Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
85
86
87

84

2.8K 54 20
By septemberoyal

JHO





Wala akong sa mood na lumabas sa building kung san ang last class ko for today. Ewan ko kung dahil ba sa period ko kaya ganto ang mood ko ngayon o dahil sa nalaman kong wala na naman si beatriz sa ilang subjects nya.






May nakakarating na balita sa kin na di nga nagpapapasok sa ilang subjects ang babaeng yun. Di naman direktang may nagsasabe pero may nauulinigan ako. Nakompirma pa yun ng tumawag sa kin si kim para hanapin si bea.








Ayokong isipin na ng dahil sa aming sitwasyon ngayon nagkakaganyan amg babaeng yun. Pero dahil di naman sya ganyan dati kaya masasabe ko ngang dahil ito sa kin. Sa kagagawan ko.








Kanina pa akong kating kati tawagan si bea at tanungin kung asan na sya ngayon. Actually, kanina pang nasa klase ako pasilip silip na ko sa phone ko.
Ngayon ngang tapos na ang klase ko, nagdadalawang isip naman ako ngayon na itxt o tawagan sya.








Nahihiya ako.








Napagpasyahan ko na lang na makikibalita na nga lang ako kina kim at deanna kung asan na ngayon ni bea. Nagmadali akong lumabas ng building at patakbong lakad na ang ginagawa ko ngayon, pupuntahan ko muna si jules, nasa cafeteria ito ngayon sabe nya sa txt nya sa kin kanina lang.








"Love!"








Napahinto ako at nilingon ko ang boses na yun. Si nico, naka pants at white shirt saka cap ito. Usual na get up nya. Lumapit ito sa kin na may napakalaking ngiti sa labe.








Hinintay ko syang makalapit sa kin. Binigyan ko rin sya ng isang ngiti.....Pilit na ngiti.








"Okay sige." si nico at sumunod sya nung papalabas na ko.







Nauna akong maglakad sa kanya papuntang sa may salaming pinto ng greenwich. Kala ko kasunod ko pa sya pero paglingon ko wala naman sya dun. Hinanap ng mata ko ang lalakeng yun.







"Maddie!"







Paktay na! Naisaloob ko.







Iiwasan ko na sana pero nakita naman ni nico. Ay nakooo. Sinundan ko ng tingin at ayun nga lumapit pa talaga ang lalakeng to sa kanila.
Wala na kong nagawa kundi sundan na lang si nico. Hindi na lang ako lalapit talaga.







"Napansin kita kaya lumapit na kame." gusto kong batukan ang lalakeng to dahil sinabe nyang yun. Obvious na magkasama nga kame ang iisipin ng mga to.







Laaahhh....Bat pati yun papakelaman ko pa. Eh ano naman kung malaman nila na magkasama kame. Eh sila nga eh.....Tsss....







"May kasama ka pala date?" dagdag pa ni nico.







"A-ah...Nagutom kame kaya napakain kame dito." si maddie saka nag smile.







Talaga lang ha? Ginawa pang alibi na nagutom sila. Tss...😒
Di na lang sabihin kung nagde date na sila. Mas inuna pa talaga ang pakikipagdate kesa pasukan ang mga subject nya....At ang isa naman ito kinukunsinti para nga naman may moment silang ganto.







Gusto kong pagsabihan ang dalawang to pero magmumukha lang akong bitter kaya wag na lang. Bahala na sila. Tutal naman nasa hustong edad na sila and sana alam nila yung mga tama at mali. Sana di sila masilip ng athletic director.







Kunyare nagpaka busy ako sa phone ko at hinayaan ko lang silang magkausap kahit sa totoo eh nakikinig ako sa usapan nila.







"Kayo?.....K-kayo, bat andito kayo? I mean....Kayo yata ang may date eh." si maddie.







Narinig kong natawa si nico pero hinayaan ko lang. "Oo eh. Actually, monthsary namen."







Ay sarap na talagang batukan si nico sa sinabe nyang yun pero pinigilan ko. Sa utak ko na lang sya ilang beses binatukan. Nakakainiisss!!! Binulong pa tas tumawa pa. Argh!!!







"Ano ba?" di ko na napigilan pa saka inirapan ko sya. Nakakainis talaga! 😠







"Ahhh..." si maddie.







"What?" si nico at nilingon ako. "Parang sinabe lang eh."







Napabuntong hininga na lang ako. Kahit naman panlakihan ko ng mata si nico di nya ako magegets. Sabay kameng napatingin sa table nila maddie ng marinig kong may umubo. Si bea pala and nag aayos na ito ng sarili at ngayon nga ay tumayo na to.







"Tapos na kayo?" si nico. Pasimple kong hinawakan ang braso neto at pinisil. Tulad kanina di nya gets kaya nagpatuloy lang to.







"Oo eh. Kanina pa naman kame andito. Patapos na talaga kame nung lumapit kayo." si maddie and nagsmile ulit sa min. "Siguro next time na lang...?"







"Sure." si nico.







Minsan nakakatinginan kame ni maddie pero agad din nameng binabawi yun. Hindi ko alam kung nag iiwasan kame ni maddie sa mga sulyap pero parang ganon na nga ang nangyayare sa min. Sa buong pag uusap nila ni nico ay di ako nag interupt sa kanila. Hinayaan ko lang silang magsalita, nanatili akong tahimik at nakikinig lang, tulad ni beatriz na busy sa pagkain. Hindi rin ito nag taas ng tingin para sa min ni nico.







Kilala ko si beatriz, pag naiinis at galit ito sayo di sya mag aaksayang
tingnan ka o tapunan ka man lang kahit sulyap. Ayun nga ang ginawa nya. Nakayuko lang ito kahit halatang nakikinig lang sya sa palitan ng usapan nila maddie at nico. Hindi nya kayang makipag plastikan sa min kahit pakitang tao man lang, hindi talaga ito kumibo and parang hangin lang kame sa harapan nya at di nya ito nakikita.







Sa pagtayo di inaasahan na nabitawan nya ang wallet nyang naglalaman ng mga credit cards nya. Nagkalat ito sa lapag na agad nyang pinulot isa isa.







"Anyare?" nasambit ko ng di oras. Napahinto sa pag uusap amg dalawa.







Gusto ko sana man lang tulungan syang mag pulot ng mga nagkalat nyang cards sa lapag. Akmang lalapit ako ng maramdaman kong may pumigil sa kamay ko, napatingin ako sa kamay kong hawak hawak na pala ni nico na di ko man lang namalayan. Lumipat ang tingin ko sa lalakeng katabe ko ngunit straight itong nakatingin kay maddie na ngayon ay tinutulungan na si bea sa pagpulot ng mga gamit nya sa lapag. Wala na kong nagawa kundi magbuntong hininga na lang habang pinapanood ang dalawa.







Maya maya pa ay tumayo na silang dalawa. Inayos nilang pareho ang kanilang damit, nakatingin ako ng diretso kay beatriz. Inaabangan ko ang pagsulyap man lang nya sa kin ngunit nabigo ako.







"Lets go mads." tas tumalikod na. Walang lingon lingon ay lumabas ito ng foodchain.







"Sige. Una na kame sanyo." natutulirong baling ni maddie sa min. "Happy monthsary pala, jho....Nico."







Saka mabilis na sinundan ni maddie si bea.







Natuloy ang pagkain namen dun pero di naman ako nakakain ng husto. Nawalan ako ng gana, pinilit kong maging normal, yung parang walang nangyareng ganon sa pagitan nameng apat kanina ngunit di ko magawa. Di ko maitatanggi na naapektuhan ako sa nangyare kanina.







Wala namang talagang malakeng nangyare pero yung pressence ni bea kanina kahit di man lang sumulyap sa kin. Yung naabutan kong masaya at tumatawang bea sa harapan ni maddie ay napalitan ng pananahimik nya at di na kelanman tumingin ng diretso.







"Are you okay?" si nico.







Nasa loob na kame ulit ng kotse nya at papauwi na ng eliaso. Tinitingnan tingnan pala nya ako habang nagddrive. Sinulyapan ko si nico at kita ko sa mata neto ang pag aalala.







"Yeah im okay." sabe ko na lang.







"Sorry ah. Di ganon ka special yung pagcelebrate naten ng 4th monthsary naten." si nico. "Alanganing araw tas medyo busy ka ngayon. Dont worry, sa mga susunod na month pag hahandaan ko na talaga."







"Okay nga lang di ba." malumanay kong sabe sa kanya na di sya tinitingnan. "Hindi naman kelangan ng magarbo eh."







"Kahit na..." pilit ni nico. "Basta next time magugustuhan mo na ang pagcelebrate ng monthsary naten." then nagsmile sya sa kin.







