Pink Skies

By aryzxxi

64K 2.3K 472

Skies Series #2 πŸ”ΈοΈApril 7, 2019 πŸ”ΉοΈAugust 30, 2020 More

Pink Skies
i
ii
iii
iv
v
vi
vii
viii
ix
xi
xii
xiii
xiv
xv
xvi
xvii
xviii
xix
xx
xxi
xxii
xxiii
xxiv
xxv
xxvi
xxvii
xxviii
xxix
xxx
xxxi
xxxii
xxxiv
xxxv
xxxvi
xxxvii
xxxviii
xxxix
xl
xl.i
xl.ii
xl.iii
xl.iv
xl.v
a.n.
xl.vi
xl.vii
xl.viii
xl.ix
L
el fin

x

1K 51 2
By aryzxxi

Inayos ko ng ang crop top na suot ko. Medyo umangat kasi ng konti. Fire looked at me sideways before making a u-turn.

"Seatbelt."

"Ah, okay!" agad ko namang sinuot iyon.

Dahil kasagsagan pa ng rush hour, hindi pa kami gaanong nakakalayo sa eskwelahan ay traffic na. I am just looking straight ahead and tapping my bag. Nilalamon na naman ako ng hiya. Should I talk? Ano naman ang sasabihin ko? I bit my lip. Napaka-wrong timing naman ng announcement ni Rachelle! Kung di niya yon ginawa, maybe I'll be able to chat with Fire ngayon! Nako. Kay Mica siya kumopya sa quiz bukas!

Luckily, Fire turned on his car's stereo. Nagkaroon ng konting buhay sa loob ng kanyang kotse. Hindi naman ako gaanong attentive sa sinasabi ng radio jock pero nang makilala ko ng konti ang boses ay napatingin ako sa stereo.

".. and here's the first batch of responses to our Ask Me question of the day. What is the craziest thing you did for your crush?"

"Si Persephone ba yan?" tanong ko habang nakaturo sa stereo.

Fire nodded,"Oo. Part time work niya."

Nagtaas ako ng kilay at sumandal muli sa upuan. Alam niya. Close sila? Sabagay, kilala ang pamilya ni Persephone sa subdivision namin. Her father is a businessman at politiko naman ang nanay.

"Aahh. She's got a nice voice." puri ko. Totoo namang maganda ang boses niya. I stalked her profile before, she's a psychology student and a frequent in beauty pageants sa unibersidad niya. She's also into modeling at nakwento sa
akin noon ni Teacher Maricel na binalak daw siyang kunin ng Aspire bilang talent pero tumanggi. I don't know why she refused.

"From Sam Lazaro. Hello, DJ Pony. I was in grade 11 when I discovered that nagja-jogging yung boy next door crush ko tuwing Saturday morning in our subdivision at nagkakataon pang dumadaan siya sa harap ng bahay namin. So, when weekend came, I went out wearing a nice shorts and fit shirt. Hinihintay ko ang pagdaan niya para sabayan siya sa pagtakbo. I sacrificed my eight hours of sleep to wake up at five in the morning every Saturday to jog with him. I tried talking to him pero nilalampasan niya lang ako. He's so suplado pala. I decided to un-crush him and have my eight hours of sleep na lang." tumawa si Persephone nang matapos ang mensahe. "I'm sure we've all been there sa phase na gagawin ang nakakahiligan ng crush natin just to impress him or her."

I cleared my throat. Oh, I've done it, too. Ilang beses na at hindi man lang ako pinansin noon ni Fire, ang suplado niyan. Sam Lazaro, kung sino ka man, I feel you.

Gumagalaw na ng konti ang mga sasakyan. When I thought that the next street is free from traffic ay nagkamali ako.

"Next is from Jena Choi. Hi, DJ Pony! I think the craziest thing I've done was stalking all the girls na may gusto sa crush ko.."

Napakagat ako sa labi at nilipat ang tingin sa bintana. I did that, too. Sa tingin ko ay ilang beses kong nauubos ang oras ko noon kakatingin sa profiles ng  mga babaeng nalalaman kong may gusto kay Fire. Minsan pa nga kahit yung mga nagkukumento sa mga letrato niya ay tinitignan ko rin. Ang masakit lang doon ay minsan, magaganda sila. They've got the beauty and the body. Bagay na bagay kay Fire. Kapag minamalas ako ay minsan may letrato pa silang dalawa na magkasama. Mukhang close si Fire sa ibang mga babae at dikit na dikit sila.

