Just Write

Por MB_Peculiars

36.9K 1.5K 91

If you're researching for a certain topic, try and check out the table of contents of this book maybe I discu... Más

Author's Note
Speech: "Change Starts From Us" (Mother Earth)
Essay: "Connecting The Dots" (Life)
Short Story: "Alamat ng Lapis"
Essay: "An Eye of An Artist" (Inspirational)
Poem: "Wailing Child" (Abortion)
Poem: "Wild Desire"
Essay: "Transformation of Mars"
Spoken Word Poetry: "TABOTILNGA"
Literary Analysis: "Laughter" by Maningning Miclat
OST: Fixing Someone Broken
Literary Analysis: "The Road Not Taken" by Robert Frost
OST: Selfless
Speech: "Break That Barrier" (SOGIE Bill)
Short Story: "A Halo as Diguise"
Essay: "Mother Mary"
OST: Friendship
Poem: "Pabor"
OST: Photographs
Narative Report: "Entrancement"
Literary Analysis: "A Warm Cup" by Andrea Passion Flores
Feature Article: SOAR Concert For A Cause!
Reaction Paper: "Of Studies" by Francis Bacon
Reaction Paper: "War On Drugs"
Pabula: "Si Hunyango at Si Palaka"
Poem: "Beautiful Home"
OST: Youth
Essay: "Dance floor and Balcony" (Leadership)
OST: Feeling Lost
Poem: "Ironic"
Spoken Word Poetry: "Malayo"
Short Story: "Mag Bigay Liwanag Sa Ating Mundong Dumidilim"
Feature Article: "You are Unique In Your Own Way" (Multiple Intelligence)
Poem: "The Music Of Our Unitive Love"
Poem: "Young Hearts"
Essay: "The Pandemic's Silver Linings"
Essay: "Wika Bilang Sandata Laban sa Pandemya"
Parabula: "Ang Tatlong Mag-Kakapatid na Magsasaka"
Essay: "Is Radiation Harmful To Humans?"
Essay: "Anti-Terror Law Should Be Repealed"
Essay: "Digital Infrastructure in The Philippines Must Be Upgraded"
Essay: "Unjust Extrajudicial Killings"
Essay: "Federalism in The Philippines"
Essay: "The Role of Electromagnetism in Our World That We Take for Granted"
Poem: "Ang Tunay na Kalayaan"
Reaction Paper: "Propagate Gender Equality"
Literary Analysis: "Annabel Lee" by Edgar Allan Poe
Literary Analysis: "Self-Reliance" by Ralph Waldo Emerson
Psychoanalytic Criticism: "The Cask of Amontillado" by Edgar Allan Poe
Reaction Paper: "The Beauty of Failure"
Article Critique: Bongbong is The One Running For President and Not His Parents
Essay: What Reason Do You Have to Not Vote for Leni Robredo?
Flash Fiction: The Last Unsent Letter
Poem: "Alone With The Ocean"
Poem: "Pluma"
Speech: Four Simple Rules

Short Story: "Bitter ko kasi"

881 45 16
Por MB_Peculiars


DISCLAIMER: May konting mga mura o bad words na nakasulat.

Pumasok ang isang babae. Matangkad at morenang dalaga. Nakalugay ang kulay itim na buhok niyang may tamang haba, may suot naman siyang bonet. Ang damit naman na suot niya ay joggers, at T-shirt na medyo maluwag sa kanya. Mahahalata mong hindi siya babaeng babae manamit at gumalaw. Pero siya ay simple ngunit may dating.

"Bakit ka single?"

Ngumiti at natawa si Nicole Kivaklein na parang biro ang tinanong nila.

"Bitter ko kase eh."

