The Politician's Affair (gxg)

By procopiawrites00

1.4M 46K 32.1K

LANGUAGE: TAGALOG-ENGLISH Bridgette, who is running for the position of Congresswoman met Chelsea, the daught... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Bonus Chapter
A Special Chapter for 500K Reads!

Chapter 10

38.9K 1.2K 503
By procopiawrites00

Bridgette's POV

Hindi ko mabilang kung ilang oras na ako nakaupo at nakatunganga sa hallway ng hospital kung saan itinakbo si Chelsea.

Napatingin ako sa tuyong dugo niya na nakabalot sa mga kamay ko at pati nadin sa damit ko. Ilang oras na ang nakakaraan matapos namin siyang maitakbo rito at ilang oras narin akong hindi mapakali.

Gusto kong manakit. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Pero wala akong enerhiya para gawin ang lahat ng 'yon.

Gusto kong pumatay. Gusto kong patayin yung mga gumawa sakanya nito.

Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap kung bakit ito nangyari—kung bakit sakanya pa.

Bakit hindi ako? Bakit hindi nalang ako yung kinuha tutal ako naman yung kumakandidato sa maruming mundo ng pulitika.

Bakit si Chelsea? Wala naman siyang ginagawa? Kakauwi lang niya sa Pilipinas. At panigurado akong wala itong kaalitan.

Inalala ko kung wala ba akong nabunggo sa pangangandidato ko. As far as I can remember, wala naman.

"Ma'am, ayaw niyo ho bang magpahinga na?" tanong ni Jane na kanina pa nakaupo sa tabi ko at hindi ako iniwanan mag-isa.

"No. I don't want. You can go home if you want" No. I will not leave Chelsea.

Nanahimik lang ito at hindi na sumagot pero maya maya pa ay tumayo. Napatingin naman ako sakanya at nagulat ng makita si Nanay Pasing. Agad agad itong lumapit saakin at niyakap ako.

"Bridgette.." pag-alo nito saakin at hinimas ang likuran ko habang ako'y yakap niya.

Hindi ko mapigilan na hindi mapahagulgol. Bakit napakasaklap naman ata talaga ng buhay ko?

"May dinala akong mga damit para sayo.. magpalit ka muna anak.." hayag nito at pinunasan ang mga luha ko.

Kahit papaano naman ay walang tao dito sa kung saan kami nakaupo. Pinili kong hindi mag-stay doon sa harap ng surgery room dahil ayokong maka-istorbo sa pamilya ni Chelsea. Ito ay isang pribadong ospital at pagmamay-ari ko. Originally, sa family ni Mama pero dahil ako lang ang anak at ang apo ng mga Yuzon, saakin na ito nakapangalan. That's why I am confident na we are free from press and from malicious people.

Maga-apila pa sana ako kaso wala akong panama kay Nanay Pasing. Tinulungan nila ako ni Jane papunta sa opisina ko rito sa ospital. Kumpleto iyom sa gamit ay mayroon ding banyo kung saan pwede akong maligo.

Nang natapos na akong maligo ay tinitigan ko ang sarili ko sa salamin.

Kailangan kong magayos. Hindi pwedeng humarap ako kay Chelsea na ganito ang itsura—baka iwan niya ako kapag nagkataon.

Nagsuot lang ako ng slacks at white t-shirt na pang itaas. Nang masigurado kong okay na ako at composed na ulit, lumabas ako ng opisina at dumiretso sa second floor kung saan ang surgery room.

"Ate" saad ni Mari. Nandito nadin pala siya. Siya ang unang nakapansin saakin.

Ngumiti lang ako ng tipid dito at hinawakan ko siya sa balikat nang daanan ko siya at naglakad diretso sa maga-asawang Watson.

"Mrs. Watson, Gov." tawag ko sa dalawa at nakipag-kamay. Halata ang pagaalala at takot sa kanilang mga mukha.

"Miss Bridgette" saad ng Mama ni Chelsea at niyakap ako. Hindi ko mapigilang hindi maluha noong humagulgol ito saakin.

Please Chelsea.. lumaban ka.

Inupo ko ito ulit at saka ko sila tinabihan.

"Wala pa po bang updates?" tanong ko rito.

"Wala pa.. God, it's been 2 and a half hours already" lintaya ni Gov. Watson.

Matapos ang sandali ay nagbukas ang pintuan at sabay-sabay kaming napatayo.

Since kilala naman ng doctor kung sino ang mga magulang ng pasyente, "Mr. & Mrs. Watson, I would like to ask you to come with me" at ora-oradang sumama ang mag-asawa.

