Mister Superstar ll Choi Yeon...

Від Angelkim_10

44K 1.2K 198

Is it possible that a Superstar like him will fall for a girl like her? Choi Yeonjun × Yumi Chua TXT Series... Більше

Prologue
MS-1
MS-2
MS-3
MS-4
MS-5
MS-6
MS-7
MS-8
MS-9
MS-10
MS-11
MS-12
MS-13
MS-14
MS-15
MS-16
MS-17
MS-18
MS-19
MS-20
MS-21
MS-22
MS-23
MS-24
MS-25
MS-26
MS-27
MS-28
MS-29
MS-30
MS-31
MS-32
MS-33
MS-35
MS-36
MS-37
MS-38
MS-39
MS-40
MS- EPILOGUE
Can I Ask?
Special Chapter

MS-34

856 19 0
Від Angelkim_10

YUMI CHUA

Napa-salampak nalang ako sa sofa sa bahay dahil sa pagod. Kinuha ko ang listahan sa bag ko kung saan naka-sulat ang mga trabahong pwede kong pasukan. Sampu lahat nang yon at lahat ay may naka-markang ekis sa gilid, ibig sabihin ay hindi ako tinanggap. Nilukot ko yon saka tinapon nalang basta kung saan.

Dalawang buwan na akong nag-hahanap ng trabaho pero hanggang ngayon wala pa ding tumatanggap sa akin. Napapagod na ako. Ano bang kulang sa akin? Nakapag-tapos naman na ako, sa mataas na paaralan pa nga. Nagkaroon na din ko ng experience kahit papaano dahil sa pagta-trabaho kay Yeonjun, may itsura naman ako kung yun ang hinahanap nil at sexy din, pero bakit ayaw pa din nila sa akin? Konti nalang talaga papasukin ko na ang pagiging prostitute. Nababanas na ako sa mga kumpanyang yan.

Balik na naman ako sa klase ng buhay ko na umaasa na naman kay ate. Naubos na kasi ang perang sinahod ko kay Yeonjun noong nakaraang linggo kaya todo kayod talaga ako pero kait anong kayod ko, wala pang nangyayari.

Hiyang-hiya na nga ako kay ate. Siya na naman ang nagta-trabaho para sa aming dalawa, buntis pa siya. Pakiramdam ko tuloy napaka-wala kong silbing kapatid.

Napabuntong hininga nalang ako saka ipinikit ang mga mata. Ano nang mangyayari sa buhay ko nito? Mamalimos nalang kaya ako?

Naidilat ko ang mga mata dahil naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko yun at nakita ko agad ang pangalan ni Yeonjun. Agad kong sinagot ang tawag niya.

“Hello?” Pilit kong binubuhay ang boses ko.

“How's my queen?” Aniya. Parang kiniliti naman ang puso ko dahil doon.

Dalawang buwan na din nang mag-simula siyang ligawan ako at hanggang ngayon nasa state pa din kami ng ligawan. Hindi ko pa siya sinasagot hindi naman dahil sa hindi ko siya gusto, sa totoo nga ay gusto ko na siya. Sa dalawang buwan niya kasing panliligaw sa akin, ginagawa niya ang lahat ng paraan para pasiyahin ako at guatuhin siya. At charan! Nahulog na nga ako sa kaniya.

Pero kahit ganon, sadyang hindi pa talaga ako handa, pakiramdam ko kasi marami pa akong kailangang gawin sa buhay ko bago siya sagutin.

Tulad ngayon, wala pa akong trabaho. Nahihiya naman ako sa kaniya, siya dakilang superstar samantalang ako ni kahit janitor ay ayaw tanggapin. Kailangan ko munag pausarin ang buhay ko bago maging kami, kailangan ko munang tulungan si ate.

Tumikhim ako para pigilin ang kilig na nararamdaman ko.

“Ito, ayos lang naman.” Sabi ko habang sumusupil ang ngiti sa labi.

“How's the job that you are applying for?”

“Paano mo nalaman na naga-apply ako?”

“You forgot that your sister is my manager and were friends. She told me earlier that you are applying for a job... again.” Aniya. “Yumi, I said stop finding a job, be my PA instead. Nahihirapan ka lang at ayaw ko non.” Narinug ko ang pagbuntong-hininga niya. “Babe, please, alam kong nahihirapan ka na so you should stop it. Maybe, being my PA and me as you're boss are destined.”

