Mister Superstar ll Choi Yeon...

By Angelkim_10

44K 1.2K 198

Is it possible that a Superstar like him will fall for a girl like her? Choi Yeonjun × Yumi Chua TXT Series... More

Prologue
MS-1
MS-2
MS-3
MS-4
MS-5
MS-6
MS-7
MS-8
MS-9
MS-10
MS-11
MS-12
MS-13
MS-14
MS-15
MS-16
MS-17
MS-18
MS-19
MS-20
MS-21
MS-22
MS-23
MS-24
MS-25
MS-26
MS-27
MS-28
MS-29
MS-31
MS-32
MS-33
MS-34
MS-35
MS-36
MS-37
MS-38
MS-39
MS-40
MS- EPILOGUE
Can I Ask?
Special Chapter

MS-30

738 24 0
By Angelkim_10

YUMI CHUA

Lumabas na siya ng kotse samantalang ako naman ay naiwan sa loob para ayusin ang mga gamit ko. Jusme naman kasi, Patrick! Hanggang ngayon napaka-pakialamero pa din. Yang ex ko na yan, nakakagigil.

Kung nagtataka man kayo kung bakit pa din kami mag-kasama ngayon, ganto yon...

FLASHBACK

“Patrick...” Naibulong ko nalang habang nakatingin sa gwapo niyang mukha.

Ang mukhang kinahumalingan ko noon. Ang mukhang sumira sa buhay ko. Ang mukhang napaka-gwapo na halos perpekto. Ang perpektong mga mata, ang perpektong ilong, ang kaniyang natural na mapupula at manipis na labi. Ang kaniyang kilay na makapal at ang pinaka-nagustuhan ko, ang kaniyang mga pilikmata na akala mo laging naka-mascara.

Pero sa kagwapuhan niya ding yan ako nag-hirap, nasaktan at naging miserable. Na ang akala mong inosente mukha, may itinatago palang ka-demonyohan.

Nakangiti pa sa akin ang siraulo. Akala niya naman maiinlab ulit ako sa ngiti niyang yan!

“Hi,” Bati niya saka naglakad papunta sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

Hi mo pwet mo.

“Ikaw ba yung tinuturo sa akin ng sungking delivery boy na yon?” Tanong ko sa kaniya habang sinasabayan ang mga titig niya.

Hindi tulad dati, kapag nariyan siya sa tabi ko naghuhurumintado na agad ang puso ko sa kilig at saya, ngayon, ang lakas ng kabog ng puso ko dahil sa mga bagay na gusto kong gawin sa kaniya. Gusto ko siyang sapukin pero pinipigilan ko ang sarili ko na wag gawin, after all, baka ipa-pulis niya pa ako.

Nang makarating na siya sa harap ko, tsaka niya lang ako sinagot.

“Oo, ako nga. Nice to see you again, Yumi.” Nawala bigla ang masaya niyang ngiti. Ang mga mata niya ay punong-puno ng kalungkutan at pagsisisi.

Pagsisisi para saan? Pagsisisi dahil ako ang naging girlfriend niya noon?

“Para sa akin, hindi nice na makita ka. Ano bang kailangan mo sa akin?”

Nagpamulsa siya saka huminga ng malalim bago magsalita.

“I'm sorry, Yumi. Humihingi ako ng tawad para sa lahat.” Tinitigan niya ako ng maigi sa mga mata.

Tinitigan ko naman siya pabalik, nakaawang ang labi niya habang ako naman ay nakakagat dahil sa pagpipigil ng emosyon.

“Bakit ngayon mo lang naisip na gawin yan? Naghintay ka pa talaga ng taon.” Sarkastikong sabi ko sa kaniya.

Umiwas siya ng tingin sa akin at yumuko.

“Hindi ko kasi alam kung paano pa kita haharapin dahil sa mga nagawa ko sayo. Kinailangan ko pang mag-ipong ng drum drum na lakas ng loob para makaharap ka ulit. At sorry dahil inabot yon ng taon.” Aniya.

Napakagat naman ako ng labi saka inalis ang tingin sa kaniya. Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa mga bulaklak na nasa paligid at ang mga paru-parong nakadapo sa mga yon.

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Gusto kong umiyak dahil bumabalik sa utak ko ang mga hindi magandang nangyari sa amin sa nakaraan. Ang ginawa niyang panloloko at ang pagpapaka-tanga ko para sa kaniya.

Dati, gustong-gusto kong marinig ang mga salitang yan mula sa kaniya pero bakit ngayon hindi na? Dahil ba ayos na sa akin ang lahat? Dahil ba naka-move on na ako?

“Alam kong sobrang laki ng kasalanang nagawa ko sayo na sa sobrang laki ay imposible nang mapatawad mo ako. But still, gusto ko pa ring mag-sorry sayo dahil sa konsensiya at gusto ko na ding magkaroon ng buhay na masaya, yung walang araw na dumadating sa buhay ko na pinagsisisihan ko dahil sinaktan kita.” Doon na tumulo ang luhang pinipigilan ko.

Tumingala ako para pigilan yon kaso parang isang gripo ang mga luhang yon na umaapaw sa mga mata ko. Hindi ko magawang pigilan.

“Kasalanan ko ang lahat noon. Ginawa kitang tanga. Ginawa mo ang lahat, tumigil ka sa pag-aaral para sa akin, nag-trabaho ka dahil gusto mo akong patapusin, sinuway mo ang gusto ng ate mo at tinanggap mo ang lahat ng masasakit na salita ng mga tao sayo.” Dagdag niya. Gusto ko na siyang patigilin dahil masiyado nang masakit pero alam kong kailangan ko to, alam kong kailangan ko ng closure para tuluyan na akong makapag-move on kaya hindi ko na ginawa.

“Naging masaya naman ako sa relasyon nating dalawa e, noong una. Pero noong nagtagal na, nawawala na yung spark sa pagitan natin, nawawala nang unti-unti ang nararamdaman ko para sayo. Ang lahat para sa akin ay naging isang responsibilidad nalang, hindi na ako masaya... tulad noong una. Alam kong ang gago ko dahil ikaw pa ang nagta-trabaho para pagtapusin ako kaso, wala akong ibang choice dahil nga tarantado ako, wala akong trabaho at ikaw nalang ang makakapitan ko. Inaamin ko, noong tayo pa, marami din akong mga naging karelasyon.” Napahagulgol na ako dahil doon.

“Noong napagtapos mo na ako, dapat makikipag-hiwalay na ako sayo noon kaso naunahan mo ako. Nahuli mo na ako. Pagkatapos non, sinubukan kitang hanapin pero lumipat na pala kayo ng ate mo. Hinanap ko kayo at nang makita kita, umiiyak ka non, nalaman kong dahil sa akin kaya nahiya ako. Nahiya akong lumapit sayo dahil alam kong nandidiri ka sa akin at kinamumuhian mo ako. Naisipan kong mag-ipon muna ng lakas ng loob bago humarap sayo at nang maka-ipon na ako, nandito ako ngayon sa tabi mo, humihingi ng tawad habang nakatingin sa mga luhang bumabagsak mula sa mga mata mo.”

Idinilat ko ang mga mata ko saka sinalubong ang tingin niya. Huminga ko ng malalim saka ngumiti sa kaniya. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at pagtataka, pagtataka marahil dahil sa pag-ngiti ko sa kaniya.

“Tanggap ko naman na, Patrick e. Pero thank you pa din, atleast, magaan na ang pakiramdam ko ngayon.” Ang sunod kong ginawa ang nagpakislot sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit. “I'm sorry dahil hindi ka naging masaya sa akin noon, patawad dahil hindi ko nagawang ipanatili ang nararamdaman mo sa akin noon. I'm sorry, Patrick.”

Naramdaman ko ang pag-yakap niya sa akin pabalik. Isinubsob niya ang mukha niya sa balikat ko, naramdaman ko nalang ang luha niya doon.

“Thank you dahil ginawa mo na talagang official ang paghihiwalay natin. Thank you dahil sa wakas, may closure na tayo. Thank you, dahil makakausad na ako. Maraming salamat sa nakaraan natin, naging masaya ako sayo kahit mahirap, marami akong natutunang bagay mula sayo. Kaya, hindi ako nagsisisi na nagpaka-tanga ako sayo noon. Ikaw ang pinauna kong makapagtapos dahil alam kong may mas mararating kaysa sa akin.” Lalong humigpit ang pagyapos niya sa akin.

“Tignan mo nga oh, mukhang naka-angat ka na sa buhay. Tignan mo ako, nakapag-tapos na ako pero wala pa din akong maayos na trabaho. Di ba? Tama lang yung naging desisyon ko? Kasi ngayong doktor ka na, makakatulong ka na sa ibang tao. Kaya wala akong pinagsisisihan, nakaka-baliw man pakinggan pero... masaya akong nagpaka-tanga ako sayo noon.” Humiwalay ako ng yakap sa kaniya saka hinawakan ang dalawang pisngi niya gamit ang mga palad ko.

“Papatawarin kita.” Lalong bumagsak ang mga luha galing sa mga mata niys pero kitang-kita ko ang masayang emosyon doon. “Pero! Huwag na huwag mo nang uulitin sa ibang babae yon. Lalo na't, hindi ko sila katulad na ginagawa na ngang tanga, masaya pa. Okay?!” Pasigaw kong sabi sa kaniya.

