The Friendly Wedding (Season...

By FGirlWriter

11.9M 283K 42.4K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... More

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Eleven

203K 5.8K 646
By FGirlWriter

CHAPTER ELEVEN

"TULOY ang beach getaway sa birthday mo, ha?"

Mula sa pagkukuskos ng tiled floor ng banyo ay napaangat si Sapphire ng tingin. "What?"

"Sabi ko, tuloy ang beach getaway natin. Di'ba hindi tayo natuloy nung 'honeymoon' natin dahil hindi available ang mga pinsan natin? I contacted my cousins, hiningi ko ang isang araw nila para sa birthday mo," ani Johann habang nakatayo sa may pinto. Umiinom pa ito ng kape.

Napangiti si Sapphire. "Really? OMG. I'm gonna call my cousins later. Sigurado naman na lagi silang available," excited niyang sabi at saka mas kinuskos mabuti ang tiled floor.

"Bati na kayo ni Lavender?"

Tumango siya at saka binanlawan ang tiled floor. "Two days after ng incident sa mall, nagkabati na kami. Ganoon lang naman kaming magpipinsan. Kapag nagkainitan, mag-aaway. Pero magbabati rin naman agad. Hindi kami nagtatanim ng sama ng loob sa isa't-isa."

"Pero, ang tapang mo, ano? Nakikipagsabunutan ka sa mall? That's wild!"

Nagkibit-balikat lang siya.

"Eh, bakit ka ba kasi nanabunot?" he curiously asked.

"Lavender just pushed me to my limits." Natapos na siya sa ginagawa kaya nagbanlaw na siya ng paa at naghugas ng kamay.

"Ano bang sabi niya?"

"Just shitty assumptions," she answered.

Tumabi ito nang lumabas siya ng banyo.

"Wow, Misis, improving ka na! Sobrang puti na nitong tiles natin sa banyo. Nakakahiyang dumihan. Pati iyong toilet, parang nakakakonsensyang mag-pupu."

Napangiti siya. "Thanks! I learned to use Muriatic Acid." Pagkarating niya sa dining table ay nakahanda na ang breakfast niya. Sweet Mister. Lagi na nitong hinahanda ang breakfast niya sa tuwing maglilinis siya sa banyo every other morning.

Natuto na siyang huwag magreklamo sa paglilinis ng banyo tuwing umaga dahil halos mag-iisang buwan niya na iyong ginagawa.

Umupo na siya at bago kumain ay nagdasal ng maikli. She's already munching her bacon when Johann appeared infront of her. Topless!

"Bakit ka nakahubad? Suot mo na uniform mo kanina, ah?"

"Mali kasi iyong uniform. Friday pala kasi ngayon. Dapat iyong sky blue na polo ang suot ko. Nakita mo ba iyon?"

"Nasa likod pa yata. Parang kalalaba ko lang niyon kahapon." Hindi sinasadyang dumapo ang mga mata niya sa tiyan nito. "Wala ka pa ring abs?" pang-aasar niya rito.

Sumimangot ito. "Bakit ba? Hoping ka 'no?" nakangisi nang sabi nito. "Sabagay, kapag nagkaroon na ko ng abs, free kang himas-himasin kunwari. At wala akong palag."

She raised her eyebrow. "As if! I'm not interested to touch any abs."

"Maniwala ako sa'yo. Sige, hintayin mo lang. Magkaka-abs rin ako. Hindi ko papahawak sa'yo kapag nagkaroon."

She sarcastically laughed. "Kapag nagkaroon," she emphasized.

Tumalikod na ito at lumabas ng back door.

Good thing he has a nice butt. Napailing-iling siya sa naisip at saka tinapos na ang pagkain.

Nakuha naman ni Johann ang uniform nito na tuyo na at saka sandaling plinantsa. Paglabas nito ng kuwarto nila ay nakasuot na ito ng tamang uniform.

"Alis na 'ko."

"Okay."

Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Hindi na siya umaangal kapag ganoon dahil 'kaugalian' naman iyon, ayon nga kay Johann.

"Anong gusto mong pasalubong?" tanong nito.

"Abs," pang-aasar niya pa rin dito.

"Badtrip ka, Misis. Lakas mang-asar, ah" naasar na wika nito. "Kapag ako nagka-abs talaga, maglalaway ka!"

She just laughed and shove him away. Pagkaalis nito ay agad naman niyang tinawagan ang mga pinsan para ayain sa nalalapit na birthday niya. Nang pumayag ang tatlo ay mas lalo siyang na-excite. Matutuloy na ang plano nila ni Johann na magka-closure na ang kanya-kanyang mga pinsan.

For the meantime, naligo at nag-ayos na rin siya after. Aasikasuhin niya muna ang pagpili ng pwesto para sa bookstore niya!

***

TATLONG araw na lang at birthday na ni Sapphire! Pero sa lahat ng malapit na mag-birthday, siya lang yata ang aburido na aburido.

Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin siyang mabiling lote para sa pagtatayo niya ng bookstore. Lahat nang nakita niyang prospects ay natanggal sa listahan niya dahil madaming problema sa titulo, sa may ari o sa kung saan-saan pa. Wala na nga siyang problema sa pera, ang mismong mga plano naman niya ngayon ang may problema.

Nanggigigil at malakas na hinampas niya ang katabing unan at napatili sa inis!

Biglang napabalikwas ng bangon si Johann na kanina pa natutulog. "Ah! Saan ang away? Saan? Saan?" inaantok pa na sabi nito.

Nakasimangot na binalingan niya ito. "Mister, malapit na birthday ko."

Kinusut-kusot nito ang mga mata. "Ano ba naman iyan, Misis? Tumili ka dahil malapit na birthday mo? Excited? Excited? Kailangan mo pang mang-gising?" parang naiinis na sabi nito.

Napalabi siya. "Hindi pa rin ako makakita ng magandang lugar para sa bookstore ko! Lahat ng gusto ko, ang daming problema!"

Napakamot sa batok nito si Johann. Nahiga ulit ito ng kama. "May deadline ka ba at madaling madali kang makahanap ng commercial space para sa bookstore mo? Napakadami mong oras para maghanap ng lugar."

"I have goals, you know. Dapat maabot ko iyon. Dapat by next year, nag-uumpisa na ang construction ng dream bookstore ko. Kapag hindi ako mabilis na kumilos ngayon, masyado nang atrasado ang mga plano ko." Niyugyog niya ang balikat nito. "Mister, do you have any suggestions?"

"Anong oras na?"

Tumingin siya sa wall clock. "Four AM."

"Ah! May maganda akong suggestion."

"Ano?" interesadong wika niya.

"Matulog ka na."

Napasimangot siya. "Mister, naman, eh! I'm serious here. I badly need suggestions." Lumuhod siya paharap rito at saka niyugyog ito sa balikat. "Help me with these! Hindi ako makakatulog." Hindi kasi siya sanay na nawawala sa plano niya ang mga bagay-bagay kaya hindi siya matahimik.

Bumalikwas ito ng bangon pero nakapikit pa rin. "Ano bang gusto mong mangyari?" he sleepily said.

"Tulungan mo 'kong makahanap ng lupa na puwedeng pagtayuan ng bookstore ko."

Napahikab ito. Nakapikit pa rin. "Wala tayong mahahanap ngayon. Walang nagbebenta ng ganitong oras. Bukas na lang puwede? Pagkagaling ko sa klase?" Humiga na ulit ito at nagtalukbong ng comforter hanggang sa ulo.

"May alam ka bang nagbebenta ng lote or space?" Naisip niya, mas maganda kasi kung lupa pa lang mabibili niya para wala na siyang problema sa pagde-demolish kung may nakatayo mang bahay o building.

Umungol lang si Johann.

"Hey, talk to me," pangungulit niya pa rin. Hindi niya maintindihan na kailangan ng asawa ng energy bukas para sa pagtuturo nito. "Knock knock! Mister!" Kinatok niya pa ang ulo nito.

"Natutulog na. Balik ka na lang bukas."

Pumasok siya sa loob ng comforter at niyugyog niya ulit ang braso nito. "Johann, I thought we're friends? You should help me."

Napalingon ito sa kanya habang nasa loob na silang dalawa ng comforter.

"Oy, trespassing ka!" anito at saka siya tinalikuran ulit. "Huwag ka na kasi makulit. Bukas na lang. Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka na lang, please?"

"But we're friends..."

"Naalala mo lang na magkaibigan tayo kapag may kailangan ka. 'Yan tayo, eh." Humikab ito ng malakas. "Bukas na lang, Misis ko. Tutulungan kitang maghanap ng bakanteng lote everwhere you like, pramis! Lilibutin natin ang buong NCR bukas kung iyon ang kinakailangan."

Nangislap ang mga mata ni Sapphire. Mukhang maganda ngang ideya na maglibot sila! "Really, Mister? We'll do that?" Mas napanatag siya.

"Yes po. Kaya matulog ka na," mahinang sabi nito. "Saka magdasal ka rin na makakita tayo bukas. Minsan kasi kahit ano pang gawin nating hanap, kapag ayaw pa ng Diyos ipakita, wala tayong makikita." Humarap pa ito sa kanya at bahagyang binuksan ang mga singkit na mata. "Don't rush things, Misis."

Lumabas na siya sa loob ng comforter. "You know, Mister, you look more handsome when you talk 'holy' to me."

"Mas nakaka-pogi talaga kapag close kay Lord."

Nahiga na siya sa puwesto niya. Paglapat pa lang ng ulo niya sa malambot na unan ay saka lang niya na-realized na inaantok na rin pala siya. Masyado na rin siyang pagod dahil sa stress na inabot niya sa pamomorblema ng pagtatayuan niya ng bookstore. "Is it true?" bigla niyang natanong.

