If You Don't Know Me By Now

By wonderwall23

282K 8K 1.7K

More

Forewords
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue

Chapter 12

11.1K 371 78
By wonderwall23

Huminga ng malalim si Kathryn bago kumatok sa pintuan ng hotel suite. Hindi nya alam bakit sya pumayag na pumunta doon. Dapat huli na ang nangyari sa kanila sa opisina pero tinext sya kanina ni Daniel at pinapapunta sya sa hotel suit na iyon. Alam nyang hindi dapat sya nagpunta. Dapat na nyang tapusin ang kalokohang iyon bago pa sya mabaliw. She had to keep her sanity. Kailangan nyang maging sane para maka-move on na sya sa buhay nya.

Isang malapad na ngiti ang sinalubong sa kanya ni Daniel nang buksan nito ang pintuan. Mukha itong nanalo ng ilang milyon sa Lotto. In a way, parang nanalo na nga ito. Dalawang babae ba naman ang nagpapakabaliw sa kanya. Hindi sya makapaniwalang ganun ito kagwapo.

Pumasok sa loob si Kathryn ng hindi nagsasalita. Maganda ang loob ng suite. Kuripot si Daniel pero hindi naman pala ito cheap.

"Anong kailangan mo?" Walang ganang tanong nya sa binata. Hindi pa rin nya ito mapatawad sa ginawa nito kanina sa opisina.

Niyakap sya ni Daniel mula sa likod. Sinubukan nyang kumawala sa yakap nito pero ayaw syang bitawan ng binata. "Sorry." Bulong nito sa tenga nya.

Pakiramdam nya ay natunaw ang puso nya. It sounded so sincere. Ang pangako nya sa sariling hindi nya ito patatawarin ay parang nilipad ng hangin palabas ng bintana. "Hindi mo naman kasi kailangang maging ganun ka-harsh kanina."

Hinalikan ng binata ang leeg nya. "Alam ko, kaya nga I'm very sorry." Bulong nito. Pakiramdam ni Kathryn ay nanginig ang katawan nya sa ginawa ni Daniel. Nanghihina din ang tuhod nya. Iniharap sya ng binata at agad na hinalikan sa labi. His lips were very demanding. His tongue played with hers before applying sweet suction.

Napaungol sya sa sensasyong dala ng halik na iyon. He was hot and she was melting too fast. Hinila sya ni Daniel papalapit. Their bodies molding perfectly. Para bang ginawa talaga sila para sa isa't isa. She felt his hardened passion.

Nakaramdam sya ng panic. Gusto nya ang nangyayari pero natatakot sya. Anong mangyayari pagkatapos nito? Iiwan ba ni Daniel si Jasmine kapag binigay nya ang lahat sa binata? Mananatili ba ito sa tabi nya? Sya ba ang pipiliin nito? Mamahalin ba sya nito? O kahit subukan man lang syang mahalin?

Sinubukan nyang itulak palayo si Daniel pero hindi ito nagpatinag. Kumalas sya sa paghahalikan nila. Lumipat naman ang mga labi ni Daniel sa leeg nya. He drew small circles on her skin. Naramdaman nyang hinawakan ng binata ang dibdib nya. She moaned and arched her body to give him more access. Mariin nyang pinikit ang mata nya. Her thoughts were confused, aroused, and insane. Hindi sya makapagisip ng diretso.

"Can you love me?" Mahinang tanong nya pero sigurado syang narinig ito ni Daniel.

Natigilan ang binata sa ginagawa. "Anong sabi mo?"

Naramdaman na ni Kathryn ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Napalunok sya. "Can you love me?"

Tiningnan sya ni Daniel sa mata. Mukha itong nalilito. At sya naman ay halos nagmamakaawang tumingin dito.

"Bakit bigla nating pinaguusapan ang love?"

"Dahil ayokong makipag-sex, I want to make love."

Hindi agad na sumagot ang binata pero ilang sandali ay narinig nya itong nagmura ng pabulong. Hindi alam ni Daniel kung gaano sya nasaktan sa inasta nito.

"Tell me you're joking, Kathryn. Nagbibiro ka lang."

"I'm not."

Halatang naiirita na ito sa kanya. "Anong laro na naman ba ito? Sabihin mo nga sa kin. Kasi gusto kong malaman kung anong gusto mong palabasin."

"Gusto kita. I want all of you. At pag sinabi kong all, I mean lahat lahat."

Napailing si Daniel. "Alam mong hindi ko pwedeng ibigay sayo ang lahat."

"But you want me."

"Yes, I want you. I want to take you right here, right now. So now, bakit tayo nagkakaroon ng walang kwentang usapang ito?" Yumuko uli ito at hinalikan sya sa labi. Sinubukan nyang wag maapektuhan sa ginawa ng binata. Nagsimula na naming gumalaw ang mga kamay nito sa katawan nya.

