The Friendly Wedding (Season...

By FGirlWriter

11.9M 283K 42.4K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... More

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Thirteen

197K 5K 380
By FGirlWriter

CHAPTER THIRTEEN

MATAAS na ang sikat ng araw sa hapong iyon pero walang nakapigil kay Sapphire para ayain ang mga kasamang mag-swimming.

Ang boring kasi sa loob ng bahay at halatang nagpapaka-busy lang iba para may maiwasan.

"Ang wrong timing mo naman mag-aya ng swimming, Misis. Tirik na tirik ang araw." Binuksan nito ang dalang payong at ipinayong nito iyon sa kanilang dalawa.

"Can't you feel the tension inside the house? At saka yung mga pinsan ko, hindi pa maglalabasan ng kuwarto kung hindi ko inaya."

"Kaso, sa tingin mo sino ang magsi-swimming? Lahat nagtatago sa ilalim ng beach umbrella. Tignan mo." Itinuro nito ang mga tao na may kanya-kanya pa ring business habang

Sina Lavender, Crystal Jane, at Haley ay "abala" sa cellphones ng mga ito. Sama-sama ang tatlo sa iisang beach umbrella. Habang si Charlie naman ay nakikipagkuwentuhan kay Ramses na parang walang choice kundi makinig sa kalokohan ng pinsan. Reynald was busy taking pictures while Gideon was reading a book.

Wala si Ibarra. Nagpaiwan sa beach house dahil mas gusto daw nitong matulog.

Napabuga siya ng hangin. "Ang boring kasi sa loob ng bahay, eh."

"Mag pa-games tayo, gusto mo?"

Napasimangot siya. "What is this? A children's party?"

"Nagsa-suggest lang, Misis. Saka ano naman kung maglaro? Bakit, bata lang ba ang naglalaro?"

Umiling lang siya. "Hindi pa ba natin gagawin ang plano natin?"

Umiling ito. "Mamayang gabi na pagtapos ng hapunan. Kakausapin ko rin si Charlie at Kuya Bari para may kakampi pa tayong iba. Ikukulong lang naman natin sila sa tig-iisang kuwarto."

Tumingin siya sa dagat. Parang ang sarap talagang lumangoy ngunit baka naman magka-sunburn siya kahit pa maglagay siya ng sunblock kapag lumusong siya habang tirik na tirik ang araw.

"Mister."

"O?"

"Di ba, close ka kay Lord? Can you ask na magtago na lang yung sun behind the clouds? Para kumulimlim and so we can take a swim?"

"Aba matindi. Ikaw, try mong magdasal. Baka dinggin ka. Birthday mo naman."

Lumabi siya. "Sabay na lang tayo."

"Duet pa gusto mo?"

"Ewan ko sa'yo. Ako na lang nga." Alam naman ni Sapphire na napaka-imposible na kumulimlim ng kahit kaunti dahil sa sobrang taas ng araw. Pero wala namang mawawala kung susubukan niyang magdasal, hindi ba? Lalo na, gustung-gusto niya na talagang mag-swimming.

Pinikit niya ang mga mata, tumingala, at pinagsalikop ang mga kamay. "Lord, can you take the sun away? Just a little bit? Pakitago po muna sa likod ng mga ulap. Gusto ko po mag-swimming para makapag-swimming na rin po ang ibang tao. Please?"

She heard Johann chuckled.

Napadilat siya at napatingin rito. "What? Am I doing it wrong?"

Pinigil nito ang pagtawa. Ngumiti lang ito at saka umiling. "Sige lang. Continue. Close your eyes and pray."

Inulit niya nga ang pagdadasal. Mas pinikit niya ng mariin ang mga mata at mas pinagsalikop ang mga kamay. Napaka-imposible talaga na magtago ang araw, pero sinubukan niya pa rin. "Lord God, sige na po. Pang-birthday niyo na lang sa'kin. Please?"

Unti-unti siyang napadilat. At tirik na titik pa rin ang araw. Nalaglag ang mga balikat niya at napalingon sa asawa. Napataas ang kilay niya nang makitang titig na titig ito sa kanya.

"Problem?"

Napakurap ito. "H-ha?" tila wala sa sariling sambit nito.

"Why are you staring at me?" Nagtatakang wika niya.

Kumurap ulit ito pero maya-maya'y sumilay ang mga ngiti sa mga labi. "Tinatanong pa ba iyan?"

Lalo siyang napakunot-noo. "Is there something wrong with my face?"

Hindi ito sumagot pero ilang saglit pa ay ngumiti ito mag-isa at saka napa-iling iling. "Nevermind. Ano nang nangyari sa dasal mo?"

