TEENAGE HERO |ON GOING|

By Greycco1723

1.5K 35 4

Kung ikaw kaya s'ya ano kayang pipiliin mo Love or Mission??. More

TEENAGE HERO
TH ~ 1
TH ~ 2
TH ~ 3
TH ~ 4
TH ~ 5
TH ~ 6
TH ~ 7
TH ~ 7.25
TH ~ 7.50
TH ~ 7.75
TH ~ 8
TH ~ 9
TH ~ 10
TH ~ 11
TH ~ 12
TH ~ 13
TH ~ 14
TH ~ 15
TH ~ 16
TH ~ 17
TH ~ 18
TH ~ 19
TH ~ 20
TH ~ 21
TH ~ 22
TH ~ 23
TH ~ 24
TH ~ 25
TH ~ 27
TH ~ 28

TH ~ 26

9 0 0
By Greycco1723

Boom!

Biglang napabalikwas si Blue dahil sa gulat matapos niyang marinig ang isang malakas na pagsabog sa di kalayuan. Mula sa kinaroroon niya ay tanaw ang itim na usok na mabilis na kumakalat dala narin siguro ng napakalakas na ihip ng hangin sa paligid.

"Si Nathan! " Wika ni Blue matapos maalala na ang lugar na pinagmumulan ng maitim na usok ay ang lugar din kung nasaan ang kubo na kanina na lang ay pinagaaralan nilang dalawa ni Nathan. Nagmadli siyang maipasok ang napulot na korona sa dalang backpack. Agad siyang tumakbo sa lugar kung saan nagmumula ang itim na usok dahil alam niya na maaring mapahamak ang kaibigan kung hindi pa siya magmamadali. Walang lingon-lingon ay mabilis siyang tumakbo sa masukal,  madamo at sala-salabat na sanga ng punong kahoy.

Buong lakas niyang hinawi ang mga tuyong sangana nakaharang sa kaniyang dinaraanan, wala na siyang pakialam kahit matalisod o matalipad pa siya dahil sa mga tuyong dahon at mga basang damo na kaniyang nadaraanan basta mahalaga ay makarating siya sa kinaroroonan ni Nathan.

Nang makarating siya sa lugar ay ang tangi nalang niyang nakita ay ang mga sirang kuboat mga nagkalat na piraso ng kahoy mula rin dito.

Iginala niya ang kaniyang paningin upang hanapin si Nathn pero ni-anino nito ay walang mababkas sa buong paligid.

Boom!

Isa uling malakas na tunog ang bumasag sa katahimikan ng buong paligid at gayun din sa pagiisip niya kung nasaan ang kaibigan.

Boom!  Boom! Boom!

Sunod-sunod na tama ng bato sa lupa na kaniya namang naiwasan, kahit malayo ang kaniyang iniisip at wala sa laban ang kaniyang konsentrasyon ay nakakkilos at nakakaiwas parin siya ng mabilis dahil sa natutunan niya sa loob ng madilim at malamig na kweba kasama si Capt.  Gray. Dahil na rin sa pagsasanay na ito ay masnapagaling at masnapaghusay pa niya ang kaniyang kakayahan sa pakikiramdam.

Iniikot niya ang kaniyang paningin sa buong lugar at sa di kalayuan ay namataan niya ang isang Modified Wattz na may hawak na malaking bato.  Pero ang mga batong hawak niyo ay hindi lang basta-bastang bato na makikita mo kahit saan,  mga malalaking nagbabagang bato ang nakapatong sa magkabilang palad ng kalaban niyang Modified Wattz.

"Kaya pala nagkasunog eh!  masyado ka palang mainit. " Wika pa ni Blue nakatingin sa Modified Wattz.

Muli namang initsa ng kalaban ang mga batong hawak nito pero digaya kanina mas malakas at mas mabilis ang paraan niya ng paghagis sa mga nagbabagang bato.

Mabilis ang kilos na ginawa ni Blue sa mga oras na ito.  Kung baga sa badminton , nililito niya ang kalaban kung saan niya talaga papupuntahin ang ititirang bola. Takbo rito,  takbo ron. Pabalik-balik lang ang ginagawang pagkilos ni Blue habang umiiwas sa mga naglalakihang bato na ipinupukol sa kaniya ng kalaban niyang Modified Wattz. Bawat tama ng mga naglalakihang bato sa lupa ay akala mo'y lumilondol ng pagkalakas-lakas dahil sa impact ng pagtama nito sa lupa, idagdag mo pa dito ang kasamang apoy ng mga naglalakihang bato.  Halos mala impyerno na nga kung titingnan mo ngayon ang mala paraisong parkeng ito bago salakayin at sirain ng mga Modified Wattz.

