Meeting with a stranger

By meikajam05

593 27 16

It is about a girl named Yoona Kim who meets this stranger named Jake Flores. And this once a stranger sudden... More

Prologue
Chapter 1: Dreaming dream
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5: Fight your fear
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13: The sudden change
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18: Goodbye
Epilogue
Author's note: Fact

Chapter 11

21 1 0
By meikajam05

“Since you came into my life, my heart does not beat anymore it sings.”

Kanina pa ako parang timang na paulit-ulit na binabasa ang isang text message na galing sa isang unregistered number. Pero kahit hindi ko kilala ito nagkaroon ako ng ideya sa paraan ng pagte-text niya...

[Hey, you feel the same way too, hindi ba? C’mon together let’s figure it out. Let’s have a date my heart.]

Well that’s how he composed it. Geez, my heart daw? Is that an endearment? Figure it out together? Ano ba tong puso ko ayaw tumigil sa pagpintig nang mabilis at sunud-sunod. Parang ang tanda ko na para kiligin ng ganito.

Wait nga lang. Kanina pa ko naghihintay sa kanya ah, talagang ako pa ang pinaghintay niya? Magdedate daw kami pero guess what? Nasaan niya ako pinapunta? Sa mall, ang luma naman. Wala namang nakakakilig sa lugar na ito. Sana man lang sa amusement park na lang dahil gusto ko namang mamasyal doon. Bata pa ako nung huli akong makapunta doon.

Inilibot ko na lang ang mga mata ko sa mga taong nagdadaan sa harapan ko. May mga ilang couples at family, merun din namang magbabarkada. Pero anung gagawin ko? Almost thirty minutes na akong nakaupo.

“Ang tagal mo naman. Tuloy pa ba tong date na ito?” I blurted out.

“Pwede ng sabitan ng hanger ang nguso mo dahil sa sobrang haba.”

And speaking of the devil. Ang dami niyang dala, mukhang galing siyang supermarket. At date daw? Hindi naman pangdate ang suot niya. Naka plain white shirt lang siya at maong pants and with a pair of slippers? Yung totoo? Date ba talaga to?

“Luh, hanger? Pinaghintay mo ko for pete’s sake tapos ganyan lang ang ayos mo? Seriously, are you going on a date? Sa mall pa.” Maktol ko na animo girlfriend e hindi naman.

“You’re cute. Okay lang ba na iwan muna natin to sa sasakyan tapos daan tayo sa boutique mamimili tayo ng damit mo.”

“What do you mean? Anung damit? Saan tayo pupunta? Atsaka ang layo ng car park naman paglalakarin mo ko papunta dun? Yeah, alam kong matagal na akong cute. Pero saan tayo pupunta? Why do I need clothes?” Sunud-sunod at walang prenong tanong ko.

“Don’t be so stubborn, hindi ka na bata.” Seryoso nitong sagot.

Me?  Stubborn? Wow lang ha. How can he tell me those? Hindi kita kakausapin, manigas ka diyan. I told to myself. Kaya ayun, nung mapansin niyang wala akong balak na sumunod sa kanya tiningnan lang niya ako ng medyo annoyed na at hinwakan ako sa wrist ko at iginiya papuntang car park. Nagpadala na lang ako, naiinis ako sa kanya. I never expect him to be that rude.

“Bakit ang tahimik mo?” maya maya pa’y tanong nito. Nasa kalagitnaan na kami ng byahe papunta sa batanes. Yun ang nabanggit niya sa pagkukwento niya. Nakikinig lang ako pero I never utter any single word. Masama ang loob ko sa kanya, hindi ko naman mapigilan na hindi

samaan ng loob. Nakakainis naman kasi talaga. Sinabay-sabay niya, simula sa pinaghintay niya ako tapos pinaglakad palabas at pabalik ng mall at pagkatapos pupunta kami sa Batanes ng bigla-bigla. Ang labo naman ng kurimaw na ito, urgh lahat na ata matatawag ko sa kanya. Tapos tatanungin niya ko why am I so quiet daw? The nerve.

