In Other Words, I Love You

By AndieHizon

91.6K 1.2K 41

"May mga bagay pala na hindi mo kayang pigilan o kontrolin, like how much I am attracted to you." Nilayasan n... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Last Chapter

Chapter 5

6.5K 100 3
By AndieHizon

NAISIPAN ni Chrissa na i-search kung ano ang nangyari noong April 01, 2009 dahil hindi siya mapakali. Hindi rin niya kayang ipaliwanag kung bakit siya kinakabahan. Nagbuga siya ng hangin at saka nag-type sa Google.

Isang news article ang una niyang natanawan nang i-search sa Google ang petsa. "Paglubog ng MV Salvieja, 25 Dead, 13 Missing," basa niya sa title ng article. Hindi siya aware sa pangyayaring o kung nabalitaan man niya ay nakalimutan na niya. Ganoon naman ang mga tao, hindi ba? Kung walang kinalaman sa buhay ang isang bagay o pangyayari ay ipinagwawalang-bahala lang.

Nag-scroll down siya para mabasa ang buong artikulo. Bigla siyang natigilan nang nabasa ang pangalang Elaine Yapit sa missing list ng naturang lumubog na barko. Siya ba at ang Elaine na kausap ng kung sinumang may-ari ng file ay iisa?

Isinara niya artikulo. Hindi siya pakialamera at lalong hindi siya tsismosa pero ano itong ginagawa niya? Daig pa niya ang isang bayarang detective kung mag-research samantalang noong nag-aaral pa siya ay halos buhatin niya ang katawan para mag-research para sa term paper niya.

Napatingin si Chrissa sa digital clock na nasa mesa niya. Mag-a-alas nuebe na ng gabi. Alas tres ng hapon nang umalis si Cider. May aasikasuhin daw ito, siyempre ay hindi naman siya nag-usisa. Hinayaan niya lang ito. Mabuti na nga rin sigurong wala ito shop dahil baka hindi mapigilang magtanong ng tsismosa niyang bibig.

Wala na rin namang customer kaya magsasara na siya. Iyon naman ang bilin ni Cider, kapag medyo late na at wala ng tao ay magsara na siya. Itetext na lamang niya ito para hindi na ito magtungo sa shop kung sakaling tapos na ang inaasikaso nito.

Sinigurado niyang naiayos niya lahat bago siya tuluyang lumabas ng shop. Inila-lock niya na iyon nang may marinig siyang tumawag sa pangalan niya. Si Ate Vodka ang nalingunan niya.

"Nagsasara ka na pala," anito paglapit sa kanya.

"May kailangan ka, ate?" nakangiting tanong niya rito.

"Tsinetsek ko lang kung nandito si Cider," anito saka nagbuntong-hininga.

"Kaninang alas-tres pa siya umalis, may aasikasuhin daw," sabi naman niya.

"Malamang ay nagpapakalango na naman iyong mag-isa. Pwede mo ba akong samahan?"

"Saan?" nagtatakang tanong niya rito.

"Sa kabilang kalsada lang. Sisilipin ko si Cider. Baka mamaya nagpapatiwakal na ang isang iyon," ani Ate Vodka na mas mukhang nag-aalala kaysa nagbibiro.

"Bakit naman iyon magpapatiwakal iyon, ate? Ikaw talaga," kunwa'y natatawang sabi na lang niya kahit ang totoo ay bigla rin siyang nag-alala.

"Birthday ngayon ni Elaine at kapag ganitong araw ay nagpapakalunod si Cider sa alak. Gitlfriend nya si Elaine na limang taon ng missing in action. Walang nakakaalam kung buhay pa siya o ano. Ang nakakalungkot lang, tangay-tangay niya ang puso at buhay ng kapatid ko," malungkot na pagkukwento ni Ate Vodka. "Naku, Chrissa, kung anu-ano na ang nasabi ko sa'yo. Huwag mong sasabihin kay Cider na naikwento ko sa'yo ang tungkol kay Elaine, ha?"

"Oo naman," aniya saka ngumiti. Magkaagapay silang naglakad patungo sa kung nasaan man si Cider at habang naglalakad ay nabanggit niya kay Ate Vodka ang tungkol sa files na nabasa niya. "Si Cider pala talaga ang gumawa niyon."

