Mister Superstar ll Choi Yeon...

Bởi Angelkim_10

44K 1.2K 198

Is it possible that a Superstar like him will fall for a girl like her? Choi Yeonjun × Yumi Chua TXT Series... Xem Thêm

Prologue
MS-1
MS-2
MS-3
MS-4
MS-5
MS-6
MS-7
MS-8
MS-9
MS-10
MS-11
MS-12
MS-13
MS-14
MS-15
MS-16
MS-17
MS-18
MS-19
MS-20
MS-21
MS-22
MS-23
MS-24
MS-25
MS-26
MS-28
MS-29
MS-30
MS-31
MS-32
MS-33
MS-34
MS-35
MS-36
MS-37
MS-38
MS-39
MS-40
MS- EPILOGUE
Can I Ask?
Special Chapter

MS-27

739 29 3
Bởi Angelkim_10

•••

“Pero kahit ganon ang ginawa ng Mommy mo, hindi pa din nawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Naiintindihan ko naman siya kaso, sumobra na siya. Hinding-hindi ko siya mapapatawad kapag tuluyang nawala ang kapatid mo sa akin dahil sa kaniya.”

Yun ang huling sinabi ng Daddy ni Yeonjun sa kaniya bago siya tumakbo palabas ng mansyon nito.

Nakatayo siya ngayon sa balcony ng suit nila ni Kaze. May hawak siyang stick ng sigarilyo at isang bote ng beer. Hating-gabi na pero hanggang ngayon, hindi pa din nawawala sa isip niya ang mga impormasyong sinabi sa kaniya ng Daddy niya tungkol sa Mommy niya noon.

Ibig sabihin, nagkamali siya? Ibig sabihin ay ang Mommy niya talaga ang may kasalanan? Ibig sabihin, kinamumuhian niya ang Daddy niya para sa wala? Ibig sabihin, ang lahat ng alam niya ay mali pala?

Litong-lito na siya, gusto nang sumabog ng utak niya dahil sa pagkalito. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang mga sinabi ng Daddy niya sa kaniya o hindi, ang nasa isip niya ay baka nagsisinungaling lang ito pero naisip niya din, bakit naman magsisinungaling sa kaniya ang Daddy niya? Kilala niya ang Daddy niya, kaya nga niya ito naging idolo noon dahil tapat itong tao.

Isa pa, nagkatugma-tugma ang mga sinabi nito sa mga narinig niya noon nag-aaway ang Mommy at Daddy niya. Kaya pala ang lakas ng Mommy nito noon, kaya pala nabanggit ng Daddy niya ang digmaan.

Nababaliw na siya, nalilito, naguguluhan. Sumama din ang loob niya sa Mommy niya pero pilit niya itong iniintindi, na dahil lang yon sa galit at poot. Na dahil sa kagustuhan nitong makapag-higanti.

Wala talagang naidudulot na mabuti ang paghihiganti.

“Yow.” Bati ng isang boses sa likuran niya. Alam niyang si Kaze yon kaya hindi na siya lumingon.

“Are you okay now?” Tanong niya dito.

“Oo, Ikaw? Okay ka lang?” Balik nitong tanong sa kaniya.

Tinungga niya ang natitirang beer sa bote na hawak niya bago magsalita.

“Destiny fooled me. Ilang taon kong kinamuhian si Dad dahil sa wala. Lahat pala ng alam ko ay puro kabaliktaran. Mali, maling-mali ako.” Kasabay ng pagpikit niya ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

Hindi nagsalita si Kaze at hinayaan lang siyang mag-kwento.

“Akala ko si Dad ang naging dahilan ng pagkasira ng pamilya namin. Pero hindi, noong mga panahong sinisisi ko pala siya, gumagawa siya ng paraan para maging maayos kami. Hindi ko naisip noon na doble ang sakit na nararamdaman ni Daddy kumpara sa akin, hindi ko naisip na pati siya ay nawalan. Naging maka-sarili ako.” Tumingala siya sa langit saka dinama ang sariwang hangin na tumatama sa balat niya. “Ang pangakong ginawa ko kay Mommy ay wala din palang kwenta. Lahat ng alam ko, puro mali, lahat-lahat mali.” Umiiling na sambit niya habang lumuluha.

“Anong balak mo ngayon?” Malumanay ang boses ni Kaze nag itanong niya yon.

Huminga ng malalim si Yeonjun para pakalmahin ang sarili.

“Now that I know everything, aayusin ko na ang lahat sa pagitan namin ni Dad. Tatapusin ko na ang lahat ng to para makalaya na ako sa nakaraan ko at matanggap ang lahat.”

