When Gangsters Meet the Sadis...

Por arkiSTEPH

932K 22.4K 6.8K

[ONGOING] READ FIRST WGMTS SEASON 1 ! thank you. Más

PROLOGUE
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18.1
chapter 18.2
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
Love Letter
Chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45

chapter 1

66.3K 1.2K 95
Por arkiSTEPH

CHAPTER 1

Sabi nila na ang mga alaala ng nakaraan ay dapat pinapahalagahan. Pero paano mo makukuhang magsimula ng bagong buhay kung hinihila ka pabalik ng nakaraan? Siguro nga …may mga bagay na dapat pag ingatan at pahalagahan, pero may mga bagay din na dapat ng kalimutan na.


"Ui Agatha, dalian mo 1 hour lang paalam natin sa mga guards mo." Paalala sakin ni Chin.

"Teka lang." Sagot ko habang tumitingin ng relo.             

"Ibang level ka na bekla, may bodyguards kana." Sabi ni Nicolo.

Di ko alam kung ano ang ginagawa niya dahil busy padin ako sa pagtingin ng relo. Ano kayang maganda? Wala kasing favorite color si Uriah eh! Ang weird niya talaga.

Pero madalas sa mga gamit niya black and white lang.

"Alam mo couz, marami ng ganyan si boss. Ang dapat binibigay mo 'yong wala pa siya."

Sabagay, mas mahal pa nga dito ang gamit niya ngayon.

Lumapit sa likod ko si Nicolo at kinalabit ako.

"Oo nga, oh kaya 'yong kakaiba. O kaya 'yong sarili mong gawa.Yung pag nakita niya eh maaalala ka niya lagi."

"Wala akong kakayahan gumawa ng sariling relo Nicolo."

Bigla niyang hinila ang buhok ko. "Ay shunga! Di ko sinabing gumawa ka ng relo."

"Picture mo nalang, paniguradong maaalala ka niya lagi pag nakita niya 'yon." Suggest ni Chin.

"Wow naman!" Sabay palakpak ni Nicolo. Sa tono ng pananalita niya ay tila hindi siya makapaniwala sa naririnig niya. "Magpinsan nga kayo...grabe....matalino nga kayo minsan boblaks lang talaga kayo eh."

"Sira." Sabay hampas ko sa kanya.

"Aray naman teh!" Reklamo niya nung ma out of balance siya. Nakakatawa talaga reaksyon lagi nito ni Nicolo. Tumingin ako sa kawalan, ano bang dapat kong ibigay?

“alam ko na…” bulong sakin ni Nicolo. Ang seryoso ng mukha niya. Mukhang maganda ang naisip niya. “bigyan mo siya ng… baby.”

Walang anu ano ay nasapak ko siya ng di oras.

“aray! Huhuhu. Ang feslalu ko. Sumbong kita kina papa E…” Reklamo niya.

Lumabas na kami ng shop, pang ilang shop na 'to napuntahan namin. Nakapunta nadin kaming men's cloth shop.

"Oy be ang pogi nun oh."

Pasimple akong mapatingin sa mga babaeng nasa gilid ko na nagsesenyasahan. Napangiti ako nung unti sabay tingin kay Nicolo doon banda sa may pants section kasama ni Chin.

Halatang kilig na kilig ang mga babaeng 'to habang tinitignan si Nicolo na tumitingin ng pants. Kung alam lang nila.

"Ito suotin mo para mukha kadin gangster. For sure pogi mo pag suot 'to." Sabay pakita ni Chin ng leather jacket kay Nicolo.

Tumingin doon si Nicolo ng seryoso.

"Be oo nga ang pogi."

sabay umirap si Nicolo kay  Chin."Bekla tigilan mo ko, tanggapin mo nalang na mas maganda ko sa 'yo."

Pasimple kong tinignan ang mukha nung mga babae. Halata sa mukha nila ang dissapointment nung marinig nilang magsalita at makitang mas mataray pa ang kilay ni Nicolo sa kanila.

