7 Color Prodigies: The Story...

By riyusen

18.4K 289 118

Hi! may itatanong lang ako sayo.. paano kung isang araw, kung saan napakaganda ng panahon na halos masilaw ka... More

Let's Start From Mis-Under-Standing!
chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26 (Part 1)
Chapter 26 (Part 2)
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
GOODBYE RIYUSEN

Extra 1

312 5 3
By riyusen

A/N: hi! Ang kwento pong ito ay isang extra lamang po. Extra Story, meaning naganap sya somewhere in the story pero hindi naman nakakaapekto sa main plot, kaya kung mabasa nyo man po ang chapter na ito o hindi, okey lang dahil makakasunod pa rin kayo sa flow ng story.

 Minsan po, may pagkakataon kasing mas gusto kong paglaruan yung kwento kaya di ko namamalayang nakakagawa ako ng kung anu anong chapters, sayang naman po kung mabubulok lang sa laptop ko kaya might as well i-post ko na lang hahaha! Sa mga extra chapters, madami kayong mababasang kalokohan kasi actually majority sa mga ginawa kong extras eh tungkol sa buhay ng 7-colors at ng makukulit nilang mga kaibigan nung nasa junior high pa lang sila, kumbaga parang back track ng buhay nila noon. Madalas akong sabog kaya Asahan nyong hindi ito ang una at huling extra na mababasa nyo wehehe!

Sa mga readers (may ‘es’ yung readers kasi nag a-assume ako na madaming nagbabasa sa kwento ko hahah feeling feelingan naman tayo minsan hahaha! ) na ayaw itong basahin, okey lang. go lang ng go! Ang mahalaga… ewan. Wala na akong maisip haha. Tama na nga! Ciao! (= ^___^=)

7 COLOR PRODIGIES: The Extra Chapters

 

Extra 1

 

“Being Their Friend”

***************************************************************************

GIN:

Ako si Genesis, ah, scratch that. Mas makikilala nyo siguro ako kung Gin ang sasabihin ko, yun naman kasi ang madalas na itawag sa akin ng lahat, kaya sige Gin na lang din itawag nyo saken kahit di naman tayo close. Okey lang saken, okey lang talaga.. pero diba parang medyo sayang naman ata yung pangalan kong Genesis? Kulang sa exposure eh, gamitin nyo naman ng buo. Pinag isipan pa man ding mabuti ng nanay at tatay ko ang pangalan na yan. Talagang pinag isipan nila yan kasi nung nasa 4th grade ako nalaman kong pinulot lang pala nila yan sa isang online game na nilalaro ni papa nung ipinapanganak ako. Grabeng mga magulang! Lalo na tatay ko, nagawa pang maglaro eh napapaliguan na nga ng mura ni mama yung mga tao sa delivery room. Pero mabuti na lang din ata at hindi Plants versus Zombies ang nilalaro ni papa nun, kundi baka kung anu ano na pangalan ko ngayon! tsk tsk.

Move on na tayo. Di naman kasi tungkol sa akin ang kwentong to. Intindihin nyo na lang tong mga pinagsasasabi ko ah, pasensya na din kung putak ako nang putak dito, ang totoo nyan natatae kasi ako, eh may gumagamit pa ng CR kaya pigil pigil muna tayo. Dinidistract ko na lang nga sarili ko sa pagmomonologue ko dito. Haay.. hirap naman nito.

So, Nung nasa junior high school pa lang ako, madalas akong makatanggap ng tanong mula sa ibang tao, Simula nang maging kaibigan ko ang 7 colors, lagi akong natatanong ng kung anu-ano,  gaya ng ‘paano ba nabuo ang 7 colors?, ‘hindi ba nag aaway away ang mga miyembro ng 7 colors?’ ‘sino ang unang naging miyembro ng 7 colors?’. Minsan parang gusto ko na nga silang murahin. Naga-gago kasi ako, ang daming tanong tapos ni isa walang tungkol sa akin? Pero alam nyo kung ano ang pinaka common nilang tanong? yun ay : ‘ano ba ang pakiramdam na maging kaibigan ang 7 colors?.’ Ganyang klase ng tanong ang madalas nilang itinatanong sa akin, pero sa maniwala kayo at hindi, ang totoo, hanggang ngayon, wala pa rin akong malinaw na sagot sa tanong na yan, hindi dahil sa bitter ako kaya wala akong sagot. Wala lang talaga akong maisagot. Basta ang masasabi ko lang, masayang kasama ang 7 colors.

Their colors speak for themselves. Napapa-english ako, taeng tae na yata talaga ako.

Balik tayo, so Simula kasi nung napasama ako sa kanila, parang walang pagkakataong naging boring ang buhay ko. paano nga ba naman ako lalapitan ng boredom eh sa natatandaan ko, buong taon ng pananatili ko sa junior high eh walang araw na hindi kami hinahabol ng kung sinu sino. Maski nga aso, di kami pinapalampas. At syempre, dahil alam ng marami na kaibigan ko sila, madalas nadadamay ako sa mga gulong ginagawa nila. Ilang beses ko nang nasubukan yung lagay na nakaupo ka lang at nananahimik sa isang sulok tapos bigla ka na lang hahabulin ng malaking mama na may dalang dos-por-dos kasi kinulayan ko daw ng pink ang batuta niya. Lam nyo yun? Nakakatarantado. Kaya khit wala akong kaalam alam kung bakit ako hinahabol eh tumatakbo na lang ako. Kesa naman mapisat ako ng di oras. Marami pa akong kinasangkutang  gulo dahil sa mga kalokohan nila. Suki nga kami sa guidance eh. Pakiramdam ko nga kami ang dahilan kung bakit napanot yung principal ng school namin. Sa twing papasok kasi kami sa main office nila, lagi nyang sinasabunutan ang sarili nya. umay na umay na ata samen.

So  although lagi akong nasasabk sa gulo dahil sa kanila, masasabi kong nakakatuwa naman silang kaibigan.. pero yun ay kung di sila tinotopak. Kasi pag tinopak sila, magtago ka na sa palda ng nanay mo, o kaya kung nagpapalda ang tatay mo gaya ng tatay ni Zen, pwedeng dun ka na lang din magtago. Totoong Masaya ang maging kaibigan nila, pero mas madalas talaga na gusto ko silang ilibing nang buhay, o kaya ikadena sa isang sulok . mas madalas kasi sa minsan na piniperwisyo nila ang buhay ko!

Kaya naman nung bumalik sila, di ko alam kung dapat akong matuwa. Alam ko kasing kapag nabuo sila, lintek. Naghahalo ang balat sa tinalupan! Lagi silang may dalang kahayupan! Namemerwisyo ng harap harapan! Break it down yow!

Gaya na lang nung nangyari nung isang araw..

*****************

“ui, lapitan nyo na kasi.”

 

“yoko nga. Kaw naman matapang kaya ikaw na ang lumapit.”

 

“Stint may pagkain ka ba?”

 

“wala Zack. --oi Gin, kaw pinakachismoso dito diba? Kaw na magtanong.”

 

“gago, eh kung umbagin ako? Sasagipin nyo ‘ko? mga tukmol kayo.”

 

“hahaha so inaamin mong ikaw nga pinakachismoso? haha”

 

“kaw Kai may pagkain ka ba?”

 

“wala! Tumabi ka nga Zack! --tsss. Magtatanong lang naman tayo eh. Sige na”

 

“ikaw na lang kaya Kai? Mukhang mas interesado ka eh.”

 

“Arc may pagkain ka ba?”

 

“sus! Kunwari pa kayo. Si Dranz na lang!”

 

“anong mapapala nyo jan? makikipagtitigan lang yan kay Reed.”

 

“sinong may pagkain?”

 

“bakit kasi ang tagal ni Klein! Wala tuloy tayong maisakripisyo!”

Nasan na nga ba ang tukmol na yun! Mas madaling utuin yun eh.

Kung nagtataka kayo kung ano tong pinag uusapan namen, maliit na bagay lang naman. Nagtataka kasi kami sa ginagawa ni Reed. Nung isang araw lang napa-praning sya sa pag iisip kung kaninong  ulo yung pinugot ng syota nya, tapos ngayon naman nakangisi nang mag isa. Tae! Di ko tuloy maimagine kung anong klaseng babae tong napulot nya! namumugot ng ulo? Tapos nilagay sa bag? Sobra pa yung sa mga napapanood ko ah! Anong mangyayari sa mundo kapag sila ang nagkatuluyan?!

Tsk tsk. Pakiramdam ko tuloy, nagiging horror tong kwento nila!

Di naman sya tumatawa, nakangisi lang habang nakatingin sa pader. Di ko naman masabing kinkilig sya dun sa mga death threats ng syota nya dahil wala naman syang hawak na cp. Curious lang kami kung anong nangyayari sa kanya at kung ano ang sagot ng girlfriend nya pero wala namang gustong magtanong! Tsk tsk!

Ang totoo, nandito kami sa lugar kung saan gaganapin yung sparring nila this coming saturday. Isa itong abandonadong warehouse na natagpuan ni Zen dati. Ito ang naging unang tambayan ng 7 colors nung junior high pa lang, at dito din kami unang nagka kila-kilala.

ilang buwan na ring walang pumupunta dito kaya naman kailangan nang linisin, dami na kasing alikabok. Napagkasunduan namin na pumunta dito para maglinis, di naman nagsabi yung iba na pupunta pero hinihintay muna namin na dumating si Fye bago kami maglinis, total pakulo naman nya ‘to. Pero nakakagulat na pumunta dito si Reed, dati kasi pag usapang linis, bigla bigla tong nawawala eh.

“oi.”

Napatingin kaming lahat dun sa kinauupuan ni Reed.

“kanina ka pa parang baliw na nakangisi dyan. Ano ba yang pinagtatawanan mo?”

 

Napamaang na lang kaming lahat nang Makita namin si Zack (na kanina pa naghahanap ng pagkain) na kinakausap si Reed! “tae pre! Nagsakripisyo si Zack!”

“wow bayani!”

“wag kang mag alala Zack! Hinding hindi namin makakalimutan ang pagpapakabayani mong ito!”

Himala! Si Zack! Nagbuwis ng mukha!!!

Oo, mukha. Kasi kapag naasar yang si Reed, mukha agad ang nililiparan ng kamao nya! at kung mabagal kang sumangga, magkaka abs ka sa mukha!

 

“dahil good mood ako Zack, sasabihin ko sayo! Hehehe”

Napatulala kaming lahat habang naghihintay ng mga susunod na eksena. Lahat kami nakatutok at naghihintay sa itatakbo ng usapan nila. Inaabangan talaga namin kung ano ang mga sasabihin nya kay Zack.

Pero parang ang sarap lang mag mura nung sumagot si Zack ng..

 

“nde, kahit wag na. bigyan mo na lang ako ng pagkain. Meron ka ba jan?”

Tangina!!!!! Potek na Zack!!!

Hindi yan ang gsto naming malamaaaan!!

Yung nasa climax na yung suspense tapos biglang mambabalahura ang isa!? Sarap pasagasaan sa pison!

 

“kung makahingi ka ng pgkain, parang nanghihingi ka lang ng bato ah.”

Nagkatinginan kaming lahat.

Uii.. di mainit ang ulo ni Reed! pagkakataon na to!

Pasimple akong lumapit.

 

“pabayaan mo na yang tarantadong yan Reed. May ikukuwento ka ba? Tuloy mo na.”

“ha? wala naman.”

 

“eh ba’t parang ang saya mo naman ata? Anong meron?”

Ganito dapat, smooth ang flow ng usapan para di halata!

 

“ ganito naman talaga ako pag nanalo ako eh hahaha”

Waw! Ang saya ni kumag! Pero sandali? Ba’t napunta sa laro? Diba tungkol sa pugot na ulo ang usapan?

Lumapit naman yung iba. “anong sinabi mo Reed? Nanalo ka? May sinalihan ka bang laro?”

 

“oo. Ito ang pinakamatagal na larong nilaro ko at mukhang panalo na ako hahhaha!”

 

“anong laro ba yan? Ilang oras ang itinagal?”

 

“magdadalawang buwan na.”

 

“dalawang BUWAN!!? Pota! Kelan inimbento ang larong yan!?”

 

“tss.. basta! Dami nyong tanong!” sabay tayo nya at naglakad palabas. “sa labas muna ako, tawagin nyo na lang ako pag anjan na sila.”

Pagkatapos nun naglakad na sya papunta sa back door.

“ano daw? Laro na tumagal ng dalawang buwan? Alam kong sira ang kukute nyang si Reed pero di ko alam na ganito na pala kalala tsk tsk ”

“nakakagago namang laro yun. Antagal hahaha”

Napapaisp din ako kung anong laro yung tinutukoy nya nang bigla nya akong tawagin.

 

“Gin.”

 

“hmm?” nasa tapat na sya ng pintuan at hawak ang door knob. “bakit?”

 

“buhay pa ba yung hamster mo?”

 

“ha? ba’t bigla mong naitanong yan? Malamang buhay yun”

 safe yun dahil dun ko iniwan sa lounge nina Hiro kaya walang gagalaw dun.

 

“wala lang.” nagkibit balikat lang sya at parang walang ganang nagsalita. “nakita ko kasing naghahanap ng ahas si Kiosk dun sa petshop nina Yuram. Ang sabi nya ilalagay nya daw yun dun sa kulungan ng hamster mo kaya curious lang ako kung pinanghimagas na ba ng ahas yung hamster mo. Sige, labas muna ako.” Pagkatapos nun, isinara na nya ang pinto.

At ako.. naiwang nakatunganga…

Potek!! Anong ginawa ni Kiosk sa hamster ko!!!!!!!!!!!!!!

******************

Pagkatapos ng mga kalokohang pinagsasabi ni Reed kanina, nagkanya kanya na kami ng business habang hinihintay ang pagdating nung iba. Ako na lang ang natira sa loob dahil naglabasan yung iba para bumili ng kakainin mamaya. Si Reed naman, andon pa rin sa tambayan sa likod, di pa rin bumabalik.

Pero di ko maiwasang mag alala dahil dun sa sinabi ni Reed. Pero hindi naman ako sigurado kung totoo ba talaga yung mga sinabi nya tungkol dun sa hamster ko o kung ginu good time nya lang ako. Minsan kasi mahilig din yun man trip eh. Tsk. Di bale na, pupuntahan ko na lang mamaya pagkatapos namin dito at isa pa, siguradong pupunta si Kiosk dito kaya dito ko na lang sya aabangan.

Nasa kalagitnaan pa ako ng pag iisip nang biglang bumukas yung front door at pumasok si…

..Kiosk.

“hi guys! Namiss nyo ba ako? The honorable me is here—oi langya! Gin anong problema mo!! Ba’t ka nambabato! Di mo ba alam na pwede mo akong madisgrasya dahil jan sa ginagawa mo?! ”

Shit! Nakaiwas! Sinigurado ka pa man ding masasktan sya dun! Kaasar!

kinuha ko lahat ng pwedeng maabot ng kamay ko para ibato sa kanya, pero lahat yun naiwasan nya! kakabanas! Galing umiwas ng tarantado!

Tapos Sinalo nya lang yung baseball bat na ibinato ko sa kanya! “hahaha anong kalokohan tong ginagawa mo Gin? Ba’t ka nambabato? Upakan kita jan eh hahaha – uy teka, ikaw lang nandito?”

“takte! dali! Suntukan na lang tayo! Sugod na!”

“hahah yoko nga, magasgasan pa ko eh. oi bat mainit ulo natin? Ano bang ginawa ko sayo?” nakangising ibinaba nya yung baseball bat.

“wag kang mag maang maangan hudas! Alam ko na ang ginawa mo sa hamster ko! ”

Bigla naman syang natigilan at parang napaisip.

Alam kong hari ng mga prankster tong ulupong na ‘to pero di ko akalaing pati ang nananahimik kong hamster eh idadamay nya! wala talagang pinapalampas ang unggoy!

Parang lalo akong nairita nung ngumisi sya ulit. “haha ah yun ba? Sayo pala yun? Hahaha – oi sandali! Wag yan! Masyadong malakit yan! Baka di ko masalo! Haha biro lang biro, pikon! hahaha”

Ihahagis ko sana sa kanya yung upuan. “tsk, matawagan na nga lang si tito--”

 

“sandali! Teka! ‘To naman di na mabiro! Di naman namatay yung alaga mo eh.”

Napatingin ako agad sa kanya. “seryoso?”

 

“oo nga. Wag ka ngang dumikit kay Yuram, nahahawa ka sa pagkapikon nya eh hahaha tsaka Masyado ka namang sensitive. Alam kong sayo yun kaya ba’t ko papatayin?”

Wew! Medyo nakahinga ako ng maluwang sa sinabi nya. kala ko napano na yung hamster ko eh. Mataas pa naman ang breed nun.

 

“kung ganon, ndi totoong nilagyan mo ng ahas yung kulungan nya?”

“ha? ah.., nilagayan ko nga ng ahas pero hindi ko naman ginawa yun para mamatay yung hamster mo, it’s just a prank. Nilagyan ko lang naman ng ahas para magulat ka kapag nakita mo.”

a-ano daw?

 

“kung ganon nilagyan mo nga ng ahas!!!?”

 

“o Kiosk, nandito ka na pala. Simulan mo nang maglinis.” Nagdatingan na yung iba. Lahat sila may bitbit na chichirya. Akala ko ba maglilinis kami! Bakit yung mga itsura nila parang magpipicnic lang!

 

“ah, hi fans!” sabay kaway ni Kiosk sa kanila. “hahaha ba’t naman ako maglilinis? Sa gwapo kong to? Haha nandito lang ako para I-supervise kayo hahaha!”

 

“tingnan ko lang kung masabi mo pa yan pag andito na si Fye.”

 

“hahah! Ako pa! watch and learn—ah, ano nga ulit yung tanong mo Gin?”

 

“tinatanong kita kung nilagyan mo ba talaga ng ahas yung kulungan ng hamster ko!”

 

“oi kalma lang hahaha. Ahm.. oo. Nilagyan ko nga hehe.”

 

“abat tarantad--”

 

“hep! Sandali! Hindi naman mamamatay yun eh. Sinigurado ko namang walang kamandag yung ahas kaya kahit kagatin nya yung alaga mo, di naman yun mamamatay. hahaha”

Parang gusto kong pasabugin ang ulo ng kumag na to ah.

“nag iisip ka ba!? Di mo man lang ba naisip na walang silbi kung may kamandag man o wala yung ahas!? Gunggong! Pwedeng pwedeng lamunin nung ahas yung hamster ko nang buong buo! Putragis!”

 

“ah… hala. Oo nga nuh.” Sabay takip nya sa bibig nya na para bang ngayon nya lang talaga yun narealize.

Shit! Kala ko ba prodigy to!? Bakit parang walang bahid ng katalinuhan ang utak nya!?

 

“ Maliit nga pala yung hamster mo. Tsk tsk. Naku, sorry ah, baka ginawang panghimagas na yun nung ahas.” Sabay ngiti nya.

 

“gago langya ka--”

 

“joke! hahahaha!”

 

“ano ba! Putris! Umayos ka nga!”

Kahit kelan, napakagulong kausap ng hayop na to!

Nagkamot sya ng batok tapos ginulo yung buhok nya. “joke nga lang eh. Hindi ko naman nailagay yung ahas dun sa kulungan ng hamster mo.”

 

“totoo na ba yan?”

 

“oo nga, kulet mo.teka, sino ba nagsabi sayo nyan?

 

“si Reed. Buti nga sinabi nya--”

 

“aba at nagpakainosente pala ang timawa. Hahaha oi Gin, para sabihin ko sayo, sya yung unang nakialam sa hamster mo. Nadtnan ko sya sa lounge kanina na ibinabato bato sa ere yung alaga mo, pinagpapasa- pasahan nila ni Hiro na parang bola. Nalula na nga ata yung alaga mo eh. Sila ang dahilan kung bakit ko naisipang alagaan yung hamster mo hahaha”

 

“tang ina! Kahit kelan wala kayong magawang matino sa buhay nyo! Sigurado ka bang wala kang nilagay na kung anu dun sa kulungan?!”

 

“kulet din talaga ng lahi mo anoh hehe wala nga. Di ko na naituloy, Nahuli kasi ako ni Chrow. Tsk tsk”

Parang ang laki ng panghihinayang ng tukmol ah.

 

“teka..si Chrow?”

 

“oo. Di ko na nailagay yung ahas kasi kinuha nya sa akin. Pati na rin yung hamster mo nasa kanya”

 

“binigay mo kay Chrow?”

 

“oo, ano ba? Walang ulitan sa bingi!”

 

“eh nasan na si Chrow?”

 

“ewan ko hahaha basta dun ko lang sya iniwan sa lounge kanina kasama nung hamster mo. Goodluck sa hamster mo, pinapakain nya ata ng racumin nung paalis na ako eh Hahaha” tapos umalis na sya at humahalkhak na nakisali sa kumpulan nung ibang mga ungas.

Pero...

Shit!!

Mas lalo ata akong kinabahan!

***************

Nagmadali akong lumabas para pumunta sa lounge! Potek! Ano na kayang ginawa nila sa hamster ko!!

Papalabas na ako ng building nang Makita kong masasalubong ko si Chrow kaya tumigil muna ako.

Naglalakad na din sya papasok.

Akala ko didiretso na sya pero bigla syang huminto sa tapat nung babaeng nakatitig sa kanya. Hinawi nya yung ilang hibla ng buhok nyang nakatakip sa kaliwng mata  nya at tiningnan yung babae.

“miss. Pakisara ang bibig mo. Nakakadagdag ka ng polusyon sa paligid. At isa pa, baka pasukan yan ng ipis. Kawawa naman yung ipis.” Yun lang  at dumiretso na uli sya ng lakad. Napasunod na lang tingin sa kanya yung babae.

Tsk tsk. Isa pa to! Kahit kelan talaga walangkasing sama ang tabas ng dila! Minsan nga lang magsalita, pero pag nagsalita naman, puro kawalang hiyaan ang lumalabas sa bibig nya!

 

“dyusko.. anghel..”

sira ba ang babaeng yan!? Ininsulto na nga, may gana pa syang humanga sa kumag na yan??

 

“oh. Gin. Anjan ka pala.”

 

“oh. Napadpad ka ata dito?”

 

“la lang. naghahanap lang ng mabubwisit. Balita ko madami dito.”

Waw, ganda ng sagot ah. Kaya nga minsan mas nakakatuwa kung di na to nagsasalita eh.

 

“kaw pwede ka ba?”

 

“tch. Kung ako ang bubwisitin mo, di mo na kailngang mag effort dahil kanina pa ko nabuwisit. Tumuloy ka na lang dun sa loob. Andon  yung bestfren mo. Mukhang maganda ang mood kaya pwedeng pwede mong bwisitin”

Kahit kelan, sira ulo din tong isang to eh.

 

“hmm. Geh.” Tapos nilampasan na nya ako. Pagdating talaga sa pambubwisit ky Reed, wala syang pinapalampas na pagkakataon.

Papaalis na din sana ako nang maalala ko yung mga sinabi ni Kiosk kaya tinawag ko sya ulit.

 

“oi Chrow!”

tinanggal nya yung head set nya at lumingon saken. “oh?”

 

“anong ginawa mo kay Lolita!”

 

“ sinong Lolita?”

 

“yung hamster  na nasa lounge! Si Lolita!”

 

“yun ang pangalan nun? Lolita? Pota. Bading ba alaga mo?”

 

“bagay yun sa kanya dahil mahinhin sya!”

 

“tragis. Kagaguhan naman yang pangalan ng alaga mo. Kay Hiro mo nanaman ba pinulot ang pangalan na yan?”

 

“dami mong problema! Sagutin mo na lang tanong ko! totoo bang pinakain mo ng racumin si Lolita?”

 

“ah.. yung lason sa daga? Oo, strawberry flavor. Bakit?”

 

“abat gag--”

 

“joke lang. ndi nya kinain, alam nya atang lason yun. Parang mas matalino pa yung hamster mo kesa kay Klein ah.”

 

“kung ganon talagang balak mong lasunin si Lolita!? Ano bang ginawa nya sayo ha!”

 

“wala naman. Wala lang akong magawa. Teka, san ka ba pupunta?”

 

“tsk. Pupuntahan ko si Lolita para icheck at siguruhing wala kang ginawa sa kanya. Malaman ko lang na sinaktan mo sya, humanda ka saken. Magkalimutan na tayo.”

 

“ah, ganon ba. Okey lang, wala naman talaga akong ginawa dun. Pero kung pupunta ka sa lounge, siguro dapat bilis bilisan mo na.”

 

“ha?”

Ibinalik na nya yung head set nya at tumalikod saka sumagot ng:

“ang totoo, dumating si Sky kaya ndi ko naituloy yung pagpapakain ng racumin dun sa baklang hamster m--”

 

“hindi sya bakla! Babae yun!”

 

“ok. Whatever. Just go to your pet. Baka sakaling maabutan mo pa.”

 

“a-anong ibig mong sabihin?”

 

“kinuha ni Sky saken yung alaga mo, may mas maganda daw kasi syang plano. May tiwala naman ako sa magandang plano nya kaya ibinigay ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong gagawin nya pero nung paalis na ako, mukhang ipapasok nya si Lolita mo sa bunganga nung ahas na dala ni Kiosk kanina. Kung magmamadali ka, baka abutan mo pa yun nang buhay at makapag-paalam ka pa ng maaayos bago man lang sya malagutan ng hininga. Condolence nga pala. Geh bye.” Tapos tuluyan na syang naglakad palayo.

Shit!!!! Ano ba talaga ang ginawa nila sa hamster ko!!

Tangina! Ngayon, si Sky naman!? Dadali ang buhay ko dahil sa mga hinayupak na yun eh!

Bakit sa dinami dami ng pag iintresan nila, yung hamster ko pa na walang kalaban laban!

Tumakbo ako agad at sumakay sa kotse ko.

 langya! Ano na kayang nangyari dun! Sana abutan ko pa! kung nasa mga kamay ni Sky ang alaga ko, shet! Sadista yun kaya siguradong sasaktan nya si Lolita!

Halos ni full speed ko na ang sasakyan ko para lang makarating agad sa lounge. Mga limang minuto lang ata ang ibinyahe ko at nakarating ako agad.

Pumasok ako s buildng nina Hiro at tumakbo papunta sa lounge. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang Makita ko na ang pintuan.

Binuksan ko agad ang pintuan nang maabot ko.

“SKY!”

 

“hmm?” nagtatakang naplingon sya sa akin.

“ Andito ka na? sayang. ^_^”

 

“LOLITAAA!!!!”

*********************************

                Brrrt!

 

Ngayon alam nyo na kung bakit gustong gusto ko silang ikadena! Mga natural na gago eh! Sa dami namin, Bat laging ako ang nakukursunadahan ng mga hinayupak na yun! Mga halang ang bituka—

“kuya ano ba! Mag cr ka nga! Umagang umaga, naghahasik ka ng lagim dito! Isako mo nga yang utot mo! Tapos pumunta ka dun sa kwarto mo saka mo singhutin lahat! Ndi yung namemerwisyo ka ng ilong ng may ilong!”

 

“tong batang ‘to masyadong mapagbintang, grade 2 ka pa lang marunong ka nang mambintang sa kapwa mo?. Hindi ako umutot. K?”

 

“Alangan namang yang sofa ang umutot! ikaw lang tao dito sa sala, magdedeny ka pa!”

 

“baka may baradong imbornal jan sa labas.”

 

“tsk. Maikwento nga to kay--”

 

“oo na. tatae na. – PA!! lumabas ka na jan sa CR! Di ko na mapigilan! Baka kung saang butas pa ng katawan ko lumabas tong ilalabas ko!”

Yan na lang muna sa ngayon ah, baka kasi ano pang maikwento ko, mababoy pa ang araw nyo. Pasintabi na lang sa mga kumakain habang nagbabasa. Hehehe! Bayiii!

EnD

 

 

A/N: haha so ayun, si gin ang beuno manong napagtripan ko hehe. Nga pala, bilang pasasalamat sa mga comments at votes nyo, napagpasyahan kong ide-decate ang mga susunod na chapters sa inyo. Bale every chapter, idi-dedicate ko yun sa napili kong reader. Yun lang po kasi ang naisip kong paraan to show how much I appreciate your votes and comments, lalo na dun sa mga nag eefort magcomment. Kahit mga kalokohan lang, masaya akong may nagrerespond sa kwento ko. tapos yung iba nagsa-suggest pa. thankyou much much! . Salamat din nga po pala dun sa mga sobrang tyagang maghintay ng update, na kahit na minsan ang tagal kong mag update eh hindi sila nagwawala at patuloy pa rin sa pagsuporta. Naks! haha Tenx xoxoxo much! andrama ko haha!

Nga pala, mero pa pla. Para sa mga readrs na nagtatanong kung anong mga araw ako nag  a-updtae, ang totoo po nyan, hindi consecutive ang updates ko. may mga pagkakataon kasing kung saan saang lupalop ng earth ako napupunta, tapos walang internet kaya di ako makapag update. Pero pag nag aa-updte po ako, bumabawi naman po ako kasi minsn tig apat na chapter pinopost ko hehehe. MINSAN. >_<

Yun lang! MABUHAY! Hehehehhehehehehehehehehhehehhehehe.

End of Extra 1

~Riyusen

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...