100 Steps To His Heart [Publi...

By Girlinlove

28.2M 300K 100K

Now a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng m... More

[PROLOGUE] 100 Steps To His Heart
[1] Meeting Venice and the TRES GWAPITOS <3
[2] The planner
[3] LRT + Party = Confession?!
[4A] First lunch.
[4B] Nosebleed. Literally.
[5A] First REAL Conversation!
[5B] Key chain.. To His heart and my happiness?
[6A] What the freak is "DIZZY" + Field Moments <3
[6B] Iba talaga ang kamandag ng isang Bryle Ortega. <3
[7] Meeting Kuya Nathan + Bryle's Game + Date sa Kikiam-an?!
[7B] Mga kaganapan sa tindahan ni Aling Bibyan + Carlos Miguel
[7C] Wala na. Inlove na. at WALA NA DIN ANG PLANNER OMG!
[8] Magbabati kaya kami? Mukhang malabo.
[8B] Uyyy bati na kami :">
[9] Palengke date with the guy of my dreams. <3
[10] First hug! >:D< At first... OMG!
[11] Patay, nabuking ni Loyola! At ang kapalit? Goodluck!
[11B] Ang alamat ni Enzo at ang pagpapahirap ni Mico!
[12] Ang nosebleed na away ni Enzo at Mico
[12B] Challenge pala ah. Tingnan natin!
[13] Confrontations + Bawian :">
[14] MALIGAW SA GUBAT? Thank you, Lord!
[14B] Stuck sa gubat: Mico+Hope+Enzo = 20 Questions
[15] Bonding sa gubat kasama ang Tres Gwapitos!
[16] Heart to Heart talk namin ni Bryle.
[17] Bryle and Venice. Ang mag EX.
[18] GIRLINLOVE UNIVERSITY INTRAMURALS.... Na napadpad sa Quiapo.
[19] Ang text na may emoticon at ang text na wala. :|
[20] MVP ang Section F!
[21] Saving the dolphins. At right decision ba na iniwan ko siya?
[22] Unang dinner ni Mico sa bahay ko.
[23] I'm ending our Master-Slave relationship.
[24] Tita Mindy?! Mico's family, and his realizations?
[25] Miss Red Umbrella <3
[26] Dare, double dare.
[27] August 28, 2013 Enzo Miguel Gutierrez' Birthday
[28] Pag may nawawala, may natatagpuan.
[29] Bryle the Bestfriend? The Reunion ng Tres Gwapitos
[30] Tres Chikas is back!
[31] First Date. First Fight.
[32] Tita's despedida party.
[33 Part 1] Ang clingy ni Mico at badtrip si Enzo. Sinong pipiliin. Bow.
[33 Part 2] A night in jail.
[34] Wrong First Impression
[35] Dance and Kiss under the rain.
[36] Why is there only one Bryle Ortega?
[37] Tres Gwapitos' Day
[38] Pwede ba kitang ligawan?
[39] Hello, Eula
[40] OPLAN pagbatiin si Eula at Enzo. Anong nangyari MICO?
[41] Confessions.
[42] Bati na tayo, Mico.
[43] The PLANNER
[43] Hidden Feelings
[44] Ang pagamin ni Michael Ortiz
[45] We're back to being 'NOTHING' // Closure
[46] Venice' Birthday Part 1
[48] Happy New Year, Hope Yazon!
[49.1] Training Camp
[49.2] Muling ibalik? Kung may ibabalik...
[49.3] Secret Angel, don't make me fall for you... again.
[49.4] 'Designing'
[49.5] He's Back...
[50] #100STHHSunset
[51] #100STHHValentinesBall
[52.1] #100STHHJealousGuy
[52.2] #100STHHHisPOV
[53] #100STHHUntoldSecrets
[53.2] #100STHHHisMessages
[54] #100STHHSecondChances
55 #100STHHEulasLetter
[56] #100STHHARVD
[57] #100STHHAlmostForever
[58] #100STHHSGOLs
[59.1] #100STHHMeetTheParents
[59.2] #100STHHTheKaribal
[60] #100STHHLigawan
[61] #100STHHTheTask
[62] #100STHHTheOtherSideOfHim
[63] #100STHHCEBUtifulLove
[64] #100STHHOneBigFIGHT
[65] #100STHHGalawangGutierrez
[66] #100STHHDiLangIkaw
[68] #100STHHTheFirstTime
[68] #100STHHTeamAF
[69] #100STHHGraduationDay
[70] #100STHHTheBrokenHeartedOne
[71] #100STHHOneLastTRY
[72] #100STHHHulingHiling
[73] #100STHHLastFavor
[74] #100STHHWeddingMarch
[75] #100STHHGoodbye
[END] #100STHHEpilogue
Announcement

[47] Venice' Birthday Part 2

143K 3.3K 1.9K
By Girlinlove

Chapter 47

Hope’s POV

         Lumabas kami nina Chelsea at Venice. Paglabas namin yung mga boys nagagawa ng bonfire tapos nakita naming inaasar nila si Miks. Tungkol ata sa pagiging lalaki niya. Nangunguna si Mico na pinapahawakan ang abs niya, test daw kay Miks. Napahawak na lang ako sa ulo ko, namiss ko yung ganito. Yung walang gulo, walang pagkaawkward, barkada lang.