"Sinabi ko na sayong I'm not having sex with you." Sabi nya sa binata kahit pa pakiramdam nya ay walang masyadong conviction ang pagkakasabi nya ng mga katagang iyon.

"Then, let's make love kung yan ang magpapatigil sayo sa pagsasabi ng kung ano anong nonsense na bagay. Let's do it and get it over and done with."

Ang heated passion na nararamdaman ni Kathryn kanina ay biglang naging mas malamig pa sa yelo. Galit sya. Galit na galit sya. How dare this man talk to her like that? Para itong nakikipagusap sa kung sinong bayarang babae. There is no way na papayagan nya itong tratuhin sya ng ganun. No fucking way.

Inipon nya lahat ng lakas nya at itinulak ito palayo. Isang luha ang tumulo mula sa mga mata nya at agad nya itong pinunasan. Halatang nagulat si Daniel sa ginawa nya.

"I'm sorry, but I don't make love just for the heck of it." Tumakbo na sya papalayo bago pa man nakagalaw ang binata. Walang tigil na tumutulo ang mga luha nya habang nasa loob sya ng elevator. Bakit ba nya minahal ang isang lalaking kaya ni Daniel? Bakit nya pinapabayaan saktan sya nito everytime? Kelan ba sya matututo? Kelan ba sya susuko? Gaano katinding sakit pa ba ang kailangan nyang danasin para magtigil na sya?

__________

Napatakbo si Kathryn papasok sa bahay nila nang makita nya ang sasakyan ni Daniel na nakaparada sa labas. Ang tanga nyang puso, na nagmamahal pa rin sa lalaking iyon, ay kumakalabog sa dibdib nya. Namiss nya ito. Halos isang linggo simula ng nangyari sa hotel room. Pinapalamig lang nya ang ulo nya pero hindi pa sya sumusuko. Binibigyan din nya si Daniel ng oras. Sa isip nya ay siguro namiss na din sya nito kaya't naroroon ito para dalawin sya.

Tinanong nya ang isa sa mga kasambahay nila kung nasaan si Daniel at sinabing nasa dining room ito. Agad syang tumakbo doon nang nakangiti. Excited na syang makita ang binata.

Naabutan nya ito sa dining room at umiinom ito ng wine kasama ang Mommy nya. Mukhang kakatapos lang nilang maghapunan. Nawala ang ngiti nya nang makitang hindi lang ang Mommy nya at si Daniel ang naroroon. Andun din si Jasmine.

Anong ginagawa nito doon?

Ngumiti naman sa kanya si Jasmine. It was an evil smile. "Hi, Kathryn. I missed you."

Napairap sya dito. "Hindi kita namiss. Anong ginagawa mo dito?"

"Andito kami para kay Tita Min at hindi para sayo. Gusto kasi naming ipaalam sa kanya ang tungkol sa wedding naming two months from now."

Natigilan sya. "W-wedding?"

"Yes, naisip kasi naming it's about time to settle down. Hindi na kami bumabata."

Parang nahirapan syang lumunok sa narinig. Pakiramdam nya ay sinaksak sya ng ilang kutsilyo sa dibdib. Magpapakasal na si Daniel. Hindi nya akalaing ganito ito kasakit. Mas kaya pa ata nyang masaksak talaga kesa sa mga naririnig nya. Hindi pwedeng magpakasal si Daniel sa mortal enemy nya. Hindi pwede.

Sinubukan nyang hulihin ang tingin ni Daniel pero umiiwas ito.

"You look surprised, hija." Sabi ng Mommy nya. "Alam mo naman na noon pa lang sila na talaga ang magkakatuluyan. Wala naming nakakagulat doon. Mahal nila ang isa't isa."

Walang idea ang Mommy nya na para nitong nilagyan ng asin ang mga sugat nya. Tumango na lamang sya. Nararamdaman nya ang namumuong luha sa mga mata nya pero pinipigilan nya itong tumulo. Hindi sya iiyak sa harap ni Jasmine. No. never. Not in this lifetime.

"Okay. Pero Daniel, sigurado ka na ba dito?" Tanong nya sa binata.

"Bakit naman hindi ako magiging sigurado?" Tanong nito pabalik sa kanya. "Alam mo naman kung sino talaga ang pinakamamahal ko. Simula pa lang si Jasmine na talaga ang babae para sa akin. Sya ang babaeng gusto kong pakasalan at makasama habang buhay. Ikaw, higit sa lahat ng tao, ang nakakaalam ng feelings ko para sa kanya."

Tinalikuran nya ang mga ito. Hindi na nya kaya ang sakit. Oras na para mag-give up sya. Oras na para tumigil na sya sa kaka-asa. He is getting married. Wala syang planong maging kabit habangbuhay. Hindi sya ganon kadesperada. Hindi sya ganun Katanga. Sya si Kathryn Bernardo. Kaya nyang maka-recover kaagad. Nagsimula na syang maglakad palayo.