I can't help but to think about the worst case scenario. Tangina hindi ko kakayanin. But then I reminded myself that that wasn't a bad sign—yung aanyayahan ng doctor na sumama ang kamag-anak ng pasyente sakaniya sa Counseling Room dahil that's the protocol. You can't disclose the patient's information out in public or whenever someone they are not related with are around. Gusto ko nalang isipin sa ganoong perspective.

Maya maya pa ay bumalik na ang mag-asawang Watson and told us that the surgery went well.

Ngayon ko lang napansin na nandito din ang kapatid ni Chelsea na si Alejo at ang bunso nilang kapatid na babae.

Alejo and I nodded at each other. Magkakilala kami—actually we were batchmates in highschool.

Tumayo ako at pumunta sa lobby kung saan nandoon ang in-charge kung saan ina-admit ang mga pasyente and told her that Chelsea must be admitted in our VIP room—and instructed them that her nurses must be the top performing nurses in my hospital and Chelsea should be in best care. Nakakasigurado naman ako na my hospital is capable in handling such cases and it is one of the top hospitals in the country. Kumpleto kami sa apparatus and hindi kami nagkukulang sa personnel.

Suddenly, I received a message from my team telling me that I won in the candidacy together with the majority of my party including Governor Watson.

I am happy with the result but I will be in my happiest state if I know that Chelsea is safe from any harm.

With that, I immediately e-mailed my agent that is under safety and protection to make a private investigation regarding the incident earlier. Kung maaari, kung kinakailangan kong pumatay, gagawin ko.

After that, I proceeded in the fourth floor where VIP rooms are located—there are approx 10 VIP rooms in my hospital.

ROOM 409

I knocked and entered the room. There she is, my angel, lying on her hospital bed as if she is just sleeping. Napakaganda.

I scanned the room and I only saw Mari sitting in the sofa.

"Nasaan sila?" I asked and walked towards Chelsea's bed.

"Tito and Tita went home to change clothes and para nadin magdala pa ng ibang gamit. Tita want to change the room into a more home-y ambiance"

Kinuha ko yung isang upuan at itinabi sa kama ni Chelsea. Hinaplos ko ang namumutla nitong pisngi na unti unti ng nagiging pink. Pagkatapos naman ay kinuha ko ang kanan nitong kamay at hinalikan. Yun yung kamay na pinanghawak niya sa pisngi ko kanina bago siya mawalan ng malay.

Hindi ko tuloy mapigilan maluha at halikan ang kamay nito.

All I want is to be with her pero ang daming hadlang. Palagi ko nalang siyang nasasaktan. Siguro kung hindi lang niya ako kasama kanina, hindi siya mababaril at mahahantong sa ganito. Sa tingin ko naman ako talaga yung pinupuntirya noong mga gun man pero napadako lang ang baril kay Chelsea dahil ang bilis ng pagkakatakbo noong motor.

Hindi niya to deserve. She does not deserve all these pain that she is experiencing right now. Deserve niya yung taong hindi magulo ang buhay, yung taong walang asawa, yung taong hindi confused sa nararamdaman niya para kay Chelsea. At sigurado akong hindi ako 'yon.

With all the things that is happening with my life in general, I dont want to drag her in all of that.

Hindi ko mapigilang hindi mapahagulgol habang hawak padin ang mga kamay niya.

Since day one.. since the night that I laid my eyes on her.. hindi na siya umalis sa isipan ko. And through the time, nakapag-hukay na siya ng lugar sa puso ko. It may look like I neglect her.. heck no I never did. Malakas na pagpipigil ang ginawa ko sa sarili ko para hindi ako ma-attach sakanya pero kahit anong gawin ko, mundo na ang gumagawa ng paraan.

For the last time, I kissed her forehead and headed for the door. Pero bago ako makalabas doon ay tinawag ako ni Mari,

"You're leaving?" may pagtataka sa boses nito.

Matagal ko munang tinitigan si Chelsea mula sa pintuan at tumingin kay Mari at ngumiti ng mapait,

"Yes"

-
Yes may new book cover tayo uwu
you do note you layk the liar the chopter in my book

Continue Reading

You'll Also Like

763K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2M 79.8K 75
(Montegery International Elite Series 1) *** "Be my slave." She said as she looked at me with no emotion visible in her eyes making me gulp. TAGALOG...
38.5K 2.6K 8
Sin City Series #1 Galene Montenegro has everything that every woman has dreamed of-a luxurious life, beauty, money, power, an empire, and a husband...
2.6M 101K 57
Samantha Laurent, a homophobic bitch. 33 years old. She owns various business. Malaki ang galit nya sa mga babaeng pumapatol din sa kanyang kapwa. A...