“Destined mo mukha mo.” Umirap pa ako. “Basta, ayokong tanggapin ang pagiging PA mo. Alam mo namang ayaw na ayaw kong ina-asa ang sarili ko sa ibang tao di ba? Boss, kaya ko ang sarili ko kaya wag kang mag-alala. Mag-tiwala ka kang sa akin baka nga magulat ka nalang isang araw may trabaho na ako, sa isang malaking kumpanya pa.” Pagma-mayabang ko sa kaniya kahit na alam kong baka hindi mangyari yon.

Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Siguro ay nag-iisip na naman kung paniniwalaan niya ba ako o kung hindi na. Ilang daang beses ko na kasing pinag-yabang ang mga salitang yon sa kaniya pero hanggang ngayon ay hindi pa din nangyayari.

“May tiwala ka ba sa akin?” Tanong ko sa kaniya.

Ilang segundo bago siya bumuntong hininga saka nag-salita.

“Of course, I trust you.” Bulong niya gamit ang malumanay na boses niya.

“Yun lang naman ang kailangan ko.” Sagot ko pabalik. “Nga pala, kamusta ang taping niyo diyan? Maayos naman ba?” Pag-iiba ko ng topic.

Nasa La Union kasi siya ngayon, may taping siya kasama ang ibang artista para sa isang tele-serye na gagawin nila. At alam niyo kung anong mas malupet? Nakakainis yung ka-partner niya. Kung si Samantha ay dakilang unggoy si Yllana naman na ka-partner niya ngayon ay dakilang linta. Sana kang talaga, bantayan siyang mabuti ni ate doon.

Noon pa man, alam ko nang malandi yang si Yllana Martinez na yan, kaya nga kahit maganda siya ay hindi ko siya inidolo. Dati pa kasi ay sikat na sikat na siya sa pagiging malandi niya. Ang sarap nilang pag-umpugin ni Samantha na made in China, parehas malalantod. Kaya kapag mag-kasama sila ni Yeonjun ay kinakabahan agad ako.

“Fine, just a little bit tiring.” Reklamo niya. Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nakanguso siya ngayon. “I wish that you could be here beside me and make me happy. Everything I'm looking at the beach here, I'm imagining you and me standing at the seashore while I'm hugging you from the back. And... we're watching the sunset.”

Sa sinabi niyang yon, napapikit nalang ako saka in-imagine ang mga sinabi niya. Siguradong masaya nga yon, kaming dalawa, habang nakatingin sa magandang tanawin na mag-kasama at magka-yakap.

Sana nga balang araw magawa namin yon.

“Hey, still there?” Nagising nalang ako mula sa imahinasyon ko nang mag-salita siyang muli.

“A-Ah, oo.”

“I need to end this call now,” Awtomatikong bumagsak ang balikat ko dahil doon. “Hinahanap na ako sa set dahil tumakas lang talaga ako para maka-usap ka.”

“Okay, mag-iingat ka diyan.” Lalo na't may linta diyan sa tabi mo.

“Yeah, you should take care of your self too, queen, kasi kapag nalaman kong may nangyari sayong hindi maganda diyan habang wala ako, pupuntahan agad kita diyan. Isa pa, I don't want to get hurt my future wife and the future mother of my kids.” Aniya na gumising sa mga paru-paro sa tiyan ko.

“Ang advance mo talaga mag-isip.” Natatawang sabi ko.

“And lastly, I can't wait for the day that I can hug you again. See you next week, I really really miss you, my queen. I love you, bye for now.” Yun lang ang sinabi niya saka pinatay ang tawag.

Nakangiti ko namang inialis ang cellphone sa tenga ko saka niyakap yun na parang si Yeonjun yon. Nakaka-miss din pala ang ka-sweetan niya. Hindi na ako makapag-hintay na makita siya ulit, kailangan ko pang mag-hintay ng isang linggo para mangyari yon at sana pagbalik niya ay may trabaho na ako.

Sa pag-iisip sa kaniya, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sofa. Nagising nalang ako dahil sa pag-kalam ng sikmura ko, napatingin ako sa wall clock at nakita kong alas-otso na pala ng gabi. Napahaba ang tulog ko, napagod yata masiyado ang katawan ko sa mahabang lakaran kanina.

Tumayo na ako saka naglakad patungo sa sofa para mag-hanap ng pagkain. Binuksan ko ang ref at kumuha doon ng sardinas at nilagay yon sa mangkok, kumuha din ako ng plato saka kanin sa rice cooker. Dinala ko lahat yun sa dining table at doon yun nilantakan.