Di na ko nakipag talo pa. Hahaba lang ang usapan. Parang gusto kong matulog kaya pinikit ko muna ang mata ko sa buong byahe.































"HUWAW!" si ponggay ng syang nagbukas sa kin ng pinto. "Let me help you." sabe pa neto tas tinulungan nya akong bitbitin papasok mga dalahin ko.







"Jho is hereee." sigaw ni ponggay.







At tulad ng dati parang kidlat kung magsipagpuntahan sila sa kin. Hinayaan ko na lang silang halungkatin ang mga dala ko. Basta ako naupo sa sofa.







"Salamat sa pasalubong ate jhooo...." duet nina sydney and dani.







Mga rookies this season. Medyo marameng bago ngayon sa team, yung iba sophomore na pero first time pa lang sila nakapasok talaga sa team.







"Happy monthsary momski." biglang tabe ni deanna sa kin. "Sinabe sa kin ni pareng nico eh." sabay ngisi. "San kayo nagpunta ha?"







"Ano ba yang mga tanungan mo wong?" sita ni ponggay sa kabatchmate. Sabay pitik sa tenga neto.







Umangil naman agad si deanna at sumimangot habang hawak ang tengang pinitik ni ponggay.







"Monthsary nyo?" si kim naman na tumabe sa kin. Nagka ACL sya nung off season namen at naoperahan na. Hindi sya makakapaglaro ngayong season na supposedly at last playing year na nya dapat. Kahit di na muna sya makakapaglaro ay dito pa rin sa dorm sya naglalage. Nasa bacolod ang family nya buti na lang pasok na sa team ang nakakabatang kapatid nya---si cassey. Kahit papano may kapamilya syang naka alalay sa kanya bukod sa ming mga ka teammates nya.







Tumango lang ako bilang sagot sabay inihilig ko ulo sa balikat nya. Nkatingin ako sa mga teammates namen na nilalantakan na ang mga pizza na dala ko.







"Happy monthsary sanyo." narinig kong sabe ni kim. "Happy nga ba?" balik tanong nya.







Di ako nakasagot bagkus napabuntong hininga na lang ako. Mas makakabuting wag na lang magsalita, mas safe.







"Akyat na ko." paalam ko kay kim. "Pagaling ka ha." tas bumeso na ko sa kanya. "Kayong bahala maglipat dyan ha." baling ko sa mga nagsisipagmidnight snack. "Alalayan nyo si kim paakyat ha."







"Yes po ate." sabay sabay na sagot nila.







"Ako na pong bahala kay ate, ate jho." malambing na sabe ni cassey.







Sinukbit ko na sa balikat ko ang bag ko saka ko binitbit ang bouquet saka malakeng unan. Bkit unan ang binigay ni nico sa kin? Naikwento ko kase na gusto ko pa ng isa pang unan. Nakukulangan ako kase sa apat kong unan. May nakita syang unan na color yellow ang pillowcase tas naging mas naging cute yun kase may winnie the pooh pang kasama dun.







Simple pero sobrang na appreciate ko ang binigay nyang to sa kin. Di naman ako naghahangad ng branded na damit, shoes, gadget o anuman. Mas simple mas okay sa kin yun. Ayokong nag aaksaya ng malakeng pera para lang sa kin.







Nauna na kong umakyat sa mga yun. Magpapahinga na ko. Nasa tapat na ko ng pinto ng bago kong room ngayong taon. Nagpalit palit na ulit eh and this time ang ginawa ni maddie kase sya naman ngayon ang bagong kapitana ng team kaya sya ang may say sa mga rules namen dito sa loob ng dorm. Nagpalabunutan kame and ayun nga...new room, new roommate.







Pina kiramdam ko muna kung andyan ba sya. Walang nakibo baka dun sa kanila umuwi ngayon. Humugot ako ng malalim na hininga bago ko marahan pinihit ang doorknob. Tahimik akong pumasok sa loob, inilapag ko ang dala ko sa bed ko saka pumihit paharap sa kabilang side.







Nanlumo ako sa nakita ko. Sumikip ang dibdib ko kasunod nun ang pamumuo ng luha ko sa king mga mata. Nakatunghay lang ako sa kabilang kama. Kung san may nakahigang dalawang tao, natutulog....Yung isa nakatihaya at naka taas pa ang isang braso neto sa kanyang ulunan. Yung isa naman.....Nakatagilid ito paharap sa natutulog na isa, nakaunan sya sa balikat nung isa at nakayapos pa.