“Sorry for being rude kanina.” Bigla niyang tugon ng hindi ako sumsagot pabalik.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at pagkaraan ay ibinaling ko ang mata ko sa bintana ng kotse. Pero boom, did he say the magic word? Pero nakakasama kasi ng loob.

“Yoona...” as he mumbled my name itinabi niya sa left side ang sasakyan niya dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakayuko na ito ngayon.

Bigla na lamang akong nakaramdam ng awa dito. I don’t want to see him in that state sobrang jolly niyang lalaki para maging malungkot siya.

“Bakit ba hindi kita matiis? Sige na cheer up. Bati na tayo.” I smiled. Pakiramdam ko mas gusto ko yung ganitong feeling hindi mabigat. Masama palang sumama ang loob ko sayo. Ako rin ang nahihirapan e.

Hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang iniangat ang baba niya. Para rin naman kasing bata tong lalaking to. Tinitigan ko siya ng mata sa mata at bahagyang ngumiti.

“Kiddo. Drive on, baka mahuli pa tayo sa pupuntahan natin. Kung hindi mo na kayang magdrive magpahinga ka muna or wake me up para ako naman ang magdrive. Kasi I feel sleepy.” Naghikab ako bilang pagpapakita na inaantok nga ako. “Tulog muna ako ha.” Hindi ko na siya hinintay na sumagot at isinandal ko na ang ulo ko sa sandalan ng upuan.

“Thank you and I think I’m fallin’ in love with you.” Ini-start na niya ang engine at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

Sinadya niya bang iparinig sa akin ang huling sinabi niya? Pinipigilan kong magreact pero bakit ang puso ko hindi mapigilan sa pagpintig ng malakas at mabilis? Bakit ganyan na lang ang reaksyon nito sa tuwing magbibitaw ka ng mga ganyang klaseng kataga? Bakit hindi ko mapigilang lumambot ang puso ko kapag nakikita kong malungkot ka ng dahil sa akin?

Am I fallin’ in love with you too, Jake?

**

Isang sunud-sunod na haplos sa pisngi ko ang nagpamulat sa aking mga mata. Dahan-dahan kong sinipat kung kaninong kamay ang gumagawa nito. Although meron naman na akong ideya, sinu pa nga ba ang gagawa nito? Iisang pamilyar na amoy at maiinit at malalambot na palad.

“You’re awake.”

Isang simple ngunit totoong ngiti ang iginanti ko sa kanya. Sa tingin ko, mahal ko na nga siya. Mahal ko na siya. “As you can see...” biro ko.

Pinisil-pisil naman niya ang mukha ko, yung tipong pikon na hindi naman talaga. Nilalambing niya ako, at sa tingin ko hindi narin naman siya naiilang na mas ipakita pa na gusto niya ako. Nakakatuwang isipin na nangunguna ako sa nararamdaman niya sa akin.

“Basta ako sigurado na ako...” I mumbled softly.

“Ha?” nagtatakang tanong nito.

“A, w-wala naman, gutom ka na ba? Kung anu-ano na kasi ang naririnig mo e. He he he” pag-iiba ko, umayos na ako ng upo at akmang tatayo na ng pigilan niya ako sa kamay.

Napatingin ako sa kanya, direkta sa mga mata niya.  Kahit kailan naman hindi ako attracted sa mga singkit na mata. Ngayon na lang. Yung paraan ng pagtitig niya ay punong-puno ng affection, punung-puno ng pagmamahal. Yung tipong namamagnet ang mga mata mo sa kanya.

Nasa loob pa rin naman kami ng kotse niya at wala atang balak bumaba ang lalaking ito sa sasakyan niya. Sa nakikita ko sa bintana ay pasikat na ang haring araw, sa isang malawak at berdeng-berdeng damuhan. Mukhang sa isang paraiso niya ako dinala ah, and I think this date will be memorable for us. Ngayon pa lang nae-excite na ako sa mga pwede naming magawa sa ganito kagandang lugar.

Ibinaling niyang muli ang mukha ko sa kanya. “We all have the time after this Yoona, so please listen to me very carefully.” He said.

