The Friendly Wedding (Season...

By FGirlWriter

11.9M 283K 42.5K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... More

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Nine

219K 5.8K 983
By FGirlWriter

CHAPTER NINE

"TYPE ka ni Mommy!"

Napakunot-noo si Johann. "Paanong type? Type na maging manugang? O anong masama roon?"

"Stupid! Hindi iyon. Type ka ni Mommy. As in boyfriend material type!"

Ang lakas ng tawa nito. "Ang pogi ko naman. Shet!"

Hinampas niya ito sa braso. "Magseryoso ka nga! Basta tandaan mo ang mga sinabi ko, okay? Huwag ka magpapa-cute kay Mommy."

Humalukipkip ito. Hindi na ito tumatawa ngunit ang mga mata nito ay halatang aliw na aliw. "Misis, what made you think na magpapa-cute ako sa Mommy mo? Pogi nga ang mister mo, pero magalang 'to!" sabay turo sa sarili. "Magpa-impress man ako, magpapa-impress ako para mapatunayang karapatdapat akong maging asawa mo."

Siya naman ang nangunot ang noo. "You don't have to prove anything to my mom. Alam naman niya ang real status natin. I mean, alam niyang nagpakasal lang ako sa'yo just to have my inheritance."

"Ay, ganon? Sige, magpapa-cute na lang ako sa Mommy mo-aray!"

Malakas niya kasing kinurot ito sa tagiliran. "I know that my Mom is a sexbomb, but please, don't lead her on."

Napakamot sa ulo si Johann. "Joke lang kasi iyon, Misis. At sinong matinong lalaki na papatol sa ina ng asawa niya? Maybe, hindi tayo mag-asawa sa totoong kahulugan niyon pero ginagalang naman kita. Lalo na ang Mommy mo. Kahit hindi mo 'ko warning-an, I'll never flirt back to your Mom." Nagsalubong ang kilay nito. "Ang baba naman yata ng tingin mo sa'kin?"

Johann looked offended and guilt stroke Sapphire. Napayuko siya. "Eh, kasi..."

"Kasi ano?"

Napanguso siya. "Nasanay lang kasi ako... Yung mga kaedaran mo kasi na lalaki ang mostly na nagiging boyfriend ni Mommy. Well, hindi ko naman sila masisisi kung attracted talaga sila sa Mommy ko." Her mother does not look her age and she's too young looking to have a twenty-seven year old daughter. Sobrang ganda at nag-uumapaw ang alindog ng Mommy niya.

Johann lifted her chin and looked at her. "Iba ako sa kanila. Okay?"

Iniwas niya ang baba. "Lalaki ka rin. Paano kang naiba?"

"Kasi pogi ako."

She rolled her eyeballs. "May mas guwapo pa sa'yo."

"Oo nga. Pero wala silang asawa na man-hater."

"What?" Hindi niya ma-gets ang point.

Inabutan siya nito ng suklay. "O, magsuklay ka muna para maintindihan mo 'ko. Next time na makikipagsabunutan ka sa mall, siguraduhin mong hindi rin nag-shake iyang utak mo para nagkakaintindihan tayo."

Kinuha niya ang suklay at nagsuklay nga. "Basta, Johann, ah..." paalala niya ulit dito.

"Yes, Misis!" Sumaludo pa ito sa kanya at saka lumabas ng kuwarto nila. Agad naman siyang sumunod rito habang nagsusuklay pa siya ng buhok.

"Mommy Mercy, dito na po kayo mag-dinner. Nagluto po ako ng hapunan," magiliw na paanyaya ni Johann sa Mommy niya.

"Oh! That would be nice!" Nagniningning pa ang mata ng kanyang ina. "I'm impressed that you can cook. Iilan lang ata ang lalaki na kayang magluto," sabay hawak pa ng ina niya sa braso ni Johann.

"Ay, oo, Mommy!" Bigla niyang singit at saka kinuha ang braso ni Johann na hawak nito. Inakbay niya pa mismo iyon sa balikat niya. "Naranasan po kasi ni Johann na maging houseboy noon kaya marami siyang trabahong pambahay na alam."

"Really?" Her mother looked shock. Hindi siguro nito inaasahan na naging houseboy ang asawa niya.