"Grabe magmahal ang kapatid ko, ano? Sa sobrang wagas nga niyang magmahal ay gusto ko na siyang ihulog sa dagat at ipapapak sa mga pating. Hay! Kung pwede ko lang kunin kahit one fourth ng sakit na dinadamdam niya."

Nakakatawa mang isipin ay naiinggit siya kay Cider dahil mahal ito ng ate nito hindi tulad niya na walang kapatid na nagmamahal. "Kahanga-hanga siya, ate. He remained faithful and loyal to Elaine for five long years. Five years na walang kasiguraduhan. Iyong iba nga kaharap pa lang ang mga syota ay nagagawa ng manggoyo."

"Kahanga-hanga at kaawa-awa," komento ni Ate Vodka at saka muling nagbuga ng hangin.

Sa isang bakanteng lote sila nakarating ni Ate Vodka at sa dulong kanan ng loteng iyon ay may isang kubo. Nakabukas ang dilaw na ilaw sa kubo at may tao roon.

"Nandito nga siya." Nilingon niya si Ate Vodka, nakatanaw ito sa kubo. Maya-maya pa ay hinila siya nito palapit sa kubo ngunit tumigil din sila nang marinig ang tunog ng gitarang nakapatong sa hita ni Cider. Hindi sila gaanong malapit dito ngunit kita nila ito mula sa kinatatayuan nila. Naririnig din niya ang pagtugtog nito habang nakatitig sa mga lata ng beer at isang bote ng rhum na nakapatong sa ibabaw ng kahoy na mesa sa gitna ng kubo.

"Naalala ko pa 'nung nililigawan pa lamang kita. Dadalaw tuwing gabi masilayan lang ang iyong mga ngiti at ika'y sasabihang bukas ng alas-siyete sa dating tagpuan. Buo ang araw ko marinig ko lang ang mga himig mo. Hindi ko man alam kung nasaan ka, wala man tayong komunikasyon, maghihintay sa'yo buong magdamag dahil ikaw ang buhay ko..."

Tulalang umaawit si Cider, walang espesyal sa boses nito. Hindi iyon pang-The Voice o pang-Pilipinas Got Talent pero pupusta siyang kahit na sino ang makarinig sa awit nito na alam kung ano ang nangyari rito sa nakalipas na limang taon ay tiyak na maiiyak dahil sa emosyon nito habang kumakanta.

"Kung inaakala mong ang pag-ibig ko'y magbabago, itaga mo sa bato, dumaan man ang maraming Pasko. Kahit na, 'di mo na abot ang sahig, kahit na 'di mo na ako marinig, ikaw pa rin ang buhay ko. Naalala ko pa 'nung pinapangarap pa lamang kita, hahatid susunduin. Kahit mga bituin ay susungkitin..."

And tears began to flow from her eyes. Pinunasan niya iyon bago tumingin kay Ate Vodka, umiiyak din ito. "Puntahan mo siya, ayaw kong makita niyang umiiyak ang ate niya. Ayokong isipin niyang naaawa ako sa kanya," bilin nito sa kanya bago tumalikod. Pinagmasdan niya ito habang naglalakad palayo.

Nang makahuma ay saka lang siya naglakad patungo sa kubo. "Bossing," nakangiting pukaw niya sa atensyon nito. Halatang nabigla ito nang makita siya.

"Paano mo nalamang nandito ako?" tanong nito bago pa siya tuluyang makalapit. Halata sa mga mata nitong bangenge na ito. Paano ba namang hindi? Mahigit kinse atang lata ng beer, na walang laman, ang nakakalat sa mesa at paubos na rin ang laman ng bote ng rhum.

"Napadaan lang ako rito, nakita kaya tumigil muna ako sa paglalakad," pagsisinungaling niya. Oo na, hindi siya magaling magsinungaling. "Naisara ko na nga pala ang shop."

"Ganoon ba? Pasensya ka na, hindi kita natulungan," anito saka yumuko. Hindi na siguro kaya ang katawan.

"Okay ka lang? Tama na iyan, ang dami mo ng nainom, eh. Hatid na kita sa inyo."

"Hindi. Okay lang ako rito," anito saka pilit na isinandal ang likod sa upuang kawayan. "Dito dapat kami magkikita pag-uwi niya," maya-maya ay sabi nito. Nakapikit ito. "Pero hanggang ngayon ay hindi pa siya dumarating. Ang daya nga, eh. Ang sinabi niya lang maghintay ako, hindi niya sinabi kung gaano katagal."