Bigla niya na lang hinapit ang beywang ko papalapit sa kanya, sa katawan niya to be exact, ng hindi inaalis ang tingin sa akin. Sa ginagawa niya ngayon parang kinakapusan ako ng hininga. Ang init-init ng pakiramdam ko at ang lakas-lakas narin ng tibok ng puso ko.

“Jake...” yun na lamang ang nasabi ko. Sobrang lapit na ng mukha namin, yung tipong nalalanghap na namin ang hininga ng isa’t-isa. Kinakabahan ako pero gusto ko yung ganitong pakiramdam.

“Yoona hindi ko na kaya pang itago o pigilan man lang ang nararamdaman ko para sa’yo kaya sana please, hayaan mo akong ipakita at iparamdam ito.”

Jake, hindi mo lang alam kung gaano mo ako napapasaya sa sinasabi mong yan. Sobrang sasabog na ang puso ko sa mga binibitawan mong salita. Hindi mo lang alam kung gaano ko kagusto na maging akin ka. Inamin ko na at patuloy kong aaminin na mahal na kita kahit kurimaw ka pa, kahit parang ang gulo ng naging pagkikita natin. At parang masyadong naging mabilis para masabi ko na mahal na kita, pero para sa akin sapat na ang panahon na iyon para mahalin ka.

“Edi ipakita mo na lang.” Pagbibiro ko pero sa loob-loob ko nagdidiwang ang puso ko.

Napangiti naman ang binata. “Hahayaan mo ako? Talaga?” matawa-tawang sagot nito.

“Talagang-talaga.” Nakangiti kong tugon.

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at saka muling nagsalita. “Yoona Kim, I love you, I really do. Thanks for allowing me to love you.” After he says those words, he planted me with soft kisses filled with love ang longing. Sa noo, sa mata, sa ilong, sa magkabilang pisngi at ang pinakahuli sa labi.

Ang mga labi niya na dumampi sa mga labi ko ang nagbigay sa akin ng kakaibang kuryente na pumuno sa bawat sulok ng katawan at balat ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito at sinisiguro kong hinding-hindi ko na papakawalan ang lalaking nagdudulot sa akin ng ganito.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay mataman ko lang siyang tiningnan sa kanyang mga mata. Ganoon din naman ang ginawa niya. We’re staring at each others faces for about a minute.

I smiled, so he did.

“I love you...” .., “Saranghamnida...” Magkasabay naming tugon at sabay na nagbigayan ng isang simpleng ngiti sa isa’t-isa.

Wala namang bawal-bawal pagdating sa pag-ibig, hindi ba? Wala naman sa haba ng panahon na pinagsamahan para mahalin ang isang tao hindi ba? Hindi naman basehan ang itsura o kaya ang status ng buhay niyo? Hindi naman importante kung gaano mo siya kakilala? Basta ang alam ko ay magmahal ay karapatan ng kahit na sinuman. At ang mahalin naman pabalik ay isang napakagandang pangyayari na kahit kailanman ay hinding-hindi ko makakalimutan.

Kasalukuyan akong nakatayo sa may veranda ng tinutuluyan naming hotel dito sa batanes. Mula rito ay tanaw na tanaw ang buong isla at ang angking kagandahan nito. Hindi ko akalain na sa lahat ng lugar sa pilipinas ay dito niya ako dadalhin. Bukod pala sa Palawan at boracay ay isa rin ang batanes sa maipagmamalaki ng bansa.

Malawak na berdeng-berdeng damuhan, perpekto para pagpastulan. Ang asul na asul na tubig dagat, nagbibigay musika sa aking pandinig sa tuwing hahampas sa mga naglalakihang bato sa paligid nito.  Tahimik at hindi pa masyadong naaabot ng sibilisasyon ang lugar. Kung wala nga lang sigurong mangilan-ngilang hotel ay marahil sa mga native na bahay kami makikisilong.

This is place is perfect to create a wonderful memories with of course, a special someone.

“Like you.” I spill out, unconsciously.