"Opo," nakangiting sagot ni Johann. "Nung ten years old po ako, hindi ko pa po kilala ang totoo kong ama, namasukan po ako. Hanggang sa kinalakihan ko na po." Mas hinapit siya nito sa balikat. "Nagluto rin po ako ngayon kasi alam kong wala 'tong si Sapphire. Naisip ko po na ipagluto siya."

Lihim siyang napataas ng kilay. Siya? Ipagluluto ni Johann? Wala lang itong choice ngayong gabi.

"I told you, Johann, stop using 'po' or 'opo'," malambing na sabi ng ina.

Johann chuckled. "Nako po, hindi ko po kasi mapigilan. Nanay po kayo ng asawa ko kaya sa isip ko, naka-program na po talaga na magbigay galang po ako sa inyo."

Hah! Beat that, Mommy!

Hindi na sumagot ang Mommy niya at iniba na lang nito ang topic. Mukhang napahiya ito or what. Napahiya siguro sa sarili dahil maka-ilang beses na pinangalandakan ni Johann na siya ang asawa at nanay niya ito. Very consistent pa ang "po" at "opo" ng mister niya.

Umupo na sila sa hapag. Magkatabi sila ni Johann habang nasa tapat nito ang Mommy niya.

"So, Johann, what do you do?" tanong ng Mommy niya habang kumakain na sila.

"Professor po ako sa UP. Pero mga minor Math subjects lang po ang tinuturo ko. Highschool teacher din po ako pero half load lang po ang kinuha ko ngayong school year," sagot ni Johann habang nilalagyan ng kanin ang plato nito.

Nang kukunin niya na rito ang lalagyanan ng kanin ay hindi siya nito hinayaan. Ito pa ang mismong naglagay ng kanin sa plato niya.

"Okay na iyan, Misis?" tanong nito pagkatapos siyang pagsilbihan ng kanin.

"Ah...d-dagdagan mo pa."

Ngumiti ito at dinagdagan ng kanin ang plato niya.

"So, you're a licensed teacher pala. That's pretty impressive. Pero, don't you have plans to build a business? Hindi ka naman yayaman sa pagiging professor at highschool teacher lang," komento ng Mommy niya.

Kukunin niya na sana ang bowl ng chicken curry pero naunahan na siya ni Johann. At katulad sa kanin, nilagyan din nito ng ulam ang plato niya.

"Wala naman po akong planong magpayaman. Maganda naman po ang buhay ko. Nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw, minsan apat pa nga po kapag sinama ang merienda. Minsan din lima po kapag may midnight snacks."

Her mother chuckled. "You're a funny guy. But honestly, wala kang planong yumaman? O kasi mayaman ka naman na? You're an Anderson. Kahit hindi ka magtrabaho, mabubuhay ka."

"Hindi naman po ako ang mismong mayaman. Ang tatay ko lang po. Masarap po ang maging mayaman. Totoo naman. Wala naman yatang tao na hindi iyan pinangarap. Pero minsan po, kung hindi naman kulang ang mayroon ka, bakit ka pa maghahangad ng sobra?"

Hindi namalayan ni Sapphire na tumatangu-tango siya habang ngumuya ng pagkain. Gusto niya ang sinabi ni Johann. Aba't hindi lang pala puro kalokohan 'tong mister niya!

"But sometimes, having just is never enough," her Mommy disagreed.

"Nasa sa inyo po iyan kung paano niyo binibigyang kahulugan ang salitang 'sapat'," Johann answered in his light tone. "Ako lang po, sobra-sobra na sa'kin na may misis akong sobrang ganda." Sabay baling nito sa kanya at saka kindat.

Muntikan nang mabulunan si Sapphire. Okay na, eh! Tapos bigla itong hihirit ng ganoon? Palihim na inirapan niya lang ito dahil sa malapad na ngisi ng loko.

"Gusto mo ng juice, Misis?"

"Oo. Para mabuhos ko sa'yo."

Johann laughed. "Ang sweet mo talaga," sabay pisil sa pisngi niya. "Pa-kiss nga." At hinalikan nga siya nito sa pisngi bago tumayo para magtimpla ng juice!

Mabilis ang loko! Naisahan na naman siya!

"You married a wise guy," sabi sa kanya ng ina nang sila na lang ang nasa lamesa.

Nagkibit-balikat lang siya. She saw the admiration in her mother's eyes.

"Ang mga ganoong lalaki, minsan lang nakikita. Kung ako sa'yo, anak, hindi mo dapat siya pakawalan. And did I mention that he's obviously caring and sweet?"