Pag titignan mo si Nicolo aakalain mong typical na lalaki.  Pang Kpopper ang buhok.'Yong suotan niya kasi ay panlalaki, okay na sana, wag lang siyang gagalaw at magsasalita.

Dumaan muna kaming food court para kumain saglit. Nagtake out nadin ako para sa dalawa naming kasamang B.A. na kasalukuyang nasa parking area.

“bekla ano na? bumili ka na nakakaloka ka.” Nicolo.

“oo nga couz, sayang effort natin pagpunta dito. Baka pumunta na sa bahay si Mars abutan akong wala doon.” Sabat ni Chin habang ngumunguya. Oo nga pala, sekreto lang din kasi ‘tong lakad namin. Dumiretso kasi kami dito sa mall pagkatapos pumuntang school para magbayad ng tuition.

“bekla, kadri ka… wag ka magsalita habang may laman ang bibig. Tss… bakit ka ba nagustuhan ni papa M. eh mas matino naman ako sayo.”

“dahil kaya kong ibigay sa kanya ang di mo kayang ibigay. Hahahha!”

Napangisi nalang ako napatingin sa kanilang dalawa. Kahit sa pagkain nag aaway padin sila.

“yuck Chin ! yuck ! sabi na nga ba di ka na…”

“buong pagmamahal Nicolo! Buong pagmamahal… ‘yon ang tinutukoy ko na di mo kayang ibigay.” Pamumutol ni Chin sa sinasabi ni Nicolo.

Napainom nalang ako ulit ng di oras, may mga sayad talaga ‘tong kasama ko. Dito ko nahahawa ng kakaisip ng kung anu- ano eh.

Naalala ko tuloy ‘yong ‘baby’ na sinasabi ni Nicolo.

Hinayaan ko nalang ‘yong dalawa. Susubo sana ulit ako ng pagkain ng may pumasok sa isip ko.

Baby? Tama… tama… alam ko na ang bibilhin ko.

Natapos na kami kumain, nagpahinga lang kami saglit a lumakad na.

"Ay teka!" Sabay kuha ko ng cp. Tinawagan ko si Mr. Lambert para magpaalam. "Sige na po...30 mins lang promise...opo...oh sige po, okay thank you!"

Binaba ko na ang tawag at ngumiti ng malapad kina Chin.

Tinignan lang nila akong dalawa na puno ng pagtataka. Hinawakan ko parehas ang kamay nila at hinila na para pumunta sa bibilhan ko ng regalo para kay Uriah.

"Bekla, adik kadin 'no?” tanong sakin ni Nicolo habang tinitignan ang hawak ko. “Excited na tuloy ako sa magiging reaksyon ni papa U pag nakita 'yan. Matutuwa kaya siya? Pag hindi… katapusan niyo na.” sabay ngumiti siya ng pang kontrabida.

Hehehe! Ako din excited na.

"Siguro Nicolo, pero  kung ikaw mag bibigay ng ganyan kay boss hindi siya matutuwa baka mapatay ka pa niya."

Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Nicolo.

"Pero pag si Agatha kahit pwede pa. Kahit ano naman ibigay mo dun couz magugustuhan 'non ni boss."

Ilang araw na kaming di nagkikita ni Uriah, sinasadya ko talaga 'yon para mamiss niya ko. Hahah!

Di joke lang, nandun siya sa bahay ng mom niya ngayon. Bukas pa ang balik niya.

Madalas ko siyang hindi nerereplyan at sinasagot ang tawag. Para kunwari ay di ko naalala kung anong meron bukas.

“bekla sasagutin mo na din ba siya bukas?”  excited na tanong ni Nicolo

Uh oh… let’s see. Pag tinatanong nila sakin ang bagay na ‘yan naalala ko ang pagiging traditional ng dad ko. Nakakatuwa na nakakapressure.

Ah bahala na! Mabili na nga ‘to.

****

Kinabukasan...
June 5, 201*

"Pakipatong nalang 'to dyan." Nakangiting utos ko kay Demi.

