His Greatest Downfall

By greatfairy

3.8M 113K 15.2K

ZERO DEGREE SERIES 2: SID DELA VEGA Sid's love for Serenity was beyond compare. Head over heels in love, he... More

His Greatest Downfall
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
PASASALAMAT

CHAPTER 14

78.7K 2.8K 391
By greatfairy

Chapter 14

MALALAMAN mo lang talaga ang halaga ng isang tao kapag sumuko na siyang lumaban para sa 'yo. Tila sinampal ako ng katotohanang iyon.

Sid fought a hard fight. Malas nga lang niya dahil isang tanga ang ipinaglaban niya. I can't blame him if he's intentionally avoiding me. Lahat ng mga sinabi ko noon sa kanya ay parang mga panang tumalbok at bumalik sa 'kin. Tila dinudurog ako nang pinung-pino. Ganito pala ang pakiramdam nang binabalewala ka ng taong mahalaga sa 'yo. Nakakangilo sa puso.

Iyong pakiramdam na gusto ko siyang takbuhin at yakapin pero hindi ko magawa. Naduduwag ako dahil wala akong karapatan. Isa pa, ako mismo ang humiling sa kanya noon na lumayo. I just can't take everything back in a snap. I was hit by his cold stares badly. Malamig ang kanyang mga mata ngunit parang natutupok naman ako niyon. They were invisibly burning something inside of me.

Will I ever win him back?

I don't know. Hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula. Pakiramdam ko kasi'y bawat isang hakbang kong paurong ay katumbas ng tatlong hakbang niya paatras. The harder I try the more he slips away.

Kaya kong tanggapin ang malamig niyang mga titig ngunit hindi ko kayang tanggapin ang sadyang pag-iwas ng kanyang mga mata sa akin. It's as if I am a forbidden fruit to him. Nanlalambot ako sa tuwing nilalagpasan na lamang niya ako. Hindi niya man lang ako magawang tingnan, gaya ng dati.

He'd change a lot. I mean, I turned him into a cold-hearted man. Wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko.

After that encounter in the cafeteria, I realized that he's moving on from me. Nasundan pa ng ilang mga tagpo ang pangyayaring iyon. As much as I wanted to approach and talk to him, my knees just won't coordinate me. Nauumid din ang aking dila at hindi makapagsalita sa tuwing nand'yan siya. Marami akong gustong sabihin sa kanya ngunit sa tuwing may pagkakataon ay wala man lang ni isang salitang lumalabas sa bibig ko.

Katulad ngayon, kanina pa ako nakatitig sa cellphone ko't nagtitipa ng mensahe para sa kanya ngunit hindi ko magawang i-send. Natatakot ako sa magiging reaksyon siya. What if he'll get mad at me? What if pagtawanan niya ako? What if may nahanap na siyang iba?

Bumuntonghininga ako at nagpagulong-gulong sa kama. Gusto kong kastiguhin ang sarili ko ngunit hindi ko talaga mapigilang mag-isip sa kanya. Gusto ko siyang i-chat sa messenger ngunit naalala kong hindi pala siya gumagamit ng social media.

Hi, kumusta ka na? I'm really sorry sa nagawa ko noong nakaraan. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Ginawa ko lang ang alam kong tama. Sana kahit gano'n ang nahuling naging usapan natin, maging magkaibigan pa rin tayo. I missed you, Sid...

Agad kong binura iyon. It was actually the fifth message I attempted to composed and deleted right after. I just can't find the guts to send him a message.

It's hard when you lost something you can't replace. You've been special to me, Sid. I'm sorry for all the things I've said. I did not mean any of those.

I deleted that again. I sounded like straightforward. I sounded like I wanted him back badly.

Hindi ba't gano'n din naman ang gusto mo, Serenity?

Inis kong tinampal ang noo ko saka muling nag-type ng mensahe.

Kamusta?

It really sounds off that I deleted it once again. Gigil kong pinindot ang screen ng cellphone kaya't aksidenteng nag-send ng mensahe sa numero niya.

Damn it! Napabangon ako bigla at lumakas ang tibok ng puso ko. Ngunit lalo akong nainis sa sarili ko nang ma-realize ang na-i-send kong mensahe.

