7 Color Prodigies: The Story...

By riyusen

18.4K 289 118

Hi! may itatanong lang ako sayo.. paano kung isang araw, kung saan napakaganda ng panahon na halos masilaw ka... More

Let's Start From Mis-Under-Standing!
chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26 (Part 1)
Chapter 26 (Part 2)
Chapter 27
Extra 1
Chapter 29
Chapter 30
GOODBYE RIYUSEN

Chapter 28

251 5 3
By riyusen

 I dedicate this chapter to miss @Cayetano22 as a sign of gratitude. Ang sipag nya kasing mag post ng comment at ang tyagang mag hintay wehehehe. To miss @Cayetano22, kahit hindi ko alam kung paano mo nahanap ang kwento ng 7 colors, gusto kong malaman mo na tuwang tuwa ako sayo at sa mga message mo, at sana ndi ka magsawa sa kakabasa at kapo-post ng comment mo hahahaha! mabuhay ka, and keep your spirit kickin’! wehehe! Muah muah!

 

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~

 

CONFRONTATION 28

 

“Scheme of a Friend”

**********************

GIN:

“oi pupunta ba si Gin?”

 

“anong klaseng tanong yan Kai? Nandito ako. Bulag ka ba? ”

 

“hindi ikaw ang tinutukoy Gensan, yung Gin na pinsan ni Arc ang tinutukoy ko. si Gin Clark Villegas.”

 

“ungas, Genesis pangalan ko, hindi Gensan. ”

 

“sus pareho lang yun. – oh ano Arc, pupunta ba?”

 

“oo, yata. Ewan.”

 

“anong klaseng sagot yan?”

 

“ewan ko nga, lam mo naman yun Nainlove lang, nakalimot na.”

 

“ba’t mo ba yun hinahanap Kai?”

 

“malaki pumusta yun eh hehehe.”

 

“tsk tsk. Ano ba sa tingin nyo yang ginagawa nyo?”

“wag ka nang magtanong jan Yuram. Halika dito at magtapon ka na rin ng kayamanan. Pusta na, dali.”

Haaayy.. Tingnan mo tong mga lekat na to. Tsk tsk.

Kanya kanya sila ng tumpukan para pag usapan kung kanino pupusta. Kahit yata ang pinakamaliit na bagay pagpupustahan nila para lang makapag tapon ng pera. Palibhasa mga sira ang utak.

Naupo na lang ako sa isa sa mga upuan at sumandal.

Mukhang excited na  ang lahat para sa magaganap na basagan ng mukha mamaya, halos isang oras pa kasi bago magsimula pero karamihan sa amin nandito na. Sino kaya ang mananalo? Hmm.. parang gusto ko din atang pumusta. Hehehe.

Sina Reed at Hiro pa lang ang dumating. Hinihintay na lang din namin ang pagdating nung iba para makapagsimula na.

Crrreeeek.

Hmm?

Mukhang masyadong busy sa pustahan ang mga ungas kaya ako lang ang nakapansin sa pagbukas nung pintuan.

Sino bang dumating—

Napangiwi ako nang Makita ko yung bagong dating.

Si Sky..

Si Sky na potek. ang kadaki-dakilang gago. Naalala ko tuloy yung ginawa nilang panti-trip sakin nung isang araw. Tsk.

Ginamit pa nila ang hamster ko para pasimple akong utuin at papuntahin sa lounge. Akala ko totoo yung mga sinabi nilang pinag-gagagawa nila sa alaga ko, yun pala, pagdating ko sa lounge, nalaman kong wala naman palang nangyari dun sa hamster. Nagpapasundo lang pala dun sa mga kumag tong timawang si Sky dahil wala syang dalang sasakyan. At dahil likas na mga tamad ang mga kakumag kumagan na mga yun, ako ang pinagtripan nila, at ito namang si ako.. takte! Bakit ba ko nauto ng mga hinayupak na yun! Diba sanay na ako sa mga kagaguhan nila? Bakit di man lang ako naghinala nung pinagpasa pasahan na nila ako!? Aish! Ang hirap naman kasing malaman kung kelan sila nanggago!!

