Pink Skies

Od aryzxxi

64K 2.3K 472

Skies Series #2 🔸️April 7, 2019 🔹️August 30, 2020 Více

Pink Skies
i
ii
iii
iv
v
vi
vii
viii
ix
x
xii
xiii
xiv
xv
xvi
xvii
xviii
xix
xx
xxi
xxii
xxiii
xxiv
xxv
xxvi
xxvii
xxviii
xxix
xxx
xxxi
xxxii
xxxiv
xxxv
xxxvi
xxxvii
xxxviii
xxxix
xl
xl.i
xl.ii
xl.iii
xl.iv
xl.v
a.n.
xl.vi
xl.vii
xl.viii
xl.ix
L
el fin

xi

1K 47 3
Od aryzxxi

"May bukas pa, Bryan!" reklamo ni Baron.

Hinihingal akong umupo sa sahig. I feel like my legs are giving up. Ngayon lang ako napagod ng ganito. Paano ba naman kasi, tatlong pasada na tuloy-tuloy ang ginawa namin. Nagkagulo pa kami sa stage kanina dahil hanggang ngayon marami pa ring nalilito sa blockings.

"Pagkatapos niyong magpahinga, pwede na kayong umuwi," sabi ni Natalie.

"Hindi pwede! Sulitin na natin to." pagpupumilit ni Bryan. Nagsimula nang magbitiw ng reklamo ang mga kasama namin.

"Baka sa Lunes di na sila makapagperform ng maayos! Magsi-uwi na kayo!" Natalie said.

I reached for my bag to get my water bottle, I groaned when it's empty. Uhaw na uhaw na ako. Garnering my strength, sinubukan kong tumayo. Halos mapapikit ako sa sakit. Nanginginig ang mga hita ko at ang likod ko naman ay gusto nang mahiga sa malambot na kama.

"Matutumba ka niyan," Conrad immediately pulled my arm so I can stand properly.

"Thank you," I muttered.

"Uuwi ka na?"

"Oo. Ayoko nang magstay dito." nilingon ko sina Natalie at Bryan na nagtatalo pa rin hanggang ngayon samantalang isa-isa nang umaalis ang mga kasama namin.

"Paano kung wala na silang lakas sa Lunes, ha?" singhal ni Natalie sa kanya.

"May weekends naman para magpahinga sila," Bryan muttered

Sinuot ko ang backpack ko at naglakad palabas ng classroom. I can feel Conrad's presence behind me.

"Alis na kami, Nat, Bry.."

"Kita mo! Pati si Conrad pagod na pagod! Ikaw kaya magperform doon!" Natalie said.

Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na lang sa restroom para magpalit ng damit. Ang dungis ko na naman kasi. After changing, I washed my face and applied three dots of lip tint on my lips and spread it. At least, di ako maputlang tignan. Tinignan ko ng maigi ang sarili ko sa salamin. I combed my hair again nang makitang medyo magulo ito.

"Nasa labas na yung driver niyo?" halos mapatalon ako gulat nang marinig ang boses ni Conrad. He smiled when he saw my reaction.

"Nakakagulat ka," sabi ko sa isang pagod na tono. I see that he also changed his shirt at mukhang fresh na.

He presented a plastic bottled water. Hindi na ako nag-atubiling kunin iyon. Syempre, uhaw na uhaw na ako kanina pa! I opened it and drank. Halos maubos ko ang laman non, nagpunas ako ng bibig bago siya tinignan.

"Thank you. I am so thirsty na kanina pa.."

"Nakakapagod no?" tango niya at sinimulan nang maglakad. I followed him.

"Iyo ba to? Sorry, konti na lang natira," I said.

He shook his head,"That's yours. Pinabili ko kanina kay Allie."

"Nakakahiya naman kay Allie.."

"Palabas din naman kasi siya non para bumili. Nagpasabay lang ako." ngiti niya. Naisip ko lang, sa bawat araw na lumilipas na kasama ko si Conrad, gumagaan ang pakiramdam ko sa kanya. Before, I can't even tolerate being with him on the same stage. Ngayon ay sa tingin ko kumportable na kami sa isa't-isa. I realized that it's actually a good thing since we're onscreen partners. Kailangan namin ng chemistry.

