His Greatest Downfall

By greatfairy

3.7M 113K 15.2K

ZERO DEGREE SERIES 2: SID DELA VEGA Sid's love for Serenity was beyond compare. Head over heels in love, he... More

His Greatest Downfall
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
PASASALAMAT

CHAPTER 18

83.5K 3.5K 454
By greatfairy

Chapter 18

HE stiffened. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso niya. That was like music to my ears.

"S—serenity..."

Humigpit ang yakap niya. I don't know but I can't explain the mixed emotions I'm feeling right now. Pakiramdam ko nawala iyong malaking batong nakadagan sa dibdib ko sa loob ng ilang buwan. I realized I've endured long enough to hold on. Gusto ko nang maging malaya sa sarili kong kulungan. Handa na ulit akong sumugal. Handang-handa na.

"Y—you hugged me back," he trailed off.

Nahimigan ko iyong pagkabigla niya. Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita ko. I buried my face to his chest. Gustong-gusto kong marinig ang tibok ng puso niya. Ang akala ko'y wala nang lalakas at bibilis sa tibok ng puso ngunit habang nalubog ako sa kanya ay tila kulog iyong sunod-sunod na sumasabog.

"Patawarin mo ako kung pinaghintay kita nang matagal," usal ko.

Isang mahigpit pa ulit na yakap ang iginawad niya sa akin bago niya ako pinakawalan. Ngunit nakahawak pa rin siya sa magkabilang likod ng balikat ko.

He looked directly to my eyes. His were misty like he was in the verge of crying. Ngayon ko lang nakitang ganito kasaya ang mukha niya. I can't help but to squeal inwardly because I was the reason behind his happiness.

"Does that mean—" hindi makapaniwalang tanong niya.

Sunod-sunod akong tumango at ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti.

"Hindi ko kayang pakawalan ka pa," sabi ko.

"Oh, shit!" he exclaimed.

Gulat ako nang bigla niya akong binuhat at iniikot sa ere.

"Wait! Sid! Ibaba mo ako! Ano ba!" I squealed.

"Shit! I can't believe it! You're officially mine!"

Natawa ako ngunit kinakabahan din na baka mahulog ako sa semento at mabalian. Mabigat pa naman ako.

"Ibaba mo nga muna ako. Ano ka ba?"

Ngunit hindi siya nakinig. Inikot pa niya ako nang tatlong beses bago tuluyang ibinaba.

Hinapit niya ako sa bewang at idinikit paharap sa kanyang katawan.

"I'm so damn happy right now!" usal niya. Tila malulusaw ako sa lalim ng kanyang mga titig.

"M—masaya rin ako. Salamat kasi hindi ka sumuko. Salamat kasi kahit ilang beses kitang pinagtabuyan—"

"Shh... You're worth the wait, my lady—scratch that, you're my love now."

He tucked my hair behind my ear.

"I love you. I love you so much, Serenity."

"Mahal din kita." Muli akong ngumiti. Napapikit siya nang ilang segundo saka nakangiting dumilat sa 'kin. Tila naging kamatis ang kanyang leeg at magkabilang tainga.

"Say that again, please?" he whispered.

"Mahal na mahal na kita, Isidoro Dela Vega."

With that, he pulled me unto a hug again. I realized, may mas ihihigpit pa pala ang yakap niya. It felt good. I finally felt home.

"I feel like I'm in heaven. Thank you for finally being mine, Love."

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming magkayakap sa labas ng pinto. We did not mind at all. Pareho kaming nawili sa yakap ng isa't isa.

When we pulled away, we both laughed. Iyong tawang masaya.

He was insatiable. Ilang beses pa niya ako ikinulong sa kanyang mga braso. Kung hindi lang namin napansin ang nakalapag kong mga pinamili sa grocery ay hindi namin naalalang nasa labas kami.

"Ikaw kasi..." asar ko. Ngunit ngumisi lang siya.

Napailing ako. Hindi mapuknit-puknit ang kanyang mga ngiti sa labi.

Tinulungan niya akong bitbitin ang mga pinamili ko papasok sa loob ng apartment. Pasipol-sipol din siya na parang timang.