“Ano yun Yoona? Talking to your self again?” birong tanong nito. Huli na para bawiin ko pa ang nasabi ko na. Nilingon ko siya para mag make face. Kunwari nababanas na ako sa kanya pero ang totoo natutuwa ako sa tuwing inaasar niya ako. Ako naman kasi itong pikon pero kung siya lang ang mambibwisit sa akin e ayos lang. Mahal ko e. Gusto ko lagi lang akong nasa tabi niya.

“Ang cute mong koreana ka. Kakaiba ka sa lahat alam mo ba ‘yun?” he said while looking at the scenery.

“Ang ganda ano, Jake?” I replied ignoring what he has said.

“Pero mas maganda ka parin.” He exclaimed.

“Puro ka naman biro e, yung tanawin ang tinutukoy ko. Napaka payapa tingnan.”

“Ikaw naman hindi ka naman mabiro.”  Pagkasabi niya noon ay walang paalam na kinuha niya ang dalawang kamay ko at ikinulong sa mga palad niya

Mataman ko lang siyang tinitigan. Bakit ba sa tuwing ginagawa niya ang mga simpleng aksyon na iyon, katulad na lang ngayon awtomatikong lumalakas ang kabog ng dibdib ko?

Masaya at sobrang magaan sa pakiramdam.

“Feeling better now?” he suddenly asks.

“Waeyo? Bakit mo ginawa yan? Bakit mo hinipan?” balik tanong ko, paano ba naman ay itinapat niya ito sa bibig niya at hinipan ang dalawang kamay ko ng paulit-ulit. Ang weird.

“Slow poke.” He replied na medyo may konting inis ang tono nito.

“Am I that slow? Hindi ko na gets e.” I mumbled.

Nasa pagitan ako ng pag-iisip ng biglang umihip ang isang malakas at malamig na hangin sa direksyon namin. As if on cue saka ko lang napagtanto ang point ng nilalang na ito.

“Sorry na Jake.” I said trying to be a little bit sweeter. Hinawakan ko pa siya sa braso nito at bahagyang niyugyog-yugyog iyon. Isinandal ko pa ang ulo ko sa balikat niya at saka ko ipinikit ang mga mata ko. Nalalanghap ko ang sariwang hangin kasama ng natural na amoy ng binata. Nakakaadik lang.

Naramdaman kong gumalaw ang binata sa tabi ko pero hindi ko parin idinidilat ang mata ko. Sinusulit ko ang bawat araw na kasama ko siya baka kasi isang araw magising ako na panaginip lang pala ang lahat.

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Kumukontra ito sa isiping iyon, hindi ko hahayaan na mawala ang lalaking dahilan ng pag-inog ng mundo ko.

“Yoona?” mahina at may lambing ang tono ng boses nito dahilan para mapadilat ako. Nasa harapan ko na siya at nakahawak siya sa balikat ko. Buong pagsuyo niya akong tinititigan at buong puso ko namang sinasagot ang bawat titig nito.

“Hmmmm?”

“Can we make this for real?” balik tanong nito habang masuyong hinihimas ang pisngi ko.

“You like me aren’t you?” dugtong niya ng hindi ko siya agad nasagot.

*Silence*

Hindi ko alam ang isasagot ko, kinakabahan ako idagdag pa ang mga tingin niyang hindi inaalis sa mga mata ko. Kung ilang lunok na ang ginawa ko? Hindi ko na mabilang. Napakaseryoso ng mukha niya. Pero ano nga ba ang isasagot ko? Gusto na nga ba kita? Ang alam ko lang masaya ako kapag kasama kita at name-miss kita kahit naman magkasama pa tayo. Basta ayokong mawala ka akin pakiramdam ko mahirap ng mabuhay ng wala ka.

“I like you Jake. I really do.” I mumbled with my most sincere voice. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ang loob oara masabi iyon ng diretso at walang putol. Pero the moment I said those words gumaan ang pakiramdam ko. Parang instant na nawala ang bigat sa kaliwang parte ng dibdib ko.

Kung mapupunit lang ang mukha sa sobrang pag-ngiti, malamang napunit na ang mukha nito. Hindi ko rin tuloy mapigilan ang mapangiti.