Ewan ko pero parang alam atang may nanonood sa kanila kaya bahagyang gumalaw ang nakayapos at lalo itong sumiksik....Ibinaon pa ang mukha nya sa leeg nung isa.....Na naramdaman  nun kaya yung kanyang brasong nakataas kanina ay syang yumapos din sa katawan nung isa pa.







Mahigpit silang magkayakap sa king harapan ngayon. Halos maidikit na ang labe nung isa sa noo ng mas maputi sa kanya. Kita ang kapanatagan sa itsura nilang pareho.  Yung tipong kuntento na....Walang inaalala pa.







Di ko namalayang pumapatak na ang mga luhang naipon sa king mga mata, napahawak ako sa king bibig dahil napahikbi ako. Tinakpan ko ito dahil nagtuluy tuloy ang mga luha at ang paghikbi sa harapan ng mga walang malay na natutulog.







Di ko kinaya kaya napapunta ako sa cr ng room namen, binuksan ko ang gripo para di marinig ang pagiyak ko. Naupo ako sa toilet bowl na nakasarado naman. Kahit maingay ang lagaslas ng tubig sa gripo ay impit pa rin ang iyak ko. Ayokong marinig ng kahit sinuman lalo na ng dalawang natutulog ngayon sa kwartong to.....







Ayokong magising sila at magmukha akong kaawa awa sa harapan nila. Ayokong makita nilang misarable ako sa desisyong ginawa ko at pinag sisisihan ko talaga.







Kung bakit sa lahat kase na magiging roommate ko ay si bea pa. Bakit kase hindi na lang sila ni maddie ang magkasama sa kwarto lalo pa't masarapan at mahimbing naman ang tulog nila sa piling ng isat isa.







*flashback*




Medyo late na ko nakauwi sa dorm, galing ako sa emersion. Pagod na pagod akong umakyat sa room ko para makapagpahinga na. Pagkapasok nagulat ako ng pagbukas ko iba  na ang nasa loob nun.







"Hi ate jhooo." si dani at madaling tumayo sa bed kung san ako nakapwesto.







Bumeso sa kin ang nakakabatang ravena kasunod nya sina sydney. Bumeso rin ako sa mga rookies. Nginitian ko sila kahit medyo nagtataka. Umupo ako sa kama dahil sa pagod.







"Ay ate, kanina pa pong umaga nag palitan ng rooms." wento ni syd.







Ahh...Kaya pala iba na ang gumagamit ng room kung san ako naka assign.







"Sino ang ka roommate ko ngayon?" wala sa loob kong tanong sa kanila.







Nagkatinginan pa muna ang dalawa na parang sinasabeng yung isa na ang magsalita. Napakunot noo ako sa staring contest ng dalawang rookies na to.







"San na lang room ako naka assign?" pag iiba ko ng tanong.







"Room 5." duet naman ngayon ng dalawa.







Kung kanina parang nagtutulakan pa kung sino ang magsasalita ngayon nag uunahan pa. Sa likod ng utak ko napapailing na lang, tumayo ako at binitbit ko ang bag ko. Bago ako tuluyang lumabas ay naalala ko yung mga ibang gamit ko pero sabe naman nila na nailagay na daw dun sa room na naka assign na sa kin ngayon.








"Goodnight ateeee..." duet na naman ng dalawa habang habol habol ako ng tingin sa pasilyo papunta sa room 5.







Di ko alam pero parang may kakaiba sa mga ngitian ng dalawang yun, parang mga kinikilig(?) Nagsmile din ako sa kanila tas nagtungo na dun. Hindi na kumatok pa, nag tulot tuloy lang ako. Pagkapasok ko wala naman yung roommate ko pero naririnig kong lumalagaslas ang tubig sa cr. Siguro naliligo yun. Napaisip ako, sino kaya sa mga teammates ko ang roommate ko ngayon?







Nagkibit balikat na lang ako, baka nga rookie pa eh. Kahit sino pede na basta may room akong tutulugan hahaha...







Inilapag ko ang bag ko sa kamang malapit sa may pinto, siguro ito ang aking bed base na rin sa mga gamit ko na nakalagay sa table malapit sa bed ko at yung stuff toy na bigay sa kin ni ano na nakahiga na sa kama.