********

Sabi kase nila ang pagka-bitter ng isang tao ay may pinanggagalingan. Totoo yun. Pero gusto ko i-klaro na hindi kami ipinaglihi sa ampalaya. Pero hindi pako nakaranaska magkaroon ng jowa. Pero MU? Dumaan ako sa madaming ganyan. Iba iba ang ibig sabihin ng MU sa mga tao. Iba nga sabi 'Malanding Unggoy daw'. Pero para sakin 'Magkarelasyon Unoffcial'. Bata pa lang kase lumandi nako agad. Yan tuloy maagang nasaktan. Maagang nadala.

Unang MU ko. Sweet kami. May holding hands, bigayan ng love letters. Doon ko unang naramadaman yung feeling na in-love. Pero ang masaklap nahanap ng parents ko yung love letter na mga bigay niya. Pinaghiwalay kami kase masyado pa daw kaming bata. Tumataas nga balahibo ko pag na aalala ko yung love letter na yun eh! Pero mas masakit dun kase ako sinisi niya. Tapos nalaman kona lang may iba na siyang ka-MU kinabukasan? Doon ko naman naramdaman kung gaano ako kawalang kwenta para mapalitan lang agad ng ganun ganun.

Sumunod na taon may bago akong naging crush. Close kami at schoolmate ko siya. Pero kilala siya sa classroom nila na pinakamakulit at pinakapasaway. Pero gusto ko siya. Tapos nalaman ko gusto niya din ako. Siya yung lalaking madaming binigay sakin. Bracelet, letter, bulaklak. Pero meron kaming naging issue. May kumalat na chismiss na may nakahalikan daw ako sa CR. Ang nakakainis lang kaibigan kopa nag sabi. Naramdaman ko doon yung i-traydor ka ng akala mo kakampi mo pero kalaban mo pala. Wala akong nagawa para depensahan sarili ko. Para saan pa? Kung wala din namang maniniwala. Ang sakit lang din na hindi niya ako nagawang ipagtanggol tapos pinagmalaki niya pa na totoo yun at siya daw kahalikan ko. Tangin@.

Lumipat ako ng school kase nakakasuka mga ugali ng tao doon. Sa bago kong school ang daming pogi! Isa na yung nakatabi ko. Sobrang gwapo. Nakakakilig lang na siya pa gumawa ng paraan para hindi ako ma-out of place. Hangang sa naging close kami. Naalala ko lakas pa nun mang asar sakin. Tapos ang lakas ko naman mang trip sa kanya. Sa sobrang close nga namin hangang sa bahay nag-chachat kami. Siya yung tipo ng lalaki na masaya kasama pero ang flirty niya. Syempre babae din akong kinikilig sa mga banat niya. Hindi ko nga lang alam kung ilang babae na ang sinabihan niya ng ganun.

Nag assume ako na baka MU na kami. Kase tuwing mag sasabi siya ng good night may kasamang I love you. Pinatulan ko naman at nag sabi ako ng I love you too. Pero nag taka ako kase bigla na lang siyang hindi namansin. Para bang bigla siyang nanlamig. Sinubukan kong lumapit para tanungin kung may problema ba. Pero nakakag@go lang para mag patay malisya siya at sabihin di niya daw ako iniiwasan kahit napaka-obvious naman. Actions speak louder than words!

Pero dahil sa gusto ko siya, inintindi ko na lang. Hangang sa dumating yung time na Christmas Party na namin. Bumili ako ng regalo para sa kanya. Peace offering sana kahit wala naman akong ginagawang mali. Pero ang sakit malaman na may iba pala siyang gusto. Nakakaselos lang kase yung nabunot niya ay yung crush niya, at ang nabunot ng crush niya ay yung crush ko. Nabunot nila yung isa't isa! Lahat ng kaklase ko support sila at kinilig. Kesyo destiny daw. Ako lang ata yung nayamot at tinapon yung regalong bibigay ko dapat. Naalala ko na hindi naman niya nilinaw kung para saan yung ILoveYou. Baka nga I love you as a friend lang. Ako lang siguro itong tang@ at umasa.

