Meeting with a stranger

By meikajam05

593 27 16

It is about a girl named Yoona Kim who meets this stranger named Jake Flores. And this once a stranger sudden... More

Prologue
Chapter 1: Dreaming dream
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5: Fight your fear
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13: The sudden change
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18: Goodbye
Epilogue
Author's note: Fact

Chapter 15

15 1 0
By meikajam05

“We are mostly blinded, we do not think mostly because of the fact that we love them endlessly...”

WE’RE now heading to his residence... Hindi ko alam kung bakit sa dami ng pupuntahan namin e sa kanila pa. Hindi ko tuloy mawari ang mararamdaman ko. Magkahalong kaba at excitement dahil this will be my first time na makakatapak sa kanila at mami-meet ko ang parents niya.

Medyo  kaunting katahimikan pa nga ang  nangibabaw sa pagitan namin. Hindi ako nagkalakas loob na magsalita unless siya ang magtatanong. Wala pa rin siyang ipinagbago bukod sa kaunting maturity na makikita sa ayos at tindig niya. Although hindi ko naman sinasabi na immature siya before. Nakadikit parin ang maliliit na bigote niya naalala ko pa noon na gusto ko iyong ipatanggal sa kanya. Maybe that is the one thing that I like the most about him bukod sa singkit at maliliit na niyang mga mata. Bahagya akong napapangiti sa pagkakaalala ng mga iyon.

“Why are you smiling?” Napaigtad ako ng marinig ko ang baritonong boses nito.

Umiling lang ako  at simpleng ngumiti bilang sagot.

“Wala ka paring ipinagbago pero mas lalo kang gumaganda.” Nakatingin niyang sambit. Hindi ko alam kung compliment ba iyon.

Nahihiya naman akong napayuko at pagdaka’y ibinaling ang tingin ko sa ibang direksyon. “At wala ka paring ipinagbago, bolero ka parin.”

“Kakaiba ka talaga...”

“Sabi nga ng iba...” sagot ko naman.

“Yoona.” Tawag nito.

Nilingon ko siya at bahagyang pinagkunutan ng noo. “Why?” I asked.

“Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.”

“Why of all the place sa bahay niyo pa? At isa pa dapat ako ang kinakabahan ngayon not you.” Medyo mataray na sagot ko.

“You’ve changed a bit. Ang taray mo sa akin. Magready ka na malapit na tayo.” At pagkaraan ay wala ng nasalita pa ni isa sa amin.

Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagmamasid sa paligid. May pakiramdam ako na gusto kong magback out. Pero anong sasabihin ko sa kanya?

“We're here.” He declared that made stop from thinking of backing out. Now, I’m dead...

“Hey, don’t have plans of getting out of the car.” He asked.

Bahagya ng nakabukas ang pinto sa pwesto ko ng hindi ko man lang namamalayan. Bahagya rin siyang nakadungaw...

“No, maybe plans of backing off.” I mumbled softly.

Ngumunot naman ang noo nito. “No way! Come on let’s go.” At saka walang paalam na kinuha ang kamay ko. Ang pagdidikit na iyon ng aking balat sa kanya ay nagdulot  ng paglakas at pagbilis ng pagtibok ng puso ko. Just like before.

Habang ako ay tahimik na nagpapaubaya sa kanya hindi ko maiwasang hindi tingnan ang paraan ng paghawak niya sa kanang kamay ko. Mahigpit ito na tila ba ayaw ng bitawan pa.

‘Sana hindi mo binitiwan yan noon.’ I mumbled to myself.

Pagtapat namin sa main door ay malawak niya itong binuksan at bumungad sa amin ang dalawang maid na mga nasa edad dalawampu’t lima pataas at isang medyo may edad ng lalaki na isa siguro itong butler. Silang tatlo ay pawing mga nakangiti.

Iginala ko ang mata ko sa paligid at talaga namang kamangha-mangha ang loob nito. Unlike sa amin mababa ang kisame dahil Korean style iyon pero sa kanila high ceiling that made it more bigger. Maganda na sa labas at lalong-lalo pa sa loob nito. Unang bubungad sa pagpasok namin ay ang malaking sala na may mga naglalakihang sofa. Isang medyo may kalakihang center table na bagay na bagay sa kabuuang kulay. Ito ay halos gawa sa mga native na kahoy na napinturahan ng matitingkad na kulay kayumanggi. At ang mga muwebles na halata naman ding may mga halaga na bagay na bagay rin naman sa interior nito.

All are just fine and made to its perfection.

“Come with me I’ll show you my room.” Pagbasag ni Jake sa pananahimik ko.

“Seriously, are you out of your mind?” Di makapaniwalang sagot ko. Pero bago pa man ako makatanggi ay hinila na niya ako paakyat ng hagdan. Di sinasadyang nahagip ng tingin ko ang butler nila nag-aalalang nakatingin sa akin. Nagkibit balikat na lang ako sa isiping may ibig sabihin ang kakaibang tingin nito.

At sa pangalawang pagkakataon ay muling nagbukas ito ng pinto. Pinto papasok mismo ng kwarto niya. Simple lang ang kwarto niya. May pintura ito na magkahalong black and white at ang mga kagamitan ito ay simpleng medium size bed, one study table, one black couch and a plain closest. Kung anong binongga sa labas ay siyang ikanasimple ng kwarto nito.

 “Why here? Where are your parents?” at para bang may sariling buhay ang mga paa ko na naglakad at nilibot ang kabuuan ng silid hanggan sa mapunta ako sa shelves na kung saan may iilang piraso ng mga libro. I wonder what genre of book he prepared to read.

Pero sa pagpapadulas ko ng mga daliri sa mga nakasalansan na libro ay tanging sa simpleng kulay lila na bind notebook lang ang nakaagaw ng atensyon ko. The same bind notebook way back three years ago. Kinuha ko ito at sinimulang kilalanin dahil baka naman namamalikmata lang ako.

“I gave this to you after the Bataan vacation.” I said while my eyes and my attention are all on the bind.

Mabilis at hindi ko na lang namalayan ang ibinigay ng binata sa akin na back hug. Isang mahigpit na yakap na nagbalik sa akin sa nakaraan at nagpatulo ng mga luha ko.

“Bakit ba hindi maubos-ubos itong luha na to? Bakit ikaw parin?” Umiiyak na sambit ko.

Mas lalo lang nitong idiniin ang pagkakayakap at isinubsob pa ang mukha sa batok ko. Mariin akong pumikit at saka unti-unti kong ibinaba ang mga kamay niyang mahigpit na nakayakap sa beywang ko. Humarap ako sa kanya at mataman siyang tinitigan sa mga mata. Naghahanap ako ng mga kasagutang tanging sa mga mata ko lamang niya makikita. Iba ang ipinapakita niya sa sinasabi niya.

Hindi ito nagsalita bagkus ay marahan niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Kusang umakyat ang kamay ko patungo sa kama niyang nasa mukha ko. Nang mahawakan ko ito ay nakaramdam na nama ako ng pagka kuryente. Pero wala akong pakialam bahagya ko pa iyong pinisil. Pumikit ako para namnamin ang sandaling iyon dahil baka sa pagdilat ko ay bumalik ako sa kawalan.

“Totoo ito Yoona...” Nagmulat ako ng mga mata. “I’m sorry and I still love you. Sobra-sobra kitang namiss...” Mataman lang itong nakatingin sa akin. Saglit na katahimikan ang nangibabaw sa pagitan naming dalawa.

“I will give you the best of my love ‘coz I never felt this before. I promise you. I really do I will never give up on you. At kahit na ilang beses mo kong saktan hinding-hindi mawawala ang kung lugar mo sa puso ko. Mahal parin kita Jake, mahal na mahal. Wag mo na akong iiwan please?” I mumbled sweetly without disconnecting my eyes on him.

