Pink Skies

By aryzxxi

64K 2.3K 472

Skies Series #2 🔸️April 7, 2019 🔹️August 30, 2020 More

Pink Skies
i
ii
iii
iv
v
vi
viii
ix
x
xi
xii
xiii
xiv
xv
xvi
xvii
xviii
xix
xx
xxi
xxii
xxiii
xxiv
xxv
xxvi
xxvii
xxviii
xxix
xxx
xxxi
xxxii
xxxiv
xxxv
xxxvi
xxxvii
xxxviii
xxxix
xl
xl.i
xl.ii
xl.iii
xl.iv
xl.v
a.n.
xl.vi
xl.vii
xl.viii
xl.ix
L
el fin

vii

1K 43 9
By aryzxxi

"Bakit ka nandito? Umuwi ka don sa bahay."

"Gusto kitang panoorin maglaro."

Mas lalong kumunot ang noo ng kakambal ko."Ako o si Kuya Fire?"

Umirap ako. "Both."

Narinig namin ang pagtama ng bola sa sahig. Nandito na ang mga makakalaro niya. Napakamot si Zian sa kanyang ulo at inis na bumaling sa akin.

"Umuwi ka na, Zia."

"Ayoko. Manonood nga ako. Bakit ba?", tanong ko. Anong masama sa panonood? Hindi naman ako manggugulo sa laro nila. Pinasadahan ako ng tingin ni Zian at nagtagal ito sa aking hita.

I'm wearing a maong shorts and pink oversized shirt. This is actually a pambahay na pwedeng ipang labas din. Natagalan akong mamili kanina ng damit na di masyadong halata na pang lakad dahil sa court lang naman ang punta ko.

"Uy! Hi, Zia!"

"Ziana!", tumakbo si Lance papalapit sa kinauupuan ko. Agad namang hinarangan ni Zian ang paglapit ni Lance, kunwari ay nagdi-dribble lang siya sa harap ko.

"Hi," tamad kong bati sa kanya. My eyes are busy looking for Fire.

"Umuwi ka na, Zia. Baka hanapin ka don nina Mommy."

"Nagpaaalam akong lalabas no."

Napatingin sa aming dalawa si Lance,"Manonood ka ng laro namin?"

Tumango ako. Ngumisi si Lance at sinubukang maupo sa tabi ko pero pinuwesto roon ni Zian ang kanya tumbler. Lilipat sana sa kabilang banda si Lance but Zian acknowledged Fire's presence.

"Kuya Fire!", sabi niya. Hindi na tuloy nagawang umupo ni Lance. The three of us looked at him. Fire is wearing a red and white jersey shirt and black shorts, sa kanyang tabi ay may nakapulupot na babae. Agad na sumama ang timpla ko.

Seryoso lang si Fire na naglalakad at pumwesto sa kabilang banda ng court. The girl and her friends settled there, too. Ine-expect ko pa namang dito siya banda. Humalukipkip ako at sumimangot. The girls are wearing shorts too and a crop top. May dala rin silang maliit na bag.

"Tara na," tawag ng isang kasama nila na naka-pulang jersey din.

Zian is wearing a blue one, ganon din si Lance so magkaiba ang team nila kay Fire. For the nth time, sinabihan ako ng kakambal ko na umuwi na.

"Ayoko. Manonood nga ako," ulit ko. He sighed and gave up. It's too late now para kaladkarin niya ako pauwi ng bahay though muntik na niyang gawin yon kanina.

"Sige. Basta ako ang i-cheer mo at hindi si Kuya Fire."

We both smirked. "Fine. Sana maka-shoot ka."

"Ako pa." mayabang niyang sinabi. Bago ako iwan ay binato niya sa kandungan ko ang malinis niyang tuwalya.

"Maya na lang, Zia.", sabi ni Lance,"Okay, tama na ang kakakatitig brothers! Maglaro na tayo!"

The boys near me immediately stood up. Si Fire naman ay kanina pa roon sa gitna at hinihintay sila. When our eyes met ay mariin niya akong tinignan. Kitang-kita ko ang pagsama niya ng tingin na ngayon ay hindi nakadirekta sa akin.

"David! Lumayo-layo ka diyan kay Ziana. You look like a creep!", sabi ng isa nilang kalaro.

Napatingin naman tuloy ako sa likod ko. May tao pala! Hindi ko napansin. He awkwardly smiled at me then scrambled away.

The game started at nagpasikat agad ang kakambal ko. Ang bilis niyang tumakbo at madalas din siyang maka-steal sa kalaban. When he got a point ay napapalakpak ako. I fake gagged nang kinindatan niya ako. Hindi yan ganyan sa school, napaka-suplado niya doon.

Half of my attention is on Fire. Hindi ako nagsasawang mamangha sa galing niyang maglaro. His biceps flex from time to time and his eyes are sharp eyeing the ball. Sa tuwing nakaka-shoot siya ay tumitili ang mga babae sa kabilang banda ng court. Umirap ako. Ingay naman.

"Go, Fire!!"

"Shoot!"

