.

Ang may maiyakan at walang pipigil sa kanya. Good thing, Johann didn't try to stop her from crying. Tahimik lang ito. Nakayakap sa kanya. Dinadamayan siya. Lagi nitong alam kung anong tamang gawin.

Indeed, he's really a friend.

"Naniniwala ako na mare-realize din ng Mommy mo na ikaw lang ang kailangan niya para maging masaya talaga siya," sabi nito pagkaraan ng mahabang oras ng katahimikan at pag-iyak niya.

"She wants a happily ever after."

"You are her happily ever after, Misis. Kasi anak ka niya. At ikaw lang rin ang magmamahal sa kanya kahit ano pa ang mangyari. Bonus pa, darating din isang araw iyong tao na magpaparamdam sa'yo na ikaw lang, sapat na para sa buong buhay niya." Naramdaman niya ang paghagod nito sa buhok niya. "Sa huli, maghihintay lang talaga tayo. Everything will fall into their proper places at the right time. Maniwala ka. English iyon."

Natawa siya kahit umiiyak pa. "Johann naman, eh..."

He lighlty chuckled and hugged her tight. "Hay, ang misis ko, ang ganda pa rin kahit umiiyak." Hinalikan pa siya nito sa bumbunan. "Pero hanga ako sa'yo. Dakila ang pagmamahal mo para sa iyong hot Mommy."

Hinampas niya ito sa dibdib.

"Pero mas hot ka pa rin. Selosa ka naman."

Pinalis niya na ang mga luha at lumayo na rito. Napakunot ang noo niya nang hubarin nito ang shirt.

"Ang lakas ng loob mo na maghubad ngayon, ah! Porke't wala na mga pinsan mo."

Natawa ito. "May mga bagay talagang dapat alam mo kung kailan ilalabas at itatago lang."

Napatili siya nang bigla siyang buhatin nito. He scooped her up and ran towards the sea.

"No! Ayokong mag-swimming!"

Pero lumubog na ito sa tubig kasama siya. Sobrang lamig ng tubig na parang maninigas na siya! Napatili siya ng malakas dahil sa sobrang lamig at saka napayapos ng mahigpit sa leeg nito. "Ang lamig!"

"Sige, yakap ka lang, Misis. Ako nama'y hindi tumatanggi sa body heat."

Napalayo siya rito at sinabuyan niya ito ng tubig. Gumanti ito. Aahon sana siya pero hinahabol siya nito at hinuhuli sa baywang. Ang nangyari, kahit mukhang maninigas na sila sa sobrang lamig ay patuloy pa rin sila sa dagat at nagkukulitan.

Tanging mga tawanan nila ang naririnig sa buong katahimikan ng gabi at ng dagat.

***

"HAPPY BIRTHDAY, Misis!"

            Pagkalabas na pagkalabas pa lang ni Sapphire nang banyo ay sinalubong niya na ito ng yakap. Katatapos lang nilang magswimming sa ice-cold na dagat at nakabanlaw na sila pareho.

            "Ang bango mo naman," puri niya sa asawa. "Pa-kiss nga."

            Hinilamos nito ang kamay sa mukha niya. "Tumigil ka nga, Mister," natatawang sabi nito. "Inaantok na 'ko. Mamayang umaga na lang tayo mag-celebrate."

            Pero humanap siya ng tiyempo at saka ito mabilis na hinalikan sa pisngi. Hindi naman ito umangal.

            Napangiti siya. Natutuwa siya na lumalambot na ang puso ni Sapphire. Pinagkakatiwalaan na siya nito at nakapag-open up pa ito kanina sa kanya. Para siguro sa isang lalaki, napakasarap sa pakiramdam na napagkakatiwalaan siya.

            At sa narinig niyang istorya ng misis niya, sisiguraduhin niyang hinding-hindi masisira ang tiwala nito sa kanya. Iingatan niya iyon katulad ng pag-iingat na ginagawa niya rito habang mag-asawa pa sila.

            Nagpatuyo lang ito ng buhok at maya-maya pa'y mabilis na itong nakatulog. Masyado nga atang napagod.

            Kinumutan niya ito ng maayos at saka maingat na hinalikan sa noo. Tinitigan niya pa ito at natagpuan na lang niya ang sariling napapangiti.

            "Baliw na ata ako," bulong niya sa sarili at saka napailing-iling. Lumabas siya sandali ng kuwarto at saka nag-check ng mga "kinulong" nila.

            Nang dumaan siya sa kuwarto ni Ramses, nakarinig pa siya ng mga pag-uusap. Pagkarating sa kuwarto ni Reynald, ganoon rin. Pero kay Gideon, tahimik na ang loob nang ilapat niya tainga sa pinto.

            Nagkibit-balikat na lang siya. Napahikab na rin siya maya-maya at pabalik na sana ng kuwarto nang may makita siyang pigura na nakatayo sa may verandah na nasa dulo ng hallway ng second floor.

            "Kuya Bari?" untag niya sa pinsan nang lapitan niya ito.

            Nilingon siya nito. May hawak itong isang mug ng kape.

            "Bakit gising ka pa?"

            "Thinking about things," seryosong sagot nito. "Tulog na si Sapphire?"

            Tumango siya. Pero sa isip-isip niya ay ang weird talaga ng pinsan niyang 'to. Buong araw ba naman na hindi nakisaya sa kanila? "Matutulog na rin nga ako. Nakakapagod ngayong araw. Sige, una na 'ko."

            "Johann," tawag nito sa kanya.

            Napalingon siya rito.

            "Nakita 'kong masaya kayo ni Sapphire kanina. Mukha ngang napapalambot mo ang puso niya."

            "Well, pogi powers," pakuwelang sabi niya.

            "Do you like her?"

            "Oo!" matapat niyang sabi. Bakit niya pa itatanggi, eh, may gusto naman na talaga siya sa asawa?

            "Just don't lead her on if you're not ready to fully love her yet."

            Napakunot-noo siya. "A-Anong ibig mong sabihin?"

            Umangat ang gilid ng labi nito. "You still love Czarina, right?"

            Natigilan siya nang marinig ang pangalan ng babae.

            "You're still hurting."

            Napaiwas siya ng tingin rito.

            "Huwag mong gawing panakip-butas si Sapphire kung gusto mong makalimutan si Czarina. Don't ever confuse your feelings. Because when the day comes that Sapphire loves you and you think you love her, too, magkakagulo kapag bumalik si Czarina. Magugulo ka kapag nakita mo siya isang araw sa harap mo. Tama ba?"

            Hindi siya makasagot. Ngunit sa loob niya, alam niyang tama ang sinabi ng pinsan.

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 111K 32
COMPLETED || General Fiction || Light Romance || Mature Cover by: xxsleep_addictxx -- WARNING! TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS ARE PRESENT IN THIS STOR...
662 57 29
"Walang istorya ang hindi nagtatapos. Kaya bibigyan ko ng wakas ang ating pagmamahalan. Masayang wakas." Matalik na kaibigan, iyan si Dion Felix Rom...
2.3M 21.3K 11
1st installment of The Manila Lady-Killers. What will happen when the Spoiled Heiress meets the Bastard of Disaster? Dylan Romero, also known as t...
684K 15.4K 23
Nagsimula ang alitan dahil lamang sa pagnakaw ng isang titulo. Kailangan pa paibigin ang nag-iisang tagapag-mana ng Dela Vega Empire, para lamang mab...