The School Outbreak

By ItsRaelAngelo

30.4K 1.2K 348

The Jeianjoe Pharmaceuticals invented a medicine to prevent the Covid-19 transmission around the country. The... More

Prologue - The Start
Chapter 1 - Infected
Chapter 2 - Pharmaceutical
Chapter 3 - Code Red
Chapter 4 - Dentrix
Chapter 6 - Oliver
Chapter 7 - Resolution
Chapter 8 - Human Nature
Chapter 9 - The Scheme
Chapter 10 - Clinic
Chapter 11 - Guardhouse
Chapter 12 - Canteen
Chapter 13 - The Rescue
Chapter 14 - Classroom
Chapter 15 - Hallway
Chapter 16 - Library
Chapter 17 - Dance Room
Chapter 18 - A Spy?
Chapter 19 - Do You Copy?
Chapter 20 - Theater Arts
Chapter 21 - The Darkness
Chapter 22 - The Ladder
Chapter 23 - Principal's Office
Chapter 24 - Cyclone Eye
Chapter 25 - Friends Forever
Chapter 26 - Garden
Chapter 27 - Two Into One
Chapter 28 - The Gate
Chapter 29 - Break Free
Chapter 30 - Having Some Fun
Chapter 31 - Outside World
Chapter 32 - Personnels Only
Chapter 33 - Stock Room
Chapter 34 - Welcome To Hell
Chapter 35 - Catastrophe
Chapter 36 - Unimprisoned
Chapter 37 - Verge of Sanity
Chapter 38 - Battle Royale
Chapter 39 - Sir Raygon
Chapter 40 - After Dark
Chapter 41 - Natural Selection
Chapter 42 - Start of The End
Chapter 43 - Sanctuary
Chapter 44 - Best. Stay. Ever.
Epilogue - The Gagoals
Gratitude + Dedication
Facts + Questions

Chapter 5 - Havoc

1.2K 49 11
By ItsRaelAngelo

Habol na ang paghinga ni Tom nang matapos na ang lahat. Hindi na ulit bumangon pa si Dentrix, na nakamulat pa rin ang mga mata hanggang ngayon ngunit hindi na nagalaw.

Ngayon lang na-realize ni Tom na grabe na pala agad ang mga napagdaanan niya. Hindi niya alam kung magtatagal pa siya sa ganitong set-up. Hindi niya alam kung makakaya pa niyang mabuhay sa ganitong mundo. Napasandal na lang siya sa pintuan at umiyak, at dahan-dahang pinadausdos ang kanyang likod rito pababa dahil hinang-hina na siya sa lahat. He cried silently. Ilang minuto rin siyang nasa ganoong puwesto bago siya bumalik sa dati at tumayo.

Lumapit siya kay Dentrix at pinagmasdan ito. Ipinikit niya ang mga mata nito atsaka siya umupo sa tabi nito.

"Hindi ko inaakalang sa ganito pala magtatapos ang lahat. . . Sorry ulit." He said. Hindi niya lubos-maisip na siya pala ang papatay kay Dentrix. Ayaw tumatak sa isipan niya na siya pala ang tatarak ng matulis na bagay sa ulo nito at siya pa ang makakasama nito sa huling sandali ng buhay niya.

Hinubad ni Tom ang necktie na pahiram sa kanya ni Dentrix at ipinatong ito sa chest niya. Tinanggal rin ni Tom ang kanyang uniform vest, at itinakip ito sa itaas na bahagi ni Dentrix, mula ulo hanggang sa may bahagi ng dibdib nito.

Umupo siya sa tabi nito at walang sinasabing kung ano. He stayed like that for a long time, bago siya tuluyang tumayo at lumakad papuntang pintuan.

"You should have lived." Aniya kay Dentrix nang hindi ito nililingon. Tom looked back again one more time, not because he is making sure Dentrix that is dead, but because this is the last time he'll see him again.