"I guess, busy pa si Lord. Hindi niya ko agad ma-a-accommodate."

"Kapag tinawag mo Siya, He'll never be too busy to listen to you."

"Eh bakit ang araw pa ri—" Natigilan si Sapphire at biglang napatingala nang lumilim at nawala ang mataas na sikat ng araw. Hindi naman maitim ang ulap kaya hindi naman mukhang uulan.

"Sabi sa'yo, eh. Nakikinig si Lord."

Hindi makapaniwalang napatingin siya kay Johann. Pagkuwa'y napatili sa saya! "Guys and girls! Wala na'ng sun! We can swim na!"

Napatayo si Haley at napatingala. "Oh! Wala na nga! Come on, girls! Let's take a deep!"

Ibinaba ng mga ito ang kanya kanyang cellphones at saka nagtakbuhan sa dagat. Walang pag-aalinlangan na hinubad ng mga ito ang suot na cover ups. Bumalandra ang magagandang katawan ng mga pinsan niya na naka-two piece swimsuit lahat. Masayang lumusong ang mga ito sa tubig.

Napasipol si Johann. "Ikaw ba, Misis, eh, naka-two piece din? Aba eh, hubad na!" Tiniklop na nito ang payong.

Inirapan niya lang ito.

Naka-two piece din nga siya pero parang bigla siyang nahiya na hubarin ang cover up niya dahil rito. Ewan niya ba. Maganda rin naman ang katawan niya. Pero mas magaganda ang katawan ng mga pinsan niya.

Pare-parehas lang naman silang magpipinsan ng wellness at training program na kinukuha. Kaya nga nagtataka siya kung bakit mas maganda ang katawan ng mga ito. Pati ang mga balat ay kakaiba ang glow.

"Sus! Nahiya ka pa sa'kin. Sige na, mag-swimming ka na. Pinagdasal mo iyan, o!"

"Bakit ba minamadali mo 'ko? Gusto mo lang ata makitang naka-two piece ako, eh!"

He chuckled. "Medyo."

Nakatikim ito ng hampas sa kanya.

"Eh, ano namang masamang makita na naka-two piece ka? Asawa mo naman ako. Kaibigan pa! Walang malisya, p're! Sige na, mag-swimming ka na. Enjoy na enjoy na mga pinsan mo, o. Join the fun."

Tinulak pa siya nito papunta sa dagat.

Sa huli, tinanggal niya na lang rin ang cover up at inalis na lang ang hiya. Bakit nga naman siya mahihiya rito?

Pagkatapos niya maghuhad ay napatunganga ito sa kanya.

Malakas siyang natawa. "Speechless?" tukso niya rito. Nilagay niya pa ang mga kamay sa magkabilang baywang.

"Ooh-la-la."

Napangisi lang siya at saka binato sa mukha nito ang cover up na hinubad. Pagkuway tumakbo na siya sa dagat at nakisali sa mga pinsan niya.

She felt so happy. God is indeed listening. In her mind, she thanked Him for letting the sun go. Hindi niya alam kung paanong nangyaring nawala ang katirikan ng araw. Basta nakakapagtampisaw siya ngayon.

"Nakakainggit naman sila. Let's have a swim, too!" aya ni Charlie sa mga pinsan nito. Tumakbo ito palapit sa shore at saka naghubad ng sando.

Lo and behold, ang makulit na si Charlie ay may tinatago pa lang abs! Hindi ito nahuhuli sa mga nakikita niyang male models sa isang fashion magazine.

Sumunod na rin si Gideon, Ramses, at Reynald. And when they took off their shirts... Oh my. Hindi rin papahuli ang mga katawan ng mga ito kay Charlie.

They are hunks, for crying out loud!

Paglingon niya sa mga pinsan niya ay napatunganga na lang ang mga ito. Siya naman ay napailing-iling. Buti na lang at hindi siya nagmumukhang ewan kapag nakakakita ng katawan ng lalaki. Oo, maganda ang mga katawan ng mga ito at halatang maintained. Pero hindi naman siya kahit kailan nabighani sa abs.

Panukso niya lang iyon kay Johann para naaasar ito. Speaking of Johann...

"Mister!" tawag niya rito. Nakatayo lang ito sa malapit sa dagat habang pinapanood sila.

"Bakit?"

"Take a swim, too! Malamig ang tubig."

"Ah, okay lang ako," tanggi nito. "Hindi naman ako mahilig lumangoy."