This is the first time that I've seen this side of him. Maliban sa may pagka-corny siya, mababaw rin pala ang kaligayahan niya. Hindi iyong inaasahan kong kasingmahal ng estado niya sa buhay.

Sana... Sana hindi siya magbago.

"We should cook often," aniya habang paisa-isang inilalabas sa grocery bag ang pinamili ko.

"We?"

He glanced at me, "Yes, because from now on, dito na ako mag-aalmusal para may kasabay ka."

Umarko ang kilay ko.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'yon, 'no. Dapat doon ka sa parents mo sumabay. Sila ang pamilya mo."

"But you're my girlfriend."

"Exactly. Girlfriend mo lang ako, hindi asawa. Dapat mas unahin mo pa rin iyong makasama ang pamilya mo."

"Maiintindihan nila. Besides, mas kailangan mo ako dahil mag-isa ka lang rito."

"Sus, sanay na akong mag-isa, 'no. 'Tsaka sinusundo mo naman ako lagi, e."

"Not because you're used to being alone, you no longer need someone to be with you. Mas masarap kumain nang may kasama lalo na kung ang kasabay mo'y isang Sid Dela Vega," he winked.

"Infairness, may pagka-conceited ka rin," I snorted.

"May ipagmamayabang naman," aniya.

Napangiwi ako. I realized masyado siyang madaldal kapag ako ang kanyang kasama. He's so different from what he shows in front of other people. Napaka-reserved niyang tao at madalang mong marinig na magsalita kaya't nakakatuwang marinig ang ganito side ng pagkatao niya.

...

"TEKA nga, bakit parang naghalikan ang buwan at araw sa liwanag ng mukha mo? Magkuwento ka nga, Besh."

Pagkakita namin ni Marga sa eskuwelahan ay iyon agad ang ibinungad niya sa 'kin.

"Hindi ka ba nasanay sa kagandahan ko sa tuwing nasisilayan mo? Natural na 'yan sa 'kin."

"Ay! Ibaaa! Kailan ka pa natutong magbuhat ng sariling bangko? That's not so you. Ikaw ba talaga ang bestfriend ko o nagpapanggap ka lang? Sabihin mo!"

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at niyugyog. Pinanlisikan ko siya.

"Ako nga ito, ano ka ba? Tigilan mo nga 'yan!"

"Hindi! Hindi ikaw 'yan! Ibalik mo ang bestfriend ko, ibalik mo!" histerikal niya.

Wala akong nagawa kundi bumuwelo ng kamehame wave at buong lakas siyang binatukan.

"Aray!"

"Ayan, natauhan ka rin. Kung makayugyog ka naman akala mo sa 'kin sinapian."

"Ay, hindi ba? Tanakreshna ka, Besh! Huwag ka kasing bumanat ng gano'n. Hindi bagay sa 'yo, para kang prinsesang may sungay."

"Whatever!" Umirap ako.

Nandito kami sa mini-forest para mag-antay ng first period na klase. Actually, alas diyes pa iyon at isang oras pa kaming maghihitay dahil alas nueve pa lang. Maaga kasi akong sinundo ni Sid sa apartment kanina dahil alas otso ang pasok niya. Ayaw naman niyang hindi ako maihatid kaya't napaaga rin tuloy ang pagpasok ko.

"Pero 'yung trot, Besh. Beket eng gende neng ngiti me ngeyen?" tudyo ni Marga.

Hindi ko siya pinansin at dinukot na lamang ang cellphone ko nang maramdaman kong nag-vibrate ito.

I received a text message from Sid.

Hi Love,

I'm so bored here. How are you doing there? I missed you already. Can't wait to see you later. I love you.

"Ay! Sheeeet! Kapeng malapot at mainit! Teka nga!" tili ni Marga.

Napanganga ako dahil halos nakaangudngod na 'yong pagmumukha niya sa cellphone ko.

"Did I just read it right? Aray naman!"

Tinampal ko siya sa braso.

"Hindi mo ba alam ang salitang privacy?"