It's a big question mark.

Natutop ko ang sariling bibig. I can't believe I was able to send him a plain question mark accidentally.

Nilapag ko ang cellphone ko sa kama dahil biglang nanginig ang mga kamay ko.

Diyos ko! Ano ba itong nangyayari sa 'kin? Bakit gano'n na lang kalakas ang epekto ng lalaking iyon sa 'kin? Gano'n na ba kalalim ang nararamdaman ko sa kanya?

I stared at my cellphone nervously. Pakiramdam ko'y nandito ang presensya ng lalaking iyon dahil doon.

Saglit akong kumuha ng mainom na tubig saka bumalik sa kama. Dahan-dahang kong pinulot ang cellphone ko sa pag-aakalang makakatanggap ng reply ngunit nabigo ako.

Napangiti ako nang mapait. Parang kailan lang ay puro pangalan niya ang laman ng inbox ko ngunit ngayon ay puro texts mula sa Smart at Globe o 'di kaya mula sa NDRRMC ang laman niyon.

Kaya siguro naimbento ang salitang memorya. Kasi iyon na lang ang magpapasaya sa 'yo kapag dumating ang oras na ma-realize mong hinayaan mong mawala ang taong nagpahalaga sa 'yo nang sobra-sobra. Siguro'y babaunin ko na lang habang buhay ang maikling memorya ko sa kanya. He does not deserve someone like me anyway.

I sighed all over again. This time, mas malalim iyon.

Nakatulugan ko ang pag-iisip sa kanya. Nagising na lamang ako nang lumulusot na sa kurtina ang sikat ng araw.

It's almost 8 in the morning. Alas diyes pa naman ang first period ko kaya't nagluto muna ako bago nag-ayos papasok ng MIU.

Kung hindi lang dahil sa panay ang texts ni Marga ay hindi ako magmamadali. Hindi ko alam ngunit parang kinakabahan ako. Parang may sasabihin siyang hindi makapaghintay.

Pagkarating ko sa mini-forest ng eskuwelahan kung saan siya nakaupo sa isang bench ay nakabusangot niyang mukha ang sumalubong sa akin.

"Ang tagal-tagal mo naman. Kanina pa kita hinihintay," reklamo niya. Pinaningkitan ko siya.

"Hello? 9:30 pa lang ng umaga. Baka nakakalimutan mong alas diyes pa ang first period natin."

Ipinakita ko pa sa kanya ang oras sa suot niyang wristwatch.

"Kalurkey ka. Hindi naman iyon ang dahilan. Hindi mo na tuloy sila naabutan."

"Huh?" Nangunot ako.

"Ay naku, huli ka talaga lagi sa balita. Hindi ka kasi nakikitsismis kagaya ko."

"Hindi kasi ako tsismosa. Wala sa lahi ko 'yan," pabalang kong sagot.

"Minadali mo akong pumasok para lang sa tsismis. Akala ko naman kung ano na."

Naupo ako sa tabi at saka inilapag sa table ang bitbit kong bag at file folder.

"Hindi lang naman basta tsismis ito, 'no."

"E, ano? Ang aga-aga pumuputak ka." Binatakuan niya ako kaya't binatukan ko rin siya.

"Aray! Malakas 'yon, ha!" reklamo niya.

"Ang dami mo pa kasing paandar. Ano ba kasing sasabihin mo?" inis kong tanong.

Sumeryoso siya bigla at biglang sumama ang timpla ng mukha.

"Ikaw kasi ang bagal-bagal mo, naunahan ka tuloy ni Leslie kay Fafa Sid," aniya.

"Ano?" Tama ba ang narinig ko?

"Oo, usap-usapan kaya mula pa noong isang araw. May nakakita sa kanilang magkasama. At ito pa, nakita ko ring bumaba 'yung Leslie sa kotse ni Fafa Sid kanina."

"What?!" Napatayo ako.

"Oh, kalma lang ang puso. Hindi pa naman confirmed. Pero parang gano'n na nga."

Nanghina ako. Si Leslie ay iyong Tourism student na nanalo ng Miss Micaller International University noong nakaraang pageant. Medyo popular siya sa school dahil na rin sa pagiging aktibo nito sa pagsuporta sa Student Council at consistent Dean's lister din. Isa pa, maganda siya at pang-beauty queen talaga ang datingan niya.

