I Saw the Future Once

By HartleyRoses

92.7K 4.3K 616

Everything change when I saw the future once. 🖇:: COMPLETED 🖇:: Photo that used in the book cover is not mi... More

I Saw The Future Once
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 - Flashback
Chapter 35 - Flashback
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
✎ facts
✎ note

Chapter 28

1.3K 67 9
By HartleyRoses

Pagkapasok na pagkapasok ko sa school ay yung about sa party ang pinag-uusapan ng lahat ng mga estudyante.

Habang papunta sa classroom ay may grupo ng mga lalaking students ang nakasalubong ko at bahagya pa akong napahinto dahil sa narinig ko.

"P're nakita niyo yung anak ng mga Scientist na Montilla? Sobrang ganda!" Sumang-ayon pa yung apat sa sinabi nang isang lalaki.

"Sayang at hindi ako nakapunta, sa t.v ko lang nakita yung Xyrene na 'yon pero ang ganda na, paano pa kaya pag sa personal ko nakita?" ani naman nang isa.

Oo, pagkatapos ng event na 'yon ay kumalat din sa buong media ang pagpapakilala ko na anak ng mga Montilla. Mayroon pa sa mga news papers.

"G*go p're kung nakita mo lang yung Xyrene, niyaya ko nga 'yon ng sayaw kaso ni-reject ako! Hindi ako papayag no'n. T*ng-ina nga ni Ream na 'yon kasi nasayaw niya si Xyrene, porque gwapo ang loko? Mas gwapo pa nga ako!"

Napatikhim ako sa sinabi pa ng isa. Mas gwapo kaya si Ream sa kanya, ang kapal ng mukha!

"Yes miss? Do you have a problem with us?" Napayuko ako bigla sa nakapansin sa akin at lahat na sila ay nakatingin sa akin ngayon.

"A-Ah wala po, alis na ako." Agad na umalis ako sa hallway kung saan sila nag-uusap-usap.

Pero bago makaalis ay narinig ko pa ang sinabi ng isa, "akala mo naman kasing ganda ni Xyrene, ang pangit naman."

Nakalayo na ako sa kanila at napairap na lang sa kawalan. Talaga! Akala mo rin naman papatulan ko sila! Oy! Ako kaya yung pinag-uusapan niyo!

Bumuntong hininga na lang ako at pumunta na sa classroom.

Nakita ko pa yung mga classmates ko na nag re-review dahil malapit na yung finals namin. Nakapag review na rin naman ako nang mga nakaraang linggo pero magbabasa pa rin ako para siguradong makapasa. Hindi naman kasi ako kasing talino ng mga magulang ko, nag-aaral lang talaga ako ng mabuti.

Pumunta na ako sa upuan ko at napatingin kay Nolan na nakudukoldok lang ulit sa desk niya. Nag re-review kaya ito? Mabuti pa siya natural na matalino na talaga.

Wala pa naman kaming teacher at nasabi nang class president namin ang dahilan, mag review na lang daw muna kami sa subject niya dahil may aasikasuhin pa siya at kung may time pa raw ay papasok daw siya sa class namin para mag review pa rin.

Lumapit ako kay Nolan at umupo sa katabi niyang chair na wala ring nakaupo.

"Nolan!" medyo sigaw ko at inakbayan ko siya kahit nakayuko siya.

Nagulat siyang nagtaas ng ulo at nakita ko pa yung mapupungay niyang mata dahil sa pagkagising nito o sadyang gano'n na talaga ang mata niya?

"Xyrene," bulong niya na nagpalaki sa mga mata ko. Alam niya?

"W-What? Come again?" Pagpapaulit ko sa sinabi niya.

"A-Ah, ikaw pala Trixy!" Para siyang natauhan dahil sa tanong ko.

"Anong sinabi mong Xyrene? Hindi naman ako si Xyrene." Hindi pa rin ako mapakali sa aking kinauupuan. Paano kung alam niya? Anong gagawin ko?!

"Oo nga hindi ikaw si Xyrene. Nasabi ko lang kasi may pagkakahawig kayo, hindi ko alam kung bakit pero sorry. Kasama kasi ako noong masquarade night na 'yon noong sabado at nakita ko si Xyrene. Kilala mo rin ba siya?" Mahabang sabi ni Nolan na ngayon niya lang nagawa dahil palagi lang rin itong maikling magsalita katulad ni Ream.

