If You Don't Know Me By Now

By wonderwall23

282K 8K 1.7K

More

Forewords
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue

Chapter 6

12K 351 107
By wonderwall23

Busy si Kathryn sa computer nang biglang magring ang phone nya. Napakunot ang noo nya. Alas tres na ng madaling araw. Sino naman kayang hudas ang tatawag sa kanya ng ganitong oras? Tumawag na sa kanya si Dominic two hours ago. Hindi sila masyadong nakapagusap dahil may kailangan pa syang tapusin.

"Hello?" Sagot nya sa tawag.

"Nagising ba kita?"

Napairap na lang siya. "Daniel." Walang ganang sabi nya.

"Nagising ba kita?" Tanong ulit nito.

"Hindi."

Narinig nya itong nagbuntong hininga. "Im sorry." Mahinang sabi ng binata.

"Really?" Sarcastic na tanong nya dito.

"Kath-"

"Oo na! Alam ko na yan. Ayaw mong masaktan ang pinakamamahal mong girlfriend kaya ako na lang sinaktan mo."

"Hindi sa ganon. Pakinggan-"

"Hindi, ako ang pakinggan mo. Ayoko sa mga hypocrites so stop acting like one. Gusto mo ko, it was so obvious."

"Kathryn."

"Sinabi nang makinig ka! Para sayo si Jasmine ang pinaka-sagradong bagay sa mundo. Tinulak mo ko palayo dahil di mo kayang makitang nasasaktan sya. Gusto mong pakalmahin sya. Gusto mong iassure sya na mahal na mahal mo sya. And the only way you can do that is to throw me out. Naiintindihan kita. Ganyan ka naman. Simula nang dumating si Jasmine sa buhay natin, naging ganyan ka na sa akin."

"Kathryn..."

Pinigilan ni Kathryn ang mga luha na nagbabadya nang tumulo. "On second thoughts, hindi ko pala naiintindihan. More like, nasanay na lang ako. Nasanay na kong itapon pagkatapos gamitin."

"Hindi kita ginamit!"

"Eh anong tawag mo dun? We fell in lust with each other?"

"Stop talking like a... like...a...like a...a..."

"Like a whore? Slut?"

Narinig nyang nagbuntong hininga ang binata. "Hindi ko alam bakit ba kinakausap pa kita. At bakit nagabala pa kong mag-sorry sayo."

"Bakit nga ba?"

"Because I cant stop thinking about you! Hindi ako makatulog because my mind is occupied with your image. Iniisip ko kung nasaktan ka ba sa nangyari kanina. Tumawag ako para magsorry and to make you feel better."

Huminga sya ng malalim. "I feel better na. Wala lang yun. Late na, ibaba mo na yung phone."

"Bakit gising ka pa?" Tanong nya imbes na tapusin ang usapan.

"Insomniac kasi ako."

"Hindi ko alam yun ah."

"Wala ka namang alam tungkol sa akin."

Natahimik si Daniel. "Oo nga. Anong ginagawa mo?" Interesadong tanog nya.

"Making love stories."

"What the hell for?"

"What the hell for what?" Naiinis na tanong nya sa binata.

"Bakit ka gumagawa ng love stories? Hindi ako naniniwalang gumagawa ka nyan. It's so not you."

"As I've said, wala kang alam tungkol sa kin. Lahat ng tao pwedeng gumawa ng love stories. Bakit ba kinakausap pa kita? Ibaba mo na nga! Busy ako."

"Kathryn, Im trying my best here. Baka naman pwedeng magpakita ka naman ng interest sa usapan natin?"

"Sa totoo lang, Im also trying my bestest best na wag kang murahin. This is the kindest me."

"Galit ka sa kin."

"Sino ba naman ang hindi magagalit?"

"Nagsorry na ko."

"Sa tingin mo sapat na yun? At over the phone? Hindi man lang sa personal? Dont you think I deserve that? Sige, kung yan ang magpapatigil sayong guluhin ako ngayong madaling araw, papatawarin na kita. Sincere ako. Promise." Kahit halata namang hindi sya sincere.

"Kathryn-"

"Bye!"

Tinapos nya na ang usapan nila. Ipinagpatuloy nya na lang ang pagttype sa computer nya. Hindi pwedeng mawala ang momentum nya. Nasa climax na sya. Kailangan nyang ibuhos ang lahat ng frustrations nya sa buhay.

__________

"May week long seminar si Jasmine sa Cebu?" Tanong ni Kathryn sa Tita Carla nya.

"Yun ang sabi ni Daniel sa akin noong isang araw."

"Kelan sya aalis?" Excited na tanong nya.

"Hindi ka naman excited, Nak?" Pang-aasar sa kanya ni Carla. "Bukas ng umaga ang alis nya. Ito na ang chance mo. Do what you have to do."

"Nasabi ko na ba sa inyo na teritoryo ko ang Cebu?" Makahulugang sabi nya.

Umiling ang Tita Carla nya. "Anong iniisip mo?"

Nakangising nagdial sa phone si Kathryn.

"Anong kailangan mo?" Bati ng tao sa kabilang linya.

"Hello din sayo, Dominic." Nang-aasar na bati nya.

"Busy ako, Kathryn. Kung may kailangan ka, sabihin mo na." Naiinis na sabi nito. Alam nyang busy ito sa pag-eedit sa mga oras na ito.

"Gusto lang naman kitang icheck."

"Okay lang naman ako. Yun lang ba?"

"Aattend si Jasmine ng seminar dyan sa loob ng 1 week. Aalis sya bukas ng umaga. Gusto kong sundan mo sya kung saan sya pupunta. Isesend ko sayo ang picture nya."

"What? Nababaliw ka na ba?" Sigaw ni Dominic. "Ang cheap, Kathryn. Ako? Baka nakakalimutan mo, I run a publication company. Hindi lang basta basta publication company. Pinaka-sikat na publication company. Tapos gusto mong sundan sundan ko ang 'bestfriend' mo habang andito sya na parang isang detective? Utang na loob naman!"

"Ibig sabihin hindi mo ko matutulungan?"

"Bakit ba kasi gusto mong sundan ko sya? If you hate her, I hate her even more!"

"I want her downfall, Dom."

She heard him sighed in defeat. "Alright! Alright! Susundan ko na sya! Geez, I can't believe I'll stoop that low."

"Thank you!!!"

"Pasalamat ka at mahal na mahal kita. Mawawala sa paningin mo si Jasmine ng isang linggo. Anong plano mong gawin ngayon?"

"Kukunin ko kung ano ang akin, kahit anong mangyari." Determinadong sabi ni Kathryn.

"Paano kung masaktan ka?"

"Lagi naman akong nasasaktan. Sanay na ko. Natuto na kong mabuhay ng ganon."

"Kathryn."

"Bye na." Binaba na ni Kathryn ang tawag bago pa maging dramatic.

Nang lumingon sya sa Tita Carla nya ay nakita nya itong nakatitig sa kanya. Hindi nya mabasa kung anong iniisip nito.

"Tatanggapin ko kung anong sasabihin mo, Tita. Wag mo lang akong kakaawaan."

Ngumiti ito sa kanya. "Iyon ang huling mararamdaman ko para sayo, nak. Mahal kita. Alam mo na yan diba? Andito lang ako lagi para sayo. Hindi ka mag-iisa."

Niyakap nya agad ito. Hindi sya umiyak. Gusto nya lang na niyayakap sya nang ganon.

__________

Busy si Daniel sa paggawa ng mga financial reports nang biglang pumasok si Kathryn sa opisina nya. Tumayo ito sa gitna ng opisina nya na parang reyna. A stunning queen. Nakasuot ito ng black na off-shoulder dress na may white lace tapos ay naka-stilletos ito.

She was smiling seductively at him.

"Hindi ka na galit sa akin?" Tanong nya sa dalaga.

Naglakad si Kathryn papalapit sa kanya imbes na sumagot. Yumuko ito at hinalikan sya sa labi. Iyon na ang best na sagot para sa kanya.

"I missed you." Bukong sa kanya ni Kathryn.

Tumikhim si Daniel. Namiss din nya ito. Sobra pa nga. Ilang araw na rin simula noong huli silang nagkita at nagusap. Napaka-unusual nito para sa kanya. Nabuhay sya ng ilang taon na wala si Kathryn pero bakit parang hinahanap hanap ito ng sistema nya ngayon? He guessed the kiss did the job.

Ayaw nyang isipin iyon. Hinawakan nya ang likod ng ulo ng dalaga and then claimed her full mouth in a passionate and hungry kiss. Wala na syang pakialam. Umalis naman na si Jasmine kahapon. What she doesn't know won't hurt her.

Gago talaga sya.

Nilagay ni Kathryn ang mga kamay nito sa leeg nya. Niyakap nya ito ng mas mahigpit. Their bodies fit like they're created for each other.

"Namiss mo din ako?" Bulong ni Kathryn sa labi nya.

"Shut up and kiss me." Bulong nya pabalik at saka nilaliman pa ang halik nila.

His mouth traveled down to her lovely neck. She moaned. His hand cupped her breast and gently kneaded. Parang nawawala na sya sa sarili nya. Nawala na nga sa isip nya na nasa opisina nya sila.

When he was too occupied with passion, lumayo sa kanya si Kathryn. Sumimangot si Daniel. Pero nakangiti ng matamis ang dalaga sa kanya. He felt frustrated. Pinaglalaruan ng dalaga ang feelings nya. Pambihira!

"Alam kong akala mo na easy to get ako." Sabi ng dalaga na parang di naman ito nasaktan pero nakaramdam sya ng guilt sa sinabi nito. Oo, he thought of her as an easy woman. "Yes, Im easy pero hindi ganyan ka-easy, baby."

He scrubbed his face with his hands in frustration. Napakadami nyang problema at ayaw nya nang mamroblema pa. Kathryn spells complication. Hindi nya kailangan ng isa pang tao na gugulo sa buhay nya.

"Anong gusto mo?" Sabi nya habang naglalakad palayo kay Kathryn.

"Ikaw."

"Kathryn."

"Wala naman si Jasmine dito. Malayo sya sayo sa loob ng isang linggo. Be mine for a week. Just a week, Daniel."

Napakunot ng noo si Daniel. Nakaramdam sya ng pagmamakaawa sa boses ng dalaga o imagination lang ba nya yun? Pero hindi magmamakaawa si Kathryn. She's too proud para gawin iyon.

Umiling sya dahil hindi sya makapaniwala sa sinabi sa kanya ng dalaga. "You're out of your mind."

Nagkibit balikat lang si Kathryn. "Maybe. Pero isa lang ang sigurado ako, I want you. Hindi ko alam kung bakit, siguro ay curious ako o siguro ay nacchallenge ako. Lumaki tayong ayaw natin sa isa't isa. Kaya let's be together for a change."

"Hindi ako pwedeng magcheat kay Jasmine."

Kathryn laughed hysterically. "Hindi ka pwedeng magcheat kay Jasmine? You just did, baby. We almost made out kanina. Tinatawag mo ang sarili mong faithful boyfriend? Kung gago ka ngayon, gago ka forever."

Pakiramdam nya ay namula sya. Truth hurts.

"Umalis ka na. Hindi ako papayag na magkaroon ng affair sayo. Leave me alone." Galit na sabi nya kay Kathryn.

Pero imbes na umalis ay naupo lang ang dalaga sa couch.

"Si Jasmine lang ang naging babae sa buhay mo diba?"

Tumango sya.

"Tell me honestly, minsan ba naisip mo ang ibang babae sa gabi? I mean, ang tagal nyo na kasi ni Jasmine. Hindi ba kayo napapagod sa isa't isa?"

"Noon hanggang ngayon si Jasmine lang ang babae para sa akin. She will always be the only one. Hindi ko maimagine ang sarili ko na wala sya sa tabi ko. She's my life. My everything."

For a while akala nya ay nakita nya ang pain sa mga mata nito pero aaad ding nawala.

"Ang B-O-R-I-N-G ng buhay mo. Napaka-boring!"

"At ang buhay mo hindi boring? Wala kang ibang alam kundi magparty at gumastos. You call that fun? Siguro nga sa kagaya mo akala mo hindi B-O-R-I-N-G ang buhay mo." Sarcastic na sagot nya dito.

Tumayo si Kathryn at lumapit sa kanya. Inilagay uli nito ang kamay sa leeg nya. Napalunok sya. Inaakit na naman sya ng babaeng ito. Oh jusko! Tulungan nyo ko!

Tinitigan sya ng dalaga. "Isang linggo lang, Daniel. No strings attached. Promise ko hindi ako magiging clingy at needy. Hindi ako magdedemand ng kahit ano. Hindi ako mageexpect. Walang makakaalam na may affair tayo. Pag bumalik na si Jasmine, lalayo na ko. Kahit mag-abroad pa ko. Please say yes?"

Napalunok uli sya. Natetempt na syang pumayag.

"More than a week mawawala si Jasmine. Pinayagan sya ng Daddy nya magkaroon ng bakasyon pagkatapos ng seminar." Hindi kya alam kung bakit pa sinabi iyon. Kailangan ba nya talagang ishare?

Malaking ngiti ang iginanti ni Kathryn. "Is that a yes?"

Hindi sya nakasagot.

'Nagpromise kang hindi ka na magpapaakit. Gago ka talaga.' Sermon ni Daniel sa sarili nya.

Kathryn nibble on his lower lip.

"Wag mong gawin yan." Pag mamakaawa nya.

Pinakawalan ng dalaga ang labi nya pero agad nitong hinalikan ang leeg nya. Her tongue drawing circles. He felt himself hardened. Naramdaman nyang napangiti ito sa leeg nya. Alam nyang naramdaman ng dalaga ang reaction kya. Dahan dahan nitong kinagat ang leeg nya na para bang kulang pa ang reaction ng katawan nya sa ginagawa nito.

"Kathryn..." Tawag nya dito.

Naiinis sya sa sarili nya dahil marupok sya. Naiinis sya sa sarili nya for giving in again.

"Hindi naman malalaman ni Jasmine. What she doesn't know, won't hurt her, diba?" Bulong ni Kathryn.

"No strings attached?"

"Uh huh."

"Hindi ka magdedemand ng oras ko?"

"Promise."

"Hindi ka magdedemand na mahalin kita?"

Medyo natigilan si Kathryn. "Bakit natin pinaguusapan ang love?"

"Nakalimutan kong lust nga pala to." Parang nakaramdam sya ng pait sa bibig nang sinabi nya iyon. Hindi matanggap ng sistema nyang lust lang ang pinagsasaluhan nila.

"Yes or no?" Tanong ni Kathryn habang dinidilaan ang tenga ni Daniel.

Sino ba namang makakapagisip ng matino sa ginagawa ng dalaga sa kanya?

Napabuntong hininga si Daniel. "Yes."

Ngumiti si Kathryn and kissed him hard. He angled his head for better access. Nalulunod na sya sa sensation nang biglang dumistansya ang dalaga sa kanya. Ngumiti uli ito sa kanya.

"Pupunta ako sa bahay nyo mamaya. Magluto ka ng special para sa kin ha?" Sabi ni Kathryn ng nakangiti.

"Akala ko ba hindi ka na magdedemand?"

"Demand ba yun? Akala ko request lang. Kung ayaw mo, okay lang naman."

Bakit ba pakiramdam nya ay kaya syang imanipulate ng dalaga ng ganun ganun na lang?

"Oo na, I will cook something special para sayo mamaya."

"Thank you." Kinuha ni Kathryn ang bag nya. "Alis na ko. Magsshopping lang ako ng mga bagong damit." Naglakad na ito papunta sa pintuan.

"Teka! Nasaan ang goodbye kiss ko?" Biglang sigaw nya sa dalaga.

Biglang humarap sa kanya si Kathryn. Ngumisi ito at tumakbo sa kanya para halikan sya.

"Kailangan mo ng shopping money?" Tanong nya uli bago makalabas ng tuluyan ang dalaga.

Nawala ang ngiti ni Kathryn. "May affair tayo pero hindi ka DOM. Kaya stop acting like one."

"Naoffend ba kita?"

Ngumiti uli ito sa kanya. "Baliw. Sapat naman yung pera ko dito pero thank you sa offer. Baka next time kailanganin ko ang pera mo. Bye!"

Nang napagisa na sya sa opisina nya, inisip nya kung tama ba ang ginagawa nya. Syempre hindi! Nagtataksil sya sa girlfriend nya. Pero why does it feel right? Naeexcite pa nga sya sa affair nya. Napailing sya. Nababaliw na sya.

Bumalik na sya sa pagttrabaho. Kailangan nyang tapusin ang trabaho nya para makauwi sya ng maaga at ipagluto ng special dinner si Kathryn.

Baliw na nga sya talaga!

__________

Author's Note: When the kangaroo is away, the Kath will play. Chos.😋

Continue Reading

You'll Also Like

141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
77.6K 3.1K 79
❝ pang-ilan na ako sa mga nabiktima mo ng ghosting? ❞ ↭ epistolary ↭ diary entries #2 ↭ stray kids series #2 ↭ date started (04/25/19) ↭ date complet...
46.8M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!