Alphabet of Death (Published)

By risingservant

20.1M 451K 106K

AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iy... More

Alphabet of Death
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Elmo's Note
Teaser
Announcement
Elmo's Survey
This is It!
Epilogue
Announcement II
Announcement III
Open Letter
Announcement IV

Chapter 47

173K 4K 962
By risingservant

Tom's POV

Mabilis lumipas ng oras. Ika-walong araw na namin dito sa isla nila Ginny at labing-isa na sa mga kasama namin ang namamatay. I hope, matapos na ito.

Marami ng nangyari na hindi na namin maaaring maisaayos pa. Para ngang talo na talaga kami sa larong ito. Hindi namin kung ano ba ang aming dapat na gawin. Halos nakakawala ng pag-asa lalo na kung kayo ang nasa sitwasyon namin. Para bang anytime ay maaari kang mag-panic.

Sino bang matinong tao ang gugustuhing mapunta sa ganitong sitwasyon? Parang noon lang, sa movie ko lang napapanood ang mga ganitong pangyayari pero ngayon, kami na tauhan na nanganganib ang buhay lalo pa't nasa bingit na kami ng kamatayan.

Naglalakad ako ngayon sa may pampang habang patuloy na nagmumuni-muni. Nakita ko si Kian na nakaupo sa isang malaking bato habang inihahagis ang mga maliliit na bato sa kaniyang tabi doon sa dagat.

Unti-unti akong naglakad papalapit sa kaniya. Ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa't isa ngayon. Hindi ako makapaniwala na siya'y umiiyak.

Si Kian kasi ang pinakamaton sa klase namin. Ni hindi mo siya kakikitaan ng kahinaan. Sa tindig niya pa lang ay matatakot ka na. Oo, mayabang at presko ang magiging impresyon mo sa kaniya sa una. May pagkabully din kasi iyan kaso in a nice way namin parang harot at hindi ka naman masasaktan.

"Bakit ngayon pa Hannah? Balak ko pa naman na ipakilala ka sa parents ko kaso bigla mo naman akong iniwan." Aniya habang siya'y nakayuko at nakasubsob ang kaniyang mukha sa kaniyang tuhod habang patuloy na inihahagis ang mga batong maliliit sa may dagat.

Ngayon ko lang siya nakitaan na ganung emosyon. Iba nga naman talaga ang naidudulot ng pag-ibig.

Naglakad-lakad pa ako at sa may bandang silong ng malaking puno, nakita ko sina Jerome at Nikka na naghaharutan habang nakaupo sa may duyan.

"Ano ba Jerome! Huwag diyan! May kiliti nga kasi ako diyan! Hihi!" Ani ni Nikka na nakikiliti sa pagyakap ni Jerome sa kaniyang beywang.

"Enjoy lang natin ito! Malay natin, baka isa sa atin ang isunod kaagad ng killer." Paglalambing ni Jerome rito.

"Huwag naman sana." Aniya at nagharutan pa sila na parang walang tao sa paligid.

Hindi ko lubos maisip na silang dalawa ang magkakatuluyan. Ang dating aso't pusa na laging nagbabangayan ay na-inlove sa isa't isa.

Pinagpatuloy ko ang pagtahak sa pampang at natagpuan ko sina Mark, Aaron, Xiara at Tin na masayang nagtatampisaw sa tubig. Talaga nga namang sinusulit na nila ang bawat oras na buhay pa sila.

Napalingon ako sa aking bandang kanan at nakita ko si Agatha na nakahiga sa buhangin at dinarama ang init ng araw sa kaniyang katawan. Sun bathing? Nakashades pa talaga at higit sa lahat, ang lakas ng loob niyang mag two piece.

Natawa na lang ako. Sa may bandang kanan naman ni Agatha, nandoon si Karlo na busy sa pagkalkal ng cellphone na hawak niya. Pinapatuyo niya ito sa ilalim ng araw habang hindi magkandaugaga.