Hay! Namiss ko din 'tong si Demi. Oo nga pala, mag aaral nadin siyang college. Kung hindi pa namin siya tinanong ay di namin malalaman na mag aaral na siya ulit. Kumuha siya ng test para kahit di niya natapos ang senior highschool eh pwede na siya mag college. Ano nga bang tawag sa test na ‘yon. Nakalimutan ko. Nagdebut lang ako naging makakalimutin na ko.

Ang course niya pala ay Criminology.

At syempre, kung nasaan ang young master niya doon din siya mag aaral. Isipin niyo nalang ang reaksyon ni Jonas nung malaman niya iyon.

"Ito bekla okay na?"

Andito ako sa penthouse ni Uriah kasama si Demi, Chin, Nicolo and Tammy. Oo nga pala, si chuchi  andito din. Medyo makapal ang mukha ko at pumunta akong penthouse kahit alam kong wala si Uriah dito. Ngayon lang naman ‘to dahil susurpresahin namin siya.  Yes, today is his birthday.

Akala niya di ko malalaman. Di niya kasi nabanggit sakin ni minsan kung kelan ang birthday niya kahit sila Mars ayaw sabihin pero salamat kay bes at nalaman ko ang birthday ni Uriah.  Iyong huling usap namin ni Faye sa skype nabanggit kasi niya sakin ‘yong birthday ni Uriah. Siya pa nga nag isip na surpresahin ko nalang si Uriah. Sayang nga lang nung nag usap kami naputol agad. SIguro busy siya ngayon.

“young lady, lalabas muna ko para bilhin ‘yong ibang kailangan.” Paalam sakin ni Tammy.

“Ay sama ko Tammypots.” Nicolo.

Ngumiti ako sa kanila at tumango tango. Agad akong napatigil sa ginagawa ko nung  may nagtext sakin.

‘Don’t you know how to use cellphone anymore, sadist?’

Kahit sa text parang naririnig ko padin ang boses niya. Ang sungit padin diba? hindi pa kami niyan. Pero lalo akong nababaliw sa kanya.

‘kapag nabasa mo ‘to, ibig sabihin marunong na ulit ako gumamit ng cellphone.’ Reply ko.

Napangiti ako bigla nung maisip ko kung ano ang magiging reaksyon niya pag nabasa ang reply ko.

‘pag balik ko, tuturuan kita mag reply ng mabilis at sumagot sa mga tawag ko.’

Para akong baliw na biglang napangiti. Hahaha! Ay ano ba ‘yan. Pinigilan ko ang sarili kong matawa.

‘ayoko matuto, busy ako ngayon. Ano oras ka ba uuwi?’

‘ I’m on my way.’

Hala! Napaaga ata ang alis niya.

‘akala ko mamaya ka pa aalis dyan?’

‘I changed my mind.’

Nataranta ako bigla sa sinabi niya. Kaya agad kong sinabi na wala ako sa bahay dahil pupuntahan niya daw ako. Itetext ko nalang siya pag nakauwi na ako. Thank God at dadaan nalang muna daw siya kina Jonas dahil nandun nakatambay ang mga pasaway ngayon.

Buti nalang atleast may oras pa para matapos namin ‘tong ginagawa namin. Wala din kasing kaalam alam sila Ethan sa pinag gagawa naming ‘to. Di ko alam kung alam ba nila na June 5 na at birthday na ng pinuno nila.  

“couz! Okay na.”

“anong okay na? bekla ang panget ayusin mo.” Nicolo

“eh ito?” Demi

“di pantay mga bekla. Ayusin niyo!”

“ulol ! ikaw kaya dito bekla,  maayos naman ah!” reklamo ni Chin habang inaayos yung mga palamuti.

“di ‘yan. I mean ‘yong mukha niyo. HAHHAHAH!” sabay hawak ni Nicolo sa tyan niya.

Binato siya ng papel ni Chin sabay tumawa din ‘to. “langya ka talaga bekla.”

“hahaha!” sabay tingin ni Nicolo kay Demi. “Demipots tawa ka joke ‘yon dali!”

Tumango tango naman si Demi sabay tumawa ng mahina.

Napailing nalang ako habang pinapanuod sila. Nagpatuloy ako sa pag salin ng pagkain sa plato habang tinutulungan ako ni Tammy. Natatawa nalang din siya dahil sa kakulitan ng mga kaibigan ko.