Doing that only made me insecure. Kinukumpara ko ang katawan at itsura ko sa kanila. Some looks tanned salungat sa mestiza kong itsura. May ibang sexy unlike my petite body. It always made me feel that I lack something and it hurt me. Mukhang makaka-relate yata ako sa mga ito, ah.

"Don't ever compare your beauty to others. Iba kayo, eh. So, what if she's pretty? You're pretty, too in your own way. Remember that, Jena." sabi ni Persephone. "Another one from Carl Bigornia. My crush and I agreed to have a date at the mall. Habang nasa byahe ay excited ako. I was texting her kung saan kami magkikita doon dahil pababa na ako ng bus na sinasakyan ko then she replied, she couldn't make it. May emergency daw. Biglang nawala lahat ng sigla sa katawan ko. I waited for another ride para umuwi, of course anong gagawin ko doon sa mall mag-isa? I traveled six hours for nothing."

Napalingon ako sa stereo. My mouth opened a little. That sucks! Sana sinabi niya na agad para di na bumyahe yung lalake. Sayang kaya yung pamasahe. Nakita ko ang pag ngisi ni Fire at iling.

"Maybe you're like that," sabi ko. He turned to me with an amused expression.

"Why do say so?"

"Y-You look like a playboy. Mukha kang paasa."

"I won't waste my time on someone I don't like. Hindi ako paasa." sabi niya habang nakatingin sa akin ng diretso.

I don't know why that statement kinda hurt me. I get it. He's ignoring me every time I make a move dahil hindi niya ako gusto at ayaw niya akong paasahin. Well.. it's clear na ako lang ang may gusto sa kanya at hindi naman siya obligadong magustuhan din ako pabalik. It's just that umaasa lang ako ng konti na mapansin niya because I like him.

Dahan-dahan akong tumango sa sinabi niya. Dapat nanahimik na lang ako.

"I'll read more of your responses later. Let's play some music and this is Taylor Swift with You Belong With Me," then the song played. The music filled the silence between us. Hanggang sa matapos ang kanta at nasundan iyon ay tahimik lang kami. Ilang saglit pa ay naging maluwag na ang kalsada.

I received a text from my mother saying she wants Fire to eat dinner at our home. I sighed. Kung kailan naman di ko gustong makasama si Fire, saka pa to nangyayare.

"Malapit na tayo."

I look ahead. Nakikita ko na ang pamilyar na mga restaurant at convenient store na malapit sa subdivision namin.

"And I'm back! Let's go na agad sa sunod na response from Marco Yuzon. Wait.. kilala ko to. Parang alam ko na ikukwento nito," Persephone said. "Hi, Pony. I think you know me already. The craziest thing I've done for my crush was agreeing to be her best friend. Guys, true story to!" Persephone exclaimed.

Bumalik tuloy ang atensyon ko sa stereo. Nilakasan ni Fire ng konti ang volume.

"She's my classmate since elementary until high school. We were inseparable at marami na ring nag-assume na may relasyon kami which we always deny because we're friends hanggang sa na-realize kong nahuhulog na pala ako."

Why do I feel na malungkot ito? I shifted on my seat at napakapit sa bag kong nasa kandungan ko.

"I never admitted that I love her. I patiently listen to her stories about her crushes, naging kasabwat niya ako sa pagstalk sa basketball player niyang crush, I was the first one she notified noong sinagot niya yung nanliligaw sa kanya at naging sandalan noong naghiwalay sila.." medyo nanginginig na ang boses ngayon ni Persephone.

I am imagining all those scenarios na kinukwento niya. Hindi ko alam kung bakit parang nararamdaman ko rin yung lungkot.

"I was comforting her. Lumipas ang ilang buwan at okay na uli siya. Masaya ako para sa kanya. When I confessed that I like her, she just laughed it off at sinabing "Loko-loko ka talaga." Hindi ko makalimutan yon. Para bang nagsabi ako ng joke, tawang-tawa siya.."

"We're here."

"H-Ha?" I looked around. Nasa tapat na kami ng bahay namin! Gusto ko pang tapusin yung kwento. "Wait lang. Tapusin lang muna natin to!"

I heard Fire unbuckled his seatbelt pero hindi naman siya umalis. Mukha siyang nagulat sa request ko.

"I tried confessing again. Nilinaw ko na ang gusto kong iparating. Then, she told me that kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Parang dinurog ang puso ko. All those times that we're together meant nothing but friendship for her. Tinanggap ko kahit masakit, hindi ko naman siya mapipilit na gustuhin din ako. Somehow, gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong umamin. We're still friends until now pero hindi na gaya ng dati. I distanced myself from her and she's got a boyfriend na rin. Thanks for reading this, Pers. Please greet.."

