Bed friends? (Completed)

By ellesanity

374K 4.9K 313

[Completed] We were the best of friends...in bed. No strings. No attachment. No commitment. Just for entertai... More

Prelude
Chapter 1: Bed friends?
Chapter 2: Never been in love
Chapter 3: Not now
Chapter 4: Bitch mode
Chapter 5: Crush
Chapter 6: At the bar
Chapter 7: Blind date
Chapter 8: Escapade
Chapter 9: Gravity
Chapter 10: One bad move
Chapter 11: Come what may
Chapter 12: Not-so-romantic date
Chapter 13: Never look back
Chapter 14: Jealous?
Chapter 15: How
Chapter 16: Savior
Chapter 17: Sorry
Chapter 18: Just friends
Chapter 19: Acceptance
Chapter 20: Let go
Interlude
Chapter 21: Not really
Chapter 22: Hang-over
Chapter 23: If only
Chapter 25: Even if
Chapter 26: A little too late
Chapter 27: Damn regrets
Chapter 28: Everything has changed
Chapter 29: The ghost of you
Chapter 30: Forgotten
Chapter 31: Why
Chapter 32: Again
Chapter 33: Daddy
Chapter 34: Can't be
Chapter 35: I won't
Chapter 36: Stay away
Chapter 37: Good old days
Chapter 38: It's complicated
Chapter 39: Shattered
Chapter 40: Still in love
Postlude

Chapter 24: Hush

5.9K 91 1
By ellesanity

Chapter 24: Hush

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.

Nasa'n ako?

Pinagmasdan ko ang buong paligid. Puro puti ang nakikita ko. May ilang aparato rin sa tabi ng kamang hinihigaan ko.

Anong ginagawa ko rito? Bakit ako nasa ospital?

Bumagon ako mula sa pagkakahiga at umupo. Bigla akong nakaramdam ng pananakit ng katawan. Saka lang nag-sink in sa 'kin ang lahat.

Humanda sa 'kin ang mga 'yon sa oras na makita ko sila!

Tatayo na sana ako nang biglang kumulo ang t'yan ko. Saka ko lang napansing naka-cast pala ang kanang braso ko. Nice. Those assholes have done much more damage than I've thought. Parang ang sarap tuloy nilang pilipitin isa-isa hanggang sa hindi na sila makahinga. Pero s'yempre 'di ko gagawin 'yon kasi mabait ako.

Huminga ako nang malalim, kinalma ang aking sarili at inalalang kailangan ko munang punan ang kumukulo kong sikmura bago sumabak sa panibagong bakbakan. Maya-maya, may naramdaman akong gumagalaw sa tabi ko.

Ngayon ko lang napansing may katabi pala ako rito sa kama.

Mukang ang himbing ng tulog niya. Kusang gumalaw ang kaliwang kamay ko at hinaplos ang kaniyang mukha. Dahan-dahan akong yumuko at inilapit ang aking mukha sa kaniya.

Nagdampi ang aming mga labi. Ilang saglit lang ang itinagal no'n ngunit ang lakas ng impact sa 'kin. Tila ba'y nawala ang gutom na nararamdaman ko at nabusog ako bigla. Imba. Mukhang na-alog yata ang utak ko nang hampasin ng mga gago ang ulo ko. Kung anu-ano na kasing naiisip ko.

Para kaming nasa fairy tale kasi bigla nalang siyang nagising matapos ang nangyari. Kumurap-kurap siya, humikab at bumangon mula sa pagkakahiga.

"Good morning, sleepyhead," I greet and flash my dashing smile.

"O, Ken! Gising ka na pala! Salamat naman!" aniya.

Ang pula ng mga mata niya. Para siyang puyat na kakaiyak lang na hindi mo maintindihan.

"Kamusta ka naman? Sinaktan ka ba nila? Sabihin mo lang, gagantihan ko sila," malumanay kong tanong.

Umiling lang siya.

"O, ba't gan'yan ang mukha mo?"

Hindi siya umimik. Bigla nalang niya akong niyakap nang mahigpit.

"Aray ko," bulong ko na may kasama pang mura.

Bumitiw siya mula sa pagkakayakap sa 'kin.

"Ay sorry," nakayuko niyang sabi habang kinukusot-kusot ang kaniyang mga mata.

Is she crying?

Damn! What have I done?

"Hey, what's wrong?" I ask. "Sorry. Hindi naman kita minura, nabigla lang ako."

Umiling siya.

"A-Akala ko hindi ka na magigising pa. Akala ko, iiwan mo na talaga ako. A-Alam mo bang...sobra akong nag-alala nang mga panahong 'yon? Ikaw naman kasi! Tinakot mo 'ko! Akala ko, mawawala ka na nang tuluyan sa buhay ko," Tuluyan na siyang humagulgol matapos niyang magsalita.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. Kahit masakit, titiisin ko...mapagaan lang ang loob niya.

