Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
87

86

3.6K 64 30
By septemberoyal

JHO

Nag excuse ako para pumunta ng cr, iniwan ko muna sina nico, yung kagolf buddy nya at yung girlfriend neto. Nagpangita kase kame sa resto kung san kame nagdidinner, inalok namen na sumalo sa min na di naman tinangihan  ng kaibigan nya.



Masayang naguusap usap kameng apat, kilala ko naman ito dahil nakasama ko na rin sila nung minsang sumama ako para golf. Naipakilala na kame ni nico sa isat isa pati na rin ang gf nun.



Hindi naman ako nagtagal, dahil paalis na rin kame. Ayokong abutan ako ng curfew. Pabalik na ko kung san kame nakapwesto, napansin ko na parang napakaseryoso ng usapan nila. Palapit na ko ng maulinigan ko ang pagbanggit ng name ko.



May kung sa kin na nagsasabeng huminto muna at makinig sa pag uusap nila. Kaya pasimple akong umupo sa isang bakanteng table na may kalapitan sa kanila. Nag busy busyhan kunyare ako sa phone ko.



"Bilib na ko sayo nics." sabe ng kaibigan neto. "Yung pinagpapantasyahan mo ng matagal na panahon, eh girlfriend mo na ngayon. Iba ka! hahaha"



"Anong pinagpapantasyahan?" sangga ni nico. "Pinapangarap bro. Pinapangarap." correction neto tas natatawang nailing to.



"Eto kase eh. Mga salitaan mo talaga." saway nung gf nya. "Hindi ka ba nahirapan na manligaw sa kanya?" tanong naman neto. "Syempre di ba, popular vball player ang pinopormhan mo?"



Umayos ng upo si nico at bumaling dun sa babae. "Hindi naman. Malakeng advantage na yung batangueno din ako kaya nagustuhan ako ng family nya. Boto kaya sa kin ang parents nya, Buong angkan nya." pasimpleng pagyayabang neto.



Totoo rin namn talaga. Botong boto sa kanya ang buong angkan namen both side sa papa and sa mama ko. 😪



"Wow naman bro. Kaya naman pala malakas ang loob kase nakakapit sa mga dapat kapitan hahaha." hirit neto.



"Ganon naman talaga eh di ba?" si nico na bumaling naman dun sa kaibigan. "Tingnan mo naman ngayon bro? Almost 8 months na kame ni jho."



Kita ko ang abot tengang pagkakangiti neto. Ano pa bang inaantay ko at di pa ko lumapit sa kanila at para makauwi na rin. Patayo na ko ng mapatigil ako at muling naupo.



"Sa teammates nya?" tanong ulit nung babae. "Close ka sa kanila?"



"Ah oo." pa cool na sagot naman neto. "Hindi naman sa lahat pero nakakausap ko naman sila and warm naman din akong winelcome. Actually, si deanna yung close ko sa lahat. Sobrang malapit kase sya kay jho kaya napalapit na rin sa kin."



"Eh si bea de leon?" pabiting tanong neto kaya napabaling muli si nico sa kanya. "Close kayo? Hindi ba bestfriend silang dlawa, so it means close din kayo?"



Nanahimik si nico, pasimple kong pinapanood ang conversation nila. Napainom ng ice tea ito habang pinakikinggan ang mga sinasabe nung babae. Kinabahan naman ako dun sa next question nya.



"Wait. Is it true ba?"



Pucha! Parang alam ko na ang itatanong neto.



"True ba yung issue between them?"



Leche!



"Anong issue?" himig chismoso nung kaibigang lalake ni nico.



"Yung secret rela----"



"Wala."mabilis na putol ni nico kaya napahinto sa pagsasalita ang babae. "Walang issue'ng ganon sa kanila. Nabibigyan lang ng iba ng malisya yung closeness nila. Mga malisyoso lang talaga mga tao. Mga walang magawa kaya nagpapakalat ng ganon."



"But nics, marame silang sweet photos and meron na rin silang shippers." pilit pa neto.



"Ano ba kase yun?" clueless na tanong nung lalake na nagpalit palit ng tingin sa dalwa. "Share nyo naman."



Pero parang walang naririnig ang dalawa. Tuloy lang sila sa paguusap na may slight na pagtatalo na sa pagitan nila.



"Basta. Walang ibang dahilan ang pagiging close nila sa isat isa, magbestfriend sila.....Nothing more......Nothing less."