"Marga..."

"Huwag kang mag-aalala, mag-iimbestiga ako kung totoo nga iyon. Sa ngayon, pumasok muna tayo sa klase. Malapit nang mag-10."

Parang robot akong nagpahila kay Marga papaakyat sa Business Management building. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya. Kung kagabi ay nanlumo akong hindi siya nag-reply sa kaisa-isang text ko, ngayon ay para akong diniin sa lugmok.

Mabuti na lamang at natuon ang atensyon ko sa discussion ng klase kaya't saglit siyang nawala sa isipan ko. Ngunit pagkatapos ng last period sa umaga ay dumiretso kami sa cafeteria na siyang pinagsisihan ko.

Sa kauna-unahang pagkakataon ngayong linggo ay nakita ko ulit siyang ngumiti ngunit hindi para sa 'kin, kundi para sa babaeng katabi niya.

I bit my lower lip to supress my tears. I hate seeing that view but Marga purposely grabbed my hand and walked past their table. Sinadya pa niyang masagi ang likod ni Leslie.

"Awww!"

"Ay, sorry! Ang sikip kasi ng daan, eh," maarteng tugon ni Marga. He looked sarcastically apologetic.

"No, it's okay," mahinhing tugon ni Leslie. Tila nanliliit ako dahil sa kanya nakatuon ang mga matang dati'y na sa akin lang nakatingin. She was seating acrossed Dela Vega's chair. Katabi naman ng huli Si Theo at sa kabila naman sina Elliot at Levi.

"Pasensya ka na ulit. May gusto lang kasi sanang sabihin itong si Serenity kay Fafa Sid."

Nanlaki ang mga mata ko. Tila namingi ako nang ilang segundo. Maging ang lima sa lamesa ay natahimik. I swear, parang gusto kong kalbuhin si Marga, ora mismo! Bumuka ang bibig ko ngunit walang salitang lumabas. Siniko pa niya ako at ngumiti nang peke sa 'kin. Nakikinita ko iyong mga sungay niyang tumubo bigla mula sa kanyang ulo.

"Ano'ng sasabihin mo sa kaibigan namin, Miss Serenity?" It was Elliot who broke the awkward silence. May naglalarong ngiti sa mga labi nito.

Napayuko ako. Gusto ko na lamang gawin ay tumakbo at magtago mula sa kanila. Nakita ko kung paano umirap nang palihim si Leslie kaya't lalo akong nahiya sa ginawa ni Marga.

"Ano na?" It was Levi. Siniko ko si Marga sa sobrang inis ngunit nginisihan niya lamang ako.

"Siyempre, they need privacy, Fafa Levi. Ito naman," dutdot pa ni Marga.

"Ano ba 'yung sasabihin mo? Hindi ba namin puwedeng marinig?" madiing tanong ni Leslie. Napangiwi ako.

"Ahhh... ehhh..." I stuttered.

Nagulat ako nang magsitanguan iyong tatlong kaibigan ni Sid saka tumayo.

"Wait, are you done eating yet?" protesta ni Leslie.

"Tara na, Leslie."

Hinila ito ni Elliot.

"Wait! I'm still eating-"

"Naku, ubos na 'yung laman ng plato mo, Leslie. Huwag mong sabihing may balak kang kainin pati plato?" pang-aasar ni Marga. Sinamaan siya tuloy ng tingin ng babae.

Wala nang nagawa ang babae dahil nahila na siya ng magkakaibigan palabas. Sumunod din si Marga at bago 'yon ay parang bata niya akong iginiya paupo sa harap ni Dela Vega.

I shook my head in disbelief. Tila nabibingi ako sa kabog ng puso ko. There was a long awkward silence after they left us. Tila robot siyang hindi gumagalaw sa kanyang kinauupuan. Pero ramdam ko iyong lamig ng kanyang titig. Kaya't lalong naghurumintado ang dibdib ko.

There was like a three-minute silence before I decided to speak up.

