Chapter 30

616 14 12
                                    

 To miss @VeronicaArandia, salamat sa pagshi-share nitong story ko sa friends mo, at sa patuloy na pagbabasa kahit ang bagal ng update haha. Keep calm and stay cool and pretty! Godbless sayo at sa friends mo. :)

 

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~

 

CONFRONTATION 30

 

“The Truth behind Her Actions”

 

AIR:

 

“boooohuhuhuh!! Patawarin mo ako Air!! Patawwaaaadd! huhuhu”

 

Humalukipkip ako at tiningnan sya ng masama. Nakaluhod sya sa lupa, at wala akong balak na patayuin sya pagkatapos ng panloloko nya sa akin.

“Aiirr!! Maawa kaaaa huhuhuhu!”

Kung iba ang makakakita nito, siguro, ako yung mukhang nambu-bully. Tsch. Wala akong pake kung anong isipin nila, ang mahalaga maturuan ng leksyon tong si Earth at nang hindi na umulit! Tsaka wala naman masyadong pumupunta dito sa science garden kaya malabong may makakita  sa amin. Kung sakaling maisipan kong baliin ang ilan sa buto  nya, si Water lang ang magiging witness.

“Watz ano sa palagay mo?” sabay tingin ko kay Watz na nakaupo sa may batuhan at kanina pang nanunuod sa amin, pero di sya sumagot at nagkibit balikat lang. hmmm. Kung ganon, nasa mga kamay ko lang ang magiging kapalaran ng babaeng t—

“ano ba! Wag mong hilahin ang palda ko!!” langya to! Bigla ba namang hatakin yung palda ko! paano na lang kung tuluyang nahulog! gusto ata talaga nitong masakatan eh!

“huuhuh kasi naman Air, wag ka nang magalit. patawarin mo na ako huhuhu kaya ko lang naman kayo kinuha kasi alam ko namang mabilis kayong tumakbo kaya hinding hindi nila kayo mahuhuli huhuh”

Napataas ang kilay ko dun sa sinabi nya. “ah talaga? Eh bakit mo kami pinagsuot ng gown!? Hindi pa ba sapat na ebidensya yun para isipin kong sinadya mo yun para madali kaming mahuli?”

Umiling naman sya agad agad. “hindi! Hindi talaga yun ganon. Kaya ko kayo pinagsuot ng gown dahil kahit walang manalo dun sa contest, ayaw naming isipin nung mga members na masyado namin kayong binigyan ng pagkakataon na makakilos ng maayos kaya hindi nila kayo nahuli. Ayaw naming pagkatapos nung event eh makapaghanap sila ng kung anu anong rason at palusot  at sabihin na naging bias kami. atsaka alam ko namang kahit naka gown pa kayo, kayang kaya nyo pa rin silang takasan. hehehe”

“wag mo kong ngini-ngisian jan! di pa kita pinapatawad!”

“ay sorry.. sige sad face ulit..”

Napaisip ako dun sa sinabi nya. “hmm.. teka,b akit parang sa tono ng pananalita mo eh parang ayaw nyong may manalo dun?”

7 Color Prodigies: The Story of YELLOW "Her Tales with the Beast"Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz