Playing with the Player

By zycine

46.3K 952 98

A true Prince Charming who turned into a Heartless Devil VS A Weirdest Girl. This is the Side Story of Gabb... More

" Dare "
PROLOGUE
Chapter 1 - The Prince
Chapter 2 - The weirdo
Chapter 3 - Typhoon or Cyclone
Chapter 4 - 1st out lesson
Chapter 5 - Something or Something?
Chapter 6 - At the Coffee shop
Chapter 7 - Dandy
Chapter 8 - Unexpected Breakfast
Chapter 9 - The Cover Story
Chapter 11 - Date or date
Chapter 11 - Used to be popular
Chapter 12 - Intimidated Gabby
Chapter 13 - Hero to Zero
Chapter 14 - A boy and A girl
Chapter 15 - Sa Isang Sulyap
Chapter 16 - Push over
Chapter 17 - Weird feelings
Chapter 18 - A date with Haring Nuknukan
Chapter 19 - Angel in disguise
Chapter 20 - This is me.
Chapter 21 - The Park
Chapter 22 - Boys
Chapter 23 - On and On
Chapter 24 - A friend
Chapter 25 - Truth are Lies
Chapter 26 - Tangled fate
Chapter 27 - Araw - Gabi
Chapter 28 - Yuri (Ryder) Honda Servano
Chapter 29 - The old and new
Chapter 30 - My past and my present
Chapter 31 - Odds

Chapter 21 - A found new feeling

137 5 0
By zycine

Nag rent ng motor bike si Gabby at inilibot nya ako sa buong island and it was a joy ride. Ito ang unang beses na sumakay ako sa motorsiklo kaya nakaramdam ako ng adrenaline rush, hindi ko akalain na ang isang Gabriel Amoroso ay adventurous din pala.

" Kapit ka ng mabuti" sabi pa nya habang naka ankas ako sa likuran nya

" Okay lang ako" sabi ko naman

" Hindi ka na ba takot ngayon? kanina lang parang ayaw mo sumakay ng motor

" Kasi kanina akala ko nakakatakot sumakay pero hindi naman pala at  alam ko naman na hindi mo ako ipapahamak" sabi ko

Hindi na sya sumagot pero naramdaman ko tumawa sya kahit na hindi ko nakikita ang mukha nya. Dumaan kami sa mga palayan ni Gabriel, papunta kami sa Cliff side sabi nya kasi makikita ko doon ng 180 degree ang buong Island kaya excited na ako.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang cliff at pinagmasdan ang buong island. Tama si Gabriel, nagustuhan ko ang tanawin doon, nasa mataas na lugar kami at nakikita ko ng buo dalampasigan mula sa itaas at napakaganda ng buong tanawin.

" Wow!" manghang manghang sabi ko.

Flick!

" That's the reaction I am waiting for" sabi naman ni Gabriel na natutuwang kumuha ng litrato ko

" Ang ganda kasi ng view, hindi ako makapaniwala na nandito ako ngayon" sabi ko

" Is this your first time to see this kind of place?" tanong nya

" Yes" pag amin ko at medyo nahihiya akong aminin yun " Ito ang unang beses at yung totoo walang mapaglagyan ang saya ko dahil nandito ako ngayon kaya maraming salamat Gabby"

Nakita kong ngumiti si Gabriel tapos ay sinuklay nya ang buhok niya na hinihipan ng hangin

" Ano ka ba. wala yun, marami ka pang hindi nakikita. Kaya take it all in dahil after dito may pupuntahan pa tayo.

" Okay" sabi ko ng nakangiti



SUNSET

Nasa dalampasigan kami ni Gabriel sa isang tabing dagat na kaming dalawa lang ang taong naroroon.

" What a day" sabi ko " This is the best working vacation ever!!' sigaw ko sa tahimik na dagat

" You really did have fun" sabi ni Gabriel naka upo sya sa tabi ng bonfire na gawa nya.

" Halata ba?" tanong ko tapos ay umupo na din ako sa tabi nya

" Oo. It's written all over your face Jessie" nakangiting sabi nya.

" Thank you, Gabby" kinuha ko ang isang kamay nya at ikinulong ko iyon sa dalawang palad ko " Thank you for everything, for coming here, for saving my job, and for being here with me now. Hind mo ito kailangan gawin pero nandito ka at kahit alam kong busy ka at pagod ka, nandito ka pa rin" "

" Jessie" sabi nya tinignan nya ako at tinignan ng direcho sa mata " You're.... "

Walang sabi-sabing pinitik nya ang noo ko

" Ang OA mo!" sabi nya tapos ay tumayo sya at lumakad sya pa punta sa may tabing dagat

" Aray!" sabi ko tapos sinundan ko sya " Bakit mo ako pinitik ang sakit kaya nun!" sabi ko

" Gusto ko!" sabi niya at patakbo niyang hinabol ang alon sa dagat tapos ay sumalok sa kamay niya ng tubig at buhangin at walang sabi sabi niya iyong pinahid sa pisngi ko " Habol! " sabi nya tapos ay tumakbo na sya

" Gabby! Patay ka sa akin pag naabutan kita!" sigaw ko


Hinabol ko sya sa dalampasigan para kaming mga bata dahil binabasa nya ako ng tubig na nakukuha nya sa dagat dahilan para mabasa ako

" Naaasar na sya!" panunukso nya kasi hindi ko sya maabutan at kapag nakakalapit ako ay binabasa nya ulit ako ng tubig.

That moment nakalimutan ko na siya si Gabriel Amoroso ang Hybrid Casanova at pambangsang playboy ng Pilipinas at ako ang weirdong si Jessie na takot sa mundo. 

Para lang kaming mga ordinariyong mga bata na walang pakialam sa mundo at masayang naglalaro sa dalampasigan ng habulan.


" Nakakatawa lahat ng picture mo" sabi nya sa akin habang nakaupo kami sa isang tabi ng bonfire at pinapanood ang sunset

" Patingin nga ako" sabi ko

" Ayoko nga" sabi naman nya. " Mamaya burahin mo pa, sobrang aloof ka pa naman"

" Wag mo ipagkakalat yung mga litrato ko ha. Baka mamaya sumikat ako bigla sa internet"

" Feeling ka din" Natatawang sabi naman ni Gabby

Hindi ko parin maintindihan pero tuwing ganito ang mood niya ay lihim akong natutuwa para sa kanya kaya hindi ko maiwasang manahimik at pagmasdan lang siya.

"Bakit?" tanong niya

" Nothing" sabi ko naman

" Ano nga?"

" Masaya lang ako yun lang" pag amin ko para tumigil na siya sa pagtatanong " This is nice"

" It's nice being here. Being with you and seeing you loosen up a bit.  " nakangiting sabi sa akin ni Gabriel  " To be honest, kung bakit ako nandito at kung bakit kita sinamahan lahat yun para sa sarili ko at hindi ko ginawa para sayo" sabi niya


" Ang gulo" sabi ko

" Jess I'm bored. And as of the moment ikaw ang nagtatanggal ng boredom ko kaya lahat ng ginagawa ko, lahat yun para sa sarili ko lang" seryosong sabi niya 


Pinagmasdan ko siyang mabuti, totoo kaya ang mga sinasabi niya? pero kung totoo yun bakit kailangan niya iyong sabihin habang masaya kami? ito kaya ang way nya para ipaalala na dapat hindi ako mahulog sa mga gesture na ipinapakita niya. That I should never fall in love with him. Huminga ako ng malalim.

" Whatever the reason you may have, I'm still grateful to you, Nobody has done what you have done for me, for my sake kaya Salamat " sabi ko naman.

" Weirdo" he smirks then it turns into a warm smile " Yeah-yeah"

***

Manila

Nakabalik na kami ng Manila, at buong biyahe pabalik ay walang ginawa sila karlo, Bennie, Logan at Emil kundi tignan ako at si Gabby kahit si Tricia ay kinukulit din ako kung bakit umaarte kami ni Gabby na parang close.

" Jessie please sabihin mo na kelan pa kayo naging close ni Gabriel, at bakit parang matagal na kayong close?" tanong ulit ni Tricia noong nasa palabas na kami ng arrival area sa airport

" Tricia stop freaking out okay" Bumuntong hininga ako " Like you he is my friend too at para sa akin mahalaga din siya"

" Oh my God! Since when?" tanong nya ulit

" Recently lang pero no big deal okay, kaya please wag mo na gawing malaking event ito" pakiusap ko

" Jess this is a big deal. Imagine kaibigan mo ang pinaka hot guy sa office ang pantasya ng lahat ng babae not to mention the most notorious playboy in town. Oh my gosh! this is an emergency, kailangan natin sabihin ito kay Heidee and Orly, for sure magugulat din sila"

" Please Tricia,  please wag na natin itong gawing issue, mabait na tao si Gabby, Hindi siya katulad ng iniisip nyo. He is important too"

" Okay. Sorry na carried away lang ako. Pero Jessie sure ka ba na walang kahit anong namamagitan sa inyong dalawa?" tanong ni Tricia at may halo itong pag-aalala

" Nothing. He clearly state na hindi nya ako papatulan, dahil gusto nya akong maging kaibigan. Isa pa ang sabi nya hindi siya gagawa ng ikakapahamak ko"

" Naniwala ka naman?"

Naniniwal nga ba ako? tanong ko din sa sarili at hindi ko mahanap sa sarili ko ang magduda sa kabutihan ni Gabriel kaya tumingin ako kay Tricia at tumango.

" I know he is a good person, despite his reputation"

" Kung ganun, wala na akong magagawa kundi soportahan ka sa bago mong friendship" Inakbayan ko si Tricia at nginitian sya.

"Guys wait" Tawag ni Logan sa amin ni Tricia, kaya huminto kami sa paglalakad at nilingon namin sya na kasama ang buong team including Gabby

" Bakit Logan may nakalimutan ka ba?" Tanong ni Tricia noong makalapit na sila sa amin.

" Tumawag si Jaja, may shuttle daw na susundo sa atin dito sa airport at gusto nya dumaan muna tayo ng office para mag update"

" Huh! Grabe naman siya. Hindi ba tayo pwede huminga gutom na ako" angal ni Tricia.

" Wala pa naman yata yung sundo natin, gusto nyo kumain muna tayo?" Narinig namin na sabi ni Logan. " What do you think Jessie? may nakita akong Italian restaurant dito sa loob ng airport, gusto nyo dun na lang tayo? "

" Buti pa nga. Sigurado hindi na tayo makakakain mamaya pagdating sa office dahil kay Jaja" sigunda naman ni Emil

" Let's go. Gutom na ako" sabi naman ni Tricia

Sinundan namin si Logan dahil sya ang nakakaalam ng resto na sinasabi nya. Pagdating namin doon ay omorder agad kami ng makakain.

Masayang nagku-kwentuhan ang mga kasama ko habang kumakain habang tahimik lang akong nakikinig sa kanila at may mga pagkakataon na nakikitawa din ako sa mga biruan nila sa isat-isa. Si Gabby ay tahimik lang na nakikinig sa amin.

Pagkatapos naming kumain ay nakatanggap ng tawag si Karlo mula sa Shuttle driver namin para ipaalam na dumating na sya kaya agad na kaming nag bill out in our surprise Gabby settle the bill.

" Sagot ko na to" sabi ni Gabby sa amin noong mag-aambagan na sana kami sa pagbabayad ng kinain namin.

" Yun! Salamat Pre." sabi ni Emil

" Thank you Gabby" sabi ko naman

" No problem" nakangiting sagot nya sa akin

OFFICE

Sa loob ng conference room kami pinapunta ni Jaja at doon ay nag update si Karlo, Tricia at Logan dahil sila nag may handle ng project at ipinakita din nila yung mga video ng interview at ang mga litrato nakuna ni Gabby. Nakatikim ako mga salita kay Jaja dahil sa aksidenting nangyari kay Logan pero over all natuwa naman sya sa nangyari at nagpasalamat sya kay Gabby dahil pumunta sya sa photoshoot.

Pagkatapos ng meeting ay pinauwi na nya kami, 2 hours din ang itinakbo ng meeting namin kaya paglabas ko ng room na iyon ay para akong na drain at napagod. Nasa baba na kami ng building at sinsaamahan ko na lang si Tricia na makasakay ng Taxi

" Napagod ka ba Jess?" Tanong ni Tricia habang nakaakbay sya sa akin

" Medyo, ikaw okay ka lang ba, hindi ka ba pagod?"

" Hindi sanay na kasi ako" sagot nya " ang gusto ko lang ay umuwi, magbabad sa bathtub at magpahinga"

Maya-maya may huminto na ang taxi sa harap namin kaya tinulungan ko si Tricia na ipasok yung mga dala nya sa loob ng taxi tapos ay nagpaalam na ako sa kanya. Hinintay ko muna na makaalis yung Taxi na sinasakyan ni Tricia bago ako naglakad pauwi sa condo ko.

++++++++++++++++++

Gabby's POV

Pagkatapos ko mag-update kay Jaja ay nauna na akong umalis at iniwan sila Jessie at ang grupo niya na ongoing pang mini-meeting ni Jaja. Umuwi ako ngayon sa totoong bahay ko para doon magpahinga dahil pinapalinis ko ang Penthouse ni Ace-syn, may kutob kasi ako na parang uuwi siya.

Pagpasok ko ng bahay ay agad akong pumasok sa bathroom para maligo dahil pakiramdam ko ay nanlalagkit na ako dulot ng mahabang biyahe pagkatapos ay pumunta ako sa kusina at kumuha ng beer. Gusto ko muna magpaantok bago matulog kaya tumambay ako sa may balcony at pinagmasdan ang langit.

" Gabby " tawag ni Neah

Biglang pag-alala ng utak ko sa tawag ni Neah sa akin noong aksidente kaming magkita para iyong isang tape recorder na nag play na lang basta sa utak ko. I still remember her, three years na ang lumipas simula nang maghiwalay kami pero naaalala ko pa rin nang malinaw ang maganda at maamo nyang mukha.

Malinaw pa rin sa akin ang mga ngiti niya kahit ang mga tawa niya na parang kahapon lang ang dumaan. Ang tagal ko na iyong gustong ibaon sa limot pero paulit-ulit parin ang pag-alala ng utak ko sa mga iyon at wala akong magawa. 

At kahit na ilang babae pa ang dalhin ko sa bahay ko na ito ay hindi noon maalis ang mga bakas ng alaala niya na nakaukit na yata sa bawat sulok at pader ng bahay na ito.

" Tangina! Tantanan mo na ako" I said with frustration sumisikip na naman ang dibdib ko. Ang bigat-bigat na " Please leave me alone...Neah..." Pagsusumamo ko.


Ring!


Ring!


Tumunog ang mobile phone ko na ipinagpasalamat ko dahil kung hindi baka magtuloy tuloy ang nararamdaman ko. Humugot ako ng malalim na paghinga at hinilamos ko sa aking mukha ang aking palad para mahimas-masan. 

Tumayo ako sa pagkakaupo at pumasok sa loob ng kwarto. Kinuha ko ang tumutunog na cellphone na nakapatong sa night stand at sinagot iyon agad.

" Hello" bati ko sa kabilang linya, hindi ko na napansin ang pangalan ng tumatawag dahil sinagot ko ito agad kung sino man iyon ay gusto ko magpasalamat dahil napigilan nya akong malunod na naman sa lungkot.

" Hello Gabby" sabi ng boses na nasa kabilang linya, kilala ko ang boses na iyon kaya tinignan ko ang caller ID ng phone at nag flash sa screen ang pangalang "Weirdo"

" Jessie, napatawag ka?"


" Sorry bad timing ba?"


" Hindi okay lang. What's up, nakauwi ka na ba?" tanong ko


" Um, kakauwi ko lang, ikaw? nasa penthouse ka na ba?" tanong ni Jessie


" Wala ako dun, umuwi ako sa bahay ko. Bakit may kailangan ka ba?" tanong ko


" Wala naman, naisip ko lang na tumawag para sumaya ka naman bago ka matulog"

I smile, I don't know if she knows this but Jessie has this power over me. She makes my mood a little better and makes me feel a little lighter and whenever I am with her I could master a smile. Na para bang ang dali para sa akin mag pretend na masaya din kahit sandali lang na parang kahit sarili ko ay napapaniwala ko na sumasaya na din ako kaya nakukuha ko na din magbiro at sumakay sa mga baduy nyang joke.


" Wow! Ang kapal ha! san galing yung confidence mo?" tanong ko


" San pa eh di sayo" nadinig ko din syang tumawa. " Oh ayan kompleto na ang araw mo kasi naasar mo na ako pwede ka na magpahinga. Good night Gabby." sabi pa nya.


" Wait"


" Bakit? miss mo na ba ako agad?" biro pa niya.


" You wish." biro ko " Jessie inaantok ka na ba?"


" Hindi pa naman."


" Usap muna tayo, libangin mo muna ako hanggang makatulog ako." sabi ko


" Nako mahal ang talent fee ko. " sabi nya tapos tumawa ulit siya.


" Hindi ka ba na brief? Its a privilege to be with me kaya bawat minuto ko mahalaga, suwerte mo kaya." biro ko at narinig ko siyang tumawa.


" Wait, papatayin ko lang yung aircon yung hangin mo kasi umabot dito bigla akong gininaw."

Bigla akong natawa sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin ngayon pero lihim akong nagpasalamat na tumawag si Jessie dahil yung lungkot ko kanina ay biglang nawala. 

Mabilis na lumipas ang mga oras ng hindi ko namamalayan naging komportable ako at relax na nakahiga sa kama habang kausap siya


" Gabby hindi ka pa ba inaantok 2AM na baka pagod ka na" dinig kong sabi nya sa kabilang linya


" Diba sabi ko umaga na ako natutog tuloy mo lang yung kwento mo ano nangyari sa inyo nila Orly?"


" Ayun nga, nag pretend si Orly na lalaki at boyfriend ni Heidee. tapos pumunta kami sa party ng kaibigan ng boyfriend niya para pagselosin yung boyfriend ni Heidee. Pagdating naila doon ang ganda pa nang pasok nilang dalawa naging head turner sila tapos biglang lumapit yung totoong boyfirend ni Heidee sa kanila para komprontahin sabi " Ito ba ang pinalit mo sa akin?" ang laki ng boses nya tapos ang tangkad niya he practically towering Orly kaya kinabahan si Orly tapos napa piyok siya noong sumugat siya ng Hindi, actually ikaw ang type ko then lumabas na yung pagiging malambot niya" natatawa kong kwento "Epic fail ang nangyari"


" I can picture it, Orly is really funny when he is nervous" natatawang sabi ko


" Sinabi mo pa, ang talas pa naman ng boses niya" masaya niyang sabi then she pause " Ang totoo masaya ako because we became close. Orly, Heidee and Tricia are my real friends and I'm so much thankful for it" dinig kong sabi ni Jessie


" Yeah, real friends are hard to come by. I am lucky I have mine to, Ipapakilala ko din sila sayo sometimes. Magkwento ka lang, narerelax ako habang kausap ka" sabi ko sa kanya pero ang totoo humihikab na ako, mukhang dinadalaw na ako ng antok sa wakas.


" Gusto mo pa ako magkwento pero sa boses mo inaanto ka na"


" Hindi, hindi pa" sabi ko


" Gabby 3 hours na tayo magkausap at isa pa para kasing isang ihip na lang ng hangin babagsak ka na sa antok, ang mabuti pa matulog na tayo para makapagpahinga na din at...." hindi na naituloy ni Jessie ang sasabihin nya dahil bigla akong huminga " Nakatulog ka na. Good Night Gabby, sweet dreams" dinig ko pang sabi niya bago ako tuluyang nakatulog.


And I did sleep calmly and I could say peacefully.

Continue Reading

You'll Also Like

151K 4.9K 49
Tagalog-English BL - Romeo Andres and Romeo Emilio shared three things. They shared one name, one yard and one feeling. However, it's not the kind of...
49.1K 3.3K 10
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
160K 2.9K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...