"O-Oo kilala ko siya, sino ba namang hindi? Halos siya laman ng mga balita at usap-usapan. At saka ang ganda-ganda no'n 'no! Paano ako niyon magiging kahawig. Palabiro ka talaga Nolan!" Tinapik ko pa siya sa balikat at napaayos naman siya sa salamin niyang malaki.

Nabunutan naman ako ng tinik dahil hindi niya pala alam. Mabuti na lang, malalagot ako kapag may nakaalam kung sino ako, tama ng si Clinton ang may alam sa tunay kong pagkatao.

"Namalikmata lang siguro ako, pero maganda ka naman Trixy so no worries kahit ipaghambing kayo ni Xyrene." Namula ako sa sinabi niya.

"Hindi naman!" Tumawa lang ako ng mahina para maibsan ang pagkahiya.

"Okay. By the way, why are you here beside me?" tanong niya kaya napaayos ako ng aking uniform.

"Wala naman, gusto ko lang makausap yung kaibigan ko." Malawak akong ngumiti sa harap niya at napaiwas naman siya ng tingin.

"Ako? Kaibigan mo? Walang word na kaibigan for me, kasi kaya lang naman nakikipagkaibigan ang isang tao ay dahil may kailangan lang ito sa isa't isa. It's a give and take, parehas lang silang makikinibang kaya naging magkaibigan sila. And friend doesn't even exist, dahil iiwan ka rin nila kapag hindi ka na nila kailangan." Inayos niyang muli ang kanyang malaking salamin dahil bahagya itong bumaba na nasa matangos niya na itong ilong.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. May point siya pero mali yung perspective niya sa word na friend. Pero sa sinabi niya ay mukhang may pinagdadaanan ito.

"Hindi rin. Oo kaya sila magkaibigan dahil kailangan nila ang isa't-isa. Pero may mga magkakaibigan din na nagdadamayan din sa isa't-isa at 'yon ang maganda sa pagkakaibigan, kapag walang-wala ka na, may matatakbuhan ka, bakit kapag stranger ang isang tao? Matatakbuhan mo ba sila? No, kasi hindi mo naman sila kilala. At hindi naman palagi na may kailangan sa pagkakaibigan 'no! Tignan mo ngayon, nakikipag-usap lang ako sayo dahil kaibigan mo ako, wala akong kailangan sayo ngayon. Just a plain talk kasi nga kaibigan kita, mapagkakatiwalaan kita, masasabi ko sayo yung mga malalaki man o maliliit na sikreto ko na ikaw lang ang makakaalam at hindi mo ito magagawa sa mga strangers." Tinitigan ko siya ng mabuti. "You know, I always treated my friends as my family. You're my family Nolan. You're one of my friends. And I will always treasure you, all of you." Napatanga siya sa sinabi ko at nginitian ko naman siya.

"Y-You. You really treated me as your friend?" He pointed me and himself at tumango naman ako.

"Oo naman!" masaya kong sabi.

Napakurap-kurap siya na parang inaabsorb ang mga sinasabi ko.

Ngumiti na rin siya at napakamot pa sa magulo magulo niyang buhok. "Salamat Trixy."

"You're always welcome, Nolan. At kung gusto mo ulit ng ganitong pag-uusap, narito lang ako. I'm all ears, kahit wala pang kwenta ang sasabihin mo, makikinig ako. Sige na, mag babasa pa ako para sa finals natin." Ngumiti pa ulit ako sa kanya at akmang aalis na sa kinauupuan na katabing upuan niya pero marahan niyang hinila niya ang braso ko.

"Bakit Nolan?" tanong ko pa na nakatayo na.

"Sorry, Trixy." Titig na titig siya sa akin nang sinabi niya 'yon at halos kabahan ako sa sinabi niya pero nawala rin dahil sa kanyang ngiti sa huli. Weird, bakit kaya siya nag sorry?

"You can go now, Trixy. Goodluck sa finals natin, huwag ka na magkalagnat ah?" Tumawa pa ako sa huling sinabi niya pero tumango na lang ako at bumalik sa pwesto ko.

Ganito pala pakiramdam kapag may mga kaibigan kang mapagkakatiwalaan. Unti-unting nawawala ang trauma ko sa ginawa sa akin ni Clinton noon, since nakapag-usap na kami ni Clinton at nagkaintindihan na sa pangyayari. Dumagdag pa sila Francine, Celestine at ang tatlong kutong-lupa na sina Ream, Nick at Steel. kaibigan at pamilya na rin ang turing ko sa kanila.