Napasimangot siya. How come that her mother can see that through Johann? Wala pa nga atang isang oras na magkakilala ang mga ito ay nasasabi na agad iyon ng Mommy niya?

At si Johann, wise, caring, and sweet?

Huwag itanggi, Sapphire. True naman.

Lalo siyang napasimangot. "Pinaglilinis kaya niya 'ko ng banyo," sumbong niya sa ina.

Her Mom chuckled. "Now you know how to clean the toilet? That's nice!"

Ay, grabe. Ang weird talaga ng tao sa paligid niya. Isa ba talagang magandang bagay na maglinis ng inidoro? She can't understand.

Bumalik na si Johann na may dala-dalang isang pitsel ng mango juice na maraming-maraming yelo. Ito na ang nagsalin ng juice sa baso nilang tatlo.

Nang makaupo na ulit ito ay pasimple niyang siniko ito.

"Aw!" mahinang daing nito at napahawak sa tagiliran. "Ano na namang ginawa ko, Misis?" pabulong na tanong nito.

"You kissed me on the cheeks! Nakakahalata na 'ko sa'yo. You always make tsansing to me."

"Eh di gumanti ka. Halikan mo rin ako sa cheeks," nakangising bulong nito.

Kukurutin sana niya ito ngunit mabilis nitong nahuli ang kamay niya at siya ang sinundot nito sa tagiliran. Napapiksi siya dahil sa gulat at kiliti. Ginamit niya ang isa niya pang kamay para gumanti pero nahuli din nito iyon sabay sundot pa uli sa tagiliran niya.

Tahimik na natawa ito sa reaksyon niya. Pilit niyang binawi ang kamay pero hindi siya nito hinayaan. Para silang batang naghaharutan.

Tumikhim ang Mommy niya kaya napatigil sila ni Johann.

"You, two, look good together. May plano ba kayong gawing totohanan ang kasal niyo?" tukso nito na may naglalarong ngiti sa mga labi.

Nagkatinginan sila ni Johann. Natawa si Sapphire. "No way!"

Ngumiti lang si Johann at hindi pa rin pinapakawalan ang kamay niya. Hindi tuloy siya makakain.

"Bakit naman, anak? Oh, you don't know what would happen in the future. Malay mo, destiny will take place."

"Hanggang ngayon naniniwala ka pa rin sa destiny, Mommy? Ang tanda mo na."

"Bakit naman hindi, Misis? For all ages naman ang destiny." sabad ni Johann. "At totoo naman iyon."

So, destiny na mabuntis ang Mommy niya at hindi panagutan? Destiny na magkaroon ng maraming boyfriends ang Mommy niya para lang sumaya ito? Gustung-gustong sabihin iyon ni Sapphire pero pinigilan niya ang sarili. Destiny is just a shit.

"Can you let go of my hand? I want to eat," mataray na wika niya sa asawa.

"Pero paano nga kung destined for each other tayo, ano?"

Kinilabutan si Sapphire. "Eeew! Huwag ka nga, Mister! You're creeping me out!"

Natawa ito at ang Mommy niya.

Pinakawalan na ni Johann ang mga kamay niya pero bago iyon ay hinalikan muna nito iyon. "Ang bango ng kamay mo. Amoy chicken-curry."

Inirapan niya ito at saka inubos ang kinakain. Sa mga sumunod na oras ay ang Mommy niya at si Johann lang ang nag-uusap. Inobserbahan naman ni Sapphire ang ina. Mukhang wala na itong intensiyon na magpakita ng motive kay Johann. Sa endless "po" ba naman ng mister niya at paulit-ulit na pagtawag rito na "Mommy", sinong hindi madi-discourage? Para pang ewan si Johann na nilalambing siya.

Yet, she want to salute her husband. Dahil nakuha niya na ang ibig nitong sabihin kanina.

Iba nga ito. He's different from any other guy. He's responsible and knows his limits.

"Misis, bakit nakangiti kang mag-isa diyan? May joke ka ba? Share mo naman!"

Biglang napalis ang ngiti niya. Nakangiti pala siya? She's not aware! And wait, she's smiling while thinking of Johann?

Napangiwi siya. "Ah, w-wala. Wala akong joke." Napasubo na lang siya ng pagkain.