Maya-maya ay may tumulong luha sa pisngi nito kahit nakapikit pa rin ito. Nais niya itong lapitan, punasan ang luha nito, yakapin ito at sabihing magiging maayos din ang lahat pero sino siya para gawin iyon?

"Ang sakit-sakit lang, hindi ko pa rin matanggap. Para pa rin akong gagong naghihintay. Buti sana kung may kasiguraduhang darating pa siya..."

"Pwede naman kasing tigilan mo na ang paghihintay lalo na kung hindi naman pala siguradong babalik siya. Hindi naman masamang umasa, eh, kaya lang tignan mo naman ang itsura mo ngayon. Mag-isa kang naglalasing dito, nagpapakagat sa mga lamok, nagtitiis sa init... Miserable."

"Sinubukan ko naman, eh. Sinubukan kong tumigil sa paghihintay, sa pag-asam na babalik siya pero hindi ko magawa. Palaging may nagsasabi sa kaibuturan ng puso kong babalik siya. Hindi ko magawa kasi mahal na mahal ko siya." And he cried again.

Her heart went to him. Tumayo siya at nilapitan ito. Ginawa niya ang kanina niya pa gustong gawin: pinunasan niya ang luha sa pisngi nito. Bigla itong dumilat kaya natigilan siya. She saw how hurt he was in his beautiful eyes. Nangilid din ang luha sa kanyang mga mata. Nagulat na lang siya nang bigla itong yumakap sa baywang niya. Umaalog ang balikat nito. He was still crying.

Hinagod niya ang likod nito. Iyon lang ang magagawa niya para rito. Ngayon niya lang na-realize na puwede pala siyang mag-comfort ng ibang tao. Maybe Cider needed someone like her at that moment. Iyong mapaghihingahan ng problema, iyong makukuhanan ng lakas kapag bibigay na ito, iyong maiiyakan kapag hindi na talaga nito kaya.

Nang tumigil sa pag-alog ang balikat dito ay marahan niyang sinapo ang pisngi nito at iniangat upang makita niya ang mukha nito. Pilit siyang ngumiti. Bumitiw na ito mula sa pagkakayakap sa kanya. "Alam kong gaga ako kung sasabihin ko sa'yong huwag kang mag-alala dahil bukas magiging maayos na ang lahat kaya ito na lang ang sasabihin ko sa'yo, kapag kailangan mo ng kasama, ng kakuwentuhan, ng kainuman o ng kaibigan, nandito ako. Huwag mong kimkimin lahat at huwag mong pasanin ang mundo dahil hindi mo talaga kaya iyon."

Nang makita niyang ngumiti si Cider ay nakahinga siya ng maluwag. Teka, ano ba ang nangyayari? Bakit parang big deal sa kanya ang kaligayahan ni Cider? Maybe because we're friends. At oo, dapat nagtutulungan ang magkaibigan. He was there when she needed him. Kahit nga hindi niya ito hingan ng tulong ay nagkukusa ito. He even gave her a job. Ano ba naman iying kaunting bagay na maitutulong niya rito? Kulang pa nga ang pagsama niya rito sa oras na iyon para makapagbayad ng utang na loob dito.

NANG makatulog si Cider ay agad na nanghingi ng tulong si Chrissa kay Ate Vodka upang maiuwi ang lalaki. Dumating si Kuya Porter, kapatid ni Cider at ang tatay nitong si Kapitan Rhum. Sinabihan siya ng kapitan na sumama na sa mga bahay ng mga ito na sinunod naman niya.

"Huwag niyo ng iakyat si Cider, 'Tay. Mahihirapan lang kayo. Hayaan niyo na siya dyan sa sofa. Kami na ni Chrissa ang bahala sa kanya," ani Ate Vodka sa ama nito.

"Sige, Vodka." Binalingan siya nito. "Chrissa, pasensya ka na sa abala. Dito ka na maghapunan, ha?"

"Wala pong anuman, Kap," sabi niya. Nginitian siya nito at saka umakyat na sa ikalawang palapag.

"Kain ka muna, Chrissa," ani Ate Vodka saka siya hinila sa komedor. Siyempre ay wala na siyang nagawa kundi ang magpahila rito. Ipinaghanda pa siya nito ng pagkain.

"Salamat, ate."

"Ano ka ba? Kulang pa 'to sa ginawa mong pagsama kay Cider."

"Wala lang naman iyon sa'kin, sa lahat ng itinulong niya sa'kin, kulang pa iyong sandaling pagsama ko sa kanya."

"Abnormal kasi iyang kapatid ko. May mga tao talagang hindi agad nakaka-move on. Imagine for five years, ganyan pa rin siya. Hindi pa rin makakawala sa ala-ala ng ex-girlfriend niyang matagal ng wala. If Elaine was alive, why isn't she here? Siyempre common sense na lang 'diba? Patay na siya. At ang kapatid ko ay umaasa pa rin. Minsan gusto ko na nga siyang dagukan, eh," pagsisintir ni Ate Vodka.

"Ganyan po yata talaga ang mga tao kapag nagmahal ng sobra. We tend to be not normal anymore. Siguro hayaan na lang natin si Cider hanggang sa tuluyan na siyang maging okay. Hanggang sa matanggap niyang hindi na talaga babalik si Elaine."

"At sana magmahal na siya ng iba. Sa tingin ko ay iyon lang ang kulang sa moving on stage niya."

Bigla siyang kinabahan dahil sa sinabi ni ate Vodka, kung bakit ay hindi niya alam. Napatango na lang siya. Siguro nga ay tama si Ate Vodka pero bakit may isang parte ng pagkatao niyang ayaw sumang-ayon. Loka-loka na ba siya?

Pagkatapos niyang kumain ay nagpresinta na siyang magpunas kay Cider. "Sige, kukuha lang ako ng pamunas," paalam ni Ate Vodka at saka tumalikod. Nilapitan niya si Cider na tulog na tulog sa sofa.

Para itong isang anghel na inosente sa mundo kapag tulog ito. Napakaamo ng itsura nito at hindi ito dapat nagkakaganoon dahil sa pag-ibig na wala ng kasiguraduhan. Siguro nga ay hindi pa siya nai-in love kaya hindi niya ito ma-gets. Pero kailangan pa bang ma-in love para lang masabing nagpapakatanga ito? He was living in a dream.

Para sa kanya ay kalokohan na lang ang ginagawa nito sa sarili. Pero sino ba siya para sabihin iyon dito? Baka masabihan pa siyang pakialamera, pakialamerang walang alam sa nararamdaman nito. Ano rin ba ang pakialam niya sa love life ni Cider? She was his computer shop's attendant at kahit anong balentong niya ay ito ang kanyang boss. Wala na siya dapat say sa love life nito.

"Heto na ang pamunas, Chrissa," ani Ate Vodka na hindi niya namalayang nakalapit na sa kanya. May dala itong palangganang may tubig at bimpo. "Iwan ko na siya sa'yo, ha?"

"Sige, ate."

Sinimulan niyang pinusan ang mukha nito. She can't help but admire him. Hindi naman ito perpekto pero parang iyon ang mas nagbigay appeal dito. "Sige, maglasing ka pa hanggang sa magka-cancer ka sa liver," sermon niya rito. Hindi naman siya naririnig nito kaya okay lang. "Uso naman ang pagmu-move on pero bakit hindi mo magawa?"

Pinilit niyang tanggalin ang t-shirt nito, napalunok siya nang makita ang katawan nito. Hindi pang-body builder ang katawan nito ngunit may abs. Pinilit niyang alisin ang mga mata sa abs nito dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili.

Nakatingala siya habang pinupunasan ang katawan nito, alam niyang mukha siyang tanga pero wala na siyang pakialam. Maigi na iyon kaysa magkasala siya. Nakahinga lang siya ng maayos nang matapos sa pagpupunas kay Cider. Hinanap niya si Ate Vodka upang kumuha ng pamalit na damit para kay Cider ngunit hindi niya ito mahagilap.

Sinadya na niya ang ikalawang palapag para hanapin ang kwarto ni Cider at nagtagumpay naman siya. May pangalan kasi ng lalaki na nakasabit sa pinto. Pagpasok niya ay agad siyang naghanap ng t-shirt pagkatapos ay kinuha na rin niya ang unan nitong nakapatong sa kama. Ang bango niyon, hindi matapang ang amoy tulad ng pabangong common na ginagamit ng mga kalalakihan.

