Chapter 24

428 8 9
                                    

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~

 

CONFRONTATION 24

 

“Reconciliation”

REED:

“sorry, but the room 909 was currently unattended. If you have a message, please leave the message after the beep.”

 

Toot. Toot. Too—

Tsk!

Nasan ba ang babaeng yun!? Ang aga pa ah, ba’t wala nang tao sa unit nila? Pati ba pamilya nya maagang pumapasok!? Asar.

Lumabas na ko ng building at sumakay sa kotse.

 

“tayo na. hatid mo ‘ko sa school”

 

“yes sir.”

 

Ano bang problema ng shit head na yun? Nagrerebelde ba sya sa’kin? Umiiwas ba sya?!! ampots!

Kahapon, di ko na sya inabutan sa school nung uwian. Nung puntahan ko sya sa classroom nila, sabi nila nakauwi na daw. Di man lang ako hinintay o kaya sinabihan man lang! kahit simpleng text man lang wala! Anong silbi ng digits ko sa cellphone nya!? Decoration!?

Kung alam ko lang na di ko sya aabutan kahapon, di na sana ako bumalik sa school! tapos ngayon di ko pa sya aabutan sa unit nila!? Gaano kaaga ba syang umalis dun? Ala sais pa lang ah?

Nakakaasar! Hindi nya ba alam kung gaano kalaking pagsasakripisyo ‘tong ginagawa ko para lang gumising ng maaga at sunduin sya? tinitiis kong maglakad mula sa apartment nila hanggang sa school dahil ayaw nya namang sumakay sa kotse ko, tapos ito pa igaganti nya!? Ang pagtaguan ako!? Banas!

Kelan ba titigil ang babaeng yon sa pagpapasakit sa ulo ko?!

********************************************************************************************

REED:

“sir, nandito na po tayo”

Bumaba na ko pagkatapos akong pagbuksan ng driver.

Gaya ng inaasahan ko, wala pang masyadong tao sa paligid. Konti pa lang ang mga studyante.

Dumiretso ako dun sa classroom nila.

Pero pagdating ko, wala akong dinatnan.

Bakit walang tao? Saan ba nagsuot ang babaeng yun!?

7 Color Prodigies: The Story of YELLOW "Her Tales with the Beast"Where stories live. Discover now