"Ahhh... P-pasensya ka na sa g-ginawa ni Marga," I struggled. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. He didn't respond. Kung hindi lang dahil sa ingay ng mga estudyante naririto ay pareho kaming mabibingi sa katahimikan ng cafeteria.

"What brought you here?" he finally spoke. Parang sasabog ang puso ko.

"K-kasi..."

"Kung dahil ito sa mga sinabi mo noong nakaraang ay 'wag mo nang isipin iyon, Serenity. I don't need your apology. Just please don't make it hard for me. I want to get rid of you. I want to erase everything about you here."

Mariin niyang itinuro ang kanyang puso saka marahas na tumayo. Napaiyak ako.

"S-sid, wait..."

"Stay away from me, Serenity. Stay away," he commanded before leaving me dumbfounded.

Mabilis din akong lumabas nang mapansin kong nagbulungan ang mga estudayante. Dumiretso ako pauwi sa apartment. Mabuti na lamang at Biyernes kaya't wala na rin akong subjects sa hapon.

I just sent a message to Marga na nauna akong umuwi. Pagkarating na pagkarating ko sa apartment ay nagmukmok ako sa kama. Doon ay dinamayan ako ng unan sa nararamdaman ko.

Tagos sa puso't kaluluwa ko ang malamig niyang mga mata kanina. It's as if I'm the last person he wanted to see. Parang hinihiwa ang bawat ugat sa puso ko. I cried and cried until I got tired.

Nakatulugan ko ang pagtulog.

Nagising ako nang bandang alas singko nang maramdaman kong may kumataktok sa pinto. Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago ito pinagbuksan.

"Sinong-"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Ronald?"

"M-mahal, nagpunta ako rito dahil hindi ka sumasagot sa tawag at text ko. Please, kausapin mo naman ako."

He looked tired and sleepy. He already got stubbles, darker than compared to the last time.

"Akala ko ba nagkaliwanagan na tayo, Ronald? Ano na naman 'to? Umalis ka na pakiusap."

"Serenity, ikaw ang mahal ko."

"Kailangan ka ng pinsan ko! Huwag kang hibang, Ronald. Kailangan ka ng magiging mag-ina mo kaya't kalimutan mo na ako. Hindi na kita mahal!" Dumaan ang sakit sa kanyang mga mata. For a second, my conscience scolded me.

Kahit papaano'y naaawa ako sa kanya. Ramdam ko ang desperasyon sa awra niya.

"No, nasasabi mo lang 'yan kasi galit ka sa 'kin. Please, mag-usap tayo."

"Hindi. Umalis ka na, Ronald. Hindi na magbabago ang isip. Pakiusap, umalis ka na."

Akmang sasarhan ko siya ng pinto ngunit hinarang niya ito.

"Mag-usap naman muna tayo. Ayusin natin 'to, mahal."

"Tama na, Ronald! Ano ba!"

Pilit ko siyang itinulak ngunit lumuhod siya't niyakap ako sa mga tuhod

"Patawarin mo na ako, Serenity. Pakiusap, bumalik ka na sa'kin."

"Malabo nang mangyari ang sinasabi mo, Ronald. Pakiusap, tumayo ka na at umalis. Lalo mo lang dinadagdagan ang sama ng loob ko sa 'yo."

Tumayo nga siya ngunit mariin niya akong hinawakan sa braso. He looked desperately frustrated.

"Ronald, bitawan mo ako. Nasasaktan ako."

"No, mag-uusap tayo," mariin niyang tugon.

Horror filled me in. Nataranta ako. He's uncontrollable anymore. Sinubukan kong kumalas sa pagkakahawak niya ngunit lalo lamang humihigpit. Tila bumabakat na sa balat ko ang kanyang kamay.

Napaiyak ako. Ngunit napasinghap ako nang dumagundong ang mapanganib na boses.

"You have three seconds to let go of her... or else I will bury you right where you stand."

©GREATFAIRY

Continue Reading

You'll Also Like

6.1K 166 28
"Is it really possible to embrace someone's poison, the poison that can make me fall again." Amstel Jacob Bandiala is the guy who badly wants to move...
18.5K 949 45
Pleasures 1 of 3 Can lust turn into love? Is love enough to mend a broken man? Is playing with Fire worth it? Two different worlds collide. One seeks...
450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022