Pansin kong naging matahimik na si nico mula ng umalis kame sa resto na pinagkainan namen. Wala akong maisip na dahilan kung bat nagbago ang mood neto, kanina namang pagsundo nya sakin eh good naman ito at di mawala ang pagkakangiti pero ngayon, seryoso at di na halos makangiti.



"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.



Humimig lang sya bilang sagot tas sandaling sumulyap sa kin pero infairness sa kanya kahit pilit ay nginitian nya ako. Lam kong may dahilan bat ganto sya  ngayon.



Lumalakas na rin ang buhos ng ulan ngayon, kaninang paalis kame dun sa resto eh pa ambon ambon na at panay na rin ang mga pag kulog at pag kidlat. Ilang sandali pa eh parang bagyo ng bumabayo ang ulan na may kasamang pagbugso ng hangin. Itinabe na muna ni nico ang sasakyan dahil delikado na suungin namen ang lakas ng ulan at hangin. Nakakagulat ang gumuguhit na kidlat kasunod ang malakas na pagkulog. 



Isang imahe ang biglang dumaan sa isipan ko pagkatapos nun.....si----



"Grabe. Parang may bagyo ah." narinig kong sabe ni nico. "Kung magtatagal tayo rito baka lumalim ang baha and di na tayo maka alis."



Nag drive muli si nico pero alalay na sa bilis dahil sa zero visibilities gawa ng lakas ng ulan and marame pa ring nabyahe ngayon. Naisipan kong mag message sa group chat ng team, magpapaalam  ako na baka ma late nga ako ng uwi. Hindi kona nagawang makapag message dahil sa mga nabasa ko. Hindi ako nakatiis kaya sumali na ko.



"Tinawagan nyo na ba si maki?" biglang chat ko.



"Yeah. And sabe nya na kanina pa daw na inihatid nya si bei sa may gate ng campus. Ayaw daw magpahatid ni bea sa eliaso." sagot sa chat ni ponggay.



"Kanina pa na rin namen syang tinatawagan pero out of reach ang phone nya." si jules.



"Asan si maddie?" tanong ko.



"Parang nagpasama kay kat na lumabas. Baka hanapin nila si ate bei sa buong campus." si syd.



Biglang  nagsalita si nico kaya nagulat ako at napatingin sa kanya. "May problema ba love?" biglang tanong ni nico.



"Medyo may kaguluhan lang sa dorm." sabe ko at muling tumuon sa phone ko.



"Ha? Anyare?" si nico. "Wag ka ng mag alala andito na rin tayo. Masasaktong 10:00 maihahatid na kita sanyo."



Saka ko lang napansin na nakapasok na pala kame sa loob ng campus. Naging malikot na ang mga mata ko sa paligid. Pinaikot  ko muna sa buong campus ang kotse ni nico, kahit nagtataka eh sinunod na lang nya ako. Halos idikit ko na mukha ko sa salaming bintana ng kotse nya para maaninag ang daan.



"Ano bang hinahanap mo?" si nico na patuloy lang sa pagddrive. Muling pumailanlang sa kalangitan ang matutulis na kidlat at nakakabinging kulog. 



"Shit!"napamura ako sa gulat kahit nasa loob kame ng kotse.



Kung ako nga nagulat sa pagkulog at pagkidlat, ano pa kaya yung nasa labas ng daan? Lalo lang ako nag aalala ngayon.



Asan ka na beatriz!?!? Sigaw ng utak ko at lalong nagpursige ang mga mata ko na hanapin sya sa mga gilid at may silong na lugar.



"Uuwi na tayo. " si nico . "Kanina pa tayo paikot ikot dito, lumagpas na tayo sa curfew hour nyo. Ayokong mapagalitan ka kaya iuuwi na kita." 




Pagkasabe nyang yun ay bigla syang lumiko, wala na kong nagawa. Naka tingin lang ako sa labas, sana lang talaga mahanap sya nila maddie. Lalo na at sobrang anlakas ng ulan na to at siguradong natatakot na ang pasaway na yun sa kulog at kidlat. 



Naalala nyo nung first time nameng magsama matulog, umuulan nun and may mga kulog at pagkidlat. Ang lakeng tao at napaka bully nya pero ang weakness nya ang kulog at kidlat. Kanina pang  sumusungaw sa isipan ko ang itsura ngayon ni bea, lalo lang akong nag aalala talaga. Baka nga nakainom pa to, pag dumadalaw ang babaeng yun kina maki, di maiiwasang mag inuman ang mag bebestfriend na yun......