--------------------------

Dumiretso si Tom sa banyo ng mga lalaki pagkalabas niya ng classroom. Sinigurado niya muna na walang ka-tao-tao sa loob ng banyo sa pamamagitan ng pagchecheck isa-isa ng mga cubicle nito, bago niya i-lock ang pintuan para walang makapasok rito. Sakto naman at narinig niya na nag-ring na ang bell pagkatapos niyang gawin ito, kaya naman lumayo na siya sa may pinto. Hudyat kasi ito na break na at maaari nang lumabas ang mga estudyante sa kani-kanilang mga classroom.

Tumayo si Tom sa harap ng salamin at naghilamos. Nag-inhale-exhale siya sa harap nito habang tinitignan niya ang kanyang sarili kung nakalmot ba siya ni Dentrix o nakagat nito nang hindi niya namamalayan. When he was sure that he's safe, kinuha niya ang panyo sa likod ng kanyang uniform slacks at itinali ang saksak ng swiss knife sa kanyang kaliwang kamay.

Hinugasan muna niya ito ng sabon. Napapangiwi siya dahil sa sakit kapag pumapasok rito ang tubig, ngunit hindi na niya ito ininda para matapos na. Using his right hand and his mouth, nagawa niyang ibuhol ito nang mahigpit. Umagos pa ang dugo mula rito pagkatapos, at napasigaw pa siya sa sakit. Inikot niya pa ang panyo nang ilang beses upang ma-secure niya at malagyan ng pressure ang kanyang sugat.

His uniform is still bloody, but his face and his skin are now clean. Lumayo pa siya sa salamin upang makita ang itsura niya sa malayuan. Bubuksan na sana niya ang pintuan ng banyo nang makarinig siya ng sigawan.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumilip nang bahagya. Nakita niya na may mga estudyante at mga guro na nagtatakbuhan papuntang clinic. Ang ilan sa mga ito ay duguan ang leeg, ang mukha, at ang tagiliran. Nakakakita pa siya nang iilan-ilan sa mga ito na putol ang mga daliri, o kaya naman ay inaalalayan ng mga kaklase dahil iika-ika kung maglakad, na kung titignan mo nang mabuti ay dahil may kagat na ito sa paa. Hindi na siya napansin pa ng mga ito dahil nagkakagulo na sila sa lobby papuntang clinic.

Lumabas siya ng building at nilakad ang pathwalk. Balak na sana niyang umalis at tumakas mula sa school na ito at iwan na ang lahat. Narating na niya ang guardhouse kung saan marami ang mga nagkukumpulang estudyante kaya naman napatigil siya rito. Nang makasingit siya sa mga ito, nakita niya na si Mang Patrick pala ang nakahiga sa loob ng bilog at ang pinagkakaguluhan nila.

Halos matanggal na ang ulo ni Mang Patrick at halos maging porcupine na ang likod nito dahil sa dami ng saksak ng ballpen rito. Nakakagulat dahil nagalaw pa rin ito ngunit dahan-dahan na lang. Sinusubukan nitong lumapit sa mga estudyante, ngunit wala itong epekto dahil nalayo rin ang mga ito sa kanya.

"What in the hell happened to him?" Aniya sa katabi niyang estudyante. Tinignan niya kung sino ito, at napag-alaman niya na isa pala ito sa mga kaklase niya. Si Ryan.

"He attacked several students. Killed 5, injured 25, and nearly 30 were bitten." Aniya habang nakatingin sa kanya.

Napamura naman si Tom dahil rito. May tinuro si Ryan sa tabi ng guardhouse. Nakita ni Tom na may limang estudyanteng naka-hilera rito at putol-putol ang ibang bahagi ng mga katawan. Nagkalat din ang mga daliri sa paligid. Ang ilan sa kanila ay halos matanggal na ang leeg dahil sa dami ng kagat, at alam mo na ito ang pinuntirya ni Mang Patrick dahil sa tindi ng mga nakikita niya rito.