“Hmm, Jake ---- “ Pero bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay inunahan niya ito ng isang halik. Isang mabilis na dampi ng labi niya sa labi ko.

Sa ginawa niyang iyon nagmistulang tuod ako sa harapan niya. Nagulat ako dahil hindi ko naman expected na iyon ang kasagutan niya sa pag-amin ko ng nararamdaman ko sa kanya and at the same time to shut me up.

“Yoona Kim. I love you.” He mumbled lovingly and never let me utter a single word for he already pressed his lips unto mine.

His warmth, tender lips starts to move in a more passionate way. This time kakaibang sensasyon ang nararamdaman ko sa bawat paggalaw nito. Ang kaninang mga palad niya na nasa mukha ko ay unti-unting bumababa papunta sa likuran ko habang ang isa ay maingat na nakahapit sa beywang ko. Mas lalo itong humihigpit at maging ang hangin ay nawawalan narin ng puwang sa paraan ng pagkakadikit ng mga katawan namin. Nakakaramdam ako ng hindi pamilyar na init ng katawan.

Patuloy lamang ang labi niya sa paggalaw habang ako ay nagpapaubaya na lang. Maging ang mga kamay ko ay nasa magkabilang gilid na animo’y naubusan ng lakas at latang-lata. My eyes are all opened-wide.

Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng malamig na hangin. Bahagyang lumuwag ang pwesto sa pagitan namin, most especially sa chest part ko. Malalalim ang bawat paghingang ginagawa ko. I blinked my eyes twice, naramdaman ko na lang ang ulo ni Jake sa balikat ko. He’s breathing real hard.

Muli niyang iniangat ang ulo niya para magtama ang paningin namin.

“T—tugunin mo Yoona, please.” He whispered and claimed my lips, again.

He’s moving slowly while wrapping his arms around my waist and gently pushes his body towards mine. Muling bumalik ang sensasyon na bumalot sa katawan ko at ang kaninang lamig ay unti-unting nawawala. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko at kusang ipinatong ang dalawa kong kamay sa batok nito. Para akong nag-uutos na palalimin pa niya ang ginagawang paghalik.

Sa bawat paggalaw ng labi nito ay ang masuyo kong pagtugon. Animo sumasayaw kami sa saliw ng isang magandang musika na pawang kaming dalawa lamang ang nakakarinig.

Naghiwalay ang mga labi namin pero ang mga mukha namin ay hindi. Magkadikit ang noo namin habang sabay na naghahabol ng hininga.

“T—that was great. You’ve got the sweetest lips my heart.” He commented still panting.

Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. So I did is to hug him just to cover the redness of my face. Pero bago pa man tumagal ang pagkakayakap ko sa kanya ay muli niyang hinawakan ang balikat ko para paharapin ako. Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi niya. Hindi siya sa mga mata ko nakatingin – sa labi ko.

“Enough for this day mister.” I said almost laughing. Bahagya akong pumihit patagilid, mahirap na baka ma-tempt na naman siya sa precious lips ko. I smiled at my thought.

“Yoona.” Agaw atensyon niya sa akin at nang harapin ko siya ay mabilis niyang dinampian ng halik ang labi ko at mabilis ring tumakbo.

“Hey...” Matawa-tawang sigaw ko at hinabol ko siya hanggang sa loob.

**

“Good Morning.” Masiglang bati ng isang pamilyar na tinig.

“Annyeong...” I answered while my eyes are still close.

Minutes later...,

Bigla akong napabalikwas nang bangon at ipinilit kong siniksik ang katawan ko sa headrest ng kama habang yakap-yakap ko ang isang unan.

“W—what are... what are you doing here?” sigaw ko sa lalaking nasa ibabaw na ng kama ko.

“Binabati ng isang magandang umaga ang HEART KO.” He replied emphasizing the last two words.

“Aniyo! Aaaaaniyooooo! Out! Now.” Maawtoridad kong sigaw pero ang huli tatawa-tawa lang.