Tahimik syang pumasok nang nakangiti. yung ngiti nya, nakakabanas! Lagi lagi na lang eh!

Hmm.. pero wala nga kayang ginawa ang Sky na to dun sa alaga ko? pagdating ko may hawak syang ahas eh, pero di naman niya nilapit dun sa hamster. Kaya lang napapaisip talaga ako eh. Wala nga ba talaga syang ginawa? Di ko alan kung anong problema nung hamster ko pero parang simula kasi nung araw na yun  eh..mukhang may nagbago sa kanya. Di na kasi sya kasing likot nung dati. Pagdating ko kasi sa lounge, parang nasa state of shock yung si Lolita. Mukha syang nanginginig tapos nagsusumiksik dun sa sulok ng kulungan nya. Hanggang ngayon parang nakatulala pa nga eh. Ano kayang problema nun?

“di pa ba sila dumarating?”

Obvious ba? San utak mo meyn?

 “si Hiro at Reed pa lang tol. La pa yung iba” Pasimpleng sagot  ko. alam ko, isng mali lang sa mga sasabihin ko , siguradong masasali ako sa mga laruan nya eh.

Tuluyan na syang pumasok “ah ganon ba. Waw, nagkakapustahan na pala dito ah.”

“sus. Ndi na yan bago. Lagi namang sabik sa pustahan ang mga yan eh.”

“eh kaw ba , kanino ka pumusta?” bigla akong natigilan sa tanong nya. lalo na nung makita kong parang mas lumapad yung ngiti nya. threat yan!

“ahahah di naman ako sumasali sa pustahan eh haha” takte. Ang lamya nung palusot ko! anong hindi sumasali? Ang laki nga nung taya ko nung huling sparing nila eh! Sana di nya maalala!

Nagkibit balikat lang sya kahit halatang hindi sya kumbinsido dun sa sagot ko. maya maya pa, nilibot nya ang paningin nya sa paligid. “nasan yung dalawa?”

Wew! Buti na lang di nya ininsist yung tanong nya. ayokong humaba pa ang usapan namin eh, baka kung san nanaman mapunta.

“si Hiro, nanjan sa ilalim ng sofa, natutulog, nasa terrace sa likod naman si Reed. Nagpapahangin ata.”

Tumango naman sya sa akin. Yung ngiti nya di pa rin nabubura . sarap burahin! “ah ganun ba. sige, salamat. Kakausapin ko muna sya. pakitawag na lang kami pagdating nung iba.”

“ok. No probs.”

Pagkatapos nun, dumiretso na sya papunta sa back door kung san lumabas si Reed kanina.

Hmm.. ano kaya ang pag uusapan nila?

Busy pa rin sa paglalagay ng kanya kanyang bet yung mga loko.

hmmm..

nakaka curious. Sumilip kaya ako? sandali lang naman eh.

Pasimple akong naglakad papunta sa backdoor.

Dahan dahan kong binuksan yung pintuan para di mapansin.

Hindi ko na kinailangan pang lumabas dahil nasa malapit lang pala sila. Tamang distansya lang yung layo ko para marinig ko ang usapan nila.

Mula sa maliit na siwang ng pintuan, Nakita kong Nakaamba sa railing si Sky at nakaupo naman sa ibabaw si Reed.

“Reed tini-terrorize mo nanaman ba ang mga tao sa school nyo? Ang dami ko nang nababalitaan, ano bang pinagagagawa mo don? .” Kalmadong tanong ni Sky.

Nilingon lang sya sandali ni Reed tapos ibinalik din agad ang tigin sa labas. “wala naman. Just the usual things.”

 

Napaisip ako dun sa sagot ni Reed.  Usual things? Ang alam kong usual things sa kanya eh yung magwala at manindak ng mga tao sa paligid nya. yun din ba yung ginawa nya dun sa school nila?

“bakit? Ano bang naririnig mo?” parang walang interes naman na tanong ni Reed.

“kinausap ako nung principal na naka assign sa school nyo. Sabi nya marami ka na daw offense.ilan lang ang sasabihin ko sayo, dahil kung sasabihin ko lahat, baka abutan tayo ng ilang araw dito.”

Seryoso? Ganon kadami ang offense nitong si Reed? Aba’y ba’t di pa sya ini expel?

Ow. Silly me. Paano nga ba naman ie-expel ang tulad nya?

“ Una, pinalayas mo daw sa library ang lahat ng mag studyante at librarian. Tapos may mga studyante ka ding binigyan ng death threats kaya napaparanoid sa school, di mo din daw pinalampas ang school nurse. At ang pinakamalala eh pinagbantaan mo daw yung principal para makuha mo ang gusto mo.”

“tsss.. nagsumbong pala ang hukluban na yun. Kung tutuusin, naging mabait pa nga ako sa kanya eh. Dapat pala mas pinahirapan ko pa para nasulit man lang.” parang nanghininayang na sabi ni Reed.

“kung ganon, totoo nga?” natatawang tanong ni Sky. Ano bang katawa tawa dun?

“oo naman. Bakit? May problema ka?” sa tono ng pagkakatanong ni Reed, parang sya pa yung nasa tama.

Pero, Muntik na akong sumemplang sa kinatatayuan ko nang marinig ko yung sagot ni Sky.

“haha. Wala naman. Pero sana lang sa susunod, kung tatakutin mo yung principal, kunan mo naman ng video at nang Makita ko naman ang itsura nya kung paano matakot.”

Shit! Puro ata sadista ang mga to!

“oo naman, sige sa susunod gagawin ko yan” nakangising sagot ni Reed tapos nag low five pa sila. “kung nakita mo lang yung itsura nya nung utusan ko syang tumalon, parang natatae ” mukhang tuwang tuwa pa si Reed habang iniisip yung ginawa nya.

Grabe, walang kinabukasan ang mundo kung ang dalawang ‘to ang matitirang buhay!

“haay.. ano ka ba naman Reed, biro yun. Wag mong seryosohin. Bakit di mo kaya subukang maging mabait man lang sa mga tao sa paligid mo, hindi yung parang lagi kang naninindak.”

“eh kung jan mo kaya sabihin yan sa sarili mo? Biro? Neknek mo. Kumpara sayo, di hamak na mas matino naman ang pinag gagagawa ko kesa sa mga kabulastugan mo.”

“wala akong kabulastugan.”

“oo, kahayupan kasi ang meron sayo.”

Nakangiting umiling iling si Sky na para bang may kung ano syang gustong pagtwanan. Ano nanaman kaya yun?

“maiba ako, ano bang dahilan at napadpad ka sa pricipal’s office? Wag mong sabihin na nagkainteres ka na sa opisina?” biglang tanong ni Sky.

Di ako sigurado pero parang medyo na-tense ng konti si Reed, pero agad agad din yun nawala kaya di ko malaman kung totoo ba yung nakita ko. ang sigurado ko lang, yung spark na nakikita ko sa mga mata ni Sky ay parang nanggagaling sa isang predator na nakakita ng kahinaan sa prey nya.

“nothing important. I just made a deal with him, yun lang.” parang ayaw nang pahabain ni Reed ang usapan nila.

“deal? What deal?” nanunudyong tanong ni Sky.

“naalala mo yung pabor na hiningi ko sayo na hindi mo pinagbigyan? It’s about that. I asked him to transfer me into another section.” Wui may halong pangogonsensya ‘tong mga salita ni Reed ah. Pero malas nya lang at pareho silang walang kunsensya.

Tumaas ang kilay ni Sky na para bang ayaw maniwala sa narinig nya. “asked? Or should I say forced?”

“I didn’t force him. sinabi ko naman sayo, mabait ako. I was kind enough to make a bargain with him. I even complied with his conditions.”

“and that is?” parang naa-amuse na tanong ni Sky.

“papayagan nya akong lumipat ng section kapag nag top 1 ako sa darating na exam” halatang naiirita na si Reed, nagsasalubong na kasi yung kilay nya, at tingin ko ikinatutuwa yun ni Sky.