"Shh...tahan na. Ayos lang ako, h'wag ka nang mag-alala. Hindi pa naman ako mamamatay. Masamang damo yata 'to," wika ko habang pinapatahan siya.

Hindi yata tumalab ang joke ko kasi patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Ni hindi manlang siya natawa.

"Tahan na. Ayos lang ako, okay? Sorry kung pinag-alala kita..." sabi ko habang hinahaplos ang kaniyang buhok.

Mga ilang minuto rin siguro kaming nanatiling magkayakap. Maya-maya'y tumigil na rin siya sa pag-iyak. Saka lang siya bumitaw mula sa pagkakayakap sa 'kin.

Hindi ko alam kung bakit biglang ang awkward o ako lang ba nakararamdam ng ganito. Siguro hindi lang talaga ako sanay na nakikita siyang umiiyak kaya gano'n.

Walang umimik sa 'ming dalawa matapos no'n. Nakayuko lang siya habang ako, malalim ang iniisip at nakatingin sa malayo. Nanatili lang kaming tahimik hanggang sa bigla na namang kumulo ang t'yan ko.

Saka lang ulit siya nagsalita.

"Mukhang gutom ka na. Bababa muna 'ko. Ikukuha lang kita ng makakain," aniya. Tumango lang ako saka muling humiga. Tumayo siya't naglakad palabas ng silid.

Napansin kong iniwan niya pala sa bedside table ang cellphone niya. Nang tuluyan na siyang makalabas, saka ko iyon kinuha at hinalughog ang nilalaman nito. Hindi ko naman ugaling makialam ng gamit ng iba nang walang paalam. May gusto lang talaga akong malaman. May gusto lang akong patunayan.

Nagulat ako kasi iba na 'yong lock screen image at wallpaper niya. Dati, larawan naming dalawang masayang magkasama. Ngayon, picture nalang ng isang sikat na anime character. Bigla akong nakaramdam ng lungkot.

Oo na, ako na ang mababaw.

Binuksan ko ang inbox niya at ni-scan ang laman. Panay group message lang mula sa mga classmate at kaibigan namin. Walang galing kay Mart. Binura niya siguro. Imposible namang hindi pa sila nagkaka-text kahit minsan.

Sunod, gallery niya naman ang binuksan ko. Halos panay anime pictures ang laman. Ang iba'y larawan niya kasama ang mga kabarkada namin.

Nasa'n na ang mga kuha naming dalawa? H'wag mo sabihing binura niya?

Huli kong tiningnan ang history ng calls niya. Ang huling tawag ay galing kay Nica. Walang tawag mula kay Mart, o sa iba pang lalaki. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano dahil dito.

Bago pa man niya ako mahuli, ibinalik ko na sa bedside table ang kaniyang cellphone, saka huminga nang malalim at sumalampak sa kama.

Sakto, bigla siyang dumating dala ang isang supot na may lamang lugaw, tinapay at bote ng mineral water.

Inilapag niya ang mga dalang pagkain sa bedside table saka umupo sa isang monoblock. Isinalin niya ang lugaw sa isang mangkok, nilagyan ng calamansi at saka hinalo. Kumuha rin siya ng mansanas mula sa isang basket, tinalupan saka hiniwa ng ilang piraso. Binalatan niya rin pati ang ilang orange saka inilagay sa isang plato.

"Ayan. Kumain ka na," aniya matapos ihanda ang mga pagkain.

"Sa tingin mo makakakain ako nang ayos sa lagay na 'to?"

Hindi siya agad nakasagot. Mukhang nakuha niya naman kung anong ibig kong sabihin.

"Subuan mo 'ko," wika ko sa tonong pang-asar.

"Ano ka, sinusuwerte? May isa ka pa namang kamay, 'yan ang gamitin mo," sagot niya.

"Dali na, please?" paki-usap ko na may kasama pang pagpapa-cute.

No one can resist my charms. Bibigay ka rin.

"Psh! Fine," pagsuko niya.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi niya. Kahit nakasimagot siya, ang ganda niya pa rin.

"Ngayon lang 'to ha," aniya sabay sandok ng lugaw. Hinipan niya muna bago isinubo sa 'kin.

"Mmm...sarap!" I grin. Lalo siyang sumimangot. "Ang sweet talaga ng bestfriend ko," natatawa kong sabi.

"Magtigil ka kung ayaw mong ibuhos ko sa 'yo 'tong lugaw," pagtataray niya.

"Opo boss!" sagot ko na may kasama pang pagsaludo.

"Tsk! Tumahimik ka na lang! O," aniya sabay subo lugaw.