Dumating pa ang teacher namin sa subject namin ngayon at nag review nga kami. Gano'n din ang nangyari sa iba naming class, puro review lang para sa finals namin.

Nang mag ring na yung bell senyales na uwian na ay agad kong niligpit ang mga gamit ko.

Nag ngitian pa kami ni Nolan at tumango sa isa't-isa.

Palabas na ako ng gate nang may bumusinang sasakyan sa likod ko kaya bahagya akong napaigtad sa gulat.

Pagalit akong humarap sa bastos na sasakyang 'yon at nakita ko na naman ang kutong-lupa na nakadungaw sa bintana ng sasakyan niya.

"Trixy, sumabay ka na sa akin." Umirap pa siya at bumalik na sa loob ng sasakyan niya. Wow! Naging arogante na naman siya at masungit!

Wala akong nagawa at papadyak na pumunta sa sasakyan niya at umupo sa may front seat at nag seat belt.

"Bakit?" tanong ko kay Ream na seryosong nakatingin sa daanan dahil nag simula ng umandar ang kanyang sasakyan.

"We'll talk about it later." Ako naman ang napairap sa kanya.

Bahala siya sa buhay niya. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Mukhang importante ata dahil sa sobrang serious ng mukha niya o ganito naman talaga palagi yung itsura niya, sobrang serious. No sense of humor.

Parang noong sabado lang ah? Sobrang sweet kay Xyrene? Ako pa ata naging first love niya, yak!

Nakarating na kami sa apartment ko at pumasok. At ang kapal pa ng kutong-lupang nag hatid sa akin dito dahil parang siya pa ang nag mamay-ari ng apartment ko dahil prenteng nakaupo na siya sa sofa na akala mo hari, kulang na lang ay korona at palasyo! Tsk.

"Oh? Ano pag-uusapan?" Umupo na rin ako sa sofa na katapat niya at ang maliit na glass table ko lang ang namamagitan sa amin.

Nagtagis agad ang bagang niya na parang galit ito.

"Be honest," ani niya.

Nagtaka naman ako. "What?"

Tumitig siya sa mga mata ko na parang hinihipnotismo na naman ako. Alam niya ata na 'yon ang kahinaan ko sa kanya e!

"Iisa lang kayo ni Xyrene, tama?" Gulat at nanlalaki ang mata ko sa sinabi niya. Alam niya na kaagad? Ganoon kabilis? Hindi ko akalain na dalawang araw lang ang nakakalipas nang magpakilala akong Xyrene tapos nalaman niya na kaagad.

"Fck! Sagutin mo ako Trixy!" Napaigtad ako dahil umalingawngaw ang sigaw niya sa buong apartment ko.

"Alam mo na pero hindi mo man lang sinabi sa akin? Halos mabaliw ako noong gabing 'yon!" Nagtagis din ang bagang ko sa sinabi niya pero nanahimik lang ako.

"Huwag mo na akong sagutin dahil iisa lang naman talaga kayo. Bakit Trixy? Bakit mo tinago sa akin?" Napalabi ako at ngumisi sa kanya pero bumalik ulit sa pagkaseryoso.

"Alam mo naman ang dahilan diba? Kailangan kong protektahan ang sarili ko," mariing saad ko.

Napapikit ako dahil sa pagsuntok niya sa table glass na nasa harap namin. Nabasag 'yon sa sobrang lakas ng pagkakasuntok niya, at nakita ko pang dumugo ang kamay niya.

Nag-alala agad ako sa kanya kaya hahawakan ko sana yung kamay niyang dumudugo nang muli siyang sumigaw.

"Edi sana sinunod mo ang magulang mo na huwag pumunta sa event na 'yon at nanatiling nagtago rito at nagpanggap na Trixy! Hindi bobo ang kalaban ng mga magulang mo Trixy! Sigurado ako na alam na nila na ikaw ang anak ng mga Montilla! Ginagamit mo ba 'yang utak mo ha?!" Biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko sa sinabi niya.