“I love you more Yoona Kim...” At mula doon ay kinuha na nito ang pagkakataon na mahagkan ako. Ang halik na matagal kong ng gusto muling maramdaman.

“Sweet as ever...” He commented.

“Loko!” mahina ko siyang hinampas sa braso pero ang loko hindi man lag natinag at binuhat pa ako just like newlyweds. Natatawa na lang ako sa ginawa niya at nang tabihan niya ako. Niyakap niya ako at pagdaka’y walang sawang pinagkikiliti.

Malakas na halakhakan ang pumupuno sa apat na sulok ng kwarto. I never imagined that I will laugh and smile just like before. Oo napapatawa ako, ngumingiti at sumasabay sa biruan at tawanan ng iba pero ibang-iba parin ngayon. Ngayon at kasama ko ng muli ag lalaking nakahanda ko ng ibigay ang buong buhay ko.

“Can we sleep?” Umakto pa akong inaantok.

“Together? Are you sure?” Hindi makapaniwala nitong tugon.

“I’m sleepy.” Paglalambing ko.

“If that’s my heart wants so be it.” He mumbled and gave me a quick kiss on my lips.

“It’s comforting...” I murmured and close my eyes.

Mas inilapit ko pa ang sarili ko sa kanya at saka isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya.

‘I hope this will never end.’

NAGISING ako sa sunud-sunod na pagvibrate ng phone ko sa bulsa ng pantalon ko. Painat-inat ko itong kinuha at walang sulyap na sinagot ang tawag.

“Yoboseyo?” I mumbled groggily.

[“The heck ate! Where on earth are you? Wait, are you sleeping?”] Hysterical na bungad ng nasa kabilang linya. Saglit kong inilayo ang screen at sinipat ang pangalan ng caller. It was Marie.

“Oh, Marie why made a call?” wala sa sariling tugon ko.

“Who’s that?” Jake suddenly asks. Nagmuwestra naman akong wag maingay dahil baka kung anung isipin ng kausap ko. Ngumiti ako at binalingan ng muli ang kausap ko.

[My goodness ate. You’re with a guy? And you’re both sleeping together?”] Di makapaniwalang sambit nito.

Natuptop ko na lang ang sarili kong noo dahil sa paghi-hysterical ng kausap ko.

“Calm down stop over thinking. I was with Jake, okay.”

[“Darn it with that bastard? Go away from him he’s no good. He’s just good for nothing asshole.”] Galit at may halong inis na bulalas ng nasa kabilang linya. Bahagya ko pa ngang inilayo ang telepono sa tainga ko dahil sa paraan ng pagsasalita nito.

“Marie I’ll be fine and stop uttering inappropriate words. Okay?”

[“Pero—“] Pinutol ko na ang tawag at hinarap na si Jake.

“Si Marie... I think I have to go home.” Paalam ko at akmang tatayo na ng hilahin niya akong muli pahiga. Sinubukan kong tumayo pero pumaibabaw na siya sa akin. Sa ideya pa lag na iyon ay kinakabahan na ako. This isn’t a good position. Nagpipilit akong tumayo para ayusin ang sarili ko pero mas lalo lang nitong iniipit ang katawan ko.

Iniharang ko ang dalawang kamay ko sa dibdib niya. Hindi naman dapat akong matakot pero umiiwas lang ako sa pwedeng mangyari.

“J—jake ... anu ka ba?” At bago pa ako makapagsalita ng kug anu-ano ay mabilis nitong inangkin ang labi ko. Nakaalalay ang isang kamay niya sa bigat niya habang ang isa naman ay mahigpit na nakayakap sa beywang ko.