Hay, sarap ng buhay! Sana palagi nalang akong may sakit.

Matapos niya akong pakainin ng lugaw, tinapay naman ang inupakan ko. Pagka-ubos ng tinapay, mga prutas naman ang pinagdiskitahan ko.

"Subuan mo ulit ako," sabi ko sabay turo sa plato ng mga binalatan niyang prutas.

"Pati ba naman 'yan, isusubo ko pa sa 'yo?"

"Joke lang! Highblood ka naman agad," natatawa kong sabi.

Gamit ang isang kamay, kumuha ako ng isang slice ng mansanas at sinimulan itong papakin.

"Nagpunta rito kagabi ang mommy mo kaso umuwi rin agad. Kasama niya 'yong sister mo," sabi niya habang kinakalikot ang cellphone na hawak.

Paniguradong sermon ang abot ko pag-uwi. Sana lang talaga hindi alam ni papa ang tungkol sa nangyari kung hindi lagot ako.

"H'wag kang mag-alala. Pinakiusapan ko si tita na h'wag sabihin sa papa mo ang tungkol sa nangyari," wika niya sabay bulsa ng cellphone. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya.

"Salamat! The best ka talaga," I answer fervently. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya.

"Basta para sa 'yo," naka-ngiti niyang sagot.

Kumuha siya ng isang slice ng mansanas saka niya pinapak.

"Nga pala, may quiz tayo bukas. Hiramin mo nalang 'yong notes ko," utas niya.

"Anong araw na ba ngayon?"

"Thursday." Hindi nga?

"So ibig mong sabihin, tatlong araw akong nakatulog, gano'n?" gulat kong tanong.

"Tumpak!" Ibig sabihin, tatlong araw akong absent? Ang hirap kayang maghabol ng lessons!

"Humanda talaga sila sa 'kin kapag nakalabas ako rito," mariin kong sabi. Hindi ko mapapalampas ang ginawa nila sa braso ko!

"Chill! Pagalingin mo muna 'yang braso mo bago ka sumabak sa panibagong gulo," hirit ng kasama ko.

"Kailan ba ako makakalabas dito?"

"Hindi ko rin alam," sagot niya. "Tatawag akong nurse. Itatanong ko kung kailan."

May pinindot siyang button na parang doorbell sa may bandang gilid. Hindi nagtagal at may pumasok na nurse sa silid na kinalalagyan namin.

"Ano pong kailangan niyo?" nakangiting tanong ng nurse sa 'min.

"Itatanong lang namin kung kailan ba siya makakalabas dito," sagot ng kasama ko.

Napatingin sa 'kin ang nurse. Kinapa niya ang noo ko, tila ba sinisipat kung may lagnat ba ako.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito.

"Ayos naman," matipid kong sagot.

"Maaari ka nang makalabas bukas. Since kagigising mo pa lang, mas mabuting magpahinga ka muna ngayon para hindi ka mabinat," wika nito.

Tumango lang ako.

May binilin sa 'min ang nurse tulad ng tungkol sa pag-inom ng gamot at kung anu-ano pa bago ito tuluyang umalis. Sinabi rin nito na two weeks pa raw ang lilipas bago tuluyang gumaling ang kanang braso ko.

"Nalalapit na ang intercollegiate battle of the bands. Pa'no ako makakapag-practice? At pa'no nalang kung hindi gumaling ang braso ko within two weeks? Hindi makakalaban ang banda namin nang wala ako."

"Relax! Tiwala lang, gagaling 'yan within two weeks. Idaan mo nalang 'yan sa pagkain," sagot ng bestfriend ko.

Sinubuan niya ako ng isang hiwa ng mansanas.

"Isa pa."

"At dahil may sakit kang katamaran, o ayan," wika niya at sinubuan ulit ako ng prutas.

Nag-usap lang kami ng tungkol sa kung anu-ano habang kumakain. Maya-maya, may biglang dumating.

"O, Eri! Ikaw pala."

Ngumiti siya nang malungkot.

Naglakad siya palapit sa 'min dala ang isang basket ng prutas.

Bago pa man siya tuluyang makalapit, biglang tumayo ang bestfriend ko.

"Anong ginagawa mo rito? Ang kapal ng mukha mong magpakita sa 'min matapos ang lahat nang nangyari! Alam mo bang dahil sa 'yo kaya napahamak ang bestfriend ko!"

Hinawakan ko siya sa braso at sinabing, "Wala siyang kasalanan."

"Anong wala? Kung hindi naman siya lumapit sa 'yo 'di ka sana susugurin ng ex niya!"

"Hindi niya naman ginusto ang nangyari," punto ko.

"Kahit na! Kahit ano pang sabihin niya, siya pa rin ang puno't-dulo ng gulong 'to!"