Mag bebestfriend.....saka napangiti ako ng mapait sa king isipan.



Napakunot noo at dinuggol akong kaba ng may maaninagan ako sa kabilang side ng daan sa may waiting shed. Parang may taong nakatayo dun.



"Nico, iikot mo sa bandang dun." mabilis na utos ko kay nico sabay turo.



"Ha?" si nico. "Pero bakit?" 



Hindi na ko sumagot dahil di ko na hinihiwalayan ng tingin ang taong andun sa shed. Sinunod na lang ako ni nico, umikot nga sya sa kabilang side at pinahinto ko sa tapat mismo ng waiting shed. Hinagilap ko ang payong sa loob ng kotse, ng makita ko ay di na ko nag dalawang isip, lalabas ako.



"Hey, san ka pupunta?" pigil ni nico sa kin. "Ang lakas ng ulan."



"May susunduin lang ako." sagot ko.



"Ha?" napakunot noo si nico at pilit na inaaninag ang taong nasa labas tas muling tumingin sa kin. "Sino...." tas napatikhim ito tas tinitigan ako. "A-ako na lang lalabas, akin na ang payong ako na ang susundo."



"No. Wag na. Ako na lang." ako.



Hindi ko na hinintay na magsalita pa si nico, tuluyan na kong lumabas. Malapit lang at ilang hakbang lang ang layo ng kotse at waiting shed pero nabasa pa rin ako dahil may kasamang paghangin ang ulan.



May munting liwanag na sumasagi sa loob ng shed mula sa poste ng ilaw. Nahabag ako sa itsura nya na nasa dulong parte ng shed, naka pikit at nakatakip ang mga tenga neto.



"Bea."



Kita ko ang pagka gulat sa mukha nya kahit nanginginig na sya sa lamig  ay nagawa nyang sabihin ang pangalan ko."J-jho...?"



Nilapitan ko sya agad at parang gusto kong maiyak sa itsura nya ngayon. Para syang basang sisiw na nawalay sa nanay nya at inabutan ng malakas na ulan. Parang tinutusok ang puso ko sa itsura ni beatriz. Pilit kong pinipigilan ang emosyon ko na wag maiyak kaya nagpumulit na ko.



"Shit. Basang basa ka." nasabe ko. "Tara na. Uwi na tayo."



Bago pa man sya magsalita at tumanggi ay kinuha ko ang kamay nyang malamig at nanginginig. Hinigit ko sya para makatayo sya ng ayos at hinapit ko ang bewang nya.



"Umakbay ka sa kin." sabe ko habang nalakad na kame palabas ng waiting shed.



Malakas pa rin ang ulan, sumusunod ang kidlat at kulog kaya napapakapit ng husto sa kin si beatriz, na lalo ko ring hinahapit sya palapit sa kin.



Magkasukob kame sa iisang payong na sakto para sa dalawang tao pero dahil may kasamang paghangin ay nababasa talaga kame. Binuksan ko ang pinto sa backseat ng sasakyan at unang pinapasok ko si bea tas sumunod na ko.



Inasikaso ko sya agad, parang natutuliro ako kung anong una kong gagawin.



"Asan ang bag ko?" tanong ko ng nagpalingon lingon at tumitingin tingin sa loob ng kotse. "Asan na ba yun?" naiinis na ko dahil di ko agad makita.



"Andyan sa----" si nico.



"Andyan ka lang pala. Tsk." hinablot ko sa gilid ang gymbag ko at kinuha dun ang towel ko. Humarap ako kay bea at pinunasan ko sya.



Mula sa buhok nyang tumutulo dahil sa basa hanggang sa mukha neto. Panay ang punas ko.



"Ano bang pumasok sa isip mo at di ka nagpahatid hanggang sa mismong dorm naten?" inis sa sabe ko. "Sinagasa mo talaga ang ulan eh no? Eh ano ka ngayon? Basang sisiw na takot na takot sa mga kulog at kidlat."



"Eh kase----"



"Tahimik!" supalpal ko agad sa kanya. "Sobrang tigas ng ulo mo." nanggigigil na sabe at diniinan ang bawat pagpunas ko sa kanya.



"A-aray ko naman!" reklamo nya ng hinihila ko na buhok nya.