“alam mo, sa school na yon, hindi pwedeng mailagay sa star section ang isang transferee, pero ikaw, kahit transferee ka, the school board really wanted to put you  in the star section, na ayaw mo naman, so I talked to them at kinumbinsi si dad na gawan ng paraan ang gusto mo. And it turns out that the only lowest possible section that they could put you in is the 2nd section dahil hindi nila maatim na ilagay ka sa section that is lower than that. They adore your brain, you know. so I’ve made all the deals and the talks, and after all the effort I did para makuha mo ang section na gusto mo, lilipat ka lang? what an ungrateful person you are“ nakangiting sabi nya tapos tumalikod si Sky at sumandal sa railings. “anong section ba ang gusto mong lipatan?”

 

Bigla naman syang tinapunan ng masamang tingin ni Reed. “none of your business. And spare me from your antics.”

 

“hahaha maingat tayo ngayon ah.”

Teka, ba’t ayaw nyang sabihin kay Sky ang section na gusto nyang lipatan?at Anong dahilan nya at ayaw nyang ipaalam kay Sky na gusto nyang maging bantay sarado dun sa syota nyang misteryosa kaya sya lilipat ng section?

“maiba ako, ano na bang pinagkakaabalahan mo ngayon? Maliban sa panto-torture sa ibang tao?”

“woah, parang ang sama naman ng tingin mo sa’ken Reed. well wala naman. Wala nga akong magawa eh, kaya nung isang araw na pumunta ako sa lounge eh inalagaan ko na lang yung hamster ni Gin na nandon”

“inalagaan?” parang diskumpyadong tanong ni Reed. “paano mo inalagaan? Binalatan mo ba ng buhay? O tinanggalan mo ng paa?”

Tinawanan lang ni Sky yung sinabi ni Reed. “ibinitin ko ng patiwarik.  Hehehe biro lang, ba’t ko naman yun gagawin sa alaga ni Gin, alam kong mahal na mahal nya yun eh”

“I doubt that”

 

“oo, wala talaga akong ginawa. Inalagaan ko lang. masyado nga akong considerate dahil iniisip ko pa ang damdamin nung hamster nya. ”

“bawas bawasan mo nga yang kalupitan mo Sky.”

Tsss.. nagsalita ang mabait, eh pareho naman silang mga utak demonyo.

namulsa ng kamay si Sky at tumingin sa taas na para bang may inaalala. “ang alam ko, hindi kalupitang maituturing ang pag aalala para sa alaga ng isang malapit na kaibigan. Kung hindi ako nagkakamali, kabaitan yata ang tawag dun.”

 

“yang mga kabaitang sinasabi mo, hanggang pakita lang.”

Nagkibit balikat lang si Sky at ngumiti. Aba, mukhang wala ata talagang balak I-deny yung sinabi ni Reed. “alam mo, concern lang naman ako dun sa hayop, mukha kasing nalulungkot yung hamster kaya binigyan ko ng makakasama. Atleast may kalaro na sya” tumingin sya sa nagtatanong na mata ni Reed at ngumiti. “kaya nilagayan ko ng ahas yung kulungan nung hamster”

di naman nagulat si Reed na para bang inaasahan na nya ang maririnig nya.

Pero kung di sya nagulat, ako naman, pakiramdam ko para akong tinaga ng itak sa dibdib.

Sinasabi ko na nga ba! Talagang may ginawa ang hayop na Sky na ‘to dun sa alaga ko! kaya naman pala ang lapad ng ngiti nya pagdating ko dun! Kaya siguro parang nasa state of shock si Lolita hanggang ngayon, dahil sa kagagawan ng sadistang to!

ang sama nila! Mga walang kaluluwa ang mga kumag na to!

“like I expected, you tortured the poor hamster. Humanda ka kapag nalaman yan ni Fye”

Ah. Tama! Si Fye! Isusumbong ko sya kay Fye!

“ndi naman namatay ah. ang cute kasi nung hamster nya eh. Nakakatuwang paglaruan. Nakakawala ng problema hehe  Sayang nga eh, kinulang ng haba yung ahas, konting konti na lang sana at maabot na nya yung hamster” bumuntung hininga pa sya na parang ang laki ng panghihinayang nya.

Kahayupan! Anong klaseng ahayupan b ang gnaw nya kay Lolita ko!? anong partisipasyon nung ahas!?

“tsaka ideya naman yun ni Kiosk, innovation lang yung ginawa ko.”