"Students thought that this is just a prank by someone. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na makakakita sila ng matandang lalaki na halos maputol na ang ulo sa school grounds at wala nang mga daliri, diba? So they thought that this is just some sick prosthetics and stuffs. Nilapitan nila ito at nagpapicture sila, tapos isa-isa na silang inatake ng matandang iyan." Tinuro ni Ryan si Mang Patrick.

"You haven't seen Angelo Santiago's live earlier?" Tanong ni Tom sa kanya.

"I did." He said. Tumingin ulit sa kanya ito. "You think, this is connected will all of that pharmaceutical bullshit?" Tom nodded. Wala na silang masabi sa isa't isa kaya naman pinagmasdan na lang nila ang dahan-dahang paggalaw ni Mang Patrick.

"Anong nangyare sa mga paa niya?"

"Sinubukan siyang i-take down at sagasaan ng isang estudyante para matigil na siya sa pagtatakbo. Hindi ito naging successful since nasabunutan niyang lalaking iyan yung estudyanteng nagda-drive ng motor at iyon naman ang pinagkaabalahan niyang kagatin. He was like the sacrifice, since habang abala sa kanya ang matandang iyan ay kumuha naman ng mga bato ang iba pang lalaki at dinurog ang paa ng lalaking iyan. . . Para hindi na siya makatayo. Para hindi na siya makapam-biktima pa ng iba."

"And you think, it's effective?"

"It has a good side and a bad side. Yes, hindi na nakakalakad pa iyang lalaking iyan. But while doing it, marami rin siyang mga nakalmot at nakagat na estudyante. Dinala na nila ang mga ito sa clinic kanina."

'Oh. . . So, hindi pala nanghihina at malapit nang mamatay si Mang Patrick kaya siya ganiyan gumalaw? Na ganiyan lang siya dahil wasak lang ang mga paa niya kaya't hindi siya makatayo, pero kung hindi, mas lalo lang siyang maraming mabibiktima. After all of those ballpens na nasa likod niya, wala itong epekto at buhay na buhay pa rin siya.' Ani Tom sa kanyang isipan.

"Anong nangyare sa likod niya? Bakit andaming mga ballpen ang nakatarak? Gagawin niyo ba siyang living human porcupine?"

Ryan laughed when he heard it. "All of the students tried to kill him by stabbing him a ballpen all over his body. Tignan mo nga oh, halos 50 ballpens na ang nakatarak sa kanya pero hindi pa rin siya patay. We also tried stabbing his heart but it's not working. . . Hindi ko nga maintindihan iyang lalaking iyan, eh. May pagka-imortal ata. It's like, the devils are giving us a free trial from below. Dapat na talaga akong magbago kung ayaw kong matulad sa ganyan."

"Gusto mong patayin ko iyan?" Ani Tom.

Ngumisi naman si Ryan. "If you know how, then go. Do the honor."

Tom smirked. Lumakad siya papasok ng guardhouse atsaka hinanap ang baril ni Dentrix. Ayaw niyang buksan ang vault dahil maraming baril ang nasa loob nito at maaaring kumuha ang mga ilang estudyante galing rito. Ayaw rin niyang ipahalata sa ibang mga estudyante na alam niya ang pin para mabuksan ito.

Hindi mahanap ni Tom ang baril na hawak niya kanina. Nang alalahanin niyang maigi kung saan niya ito nailagay, naalala niya na naisilid pala niya ang baril ni Dentrix sa loob ng vault kasama ang ibang mga baril nang atakihin siya nito, kaya naman nakasama ito ng i-lock niya ang vault.

Sa halip na buksan ang vault, yumuko si Tom sa ilalim nito at kinuha ang swiss knife. Sumara na ito dahil sa pagkakahulog kanina. He flicked it open, rinig na rinig niya ang pagbukas ng blade na nagpangiti sa kanya.