Natatawa naman siyang tumango. “Baliw.” Saka niya ako muling niyakap.

“Ang bango mo pa din hanggang ngayon, nakakagigil ka!” Pinang-gigilan ko ang balikat niya. Narinig ko nalang ang pag-tawa niya, kaya natawa na lang din ako.

“Para tayong mga baliw na umiiyak na nga, tumatawa pa.” Aniya.

“Kaya nga jinowa kita noon kasi nga parehas tayong baliw.”

END OF FLASHBACK

“Sigurado ka bang ayaw mong maging PA ko?” Tanong niya sa akin pagbukas niya ng pinto sa gilid ko.

Nginitian ko lang siya saka inilingan.

“Ayoko, loyal ako sa boss ko e.” Bumaba na ako saka nag-unat-unat.

Napatango-tango nalang siya.

“Okay...” Nagtaka ako nang ilahad niya ang isang kamay niya sa harap ko. “Friends?” Tanong niya sa akin.

“Akala ko naman kung ano na.” Ika ko saka tinanggap ang kamay niya. “Friends. Basta ah! Umayos ka na diyan sa girlfriend mo ngayon, dahil kung hindi, naku! Kukutusan talaga kita!” Pananakot ko sa kaniya.

Kinwento niya kasi sa akin kanina na may girlfriend na daw siya. Isa daw yong modelo sa New York at nagkakilala daw sila sa isang party. Ang mokong na to, ang dali talagang mambibiktima porket gwapo.

Ginulo niya naman na parang bata ang buhok ko saka tumawa.

“Kapag sinaktan ko ang girlfriend ko ngayon, parang sinaktan na din kita kaya hindi, hindi ko gagawin sa kaniya yung ginawa ko sayo noon.”

“Weeh? Promise?” Itinaas ko pa ang pinaka-maliit kong daliri. Nakipag-pinky swear naman agad siya sa akin.

“Promise.” Aniya saka nilingon ang bahay namin ni ate. “Hindi mo naman sinabi sa akin na may garden pala kayo. Edi sana pala, hindi na kita dinala sa flower shop na yun kanina.”

Agad naman akong nagtaka at mabilis na nilingon ang bahay. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang din ang labi ko dahil sa rami ng bulaklak na nakikita ko. Sobrang dami ng mga yon, maraming rosas at iba-iba pa ang kulay pero karamihan ay ang mga paborito kong tulips.

Habang nililibot ang mga mata, nahinto ang paningin ko sa isang tao na may suot na sumbrelo at mask. Kahit tago ang mukha nito, kilalang-kilala ko na agad kung sino ito.

Awtomatikong mabilis na kumabog ang puso ko kaya napahawak ako doon. Habang nakatingin sa kaniya, nakaramdam ako ng kaba dahil nababalutan siya ng maitim na awra. Ramdam na ramdam ko din ang talim ng mga titig na iginagawad niya sa akin.

Muli kong hinarap si Patrick.

“Ahm, P-Pat, mag-gagabi na, s-sige na, uwi ka na. Baka hanapin ka na din ng girlfriend mo.” Utal kong sambit sa kaniya.

Napakunot naman ang isang kilay niya dahil doon.

“Bakit ka namumutla?” Tanong niya.

“A-Ah, wala, wala, nagugutom na kasi ako kaya ganiyan. Hehe.” Palusot ko.

“Gusto mo bang mag-order—”

“Hindi! Okay lang, nandiyan lang naman yung bahay ko. Diyan nalang ako kakain. Sige na, uwi ka na, babye, ingat!” Putol ko sa sinasabi niya habang tinutulak siya papasok sa kotse niya.

“Oh, okay, bye, thank you.” Sabi niya habang nakarehistro pa rin sa mukha ang pagtataka. Nagtataka siguro sa mga kilos ko.

“Sige.” Ako na mismo ang nagsara ng pintuan ng kotse niya. Nakatayo lang ako sa labas non habang hinihintay na makaalis siya.

At nang makaalis na siya, dumaloy muli sa mga ugat ko ang kabang nararamdaman ko.

Teka, bakit ba ako kinakabahan?

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 62 36
[ nshitty series ] "you're a liar, wong yukhei," in which she was a wallflower, and he was the exact opposite. cover by @venleyy
428K 23.9K 17
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
50K 3.6K 22
His Rage as Fire🔥 his look like devilishly 😈his thoughts like Demon 😈 .... totally he is venom 🧛🏻 She is pure like water ☺️ Her looks like Angel...
1.1M 28.1K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...