"Arte nito. May pa-privacy pang nalalaman. Hindi ko naman nakitang na-miss ka na raw ni Fafa Sid at hindi na siya makapaghintay na magkita kayo mamaya. Emeged! Dumaong na 'yong barko ko!"

Bumuga ako ng hangin at tinakpan ang bibig niya.

"Ang ingay mo."

"Sorry na. Pero, iiihhh! Kayo na talaga ni Fafa Sid! "

Hindi ko alam ngunit awtomatiko akong napangiti. Sid's face flashed in my mind. I'm still floating in the cloud nine. Hindi ko alam na ganito pala kasarap sa pakiramdam ng magmahal at mahalin ng isang Sid.

"Iyong ngiti mo, besh, parang sunflower na kadidilig lang."

Napasimangot ako.

"Panira ka talaga!"

Marga laughed.

"Pero seriously, ang saya-saya ko para sa 'yo, besh. Finally, natauhan ka na. Deserve n'yo ang isa't isa."

"Salamat, Marga. Ikaw lang talaga ang tanging tumulong sa akin para i-assess ang sarili ko."

"Drama mo, besh. Huwag mo lang paiiyakin si Fafa Sid kundi babawiin ko siya sa 'yo at hinding-hindi na ibabalik pa. Yummy pa naman 'yon, sayang..."

"Gaga ka, pa'no mo babawiin ang kailanman ay hindi naging sa 'yo?" asar ko.

"Ay, territorial queen! Bakit, sa tingin mo ba hindi ako magugustuhan ni Fafa Sid? Lamang ka lang naman ng isang hilod sa 'kin."

"Kahit hindi na ako maghilod, besh, hindi tayo kailanman magiging magkamukha."

Napahalakhak ako nang umasim ang mukha ni Marga. Marami akong natutunan sa naging relasyon namin ni Ronald. At kung anuman ang mga kamalian ko noon ay itatama ko para maging matibay ang kung anuman mayroon kami ni Sid.

He made me feel that I'm worth the wait and I will make him feel that he's worth the risk.

"Iba rin talagang kumapit ang mga linta, ano?"

Sabay kaming napalingon ni Marga sa mga babaeng biglang dumating. Nakatirik ang mga kilay nito na animo'y perpektong ginuhit ng isang mangguguhit.

Humalikipkip ito at nagkatinginan sila ng kanyang mga alepores. She looked at us with disgust.

"Ayoko ng gulo, Leslie. Kaya puwedeng tigilan mo na kami?" marahang pahayag ko. Ngunit tumawa lang siya—'yung sarkastiko.

"Trot! Polluted na talaga ang hangin dito sa MIU. Kahit saan magpunta, besh, umaalingasaw ang amoy," ani Marga.

"Oh? Really? Baka naman dahil kasa-kasama mo lang iyong naamoy mo, Marga? Para kasi 'yang linta, kung kani-kanino kumakapit. Eww!" patutsada ni Leslie. She even mocked at me. Humagikhik din iyong mga kasamahan niya.

Hindi ko naman napigilan ang sarili kong sagutin siya.

"Ikaw naman para kang libag, dikit ka nang dikit sa taong ayaw sa 'yo!"

Leslie gritted her teeth. Humalakhak naman nang malakas si Marga. We even gave each other a high five.

"You, bitch!"

Mabilis kong sinalo 'yung kamay niyang akma akong sasampalin. Buong lakas ko siyang itinulak. Kung hindi lang siya nasalo ng mga alepores niya'y tumihaya na sana siya sa lupa.

"Alam mo, Leslie, ayaw sana kitang patulan, e. Pero dahil nang-po-provoke ka, sige, pagbibigyan kita. Ang ayaw ko sa lahat ay 'yung pinapakialaman ako kahit wala naman akong ginagawang masama. Bitter lang, 'te? Try mo rin minsan lagyan ng price tag ang sarili mo, you're becoming cheap. Move on din 'pag may time. Tanggapin mo na lang na malabong maging kayo ni Isidoro dahil kung talagang gusto ka niya, sana hindi na siya nagsayang ng oras para ligawan ako."