Kung magkakampi lang sina Zian ay malamang makiki-join din ako sa pagsigaw nila pero hindi, eh. Sa galing ni Fire maglaro ay tambak sina Zian ng twelve points sa first half.

"Oh," abot ko sa kakambal ko ng tuwalya niya. Pawis na pawis na agad siya.

"Ang galing ni Kuya Fire."

"Syempre," ngiti ko.

Mapang-asar na ngumisi si Zian,"Proud, ah."

"Zia, i-cheer mo naman kami!", sabi ni Lance bago umupo sa tabi ko. Si Fire nga hindi ko nachi-cheer kayo pa kaya.

"Oo nga, Ziana. Para naman ganahan kami," sabi ni Kuya Noel na kakampi nila.

"Mag-isa lang ako."

"Sige. Cheer namin sarili namin habang naglalaro." singit ni Zian. Hinampas ko ang braso niya.

"Pag nanalo kami, ililibre kita mamaya. Pustahan ito, eh" Kuya Noel said.

"Saan naman kayo kakain?" tanong ko.

"Sa Unlimited Korean Bbq. Ano? Cheer mo na kami," sabi niya na parang may ibang binabalak. Napangisi naman doon si Lance at umiling naman at kapatid ko.

"S-Sige. Libre, ah! Sabi mo yan. Walang bawian. "

"Yon!" malakas na pumalakpak sina Kuya Noel at Lance. They resumed the game again. Tulad kanina ay hirap silang bantayan si Fire.

"Zia! Cheer!" nagawa pang sumigaw ni Lance habang tumatakbo papunta sa kabilang side ng court. Kinabahan tuloy ako. Hindi naman ito ang first time kong magcheer sa isang laro.

"Go, Kuya Noel!" sigaw ko dahil siya ngayon ang nakabantay kay Fire na may hawak ng bola. He smirked and in a blink of an eye, nakuha niya ang bola, pinasa kay Zian at ang kakambal ko ang nagshoot mula sa three-point line.

I clapped. Ang galing, ah! Ngayon lang siya naka-three points. Mas okay pala kung magchi-cheer ako, I feel more involved sa laro.

"Go, Zian!", napatalon pa ako nang makapuntos na naman siya. Hindi ko na yata napapansin si Fire, kung titignan ko siya ay tuwing hawak niya lang ang bola.

Lance is now guarding Fire. Mabilis ang kilos ni Fire at sinasabayan siya ni Lance.

"Go, Lance!", I cheered.

I don't know kung paano nabitawan ni Fire ang bola sa pagdi-dribble at nakuha yon ni Lance. Wala na siyang nagawa nang mabilis itong nagdribble at maglay-up. I clapped my hands. Lamang na sila ng pitong puntos!

Nilapitan ni Lance ang nakasimangot na si Fire at sinubukang makipag-high five pero tinabig niya lang ang kamay ng kaibigan. Lance and Kuya Noel laughed.

"Go, Fire! Go, Baby!"

Nahinto ako sa pagpalakpak para tignan ang babaeng nagsabi non. Namumula siya at parang kitikiti kung kiligin. Fire missed the shot, yan tuloy!

"Okay lang yan! Bawi!" the girl said.

Uminom ako ng konti mula sa tumbler ng kapatid ko. Nauubusan na ako ng boses sa pagchi-cheer. Napaka-importante pa naman ng boses para sa akin. I have to take care of it.

"Go, Lance!" medyo mahina na ang pagsigaw ko.

Natapos ang laro at panalo sina Zian. Lamang sila ng siyam na puntos kina Fire. I clapped my hands. Buti at hindi nasayang ang pagchi-cheer ko. Nakipag-high five sila sa isa't-isa, nang lumapit si Lance kay Fire ay binaba nito ang kamay niya.

"Easy lang pre! Laro lang yon." then Lance laughed. Fire snobs him at mas lalong natawa si Lance.

"Kuya Noel, ah" sabi ko.

"Magpapalit lang muna kami saglit tapos diretso na tayo don." ngiti niya sa akin.

Si Zian ay nakaupo habang umiinom ng tubig. Medyo hinihingal siya. Kinuha ko ang towel niya para punasan ang pawis niya sa noo at leeg. He didn't mind though. My eyes wandered and saw the girl is doing the same thing kay Fire. Nakatayo si Fire at umiinom ng tubig habang ang babae ay inaabot ang mukha niya para punasan ang pawis niya while holding his arm.

"Aray, Zia."

"A-Ay, sorry" nadiinan ko yata ang pagpahid sa kanya. Tumayo si Zian para magpalit ng damit, nilagay niya ang jersey at tumbler niya sa loob ng string bag na dala niya.

"Let's go," Kuya Noel said. "Alis na kami! Nice game, next time uli!"

His friends waved at him. Sumunod ako sa grupo nila.

"Saan kayo pupunta?" tanong ng isa nilang kaibigan na kakampi ni Fire kanina sa laro.

"Sa Korean bbq restaurant lang." sagot ni Lance habang ipinapaypay ang perang napanalunan nila sa pustahan.