Sumunod na taon nag transfer siya kung saan din nag transfer yung crush niya. Yung pakiramdam na lumipat lang siya ng school nagkalimutan na. Para bang hindi niya ako kilala. Pero bawing bawi naman ako kase nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan. Kaya lang yung dalawa kong bestfriends nag kagustuhan. Support ko sila. Sa sobrang support ko ako yung naging tulay at messanger nila. Strict kase parents nung babae. Kaya pag may love letter, ako ang sender. Kapag may date ako ang 3rd wheel. Alam ko naman na hindi nila intensyon para yun maramdaman ko. Tinanggap at tiniis ko yung sakit kase gusto ko yung gusto ng best friend ko. Punyet@ halos lahat ng problema sa pag ibig naranasan ko!

Pero dumating ang isang araw na yung dalawa kong seatmate, parehong lalaki ay nag hanap ng babaeng pagpupustahan. Ang unang makakuha daw nung babaeng mapipili ay may premyo. Dumating sa punto na wala silang mapili hangang sa ako ang tinignan nila. Hmm, half nabwiset ako pero half kinilig din. Masarap din sa pakiramdaman na pag agawan ka noh.

"Eh kung si Nicole na lang kaya?" WOW lang. Makapag usap sila parang wala ako dun. 

"Ayoko men. Masyadong easy to get yan. Walang thrill. Ano pang thrill kung madali lang mapapanalunan?"

BOOM! Para akong binaril sa dibdib. Tinamaan ako ng sobra sobra sa sinabi niya. Ang sakit kase parang totoo naman. Napagtanto ko na siguro madami akong naging MU hindi dahil sa gusto nila ako. Maraming nag kagusto sakin hindi dahil maganda ako. Kundi dahil easy to get lang kase ako.

Inis na inis ako sa sarili ko dahil dun. Nakakainis bakit ang tagal bago ako nagising sa katotohanan? Bakit ang tagal bago ko napagtanto kung gaano ako karupok, katanga at nag assume. 

Mula noon pinilit ko mag bago. Naging bitter nako. Tawag na nila ngayon sakin ay Kiva. Pakiramdam ko nga parang ibang pagkatao si Nicole tapos iba din si Kiva. Si Nicole laging nag pupulbo at lip tint. Nakalugay buhok tapos naka headband. Laging nag susuot ng dress, skirts para mag pa-cute. Tapos si Kiva heto nako. Sa sobrang bitter na wala na ng tuluyan interes ko sa lalaki. Lagi akong kumukontra pag tungkol sa pag ibig topic ng mga barkada ko.

"Maghihiwalay lang naman din kayo."

"Uy hindi moba alam? Bilang na ang MU na nag tatagal!"

"Sa una lang masaya pero sa huli iiyak iyak ka din."

"Par. Anong tagalog ng stupid?"

"Bobo?"

"Hindi ka naman pala ganun katang@ eh! Kaya hiwalayan mona yan at wag ka ng mag drama dyan."

"Assumera ka lang! Ang babata niyo pa puro kayo love life. Wala din kayong napapalang maganda!"

"Walang Forever!!!!"

"So Bakit Ka Single?"

"Sabi nila takot daw kase akong masaktan ulit. Pero para sakin hindi kase ako laruan. Babae din ako na may natitirang dignidad."

~*~*~*~*~*~

Fact: share ko lang:p pinasa ko toh sa Adober Studios. Well yeah, tinanggap naman nila pero I think my piece is not qualified for them para gawan nila o isama nila sa Bakit Ka Single episodes:( tanggap ko naman ^_^

Seguir leyendo

También te gustarán

32.1K 1K 42
Self-written poetry that gives an insight on what goes through someone's head when they are at their lowest. ''I sit still in the prime of my darkes...
36.8K 337 68
Essays that have been written for psychology classes. This was used in Bachelors of Science for Psychology at the University of Phoenix
171K 3.9K 63
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
1K 263 10
Una caótica noche dos personas desconocidas tienen una noche apasionada, con un pequeño doncel el cual vive en condiciones tristes y bastante horribl...