Lumakad siya palabas ng guardhouse at pumunta sa harap ni Mang Patrick. Tumingala pa ito sa kanya na tila kinikilala siya, ngunit nagsimula na ulit itong gumapang papunta sa kanyang mga paa upang sana'y kagatin siya.

"For Dentrix." Bulong niya, atsaka itinarak nang buo ang swiss knife sa ulo ni Mang Patrick. Napasigaw pa ang mga manonood dahil sa ginawa niya. Mang Patrick stopped moving after that, hindi na rin ito gumalaw pa.

"What in the hell is that?" Pasigaw na tanong ni Ryan upang marinig siya.

"The head. You need to destroy the head or even just damage the brain to kill them."

"But he is alive! Hindi ka ba naaawa?" Sigaw ni Andrea, isa rin sa mga kaklase niya.

Tumawa nang sarkastiko si Tom. "Was. He was alive. And alive? Naririnig mo ba ang sinabi mo? Tignan mo nga siya!" Umisod nang kaunti si Tom para makita nila si Mang Patrick. "He have 6 fingers missing. May kagat siya sa iba't ibang parte ng katawan, at may mga ballpen din na nakasaksak sa likod niya, which is kayo rin ang may gawa. And his head, look," Sinipa niya nang malakas ang ulo ni Mang Patrick. Dahil nga nakalaylay na ito at malapit nang maputol, tuluyan na nga itong napugot at lumipad kung saan. Nagsigawan ang ilan sa mga tao rito. "And you are saying that he is alive when I stabbed him? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?"

"You are the one who killed him! Sinaksak mo siya sa ulo! Pinugutan mo pa siya! You killed him!" Aniya pa ni Phineas, isa rin sa mga kaklase niya.

Napangiti si Tom. "You guys stabbed those ballpen many times on his back. I just stabbed his head one time. ONE. TIME. Ano ang ipinagkaiba ko sa inyo? Don't fuck with me. We all killed him. Don't be such a hypocrite, dumb freak."

Dahil kay Tom naka-focus ang mga tao, hindi nakita ng ibang mga estudyante na tumayo na ang limang kinagat ni Mang Patrick na nakahiga sa may gilid ng guardhouse. Magde-debate pa sana silang lahat kung sino ang pumatay kay Mang Patrick nang sumigaw ang ilan sa mga estudyante dahil kinagat sila ng mga ito, at dito na nagsimulang magpanic lahat.

Hinugot ni Tom ang kutsilyo sa ulo ni Mang Patrick. Kanya-kanya naman ang iba sa paghugot ng mga ballpen sa nakahiwalay na katawan ni Mang Patrick upang maipanglaban sa mga zombies. Isa-isa nang nagsisigawan ang mga estudyante. Hindi na malaman pa ni Tom ang gagawin dahil pati siya ay naguguluhan na rin.

Pumaibabaw sa kanya bigla ang isang babaeng zombie. Natumba si Tom sa sahig dahil sa pagkabigla sa mga nangyare. Nakilala niya agad ang babaeng nasa ibabaw niya bilang si Beatrice, isa rin sa mga kaklase niya. Wala na ang ilong nito kaya naman sigurado siya na dito ito kinagat. Luwa rin ang mga mata nito, at naiisip niya na kahit anong oras ay maaari na itong malaglag.

Kakagatin na sana siya ni Beatrice sa leeg nang buksan ni Tom ang swiss knife at itarak ito sa leeg niya. Napabagal naman si Beatrice dahil rito, ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa pagsugod sa kanya. Tom stabbed her continuously, sa iba't ibang parte ng katawan, ngunit hindi pa rin ito bumabagsak. Sumisigaw na siya habang sinasaksak ito nang malalakas dahil sa panggigigil niya rito.

Nagulat na lang siya nang pagsaksak niya sa tiyan ni Beatrice ay may nahulog na bituka. Hindi niya inaakala na sa dami ng pagsaksak niya rito ay magbubukas na pala ang tiyan nito at mahuhulog na sa kanya ang mga laman-loob niya. He shouted in disgust. Halos wala itong epekto kay Beatrice. Wala pa rin itong tigil sa pag-atake sa kanya. Kinuha ni Tom ang swiss knife at isinaksak ito sa sentido ni Beatrice. Agad naman itong natumba pagkatapos lamang ng mga ilang segundo.

Tinanggal na ni Tom ang mga bituka na nasa may bandang tiyan niya. Naduduwal nanaman siya dahil sa paghawak niya rito. Mainit-init pa ang mga ito at slimy sa mga kamay niya, na kung titignan niya nang maigi ay parang natibok-tibok pa sa mga palad niya. Hindi niya inaakala na makakahawak pala siya nito nang wala man lang gloves o kung ano. Punong-puno na ulit ng dugo ang damit niya. . . Hindi na niya nakayanan pa at napaduwal na ulit siya sa isang gilid.

May susugod na sanang zombie sa likod niya nang saksakin ito ni Andrea ng kalaykay sa ulo. Bumagsak naman ang zombie na ito sa sahig pagkatapos. Napaurong si Tom sa sahig dahil sa takot at pagkabigla. He just let his guard down for several seconds, ngunit kung wala si Andrea ay nalapa na sana siya ngayon ng isa sa mga ito.

"Wala bang thank you diya—" Someone attacked Andrea from behind. Kinagat bigla ng zombie na ito ang leeg niya at nginuya ito. Hinila ng zombie ang pagkakakagat niya sa leeg ni Andrea kaya natanggal ang piraso ng leeg niya. Natumba naman si Andrea sa sahig papauna dahil sa lakas ng force nang pagkagat sa kanya ng zombie na ito.

Since Andrea is holding the rake upright, nang matumba siya ay nadaganan niya ito. Tumusok ang patulis na bahagi ng kalaykay sa kanyang mukha, partikular na sa kanyang mga mata na dumiretso hanggang sa may ilong, bibig, at leeg niya. Sa isang iglap ay naging bangkay na lang si Andrea na nasa harap niya habang butas ang mukha nito at kinakain ng zombie ang likod niya. Kinuha ni Tom ang swiss knife at itinarak ito sa likod ng ulo ng zombie na pumatay kay Andrea, na namatay naman kaagad kinalaunan.

"To all of the students in the school's vicinity, please don't panic. The condition on the school campus will be resolved soon. We shall close the gate for everyone's security to prevent any infected individuals from escaping or entering the school grounds. We need everyone's cooperation, so please don't do anything improper to prevent any problems with those who have higher in position. Thank you very much for your consideration." Ani Sir Raygon sa mga speakers na nakapalibot sa school.

Unti-unti nang nagsasara ang steel gate ng school. May mga estudyante na tumakbo papalabas upang makaligtas at makaalis sila sa loob nito bago pa mahuli ang lahat. Sinubukan ding tumakbo ni Tom papalabas ngunit natigilan siya nang makakita siya ng mga pulis at sundalo. Galing sila sa kaliwang bahagi ng daan kung saan naroroon ang pharmaceutical. May hawak ang mga ito na baril, at namumukhaan niya ang ilan sa mga ito. Ito ang mga pulis na galing sa pharmaceutical. Tiyak na nandito rin ang mga ito para iligtas sila sa kapahamakan.