"Saan ka pupunta, Kathryn?" Narinig nyang tawag ng Mommy nya. Naramdaman nya ang concern sa boses nito. Pero napailing sya. Concern? Baka naiimagine nya lang iyon. There is no way na maging concerned sa kanya ang ina. Wala itong pakialam. Lahat sila walang pakialam.

"Lalabas. Magpaparty ako all night." Sabi nya at naglakad na palabas ng bahay.

"Wag ka masyadong magpagabi!" Sigaw ng Mommy nya bago pa sya tuluyang makalayo.

Binalewala nya ito. Masyado syang nasaktan ngayon para maramdaman ang concern ng ina para sa kanya, kung meron man. Nagsimula nang umulan nang pasakay na sya sa kotse nya. Agad nya itong pinaandar at nagdrive ng mabilis palayo. Muntik pa nyang masagasaan ang guard na nagbukas ng gate.

Nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa mga luha nya. Malakas rin ang ulan sa labas. Para bang nakikisimpatiya sa kanya ang langit. Ang kapal ng mukha ni Daniel na saktan sya ng ganito. How dare him make her life miserable. Gusto nyang isumpa si Jasmine dahil sinira nito ang buhay nya.

Walang tigil ang pagiyak nya nang biglang huminto ang kotse nya. Hinampas nya ang steering wheel sa sobrang frustration na nararamdaman nya. Naubusan sya ng gasoline. Lumabas sya ng kotse at naglakad sa ulan. Wala syang pakialam sa ulan at lamig. Kailangan nyang lumayo. Kailangan nyang makaramdam ng ibang feelings bukod sa sakit. Naglakad lakad sya hanggang mapagod sya. Mas tumagal ang pagulan kesa sa inaakala nya. Basang basa sya at giniginaw na.

Naupo sya sa gilid ng kalsada. Namamaga na ang mga mata nya kakaiyak pero hindi pa rin tumitigil ang mga luha nya. Tila namamanhid na ang pakiramdam nya dahil sa lamig ng ulan. Wala na syang nararamdaman pero umiiyak pa rin sya. Hindi nya alam kung bakit.

Alam naman nya na sa umpisa pa lang ay puro sakit lang ang mararamdaman nya dahil sa pagmamahal nya kay Daniel. Alam nyang hindi sya matututunang mahalin ng binata. Hindi nga sya nito magawang respetuhin. Hindi nya dapat hinayaang bumaba ang defenses nya. Hindi nya dapat pinayagan ang sarili nyang magkaroon ng affair dito. She just fell in love with him all over again. And she fell hard. It was painful.

Nang huminto ang ulan ay pumara sya ng taxi. Uuwi na sya, mageempake, at aalis ng maaga bukas. Lilipad na sya pabalik ng Cebu. Doon sya nararapat. Doon ay nirerespeto at minamahal sya ng mga tao. Walang mananakit sa kanya doon. Iiwan na nya itong impyernong lugar na ito. She wished that Daniel and Jasmine live a very happy miserable life ahead of them.

__________

Nahihilo at nanginginig si Kathryn nang makauwi sya. Nararamdaman din nya ang pagtaas ng body temperature nya. Kailangan nyang palitan ang mga basang damit nya bago pa lumala ang nararamdaman nya. Wala na syang planong magstay pa ng isang araw sa Manila. Hindi sya pwedeng magkasakit. Kailangan nyang bumalik ng Cebu bukas.

Aakyat na sana sya sa kwarto nya nang makarinig sya ng mga nagsisigawan. Napakunot ang noo nya. Nanggagaling ito sa study room ng Mommy nya. May bisita pa ito ng ganito ka-late? Parang may kaaway ito.

Out of curiosity ay lumapit sya sa kung saan nanggagaling ang mga boses. Agad nyang nakilala ang boses ng kausap ng Mommy nya. Ito ay ang kanyang Tita Carla. Anong ginagawa nito doon? Bahagyang nakabukas ang pintuan kaya't nakita nyang parang galit na galit na naguusap ang dalawa.

"Anak mo si Kathryn! Bakit hindi mo sya maalagaan?" Pasigaw na sabi ng Tita Carla nya.

"Hindi ko sya anak!" Galit din na sagot ng Mommy nya.

Napailing ang Tita Carla nya. "Hindi mo pa rin yan makalimutan? Akala ko ba tatanggapin mo sya kahit anong mangyari? Nangako ka kay Teddy na mamahalin mo ang anak nya na parang anak mo rin?"