Boom!  Boom!

Patuloy parin si Blue sa pagiwas sa mga atake ng kalaban, kinabisado niya ang lahat ng galaw ng halimaw ng kamuka ni Shrek ang kaibahan lang ay ang kulay ng balat nito, dahil masyadong maitim kumpara sa balat ni Shrek na kulay berde. Binibilang niya ang bawatsigundong pagitan ng bawat atake ng kalaban at kumukuha ng tamang tiyampo at pagkakataon kung kailan magandang umatake. Kahit simpleng paghakbang paatras at paabante,  mga galaw ng kamay at paa at kahit pagpaling ng ulo ng halimaw ay maigi niyang tintingnan para pagaralan.

Nang makabisado nya ang paraan ng pagatake ng kalaban ay para nakang siyang nakikipaglaro dito at sa bawat iwas niya ay may halong paginak na para bang sumasayaw sa gitna ng isang intablado.

Hindi naman ikinatuwa ng Modified Wattz na kalaban ni Blue ang mga nakikita niya at ang kasalukuyang nangyayari sa laban nila. Simula kasi nugn nabuhay siya ngayon lang siya nagkaroon ng katapat na kayang iwasan ang malalakas na atakeng pinapakawalan niya. Sa sobrang inis, ikinumpas niya ang kaniyang mga kamay pataas at kasabay naman nito ang pagangat ng naglalakihang mga bato na galing sa ilalim lupa. Nang lahat na ng bato ay tuluyan ng lumutang ay itinikum niya ang kaniyang mga kamay kasabay rin ng pagliliyab ng mga nakalutang ng bato na para bang binuhusan ng gas atsaka sinindihan sa sobrang lakas ng apoy na lumabas dito.

"Wow ang galing! Parang kapangyarihan ni nila kuya Recca at kuya Max ang kapangyarihan nito ah! " Manghang sabi ni Blue habang pinagmamasdan ang mga nakalutang na naglalakihang bato sa ere. Lalo pa siyang namanghq ng lumiyab ang mga ito sulo na sobrang lakas. Napalunok ng tatlong beses at pinunasan ang butil-butil na pawis sa noo at pisngi gamit ang likod ng kaniyang palad.

Mas lalo namang naasar ang Modified Wattz kay Blue dahil sa mga ginagawa pinapakita nito. Para bang,  pinapamuka niya na mahina siyang sobra at ginagawang laro ang laban nilang dalawa. Sa sobrang galit at pagkainis sa dalaga ay isa-isang inihagis ng Modified Watts ang mga nagbabagang bato patungo sa direksyon kung saan naroon ang dalaga pero mas ikinagulat niya ang mga sumunod na ginawa nito.

***

NATHAN's POV.

Simula nung umalis si Aira Jannyl ay wala na akong ginawa kung hindi buklatin at magpalipat-lipat ng pahina ng librong binabasa ko.

Hay!!!

Boring naman.  Bakit kasi nauso pa yung libro kung madidiskubre rin naman yung computer,  diba?!  tingnan mo nalang itong napaka-kapal na dictionaty na inilabas ni Aira Jannyl mula sa bag niya.  Tss!  Bakit mo pa ba kailangang isa-isahin ang pagbuklat ng napaka-kapal na librong iyan kung andyan naman si pareng google? nakakabobo lang ano?

Well anyway, inilapag ko muna yung makapal na libro dun sa ibabaw ng table tapos tumayo ako dun sa pinaka-pinto ng kubo atsaka huminga ng malalim.  Aba! nakakapagod dinkaya ang maguupo at magbasa ng mga makakpal na libro.

Ipinaling ko ang aking ulo paikot sa buong ligar, hindi ko pala nasabi kay Aira Jannyl na pagkarapos namin dito sa pagaaral kuno ay pupuna kami dun sa lugar ng mga couple. Wah!  hehe,  hindi na ako makapaghintay.

"Wah! Tulong may halimaw!"Napatigil ako sa pagngiti ng makarinig ako ng malakas na sigaw mula sa di kalayuan. Kung hindi ako nagkamali ng dinig ay halimaw daw ang sabi niya. Tch!  ang taas-taas ng araw kung anu-ano ang iniimagine.