"Ingat kayo pauwi, ah. Wag nang gumala," sabi ng security guard.

"Opo, kuya" Conrad smiled at him. I did, too.

Nang makalabas kami ay nakita ko na agad ang puting kotse nina Conrad.

"Yung sundo mo?" tanong niya.

"Wala pa. Magti-text pa lang ako.."

I looked around. Na-excite ako nang tuluyan kaming makalabas ng eskwelahan. I wonder if he's already there.

He sighed,"Sa susunod i-text mo na agad para hindi ka na maghihintay pa. You're going to wait at the shed again?"

Wala ako sa sariling tumango at nilabas ang phone ko. Conrad tapped my head at nagpaalam. I waved at him then walked towards the shed. Kasabay ko ang ibang mga estudyante na kakalabas lang din ng eskwelahan.

I started walking towards the waiting shed kung saan ako laging naghihintay nang tumama ang katawan ko sa isang tao. Dahil nga sa nanlalambot ang legs ko, I am not able to control my impending fall. I closed my eyes preparing myself to hit on the floor pero hindi natuloy. Mabuti na lang agad na nahawakan ng nabunggo ko ang mga braso ko.

"S-Sorry po!"

Pagkadilat ko ay nanlaki ang mga mata ko. I almost muttered a curse when I saw who it was.

"Fire!"

Napatingin sa amin ang ibang estudyante sa lakas ng pagkakasabi ko ng pangalan niya. But I think some of them were already looking at him.

He is still holding my arms firmly kahit na nakatayo na ako ng maayos. He's wearing a leather jacket with a white v-neck shirt inside at medyo magulo ang buhok. In my opinion, mas bagay sa kanya ang ganyang ayos kaysa sa clean cut tulad ng sa pinsan niyang si Alfred. Parang nagsparkle ang mga mata ko habang tinitignan siya na ganito ang porma. Ang gwapo niya talaga.

He was about to say something when he got interrupted.

"Fire!"

Mukhang nabigla siya sa tumawag sa kanya. We saw Rayn is walking towards us. Her straight hair is quite a mess, bukas ang dalawang butones sa polo, maluwag ang pagkakatali ng ribbon at above the knee ang palda. She's been reprimanded countless times because of the way she wears her uniform. Lalo na ang palda niya na dapat ay two inches below the knee.

"Anong ginagawa mo dito?" she looked at his attire,"Galing ka ba sa G1?"

Fire nod his head coolly, "Oo. May laro doon kanina, sumali ako."

Rayn smiled boyishly, "Yon! Nanalo ka ba? Kailan tayo uli maglalaban?"

I cocked my head. Anong tinutukoy ni Rayn? G1? Is that an arcade or what? Pero mukhang hindi arcade, wala sa itsura ni Fire yung pumupunta sa ganong lugar. He looks mature at mapapaligiran siya ng mga mas bata sa kanya. But what are they talking about?

Fire smirked. Napakagat tuloy ako sa labi ko. Why does he have to be so good-looking? Simpleng kibot lang ng labi apapatibok na niya ng mabilis ang puso ko. Nakita yata ni Rayn ang reaksyon ko dahil nagtaas siya ng kilay. Agad akong lumingon sa kaliwang banda at hinayaan silang mag-usap. Nilabas ko ang phone ko to see if my twin messaged me.

"Maybe next month? Si Tyler naman nagdedesisyon non." sagot ni Fire sa kanya.

"Excited na akong talunin ka uli." makahulugang sinabi ni Rayn na nagpatawa kay Fire. I felt a pang of jealousy. Napatawa niya si Fire! Eh, ako? Ni wala man lang akong nagawa para magpakita siya ganyang emosyon.

Nagscroll ako ng konti then Fire's hand covered my phone. Tiningala ko siya. His hand is touching my fingers!

"Sige. Kita na lang tayo doon. Mukhang may lakad ka pa," ngisi sa kanya ni Rayn bago tuluyang umalis.