“bagay nga kayong magkasama. Isang timang at isang sadista.”

“malulungkot si Kiosk pag nalaman nyang tinatawag mo syang timang.”

“kung hindi timang ang tingin mo sa taong sobra sobra ang pag ibig sa sarili, ewan ko na lang kung ano pang pwedeng itawag dun.”

“pwedeng baliw, o kaya hmm.. o sige, yun na nga lang. hehe tsaka ano ka ba, wag mo ngang siniseryoso ang mga biro ko.  baka may ibang makarinig sa usapan natin, isipin pang sadista ako. ”

 

“oh eh anong problema dun? Totoo naman.”

 

“napaka judgemental nyo. Ano bang nagawa ko at ganyan agng tingin nyo sa akin.”

 

“oi Sky, malamang kilala kita mula junior high kaya alam ko ang timpla nyang hasang mo.”

 

“wag ka ngang gumamit ng mga ganyang idioms, kasi hindi tinitimpla ang hasang.”

Umismid lang si Reed at di na nilingon si Sky. Anong klaseng usapan ba tong meron sila?

Bigla namang umayos ng tayo si Sky. “nga pala Reed, pansin mo ba?”

Nagsmirk lang si Reed, at bigla akong kinabahan nang marinig ko yung mga sumunod nyang sinabi.

“oo naman, ang tinutukoy mo eh yung nasa pintuan hindi ba??” sumulyap sya sa gawi ko. shet!

Bigla akong di makakilos sa kinatatyuan ko. kung ganon, kanina pa nila alam na nandito ako?

“hahaha lumabas ka na jan Gin hindi mo naman kailangang magtago pa.”

Bistado na ako kaya wala na akong choice kundi ang buksan ng tuluyan yung pintuan. “kanina nyo pa ba alam na nandito ako?”

Ngumiti lang si Sky at ni hindi naman sumulyap sa akin si Reed. “oo naman. Masyado knag halata eh”.

Anong halata! Kalokohan! Mga abnormal lang talaga kayo!

Alam ko na dati pa na malalkas silang makaramdam, pero hindi ko inaasahang ganito pala katindi ang pakiramdam nila. Ni wala akong ingay na nilikha kanina, tapos nalaman nila agad?

“tsaka wag kang mag alala Gin, wala naman talaga akong balak patayin yung hamster mo. I’m just playing with it.” natatawang sabi ni Sky.

Bumaba naman sa railings si Reed at naglakad palapit pintuan. “wag kang maniwala jan Gin. Nagkataon lang na wala syang nakuhang mas mahabang ahas kaya hanggang ngayon eh humihinga pa yung hamster mo. kung ako sayo, isumbong mo na yan kay Fye at nang mapektusan. Isali mo na din si Kiosk, dahil siguradong ang prankster na yun ang nagbigay ng ahas dito kay Sky para itraumatize yung alaga mo.” Tapos pumasok na sya kya naiwan kaming dalawa ni Sky. Nung tingnan ko si Sky, nakumpirma kong totoo yung sinabi ni Reed. Nakangiti nanaman kasi ng malapad si Sky. Shit na putek yan!

“OI MAGSIMULA NA TAYO! KUMPLETO NA SILA!”

***

 

AIR:

Ang tagal namang magsimula ng partyng to. Nakakinip na.

Kung nagtataka kayo kung ano tong kinalalagyan ko ngayon, actually nandito ako sa isang party na inorgnize ng club nina Earth, hindi ko alam kung para saan to pero pumunta na lang ako. Yun kasi ang kabilin bilinan nya at isa pa, I will feel bad for her kung di ako sisipot dahil talagang pineste nya pa ako sa bahay para lang ihatid yung invitation nila, kaya kahit na saturday ngayon at dapat ay nagapahinga sana ako, pinagbigyan ko na lang sya.