Ito ang mahirap kapag nainlove ka sa kabarkada eh, maapektuhan talaga ang barkada niyo kapag may nangyari sa inyo. Masaya kasi parehas lang kayo ng friends, pero kapag nagaway o nagbreak, kanya kanyang side na yung barkada, kaya pati yung barkada mahahati.

Tinulak ako ni Chelsea at Venice, ibig sabihin kausapin ko si Miks o si Mico. Pasaway talaga ‘tong dalawang ‘to, pero masaya ako kasi may nakakausap na ako, may nakakaintindi sa akin.

Kaya lumapit ako kay Miks. Nabigla siya sa paglapit ko sa kanya.

“Hi.” Sabi ko, nakita ko namang namula siya.

“Hi.” Sabi niya. Ang lalaki ng boses niya, ang seryoso niya. Tanda niyo ba noong naglaro siya ng football laban sa Section A dati? Ganoon siya ngayon. Ang gwapo. Wow. Turn ko namang magblush.

Naupo kami sa sand, sa may tabi ng bonfire malapit sa dagat. Walang lumalapit sa amin, siguro nasabihan na ni Chelsea at ni Venice na maguusap kami.

“Kamusta ka na?” tanong niya.

“Ito, namiss ka.” Sabi ko sakanya tapos bigla niya akong niyakap. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong namula at mga 5 seconds pa bago ko maibalik yung yakap niya. Ang bango ni Miks.

Noong inalis niya ang yakap niya nagkatitigan lang kami tapos sabay kaming tumingin sa magkabilang direksyon.

“Hope/Miks.” Sabay naming sinabi at napatingin na naman kami sa magkabilang direksyon. Bakit ganito?! Bakit ako nahihiya kay Miks? I mean.. Michael.

Pero ako ang unang lumapit, sige na ako na mauuna.

“Ako na mauuna. Miks o Michael, hindi ko alam ang itatawag ko sa’yo, at kung paano kita itratrato pero bago ang lahat gusto kong magsorry sa ginawa ko noong nagconfess ka. Sobrang heartbroken lang ako noon at sobrang gulo ng isip ko na akala ko ginawa mo lang yun kasi naaawa ka na sa akin at pagod ka ng makinig sa akin at sa mga pagiyak ko kaya sinabi mong… mahal mo ako. Pero, naexplain na sa akin ni Chelsea at sorry kasi mali ako. Sorry.”

Ngumiti lang siya sa akin, nakakainis bakit ang gwapo ni Michael?! Ano ba ‘to?

“Sorry din ah? Kung wrong timing yun. Kung napagulo ko pa yung isip mo, pero ako din kasi naguguluhan pa rin eh. Hindi ko alam kung paano ‘to makakaapekto sa akin, sa’yo, sa atin. Matagal ko na talagang iniisip ‘to. Na baka frustrated lang ako kasi nagkalovelife na si Chelsea noong mga panahon na yun, nagkaroon siya ng Bryle, ikaw naman nagiging close na kay Mico at Enzo tapos ako naiiwan magisa. Pero kahit ideny ko sa sarili ko wala eh, mas nakakafrustrate lang kasi… Kasi may nararamdaman talaga ako sa’yo.”

Nakatango siya habang sinasabi yun, hindi siya makatingin sa akin. Pinipigilan kong matawa kasi alam kong hiyang hiya siya, pero noong medyo sumilip siya sa akin para tingnan ang reaction ko, namula ako. Nakakainis, seryoso bang ganitong kagwapo si Miks? I mean… Alam kong gwapo na siya noon pero…

“Kapag magkasama tayo gusto lang kitang asarin, gusto ko nandiyan ka lang sa tabi ko. Kahit hindi mo nakikitang boyfriend material ako, ayos lang. Kahit bestfriendzoned ako, okay lang. Basta wag ka ng umiwas sa akin please. Basta iacknowledge mo yung feelings ko. Basta wag kang lalayo sa akin, Hope. Please. Dito ka lang sa tabi ko, okay na ako. Kahit hindi mo ako mahalin okay lang. Basta wag mo na akong iwasan, basta walang magbago. Kasi mas nasasaktan ako kasi namimiss na kita. Bruha ka.”

Natawa ako tapos niyakap ko siya.

Siguro nga mahal niya ako na ayos lang sa kanya kahit hindi ko masuklian yung feelings niya, pero naawkward lang naman ako kasi alam kong hindi ko pa kayang ibalik.

“Sorry, Miks. Sorry.”

“Wag kang magsorry. Ang pinakaayaw ko ngayon ay ang maging pabigat sa nararamdaman mo. Alam kong marami ka ng pinagdadaanan.”

“Sorry kasi naiwasan kita. Hindi ko kasi alam kung paano ako makikisama sa’yo. Na kapag nagopen ako kay Enzo, baka masaktan ka. Dahil sa pagamin mo, lagi ko ng icoconsider ang feelings mo gets mo ba? Pakiramdam ko may magiiba. Natatakot ako na masaktan ka.”

“Ayos lang na masaktan ako, basta wag lang may magiba sa atin.”