Boom!

Napabalikwas ako ng tingin sa di kalayuang kubo mula sa kinalalagyan ko ng marinig ko ang isang malakas na pagsabog.

F*ck! bakit may sumbog?   may nagiwan ba doon ng bomba kaya sumabong ang kubong iyon?

Boom!

S*it! napatakip ako ng tenge dahil halos mabingi na ako sa lakas ng pagsabog nung isa pang kubo. Lumabas ako dun sa kubo kung saan kami nagaaral ni Aira Jannyl at ikinagulat ko naman ang nakita ko. Halos lahat ng tao dito sa Park na nagkakasiyahan kanina ay nagmamadaling tumakbo paalis. Ano bang nagyayari? wala kasi akong kaede-edeya kung bakit sila nagtatakbuhan, well given na yung dalawang beses na pagsabog pero sapat na ba iyon para tumakbo at magunahan sila paalis ng lugar?

Kahit ayaw kong maki-osyoso ay wala parin akong nagawa para pigilan ang aking sarili at sa huli ay nangharang parin ako ng taong kasama sa mga tumatakbo.

"Kuya ano pong nagyayari? " Tanong ko dun sa lalaking nahawakan ko sa braso. Halos lumuwa na nga yung mga mata sa sobrang panglaki, dahil siguro sa mga nagyayari. What the h*ll is happening here?

"Ma-may halimaw. Mabuti pa hijo umalis kq na rito mapahamak. Ma-masyado ng delikado. " Sabi niya tapos inalis yung pagkakahawak ko sa braso niya at nagmadaling umalis. Halimaw? may halimaw daw?  pero saan at paano?

Itinuloy ko nalang yung pagtakbo pasalungat dun sa direksyon ng mga nagtatakbuhan paalis pero hindi pa ako gaanong nakaklayo ay may narinig nanaman akong pagsabog at tapos yumanig ang lupa na akala mo ay lumlindol.  Limingon ako pabalik sa pananggalingan kong kubo at napanganga ako sa nakita ko.

Ang kubong pinahirapan kong pagandahin at lagyan ng mga magagarang dekorasyon. Ang kubo kung saan kami sabay na nagaaral at nagbabasa ng sabay ni Aira Jannyl kanina. Ang kubo kung saan kami nakatanbay kanina lang ay....

Ay, ngayon ay sira na dahil sa napakalaking batong bumagsak dito galing kung saan. Tinutupok narin ito ng naglalagablab na apoy na kahit nasa malayong lugar na ako ay ramdam ko parin ang init na inilalabas nito. Hindi ko lubos maisip na ang araw na inakala kong magiging masaya ako ay hahantong sa ganitong pangyayari.  Buti nalang ay wala na ako roon at nag-cr naman si Aira Jannyl.

Teka?!  si Aira, kanina pa siya hindi bumabalik. Baka...  Baka..  Baka may nangyari ng masama sa kaniya?!

hindi ko na ko na ipinagpatuloy ang aking pagiisp at baka kung saan pa ako makarating at ayaw ko ng isipin na baka may nagyari ng masama kay Aira. Tumakbo ako ng mabilis hanggang sa abot ng aking makakaya. Tinahak ko ang daan patungo sa pampubikong palikuran na itinuro ko kanina kay Aira. Napakarami kong naka-salubong na tao at halos lahat sila ay sumisigaw habang tumatakbo at yung iba naman ay humahagulgol sa pagiyak. Hindi ko na nga pinasin ang mga taong nababangga ko o ang mga taong nakakbangga sa akin dahil ang mahala ngayon ay makaalis kami sa pinakamabilis na paraan ni Aira at sa tingin ko ganun din ang iniisip ng lahat ng tao na naririto ngayon. Bakit nga naman nila iintindihin ang simpleng bangga at sakit sa katawan kung sa pananatili nila rito ng mas matagal ay mas malala pa ang makukuha nila or worst pwede pa nilang ikamatay.

Nang makarating ako sa pambublikong palikuran ay pinasok ko ito ng walang pagaalinlangan. Wala akong ibang ingay na naririnig maliban sa aking paghinga at mga yabag ng aking mga sapatos.