"Hmm?" inaantok na sambit nito.

"Is it true that when we pray, God hears our prayers?"

"Oo. Naririnig Niya lahat."

Napapikit siya at mapait na napangiti. "Narinig Niya kaya iyong dasal ko nung bata ako?"

"Oo... Ano ba iyong dinasal mo?" tanong pa nito kahit halatang antok na antok na.

"Na sana makilala ko ang Daddy ko." May naramdaman siyang maliit na kurot sa dibdib niya. Ugh! Why did she brought that up, anyway?

Hindi sumagot si Johann. Baka tuluyan nang nakatulog. Mas mabuti iyon. Hindi niya na kailangan pang mag-elaborate tungkol sa sinabi niya. Hindi niya nga alam kung paano niyang nasabi iyon samantalang ang lupa ng bookstore ang pinag-uusapan nila.

Tumagilid siya ng higa na patalikod kay Johann. Unti-unti na siyang hinihila ng antok nang maramdaman na lang niya ang isang mainit na bisig na pumulupot sa baywang niya.

Napakunot noo siya at napadilat. Pagkuwa'y nilingon niya ang asawa. "H-hey! What are you d-doing?" Lalayo sana siya pero mas hinapit siya nito.

"Niyayakap kita." Binalik nito ang ulo niya patalikod rito. "Friendly hug lang 'to. Pang-comfort."

Hinawakan niya ang braso nito sa baywang niya at pinilit iyon alisin. "Bakit? Kailangan ko ba ng comfort?!"

"Sshh... Iyan ka na naman. Huwag ka nang mag-deny sa self, Misis." He pulled her closer to him hanggang sa maramdaman niya ang paglapat ng likod sa katawan nito.

"J-Johann..."

"Si God, may tatlong posibleng sagot lagi sa mga dinadasal natin o hinihingi natin sa kanya. May 'yes', may 'no', at may 'not now'," mahinang sabi nito. "Nung hiniling mo siguro noon na makilala ang totoo mong ama, 'not now' ang sagot Niya. Kasi may tamang oras sa lahat ng bagay na nangyayari sa mundo."

Isinuot nito ang isang braso sa ilalim ng leeg niya. Kaya naman nakaunan na siya roon.

"Ako, bago ko makilala ang totoong ama ko, maraming taon din ang hinintay ko. Kaya malay mo, baka makilala mo ang Daddy mo in the near future."

Pumikit siya. "Ayoko na siyang makilala ngayon," she bitterly said.

Mas humigpit ang pagyapos nito. "Akala mo lang iyon." Naramdaman niya ang mga labi nito sa bumbunan niya. "Matulog ka na. Basta huwag mong kalimutang mag-pray."

Hindi na nagpumiglas pa si Sapphire sa posisyon nila ni Johann ngayon. She felt comfortable lying her head on his arms and she felt okay while he's hugging her by the waist. Gusto niya ang paglapat ng likod niya sa katawan nito. She can feel the warmth. Nararamdaman niya ulit kung anong nararamdaman niya nang magkayakap silang nag-siesta sa sofa minsan.

Sa lahat yata ng man-hater, si Sapphire lang ang nag-e-enjoy na mayakap ng lalake. But Johann isn't any other man. He's her husband.

Unti-unti na ulit siyang hinila ng antok pero... nagdasal muna siya katulad nang sinabi ni Johann.

Although, she didn't pray to meet her father someday or... makahanap sila ng bakanteng lupa bukas. Hindi niya alam kung bakit pero nagdasal siya para magpasalamat. She thanked God that she has a friend like Johann.

Kahit hindi halata, natatamaan siya sa tuwing nagto-talk 'holy' ito. Tumatatak sa isip niya ang mga sinasabi nito.

Dahan-dahan siyang humarap rito nang nakapikit ang mga mata. Ramdam niyang tulog na ito dahil lumuwag na ang yakap nito.

Dinilat niya nang kaunti ang namumungay niyang mga mata. Then she smiled when he saw his face—peacefully sleeping. "Thank you, Mister," she whispered. Nagsumiksik siya rito.

And she hugged him back.

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 73.4K 21
Ang pagpasok ba sa isang tago at bawal na relasyon ay kayang tumbasan ang lahat ng prinsipyong itinapon ni Lavender para lang kay Reynald? Is this t...
3.4M 86.7K 21
Kasal-kasalan. Bahay-bahayan. Paano bang hindi mahuhulog ang loob nina Erica at Charlie sa pagpapanggap nila bilang mag-asawa? Written ©️ 2015-2016 (...
5.9M 111K 32
COMPLETED || General Fiction || Light Romance || Mature Cover by: xxsleep_addictxx -- WARNING! TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS ARE PRESENT IN THIS STOR...
2.3M 21.3K 11
1st installment of The Manila Lady-Killers. What will happen when the Spoiled Heiress meets the Bastard of Disaster? Dylan Romero, also known as t...