"Akala ko may-joke ka, eh. Bigla-bigla kang ngumingiti diyan," ani Johann. "Kung hindi lang kita kilala, iisipin kong iniisip mo 'ko, eh," tukso pa nito.

Muntik na naman siyang mabulunan.

***

"I HAD a great time! Next time, kayo naman ang pumunta sa bahay at ipagluluto ko kayo," magiliw na sabi ng Mommy ni Sapphire sa kanilang mag-asawa.

"Nag-enjoy din po kami, Mommy! Masaya pong makasalo at maka-kuwentuhan kayo kahit biglaan po ang pagdating niyo," nakangiting tugon naman ni Johann. "Sa susunod po ulit."

"You know, I like you for my daughter. I can see that you're a great man."

Parang nahiya si Johann at napakamot sa batok. "Great? Hindi naman po. Pogi lang po, okay na."

Her mom laughed and embraced Johann. "Take good care of Sapphire."

Naningkit ang mga mata ni Sapphire dahil parang ang tagal naman ng yakapan ng mga ito? Nakita niya pang halos mag-crash na ang boobs ng Mommy niya kay Johann.

Malakas siyang tumikhim na nagpahiwalay naman sa Mommy niya mula sa pagkakayakap nito sa asawa niya.

"Can I talk to my daughter for a while?" pakiusap ng ina sa asawa niya.

"Wala pong problema. Mauna na po ako sa loob."

"Where will you stay pala, Mommy?" tanong niya nang silang dalawa na lang ng ina.

"Sa mansyon ng Mama, saan pa ba? Doon lang naman ang bahay ko." Siya naman ang sunod nitong niyakap. Medyo nagulat pa si Sapphire dahil hindi siya sanay na niyayakap nito.

She hugged back although it's an awkward thing for her.

"I missed you," bulong sa kanya ng Mommy niya.

"I missed you, too, Mommy."

Lumayo na ang ina at hinawakan naman ang pisngi niya. "You're such a big girl now." May nakita siyang emosyon sa mga mata nito na hindi niya mapangalanan. Agad din kasi iyong nawala pagkatapos niyang makita. "Somewhere in your heart, maybe you could love your husband."

"That would not be possible, Mommy. I'm never gonna love a man." At dahil iyon dito.

"Open your heart. Masayang ma-inlove, anak," nakangiting sabi nito.

Hindi siya sumagot. Paanong nasasabi pa rin ng Mommy niya na masarap ma-inlove gayong ilang beses na itong nasaktan?

Hinalikan siya nito sa noo. "Be a good girl. Be a good wife."

She rolled her eyes. "Isang taon lang naman 'to."

"Kahit na. Hindi mo masasabi. Johann's a nice catch. Kapag pinakawalan mo, hindi ka na makakakita ulit ng ganoong lalaki."

"Kung paglilinisin lang rin ako ng banyo at paglalabahin ng mga briefs, mas mabuting wala na talaga akong ganoong lalaking makikilala ulit."

Napailing-iling na lang ang ina. "I gotta go, baby," paalam nito at saka sumakay na ng kotse nito.

Pumasok na agad siya ng bahay pagka-andar ng kotse ng ina.

"Ni-lock mo iyong gate?" tanong ni Johann nang maabutan niya itong naghuhugas ng mga pinagkainan.

"Yup." Kumuha siya ng plastic container at nilagay ang tirang ulam doon.

"Anong sabi sa'yo ng Mommy mo?" simpleng tanong nito.

Nilagay niya sa lababo ang wala nang laman na kaldero at ang plastic container na may tirang ulam sa loob ng ref. "Huwag daw kitang pakawalan. Nice catch ka daw."

Napasipol ito. "Tama nga naman."

"Tapos try daw kitang mahalin. What the hell?"

"Bakit hindi? Lovable naman ako."

Humarap siya rito. She boredly stared at him. "Whatever. Basta, one year lang ang kasal na 'to. After a year, tapos na. Iyon na iyon."

"After a year, puwede na 'ko sa Mommy mo."

Napasinghap siya. "Johann!"

He laughed. "Bakit? Buti pa Mommy mo, na-appreciate ako. Nag-give way lang iyon sa'yo ngayon hanggang next year."

Malakas na pinalo niya ang braso nito.

"Aray naman! Bakit ba ang bigat bigat ng kamay mo?"

"Huwag na huwag kang makikipag-date sa Mommy ko pagkatapos natin maghiwalay next year!"

"Uy, selos."