Napataas ang kilay niya at umahon siya. Mapanuksong ngumiti siya habang papalapit kay Johann. "Ang sabihin mo, ayaw mo lang maghubad. Ang lakas ng loob mong mag-topless sa bahay, ah! Pero dito, bakit ayaw mo?" Nilingon niya ang mga pinsan nito. "Intimidated?"

"Ako? Intimidated? Saan?"

"May abs sila."

Natawa siya nang malukot ang mukha nito.

"Ang saya mo, ah. Sige lang, tawa ka lang," asar na sabi nito.

Lalo siyang natawa at hinila ang shirt nito. "Take it off!"

Lumayo ito sa kanya. "Gusto mo talagang mukhang kawawa ako, eh 'no?"

Lalo siyang natawa at mas hinila pa ang damit nito. "Hubad na, Mister. Take it off! Take it off!"

"Misis, ano ba? Huwag mo kong ipahiya ng ganito. Porke't wala akong abs, inaapi mo na'ko."

"Take it off! Take it off!" she cheered.

"Tsk. Bumalik ka na nga sa dagat. Ibabato kita dun, sige!"

Mas lumapit siya rito at pabirong hinuhubad ang shirt nito. "Sige na! Show off your body, too!"

"Tsk! Lumapit ka pa, lagot ka talaga sa'kin."

Ngunit nagpatuloy pa si Sapphire na mahubad ang shirt nito. "Show them your 'abs', Mister."

"Iyan tayo, eh. Gusto mo talaga akong mapahiya. Huwag mo ko hubaran! Ah! Rape! Rape!"

Napasinghap siya. "Ang kapal talaga ng mukha mo!"

Ito naman ang malakas na natawa. Hinuli nito ang mga kamay niya at nilayo nito sa shirt. "Huwag mo kasi akong piliting maghubad. Wala talaga akong abs, oo na. Wala na kong panama sa mga pinsan ko. Huwag mo nang pagduldulan, okay?"

She chuckled. "You know, hindi ka naman mukhang kawawa. Ano naman kung wala kang abs? You're pogi pa rin naman."

Nanlaki ang mga mata nito. "Misis?" Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi, "Misis, ikaw ba iyan? Sinasabihan mo kong pogi? Ikaw ba talaga ang misis ko? Ilabas mo, Misis ko! Ilabas mo!"

"Ha-ha! You're not funny." Tinanggal niya ang mga kamay nito sa mukha niya. Tinalikuran niya na ito. "Kung ayaw mo mag-swimming, eh di huwag."

Bumalik na siya sa dagat at nakisaya sa mga pinsan niya. Magkalayo ang grupo nila sa mga grupo ng mga lalaki. At pabor na pabor yata iyon sa magkabilang partido kaya hinayaan na lang ni Sapphire.

Tinignan niya ang puwesto na pinag-iwanan niya kay Johann. Wala na ito doon. Baka pumasok na ng beach house.

Sayang.

Aaminin niya, inaasar lang naman niya ito dahil obviously, hindi ito kasing-"hunk" katulad ng mga pinsan nito. But deep inside, she wanted him to join her to swim. Para may kakulitan siya. When Johann's around, it's simply fun.

At totoo naman ang sinabi niya. Kahit hirap siyang sabihin, sinabihan niya itong "pogi" because he's really good looking even without abs or a great body.

She never praised a man and told them their handsome. But Johann will always be an exception.

***

"WHERE are we going?" tanong ni Haley kay Sapphire.

            Katatapos lang nilang maghapunan at nagsimula na silang kumilos ni Johann. Kinasabwat na rin nila si Charlie para tulungan sila.

            "Haley, sa tingin ko, dapat mo nang tigilan ang kakatukso kay Gideon. Dapat tuldukan niyo na ang issues niyong dalawa. May girlfriend na siya kaya. Tigil-tigilan mo na rin ang kalalapit sa kanya."

            "FYI, hindi ako ang lumalapit sa kanya. At imposibleng magka-closure pa kami dahil kapag nag-uusap kami, mainit agad dugo niya sa'kin. It's either he walks away, I walk away, or we end up making out."

            Gulat na napalingon siya rito. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "W-What? Ikaw, Haley, ikaw ang pinakabata sa'tin but it does not mean na hindi mo na alam ang tama at mali. Nakikipag-make out ka sa may girlfriend na? Ano ka ba? Sinusundan mo ba ang mga yapak ni Lavender? Gusto mo maging girlfriend number two?"

            Haley rolled her eyes. "As if gagawin pa 'kong girlfriend number two ni Gideon."

            "At gusto mo pa yata." Biglang natigil sa paglalakad si Sapphire. Bigla siyang nag-alinlangan na ikulong ito sa iisang kuwarto kasama si Gideon. Baka mamaya, imbes na magkaayos ang mga ito ay ibang milagro ang mangyari.

            Napailing si Haley. "Hindi na kami magkakaayos ni Gideon. Nadala na siya sa ginawa kong kalokohan last year. He'll never listen to me, again, or trust everything I say." Lumungkot ang mga ito at saka tumalikod.

            Napabuga siya ng hangin. Kung itutuloy niya ang plano, malaki ang tsansa na makinig na si Gideon sa pinsan niya. But... will she take the risk, lalo na at hindi lang simpleng tensyon ang namamagitan sa dalawa?

            "Haley," tawag niya sabay hila sa kamay nito. "Maybe this should be a lesson that never fall in love again with a guy who's twelve years older than you."

            "Yeah, right."

            Mas hinila niya ang kamay nito at pumunta na siya sa tapat ng kuwarto na nilaan kay Gideon.

            "What are you doing, Sapphire? At saka nasaan ba kasi sina Lavender at Crystal Jane. Ang usapan, magna-night swimming kami sa pool."

            "Kapag ba nakulong ka sa isang kuwarto kasama si Gideon, magpa-promise ka ba na... walang ibang mangyayari sa inyo like... you know...?"

            Kumunot ang noo nito. "Bakit naman kami makukulong sa isang kuwarto?"

            "It's a hypotetical question. Ano na?"

            "Walang mangyayari sa'min. Baka hindi pa kami magpansinan."

            Napangiwi siya. "But you'll try to talk to him? Without making out?"

            Mapaklang natawa ito. "Lasing lang kami noon kaya kami nag-make out. If he was in his right mind, hindi niya gagawin iyon."

            "But you want to have a closure, right?"

            Nagkibit-balikat ito. "Yeah. Kind of."

            That fueled Sapphire's desire to continue her plan. "Pasok ka diyan," sabay turo niya sa pinto. "Nandyan sina Lavender."

            Pumasok nga ito.

            "Ahm, Saphi, sure ka na nandito sila? May damit ng panlalaki ri—hey!"

            Tinulak niya ito ng malakas papasok sa kuwarto at saka mabilis na kinabig pasara ang pintuan at ni-lock iyon sa labas.

            "Saphi! Saphi! Open the door!" tili ni Haley mula sa loob. "Saphi! This is not funny!"

            Nakita niya si Johann na palapit sa kanya.

            "Saphi, I'm gonna kill you!" banta pa ni Haley na ikinangiwi niya.

            "Iyan din ang sabi sa'kin ni Lavender. Papatayin niya daw ako kapag nakalabas siya," natatawang sabi ni Johann.

            "Okay na ba si Lavender?"

            "Oo. Kasama na siya ni Reynald ngayon. Sabi naman ni Charlie, kasama na ni Crystal Jane si Ramses. So... meron sila hanggang 3 AM bukas para magkaroon ng closure. Hopefully."

            Biglang tumahimik sa kakasigaw si Haley. Sabay pa sila ni Johann na napadikit ang mga tainga sa pintuan.

            "What are you doing here?" narinig nilang tanong ni Gideon kay Haley.

            "I wish I know why. Kinulong ako rito ng pinsan ko! Kasabwat ka ba rito?"

            "Me? Nanahimik ako dito. Kita mo namang kaliligo ko lang."

            Nilayo na nila ang mga tainga nang mag-away na ang mga ito.

            "Sa tingin mo, magkakaayos sila?"

            "Magkakausap din nang matino iyang dalawa. Buong magdamag ba naman sila diyan. Dapat makapag-usap na sila. Ito pala iyong susi sa kuwarto nina Reynald at Ramses."

            Kinuha niya ang binigay nito at itinago iyon sa bulsa niya. "I hope this would be really successful, dahil kung hindi, patay tayong dalawa."

            "Eh di, kitakits na lang sa heaven, Misis," natatawang sabi nito.

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 73.4K 21
Ang pagpasok ba sa isang tago at bawal na relasyon ay kayang tumbasan ang lahat ng prinsipyong itinapon ni Lavender para lang kay Reynald? Is this t...
1.7K 237 9
Transferring to several schools because of his family's business and getting adored by random strangers for his handsome Westerner features, Jonas St...
2.3M 21.3K 11
1st installment of The Manila Lady-Killers. What will happen when the Spoiled Heiress meets the Bastard of Disaster? Dylan Romero, also known as t...
49.1K 3.5K 30
ALABANG GIRLS SERIES #5 Shin Yu, the youngest daughter of a wealthy but dangerous Chinese family, lives in a different world inside her mind. After d...