Lalabas na lang siya mula sa kwarto ni Cider nang madaanan niya ang isang picture frame. Napakaganda ng babaeng nasa larawan. Nakangiti ito at nagniningning ang mga mata. Nakaakbay dito si Cider. Hindi na niya kailangang maging genius para malaman kung sino ang babae. Siyempre pa ay ito si Elaine.

Nakaramdam siya ng lungkot sa kadahilanang hindi niya alam. Minabuti na lamang niyang lumabas mula sa kwarto at saka okupado ang isip na bumaba ng hagdan.

MASAKIT ang ulo ni Cider nang magising siya. Marami-rami ring alak ang binili niya bago siya nagtungo sa kubo, sa kubong tagpuan nila ni Elaine. Taun-taon na niyang panata ang maglasing sa tuwing sasapit ang kaarawan ni Elaine. Iyon lang kasi ang tanging paraan niya para makalimutan ito.

Tumagilid siya ng pagkakahiga at nagulat nang makita si Chrissa na natutulog sa one-seater na sofa. Tinapik niya ito sa hita dahil iyon lang ang abot ng kamay niya. Mukhang nagulat si Chrissa nang makita siya. "Bakit diyan ka natutulog?" tanong niya rito.

"Ay! Pasensya ka na, nakatulog na ako rito. Hinatid ka kasi namin dito kagabi, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Magpapahinga lang sa--"

"Doon ka na matulog sa kwarto ko. Okay naman na ako rito," putol niya sa sinasabi nito. Naaalala pa niyang kausap niya ito habang umiinom siya. Nakakahiya man ay alam niya ring nagkwento siya rito tungkol kay Elaine. Ang masaklap pa baka nag-iiyak pa siya.

"Hindi. Uuwi na ako," tanggi nito.

Tumingin siya sa orasang nakasabit sa dingding, alas tres lang ng madaling-araw. "Hindi na. Doon ka na sa kwarto ko. Madilim pa sa labas, hindi safe. Hindi rin kita maihahatid dahil masakit pa ang ulo ko. Huwag ng matigas ang ulo mo, Chrissa. Umakyat ka na," sabi niya rito.

"Nakakahiya kina Tita Theresa kapag naabutan pa nila ako rito mamaya."

"Mas nakakahiya sa'yo dahil alam kong naging pabigat ako kagabi. Sige na, Chrissa. Please?" pakikiusap na niya dahil lalong sumasakit ang ulo niya.

"Fine. Akyat na ako, wala naman akong magagawa sa'yo," napipilitang sagot nito saka tumayo. "Matulog ka na rin ulit. Huwag ka na ulit maglalasing dahil sa babae, nawawala ang kamachohan mo," walang lingong sabi nito.

Tumingin siya sa kisame at napangiti. "So, macho pala ako sa paningin mo, ha?" tanong niya rito habang nakatingala.

"Asa!" defensive agad na sagot nito. Natawa na siya.

"Guilty siya, o," pang-iinis niya rito. "Aminin mo na kasi."

"Huwag ka nga. Hindi ka macho, huwag kang umasa," nagmamadali nitong sabi. Naramdaman na lang niyang mabilis na itong umakyat sa hagdan.

Napailing siya, bakit kaya mabilis mapikon ang mga babae? Ini-imagine niya ang mukha ni Chrissa habang itinatangging macho siya. He can't help but to grin from ear to ear. Sana lang bukas ay huwag na nitong banggitin sa kanya ang nangyari nang nagdaang gabi. Hindi kasi alam kung may lakas loob pa siyang ikwento rito ang lahat.

Napunta na naman kay Elaine ang takbo ng isip niya. Was she worth waiting for? Isang tumataginting na 'YES' ang sagot ng isip niya. Limang taon na nga siyang naghihintay, ngayon pa niya kukwestyunin ang sarili? At sa loob ng limang taon, ngayon niya lang din iyon naisip. For five long years, he was certain that Elaine was worth waiting for. Anong nangyari sa kanya ngayon? Nagsasawa na ba siya?

What's happening to me?

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 318K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
815K 28K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
267K 4.6K 23
Dice and Madisson