Habang kumakain, naisipan kong mag-bukas ng facebook. Wala naman akong nakita doon kundi mga kabalastugan lang ng mga teenager ngayon. May nakita din akong mga post tungkol sa bagong tele-serye ni Yeonjun at wala naman akong ibang nakita doon kundi puro papuri lang. Iilan lang ang nabasa kong negative comments, mga tatlo lang yata.

Habang nags-scroll sa news feed ko, aksidente kong nabasa ang isang job hiring para sa mga nahahanap ng trabaho.

Murukami's Group Of Companies.

*Finding for a new CEO secretary*

Binasa ko ang lahat ng requirements doon at lahat yon ay pasado naman ako. Napakagat nalang ako ng labi saka sunod-sunod na isinubo ang laman ng plato ko para mabilis akong matapos at maka-tulog agad. Kailangan kong mag-mukhang fresh bukas sa papasukan kong trabaho.

Iba ang pakiramdam ko tungkol sa kumpayang yon, pakiramdam ko matatanggap ako!

Pagkatapos kong kumain ay masaya kong hinugasan ang mga hugasin na ginamit ko. Pagkatapos non ay nag-hugas agad ako ng katawan saka nagpalit ng pajama. Ang ganda talaga ng pakiramdam ko sa kumpanyang papasukan ko bukas. Nae-excite ako na ewan.

Tumapat ako sa electric fan para matuyo ang buhok ko, pakanta-kanta pa ako sa harap non dahil sa kasiyahang nararamdaman ko. Sana talaga matanggap ako para matulungan ko na si ate. Naawa na din kasi ako sa buntis na yun e, baka makunan pa yun dahil sa pagta-trabaho.

Nang matuyo ang buhok ko ay tumayo na ako saka binunot sa saksakan ang electric fan. Ni-lock ko ang pintuan saka pinatay ang ilaw, pagkatapos non ay tumalikod na ako saka papasok na sana sa loob ng kwarto nang may marinig akong katok mula sa labas.

Nilingon ko yun saka dahan-dahang naglakad papunta doon. Narinig kong muli ang pag-katok ng kung sino sa labas. Kinuha ko ang walis tambo na nasa gilid ng pinto saka hinawakan yon na parang isang espada.

“Sino yan?” Tanong ko pero walang nag-salita sa labas, patuloy lang ito sa pag-katok. “Sino sabi yan?!” Sumigaw na ako.

“For sure, you don't know me.” Sagot nito at base sa boses, alam kong lalaki yon.

“Anong kailangan mo?” Tanong ko.

“Please, open the door, I-I'm dying.” Nahihimig ko ang panghihina sa boses niya.

Nag-dalawang isip muna ako, paano kung magnanakaw pala o rapist ang isang to? Baka kung ano pa ang gawin nito sa akin pero hindi naman siya kakatok sa pintuan ko kung masama siyang tao di ba? Tsaka, hindi naman ako kinakabahan sa kaniya. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto.

Nakita ko ang lalaking magulo ang buhok at may kulay asul na mga mata. Sobrang putla na nito at halatang may masakit sa kaniya pero nakangiti pa din siya sa akin.

“H-Hi, c-can I stay here for tonight? Because you know, I really need your help.” Ang ngiti niya ay nauwi sa ngiwi.

Nakita ko ang kamay niya na punong-puno ng pulang likido, galing yon sa tiyan niya na tinatakpan ng isang kamay niya. Punong-puno na din ng dugo ang kulay puti niyang damit. Nanlaki ang mga mata ko saka nahigit ang hininga.

“S-Sino ka ba?” Naitanong ko out of nowhere.

Tanga mo, Yumi! Wag kang puro tanong! Tulungan mo yung tao!

Sigaw ko sa isip ko pero hindi ko pa din maikilos ang mga paa ko. Nakita ko ang pag-pikit niya ng mariin sa mga mata niya. Sa mukha niya, alam na alam ko na agad na nasasaktan na talaga siya.

“Nice to meet you, I-I'm Xever. X-Xever Nicholo Muru... Muru—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang bigla nalang siyang bumagsak sa sahig.

Продовжити читання

Вам також сподобається

1.1M 28.1K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
3.5M 147K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
50K 3.6K 22
His Rage as Fire🔥 his look like devilishly 😈his thoughts like Demon 😈 .... totally he is venom 🧛🏻 She is pure like water ☺️ Her looks like Angel...
389K 11.9K 21
The only mistake I did in life was saying " I Do." Was it really a mistake?