"We're saved." Napangiti si Tom habang habol ang hininga. "I-e-evacuate na nila tayo. Ligtas na tayo." Unti-unti pa ring nagsasara ang gate kahit na nasa labas na ang mga militar. Nagsisigawan na ang mga ilang estudyante upang makuha nila ang atensiyon ng mga pulis at upang mapalaya sila, ngunit nagulat na lang sila nang humarap sa kanila ang mga ito. Wala na rin ang mga itim sa mga mata ng mga ito. Tiyaka lang nila napansin ang mga kagat ng mga ito sa iba't ibang parte ng katawan nila, at naglalakad sila sa kakaibang paraan. Zombies na rin pala ang mga militar, kaya naman sigurado si Tom na kalat na rin ang mga zombie sa labas ng school pati na sa iba't ibang lugar.

Dahil sa pag-iingay nila, pinagbabaril sila ng mga pulis at sundalo na naging zombie. Walang ka-alam-alam ang mga zombies sa mga ginagawa nila. Nakalagay lang kasi sa trigger ang kanilang mga kamay kaya naman nang subukan nilang lumakad o tumakbo, napipindot din nila ang trigger kaya naman nababaril nila ang lahat ng mga estudyante na matapatan nito. Those zombies are shooting blindly, taking all of the students down with the bullets inside their guns.

Napadapa agad si Tom nang makita niya na hinuhugot na ng mga ito ang kanilang mga baril, kaya naman hindi siya nadamay sa mga ito nang magsimula na silang paulanan ng bala. Nakita niya ang halos sabay-sabay na pagbagsak ng mga kasama niya sa may gate. Nakita niya ang mga estudyanteng nakatayo na pagbabarilin ng mga nakatatas, at ang pagbagsak nila sa lupa. Tila nagslow motion ang lahat.

Nakita niya ang kaklase niya na si Phineas na tumakbo papalayo ngunit naabutan pa rin siya ng mga bala. Una siyang natamaan sa may paa kaya naman hindi na siya nakatakbo pa nang ayos. Hindi pa siya bumabagsak ay may tumama nanaman agad sa kanyang hita, na nasundan pa ng mga bala sa tiyan, sa kanyang bunganga, at ang pinakahuli ay sa may pinakagitnang bahagi ng kanyang ulo. Hindi pa siya nabagsak sa lupa ngunit patay na kaagad siya at nasuka na ng dugo.

Ilan sa mga estudyante ay nagpupumilit pa rin sa paglabas. Dahil automatic ang gate, ilan sa mga estudyante na ito ang naabutan nang pagsara at naipit sa gitna. Akala ni Tom ay hindi na masasarado pa nang ayos ang gate dahil sa mga estudyanteng mga nakaipit rito. Nagulat na lang siya nang pagbabarilin ng mga militar ang mga estudyanteng naipit sa gitna ng gate hanggang sa maging pira-piraso na lang sila ng karne na nahulog at bumagsak sa lupa.

Several students still want to escape. Nakita ni Tom na tumaas ng gate si Ryan upang makalabas. Iniisip niya noong una na maliligtas si Ryan dahil hindi naman bumabaril nang pataas ang zombie, ngunit nagulat na lang siya nang bumagsak ito sa lupa habang may butas sa kanyang noo. He is still gaping, ngunit patuloy nang kumakalat ang dugo mula sa kanyang ulo. Nilapitan na rin siya ng mga zombies at pinagkakagat siya sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.

All hell gone loose.

3,104

Continue Reading

You'll Also Like

423K 9.1K 107
Highest rank: #1 SCARY 2020 #2 MYSTERY/THRILLER 2014! No Soft Copies/ All Right Reserved 2014 It all started with a...
32.5K 1K 28
Tatlong estudyante, iisang pangarap, ang maging Certified Public Accountant. Gustuhin man o hindi, sila'y nakatanggap ng responsibilidad. Responsibil...
292K 10.7K 44
It's easy to make friends but it's hard to leave them. For the second time, i lost them. Nawala ang dalawa sa pinakamatalik na kaibigan ko. Enchanted...
558K 18.3K 33
paano kaya yung dating biro mo lang na nawalan ka ng alala ay maging totoo? Paano mo hahanapin ang nawala mong alala? at paano mo haharapin ang mga...