Napailing na lang ako sa kalokohan nito. Binagtas ko na ang daan patungo sa loob ng bahay. Pagpasok ko sa may gate, aba! Nagmamasipag si Mia! Kailan ba ito naging mahilig sa mga halaman at ngayo'y dinidiligan pa niya? Feeling ko tuloy, biglang naging weird ang mga tao rito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa loob ng mansyon. Pagkapasok ko palang, bumungad na sa akin ang bango ng niluluto ni Roxette. Amoy asado! Sarap! Si Ginny ay abala naman sa pag-aayos ng mga gagamitin namin mamaya sa lamesa habang si Arianne naman ay naghuhugas pa ng mga pinggan.

Naglakad ako patungo sa hagdan. Napansin ko si Ethan na nakaupo lang sa sala at nanonood mag-isa. Kailan pa siya naging loner? Sa pagkakaalam ko, gusto niyang laging may kasama dahil takot siyang mag-isa dahil pakiramdam niya, siya na lang ang tao sa mundo.

Dahil inaantok pa ko, minabuti ko munang bumalik sa aking kwarto para matulog.

Pagkabagsak ko sa kama, dinalaw kaagad ako ng antok kaya mabilis akong nakatulog.

Wow! Ang ganda naman dito! Parang isang paraiso! Napakatahimik! Payapang-payapa ang lugar. Parang ang pakiramdam ko tuloy ay narating ko na ang promise land.

Nilibot ko ang lugar. Wala talagang kapantay! Nag-iisa! Napakagandang creation nito.

Isang puting paru-paro ang biglang dumating na para bang sumasabay ito sa indayog ng hangin. Lumipad ito papaikot sa akin ng tatlong beses. Maya-maya pa'y bigla itong nagliwanag at tila nakakasilaw ang liwanag niya.

Pagkawala nung liwanag, hindi pa rin ako makadilat ng ayos. Pakiramdam ko ngayon, parang may nakahawak sa may braso ko kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

Nanlaki ang mga mata ko at biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko ng masilayan ko ang babaeng nakaputi na nakahawak sa braso ko. Hindi ko makita ang kaniyang mukha sapagkat natatabingan ito ng buhok na nasa harapan niya. Mas lalo akong nagulat at biglang naumid ng hilahin niya ako papalapit sa kaniya at may ibinulong siya sa aking tainga.

"Mag-ingat ka!" Aniya. At pagkatapos niyang bigkasin iyon at bigla siyang tumili ng pagkalakas-lakas at halos mabasag ang ear drums ko sa tinis ng kaniyang boses at bigla na lamang siyang naglaho.

Ano ang ibig niyang sabihin? Ako na ba ang isusunod ng killer?

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang gulong-gulo pa rin ang aking isipan. Naagaw ng isang batang umiiyak ang aking atensyon kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa na lapitan ito.

"Ineng, bakit ka umiiyak?" Wika ko habang nakaluhod sa harapan niya. Nakasubsob ang mukha ng bata sa kaniyang tuhod habang siya'y tumatangis.

Biglang tumigil sa pag-iyak yung bata kaya medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Nagulat ako ng bigla siyang humarap sa akin. Wala siyang mukha! Kaya napaigtad ako at napaupo bigla.

"Mamamatay ka!" Wika nito na humahalakhak sa pagtawa at bigla na lamang nag-iba ang kaniyang anyo. Naging babaeng nakaitim na siya. Hinawakan niya ako sa braso at biglang nag-iba ang itsura ng paligid.

Nagulat ako ng bigla niya akong dalhin sa Golgotha, ang lugar kung saan ipinako si Hesu-Kristo.

"Anong ibig sabihin nito? Naguguluhan ako! Nananaginip lang ako!" Ani ko habang nakahawak sa aking ulo.

Pagmulat ko ng aking mata, ako na mismo ang nakapako sa Krus.

"Ahhh!" Sigaw ko ng maramdaman ko ang sakit.

Napabangon ako bigla sa may kama na kinahihigaan ko matapos ang masamang panaginip na iyon. Pawis na pawis ang aking buong katawan at nagulat ako ng mapatingin ako sa aking palad. May bahid ito ng dugo.

"Totoo ba ang lahat ng nangyari sa aking panaginip?" Tanong ko sa aking sarili.

