Kathang Isip

By iamateJR

3.4K 129 98

Who's willing to live, laugh, love? Happy Reading ??? Author's Collection of Short Stories.... >__< More

WARNING !!!
Miss Author (status:online)
YOU (as told by my HEART)
Game of Love
Love Knows, Love Grows
KKK (Kamalasan, Katangahan, Kahihiyan)
Love Letter
The Gift
Ang Unang Dalaw ni Lottie

Buwan (Acacia Love Story)

262 12 2
By iamateJR

"Kasi naman nagtanggal pa ng payong sa bag..."

Nandito ako ngayon sa may gate ng subdivision. Kakauwi ko lang galing ng school. Oo, umuulan ngayon at wala akong dalang payong. No choice kaya maglalakad ako sa ulan ngayon.

Tatakbo na sana ako ng biglang may humila ng kamay ko. Akala ko si Manong Guard pero iba pala. Sinukob niya sakin ang dala niyang payong. Oo kasama ko siyang naglalakad ngayon. Dalawa kami sa iisang payong. SILENCE...

"Ang tibay mo din kung sa ganito kalakas na ulan uuwi ka sa inyo, magkakasakit ka niyan." ~siya

"H-huh??" ~ako

Wala akong masabi. Pano naman ni hindi ko na nga siya kilala bigla pa niya akong kinausap, the fact na magkasukob kami ngayon sa iisang payong. Wala talaga akong masasabi nun kundi "HUH??" alam niyo yun. Yung feeling na yun.

"Lee nga pala, Jam tama?" ~siya

Oh! Anduga naman ata. Kilala niya ako tapos siya hindi ko kilala. Anduga talaga. Saan ko nga ba nakikita ang lalaking to. Di ko maalala.

"Ah! Eh OO. K-kilala mo ako?" ~ako

"Oo naman. Magkapitbahay nga lang tayo." ~siya

Oh! ngayon naman magkapitbahay naman kami. 17 years na akong nakatira sa subdibisyong ito pero kahit anino man lang niya ay hindi ko matandaan. Mysterious...

"Bagong salta lang ako kila Tito. Galing akong states at dun na lumaki for 5 years. Kilala kita sa pangalan dahil kinuwento lahat ni Tito sakin mga kapitbahay para daw kapag may papag-utos siya sakin alam ko kung saan ako pupunta." ~siya

“Ganun, hehe…” ~ako.

Nanliit naman ako sa sarili ko ng mapatitig ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Gusto ko na tuloy agad makauwi, hiyang-hiya na ang balat ko sa kaputian niya. Ang pangit ko na nga, ang haggard pa ng mukha ko sa stress na dinulot ng panggabi kong klase habang siya ay fresh na fresh pa ring tingnan sa malinis niyang mukha.

“May night class ka din ba?” ~siya.

Sandali lang. Mausisa a. Feeling close si kuya.

“Ah, eh!! OO, araw araw hanggang 7:30 ako.” ~ako

“Ah! Pareho tayo.” ~siya.

Ngayon ko lang napansin. Nag-aaral din siya sa school. Naka-uniform ng panlalaking uniform ng school.

“Hehe.” ~ako.

Ano ba to ang boka kung tao sa school pero natatameme naman ako sa kausap ko ngayon.

“Sabay na lang tayo araw-araw. Yun kung ok lang naman sayo.” ~siya.

Ok na ok yan hahaha.

“Ah, eh… Nakakahiya naman sayo.” ~ako.

“Huh!” ~siya.

Napahina ba ang sabi ko para hindi niya marinig.

“Ah, wala. Ah, eh.. Ok lang naman. Wala din naman akong kasabay kapag umuuwi.” ~ako

“Hehe, same school naman tayo kaya magkikita’t magkikita tayo sa school.” ~siya.

“Sige, goodeve.” ~siya

“Salamat” ~ako

~~~~~~~~~~~

“Ma, wala ka kagabi?” ~ako.

Gala si Mama. OO mahilig siya sa gimmick. Ganyan naman yan simula nung iwan ng Papa. Yun na lang nagpapasaya sa kanya kaya hinahayaan ko na lang pero napapadalasan na din na wala siya sa bahay kaya ito pinagsasabihan ko nanaman mamaya magdadrama nanaman, aiyt…

“Baby, alam mo naman kung nasaan si Mama, ito na baon mo sa kwarto lang ako.” ~mama

“K, bye” ~ako. Aiyt makapasok na nga, ke aga-aga bad vibes ai naku.