Sandali akong tumigil at tinitigan ko sya. "Ano? ha? reklamo pa? Eh kasalanan mo rin kase talaga kung bat basang basa ka ngayon. Katigasan mo kase!" tas nilamukos ko ang mukha nya gamit ang towel ko.



Hindi ko na narinig na magreklamo pa ang damulag na to. Damang dama ko ang pangangatog nya at kita ko yun sa panginginig ng labe nya, maging ang pagsasalita nya ay may panginginig din.



"Paki hinaan mo nga ang aircon." baling ko kay nico saka muling hinarap si bea. "Ay patayin mo na lang kaya, sobrang lamig naman eh."



"O-oh sige." si nico na pinatay na lang nya.



"Tara na. Hatid mo na kame sa dorm." sabe ko ng masilip ko sa bintana ng kotse na andun pa rin pala kame sa tapat ng waiting shed.




















Gulat ang lahat ng dumating kameng magka akbay sa dorm. Nagsipag lapitan ang lahat na nasa sala at ang iba'y magkakasunod na lumabas sa kusina. Wala pang isang minuto ay napalibutan na kame. Halos sabay sabay na magsalita at magtanong ang mga to. Hanggang sa napatahimik ang lahat ng biglang may pumasok sa pinto kung san kame pumasok kanina, napalingon kame pareho ni bea.



Parang automatic lang, nahawi ang mga nakaharang sa pagitan namen at ni maddie na kasama si kat. Nagkatinginan muna kame ni maddie, mga tinging gulat at nagtatanong bago sya bumaling kay bea na nanginginig na naka kapit pa rin sa kin at ako rin sa kanya.



Lumamlam ang mga mata ni maddie at parang naiiyak itong lumapit sa min.....Kay beatriz. Napakapit ako ng mahigpit sa bewang ni bea habang di pa nalapit tuluyan si maddie sa kanya.



"Okay ka lang ba?" si maddie na halata sa boses neto ang sobrang pag aalala. Hinawakan pa ang mga pisngi ni bea. Sinipat sipat ang katawan neto  tas niyakap.



"Mads, basang basa ako." si bea na nanginginig ang boses.



Parang walang narinig si maddie sa pakiwari ko mas niyakap nya pa ito ng mahigpit kahit andito pa rin ako sa tabe ni bea at nakakapit sa bewang nya.....Oo, nakakapit pa rin ako sa kanya. ☹



"Bat di ka pa kase nagpapalit ng damit?" si maddie na humiwalay sa pagkakayakap dito. "Magshower ka ng warm para mabanlawan ka."



Pagkasabe nyang yun ay inakbayan nya si bea na para bang aalalayan nya to na ganon na nga....nagbilin sya sa teammates namen na magsipagtulog na at kung anu ano pa na sinunod naman agad ng lahat. Habang nagsasabe si maddie sa iba at pasimpleng nagkatinginan kame ni bea.



Di ko alam pero parang antagal na ng titigan nameng yun. Na miss ko ang mga matang to na nakatingin sa kin.....Kung pano nya ako tingan ng ganto. Na parang andame nyang gustong sabihin.



"Lets go?" si maddie kaya naputol ang titigan nameng yun. At parehas kameng napatingin kay maddie. 



Hindi na hinintay ni maddie na sumagot si bea, hindi makahakbang si bea kase hanggang ngayon ay nakahawak pa rin ako sa bewang neto at si bea ay nakaakbay pa rin sa kin. Napalingon si maddie kay bea at alam kong napatingin ito sa kamay ni bea na naka akbay pa rin sa kin.



"Kelangan mo ng magpalit, magkakasakit ka." madiing sabe ni maddie kay bea saka sumulyap sa kin. "Di ba, jho?"



Lumingon sa kin si bea. "A-ah....O-oo...." napipilitan kong sagot.



Dun lang tinanggal ni bea ang kanyang pagkaka akbay sa kin. Pero di ko pa rin tinanggal kamay ko sa bewang nya hanggang sa maglakad na sila. Parang scene sa mga pelikula ang pakiwari ko yung mga sumunod na nangyare.



Parang slow-mo sa king paningin ang lahat, dahan dahan silang naglalakad palayo sa kin at ako hanggat may makakapitan ako sa kanya, hanggang sa t shirt nyang basa kumapit ako hanggang sa di na kinaya ng kamay ko dahil palayo ng palayo silang dalawa sa kin kaya nabitawan ko rin.