“ang kulit po nila young lady, nakakatuwa.” Sabi niya habang nakangiti.

“naku normal pa sila niyan, paano pa mamaya pag andito na ‘yong mga pasaway.”

Ngayon lang ulit makakasama ni Tammy ang mga kaibigan ko simula nung mag debut ako. Kaso hindi siya masyadong nakabonding namin nang araw na iyon dahil busy siya sa pag asikaso sa mga bisita.

Nagmadali na kami sa paghanda ng pagkain at ng mga gagamitin. Bumaba nadin si Chin dahil nagtext na sa kanya si Mars na pupunta daw sila kina Uriah ngayon.

“kapapasok lang nila ng lobby.” Sabi sakin ni Demi sa cellphone. Nasa baba siya ngayon para abangan ang pag dating nila Uriah.

“okay salamat! Akyat ka nadin dito.” Sabay end ko ng call. Agad kaming nagsitakbo papunta sa kanya kanya naming pwesto. Kinakabahan ako. Pinatay ko ang ilaw at natahimik kami nila Nicolo.

Narinig ko ang unti unting pagbukas ng pinto kasabay ang halakhakan nila Jonas.

“hahhaha! Kawawa ka naman pre…”

Ayan na sila!

5..

4..

3..

2..

1..

Saktong saktong pag bukas ng ilaw.

“HAPPY BIRTHDAY!” sigaw namin nila Nicolo sabay paputok ng party confetti.

Halata ang pagkabigla sa mukha nila Uriah dahil napaatras pa sigla ng di oras. Nanatili kaming nakangiti lahat nila Chin habang nakatitig samin sila Dominic.

Mga ilang segundo lang kaming ganun. Walang nagsasalita sa kanila. Masyado ba silang nagulat?

Napatingin sila Uriah sa dekorasyon at sa mga pagkain na hinanda namin. Hanggang sa tumingin sakin si Uriah.  Nakangiti padin ako sa kanya.

“wow…” sabi ni Kurt sabay lumakad palapit.

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang tinitignan ako ni Uriah. Pero unti unti akong nakaramdam ng kakaiba nung mapansin kong tila tahimik padin sila.

Napatingin ako saglit kina Mars at binigyan nila ako ng alanganing ngiti.

“This is…cool.” Jonas

“mukhang shock talaga sila ano? Walang galaw galaw.” Bulong sakin ni Nicolo.

Unti unting naglaho ang mga ngiti ko dahil sa titig ni Uriah. ‘yong titig niya… bakit parang ang bigat sa pakiramdam. Tahimik padin ang lahat, tila nararamdaman nadin nila Chin na parang may mali.

Iniwas ko ang tingin kay Uriah saglit. Hindi niya kaya nagustuhan? Baka nagalit siya. Gusto ko sana basagin ang katahimikan pero hindi ko alam ang dapat sabihin.

Napayuko nalang ako at pinipilit na isipin ang dapat kong gawin. Hanggang sa makita ko ang sapatos ni Uriah malapit sa harap ko. Napatingala ako at doon ko nakita ng malapitan ang mukha niya. Nginitian niya ako… to be exact, it’s a sweet yet weak smile. Pinisil niya ang pisngi ko sabay sabing…

“Thank you.”

Nailang ako bigla pero di ko pinahalata, kakikita lang kasi namin ayan agad ang bungad niya sakin. Sana pala nag powder muna ko, baka kasi ang oily na ng mukha nakakahiya.  Hahahah!

Nung tanggalin niya ang daliri sa pisngi ko tinignan ko lang siya habang nakangit.Pero sa loob loob ko nararamdaman kong parang may mali akong nagawa.

“yun ! tara kain na.” anyaya ni Doms.

Nagsimula ng umingay ang paligid nung makompleto kami. Hindi ko alam kung bakit ganito sila, feeling ko eh gutom na gutom sila habang pinagmamasdan ko silang kumakain.

“Babe subuan mo ‘ko.”