Inakbayan ako ni Lance before waving goodbye to their friends. Agad namang tinanggal ni Zian ang braso ni Lance sa  balikat ko at hinigit ako palapit sa kanya.

My twin and I rode with Kuya Noel at ang iba naman ay sa kotse ni Lance. The restaurant they're talking about is situated near the gates of our subdivision. Wala gaanong tao pagdating namin kaya agad kaming nabigyan ng mesa.

"Uy, hi!" the waitress greeted Kuya Noel."Nasaan yung iba?"

"Nandoon sa court. Kakatapos lang naming maglaro," Kuya Noel answered.

"Si Fire?" tanong uli ng waitress.

"Nandoon.."

Tumango siya bago kami iwan. Fire is really popular, huh.

"Kambal, grade ten na kayo di ba?" tanong ng kaibigan nina Lance.

"Oo, kuya" sagot ni Zian. Dumating na ang mga karne na inorder namin. Kuya Noel grills it for us samantalang ang isa naman nilang kaibigan ang gumagawa non sa mesa nina Lance.

"Saan niyo balak magcollege?"

"Sa Ateneo," walang pag-aalinlangang sagot ni Zian.

"Nice. Pareho kayo ng course?"

Umiling kami. Though Zian is kinda snobbish, friendly pa rin naman siya kahit papaano. Ilang beses niya na ring nakasama ang mga kaibigan nina Lance kaya naging medyo malapit na rin sila. As for me, sina Lance, Kuya Noel at Fire lang ang kilala ko.

"Gutom ka na ba Zia?" tanong sa akin ni Kuya Noel.

"Hindi pa, Kuya." I said while eating the side dishes. Tinikman ko rin ang scrambled egg na niluluto sa gilid ng mismong grill.

Kuya Noel started cutting the meat at binigyan kami. We're familiar eating this kind of food dahil ilang beses na rin kaming nakakain dito ng mga kaibigan ko. I made a wrap, kumuha ako ng lettuce, pork na sinawsaw ko sa ssamjjang, garlic at maliit na slice ng kimchi. Inayos ko ang pagbalot non bago isubo.

"Oh, Fire!" Kuya Noel waved his hand na hawak ang tongs. Natigil ako sa pagsubo at napatingin sa likod. Just two tables away, there's Fire with his girls and friends.

Fire is wearing a white v-neck shirt at gray na shorts. He looks fresh and handsome.

"Isusubo mo ba yan o ano?" siniko ako ni Zian na tuloy-tuloy lang ang pagkain ng karne. Napatingin ako sa malaking wrap na nagawa ko.

"This way po," the waitress ushered Fire's group sa mesang katabi lang ng sa amin. Paano ko isusubo ito ngayon! I shifted on my seat para humarap ng konti kay Zian at mabilisang kong sinubo ang pagkain.

Zian looks worried at naglapag ng isang basong tubig sa harap ko.

"Hinay-hinay lang, Zia," Kuya Noel chuckled.

Hindi na uli ako gumawa ng wrap. Naging conscious na rin ako habang kumakain kahit na hindi naman ako tinitignan ni Fire. Busy siya sa pakikipagkwentuhan sa babaeng katabi niya at sa mga kaibigan niya.

"Busog na ako!" Lance exclaimed.

"Bill out na tayo," Kuya Noel said and caught a waiter's attention. "Aalis na kami Fire."

"Sige, Kuya" tango niya.

Sabay-sabay kaming tumayo nang makapagbill out. Hindi ko na uli nilingon ang grupo nina Fire. I feel hollow. Ganito lagi sa tuwing nakikita kong may kasama siyang iba. I know wala naman akong karapatan sa kanya pero di ko naman maiwasang masaktan.

Pagkauwi ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Naghilamos ako at nagpalit ng damit, amoy barbeque ako.

"Magrereview na lang ako."

Nilabas ko ang notes at libro ko para mag-aral sa nalalapit na exam. As I read, parang nagflashback sa isip ko ang laro nila kanina. I kept on thinking how Fire played, parang wala siya sa sarili kanina. Nabibitawan niya ang bola at minsan ay sablay tumira. Naiingayan kaya siya sa mga babaeng kasama niya? Pero madalas namang may nagchi-cheer sa kanya so sanay na yon makarinig ng tili. Lumipas ang limang minuto ay nasa iisang page pa rin ako! Hindi ako umuusad! Napasabunot ako sa sariling buhok. Stop thinking about Fire!

"Focus," I told myself at itinuon na uli ang atensyon sa libro.

Pag aral, aral lang. Bawal ang thoughts about Fire. Pag practice, practice lang. Saka ko na siya iisipin. Tutal marami namang nag-iisip sa kanya.

Stupid, crush.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 111K 42
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
3.5K 162 48
[COMPLETED] Gallianna Navarro -a person hated by the world. Since childhood ,she has experienced living with anger in her heart for his father. Becau...
4.5M 282K 105
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
8.4K 1.7K 56
(But not everyone recognizes love when it hits them...And then it happens) He hovered above me, his kisses melting my insides. I shivered with antici...