Hinatid sila ng mga mata ko paakyat hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Napatingin ako sa kamay kong kanina lang ay nakayakap ang mga braso ko sa kanyang bewang hanggang sa pagkapit ko sa kanyang basang damit. Ngayon.....Basang kamay ko na lang ang tinitingnan ko.



"Hawak mo na kase, binitiwanan mo pa."



Dahan dahan akong lumingon kahit alam ko naman kung sino yun. Isang malungkot at nakikisimpatyang tingin ang ibinibigay sa kin ni kim. Tinapik tapik nya ang balikat ko.



"Na sayo na, pinakalawan mo pa." dagdag pa neto.



Pilit at mapait akong ngumiti sa kanya. "Baka ganon talaga....Parang ulan lang din....bumuhos man ng pagkalakas lakas, asahan mong titigil din yun.....Matatapos din.....Mawawala din...."



"Tsk." palatak ni kim. "Dun ka na sa cr ng room namen magbanlaw....basang basa ka rin oh."



Tumango ako. Dun nga ako naligo sa cr ng room nila, dinalhan na rin ako ni kimmy ng pamalit kong damit.  Mag iisang oras na ko dito nakatambay sa room nila kim at cacee, nag aalangan akong bumalik sa room namen baka kase makaistorbo ako sa kanila ni maddie.



"Magpahinga ka na rin kaya ate jho." si cacee na nakahiga na sa bed neto. Magka roommate kase ang magkapatid.



"Oo nga, jho." pag sang ayon naman ni kim na nakahiga na rin sa bed nya kung san nakaupo naman ako. "Dito ka na matulog, tabe tayo." tas umusog sya.



"Dito na lang sya sa kin tumabe ate." si cacee.  "Di ka makakatulog dyan sa tabe ni ate, iisipin mo pang baka mabangga mo ang paa nyan. Ay nako ate jho, ganyan ang nangyare sa kin nung magtabe kame. Nagka eyebag pa ko ng bongga sa puyat."



"Hoy." si kim. "Baka anong isipin ni jhoana sa sinabe mo." saway ni kim sa nakakabatang kapatid.



Para namang napag isip isip yun ni cacee kaya todo paliwanag sa kin.



"Alam nyo di rin ako makakatulog kung di ako sa sarili kong bed eh." sabe ko na lang para di mapahiya lalo si cacee. May point sya naman, baka nga masagi ko ang paa ni kim eh kakaopera pa naman nya. "Saka gusto kong makayakap ang pampatulog ko."



"Si ate bea?" clueless na tanong ni cacee.



"Cacee!" saway ni kim na napa upo at hinagisan ng unan ang kapatid. "Si pooh kaya yun."



"Ow sorryyyy." si cacee ulit at nagpeace sign pa sa kin. "Kase kala ko...."



"Manahimik ka na okay. Tsss...." tas napa iling.



Nagpaalam na ko sa kanilang magkapatid, kahit nag aalangan ako kelangan ko na ring magpahinga medyo late na rin  kase. Ayokong maka istobo sa iba para lang di ko  masaksihan kung pang pag aalaga at pag aasikaso ang ginagawa ni maddie kay beatriz. Napahugot ako ng malalim na hininga, andito na ko sa harap ng pinto ng room namen.



Haaayyy.....bat nag aalangan talaga ako? Bat nahihiya pa ko ngayon na pumasok sa room ko? May kinatatakutan ba akong maabutan sa loob? 



Ay nako, bahala na. Kung meron man akong makita, dating gawi, dedma lang. Parang wala akong nakita at maririnig, oo, ganon nga. Ganon na lang ulit gagawin ko, tulad nung mga nakaraang mga buwan. Yung kahit makita ko silang magkasama, nagkukulitan, nag haharutan at kahit naririnig ko ang kanilang mga tawanan ay dedma lang ako. Kunyare di ako apektado, kahit na....



Natapos ang isipin kong yun ng biglang bumukas ang pinto, nagkagulatan kame ni maddie. Ngumiti kame sa isat isa. 




"A-ah...uhm..." di ko alam kung anong sasabihin  ko. 



"A-ano....n-nkatulog na rin sya." si maddie. "Napainom ko na rin sya ng gamot, sinisinat na rin kase sya. Medyo may katigasan din ang ulo ng babaeng yun. Nahirapan akong painumin sya eh." halos nag bubulungan na lang kame.