Malaking salamin sa gilid ang bubungad sa iyo pagpasok mo sa loob at ang isang mahabang porcelain lavatory sink na nabablutan ng mga kulay asul na tiles. Inisa-isa ko ang pagpasok sa mga cubicle na matatgpuan sa loob ng palikuran pero wala akong nakitang tao sa loob ng mga iyon. Hindi rin mababakas dito ang pagkasira kagaya ng ibang lugar dito sa parke. Siguro hindi pa naabot ng sinasabi nilang halimaw na sumira sa mga kubo doon sa lugar na pinanggalingan ko kanina.

Hindi ko naman nakita ang pakay ko sa lugar na iyon kaya lumabas na ako at itinuloy lang paghahanap. Nakarinig ako ng ilang malalakas na pagsabog sa di kalayuan kaya minabuti kong puntahan iyon.

Sa mga naglalakihang puni ako napadpad sa pagsunod ko sa malalakas na pagsabog. Pero hindi ko inaasahan ang lugar na siyang pinanggalingan ko kanina ay siya ring lugar kung nasaan ako ngayon pero ang kaibahan lang sirang-sira na ito ngayon at wala ng ibang taong makikita bukod sa dalawang nilalang na parang naglalaban.

Mula sa kinalalgyan ko, nakikita ko ang isang halimaw na kamuka ni Shrek.  Nakikita ko rin mula rito ang isang babae na sa tingin ko ay kasinh edad ko lang. May balak ba siyang pigilan ang halimaw?  tanaw ko rin dito ang hawak niyang kulay asul na pana. Ano naman ang magagwa nun eh parang laruan lang?!

Bam!  Bam!  Bam!

Napatigil ako sa pagiisip ng makarinig ako ng sunod-sunod na pagbagsak ng mga naglalakihang bato sa lupa at ikinagula ko naman ang ginawa ng babae para hindi siya matamaan. Isang mabilis na pagkilos ang ginawa niya para maiwasan ang atakeng ibinigay ng halimaw sa kaniya. Sinulyapan ko naman ang muka ng halimaw at kitang-kita ko paano nagbago ang porma nito atsaka bumusangot.  Sa tingin ko nauurat na siya,  kahit ako hindi ako makapaniwala na nagawa nung babae na iwasan yung mga atakeng pinakawalan nung panget na halimaw. Hibdi sa gusto ko siyang masaktan o mapahamak, talagang napahanga lang ako ng husto.

Muling pumwesto at naghanda nag halimaw para sa susunod niyang pagatake.  Umangat mula sa lupa ang mga naglalakihang bato na pumatong sa palad niya. Kitang-kita ko kung paano initsa ng halimaw ang mga naglalakihang bato patungo sa kinaroroonan ng babae, pero sa tingin ko ibang paraan ang ginawa ng halimaw sa pagkakataong ito. Base sa oberbasyn ko, mas mabilis at mas malakas ito kumpara sa kanina pero hindi nagpatinag ang babae. Mas mabilis din ang ginawa niyang pagiwas at bawat hakbang na gingawa nito ay nagmimistula siyang nagsasayaw sa gitna ng isang intablado kung saan napakaraming tao ang nanonood.

Mas lalo naman atang naasar ang halimaw dahil dun sa ginawa nung babae djn sa mga atake niya. Nagpakawala siyang muli ng mga bato pero sa pagkakataong ito siya naman ang nagulat. Kitnlang-kita ko ang sa ekspresyon ng muka niya ang pagkabigla. Lahat kasi ng atka niya natapan ng mga pinakawalang palaso mg babae at kitang-kita no rin kung paano lumusot ang isa sa mga ito at dumiretso sa ulo ng halimaw. Pinagmasdan kong mabuti kung paano bumagsak ang halimaw sa lupa. Ilang sandali pa ay lumapit ang babae dunsa katawan ng halimaw tapos tiningnan niya kung talagang patay na talaga ito. Tumayo siya atsaka hinawakan yung bagay sa tenga niya,  parang may kinausap siya na kung sino gamit yung bagay na iyon.

Hay!  dapat navideohan ko yung laban para maipanuod ko kay Aira Jannyl. 

Teka?...

Si Aira Jannyl nga pala. Hindi  na ako lumongon dun sa kinaroroonan nung babae at nagumpisang tumakbo para muling hanapin si Aira Jannyl.

***

GrEycco 1723

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 101K 33
When an unlikely group comprising of a photographer, writer, musician, artist, and poet band together for a documentary film project, anything can ha...