TH ~ 28

13 0 0
                                    

"Nabalitaan mo ba yung nangyari sa park nung nakaraang araw?"

"Ay oo, grabe no? Parang hindi na normal yung nangyayari sa mundo ngayon. Ano kayang susunod? mga bampira? zombie? werewolf?"

"Oa ka naman pero kung kagaya naman ni Edward Cullen yung bampira at kamuka ni Scott Mccall yung werewolf ay nako, willing talaga akong magpalapa sa kanila o ibigay ko man ang katawan ko kasama na yung pagkaberhen ko ay payag ako."

"Berhen ka diyan, maluwag ka na no huwag kang mag-felling."

"Che basta, huwag ka nalang makialam."

Hay! sawang-sawa na akong marining yung issue tungkol sa nangyaring gulo sa Central park. Tatlong araw na yung nakakalipas mula nung nangyari yun pero yun parin angp pinaka-hot issue dito sa school, ay hindi lang pala dito sa school pati narin sa buong mundo. Imagine, tatlong araw na siyang trending sa mga social media world wide. (⊙_⊙) Wow lang talaga.

Pqra tuloy gusto kong sambahin si ate Quinnie dahil sa mga nangyayari ngayon. biruin ninyo, halos lahat ng sinabi niya nuong nakaraan ay tama. Try ko kayang magpahula sa kanaya para malaman ko ang future ko.

"Akin nalang itong fish ball!"

"Ano ka sinoswerte? Inubos mo na nga yung sayo tabos yung saakin naman yung pagdidiskitahan mo? asa ka!"

"Ang damot naman neto parang isang fish ball lang ayaw mo pang-i share, hindi ka ba nagsisimba? hindi mo ata alam yung 'Share your blessings'"

"At ako pa talaga ang sinabihan mo niyan? at pwede ba, huwag mong gamitin ang simbahan sa katakawan mo! dun ka na nga. Shupy!"

Hay! ano pa bang aasahan ko sa dalawang ito kapag kasama ko sila bukod sa bangayan at pagaaway nila. Ngayo itong kawawang rish ball naman yung pinagaawayan nila. Daig pa nila ang aso at pusa kung magaway sa tuwijg magdidikit sila. Hay! nakaka-stress talaga makasa ang dalawang ito. Baka maaga akong tumanda dahil sa kanila.

"Hoy kayong dalawa, tumitil na nga kayo. Parang hindi kayo kumakain!" Sabi ko sa  dalawa.

"Oo nga naman tumigil na kayo. Para walang away ako nalang ang kakain ng fish ball na pinagtatalunan ninyo." Biglang may nagsalita sa gilid namin tapos dinampot niya yung fish balp na kanina pa pinagtatalunan nung dalawa kung talaga ang dapat kumain.

Napaangat ako ng tingin at kita ko sa gilid ng aking mga mata ang sabay na pagtaas ng ulo ng kambal. Kawawa naman itong nilalang na ito kung soino may siya. Siguradong babalatan siya ng buhay ng dalawa.

Halos mapunit na ang bibig ko at mahulog na sa simento ang mga mata sa sobrang pagkagulat. Alam kong oa ako masyado pero sana huwag ninyo nalang pakialaman.

Tiningnan ko yung reaksyon ng dalawa sa gilid ko, takte parehas lang ang mga reaksyon namin.

Si Capt. Gray ba naman ang bubungad saniyo pag-angat mo ng tingin eh hindinka ba magugulat? oo tama kayo ng nabasa, si Capt. Gray nga yung nakiagaw ng fish ball sa dalawa.

"Capt. Gray? ano pong ginagawa ninyo rito?" Tanong ko. Sa lahat ba naman ng lugar sa mundo e sa schooll canteen pa namin siya makikita.

"Bakit bawal ba? e sa nagugutom ako kaya natural lang na dito ako sa canteen pumunta." Sabi niya habang nginunguya yung fisg ball na kinain niya kanina.

"Hindi naman po sa bawal pero......

..

.ano pong ginagawa ninyo dito sa ANA?" Kunot noong tanong ni Razelle.

"Oo nga po, atsaka diba busy kayo sa trabaho ninyo? lalo na yung tungkol sa nangyari sa central park?" Segunda naman ni Rommelle.

Tumingin muna sa aming tatlo si Fapt. Gray tapos ipinagpatuloy niya yung pagngya sa kinain niya fish ball atsaka nilunok. Kinuha niya yung bote na may lamang mineral water atsaka lumagok dito tapos tiningnan niya kami isa-isa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 06, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TEENAGE HERO |ON GOING|Where stories live. Discover now