Napasinghot ako roon at pinunasan ang konting luha sa gilid ng mga mata ko. I tried looking for a tissue sa bag ko pero wala akong makita.

"M-May tissue ka ba diyan?" tanong ko kay Fire habang nakayuko.

He chuckled, "Never knew you're a sucker for stories like that."

Kinuha ko ang tissue na inabot niya at bahagyang suminga. Di ko masisisi ang sarili ko na maantig sa istorya ni Marco.

"Naka-relate ka ba?" tanong ni Fire na may tinatagong ngiti sa labi.

"Hindi, ah. Nalungkot lang. Alam mo ba yung feeling na ma-reject ka ng taong gusto mo?" tanong ko. Fire just looked at me seriously. "Hindi pa no?"

"Ikaw ba? Have you ever been rejected by someone you like?" he asked while crossing his arms. Sumeryoso ang itsura niya. I can see his eyes lit fire or something.

Umiwas ako ng tingin. "Y-Yes. Parang.. " malungkot kong sambit. Ganon naman kasi ang pinaparamdam sa akin ni Fire so let's just assume na rejection na iyon mula sa kanya.

Inayos ko muna ang sarili ko bago tanggalin ang seatbelt.

"Sabi ni Mommy, dito ka na raw magdinner.." I told him.

"Sige," sabi niya bago lumabas ng kotse.

Oh! I expected him to decline my mom's offer. Agad akong sumunod sa kanya. One of our maids opened the gate para papasukin kami.

"Nasa kusina po ang Mommy mo. Gumagawa po ng kimchi."

"Sige, ate. Paki dala naman po nitong bag sa kwarto ko," binigay ko sa kanya ang bag na dala ko at mukhang nabigatan siya doon.

"A-Ano pong laman nito Ma'am Ziana? Ang bigat. Hehe"

I apologetically smiled at her,"Uhmm. Damit tsaka shoes po.."

I motioned Fire to follow me sa dining area. Sinalubong kami roon ni Mommy.

"Ginabi kayo, ah. Fire, salamat sa paghatid dito kay Zia!" Mommy said.

"Wala po yon, Tita." Fire politely said.

"Kumain na muna kayo. I'll be at the kitchen, gumagawa ako ng kimchi." Mommy said before leaving us alone. Mukhang tapos na silang kumain. The table is filled with Korean dishes.

"L-Let's eat," anyaya ko kay Fire na kanina pa yata nakatingin sa akin. Gutom na ata.

Magkatabi ang mga platong nakalagay sa mesa. Ibig sabihin, magkatabi kami ni Fire. Napansin kong hindi pa siya umuupo, nakatingin lang siya sa akin. Right, he's waiting for me to sit down first.

He eyed the dish in front of him habang inaabot ko naman ang kanin sa harap ko.

"What's this?" turo niya sa hugis pancake na pagkain.

"Haemul-jeon."

He turned to me with a confused smile."What?"

"Seafood pancake. May green onions, squid and shrimp yan. That's good."

Fire put some rice on his plate and it was thrice the amount of mine. I know that he's a big eater, mabuti na lang at maganda pa rin ang katawan niya because of exercise.

"How about this?"

"Tangsuyuk. That's just pork.." sabi ko.

Medyo nag-aalangan pa siyang kumuha.

"Get a piece and dip it sa sauce," I showed it to him. Hindi ko nga lang maisubo ang kinuha ko dahil nakatitig siya. "K-Kuha ka na. Masarap yan."

Fire seemed to like it pati na yung seafood pancake. Nauna akong matapos sa kanya pero di rin naman siya nagtagal at natapos din. He looks satisfied sa nakain niya. I was wiping my mouth when I saw the time. Nine na pala! We were together for three hours? Ito na yata ang pinaka matagal naming pagsasama. Wow!

"Uhmm.."

"May practice ka uli bukas?" tanong niya.

"Meron."

Tumango si Fire bago tumayo. "Magpapaalam lang ako sa Mommy mo. " 

I watched him walking towards the kitchen. His broad shoulders and lean figure disappeared nang lumiko siya.

Napasandal ako sa upuan habang iniisip ang itsura ni Fire. I wonder what do you think is the craziest thing I've done for you?

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 130K 45
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
4.5M 284K 105
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
52.2K 1.3K 11
My first ever PAW Patrol story. A certain fire pup goes missing, so a certain police pup springs into action to get his best friend back. But somethi...
3.9K 227 53
SOLASTA LEAL SERIES #3 Dellara Ortega from UP Broadcast Communication, daughter of a politician, and Brylle Sanchez from UST Electronics Engineering...