“Ayun na nga ang problema, ayokong masaktan ka Miks kasi bestfriend kita.”

“Pero mas masasaktan ako kapag may nagbago sa atin dahil sa feelings ko. Mas masasaktan ako kapag umiwas ka kasi hindi mo kayang ibalik ang feelings ko. Mas in your face yun, Hope.”

Napatitig na lang ako sa kanya.

“Pero anong gagawin ko? Hindi na natin kayang bumalik sa dati.”

“Siguro. Kasi iba na ako, iba na ang tingin ko sa’yo. Pero… Ganoon pa rin naman ako. Hindi naman isang gabi o isang linggo o isang buwan lang mababago ko na ang ugali ko eh. Aasarin pa rin kita, nandito lang ako para sa’yo, minsan babalik ako sa dati kasi doon ako sanay. Ang nagbago lang naman yung pagtingin ko sa’yo eh… Na mahalaga ka na sa akin. Mas mahalaga kesa noon.”

Tinitigan niya ako, yung titig na alam mong lalaki na si Miks. Pero… Ito ang pinapangamba ko eh. Paanong may hindi magbabago?

“Pero… Paano ako magoopen sa’yo? Paano kita kukulitin na hindi iniisip kung napapaasa na ba kita? Miks—“

“Wag kang magoverthink. Unti unti lang, Hope. Sa ngayon… nalilito pa rin ako. Hindi pa rin ako sigurado sa feelings ko. Mahalaga ka sa akin, gusto ko nandiyan ka lang sa tabi ko, pero hindi kita pipilitin na mahalin ako. Kung nangangamba kang aasa ako, okay lang, kasi tanggap ko na na kailangan kong maghintay, o kung hindi mo talaga kaya magpaparaya ako. Okay lang sa akin. Basta, ang gusto ko lang talaga, wag kang iiwas sa akin. Wag kang lalayo, kasi malulungkot talaga ako.”

Wag maiilang? Wag lalayo? Siguro kaya ko naman. Siguro kung tungkol kay Enzo, hindi na lang ako magoopen sa kanya. Siguro nga, unti unting babalik din kami sa dati. Siguro nga dapat isa isa lang. Step by step lang.

Hinawakan bigla ni Miks ang mukha ko.

“Namiss kitang bakla ka.” Sinabi niya. Ginulo ko bigla ang buhok niya tapos nagkulitan kami.

Siguro nga… Unti unti, babalik din sa dati.

Buti na lang, buti na lang sumama ako sa trip na ‘to. At least okay na kami ni Miks.

Matapos naming magkulitan, bumalik na kami malapit sa barkada na kumakain naman at sinesetup na yung mga tents. Nagkanya kanya ng tents. Yung tent ko nasa tabi ni Chelsea at Venice.

Matapos kong ayusin ang tent ko bumalik ako sa table kung nasaan ang pagkain. Magkakasama kami lahat doon. Nagkekwentuhan. Parang nawala nga yung issue eh, kasi nagkekwentuhan lang kami, nagtatawanan, nagaasaran. Parang normal na barkada lang. Kaso napansin kong umalis si Enzo tapos naglakad at naupo malapit sa dagat. Ang peaceful tingnan ng likod niya, pati yung buhok niya na dinadala ng hangin.

Hindi ko mapigilang hindi tumingin, hindi ko mapigilang hindi masaktan. Iba pa rin talaga si Enzo. Special pa rin talaga siya. Kahit itago at ioff ko saglit ang feelings ko, babalik at babalik pa rin kapag nandiyan siya.

Ang makitang magisa si Enzo na nakahiwalay sa amin, hindi ko mapigilang hindi mapangiti… Ang weird at introvert na si Enzo bumabalik. Napangiti na lang ako. Mahal ko pa rin siya. Sobra. Pero weird, kasi… Hindi masakit. Hindi masakit ang tingnan siya ngayon. Siguro dahil hindi niya kasama si Eula na nandito kasama namin, at katawanan namin. Mabait talaga si Eula. Sayang.

Nakatitig lang ako kay Enzo noong may makakuha ng attention ko.

May isang babae at isang lalaki sa gilid na magkasama. Gwapo yung lalaki, macho at gwapo talaga. Yung babae naman maikli ang buhok, hindi ko masyado makita ang mukha niya kasi medyo nakagilid siya sa akin. Maya maya binack hug siya nung guy. Medyo lumapit ako sa kanila para marinig ang pinaguusapan nila. Oo chismosa ako. Pero ang cute nila eh. Tsaka walang tao ngayon sa beach kasi malamig kasi magJajanuary na.

Sa paglapit ko medyo narinig ko yung pinaguusapan nila.

"Wala ka kasing jacket. Baka kailangan mo ng hug-et." Sabi ng lalaki kung bakit niya binackhug yung girl.

"Hug-et?" tanong noong babae.

"Hug+Jacket = Hug-et. Psh. Slow." Medyo natawa ako. Ang sungit ni Kuya. Akala ko pa naman sweet siya.

"Bakit ka nandito? Diba tulog ka?" tanong ulit ni girl.

"Oo. Tulog ako. Oo." Natawa ako. Pilosopo ni Kuya! Humarap si girl sa may pwesto ni Kuya kaya nakita kong medyo kumunot ang noo niya at… Ang ganda ni Ate. Wow.

"=___= Ai nako. Kelan ka kakaya titino?" Napatakip ako ng bibig kasi baka maweirduhan sila na tumatawa ako magisa, at ayoko namang ituro yung couple kasi baka makita kami at umalis.

"Siguro kapag pinakasalan mo na ako." Sabi ni guy. Nanaas ang balahibo ko. Ako ang kinilig. Medyo nainggit, pero kinilig. Talagang may mga couple na halos close to perfect. Tingnan mo ‘tong dalawang ‘to, ang saya nila tingnan. Ang perfect. Bagay sila. May pinagdadaanan kaya sila? Nagaaway kaya sila?

"K." Ito lang ang sagot ni Ate. Wow. Kung ako yung sinabihan ni Enzo ng sinabi ni Guy baka halos nagtatatalon na ako.

Medyo natigilan ako sa pagtingin sa dalawa noong iabot sa akin ni Bryle yung barbecue tapos kinulit niya ako kasi daw dapat may kiss yung pagabot na yun. Sinumbong ko na lang kay Venice at piningot siya ni Venice, busy ako tumawa ng mapatingin ulit ako sa couple.

"Why are you looking at me miss?" sabi ni Kuya. Bipolar ba ‘to?!

"Huh? Kean?" Oooh, so Kean pala ang pangalan niya.

"~__^ You know me?" sabi na naman ni… Kean.

"Kean!" tawag ni Ate pero lumayo naman si Kean. Maya maya tumayo na din si Ate. Ang cute niya, bagay lang ang height nila ni Kean. Tapos nagkulitan na sila doon.

-(A/N: Chapter 48 of Three Words, Eight Letters Say it and I’m Yours.)

Natuwa lang ako manuod sa kanila, hanggang sa mamaya inalis na ni Kuya yung t-shirt niya. Napatingin ako sa ibang direksyon, pero sumilip ako ulit. Ay uy, ang macho. Shocks!

Ano ba yan, Hope. Maghunos dili ka Hope, alam kong broken hearted ka pero wag kang maattract sa stranger na may magandang girlfriend. Bagay sila wala kang panama uy. Ang gwapo ni Kean eh, siguro papasa siyang isa sa member ng Tres Gwapitos. Mas mukha pa nga siyang maangas kay Mico eh. Siguro mas matanda sila ng mga 1 or 2 years sa amin. Nakakatuwa. Konting panunuod pa, tinawag ni Kean na Courts yung girl. Courts? Yun ba ang pangalan niya? Ang… weird naman. O baka tawag lang yun ni Kean? Haay. Nageenjoy ako manuod doon sa dalawa. Nawawala yung pagkabitter ko. Yung tipong, buti na lang may mga ganitong couple pa sa mundo.

Nanunuod pa ako ng biglang may humawak ng braso ko, pagtingin ko si Mico.

“Hi.” Sabi niya na medyo nahihiya at naiilang pa. Namiss ko yung childish Mico. Siguro talaga masyado lang ako nakulong sa bubble ko, na ako lang ang importante at ako lang ang nasasaktan.

“Uy.” Sabi ko.

“Usap naman tayo. Baka miss mo na ako eh.” Biro niya. Natawa na lang ako. Kapal din talaga ng mukha nito minsan eh.

Naglakad kami malayo sa barkada, nagtinginan lang si Chelsea at Venice tapos nagtawanan. Ay naku. Kanya kanya sila ng team pero kapag lalapit ako kay Miks at Mico sabay naman silang kikiligin. Pero siguro ginagawa lang nila yun para makamove on na ako kay Enzo.

Naupo si Mico sa may tabi ng dagat. So talagang kapag maguusap ng heart to heart sa tabi ng dagat na malapit sa bonfire? Confession place? Pero siguro para malayo sa maingay na barkada.

Noong maupo kaming dalawa, walang nagsasalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang huling usap naming dalawa ay noong nagbati kami matapos naming magaway dahil winarningnan niya ako tungkol kay Enzo. After noon, yun na yung araw na nalaman ko na niloloko lang ako ni Enzo at hindi ko na siya nakausap. Siguro, dahil nahiya ako na tama siya. Na ginago lang ako ni Enzo.

“How are you?” tanong niya. Mukhang sincere. Pero…

“Alam mo ba kung ilang beses na ang nagtanong sa akin kung okay lang ako? Gusto ko na ngang magsuot ng t-shirt na ‘Hindi ako okay, wag niyo ng itanong.’ Pero alam kong nagaalala lang sila sa akin. Pero… Nakakapagod din na tanungin ka ng tanungin kung okay ka lang. Alam mo yun? Kasi alam mong hindi, at masakit paulit ulitin na hindi ka okay—“

Bigla naman niya akong hinila at niyakap. Nagulat ako.

“Hope, kung hindi mo na kaya hindi mo naman kailangang pilitin. Kung nasasaktan ka umiyak ka. Kung masakit na, ilabas mo. Kung ayaw mo silang makita, wag mong tingnan. Wag mong pahirapan ang sarili mo. Wag mong gawing kumplikado ang nararamdaman mo.”

Hindi ko alam kung bakit pero naiyak na naman ako… Ito na naman yung yakap ni Mico. Yung ang init, ang warm, yung tipong alam mong protektado ka. Tipong kapag niyakap ka niya walang pwedeng mangyari sa’yo.

“Sinusubukan ko naman, Mico. Pero ang hirap umiyak, pagod na ako. Hindi ko alam kung paano ititigil yung sakit, hindi ko alam kung hanggang kailan. Nahihirapan na ako Mico. Sana nakinig na lang ako sa’yo noon. Sana matagal na akong lumayo kay Enzo, pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ko kaya yun kasi mahal ko pa rin talaga siya. Tanga tanga no? Ginago at sinaktan ako pero mahal ko pa rin. Wow. Gomburza.”

Ineexpect ko na tatawanan niya ako o sisigawan o papagalitan pero niyakap niya lang ako.

“Naiintindihan ko na lahat, Hope. Lahat ng sinasabi mo. Na kahit saktan ka ng mahal mo, mahal mo pa rin. Kahit may mahal siyang iba, wala kang magawa kung hindi mahalin pa rin siya hanggang sa ikaw na ang makita niya. Naiintindihan ko na ngayon, Hope.”

Kumawala ako sa yakap at tumingin sa kanya. Nakalimutan kong… Nakalimutan kong mahal din niya ako.

“S—Sorry.” Sabi ko. Pero ngumiti lang si Mico. Sabay sa pagngiti niya, umihip yung hangin kaya nadala ang buhok niya. Napablink ako ng dalawang beses. Ang gwapo. Seryoso ba talagang napapaligiran ako ng maraming gwapong lalaki na mahal ako pero heartbroken ako? Grabe Hope!

Pero… Aanhin mo naman yung mga lalaking mahal ka? Kahit daan daan, libo libo o milyon milyon silang nakapila para sa akin masasaktan at masasaktan pa rin ako kasi yung nagiisang lalaking gusto kong mahalin ako, may mahal na iba.

“Sorry, Mico ah? Iniiwasan kita. Hindi ko kasi alam ang sasabihin sa’yo eh. Ayokong sabihin mo at ipamukha sa akin na tama ka at mali ako. Ayoko ng maalala na tanga ako dahil sa nararamdaman ko.”

Ngumiti lang siya at biglang inayos ang bangs ko. Hindi ko alam pero natigilan ako, pinigilan ko ang paghinga ko at biglang ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit siya ganito? Bakit ang bait niya?

“Kapag hindi mo na kaya, nandito lang ako. Naiintindihan na kita ngayon.”

Napa-oo na lang ako sa kanya, ngumiti na lang siya tapos ginulo niya ang buhok ko.

“Besides, I’m still an option. You know that I love you right?” sabay wink. Napatigil ata yung mundo ko, bumalik na naman yung pamumula ng pisngi ko.

“Ha. Asa ka pa.” biro ko na lang.

“Ayoko ng chinachallenge ako, Hope. Wala akong inaatrasan. Lalo na kapag gusto ko.” Tapos kumindat na naman siya. Ano ba! Tigilan niya nga yan! Parang yung bawat kindat niya dumederetso sa puso ko eh, nakakainis. Bumibilis ang tibok eh!

See. Tingnan niyo nga kung gaano kavulnerable ang puso ko. Isang kindat lang, titibok na. Paano pa kaya yung ginawa ni Enzo sa kanya. Heart, hold on.

“Hindi mo alam kung paano mainlove si Mico Loyola, humanda ka.” At kumindat na naman siya. Ayoko na!!! “Oh saan ka pupunta?” tanong niya.

“Malayo sa’yo.” Sagot ko.

“B-Bakit? Hey, I’m just trying to make you feel better. Don’t leave me. Sorry.” Sabi niya habang hawak ang braso ko dahil pinipigilan niya akong umalis.

“Kindat kasi ng kindat, may makati ba diyan sa mata mo? Akin na alisin natin.”

“Ay oo, meron. Dito, blow mo.” Sabi niya sabay turo sa mata niya. I rolled my eyes, lumapit sa kanya at yung buong kamay ko pinadaan ko sa mukha niya.

“Ayan, blow blow ka pa diyan. Tigilan mo nga yang pagpapacute mo!”

“Bakit? Natatamaan ka ba? Umeepekto ba?” Medyo.

“Asa ka pa ano! Tara na nga doon! Basta, okay na tayo ah?”

“Tayo na?”

“HUH?!” tapos tumawa siya ng malakas. Aba’t ang lokong ‘to nageenjoy sa pagpapacute sa akin. Siguro halatang halata yung pamumula ko. Kahit kelan talaga bully ‘to!

“Sabi ko tayo na?” sabi niya na medyo natatawa tawa pa. Ah ganon ah.

“Bakit gusto mo ba?” Tapos bigla siyang natigilan tapos namula. HA! Ngayon ako naman ang tumawa tapos yung malaki niyang kamay tinakip niya sa mukha ko tapos shinake shake niya. Hindi ko madescribe, basta tinakpan niya ang mukha ko gamit ang malaking kamay niya.

“Aray! Mico! Tigilan mo ‘to ano ba! Kakagatin kita! Aray di ako makahinga!”