"Trot! Kaya, tsupi na, Leslie, kung ayaw makatikim ulit ng mag-asawang sampal, lubayan mo na ang bestfriend ko. Nakapag-recharge pa naman 'tong mga kamay ko. Ano? Lalaban kayo?"

"Ako ang gusto ni Sid, inakit mo lang siya, Serenity. Sige lang, magsaya ka na ngayon dahil babawiin ko siya sa 'yo!"

"Wow! Pagmamay-ari mo siya? Galawang desperada, Leslie? Alam mo, hindi ko maintindihan kung inggrata ka lang talaga o sadyang wala kang common sense. Bakit hindi mo subukang umuwi sa bahay n'yo? Baka nakalimutan mo do'n."

"Alam mo, besh. May punto ka, pero pareho lang ang sagot diyan kasi inggrata siyang walang common sense. Feeling maganda. Wala ka sa kalingkingan ng bestfriend ko, day!" dugtong ni Marga.

"Oh? Really? Baka naman naghubad siya sa harapan ni Sid. At ikaw naman, Marga, ang kapal ng pagmumukha mo. Baka 'pag nag-two piece ako sa harapan mo magbabalik-loob ka sa pagkalalaki!"

Muntik na akong mabulunan ng laway dahil sa sinabi ni Leslie.

"Yuck! Kahit maghubad ka pa sa harapan ko, hindi kita titingnan, day! Kadiri ka! Malaki nga dede mo pero wala ka namang puwet. Kasing-flat ng kalsadang dinaanan ng pison!"

"How dare you!"

"Ooops! Subukan mo lang akong sampalin, baka pati dede mo maging flat na rin kapag nilampaso kita sa sahig. Kung ako sa'yo, layuan mo kami bago pa magdilim ang mga precious eyes ko sa 'yo."

"Leslie, tara na..." giit noong isa niyang kasama.

Marahas na iwinaksi ni Leslie ang kanyang mga alepores saka mariing kaming tiningnan ni Marga.

"Ang kapal ng pagmumukha ninyo. Itong tatandaan n'yong dalawa, hindi ko kayo tatantanan!" banta ni Leslie. Dinuro pa niya kami pareho ni Marga.

"Kahit bente-kuwatro oras pa, hindi rin kita uurungan! Hmp!" Akmang susugurin siya ni Marga ngunit agad ko siyang pinigilan. Napansin kong may nakatingin nang mga estudyante sa gawi namin.

"Umalis ka na, Leslie, bago pa kita i-report sa guidance sa panggugulo mo sa 'min."

She darted us with sharp look. "Matalisod ka sana o madapa na una ang mukha. Tingnan ko lang kung magugustuhan ka pa ni Sid kung ma-de-deform 'yang pagmumukha mo," she said then walked away.

I shook my head in disbelief. I just realized how brat Leslie is. Totoo pala iyong mga bali-balita tungkol sa kanya. Nanahimik na lamang ako at sinundan sila ng tingin habang papalayo. Perpekto na sana ang paglalakad niya dahil sa tangkad niya na pinaresan pa ng mataas na heels kung hindi lang siya natalisod.

"Ouch!"

"Leslie!"

Sabay silang nagtilihan ng mga kaibigan niya.

Nagkatinginan kami ni Marga at kagat-labi nagpigil ng tawa.

"Ang karma talaga parang bola, kapag binato mo, tatalbog pabalik sa 'yo."

Humalakhak si Marga. Narinig yata ni Leslie dahil muli itong tumingin sa gawi namin at tiningnan kami nang masama.

Mabuti na lamang at lumayo na si Leslie dahil kapag guguluhin pa niya ako ulit, hindi na ako magdalawang-isip na i-report siya. I can tolerate the insult she's throwing towards me but not the slaps.

Dahil sa nangyari ay nakalimutan ko nang reply-an ang mensahe ni Sid. Kaya naman noong sinundo niya ako kinahapunan ay nagisa ako ng mga katanungan.

"What happened? Did Leslie hurt you again? I really have to do something about this." Sid sighed. Nasa loob na kami ng kotse niya pauwi.