Humiga ako at niyakap si pooh. Biglang naisip ko na naman kung sino ang karoommate ko ngayon. Saktong narinig ko na nagbukas ang pinto ng cr. Napa upo ako agad at pinaka titigan ko ang taong nakatayo sa likod ng pinto ng bathroom.







Si beatriz.....Nakaponytail pa sya pero nakasuot na ng pantulog nya. Short and sando lang, nakalaylay ang tuwalya sa balikat nya. Nakatingin din sya sa kin habang nagpupunas ng tuwalya sa pisngi.







Ilang minutong nagkatitigan kame bago sya bumitaw ng tingin at naglakad papunta sa kama neto sa malapit sa may bintana ng room. Umupo ako ng ayos, pinakikiramdaman ko sya pero parang wala syang ilang kung kumilos ngayon. Ako ang naiilang ngayon sa sitwasyon namen.







"Wala ka bang balak magbihis?"







Napatalon ang puso ko ng magsalita sya sa kabila ng katahimikan na namamagitan sa min. Alanganin akong sumulyap sa kanya, nakasandal sya sa headboard at may hawak na libro.







Ako ba ang tinatanong nya o napalakas lang ang pagbabasa nya?







"Maglinis ka na  ng katawan then matulog ka na..." saka sumulyap sa kin.







So ako nga talaga ang sinasabihan nya. Tumalon naman ang puso ko sa pagsulyap nyang yun sa kin kahit sandali lang yun. Naramdaman kong nag init ang magkabila kong pisngi. Lihim akong napangiti.





*End of  flashback*







Napapitlag ako sa kinauupuan ko ng may kumatok sa pinto ng bathroom. Ilang beses akong lumunok para mawala ang pagbabara ng lalamunan ko. Pinakalma ko rin sarili ko bago ko isarado ang gripo.








"Jho?" tawag sa kin ng nasa kabila neto. At boses yun ni bea.







"Wait lang." malakas kong sagot sa kanya. Saka muli kong binuksan ang gripo.







Andito na rin naman ako kaya naglinis na ko ng katawan. Binilisan ko na baka gagamit nga si bea. Bago ako lumabas ay humugot muna ako ng malalim na hininga, naka set sa utak ko na mag paka seryoso, na parang wala lang sila sa kin.







At ganon nga ang ginawa ko, aasahan ko ng andun pa rin si maddie sa loob ngunit nagkamali ako. Wala na si maddie ngunit si bea andun agad sa may pinto pagkabukas na pagkabukas ko. Di ko naiiwas ang mata ko sa kanya. Nagbaba ako agad ng tingin ng magtama ang mga mata namen saka mabilis na nagtungo sa bed ko.







Naglalagay ako ng cleanser ng mapapitlag na naman ako ng magsalita sya napalingon agad ako. Pero napa atras din agad ako dahil halos magkalapit na kame ng husto.







"A-ano yun?" di mapigilan ang paglakas ng tibok ng puso ko.







May katagalan ding nakatitig si bea sa kin at di ko maarok ang nasa isipan nya ngayon. Napaka seryoso din ng mukha neto.







"B-bea?"







"Pinapasabe nga pala ni maddie, may meeting daw tayo bukas. Buong team." walang emosyon netong sabe saka tinalikuran ako.






"Okay." nasabe ko pa kahit ang kabog ng dibdib ay dumadagundong sa lakas.





























AN:


Hiiiii 😁😁😁😁😁



Hahaha wala lang. Wa wenta ang pa authors note ko.




Hi nga pala ulit kay janemil05
And sa lahat na nga ng mga followers and readers and bashers....(?)



Hahahaha basta lahat na kayo. May pa ud na ko. 😊😊😊



































































































































































































Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 44.4K 51
Being a single dad is difficult. Being a Formula 1 driver is also tricky. Charles Leclerc is living both situations and it's hard, especially since h...
865K 40.2K 61
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...
248K 10K 60
𝗜𝗡 𝗪𝗛𝗜𝗖𝗛 noura denoire is the first female f1 driver in 𝗗𝗘𝗖𝗔𝗗𝗘𝗦 OR 𝗜𝗡 𝗪𝗛𝗜𝗖𝗛 noura denoire and charle...
243K 6K 52
⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ જ⁀➴ 𝐅𝐄𝐄𝐋𝐒 𝐋𝐈𝐊𝐄 .ᐟ ❛ & i need you sometimes, we'll be alright. ❜ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...