“isusubo ko sayo ‘tong plato pag di ka tumigil.” Sagot ni Chin sabay balik sa pagkain. Habang si Mars ay natawa nalang. Buti naman okay na sila ngayon nung nakaraan eh nag away na naman sila.

“papa E… ikaw gusto mo subuan kita?” inatake na naman si Nicolo.

Tinignan lang siya ni Ethan saglit.

Napadila saglit si Nicolo sa labi niya. “o kung gusto mo ako nalang subuan mo?”

Bumalik lang sa huwesyo si Nicolo nung mapansin niyang kumunot ang noo ni Ethan.

“joke lang papa E. hahahha!”

“oi grabe! Ang sarap nito. Hahaha!” sabat ni Jonas sabay subo ulit ng spaghetti. Ang ingay padin niya kahit kumakain na. “Sino ba nagluto nito?”

“si Demi…” sabat ko.

Napatigil siya sa pag nguya at napatingin kay Demi saglit, tila nahiya. Sabay iwas ulit ng tingin dito. “talaga… di ko alam na marunong ka na pala magluto.” Mahinang sabi niya kay Demi.

Napangiti naman si Demi sa kanya “tinuruan lang ako kanina ni Agatha.”

Pagkatapos nun ay natahimik na sila. Kung ano ang dinaldal ni Jonas ganun din siya katahimik kapag involve na si Demi. ‘Yan ang paniwalaan niyo na wala na daw siyang gusto kay Demi.

Buti naman si Tammy ay hindi na kakaramdam na out of place siya. Dinadaldal siya ng mga kaibigan ko, actually close agad sila ni Doms at Nicolo.

Si Alexis naman ay di makakapunta ngayon dahil may importante siyang gagawin. Hindi na niya nabanggit kung ano pa ‘yon. Confidential siguro.

Tapos na kaming kumain lahat bukod kay Kurt at hindi na bago para samin ‘yon.

“kantahan tayo!” yaya ni Chin.

Napatingin sila Mars kay Uriah kaya gaya nila tumingin din ako dito. Kanina ko pa napapansin na may kakaiba talaga sa kanya. ‘Yong mga galaw nila Mars bakit parang nakadepende sa pasya ni Uriah? baka kahit pag ihi eh kailangan pa nila ng permiso ni Uriah.

Tumango lang si Uriah at ngumiti ng kaunti. Ako lang ba nakakapansin na may kakaiba sa kanilang magkakaibigan? O masyado lang talaga akong nag iisip ng kung anu ano.

Nagsimula na silang mag saya at mag inuman. As usual, ang sakit na naman ng tyan ko kakatawa. Palipat lipat ako ng upuan para kausapin ang mga kaibigan ko. Nag usap usap lang kami sa papalapit na pasukan. Sa Lunes kasi ay simula na ng klase. Nakakakaba kahit papaano ang mag college.

“Dapat sinabi mo sakin na susurpresahin niyo pala si Uriah para natulungan ko kayo.” Dominic

“hehehe, ayos lang! alam ko namang busy din kayo sa pag aasikaso ng papers.” Sagot ko.

 Nagpatuloy lang kami sa pag usap ni Doms hanggang sa nagulat ako sa tanong niyang “Okay ka lang ba?”

“huh? Oo naman…” sabay ngiti sa kanya. Hindi ko alam kung nahalata niya bang parang may gusto akong itanong sa kanya. Nababagabag padin kasi ako sa kinilos nila kanina. Napatingin ako kay Uriah na nakatitig lang sa TV habang kumakanta si Mars.

“Don’t worry too much Agatha.” Paaalala ni Doms. Baka nga masyado lang ako nag iisip ng kung anu ano. Dapat masaya ngayon.

Tuloy padin sila sa pag inom, kumanta din naman ako pero si Uriah ayaw, masama kaya ang pakiramdam niya? Kung masama ang pakiramdam niya dapat hindi siya umiinom.

Oo nga pala! ‘yong cake… tumayo ako at pumuntang kusina. Kinuha ko ‘yon at inilagay sa center table ng sala.

Tumigil muna sila sa pag videoke para kantahan ng Happy Birthday si Uriah.