"As if!"

Tapos na itong maghugas at pinunasan na nito ang kamay. "Joke lang naman iyon. Huwag kang masyadong selosa. Alam mo naman, ikaw lang ang one and only misis ko," ani nito sabay pisil sa ilong niya.

Tinalikuran niya ito at nagmartsa na siya papasok ng kuwarto nila. Nang lumabas ulit siya ay dala niya na ang tuwalya at pantulog niya papunta sa banyo.

Nag-wash up lang siya sandali. Paglabas niya ng banyo ay fresh na fresh na ulit siya habang suot ang terno niyang pajama. Malinis na ang lamesa at lababo nang daanan niya.

Ang tanging bukas na ilaw lang ay ang sa sala. Nandoon si Johann at may ginagawa sa center table. Nakabukas ang TV pero hindi naman ito nanonood.

"Matutulog na 'ko," aniya rito. "How about you?"

Hindi ito nag-angat ng tingin. "Mamaya na. Tatapusin ko lang 'tong lesson plan ko. At saka pakikuha naman ang laptop ko sa kuwarto. Gagawa pa 'ko ng pang-lecture bukas."

Bumalik siya ng kuwarto at kinuha ang laptop bag nito.

"Here," sabay abot niya rito nang nasa sala na ulit siya.

Nag-angat ito ng tingin at kinuha ang bag sa kanya. "Thanks, Misis."

Imbes na bumalik na ulit sa kuwarto para matulog ay umupo siya sa tabi nito.

"Akala ko matutulog ka na?"

"Hindi pa pala ako inaantok," sagot niya habang nakatingin sa TV.

Napatingin naman ito sa kanya. "Namumungay na mga mata mo, hindi ka pa inaantok?"

Nagkibit-balikat lang siya. "Hihintayin na lang kita."

Tila takang-taka na nakatingin lang ito sa kanya.

"Why?"

Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "Hindi ka makatulog nang hindi ako katabi, ano? Ayieee!"

Hinampas niya ito ng throw pillow sa mukha. Tatlong beses. "Don't flatter yourself too much. Ikaw na nga hihintayin, ang lakas mo pa mang-asar."

"Hindi ka naman maaasar kung hindi ka guilty. Sige na, aminin mo na..." Tumaas-baba pa ang dalawang kilay nito. "Hindi ka na makatulog na hindi ako katabi, ano?"

Tumayo na siya. "Eh di, matutulog na 'ko. Diyan ka na nga!"

Nahagip nito ang kamay niya. "Alam niyo kayong mga babae, sasabihin niyo lang sa'min ng simpleng-simple kung anong gusto niyo mangyari, inaartehan niyo pa. Halika na rito. Sige na, hintayin mo na 'ko. Bibilisan ko na lang 'tong ginagawa ko."

Umingos siya. "That's not true. We girls don't have to state the obvious all the time. Hindi na namin kasalan kung may mga boys na slow."

Napangisi ito. "Eh di, inamin mo rin." Malakas na nahila nito ang kamay niya kaya nag-landing siya sa kandungan nito.

Nanlaki ang mga mata niya at mabilis sanang tatayo kundi lang siya nito kinabig sa baywang ng mahigpit. "Johann!" pagpupumiglas niya.

"Stay put ka lang diyan, Misis. Hindi mo alam kung ilang babae ang gustung mapunta sa kinauupuan mo ngayon."

"Yabang! Ikaw, ha! Nakakahalata na 'ko sa'yo," sabay duro rito. "Mula nang ikasal tayo, panay ang tsansing mo sa'kin. 'Yung mga yakap mo, 'yung mga pauso mong kiss sa cheeks, 'yung mga akbay-akbay mo... akala mo hindi ko pansin, ha? Nilalandi mo 'ko!" akusa niya rito.

Johann loudly laughed. "Hindi kita nilalandi. Nagpapaka-friendly lang ako," depensa nito.

"'Friendly' your face! Ganyan ba ang mga brokenhearted? Naghahanap ng lalandiing iba-mmm!"

Tinakpan ni Johann ang mga labi niya... ng mga labi nito.

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
4.9M 146K 48
If you're looking for the ugly duckling who turned into a swan, then you got the wrong book. Les' best friend, Dee, just got rejected by the love of...
503K 17.6K 28
Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na kinakalimutan na ng mundo? Written ©️ 2020
109K 9.2K 44
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...