Aigoo. Hindi ako sanay na may bubungad sa aking lalaki sa pag gising ko. Idagdag pa na isang pares na pantulog lamang ang suot ko and the fact that I am not wearing brassiere. Baka isipin naman ng isang ito na inaakit ko siya. Gosh! Wala sa bokabularyo ko iyon. Saka na. Urgh! Iling-iling kong inaalis sa isipan ko ang mga pumapasok dito.

“Why are you laughing like that? Labas muna dali, hindi pa ako – uhmmm...”  How can I tell this young man that I am not wearing brassiere without him over thinking things?

“You’re not what?” Pagbibiro niyang tanong. Ako naman itong natataranta.

“Uhhmm—hindi pa ako nagtu-toothbrush. Tama! So you better get out or else you wanna die?” Wala sa sariling sagot ko at nagawa ko pang magbiro.

“Is that so?” He seems to be thinking at maya-maya pa’y... “Just this once.” He immediately took the pillow then threw it somewhere and gave me a quick and tight embrace. After that, he stormed out of the room.

“I love you Yoona Kim!” He shouted outside.

“I love you too Jake.” I mumbled in silence.

I’m not that vocal with my feelings towards someone but I’m making sure to show it in my own way.

“Anla, wala akong bra? Naramdaman niya kaya? Ofcourse he will.” Napatakip na lang ako sa sarili kong bibig dahil sa lakas ng pagkakasabi ko noon.

**

Plano ni Jake ang agarang pagpunta namin dito sa batanes para makapag-relax naman kami sa mga office works and meetings. Yun nga naman ang ginawa namin for the past two days nang pamamalagi namin. Naglakad-lakad sa tabing dagat, sinubukan pa nga namin ang mag-siesta sa damuhan sa lilim ng punong mangga e. Infairness, relaxing nga at nakakapawi ng pagod. We also did the biking, at maging ang pagpapalipad ng saranggola na ni sa hinagap ay hindi ko akalaing magagawa ko.

Marahil simple lang ang mga iyon at karaniwan na lang sa karamihan. Pero para sa akin kahit na ano pa man iyon ay mahalaga na sa akin basta kasama ko lang ang lalaking pinaka mamahal ko.

 At ngayon ito na ang huling gabi namin sa Batanes at masasabi kong isa ito sa mga ite-treasure ko sa buhay ko. Syempre hindi mawawala ang picture taking. Lahat ng parte dito na pinuntahan naming magkasama ay kinuhanan ko ng larawan.

“What’s with the sad face?” Nilingon ko ang nagsalita. Nasa open space kami ni Jake para maghanap ng bulalakaw. Naglatag lang siya ng picnic blanket na tama lang ang laki para sa aming dalawa. Nakahiga kami roon habang ang braso niya ang nagsisilbing unan ko at ang isa niyang kamay ay malayang hinahaplos ang palad ko. Katabi namin ang isang puting windmill na malayang nagpapadala sa hampas ng hangin.

“Last night na natin e.” Nakanguso kong tugon.

“Halika nga dito.”Pagkasabi niya noon ay mas inilapit pa niya ang katawan ko sa sarili niya. Tumagilid ako paharap sa kanya mula doon ay malaya kong nasipat ang maamo niyang mukha.

I smiled. “Thank you for coming into my life Jake.” I said and leaned more closely to him. Sa dibdib naman na iya ako umunan at saka ko siya mahigpit na niyakap. Ganoon din anamn siya.

“No, thank you for coming into my life.”  He mumbled.

“Aniyo. I should be the one thanking you.” I complained.

Umiling naman ito. “No. I should.” Jake disagreed.

“You naughty young man.” I said as Ipinched his nose.

He smiled. “Heart ko?”

“Yes?”

“Nothing...” He replied.

“Silly. Anyway Jake, why heart ko?” I asked with a smile on my lips.

“Syempre puso kita ibig sabihin hindi ako mabubuhay ng wala ka.” Sagot niya.

“Talaga? Promise you wouldn’t leave me no matter what?” I’m afraid. Natatakot ako na baka isang araw mawala na lang siya sa buhay ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko when that time comes. Naramdaman ko na lang ang pag-init ng mata ko at ang pangingilid ng luha roon.

“Hey why are you crying?” Nag-aalalang tanong nito. “C’mon, put your hand over my chest.” Nagtataka ko lang siyang tiningnan he then held my hand and put it over his chest. Obviously, I can feel his heart beat.

“How is it? What do you feel?”

“Heart beat of yours?” nagdadalawang isip kong tugon.

“That’s answers your recent question. My heart said yes and so do I. Yoona Kim, I love you. Iyon ang panghawakan mo.”

Napangiti ako sa narinig ko mula sa kanya. Alam kong mapapanatag na ako at pagtitiwalaan ko ay siya’t siya lang.

“Ayun ang bulalakaw!” He said while pointing at the sky.

Nilingon ko ang tinuran niya. Tama siya at may bulalakaw. Mariin akong pumikit at tahimik na ibinulong ang hiling ko.

“Anung hiniling mo?” tanong niya.

“Bawal sabihin kasi if I tell you hindi na magkakatotoo.” I replied while moving my head sideways.

“Is that so?” Saka siya tumahimik. Maybe he’s getting my point but some part of me is telling something is wrong. I just shrugged my shoulders and close my eyes. I want to take a nap.

**

I felt the cold breeze on my bare skin that made me shiver. With my eyes close, kinapa ko ang paligid para maghanap ng kumot at ng may makuha ako napahinto ako. Nananaginip ba ako? Bigla akong napabalikwas ng bangon.

“Where am I?”

Inikot ko ang mata ko sa paligid. Wala na nga ako sa labas at nandito na ako sa kwarto. Hinagilap ng mga mata ko ang isang pigura ng lalaki at ng hindi ko makita ay agad-agad akong tumayo. Hindi ko alintana ang lamig o kung anung oras na at ang dilim ng paligid. Hindi ko rin tiningnan ang reflection ng mukha ko sa salamin. Mabilis akong lumabas ng kwarto at patakbong tinungo at elevator.

“Nasaan ka?” I mumbled.

Nang magbukas ang pinto ng elevator ay agad kong tinungo ang reception area. And to my dismay, walang tao. Wala sa sariling napatingin ako sa may wall clock malapit sa table ng receptionist.

Alas-dos palang pala ng madaling araw.

“Ma’am?” magalang na tawag ng isang boses ng lalaki. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.

“Hmm ah k—kasi.” Bigla naman akong naconscious sa itsura ko at walang sabi-sabing sinuklay ang buhok gamit ang sarili kong kamay.

“May hinahanap po kayo? Maaga pa po masyado ma’am baka po magkasipon kayo sa lamig.” Turan nito at iginiya ako papaupo sa upuang kahoy na nasa bandang harapan ng tinayuan ko kanina.

As I sat on the bench ay doon ko lang muling naramdaman ang malamig na hangin. Open kasi ang paligid. Napansin ko rin na nakaputing suot ang nasa middle-aged na lalaki. Uniform marahil ng security guard ng hotel.

“Ma’am mawalang galang na po pero sinu po ang hinahanap niyo?” Nilingon ko ang nagsalita. Bakit parang masyado naman nga akong napraning sa ikinilos ko? Malay ko ba naman kung nagbanyo lang siya.

“Yung anu kasi—“Hindi ko masabi ng buo.

“Yung kasintahan mo ba ija?”Napangiti ang ginoo.

Pilit rin akong ngumiti at bahagyang tumango bilang sagot. “Opo, bigla kasing nawala sa tabi ko e. Hindi ko man lang naisip na magkaiba kami ng kwarto at syempre marahil sa kwarto ko niya ako dadalhin at  siya naman ay sa kanya.” Pagpapaliwanag ko. Hindi nga ako nag-iisip sa mga kilos ko. “Siguro ho, nung makatulog ako kanina sa may wind mill ay binuhat niya na lang ako papunta sa kwarto ko kaya naman paggising ko nataranta ako.” Dagdag ko pa. Magaan kausap ang ginoo kaya naman napadaldal ako. Namimiss ko narin kasi ang papa.