Pero Ano nanaman kaya ang trip nung si Earth at naisipan nya pa kaming imbitahin dito sa event ng club nila, alam naman nyang nasusoffucate ako sa mga ganitong uri ng party. Masyadong bilang ang kilos lalo pat gown ang suot. Tapos isa pa tong heels na suot ko, ang hirap maglakad ng maayos. Dapat di na ako pumunta eh!

 nasan na  ba ang dalawang yun? Sabay sabay kaming nagbihis doon sa isang kwarto na nasa itaas ng function hall na to pero ang tagal nila kaya nauna na akong bumaba dito. Di pa rin ba sila tapos? kanina—

“hey there miss beautiful”

Hmm??

Napalingon ako dun sa nagsalita, Sabi nya kase miss beautiful, eh di baka ako  ang kausap nya hahaha! Joke lang! wag nyo kong batuhin ng kalabasa!

Medyo kumunot ang noo ko nang Makita ko yung lalaki. Si Water pala ang kausap nya. andito na pala si Watz??  Wala man lang ba syang balak na hanapin man lang ako?

Lalapitan ko na sana pero nag alanganin ako, mukhang pumuporma kase yung lalake, baka masira yung diskarte pag lumapit ako kaya dito na muna ako, panunuorin ko muna sila. Hmm pansin ko lang, napapdalas ata ang paglalapit ng mga lalaki kay Watz.

to namang si Watz as usual parang may sariling mundo, nakatayo sya malapit sa may buffet at .. kumakain ng mani?

Teka san nya nakuha yan?? wala namang mani sa mga ni serve dito ah! at kung makakain naman ng mani ang babaeng to kala mo pulutan lang, ndi man lang nya inisip na party to at naka formal dress sya. kahit kelan talaga tsk tsk.

Lumapit pa ng husto yung lalaki kay Water, pero parang di ata sya napapansin ni Water. Asan nanaman kaya ang utak nya.?

Nagpatuloy lang yung sa lalaki sa pagsasalita kahit hindi sya tinitingnan ni Water. Muntanga lang.

“ahm.. hi, I’m Ercid Leonard, tawagin mo na lang akong leo.” Sabi nya sabay lahad nya ng kamay nya na parng niyayayang makipagsayaw si Watz. siguradong kapag hinawakan ni Watz ang kamay nyan eh hahalikan nung lalakiyung kamay ni Watz.

Parang wala namang interes na lumingon sa kanya si Water.

“I’m Zaskiya. Tawagin mo na lang ako.... pag kakain na.” tapos nilagyan nya ng isang pirasong mani yung nakalahad na kamay nung lalaki saka bored na naglakad na palayo. Naiwan yung lalaki na nkatunganga.

Kahit kelan di ko na ata talaga maiintindihan kung anong tumatakbo sa utak ni Water tsk tsk.

“ GOOD EVENING LADIES AND GENTLEMEN!!!”

 

“hmmm?”

 

****************************

AIR:

“OI water, dahan dahan lang sa paglamon, baka di ka na makauwi nyan.” Hindi ko na napigilan ang sarili kong sawayin si Water. Simula kasi nung magstart na ang program eh wala na syang ginawa kundi ang kumain. Isipin nyo na lang ha, magtatatlong oras na tong party, ibig sabihin magtatatlong oras na din syang lumalamon. Normal pa ba yun sa tao? Diba hindi!? Parang hindi na kain yung ginagawa nya eh. Parag iniinom na nya yung mga pagkain.

“wala kasi akong psp.”

 

“anong koneksyon nun sa takaw mo? Kakainin mo ba yung psp mo?”

 

“wala akong ibang mapagdiskitahan.”

Ngumiwi lang ako sa sagot nya. “ewan ko sayo Watz.”

 

“you should eat a lot too. Trust me, you’ll need a lot of energy later.”

 

Di ko na magets yung mga sinasabi ni Watz kaya Sumandal na lang ako sa upuan ko,  napapagod na kasi yung  likod ko kakaupo ng straight eh

Hinanap ng mga mata ko si Earth pero di ko sya makita. Kanina lang nasa stage sya dahil sya ang m.c. Hmm baka nagpahinga lang sandali.

Habang inililibot ko ang paningin ko sa mga bista, biglang bumalik sa isip ko ang mga tanong na nabuo sa utak ko kanina.