“Ayan! Tama lang na wag kang makahinga. Lulunurin kita ng pagmamahal ko. Ayan sige.”

“WOW! Sobrang mahal mo ako, ready kang patayin ako ah. Aray! Mico! Alisin mo kamay mo!”

“Sobrang mahal kita… Yun lang tapos.”

Natigil naman ako sa kakareklamo. Natigilan din akong gumalaw, napansin ni Mico kaya natigil din siya. Sabay kaming namula.

“Pero Hope…” sabi niya.

“Hmm?” sagot ko na medyo pabulong.

“Seryoso ako noong sinabi kong nandito lang ako. Kung gusto mong umiyak, hindi kita tatawanan. Well, siguro konti lalo na at pangit kang umiyak pero at least? Kung gusto mong ilabas ang galit mo kay Enzo, nandito ang braso at balikat ko para suntukin mo—“

“Ang alam ko ang balikat ay ipapahiram para iyakan.”

“Iiyakan mo ang balikat ko? Okay ka lang? Eh kung tumulo yung sipon mo.” Tiningnan ko yun mukha niya. Seryoso. Imposible ‘tong lalaking ‘to. Kakaiba. Okay lang na suntukin ko wag lang matuluan ng sipon. Humanda sa akin yang balikat na yan, susuntukin ko ng malakas yan.

“And Hope… If kailangan mo ng rebound guy, okay lang din ako.” He smiled. Weakly. Parang nahihiya pa siyang sabihin yun.

“Mico, alam kong ginagawa kong joke lahat, pero naappreciate ko lahat ng ginagawa mo. Lalo na yung feelings mo. Minsan naiisip ko hindi ko deserve yan, pero ayokong mapunta sa iba yan. Ang damot ko ano? Minsan masarap isipin na ako lang ang babaeng special sa’yo kaya hinding hindi kita gagawing rebound guy.”

“Okay lang ding maging special guy, oh kaya one and only guy. Okay lang, Hope. I mean… Hindi naman ako mareklamo.” Biro niya nakakainis. Nagtawanan lang kami doon at bumalik na kami sa barkada. Nakacircle sila ngayon sa bonfire. Nagkekwentuhan. Pagbalik namin inasar agad kami ni Bryle.

“Uy, new couple alert. Bati na sila.” Dagdag naman ni Venice.

“Psh, sige kung hindi ka mapupunta sa akin Love, kay Mico ka na lang.” sabi ni Bryle.

“You know I’m starting to get the feeling na you really have that one sided love towards Hope, Bryle.” Sabi bigla ni Venice. Ops.

“Babe, ilang beses ko bang sasabihin na meron nga? Love ko nga yang si Love.” Ano daw?! Seryoso bang sinabi niya kay Venice.

“Well, I also love Hope so I can’t blame you.” Sinabi naman ni Venice. Hindi ko alam kung plano nila ‘to para maalis yung pagkaheartbroken ko pero thank you kasi maraming nagmamahal sa akin. Dahil sa trip na ‘to medyo gumagaan yung pakiramdam ko.

Maya maya nagutom ako kaya pumunta ako sa may table kung nasaan yung pagkain, ang daming pa ring pagkain kahit na kanina pa kami kain ng kain. Kapag ata mababawasan magdadagdag yung mga waiter na nakaabang eh. Iba talaga pag rich kid!

Nagtitingin ako ng gusto kong kainin ng mabunggo ko si Enzo.

Noong tumingin siya sa akin at ngumiti, ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito, pakiramdam ko ngayon ko lang makikita si Enzo. Pakiramdam ko ako na naman yung fangirl dati.

“Hi, Hope.” Sabi niya.

“Ah… oo. Sige. Hello.” ANO?! ANONG SABI MO, HOPE!? Wag mo naman masyadong ipakita na starstruck ka utang na loob, sinaktan ka ng lalaking yan! Kaya ka sinasaktan eh. Pinapakita mong mahina ka. Na kaya ka niya. Na mahal na mahal na mahal….

Na mahal ko pa rin siya. Haaaay. Enzo Miguel Gutierrez ano bang pinakain mo sa akin? Speaking of pagkain.

“Ayaw mo ng carrots hindi ba?” tapos automatic na na inalis ko yung carrots sa plato niya. Ewan ko, nasanay din ako na kapag may carrots sa plato niya aalisin ko. Tapos siya naman kinuha niya yung tinapay na kinuha ko sa plato ko…

“Gusto mo ng bread?” tanong ko. Kasi kung gusto niya, bakit yung akin pa yung kinuha niya?!

“No, I’m just getting rid of these raisins in your bread. You don’t want them right?” tapos nagsmile siya. Tumango lang ako.

Sana ganito lang kasimple lahat. Pero hindi eh… Kasi ngayong nakatingin ako sa kanya, unti unti ng pumapasok yung feeling na sana akin ulit siya. Hindi ko naman masisi si Enzo kasi ako talaga ang may problema dito. Ako yung hindi makamove on.

‘We can’t be friends’

Biglang umecho sa isip ko yung sinabi niya sa akin sa sasakyan. Hindi daw kami friends. Pero bakit ang bait niya? At ito na naman ako nahuhulog at nagaassume. Ayoko na. Ang hirap maging malapit kay Gutierrez kasi ang dami niyang sikreto. Hindi mo alam kung mabait lang, kung gusto ka na niya o kung ginagamit at pinapaasa ka lang niya. Wag ka ng mahuhulog, Hope. Tama na yung isang beses na paglaruan ka niya.

“Hmm, sige balik na ako.”

“Ok—“ Pero bago pa niya matapos ang sasabihin niya umuna na ako. Siguro nga dapat ganito. Siguro dapat maging matatag ako.

At habang naglalakad ako pabalik sa bonfire, nakangiti ako.

This time, ako yung nangiwan kay Enzo. At ang sarap sa pakiramdam.

**

Noong mga 11:00PM na, lahat sila pumasok na sa mga tent nila at natulog na. Lahat sila napagod sa byahe, kaso nakatulog na ako kaninang hapon kaya may energy pa ako. Naglakad lakad muna ako sa may tabing dagat. Ang sarap ng simoy ng hangin, ang lamig, pero hindi siya yung tipong giginawin ka. O baka ako lang yun? Naupo lang ako sa may tabing dagat. Nagmuni muni. Nagisip kung gaano kasarap sa pakiramdam yung isang araw na hindi ka umiiyak kasi nawalan ka, kasi naloko ka. Ang sarap sa pakiramdam na may mga kaibigan kang nagaalala sa’yo at handing makinig sa’yo. Ang sarap sa pakiramdam na may mga taong nagmamahal sa’yo at handang maghintay sa’yo. Kaya bakit pa ako malulungkot sa iisang lalaking niloko lang ako?

Alam kong hanggang ngayon hindi ko pa rin maalis sa akin na mahal ko pa rin si Enzo, pero kung patuloy kong iisipin na mahal ko siya, mahal ko siya, mahal ko siya eh paano ko siya makakalimutan? Siguro nga, panahon na para kalimutan siya. Ilang beses ng sinabi sa akin ‘to eh. Ilang tao na ang nagpayo. Ako lang naman sa sarili ko ang ayaw maglet go ng memories eh. Ng memories na minsan naging akin si Enzo.

Pero ano pang silbi ng mga memories na yun kung hindi naman na talaga niya ako gusto (o nagustuhan) at iba na ang mahal niya. Sinasaktan ko lang ang sarili ko sa patuloy na pagasa na baka bumalik siya.

Habang nagiisip maya maya maya may narinig akong footsteps sa tabi ko, paglingon ko… Enzo?

Wow. Thank you destiny ha? Kung kailan naman gusto kong magmove on talagang saka mo nilalapit si Enzo sa akin. Thank you. Nakakatulong.

Naglakad siya papunta sa beach, maya maya inalis niya yung shirt niya. Ay jusko po, Lord matinding challenge po ito. Kung challenge niyo po ito kung talagang desidido na akong magmove on, eh baka po magfail ako. Oh my god, yung mga abs. Ang kinis ng likod niya. Ang puti niya, at ang laway ko tutulo na. Hope, maghunos dili ka. Kanina lang nagspespeech ka na dapat makalimot ka na.

Noong makarating siya sa may dagat, naglakad pa siya. Noong medyo lumalayo na siya medyo nagalala na ako. Minsan may mga trip ‘tong si Enzo na out of this world. Hindi ko alam kung suicidal ‘tong lalaking ‘to, o psychotic lang o talagang YOLO lang ang motto niya pero mahirap na.

“Hoy Enzo! Anong ginagawa mo diyan? Wag kang lalayo baka lumakas yung alon, delikado diyan ah!” Kahit naman na nasasaktan ako, siguro naman pwede akong magalala hindi ba?

Naglakad pa siya ng mas malayo kaya napatayo na ako sa pagkakaupo ko. Noong medyo hanggang dibdib na siya tumigil na siya. Medyo malapit pa rin naman pala ng onti, kapag nakaupo kasi parang ang layo. High tide kaya kahit malapit medyo malalim.

“HOPE!” sigaw niya.

“Bakit?” sigaw ko pabalik pero hindi masyadong malakas kasi baka magising yung barkada.

“Catch these.” Tapos bigla niyang binato ang—

Ay anak ng tupa! Shorts at boxers niya! Oh jusko lord, kung part po ito ng challenge, konting konti na lang po bibigay na ako. Pagtingin ko ulit, shorts at boxers nga niya. Doon sa gilid nandoon ang t-shirt niya kaya kinuha ko agad… Ibig sabihin…

“HUBAD KA SA DAGAT?!” sigaw ko sakanya. Nakita kong napatawa siya. Oh my god, ang YOLO moments ni Enzo. Please. Lord.

“Skinny-dip” Skinny ano daw?!

“Bumalik ka na dito baka magkasakit ka! Malamig!”

“It’s okay. Besides, kapag bumalik ako diyan makikita mo lahat.” Ay haru, mini heart attack ng very light sa sinabi niya. Oo nga… Pero. Anobaaaa. Enzo!

“Sige, ilalagay ko na lang muna yung damit mo dito sa gilid—“

“I can’t hear you.” Sigaw niya habang naglalakad pabalik sa may seaside. Oh jusko, wag ka munang babalik. Baka makita ko yang tinatagong espada mo. Mahirap na! Nagmomove on ako dito.