“Tama yan. Ngayon, natutunan mo na, na walang patutunguhan ang galit. Na walang mabuting maidudulot yon sayo pati na ang paninisi.”

Kinabukasan ay natagpuan nalang ni Yeonjun ang sarili sa harap ng gate ng napakalaking mansyon ng Daddy niya.

Naisip niya kasi kagabi na makipag-ayos na sa Daddy niya, gusto niyang humingi ng tawad dito dahil sa pagiging makasarili niya at para na din makalaya siya sa masakit na nakaraan niya. At isa pa, gusto niyang maayos na ang sarili pagbalik niya sa babaeng mahal niya. Gusto niya, kapag niligawan na niya si Yumi ay buo na ang sarili niya. Wala nang puot sa sarili niya.

Bumuga siya ng hangin bago pindutin ang doorbell ng mansyon. Napaisip siya kung paano kaya nakabangon ang Daddy niya noong naubos ng mga kalaban ng Mommy niya ang lahat ng ari-arian nila kahit kayamanan nila ay naubos sa isang iglap. Pero naisip niyang, mayaman ang pamilya ng Daddy niya, siguro ay tumulong ito para makabangon ulit ang Daddy niya at nakapag-patayo pa ng sariling kumpanya.

Maya-maya ay may nagbukas na ng gate. Isa yong body guard at napagtanto niyang si Jeremy pala yon.

“Hey, sup?” Pati niya dito saka nakipag-bist bump.

“I knew it, babalik ka dito.” Nakangisi nitong sambit sa kaniya.

“Thanks for all your help.”

“Your welcome, worth it naman. Anyway, where's your annoying friend?” Tanong ni Jeremy habang tinitignan ang likuran niya at hinahanap doon si Kaze.

“Ayaw niyang sumama. Gusto niyang matulog buong araw.”

Tumango-tango naman si Jeremy saka nilakihan ang uwang ng gate.

“Ang tamad niya talaga. Sige na, akin na yung susi mo, ako na magpa-park ng kotse mo.”

Binigay naman ni Yeonjun ang susi ng kotse niya dito saka tinapik ito sa balikat bago pumasok papasok sa loob. Nilibot niya ng tingin ang buong paligid, punong-puno yon ng puti at pulang rosas. Yun ang mga paboritong bulaklak ng Mommy niya. Napatingin naman siya sa kabuuan ng mansyon, katulad ng gusto ng Mommy niya noon, kulay dilaw ang pintura non. Napangiti nalang siya habang naglalakad, lahat ng nasa paligid ay sumisimbolo sa Mommy niya.

Dad really loves Mom after all she'd done.

Pinagbuksan siya ng pinto ng isang maid, tinanong niya dito kung nasaan ang Daddy niya at tinuro nito ang isang kwarto, pamilyar sa kaniya ang kwartong yon dahil doon sila nag-usap ng Daddy niya kagabi. Sa library.

Pumasok siya doon at hinanap agad ng mga mata niya ang Daddy niya. Natagpuan niya itong pinupunasan ang isang litrato. Mukhang hindi pa siya nito nakikita dahil hindi pa siya nito nililingon. Masiyado itong naka-focus sa litratong hawak nito.

Dumaan siya sa isang bookshelf para makita niya ang litratong tinititigan ng Daddy niya. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa likod nito, tinignan niya ang litrato at nakita niyang litrato yon ng Mommy niya.

“Hi, Hon. Nagkausap na kami ng panganay mo kagabi pero mukhang buo na talaga ang desisyon niya na wag na akong patawarin. Yang panganay mo talaga, Hahaha!” Tumawa pa ito pero halata namang pilit. “Pero sana, dumating yung araw na magawa niya akong patawarin. Miss ko na ang panganay natin, Hon. Alam mo bang sikat na sikat na siya ngayon? Ang gwapo gwapo pa, manang-mana sa pinagmanahan.” Dagdag pa nito saka bumuntong hininga.

Nilapag na ng Daddy niya ang litrato sa lalagyan nito saka hinawakan ang mukha ng Mommy niya na parang dinadama yon.

“I miss you, Hon. Sana pagbalik namin ni Innah galing Kazakhstan, napatawad na ako—”

“You don't have to go to Kazakhstan, Dad. You're forgiven.” Pagputol ni Yeonjun sa sasabihin ng Dad niya.

Mukhang nagulat ang Dad niya dahik bahagya itong napakislot. Dahan-dahan siya nitong nilingon, nang makita siya nito ay nakita niya ang panunubig ng mga sulok ng mga mata nito pero kahit naiiyak na ito ay nakangiti pa din ito sa kaniya.

“I'm sorry for everything, Dad. Hope you'll forgive me.” Aniya saka nginitian ito pabalik.

Hindi nagsalita ang ama niya at niyakap nalang siya ng mahigpit.

“Yeah, I miss you too, Dad.”

“That's her room.” Turo ng Dad niya sa kaniya sa kwarto ng kapatid niyang si Innah.

Pagkatapos nilang mag-usap ng ilang oras sa sala ay naisipan niyang puntahan ang kapatid sa kwarto nito dahil hindi pa ito bumababa simula pa kanina.

Nag-kwento ang Daddy niya tungkol dito, ang sabi ng Daddy niya ay hindi pa din daw ito nagbabago, maldita pa din daw saka maluho. Pero napahinga siya ng maluwag nang sabihin ng Daddy niya na sweet pa din ito saka malambing.

“Pupuntahan ko na po siya.”

“Ah, sige. Pababain mo na din siya para sabay na tayong mag-lunch.” Bilid ng Dad niya sa kaniya bago umakyat pataas.

“Sure!” Yun lang ang sinabi ni Yeonjun saka excited na umakyat patungo sa kwarto ng kapatid.

Kagat-kagat niya ang labi niya para pigilan ang ngiting kumakawala sa labi niya. Nae-excite siya sa mga nangyayari ngayong araw. Unti-unti nang naayos ang buhay niya ngayon.

Nang mapunta na siya sa harap ng pinto sa mismong kwarto ni Innah, gamit ang mga nanginginig na kamay ay kumatok siya dito.

Napasinghap siya nang makarinig ng mga yapak mula sa loob ng kwarto. Hinanda na niya ang ngiti niya para dito. Pagbukas ng pinto, sasalubungin na sana niya ito ng yakap nang natigil siya dahil hindi ang kapatid niya ang nagbukas.

“Jeremy, what are you doing here?” Tanong niya kay Jeremy na parang nakakita ng multo kung makatingin sa kaniya.

“A-Ahm, actually paalis na talaga ako.” Sabi nito saka hinawi siya para makaalis. Mabilis itong naglakad palayo sa kaniya. “Bye future bayaw!” Sigaw nito sa kaniya.

“What?” Tanong niya pero huli na dahil nakalabas na ng mansyon si Jeremy.

Umiling-iling nalang siya saka pinabayaam ang sinabi ng wirdung yon. Muli siyang humarap sa kwarto saka dahan-dahang pumasok doon. Pagpasok niya, sumalubong sa kaniya ang pabangong pambabae at ang lamig na nanggagaling sa aircon.

“Who are you?” Napalingon agad siya sa pintong bumukas at lumabas doon ang isang babae na nakasuot pa ng pajama.

Ang pamilyar nitong buhok ay nakita niyang muli sa pangalawang pagkakataon.

“Kuya Yeonjun?” Tanong nito sa kaniya.

Nginitian niya ito ng maluwang saka ibinuka ang mga braso.

“Hi baby, Kuya missed you.” Aniya dito.

“Kuyaaa!” Tumakbo ito sa kaniya saka dinamba siya ng yakap, natumba pa sila sa sahig.

“Fuck! My back! You're so heavy! Please, bring back my sexy sister.” Biro niya dito.

Umangat ang tingin nito sa kaniya saka pinunasan ang luha galing sa mga mata nito. Nginusuan siya nito pero di naglaon ay nginitian din siya nito ng matamis.

“Kuya...” Malambing nitong tawag sa pangalan niya.

“Hmm?”

“I'm pregnant.” Sabi nito na ikinabangon niya.

“What?! Since when?! With whom?! Who's the father?!” Sigaw niya.

“Jeremy.” Sabi nito na ikinanigas ng katawan niya.

“Are you fucking serious?” Hindi makapaniwalang tanong niya dito.

Nagtaka siya ng irapan siya nito.

“Duh! Hanggang ngayon ba naman kuya uto-uto ka pa din. Hahaha!” Humalakhak pa ito sa kaniya.

“You brat!”

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

27.7M 430K 56
As if life wasn't hard enough being bullied and treated like garbage all the time; my loathsome, insufferable seat mate just had to come with his "se...
389K 11.9K 21
The only mistake I did in life was saying " I Do." Was it really a mistake?
3.2M 185K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...
3.4M 143K 60
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...