"Fire.." I said to get his attention.

I don't know if I'll be glad or what that he looked at me. Parang mas nanlambot ang mga hita ko nang titigan niya ako.  My hands feel cold nang tanggalin niya ang pagkakapatong ng kamay niya roon.

"Let's go," he said.

Apat na araw na niya akong hinahatid pauwi. Gusto ko sanang itanong kung bakit but I am afraid to ask. Baka kasi biglang itigil niya. Ang tagal ko nang pinapangarap na ihatid niya ako, eh. So, I'll just go with the flow. I'll feed my fantasy habang nandito pa.

Hinawakan ni Fire ang strap ng bag ko. I flinched when I felt his hand on my shoulder.

"A-Ako na. Kaya ko naman." sabi ko.

He moved but his eyes remained on me habang naglalakad kami. Fire opened his car's door for me. Pumasok ako at agad na nilapag ang bag ko sa aking kandugan. It made a loud thump at mukhang narinig iyon ni Fire. Nahiya tuloy ako.

Ngumisi siya at tinignan ako. His arm is over the door while his left hand is on the car's roof. Habang tinitignan siya, I felt intimidated. Para akong batang nahuli na may ginawang masama.

"Ano bang laman niyang bag mo?" may konting pang-aasar sa tono niya.

Bahagya akong yumuko. "Clothes and shoes.. may libro rin.."

"Let's put it at the back, okay?" dahan-dahan niyang inabot ang bag ko. Tumango lang ako at hinayaan siyang kunin iyon. The muscles on his arm flex, binuhat niya iyon na parang wala lang while I thought I was carrying five kilos of rice on my back.

Habang hinihintay siyang pumasok sa kotse ay sinuot ko na ang seatbelt ko. When he got inside, he looked at me first before starting the engine.

"Kailan ang musical niyo?" tanong niya.

"Next month na."

Tumango lang siya at hindi na dinugtungan pa ang usapan. I suddenly remembered the tickets I gave him na binigay niya lang kay Caitlyn. Magbigay kaya uli ako ng ticket sa kanya? Maybe this time, he'll go.

"Why?" tanong ko na may kaunting pag-aalinlangan. I should make sure na interesado muna siya bago ako bumili. A ticket is worth forty pesos. I already bought two for him before pero pinamigay niya lang.

Hindi siya sumagot but his jaw clenched. Tutok lang ang mga mata niya sa kalsada. Sumandal na lang uli ako sa upuan at tinikom ang bibig. So, he still doesn't want to go. Okay lang! Tanggap ko naman na.

"Hanggang kailan ang practice niyo?" he asked after a few moment.

Tinagalan ko ng konti bago sumagot. May maliit kasing pagtatampo dito sa puso ko kahit na wala naman akong karapatang makaramdam ng ganon para sa kanya.

"First week ng susunod na buwan."

The musical is the highlight of our school's cultural festival. Mahaba na ang panahon na binigay sa amin para makapag-ensayo kaya ang isang linggo ay para sa pagdidisenyo naman ng classroom pati ng booths na hinahanda ng bawat klase at clubs.

Maybe that's why Bryan is getting anxious. Kakaunting oras na lang ang mailalaan namin para sa musical on that particular week.

When we got stuck in traffic, Fire turned on his stereo. Wala ba siyang songs diyan? Nasaktuhan uli namin ang radio program ni Persephone. Mas mabuti na rin siguro ito, her program is kinda interesting. I actually looked on it sa internet at nalamang marami siyang tagapakinig.

Hindi na kami muling nag-usap ni  Fire hanggang sa makarating kami sa bahay ko. I removed my seatbelt then went out. He moves fast dahil pagkalabas ko ay nakaikot na agad siya para iabot sa akin ang bag ko.

"Thank you," I said. Agad na hinarangan ni Fire ang daan ko. With his built, parang nakain niya agad ang personal space ko.

"May practice ka uli bukas?"

"Wala. Workshop ang meron ako non."

"Saan yon?"