Nagatataka lang kasi ako, sa lahat ng bisita, kami lang ni Water ang naka long gown, puro cock tail dress kasi yung suot ng iba. Tapos kami lang din ang nakasuot ng pula, na para bang kami yung star ng party? Nung magbihis kaming tatlo kanina, akala ko pula talaga yung theme kaya kami pinagsuot ni Earth ng red gown, pero mali ata ang akala ko, dahil sa nakikita ko, kami lang ang may suot ng damit na sobrang tingkad ang kulay. Isa pang pinagtataka ko, bakit kami pinilit ng husto ni Earth na pumunta sa party na to eh wala naman kaming parte dito? Puro club members nila ang andito eh, at sa nakikita ko, maliban sa ibang guest nila, kami lang ni Watz ang outsider dito.

“ladies ang gentlemen, once again good evening!”

Natgil ako sa pag iisp nang biglang may magslita sa stage kaya dun nabaling ang atensyon ko.

Si Earth pala, nasa stage na ulit.

“people, nag enjoy ba kayo!?”

“YEEAAHHH!!!” halos mabingi ako sa sigaw ng mga tao. Ang dami pala nilang members.

“ok! At dahil nga nag-enjoy kayo, mas lalo pa nating gagawing enjoyable ang party na to!!. Ladies and gentlemen, excited na ba kayo para sa main event!!!??”

 

“OO!!” sigaw naman ng audience.

“start iit!!”

“since excited na tayong lahat, let’s proceed to the most awaited event of the night! The hunting time!!!”

 

Muling nagsigawan ang lahat bilang tugon sa mga sinasabi ni Earth. Actually, di ko magets kung ano yung main event nila. Uuwi na siguro ako, mukhang patapos na din naman ang party. Hindi na ako sasali sa main event nila, ndi naman ako required dun. Tsk, kailangan ko pang bumalik dun sa taas para magbihis at kunin yung mga gamit ko.

“ok people, let’s all stand up at nang makapagsimula na tayo!!” sabay senyas ni Earth sa lahat na tumayo na.

Kahit wala akong masundan sa mga ginagawa nila, tumayo na lang din ako, pati si Watz. Pero nagtaka lang ako nang bigla akong bulungan ni Water.

“Air, nag heels ka ba?”

Napalingon naman ako sa kanya na puno ng pagtataka. “ha? oo. bakit?”

 

Halos di kami magkarinigan sa ingay ng mga sigawan.

“kung ako sayo, tanggalin mo na yan.”

“ha?” sobrang ingay na ng paligid kaya di ako sigurado dun sa narinig ko. did she just told me to take off my foot ware?

Bigla na lang nagdilim ang paligid at gumalaw ang iba’t ibang ilaw kaya medyo nalito yung mga mata ko at napatingin ako sa ibaba to adjust my eyesight. Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako o talagang nakita ko si Water na itinataas ang laylayan ng gown nya na para bang naghahandang tumakbo.at... wala syang suot na sapin sa paa? Kahit flats o rubber shoes man lang wala. Pumunta sya ng party nang nakapaa lang?

“..and this time, our targets are…”

Napatikip ako sa mata ko nang biglang tumigil sa amin ni Water ang nakakasilaw na spot light. Halos hindi ko na mabuksan ang mata ko, basta ang alam ko, nasulyapan ng mata ko si Earth na nakangiti ng pilya habang nakatingin sa amin.

“..the two ladies in Red!!!!”

Iniinternalize ko pa yung mga nangyayari nang marinig ko ulit ang boses ni Water.

Nakatingin sya sa akin nang walang ka expre-expression ang mukha, at sinabing “Air. Takbo.”

Huli na nang maintindihan ko yung sinabi nya, nakita ko na lang ang maraming tao na parang mga buwayang ilang taong di pinakain na bigla na lang pinakawalan, at nag uunahan ng takbo papunta sa amin.yung tipong kapag nahawakan nila kami eh siguradong magugutay gutay kami dahil sa pag aagawan nila.

Naalarma ako agad at nilingon ko si Water para sana magtanong kung anong kaguluhan ang nangyayari, pero paglingon ko, wala na sya sa tabi ko.

Kaya naman ang nasabi ko na lang ay isang malutong at slang na..

“ow sheyt.”

End of Chapter 28

 

~Riyusen

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...