~~~~~~~~~~

“Ai, Jam wala akong dalang kaldero para isabit sa mukha mo. Bat nanaman nakabusangot ka diyan.” ~si Mhie

“Alam na, aiyt bat ka nandito klase na ah.” ~ako

“Di ka ba tinxt? Teachers day ngayon kaya sa gym tayo lahat.” ~si Mhie

“Huh! Walang nagsabi sakin. Effort pa akong nag-review sa Calculus” ~ako

“Wala kasi akong load pero wala ng klase. Wag na tayong pumunta dun movie marathon na lang tayo sa apartment.” ~si Mhie

“Sure, dala ko external. Tara” ~ako

Buhay college, minsan lang makapag-movie marathon. Aiyt.

“Hi! Jam…” ~si HULAAN

“H…Hello :0” ~ako

“Sino yun, iba kayo magtitigan ah parang wala ng bukas.” ~si Mhie

“Bagong salta samin, kahapon lang kami nagkakilala. Lee ang pangalan.” ~ako

“Eh! Gwapo ah, pakilala mo naman ako.”~si Mhie

“Di nga kami magkakilala, ikaw pa kaya. Haha cge nxt time.” ~ako

“Chos, nakakahiya naman sayo, si sayo na basta ako may Min Hoo ako…hahaha”~si Mhie

“Wan sa iyo, Ito na lang panoorin natin kakadownload ko kagabi trailer lang napanuod ko. Spellbound…” ~ako

“Cge, kahit ano diyan basta may mapanuod.” ~si Mhie

Grabe hindi naming mailarawan kung matatawa ba kami o matatakot sa pinapanuod naming. Makapaghanda naman ng kumot si Mhie wagas lang eh no tapos pagpapawisan naman kakatawa. LOL…

7 na kami natapos sa panunuod, naka-limang movie ata kami. Merienda. Malapit lang sila sa 7 eleven kaya naman dun ang diretso naming pagkatapos manood. Ayoko pang umuwi kaya tumambay muna kami dito. Ngayon naman pagkain ang pagdidiskitahan naming dalawa. Sa mga ganito kami nagkakaintindihan ng taong ito eh.

“Hi… Jam ulit?” ~si HULAAN

“Eh? Nandito ka!! Haha… tara kain” ~ako. Sinusundot sundot naman ako sa tagiliran ni Mhie nagpapaalala na ipapakilala ko daw siya dito.

“^_____^” ~siya

“Siyanga pala si Mhie, kaklase ko. Mhie si Lee, Lee si Mhie.” ~ako. Ayus ah parang Lee Min Hoo lang…

“Hi, ako si Mhie, kaklase ni Jam” ~si Mhie

“Lee” ~siya

Kwentuhan lang kami dun. Umorder siya ng Jampong Noodles at ayun kami na ata ang pinakamaingay magkwentuhan sa loob ng 7 eleven.

9 nadin ng gabi. Ayus lang wala namang magagalit sakin sa bahay pero nag-aya na din umuwi si Mhie kasi masakit daw ang tiyan kaya naman nagkaayaan na kami. Hinatid namin si Mhie sa kanila at sabay na din kaming umuwi ni Lee.

Medyo nawawala na ang pagkahiya ko sa kanya kasi nagkwentuhan muna kami sa Twin Park bago tuluyang umuwi. 11 na din ata kami nakauwi. 

~~~~~~~~~~~~~

“Baby, sino yung naghatid sayo ngayon.” ~ Mama. Himala nasa bahay ngayon.

“Kapitbahay na tin Ma, pamangkin ni Tito Sammie” ~ako

“Ah, si Lee.” ~Mama. ?? magkakilala sila?

“Kilala niyo Ma?” ~ako

“Oo, siya nagsu-supply ng tubig sa buong subdivision tuwing umaga. Anak, lalabas muna si Mama. May pagkain sa ref. Ipainit mo na lang pagkagising mo bukas. Weekends naman, ipinagbilin na kita kay Manang.” ~Mama

“What’s new Ma, ingat ka sa lakad mo, kila Mhie ako bukas, dun muna ako tatambay.” ~ako

“Ok Baby, naglagay na ako allowance mo sa ATM mo. Babye, goodnight.” ~Mama

~~~~~~~~~~~~

Aiyt. Boring. Music On. Senti mode. Di pa ako makatulog kaya naman pumunta ako sa arts room. Oo may sarili akong arts room dahil mahilig akong magpaint. Maalam ako sa charcoal painting. Yun ang namana ko kay Mama. Yun ang nagustuhan ni Papa kay Mama, ang pagiging artistic niya pero ahmmm wag niyo ng tanungin kong bakit magkahiwalay sila ngayon, mahabang kwento pero sadyang malaking misunderstanding lang ang lahat… Aiyyyt.