“ready sing! Happy Birthday to you… happy birthday to you! Happy birthday , happy birthday Uriah!”

Sabay nagpalakpakan kaming lahat. Natatawa ko sa pagkanta nila. Halatang nagmamadali para makain na ‘yong cake. I know… I don’t have normal friends.

Napangiti nalang si Uriah sabay tingin sakin. 

“oh wish muna papa U.” Nicolo

“no need…” sabay hinipan agad ni Uriah ang kandila. Gustung gusto niya talagang binabali ang mga rules sa mga okasyon.

Maya maya habang kinakain na namin ang cake ay inatake na naman ng kakulitan si Jonas at Mars. Nagsimula silang mamahid ng icing. Agad akong napatayo sa upuan ko nung halos lahat na sila ay nagtatakbuhan at namamahid na pati sila Tammy.

Talagang nagsumiksik ako sa mga gilid gilid wag lang malagyan. Tawa lang ako ng tawa habang pinagmamasdan sila. Bigla akong nakita ni Mars kaya imbes na si Nicolo ang lalagyan niya ay lumakad siya palapit sakin habang nakatingin ng nakakaloko.

“wahh! HAHHAHA! Mars isa…. Wag ako please!”

“andyan na ko Agatha.”

Habang palapit siya ng palapit ay paatras ako ng paatras. Para siyang adik. Ahhahah!

Hanggang sa tumakbo ako at pumunta sa likuran ni Uriah.

Natatawa nalang din si Uriah sa kabaliwan ng mga kaibigan. Kaso hindi padin tumigil si Mars at lumalapit padin dito. Tuluyan na akong kumapit sa damit ni Uriah at nagtago sa likod niya at ipinapanggalang kay Mars. Halos mapunit ko na ang damit niya.

Narinig kong natawa si Uriah at pinapatigil ang kaibigan.

“hey! Subukan niyo lang!”  Pagbabanta ni Uriah na halatang nagpipigil ng tawa.

“woah! Subukan daw oh…” sabat ni Mars.

“ganun ba? Hahaha.” Sabat ni Jonas sabay baling ng tingin dito. Hanggang sa lumalakad nadin sila palapit dito. Di ko mapigilan ang mapahalakhak sa ginagawa nila lalo na at puro icing nadin ang mukha nila.  Naku mamaya kapusin ako ng hininga kakatawa.

Habang ang kamay ni Uriah ay nakapananggalang sakin at pinapanatili ako sa likod niya. Hanggang sa nagtakbuhan na dito sila Mars at pinag tulungan kami ni Uriah.

“Hahhahaha!” habang tinatakpan ko ang sarili ko rinig na rinig ko ang malakas na tawanan nila Chin.

At the end… wala din kaming nagawa ni Uriah. Parehas na kaming naligo ng icing.

“mga abnormal!” singhal ni Uriah at nakangiti padin. Argh ! yung dimple niya.

Partida nakapikit pa ang isa kong mata dahil sa nalagyan ‘yon ng icing pero kitang kita ko padin ang mukha niya.

“hahahha! Salbahe, pati damit ko nalagyan tuloy!” sigaw ko.

Hala sige mautot sana kayo kakatawa. Nakangiting hinagis ni Ethan ang tissue box kay Uriah. Kumuha agad si Uriah ng tissue at hinarap ako para punasan ang mukha ko.

Naitikom ko bigla ang bibig ko at agad na naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko habang marahan niyang pinupunasan ang pisngi ko.

Napatingin lang ako sa kanya at tumingin siya sa mata ko saglit, at parang sa titig niya ay komportable siya sa ginagawa niya. He still looks hot kahit may icing nadin ang mukha niya.

Kinuha ko din ang tissue sa box, nginitian ko siya at pinunasan ko ang mukha niya. His eyes widened at napatigil saglit sa pag pupunas ng mukha ko. He smirked and continues wiping my face.

Di ko maialis ang ngiti ko habang pinupunasan ang mukha niya. It feels good when I always see him smiles. ‘Yong pag aalala ko kanina parang napawi bigla. Pasimple kong kinurot ang pisngi niya, kaya lalo niyang siningkitan ang mata niya at tumingin sakin ng nakakaloko.

“ehem!” bumoses si Jonas bigla. Ngayon ko lang napansin na  natahimik silang lahat at nakatitig samin ni Uriah.

Awkward…

“pwede kayong maghilamos nalang kesa nagpupunasan kayo ng mukha.” Suwesyon ni Jonas at halata sa boses niya ang bitterness. Bitter talaga ‘tong lalaking ‘to.

Nagpigil ako ng tawa bigla. Para maibsan ang kabitteran ng aming kaibigan ay naghilamos na nga lang kami.

Maya maya ay naging wild na naman sila. Inom, kain, tawa, kanta, at sumasayaw nadin sila…hala sige! Habang busy sila ay pumunta ako sa may likod at kinuha ang paper bag kung saan nakalagay ang regalo.

Lumingon ako saglit kay Uriah, andun padin siya nakaupo at hinihimas ang balahibo ni Chuchi. Feeling ko nga eh kinakausap niya ata ‘yon.

Inialis ko ang tingin sa kanya at tumingin ulit sa paper bag. ‘Yong feeling na iiaabot ko lang naman ‘to kay Uriah pero bakit kinakabahan ako. Habang nag iisip ako nagulat nalang ako nung may humawak sa balikat ko. Si Uriah…

Agad akong humarap sa kanya at mabilis na itinago ang paper bag sa likuran ko.

“Are you okay?” tumango tango lang ako.

Then he leaned forward “May I talk to you?” tanong niya.

“We’re now talking.” Pang aasar ko. Medyo malakas ang boses ko dahil hirap kami magkarinigan.

“In a quiet place.” Dagdag niya.

Walang kamalay malay sila Ethan na lumabas na kami. Naglalakad na kami ni Uriah pero nanatili lang akong nasa may likuran niya. Tinignan niya ako nang puno ng pagtataka. Senenyas ko lang na maglakad lang siya. Hanggang sa nakarating kami at pumuntang pumuntang podium.

Napaka relaxing talaga dito, puro halaman, romantic lights at maririnig mo ang tubig sa may fountain.

Pinaupo ako ni Uriah sa may bench kung saan mula dito ay makikita mo ang magandang tanawin ng syudad at ibang malalaking gusali.

Todo tago padin ako sa paper bag na dala ko. Naupo siya sa tabi ko habang nakatingin sa mga gusali.

Huminga siya ng malalim, there is really something wrong.

“The foods taste good.” Biglang sabi ni Uriah sakin. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

Hindi na ako nakatiis…

“may nagawa ba ‘kong di maganda ? I mean… may nagawa ba akong naging dahilan para maging uncomfortable ka?” bigla kong tanong. Gusto ko na kasi malaman.

“Tell me… I’ll listen.” Nakangiti kong sabi.

“no… you didn’t do anything wrong… I’m just surprised.”  Lalong naging husky ang boses niya marahil sa alak na nainom niya. Namumula na nga din siya eh.

“Kakaiba ka pala masurprise.” Napangisi ako bigla habang nakatingin sa mga ilaw. “I’m sorry.”

I admit nasaktan ako ng kaunti. Supposedly, this surprise party ay para maging masaya siya, hindi para mag alala siya. Kaya siguro ayaw niyang ipaalam ang birthday niya dahil ayaw niyang surpresahin ko siya o whatsoever. Dapat pala naisip ko na ‘yon noon pa.

“Don’t say sorry, your surprise party for me is really cool.”

Weh? Feeling ko inuuto niya ko. Inuuto niya ko!

“oo nalang.”

“That’s true.”

“Eh bakit ka nga kasi ganyan? Feeling ko may mali…” medyo tumaas ang tono ng pananalita ko. Calm down. “Don’t tell me di ka nag cecelebrate ng birthday?”

Tumango siya.

“Since when? Since birth? Alien ka ba?”

Napangisi siya sa tanong ko “since last year.”

Last year? Pero bakit… tatanungin ko pa sana siya nung magpatuloy siya.

“Since last year, I decided not to celebrate my upcoming birthdays.” Tumingin siya saglit sakin sabay iwas ulit ng tingin. Is he in pain? Nararamdaman ko ‘yon sa boses niya.

 “Today is also her birthday.” Sabay tingala niya saglit at huminga ng malalim.

Nung marinig ko iyon ay naitikom ko bigla ng maigi ang mga labi ko. Iginala ko ang paningin ko… birthday din pala dapat ngayon ni Sheria. Kaya pala ang bigat bigat ng pakiramdam niya.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba, hindi ako nagseselos dahil sa naalala niya si Sheria, alam ko naman kasi kung gaano kahalaga ‘yon sa kanya. Ang nararamdaman ko ngayon ay konsensya.

Panandalian walang nagsalita samin.

“naguguilty ako pag naiisip kong sasapit ang birthday ko… it’s not fair right? Ako mag cecelebrate habang siya… wala ng pagkakataon pa.”

‘Yon pala ang dahilan kung bakit ayaw niya mag celebrate ng birthday, hindi niya magawang magsaya dahil sa masakit na katotohanan na ‘yon. Kaya pala pati sila Mars ay tila nag aalangan kung magsasaya ba o hindi.

“I’m sorry, I didn’t mean anything… I just want to be honest with you.”

Naiimagine niya kaya na dapat sabay silang mag cecelebrate lagi ni Sheria ng birthday? Kaya naguguilty siya. Tumingala ako saglit at huminga ng malalim. Siguro nga sumagi iyon sa isip niya.  

‘Tama na ‘yan Agatha, he needs you… ‘

Normal lang siguro na maisip ko ‘yon diba? Pero kahit papaano naiibsan ang pag aalala ko. Sinabi niya sakin ang totoo. It made feel more special.

Hindi ko magawang magdemand, hindi pa kami. At hindi ko magawang magdemand na sana kalimutan na niya ‘yong guilt na nararamdaman niya. It’s not that easy.  Sheria will never come back. Hindi pa niya siguro tuluyan naaalis lahat ng sakit na naramdaman niya. Kaya siguro, tama nga ang sabi ng dad ko… na patagalin ko muna ang panliligaw ni Uriah sakin.

‘past issues are not healthy for building a new relationship dear…’  biglang kong naalala ang bilin sakin ni dad.

Ngayon ko lang nagets na para din pala samin ‘yon ni Uriah.  Siguro ang gusto din muna na mangyari ni dad ay parehas kami ni Uriah na unti unting tulungan ang isat isa na baguhin at ayusin lahat ng past issues namin, heart aches to be exact.

Kailangan muna namin unti unting baguhin ang mga nakasanayan naming gawin noong  mga panahong nasaktan kami. Para pag nagsimula kami walang trace ng past, kumbaga kailangan namin ng bagong notebook na susulatan ng buhay namin. Hindi iyong magsusulat kami sa notebook namin noon na nagamit na namin kahit sabihin mong may mga pahina pang blangko. Ang issue doon ay, doon ka padin nagsulat sa dati mong notebook, na kahit iwasan mo… makikita mo padin ang mga dati mong naisulat na.

Oh my! I’m so great. My dad is such a good adviser. Naalala ko tuloy sa kanya si Ethan. Napakalalim na tao.

Nabuhayan ako bigla, tama… tama… let’s do this for a change. Anyways, malakas ang loob ko dahil alam kong walang pagdududa sa nararamdaman namin para sa isat ia.

Napahinga ako ng malalim sabay tingin kay Uriah. Tahimik na tinignan lang din niya ako.

Nginitian ko siya, ‘yong ngiting magpaparamdam na naiintindihan ko ang nararamdaman niya.

“Let’s go.” Anyaya ko.

“Where?”

“I’ll make you feel fair and not guilty anymore.”

Kita ko ang pagtataka at pagkabigla sa mukha niya. Nginitian ko ulit siya ng malapad . This is going to be ganda points Agatha. Argh… ano ba ‘yan naiisip ko. Basta, just trust me Uriah.

Seguir leyendo

También te gustarán

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...