"Ginawa ko yun noon dahil buhay pa si Teddy. Gusto kong mahalin nya ako kagaya ng pagmamahal nya sayo. Hindi ko sya magawang bigyan ng anak dahil baog ako. Pinilit ko syang magkaroon ng affair sa iba para magkaroon kami ng anak. Nangako akong aalagaan at mamahalin ang bata kahit anong mangyari. Gusto ko ng isang bagay na magbubuklod sa aming dalawa dahil alam kong maghihiwalay kami pag wala iyon. Gusto ko ng isang bagay na pwedeng magamit para makalimutan ka nya."

"Inagaw mo sya sa akin! Nilandi mo sya nung lasing sya. Sinabi mo sa kanyang buntis ka pero ang totoo pala, baog ka. Sinira mo kami dahil sa kasakiman mo."

"Wag kang magsalita na parang ikaw ang biktima dito. Nakahanap ka ng matinong lalaki. Meron kang mabuting anak. Naging perfect ang buhay mo. Samantalang namatay si Teddy at naiwan akong magisa."

"Kaya't pinabayaan mo na lang ang anak nya? Wala ng silbi sayo si Kathryn dahil patay na si Teddy. Wala kang puso, Min. You're worse than I thought."

Marahas na tinulak ni Kathryn ang pintuan para ipaalam sa mga ito na nakikinig sya. Masyadong masakit ang mga narinig nya pero hindi na sya makaiyak. Gusto nyang umiyak pero napagod na ata ang tearducts nya na maglabas ng mga luha. Pagod na syang intidindihin ang mga tao sa paligid nya. Yun pala ang nangyari. Kaya pala hindi magawa ng Mommy nya na alagaan sya. Hindi pala ito ang biological mother nya. Hindi naman sya masyadong nagulat. Alam nya sa puso nya na may posibilidad na hindi nya ito tunay na ina. Paano ba naman kasi nagkaroon ng isang ina na kasing walang puso ng Mommy nya?

Pero nasaktan pa rin sya. Buong buhay nya ay sinubukan nyang makuha ang atensyon nito. Nangarap syang mahalin nito. Pare pareho lang silang lahat. Wala silang ginawa kundi saktan sya. Lahat ng tao sa lugar na iyon ay walang ibang alam na gawin kundi saktan sya.

"Kathryn!" Gulat na sambit ng Tita Carla nya.

She smiled bitterly. "Ngayon alam ko na why you hate me. Hindi naman ako masyadong nagulat, wag kayong mag-alala. Hindi ako magagalit na tinago nyo sa kin ang katotohanan. Hindi na ko hihingi ng explanation o ng detailed story. Sapat na sa akin na malamang hindi ako related sayo. Aalis na ko sa buhay mo permanently." Tumalikod sya sa mga ito. "Ang abogado ko na ang bahalang makipagusap sayo. Kukunin ko kung anong iniwan sa kin ng Daddy ko. He's my father after all. Tapos magkalimutan na tayo. Kung ayaw mo akong maging anak, ayaw ko ring maging ina ka. You gave me enough pain to last a lifetime. It was a relief na malaman kong hindi kita tunay na ina."

Naglakad sya papalayo. Nasa gitna sya ng hagdan ng hawakan sya ng Tita Carla nya sa braso.

"Kathryn..."

Ngumiti sya dito. "Alam mong mahal na mahal kita, Tita. Hindi ako magagalit sa yo, alam mo yan. Pero sana sinabi mo sa kin ang katotohanan ng mas maaga. Dapat matagal ko na tong ginawa."

"Iiwan mo na ba kami ng tuluyan?"

Tumango sya. "Hindi na ko babalik dito. Pupunta ako sa lugar kung saan nirerespeto ako at minamahal ng mga tao sa kung sino ako."

"Wag mong gawin sa kin to, nak." Pagmamakaawa nito sa kanya.

Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan nya. "Hindi kita makakalimutan, Tita. Pwede mo naman akong bisitahin sa Cebu."

"Sorry dahil tinago ko sayo ang katotohanan."

"Alam kong mabuti ang intensyon nyo. Gusto nyo lang akong protektahan. Salamat sa lahat." Hinalikan nya ito sa pisngi bago sya naglakad palayo. Nagpapasalamat sya sa Diyos dahil binigyan sya nito ng isang kagaya ng Tita Carla nya na lagging naroroon para sa kanya. Siguro ay talagang mahal nito ang Daddy nya kaya't minahal na rin sya nito na parang tunay na anak.

Nang makarating sya sa kwarto nya ay agad syang nagpuntang sa banyo. Tumayo sya sa ilalim ng shower ng matagal. Manhid na sya. Wala na syang maramdaman.

__________

Author's Note: Masakit sa puso. Masakit sa puson. Text UNLI PASABOG ON to 8888. Napagod ako. Domdom, hug me?😳

Comment. Vote. Enjoy

Continue Reading

You'll Also Like

141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
46.8M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
13M 551K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
26.8M 930K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...