Chapter 25

344 9 5
                                    

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~

 

CONFRONTATION 25

 

“Her Sweet Side”

 

REED:

 

 

“hintayin mo ko jan.”

 

“yes young master.”

 

Dumiretso na ako papasok sa gate ng school.

HINAYUPAK NA HIRO! NASAN KA BANG TARANTADO KA!!

Saan nnaman kaya nagsuot yung tukmol na yun? Sinasayang nya oras ko!!

Teka, Nakapagtataka, di ata sila mahigpit ngayon? Di ako sinita nung gwardiya. Ang alam ko mataas ang security level dito eh.

Tsk! Bakit ba pati yan pumapasok pa sa utak ko!

Naglakad lakad ako para hanapin yung antukin. Andito ako sa SSS high, sa school nila, dahil naniningil na ang kumag. Ngayon nya daw kailangan yung tulong na hiningi nya sa akin kapalit nung pagpayag nyang maglaro laban sa akin nung nakaraang basket ball match. Tsk tsk sisiguraduhin kong ito na ang huling beses na pagbibigyan ko ang mga kalokohan nya! sakit sya sa ulo!

Nagrereklamo syang di sya tinutulungan ng ibang colors, eh paano ba naman sya tutulungan kung ganitong klaseng tulong ang hinihingi nya!? Kahit kelan napakatarantado! Kung hindi nga lang ako napasubo dito, hinding hindi ako pupunta dito para sa kapritso nya! Tsk tsk.

Hmm?

Napatingin ako sa malaking streamer na nakasabit sa sa entrance ng isa sa mga building nila.

Welcome to the 45h National Track and Field meeting. Yun ang nakasulat.

Hmmm.. kaya pala ndi sila mahigpit sa gate ngayon. Akala siguro nila isa ako sa mga delegates.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Umiwas ako sa mga daanan na maraming studyante, mahirap na at baka may mabukulan pa ako dito ng di oras.

Ngayon ko lang naisip, bakit kaya di nagpahatid sa akin si shit head? Tsk di naman nya sinabi kung anong gagawin nya,  sabi nya lang may importante syang pupuntahan. Potek! di kaya nanlalalaki nanaman yun!! Hin—

“kyaaaa! Ang gwapo gwapo mo talaga mahal ko!!”

 

“bumaba ka na please!! Pakasalan mo na ako!”

Ha??

Napalingon ako sa direksyon na pinaggalingan nung mga boses, at ang tumambad sa paningin ko eh si Hiro na nasa itaas ng puno. Napapalibutan ng maraming babae yung ilalim ng puno. Para syang pusa na nastranded at takot bumaba dahil napapalibutan ng mga lobo. Tsk tsk. Eh kung inumbag na lang kaya nya isa isa ang mga babaeng yan, eh di napadali pa buhay nya! hndi yung nadadamay pa ko sa mga katarantaduhan nya!

7 Color Prodigies: The Story of YELLOW "Her Tales with the Beast"Donde viven las historias. Descúbrelo ahora