Nagtataka na talaga ako kung bakit siya nagtatanong. He's suddenly taken an interest on me. Bakit kaya? Dahil ba sa nalaman niyang patay na patay ako sa kanya? Or maybe..

"Sa Peralta."

"What time are you going there?" he asked casually na parang classmate lang na nagtatanong kung may pasok ba o wala.

"Seven ng umaga."

Tumango siya at nilabas ang phone. Nilahad niya iyon sa akin. Is this what I think it is?

"Can I have your number?"

I thought that asking this question will just be smooth for him since, he's a playboy at marami nang napormahang babae but he almost stuttered o guni-guni ko lang iyon. Hindi ko napigilan ang pag-ngiti. Binagalan ko ng konti ang pagtitipa ng numero ko sa phone niya.

Umatras siya para mabigyan ako ng daan. Nagpasalamat uli ako sa kanya bago umalis. Before entering our home, tinignan ko muna ang pag-alis ng kotse niya sa tapat ng bahay namin.

"Hinatid ka uli?"

"Z-Zian!"

He looked at me without any emotion. Pinag-ekis niya ang kanyang mga braso  at tila naiirita.

"Oo, hinatid ako ni Fire. Bakit?"

"Kuya Fire," pagtatama niya."Bakit ka raw hinatid? Di mo ba tinext si Kuya Eric?"

Nag-iwas ako ng tingin,"Itetext ko pa lang sana kaso nandoon na si Fire kaya.. yun.."

Umirap si Zian,"Sa susunod, magtext ka agad para nandoon na si Kuya Eric pagkatapos ng practice niyo."

"Oo na," sabi ko at nilampasan siya. Nagpakita ako kay Mommy saglit and she told me to change para makapagdinner na kami. Si Zian ay patuloy pa rin sa pagsasalita habang paakyat ako sa kwarto ko.

"Nandyan naman po si Kuya Eric, Mommy." rinig kong sinabi ni Zian.

"Hayaan mo na. Nagkataon lang siguro.." si Mommy.

"Ha? Isang linggo na po siyang hinahatid ni Kuya Fire." giit ng kakambal ko.

"So, what's the problem there anak?" kalmadong tanong ng ina namin.

I changed my pants to a pair of cotton shorts. Nilagay ko na rin agad sa labahan ang mga damit ko. Pagkatapos ko ay bumaba na ako. I saw that Daddy is already there. Lumapit ako sa kanya para humalik sa kanyang pisngi.

"Si Fire daw ang naghatid sayo uli, Ziana?" tanong niya. I looked at my twin, who's watching my reaction.

"Opo."

Binalik ni Daddy ang tingin niya sa baso,"Sige. Maupo ka na.."

Halos magprotesta ang kakambal ko. Hindi niya yata tanggap ang reaksyon ng mga magulang namin. Pinigilan ko ang pag ngisi habang kumukuha ng ulam. Ano nga bang masama roon? Wala naman di ba.

Pinilit ko ang sarili ko na bumangon kinabukasan. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng mga hita ko ngayon at nahirapan akong bumaba ng hagdan.

"Oh! Bakit? Anong nangyare sayo?" tanong ni Ate Cristy.

"Masakit lang po yung legs ko dahil sa practice kahapon."

"Naku. Sa susunod kasi wag kang bigay todo. May workshop ka pa ngayon. Whole day ba?"

"Opo.."

She prepared me a breakfast. Nagtimpla naman ako ng gatas. Sana hindi gaanong mahirap ang routine namin sa sayaw mamaya.

"Ziana! Move your body properly, hindi ganyan!" sabi ng dance instructor namin.

"O-Opo.."

Pinilit kong gumalaw ng maayos. Mabuti na lang at kinaya ko, hindi na uli ako nasita.

"Practice that routine okay! Magkakaroon ng evaluation next month so do your best."

"Yes, ma'am!" sagot namin.

"May masakit ba sayo?" nilapitan ako ni May at hinawakan ang braso ko.

"Yung legs ko lang. Grabe kasi yung practice namin sa musical kahapon." paliwanag ko.