Napatawa ako ng mahina. "Ganyan talaga yan. Masyadong pabebe pag may nararamdaman  saka maarte pag ganyang may sakit. Para syang bata, napaka clingy pa nyan halos ayaw ka nyang pakawalan, gusto lage kayong magkadikit...."



"Ahhh..." si maddie.



Nakaramdam naman ako kaya huminto ako, ayokong ma feel ni maddie na masyado akong epel. Katahimikan ang bumalot sa min pagkatapos at sobrang awkward lang talaga. Nasa may tarangkahan pa rin si maddie at ako ay kaharapan nya. Tumikhim sya kaya kahit papano nabasag ang katahimikan sa ming dalawa.



"Gusto mo dyan ka na lang matulog?" offer tanong ko kay maddie.




Sandalig natigilan sya at parang nag iisip. "No. Hindi na. Tingin ko naman tuloy tuloy na sa pagtulog ang pasaway na yun. Saka....baka magtaka yun pag iba ang magisingan nya kinabukasan." 



Napakunot noo ako kase mas lalong ibulong na nya yung mga  huling sinabe nya. "Ha?" 



"Sabe ko matulog na rin tayo, super late na eh." si maddie tas umalis na sa tarangkahan na binigyan ko naman sya ng space para makadaan. 



"Uhm....Jho...." si maddie. "Thank you ha. Thank you sa paghanap mo kay bea."



Ngumiti ako. Totoong ngiti. "Pauwi na rin talaga ak---kame ni nico nadaan namen sya sa waiting shed kaya sinabay na namen."  pagsisinungaling ko.



"Basta. Salamat." si maddie.



Tuluyang nagpaalam na si maddie sa kin kaya pumasok na rin ako sa room namen. Dahan dahan akong kumilos para di ako makagawa ng anumang ingay na ikakagising neto. Kaya nag paa na lang ako sa loob, sinisilip silip ko sya mula sa kinatatayuan ko ngayon, nag aalangan ako ngayon na lapitan sya. Nakabalot man ang buong katawan nya pero nakasungaw  naman ang ulo nya.



Medyo panatag na rin ang loob ko  dahil nakauwi na si beatriz pero nag aalala pa rin ako lalo na sa kalagayan nyang ito ngayon, mukhang magkakasakit naman sya.  Pero andyan naman si maddie na mag aalaga na sa kanya, sya na ngayon ang gagawa nyan hindi na ako....wala na akong karapatan ngayon.



Past 1am na and tinatamaan na ko ng antok, magbabanyo muna ako. Halos atakihin ako sa puso ng pagka bukas  ko ng pinto ng bathroom namen ay andun sya a mismong harapan. Naka pajama at sweater sya ngayon.



"Papatayin mo ba ako sa gulat?" sabe ko ng naka hawak sa king dibdib. 



"Naiihi ako." mahinang sabe ni bea.



Binantayan ko sya habang naihi sya sa loob ng cr, di ako umalis sa may pinto hanggang sa matapos sya. Pansin ko ang pagka hilo nya kaya inalalayan ko sya maglakad, ramdam ko ang init sa kanyang palad ng umakbay sya sa kin habang papunta kame sa bed nya. Inihiga ko sya at inayos ang pagkakahiga nya at ang pagkaka kumot nya.



"Matulog ka na." sabe ko sa kanya.



Paalis na ko ng mapatigil ako at napalingon sa kanya tas bumaba ang tingin ko sa aking kamay na hawak nya ngayon tas balik tingin ako sa kanyang mukha na namumula  dahil nagsisimula ng tumaas ang kanyang lagnat, di tumalab ang gamot na pina inom ni maddie sa kanya kanina.



"Dito ka na muna...." si bea. 



Namumungay ang mga mata at mapulang mapula ang labe neto, pati boses ay iba na rin ngayon halatang may sakit na sya. Humigpit ang pagkakahawak neto sa palad ko.



































"Dito ka muna sa piling ko......Please?.....Akin ka na muna jho....."



































































Continue Reading

You'll Also Like

469K 13.6K 105
"aren't we just terrified?" 9-1-1 and criminal minds crossover 9-1-1 season 2- criminal minds season 4- evan buckley x fem!oc
1.7M 56.4K 70
In which the reader from our universe gets added to the UA staff chat For reasons the humor will be the same in both dimensions Dark Humor- Read at...
154K 7.2K 52
Four siblings, two elder brothers and two younger sisters living with their rich parents!! Get ready to enter the life of these siblings and their fa...
1.1M 49K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC