Mister Superstar ll Choi Yeon...

Angelkim_10

44K 1.2K 198

Is it possible that a Superstar like him will fall for a girl like her? Choi Yeonjun × Yumi Chua TXT Series... Еще

Prologue
MS-1
MS-2
MS-3
MS-4
MS-5
MS-6
MS-7
MS-8
MS-9
MS-10
MS-11
MS-12
MS-13
MS-14
MS-15
MS-16
MS-17
MS-18
MS-19
MS-20
MS-21
MS-22
MS-23
MS-24
MS-25
MS-26
MS-27
MS-28
MS-29
MS-30
MS-31
MS-32
MS-33
MS-34
MS-35
MS-36
MS-38
MS-39
MS-40
MS- EPILOGUE
Can I Ask?
Special Chapter

MS-37

730 24 2
Angelkim_10

YUMI CHUA

“Hello?” Sagot ko.

“Hi, where are you?” Tanong niya kaagad. Nahihimig ko sa boses niya ang kasiyahan at pagka-excite.

“A-Ahm, n-nasa trabaho ko.”

“Trabaho mo? May trabaho ka na?” Tanong niya na parang gulat na gulat.

“Bakit parang gulat na gulat ka? Hindi ka ba makapaniwala na meron na akong trabaho?” Medyo inis kong sambit.

“It's not like that. I didn't expect na ganon ka kabilis nakahanap ng trabaho e, parang noong nakaraang araw lang ay tinatanggihan mo pa ako.” Narinig ko ang marahan niyang pagtawa sa kabilang linya. “I'm happy for you, my queen.”

Napangiti naman ako dahil doon. Kahit hindi naman dapat kakiligan yung sinabi niya, kinikilig pa din ako. Ang lakas kasi ng epekto ng mga salita niya sa akin kaya yung puso ko, kumikerengkeng agad sa kalandian— este, kakiligan.

“Salamat.”

Gusto ko sanang tanungin siya kung naka-uwi na ba siya galing La Union kasi nandito naman na si Yllana, pero malay ko ba kung nauna pala tong lintang to na umuwi. Hindi ko nalang siya tinanong at pinabayaan nalang yon.

Nandito nga pala ako ngayon sa loob ng isang cubicle dito sa cr. Lumayas muna ako sa harap nina Xever at Yllana, nakakahiya naman kung makikita nila akong kiligin sa mga sinasabi ni Yeonjun. Isa pa, naiirita ako sa boses ng Yllana na yun, napaka-arte at ang tining pa. At kung manamit akala mo naman naghihirap sa tela, jusme. Kung mag-donate kaya ako ng bistida para sa kaniyang punyeta siya.

Grr! Hindi ko alam kung bakit iritang-irita ako sa kaniya e, hindi ko pa naman siya kilala. Basta, nakikinig ako sa instinct ko e, unang kita ko palang sa kaniya sa tv hindi na agad maganda ang first impression ko sa kaniya. Ganun ako e, kapag unang kita ko palang may idea na agad ako kung anong klaseng tao siya.

“Anong trabaho mo? Are you an office worker in some company?” Tanong niya sa akin.

Tumango naman ako kahit hindi niya naman nakikita. “Hindi lang office worker, secretary ako ng CEO ng kumpanyang pinapasukan ko.” Pag-mamayabang ko pa sa kaniya.

“Really? That fast?”

“Siyempre, hinire nila agad ako dahil perfect daw ako bilang secretary. Sino ba naman ang aayaw sa akin na maganda, sexy, masipag, mabait, at matiyaga! Halos perfect na ako para tanggihan pa nila no!” Pagmamalaki ko kahit hindi naman talaga ganon ang nangyari.

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. “You're so full of yourself, babe.”

“Bakit? Totoo naman ah?!”

“Yeah, yeah.” Sabi niya nalang na ikina-nguso ko. “What time is your out?” Tanong niya bigla.

“Siguro mga 7:00 pm pa, bakit?”

“Nothing. I'm just want to call you when you got home.”

“Hindi ka pa pagod non?” May bahid ng pag-aalala ang tinig ko. Alam ko kasi na pagod na pagod na siya dahil sa shooting sa mga oras na yun, ilang beses niya na ngang ini-reklamo sa akin yon. Masiyado daw kasing intense yung mga scene na ginagawa niya kaya nakaka-ubos daw talaga ng lakas.

“Kaya nga tatawagan kita e. Gusto kong maka-usap ka kapag pagod ako para bumalik ang lakas ko. Because, you are like an energy drink to me, you're boosting my energy.” Banat niya na ikina-ngiwi ko.

“Yang mga banat mo talaga e no? Saan mo ba natututunan yang mga yan ha?”

“I searched it through google.” Sagot naman niya. Maya-maya ay narinig ko ang pagbuntong hininga niya. “I really really want to see your smile right now.”

“Bakit naman? Hindi ka ba makapag-hintay ng limang araw pa?”

“I can't, I want to see your smile now, I need your smile to enlighten me.” Aniya.

Umirap muna ako sa ere bago patayin ang tawag saka binuksan ang app ko na camera sa phone, nag-selfie ako doon habang nakangiti tsaka sinend sa kaniya. Nang ma-seen niya yon wala pang kalahating minuto ay nag-reply agad siya sa akin.

Fuck! Why are you always giving me a reason to fall for you everyday?

Yon ang una niyang sinend at ilang segundo lang ang binilang ko nang masundan ulit yon.

I really love your smile, wanna know why? Because your smile is making me the happiest person alive. I love you, my queen.

Yun ang huli niyang sinend sa akin na ikinangiti ko. Gusto ko sana siyang replayan kaso nag-text na sa akin si kumpareng TNT at sinabihan wala na akong load kaya malungkot kong itinagong muli sa bulsa ko ang phone ko.

Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng rest room. Dumiretso ako doon sa office ni Xever, siguradong hinahanap na ako non, masiyado pala naging matagal ang pag-lalandian namin ni Yeonjun doon sa cr.

Nakaalis na kaya yung linta?

Yun ang tanong ko sa sarili ko nang mapunta na ako sa harap ng opisina ng boss ko. Nakakahiya naman kasi kung pumasok ako sa loob tapos nandoon yung babaeng yun, hindi kami close no tsaka wala din akong balak na kausapin siya. For sure siya din naman sa akin kaya pinili ko nalang na mag-stay sa labas ng opisina.

Tumambay muna ako doon ng mga isa't-kalahating oras hanggang sa nakatulog nalang ako sa paghihintay. Nagising nalang ako dahil sa isang tapik, pagdilat ko ng mga mata ko at sumalubong sa akin ang pagmumukha ni Xever.

Ngumiti siya ng marahan sa akin. “Good evening. How's your sleep here? Is it good?”

Nang sabihin niya yon, naramdaman ko bigla ang pananakit ng likod ko saka ng leeg ko. Napahilot nalang ako doon at napangiwi nalang ako nang marinig ang pag-tunog ng buto ko doon. Ilang oras ba akong naka-tulog dito?

“Anong oras na?” Tanong ko sa kaniya saka dahan-dahang tumayo.

Tumingin siya sa wrist watch niya sandali bago ako sagutin. “6:25 nang gabi at pwede ka ng umuwi, doon mo nalang ituloy ang tulog mo.”

Nanlaki ang mga mata ko dahil doon. “6:25 nang gabi?! Bale 4 na oras akong natulog dito? OMG, sorry, Xever, hindi ko nagampanan ang pagiging secretary ko sayo. Hinihintay ko lang naman kasi talaga na lumabas yung linta— I mean si Ms. Yllana diyan sa office mo tapos nakatulog ako. Sorry talaga.” Paghingi ko ng paumanhin sa kaniya.

Hinanda ko na ang sarili ko para sa mga masamang sasabihin niya sa akin pero hindi nangyari yon. Ginulo niya lang ang buhok ko na parang bata, madali niya yong nagawa dahil mas matangkad siya sa akin, hanggang ilong niya nga lang yata ako.

“It's okay, wala din naman akong masiyadong ginawa ngayon. Nakipag-usap lang ako kay ate tapos pumirma ng ilang papeles.” Sabi niya saka nagpamulsa.

“Pero sorry pa din, gusto mo bang linisin ko nalang yung opisina mo?”

Umiling siya. “No need, the janitors already took care of it. Umuwi ka na, baka hinahanap kana sa inyo.” Sabi niya sa akin.

“Sure ka? Paano ka? Sinong kasabay mong umuwi?”

“Kapag sinabi ko bang wala sasamahan mo ako?” Tanong niya na agad ko namang inilangan. “Yun naman pala e, sige na, you should go home o baka gusto mong ihatid pa kita?”

“Hindi na, kaya ko naman.” Tanggi ko na may kasama pang pagkumpas ng kamay.

“Here,” May iniabot siya sa akin, bag ko pala. Kinuha ko naman agad yon saka nag-pasalamat sa kaniya.

“Thanks, so, una na ako?”

“Sabay na tayo bumaba.” Sabi niya saka nauna nang maglakad. Sumunod naman agad ako sa kaniya.

Habang nasa loob kami ng elevator, agad kong tinanong sa kaniya kung anong meron sa kanilang dalawa ni Yllana.

“Believe it or not, she's my sister. Anak siya ni Mommy sa una niyang asawa bago si Daddy kaya Martinez ang apelyido niya at hindi Murukami. Mas matanda siya sa akin ng limang taon at mahal na mahal niya ako na parang kapatid niya.”

Napatango-tango naman ako dahil sa sinabi niya. Kahit papaano naman pala merong mabuting puso yong si Yllana kahit pagdating lang sa kapatid niya, akala ko kasi ang laman lang ng isip niya ay ang landiin si Yeonjun.

“Pero ni-minsan ba hindi ka naiirita sa kaniya? Ano bang ugali niya bilang ate sayo? Ako kasi... uy ah, walang samaan ng loob kapag sinabi ko to sayo.”

“Go ahead, tell me.” Sabi niya sa akin.

“K-Kasi, ang tingin ko sa ate mo ay isang linta, para kasi sa akin ang landi ng ate mo. Oy, Xever, kapag nalaman kong sinabi mo tong pinagsasasabi ko sayo sa ate mo uupakan talaga kita. Hindi ako nagbibiro, marunong akong mag-taekwondo!” Pananakot ko sa kaniya pero wala man kang siyang naging reaksyon.

“Yes, I admit. My ate was such a flirt, malandi talaga si ate Yllana. May moto kasi siya sa buhay na What she wants, she always gets, by hook or by croock.” Sabi niya sa akin habang nakangiwi ang labi.

“Tanginang moto yan.” Naibulong ko nalang. “Ay, sorry sa mura. Hehe.” Nag-peace sign ako sa kaniya. Ngumiti lang siya ng matamis sa akin saka kinurot ang kanang pisngi ko.

“You're cute—”

“Naku, hindi naman masiyado.” Putol ko sa dapat na sasabihin niya.

“Hindi pa ako tapos. What I mean is, you're cute at tangina mo din. Hahahaha!” Humalakhak siya kasabay ng pagbukas ng elevator kya tumakbo agad siya paalis bago ko pa siya masapok.

“Ang sama mong bwiset ka!” Sigaw ko sa kaniya.

Hanggang pag-uwi ko ay naka-simangot pa din ako. Langyang bata na yon, nagawa pa akong murahin. Bwiset siya, humanda talaga siya sa akin bukas kukurutin ko siya ng bonggang-bongga kaya ihanda na niya ang balat niya.

Pagpasok ko ng bahay, nagtaka ako nang nakabukas ang ilaw nito. Kumunot ang noo ko saka nilibot ng tingin ang kabuuan ng bahay saka kinuha ang walis tambo na nasa gilid ng pinto. Baka pinasok tong bahay, lagot ako kay ate kapag may nawalang ni-isang gamit dito.

Pinuntahan ko ang dining area pero walang tao doon, sinunod ko ang cr at ang kwarto naming dalawa ni ate, pero wala pa din akong nakita na tao doon. Isang lugar nalang ang hindi ko pa napupuntahan.

Ang kusina.

Dahan-dahan kong tinungo ang parte ng bahay na yon. Mahigpit kong hawak ang walis tambo at inalis ko ang kabang nararamdaman ko sa puso ko. Hindi ako pwedeng maging duwag ngayon, kung may magnanakaw man dito sa bahay kailangan kong mahuli yon at maipa-kulong. Hindi ako pinanganak ni Mama na duwag, pinalaki din ako ni Papa na matapang kaya kailangan kong gamitin ang mga yon sa panahong to.

Aish, akala ko pa naman masaya ang magyayari pagka-uwi ko dahil tatawagan ako ni Yeonjun. Haays!

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina at nang mapunta na ako sa harap non ay nagtago muna ako sa likod ng poste at pasimpleng tumingin sa loob. Sandali kong nilibot ang paningin pero wala akong nakita ni-anino ng tao doon kaya lumabas na ako sa pinagkakataguan ko.

Bumuga ako ng hangin saka binuksan ang ref, uminom ako ng tubig don at pabagsak na inilapag ang pitchel pabalik. Siguro naiwan ko lang kanina yung ilaw na naka-bukas.

Pagkasara ko ng ref, napatitig ako sa pinto non. May nakita akong isang papel doon na nakadikit gamit ang magnet. Kinuha ko yun at agad na binasa.

Please, go to your house' backyard.

                                        From your lover,
                                                  King

Nang mabasa yon ay tumakbo agad ako palabas ng bahay at dumiretso sa bakuran namin ni ate kung nasaan ang mga bulaklak na ipinadala ni Yeonjun sa akin noon. Pagpunta ko doon, nagulat ako nang makakita ng mga rose petals na naka-kalat sa lupa at may nakita pa akong mga kandila.

Sinundan ko ang daang ginawa ng mga rose petals at kandila, natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa harapan ng isang lamesa, napaka-romantiko ng pagka-kaayos non at halatang pinaghandaan.

Napangiti nalang ako saka pinasadahan ng daliri ang mantel doon. Napatili ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod at nagsi-taasan din ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang may humalik sa leeg ko. Sa amoy palang, alam ko na agad kung sino siya.

Ang taong miss na miss ko na.

“How's my queen?” Marahan niyang tanong sa akin. Nararamdaman ko tuloy ang mainit niyang hininga sa balat ko. Humarap ako sa kaniya saka niyakap siya pabalik.

“Ito, masaya dahil kayakap...” niya ang hari niya. “ka.”

Продолжить чтение

Вам также понравится

1.8M 114K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. 🔥** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...
12K 333 11
Davina Euphemia Potter and her brother James Fleamont Potter are Hogwarts mosted beloved duo. 6th year has kicked of with a rocky start for Davina, s...
The Girl in the Hoodie Leata

Подростковая литература

26.2M 1.1M 57
{FIRST BOOK IN 'THE GIRL IN THE HOODIE' SERIES} {2014-2018} A girl moved to California two years ago. No one knows what she looks like. All th...
415K 25.2K 20
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...