She looks concerned at inalalayan ako habang palabas kami ng practice room. Si Eugene ay nakasunod lang sa likod  namin.

"Dito na lang tayo maglunch?" turo ni May. I agreed to her then she looked at Eugene. "Ano Eugene?"

"Sige," she coldly said.

"Ako na ang o-order ng gusto mo, Zia," presinta ni May. She looks enthusiastic today.

"Sige. Thank you, ah," I told her my order and gave her my money.

"Ikaw?" tanong naman niya kay Eugene.

"May baon ako."

Then May left para pumila. Tahimik si Eugene na tinitignan ang paligid namin. Bihira lang siyang makipag-usap sa amin ni May. She also seems reserved at laging seryoso. Even the other trainees here tried to talk to her pero mabilis lang na natatapos ang usapan.

Kinuha ko ang phone ko to see if there's any message pero wala. Medyo nalungkot ako. Umaasa kasi akong ite-text ako ni Fire since he asked for my number yesterday.

"Nagtext crush mo?" May asked when she saw me look at my phone again habang kumakain kami.

"Hindi nga, eh.."

"Okay lang yan. At least, nakakasama mo naman siya"

Ngumiti ako. True but is it too much if I also wanted him to text me? I want to hit myself. Mabuti nga at nag-improve ang pakikitungo sa akin ni Fire, eh! Makuntento ka na don Ziana!

"Eugene, ano nang kakantahin mo pala?" May asked.

Eugene actually took my advice to sing a Beyonce song. Or maybe na-realize niya na bagay sa kanya ang mga kanta ni Beyonce.

After lunch ay sa music room naman kami ni Teacher Maricel dumiretso. Nagdadaldalan kami ni May at si Eugene ay nakasunod lang sa likod namin nang makita namin si Conrad. Napapalibutan siya ng iba pang trainees na under kay Coach Joey.

"Dito pa lang sikat na siya. Paano pa kaya pag nagshowbiz," bulong ni May.

Saktong nakita ako ni Conrad at kumaway. Because of his gesture, napatingin tuloy sa banda namin ang mga kasama niya. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti bago ako sumunod kay Eugene na nakapasok na pala sa loob ng kwarto.

I kept my phone close to me habang nag-eensayo. Madalas ko ring tignan iyon kung may nagtext ba. Marahan akong siniko ni Eugene nang makita niyang tinitignan ako ni Teacher Maricel.

Gusto ko sana siyang i-text pero wala naman akong number niya. I thought I would get it once he text me pero wala!

"Saktong pagka-eighteen mo pala ang open ng audition," Teacher Maricel told me. "Sasabak ka ba agad?"

"Opo"

"Sabagay. Ayos lang din naman iyon since training pa lang muna. Hindi pa sure kung kayo ang ilalabas.."

"Gaano po katagal ang training sa Aspire?" May asked.

"Three to five years din."

If I ever debut, siguro ay nasa kolehiyo na ako non. I hope I can finish my studies ng apat na taon lang. We finished our practice by four. Sabay-sabay kaming tatlo na bumaba sa lobby.

"Sasabay na ako kay Eugene, Zia. Bye!" paalam ni May sa akin bago umalis.

"Bye!"

Dumiretso na rin ako palabas ng building para tignan si Kuya Eric. He knows naman kung anong oras ang tapos ko rito sa workshop so I don't need to text him.

Imbis na kotse namin ang makita ko sa labas, I saw Fire leaning against his car habang hawak-hawak ang kanyang phone.

I leaped when I felt my phone vibrate inside my pocket. Agad kong kinuha iyon. Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ang paglabas ng tili ko.

Unknown number:
Are you done? I'm outside the building.
- Fire

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

2.7M 156K 49
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
328K 11.8K 56
"I guess so" "But dogs are nice. Dogs are loyal. As a dog you have no free-will. You obey your master blindly." ____________________________________...
55.8K 2.9K 19
He was in hurry. She was in a hurry too. He only saw her back. She didn't saw him at all. But he pick up something from her. He thought it was a book...
1.5M 111K 42
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...