*Tok Tok Tok* => walang kumakatok sa pinto, sa bintana yun. May bumabato sa bintana. Nubeyen dis oras na ng gabi may haharana ba sakin?

Dumungaw ko sa bintana at pagtingin ko, nakita ko si Lee sa bintana sa kuwarto niya. Magkatapat lang ang arts room ko sa kwarto niya.

~~~~~~~~~~~~

“Di makatulog?” ~Lee

Umiling ako sa kanya habang nakangiti.

“Patambay sa inyo, di din ako makatulog…” ~Lee

“Hmmmm” ~ako

Lumabas siya mula sa bintana ng kuwarto niya at inakyat ang puno na nag connect sa bahay naming sa kanila. Ilang sandali pa nasa tapat na siya ng bintana ko. May pinto naman pero sa bintana pinadaan. (A/N: Trip eh, anong paki mo)

“Ba’t di makatulog?” ~siya. Nakaupo siya sa may bintana.

“Di dalawin ng antok. Ikaw?” ~ako

“Hindi talaga ako makatulog dahil full moon ngayon.” ~siya

“Ganun, Ang ganda nga ng buwan ngayon.”~ako. Napatitig tuloy ako sa buwan.

“Isa lang naaalala ko tuwing kabilugan ng buwan.” ~siya. Curious…

“Ano?” ~ako. Curious

“Yung kababata ko na kasama kung nakatambay nun sa may puno ng Acacia sa may likod bahay at inaantay na may magpakitang multo samin pero walang nagpaparamdam.” ~siya.

“Eh? Haha, bat naman kayo nag-ha-hunting ng multo?” ~ako

“Wala lang katuwaan lang namin.Unahan kaming makakita ng multo.” ~siya

“Ang cute naman. Gusto ko ding subukan.” ~ako

“Haha, gusto mo? Tara.” ~siya.

Hindi pa ako nakakasagot pero hinila niya ako. Dumaan kami sa dinaanan niyang puno at sa may likod na ng bahay nila kami lumabas. Hawak hawak niya ang kamay ko patungo sa lugar na sinasabi niya. Parang may naaalala ako sa lugar na to.

“Anong masasabi mo sa view?” ~siya

“Ganda. Ang ganda naman dito.” ~ako. Parang may naaalala talaga ako sa lugar na to.

"Dito kami lagi tuwing kabilugan ng buwan, kung di man kami nag-aantay ng multo, naghahabulan kami o kaya nagtataguan dito." ~siya

"Bespren mo?" ~ako

"Oo... miss ko na nga eh!!" ~siya

"hmmmm..." ~ako. Tumitig ako sa buwan tapos umupo ako sa paanan nito at sumandal sa may puno.

“Sabi nila iba iba ang kulay ng buwan kapag full moon at ang pinakamaganda sa lahat ay blue moon. Blue moon ngayon at ayun sa kasabihan ang taong kasama mo habang nakatitig sa buwan tuwing blue moon,” ~siya

“ay ang taong makakasama mo habang buhay…M-m-Marial Lee? Mayel? MAYEL…” ~ako.

Napayakap ako sa kanya. Bakit ngayon ko lang to nalaman. Oo siya si Mayel ang kababata kong nang-iwan sakin na hindi man lang ako sinabihan na aalis. Hindi ko man lang siya namukhaan, ang laki ng pinagbago ng hitsura niya. Iba ang Mayel na kilala ko, payatot yun pero ang kisig niya ngayon. Namiss ko ang taong to.

“Ah! Ah… bat ngayon ka lang nagpakita saking ulol ka, NAKAKAINIS KA…” ~ako

"Kahapon pa ako nagpakita sayo..." ~siya

"Baluga, kang payatot ka... Nakakainis ka Mayel, tampo pa din ako sayo..." ~ako

“I’m SORRY.. pero andito na ako at di na kita iiwan ulit. Namiss ko kaya ang tabaching ching kung bespren, MAHAL KITA EH, DI KITA MATIIS…” ~siya

“PROMISE?” ~ako

“PROMISE, cross my heart” ~siya

“Hope to die” ~ako

~~~~~~The End~~~~~~~~

Continue Reading

You'll Also Like

74.7K 99 15
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
70.7K 3.5K 25
Porcia Era Hart x Chrisen