"Alam mo, 'wag mo na siyang pansinin. Hindi naman niya ako kayang saktan. Isa pa, someday, magsasawa rin siya, 'no, unless bibigyan mo siya ng rason para isipin niyang may gusto ka sa kanya."

"What? No way! You knew that I am madly deeply in love with you, right?"

Kumalabog ang puso ko. Minsan talaga nakakapanghina ng mga buto ang mga banat ni Isidoro.

"Buti na 'yung sigurado, mahirap na, baka maagaw ka sa 'kin, e."

"I'm all yours, Love." He glanced at me.

Kahit ano'ng gawing paninira ni Leslie ng araw ko'y nababago pa rin sa tuwing nasisilayan ko 'yung mga ngiti nitong lalaking katabi ko. I didn't know what spell he casted upon me.

Nakarating kami sa tapat ng apartment nang hindi ko namalayan. Our day went well. Nagkukuwento siya ng mga ginagawa niya sa opisina.

"Salamat ulit sa paghatid," sabi ko nang makababa.

"How many times do I have to remind you that you don't have to thank me, Love? I'm your boyfriend, not your driver," he snorted. Natawa ako.

"Arte." Pinisil ko siya sa ilong. Bukod sa mga mata at mga labi niya'y iyon ang kinahuhumalingan ko sa kanya.

"Aww!"

"Sige na, huwag mo na ako ihatid sa taas. Hindi naman ako pilay. Bababa na ako," sabi ko.

Ngunit nagmatigas siya. Lumabas pa rin siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

"You sounded like you wanted me to leave early. Don't you want to be with me? Kasi ako parang gusto ko na lang ipatigil ang oras para lagi kitang makasama, Love."

"Ilang keso ba nalaklak mo kanina at ganyan ka makabanat? "Yung totoo?" Natawa ako.

Hinayaan ko na lamang siyang ihatid ako sa taas. He's stubborn as he is. Pagkarating sa tapat ng pinto ay nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.

"Bakit gano'n? Kasama kita pero nami-miss pa rin kita? What have you done to me, Love?"

Gumanti ako ng yakap at bumulong sa tainga niya, "Ginayuma kita. Hindi mo alam?"

Tumawa siya nang malakas.

"You know what? Noong unang beses mo akong binasted, I researched about love potion. Sabi ko, gagayumahin na lang kita para maging akin ka."

"Loko."

Humalakhak siya kaya't tinampal ko siya sa dibdib. We stayed like that for couple of minutes before we decided to call it a day.

"Ingat ka," bilin ko nang akma na siyang paalis. He nodded then stepped back while facing me. Nang tuluyan nang mawala ang likod niya sa paningin ko'y saka ko pinihit ang pinto para pumasok.

Ngunit hindi pa man ako nakakapasok nang tuluyan ay bigla siyang bumalik na humahangos.

"Ahh, Love?"

"Hmm?" Nilingon ko siya. Hindi siya mapakali. Napakamot siya sa batok. Ugali niya iyong gawin kapag may gusto siyang sabihin pero nahihiya.

"May nakalimutan ka ba?"

Tumango siya. Tiningnan ko naman ang mga bitbit ko. Shoulder bag lang naman at file folder. I checked my bag, sakaling may naiwan siyang personal na gamit ngunit nabitawan ko ang aking mga dala-dala nang bigla niya akong hinapit.

"I'm sorry, Love. I just have to do this," he said before claiming my lips.

I was stunned for a second and my mouth parted in surprise. That gave him better opportunity to devour my lips.

I held my eyes closed, sealing our very first kiss.

©GREATFAIRY

Continue Reading

You'll Also Like

7.2K 288 16
Calem Imperial's story. -Some chapters contain mature content.
9.4M 49.8K 26
Young love needs dangers and barriers to nourish it. Jaspher Mae Mamorno isn't what everyone expects her to be. For her, living a normal life is too...
1.6M 70.4K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
13K 68 5
A quick guide on how to join in my private space to read advance chapters and exclusive stories for an affordable membership fee.