“Tatay Bert na lang hija. Ang mga kabataan na ngayon oo. Osya hija samahan na kita sa kwarto mo at baka magkasipun ka pa niyan.” Ganoon nga ang nangyari, hinatid niya ako hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Nagpasalamat ako sa kabutihan niya at simple rin siyang sumagot ng walang anuman.

Humigop muna ako ng maiinit na tsokolate at saka muling bumalik na sa higaan. Humarap ako sa bandang kaliwa kung nasaan ang beside table. Sinipat ko ang oras sa nakapatong na alarm clock doon and it’s already quarter to three na.

Kung tutuusin ay pwede ko namang katukin na lang si Jake sa kabilang kwarto pero hindi ko na ginawa dahil makakaabala lang ako at tulog niya and besides makikita naman kami mamaya.

Napapangiti na lang ako sa inasal ko kanina. Mukha akong sira. Nakakahiya kay tatay Bert, daig ko pa ang asawa sa ikinilos ko.

**

Isang malakas na tunog na nagmumula sa alarm clock ang siyang nagpagising sa diwa ko. Dali-dali akong tumayo at tinungo ang kinaroroonan at saka ito pinatay.

Una kong hinanap ang phone ko agad kong tinap ang speed dial at inilagay ito sa tenga ko.

“Hello. Papa good morning, did I disturb you?”  Masigla at malambing kong bungad sa kabilang linya.

“No, no, baby. How’s your vacation going? Are you going home today?”

“Yes papa. I miss you papa. When will I see you? Lately, napapadalas ang pagpunta mo ng korea.” May halong pagtatampong sambit ko.

Bahagya namang napahalakhak si papa. “I missed you too, baby. You know, paper works.”

I pouted. “Morugessoyo.” [I don’t understand]

“Ne, Kim Yoona.” Bumuntong hininga ito. At kapag ganyan na ang tono ng boses niya ay kailangan kong intindihin ang kahit pa ang pinaka mahirap intindihing bagay. Minsan nga napapaisip ako na paano kaya kung hindi nagmamay-ari ang papa ng isang kumpanya na simple lang ang pamumuhay namin. Siguro parati kaming magkasama. Pero ganun pa man I should be thankful dahil maraming tao ang naghahangad na nasa posisyon ko.

I leave out a heavy sigh and eventually smiled. “Ne,Algessoyo. Mianhamnida papa.” [Yes, I understand. I’m sorry] I softly muttered.

“That’s okay. Take care baby see you when I got home. Bye.” Papa said.

“I will. Take care papa, saranghae.” Then I ended up the call.

After nang pag-uusap namin ni papa ay nagsimula na akong mag-impake ng mga gamit ko. Nag-ayos narin ako ng sarili para maaga-aga kaming makabalik ng Manila. Sa gitna nang pag-aayos ng sarili ay isang sunud-sunod at mahinang katok ang maririnig sa loob ng kwarto. Tumayo ako at pinagbuksan iyon.

Wala pang kalahati ang pagkakabukas ng pinto nang mabilis akong yakapin ng isang pamilyar na lalaki. Ginantihan ko rin ito ng isang mahigpit na yakap. Sinamyo ko pa ang natural na lalaking amoy nito. Siya na nga yata ang isa sa pinaka mabangong lalaki sa buong mundo. Mas mabango pa kay Cy.

Ako ang unang nagbawi na yakap pero ang mga katawan namin ay magkadikit parin. Nginitian ko siya at saka masuyong hinawakan ang pisngi niya. Napaka gwapo nga naman sa paningin ko ang lalaking ito.

“Did you sleep well?” He asks.

Tumango-tango lang ako at saka mabilis na binigyan ng halik sa labi ang lalaki sa harap ko.

“Yes. I tell you something kapag nasa byahe na tayo.”  Nasasanay na ko bilang girlfriend niya dahil hindi na ako masyadong naiilang kapag nagdidikit kami or kung bibigyan niya ako ng isang masuyong halik.

Ngumiti naman ito at buong puso akong hinalikan. Mas malalim na klase ng halik.

***********************************************

 

Continue Reading

You'll Also Like

340K 18.1K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
97.6K 4.1K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1M 34.8K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.