"Mabuti naman at gising ka na. Kanina pa kasi ako atat na atat na patayin ka." Wika ng isang tinig. Napalingon ako sa kung saan nagmula ang tinig na iyon.

"I-ikaw ang Killer?" Nauutal kong tanong.

"Oo ako nga! Bakit Tom? Nagulat ba kita masyado?" Aniya at unti-unting naglakad palapit sa akin. May hawak siyang parang baril pero tiyak kong hindi bala ang laman noon.

"Anong bang pakay mo at nais mo kaming patayin lahat?" Matapang kong tanong. Hindi dapat ako magpakita sa kaniya ng kahit ano mang takot.

"Gusto ko lang naman kayong singilin sa utang niyo sa akin eh. An eye for an eye, a tooth for a tooth at buhay sa buhay kaya naniningil lang ako." Aniya sabay tutok sa akin ng hawak niyang parang baril.

"Sa pagkakaalam ko, kahit kailan ay hindi namin nagawang pumatay o kaya'y saktan ka! Nababaliw ka lang!" Pagdidiin ko.

Hindi siya nagsalita at tanging ngiti lang ang kaniyang iginanti at bigla niya akong sinipa kaya napatayo ako sa kama. Mabuti na lang at nakaiwas ako sa kaniya.

"Bang!" Tunog ng hawak niyang parang baril at biglang lumabas dito ang napakalaking pako at bumaon ito sa aking kanang palad. Sa sobrang lakas ng impact, tumilapon ako sa may pader at bumaon doon ang pakong bumaon sa aking palad.

Nakalutang ako nga sa ere habang nakapako ang kanang palad ko sa pader. Pinipilit kong kumawala kaso nabigo lang ako.

"Pantayin natin." Aniya at pinaputok na naman ang hawak niya.

"Ahhh!" Sigaw ko ng bumaon naman ang malaking pako sa aking kaliwang palad.

"Ano Tom? Masakit ba? Haha!" Aniya sabay hawi sa kaniyang buhok.

Eto nga kaya ang ipinapahiwatig ng aking panaginip kanina? Ito rin ba ang warning ng babae na mag-ingat ako? Kung gayon, katapusan ko na nga. "Itigil mo na ito!" Sigaw ko habang tinitiis ang sakit na nanunuot sa aking mga palad.

"Sorry Tom pero hindi ko na pahahabain pa ang iyong buhay at baka maunsyami pa ang aking plano." Aniya at pinaputok na naman niya ito ng dalawang beses at ito'y tumama sa aking magkabilang binti.

"Ahhh!" Sigaw ko sa sobrang sakit.

"And as a goodbye.." naglakad siya papalapit sa akin at ako'y hinalikan niya sa kanang pisngi at pinaputok muli ang hawak niya na bumaon sa kaibuturan ng aking puso.

"Time ko na nga. Hindi ko matanggap na ganito ang kahahantungan ng aking buhay." Wika ko at tuluyan na akong nawalan ng hininga.

Killer's POV

Kawawang Tom! Ayoko pa naman sana siyang patayin dahil naging totoo siyang kaibigan sa akin kaso kailangan eh. Sorry Tom.

Letter N, check! 14 letters na lang at mapagtatagumpayan ko na ang plano!

Bago ko nilisan ang kwarto niya, nilagay ko ang letter N sa kaniyang noo.

Sino kaya ang isusunod ko? Yung masayahin? O yung mahiyain? Haha!

Continue Reading

You'll Also Like

304K 7.9K 14
"Saan napunta ang kanilang mga katawan?"
2.9K 92 7
Kaya mo bang tumira sa isang bahay na hindi lang pala ikaw ang nakatira? Paano kapag hindi lng pala kaluluwang ligaw ang kasama mo, paano mo tutuklas...
115K 4.2K 110
(SPRITUAL SERIES #3 ACCEPTANCE) "If you remain in me and my words remain in you, ask whatever you wish, and it will be done for you." ( John 15:7 ) ~...
11.6K 251 21
Nang piliting kumahol ng pusa Isulat ang titik ng bawat hinuha Idaing ang hinagpis sa bawat pahina Ibulong sa aklat ang bawat luha.