“Sabi ko iiwan ko yung damit mo dito tapos aalis na ako.” Nagpapanic ako, tiniklop ko damit niya tapos medyo iniwan ko doon sa part na hindi madadala ng wave, baka kasi madala yung damit niya eh. Nagpanic ako, hindi ako tumitingin kasi baka pagtingin ko sakanya may bumulaga sa akin.

Unti unti akong sumilip at medyo tumigil naman siya noong medyo nasa bewang na yung tubig. Pero nanlaki pa rin yung mata ko kasi yung abs niya yung naghello sa akin, kulang na lang kumaway ako.

“Don’t go.” Bigla niyang sinabi. Teka ano daw? Napatingin ako sakanya tapos nakatingin siya sa akin. Seryoso. Biglang umihip yung hangin, nilamig ako. Kanina lang hindi ako nilalamig sa hangin kasi pakiramdam ko ang lakas ko, ngayong kaharap ko na naman si Enzo nawala na namang lahat yun.

“I… I want to talk to you.” Sabi niya. Talk? Na naman?

“Wala na siguro tayong paguusapan Enzo.” Sinabi ko.

“I know. But… I just want to say sorry. Sorry sa mga sinabi ko noong nasa kotse tayo.” Alin doon? “About not wanting to meet you, and about us not being friends. I don’t mean that.” Buti na lang kamo malayo siya sa akin. Kasi kahit umiyak ako ngayon hindi niya makikita.

Pero paano kung umiyak siya? Makikita ko rin ba? Pero… Asa namang iiyak si Enzo. Dahil sa akin? Asa pa.

“Hope, I know ilang beses mo ng narinig sa akin, but I’m sorry. I’m sorry you’re hurting right now. I’m sorry that it had to be this way. I’m sorry that I’m the one causing you all your pain. I… I honestly really liked you. I thought you should know that. You’re important to me. I don’t want to see you hurt, but it seems like I can’t do anything but apologize. I’m sorry. Sa sinabi kong sana hindi kita nakilala, that’s not true. When I met you, I became happy. I became open to more things. I saw the other side of the world. I talked more, I laughed more, I was happier. You changed a lot of things in me, Hope. Thank you. And about us not being friends, I just said that para magalit ka sa akin. Maybe that way, it’ll be easier for you to forget about me. But… I can’t stand the idea that we’re not friends anymore. Maybe not this time because I know that being with me still hurts, but please… Kung kaya mo na, let’s be friends. I don’t want to lose you, Hope. Even as a friend. And I’m not saying this to only hurt you more, I am sincerely saying this because I want you as a friend, I want you to stay, I want you in my life. You can forget all your feelings about me, but don’t forget about me. I know this is too much to ask, but… Please, let me stay in your life.”

Hindi ko na alam kung bakit naiyak na naman ako. Wala namang masakit sa sinabi niya. Siguro dahil sa itong mga salitang ‘to ang matagal ko ng gustong marinig sa kanya. Pero paano? Paano ko gagawin yung hinihiling niya ng hindi ako nasasaktan? Paano?

“Hindi ko pa kaya, Enzo. Yung makita ka… Parehas na masaya at masakit. Masaya kasi gusto kitang makita, kapag hindi kita nakikita nalulungkot ako. At masakit, kasi kapag nakikita kita naalala ko lang yung fact na hindi na pwedeng maging akin ka. Masakit na Enzo na naging bato pa. Hindi ko alam kung paano ko gagawin yang hinihiling mo ng hindi ako nasasaktan. Siguro hindi ngayon, hindi ko pa kaya. Siguro kung sinabi mo yan sa akin 5 days ago, baka sabihin kong oo, hindi kita buburahin sa buhay ko. Pero ngayon… Kailangan kitang makalimutan, Enzo. Sorry. Kailangan ko lang tulungan ang sarili ko kasi pagod na akong umiyak. Pagod na akong umasa. Pagod na akong humiling na sana bumalik ka. Alam kong masaya ka na, kaya sana tulungan mo rin akong maging masaya. Siguro hindi kita kayang kalimutan, pero susubukan kong kalimutan yung feelings ko. Enzo, sorry. Pero kailangan kong kalimutan ka. Sorry, pero kailangan kong sumaya.”

Hindi siya nagsalita. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin niya. Pero kung ano man yun hindi na mahalaga. Tumayo na ako, inayos ang mga damit niya at naglakad palayo.

Pagod na akong umiyak. Pagod na akong umasa. Siguro tama lang na ngayon… Ngayong nagusap na kami. Ngayong kaya ko ng talikuran siya, siguro unti unti kaya ko na ring kalimutan siya.

Alam kong mahal ko pa rin siya, hindi pa agad yun mawawala pero sabi nga ni Miks. Step by step. Unti unti. Mawawala din ‘to. Magbabago rin ang nararamdaman ko. Step by Step. Hindi na para kay Enzo, pero para kanino?

Continue Reading

You'll Also Like

54.1K 1K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
106K 3.7K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
98.1K 2.5K 52
What will you do if you end up in someone else body?