Natahimik kaming dalawa nang magsalita si Erica.

"Tama siya. It's my fault," nakayukong sabi ni Erica. "Sorry, nadamay pa kayo sa gulo ko."

"No, it's okay," mahinahon kong sagot. Kahit hindi naman talaga.

Umiling siya. "Kasalanan ko. Pinairal ko kasi ang pride ko. Kung inayos ko lang sana agad ang problema namin, hindi sana mangyayari 'to," aniya. "Oo nga pala, may gustong kumausap sa inyo."

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang grupo ng mga lalaki.

"Tangina, anong ginagawa ng mga 'yan dito?" hindi ko napigilang isigaw.

Tiningnan ko sila isa-isa gamit ang nanlilisik kong mga mata. Naikuyom ko ang aking palad dahil sa pagpipigil ng galit.

"Anong kailangan niyo? Kung narito kayo para gumawa ng panibagong gulo, lumayas na kayo. Saka nalang kapag magaling na ako."

Walang sumagot. Nanatili lang silang tahimik at walang imik. Lalo tuloy akong nainis.

Humarap si Erica sa ex niya, tinulak ito palapit sa 'min at sinabing, "Mag-sorry ka sa kaniya kung gusto mo akong makipagbalikan sa 'yo."

Napakamot sa ulo ang gago at para bang hindi alam kung anong gagawin.

"Ano, magso-sorry ka ba o hindi? Hindi ako nagbibiro. Kung ayaw mong humingi ng tawad, hindi na rin kita babalikan...kahit kailan," pagbabanta ni Erica.

"Fine! If that's what you want," sagot nito saka humarap sa akin.

"Sorry," paumanhin ng walang 'ya sabay iwas ng tingin.

"Tsk! Ba't parang galit ka pa? Napipilitan ka lang yata! Para sabihin ko sa 'yo, hindi ko kailangan ng sorry mo gago!" Akala ba nila palalampasin ko nalang nang basta-basta ang nangyari?

Umigting ang panga niya dahil sa sinabi ko.

"Patawad, nadala lang naman ako ng damdamin."

"O, talaga?"

"Ano bang gusto mong gawin ko para lang mapatawad mo kami?"

Ngumisi ako at sinabing, "Halikan mo ang mga paa ko."

Akala ko mumurahin niya ako, tatawanan o kung ano. Sa halip, bigla siyang yumuko at inilapit ang kaniyang mukha sa paa ko. Bago pa man dumampi ang nakakadiri niyang labi sa aking balat, pinigilan ko na siya at baka mabahiran pa ako ng laway niya.

"Tama na, pinapatawad na kita. Basta bayaran niyo nalang ang nasira kong cellphone."

Tumango lang siya.

"Salamat. Una na kami."

Bago sila tuluyang umalis, isa-isang nagsilapitan sa 'min ang mga alipores niya at humingi ng tawad. Pasalamat sila, mabait ako! Subukan niya lang ulit magloko, sisiguraduhin kong mas malala pa sa ginawa nila sa 'kin ang mararanasan niya!

-

Ang tahimik na naman. Kaming dalawa nalang kasi ng bestfriend ko ang naiwan dito matapos nilang umalis.

"Anong oras na ba?"

"9:45 am," sagot ng kasama ko.

"Hindi ba may pasok ka pa?"

Tumango lang siya.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?"

"Walang magbabantay sa 'yo rito," sagot niya habang ngumunguya ng pagkain. Kumakain na naman siya ng prutas.

"Hindi ka ba papasok?"

"Obvious naman, 'di ba?" Ang cute niya talaga kapag nagsusungit! Mapupunit na yata ang mga labi ko dahil sa sobrang lapad ng ngiti ko.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit.

"Salamat," bulong ko.

Hindi siya umimik. Niyakap niya ako pabalik nang mahigpit.

Sana palagi nalang ganito.

***

A/N: Sorry sa late update. Alam niyo namang busy ako. Basta babawi nalang ako sa sembreak. Haha. Anyway, thanks for reading!

Continue Reading

You'll Also Like

39K 1K 48
(Loren series #1) Minsan pag nagmahal ka ng isang tao hindi mo alam kung mahal ka din ba niya? Pag minsan mapaglaro talaga ang tadhana Siya kaya mah...
29.4K 2K 60
PROLOGUE Every great dream begins with a great dreamer. Dalawang matapang na kababaihan ang nakikipaglaban para sa katarungan ng karamihan. Tapang...
804K 1K 5
Mature Content (Some Scenes are extremely explicit.) R-18 Life is unfair. That much is true. Hindi lahat biniyayaan. Hindi rin naman lahat pinabayaan...
1.5M 58.5K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...