He’s now kissing me deeper yet in a gentle way. Nagsisimula na siyang gumalaw at wala narin naman akong nagawa kundi ang magpaubaya. Kusang gumalaw ang mga labi ko at nakipagsabayan sa pagiging agresibo ng huli. May sariling buhay na umangkla ang isang kamay ko sa batok niya habang ang isa ay iniyakap ko sa beywang rin nito. Giving him more access to deepen’ the kiss.

“Where’s Jake?” Sigaw ng isang ginang na nagmumula sa labas ng kwarto. Bahagya kong naitulak si Jake nang marinig ko ang medyo masungit na boses ng isang babae na sa tingin ko ay boses ng mama nito. Agad akong naupo at inayos ko ang aking sarili. Si Jake naman ay pakamot-kamot sa ulong tumayo at tinungo ang pinto.

“Tell him that I need to talk to him.” Iyon lang at tuluyan ng nawala ang tinig nito.

Nakahinga ako ng maluwag. “Is she your mom?” I murmured.

“Yeah. I’ll introduce you to her.” Pagkasabi niya noon ay siyang mabilis kong pagsalungat.

“Ang pangit ata ng pagkakataon ano na lang ang sasabihin niya kung makikita niya ako sa taas imbes na sa baba?” Buong pagpapaliwanag ko dahil talagang sasabog na ako sa sobrang kaba.

“I think this is not the best time to meet your mom.” I pleaded.

“I think it is.” Iyon lang at lumapit na ito sa pwesto ko at inalalayan akon tumayo at hanggang sa makababa kami ng hagdan. Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang mama nito at halata rito ang pagkastrict. Hindi nito kami napapansin pa dahil busy ito sa pagbabasa ng dyaryo. Iniyuko ko ang ulo ko para itago ang mukha ko. Mahigpit na hinawakan ni Jake ang kamay ko pero hindi nito nabawasan ang kabang nararamdaman ko.

Nang makalapit na kami ay huminto ito sa paglipat ng pahina ng binabasang dyaryo. Nag-angat ito ng tingin at ako ang unang-una niyang napansin. Marahil ay bago sa paningin niya. Bahagya pa nitong inayos ang salamin na mas nakapagpadagdag pa sa kasungitan nito.

“And you are?” Ang boses nito ay parang isang martilyo na nagbaon sa akin sa kinatatayuan ko. Bahagya pa nitong nilingon ang pinanggalingan namin.

Bakit hindi man lang ako depensahan ni Jake. Sa aming dalawa siya dapat ang nagpapaliwanag hindi ako.

“Yoona Kim po madam.” Magalang kong  tugon nag-angat ako ng tingin at pagkaraan ay yumuko ulit.

“Asawa ko po.” Walang kaatol-gatol na pagpapakilala ni Jake. Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin.

“What the!” Napahilot ito sa sentido niya at muling umupo. “Sabi ko na nga ba’t iba na naman Jake.” Iyon na lamang ang sinabi nito at muling binalingan ang pagbabasa.

“Ihahatid ko na siya mama.” Paalam ni Jake.

Tumango lang ang ginang at saka na ako iginiya ni Jake na umalis na. Yumuko na lang ako bilang paggalang at paghingi ng permiso na mauuna na kami.

Nang makasakay na kaming pareho sa sasakyan ay biglang nagsalita ito. “Wag mong intindihin ang sinasabi niya.” Iyon lang at nagsimula na kaming umandar. Hindi narin ako nag-abala pang magsalita or magcomment man lang.

Nanliit ako sa huling sinabi ng mama nito. May ibig sabihin ba iyon? Anong iba na naman ako. Marami ba siyang dinadalang babae sa kanila. Hobby ba niyang magpakilala ng babae sa magulang niya?

Pumikit ako at isinandal ang ulo ko sa  bintana ng sasakyan. Susubukan kong alisin ang isiping iyon sa utak ko. I shouldn’t entertaining bad vibes. Nabigla or nagulat lang siguro ang mama niya sa biglaan kong paglitaw sa harap nito.

 **************************************

Continue Reading

You'll Also Like

63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...