Napakagat pa ako sa ibabang labi ko. "Ito yung dahilan ko kung bakit ako nagpakilala na Xyrene Trixy Montilla. Dahil gusto kong malaman ang lahat! Pagod na akong nagtatago na lang palagi, nagpapanggap, at walang alam! At ang dahilan ko kung bakit hindi ko sinasabi sayo? Dahil mamaliitin mo ako katulad ng ginagawa mo ngayon! Minamaliit mo ako dahil wala akong alam. Naiinitindihan mo ba? Kahit yung kalaban ng mga magulang ko, wala akong kaaalam-alam! Na mapanganib at sobrang lakas pala ng kalaban nila! Kaya huwag mo akong sabihan na walang utak, dahil ginagamit ko na ito! Gusto kong magpakilala at kung magpapakilala man ako, gusto ko alam ko na ang lahat. Lahat-lahat! Hindi ako natatakot na makilala ako ng mga kalaban ng magulang ko. Mas natatakot ako na wala akong alam. Na kahit yung mga nangyari noon sa akin ay wala akong alam, at 'yon ang kinakatakutan ko, Ream. Kaya huwag mo akong diktihan!" Hiningal ako pagkatapos ng sunod-sunod kong pagsasalita.

Natulala siya sa akin.

"Sana hindi na lang ikaw ang nakakita ng future," mahinahon na niyang sabi na malayo sa pinag-uusapan namin pero para itong punyal na sumaksak sa puso ko.

Siya mismo ang nagsabi sa akin noon na kailangan nila ng tulong, na ako na lang ang nag-iisang pag-asa. Tapos hihilingin niya ngayon na sana hindi na lang ako ang nakakuha ng imbensyon niya at nakita ng future?

Pareho kaming natahimik sa kinauupuan namin.

Pero agad akong napayuko nang may sunod-sunod na putok ng baril na mismong apartmemt ko ang pinupuntirya nila.

"Fck! Yumuko ka Xyxy! Sinasabi ko na nga ba at malalaman din nila lahat!" Parehas kaming nakayuko ni Ream at nakahawak ang kamay niya sa ulo ko para protektahan ito.

Agad hinila ni Ream ang kamay ko at umalis doon.

Anong nangyayari?

"Saan tayo Ream?" sigaw ko.

"Come with me! Fck!" Umilag kami sa mga balang sunod-sunod ang putok ng bala papunta sa amin.

Tumakbo kami sa likod ng apartment ko dahil may daan din doon palabas. Sinipa lang ng malakas ni Ream ang pintuan kaya walang kahirap-hirap na nakaalis kami.

Mabilis kaming tumakbo ni Ream. Nang nasa kalsada na kami ay pumara siya ng taxi na masasakyan namin dahil yung sarili niyang sasakyan ay nakaparada sa harap ng apartment ko kung nasaan naroon yung mga taong nagpaputok ng mga baril.

"Ream, anong nangyayari?" naguguluhang tanong ko pero hindi niya ako pinansin.

Nilabas niya ang phone niya sa pants na suot niya at may tinawagan.

"Yes, fck! Clean this mess Nick, sa apartment ni Trixy. Yes. Yes. May sumugod na lang bigla. Alamin niyo kung sino-sino sila! Fck! Oo dalhin mo ang mga tauhan natin."

'Yon lang ang narinig ko sa kanya at si Nick ang kausap niya.

Napahilot siya sa kanyang sintido. Tinitigan ko pa ang kabuuan niya. Mabuti na lang at wala siyang tama ng baril.

Nilingon niya ako.

"Are you, okay? Wala kang tama ng bala?" Tumango ako sa kanya at hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Napahinga naman siya ng malalim.

"Sa bahay ka muna namin pansamantala. Tatawagan ko na rin ang mga Montilla, your parents, para malaman nila ang nangyari sayo. Expected na siguro nila na mangyayari ito, pero hindi ganito kaaga. Fck! Bakit nalaman nila kaagad?" Ginulo niya ang kanyang magulo ng buhok.

Hindi ko maintindihan. Tama si Ream, bakit nalaman nila kaagad? Si Ream ay malalaman ito kaagad dahil nakakasama ko naman siya at yung about nga sa tracker na nilagay niya sa bracelet ko.

"Paano yung gamit ko sa apartment? What about now? Ano na mangyayari sa akin?" Nilingon niya akong muli at bumuntong hininga.

"Mamaya na natin 'yan pag-uusapan. At katulad ng sinabi ko kanina, sa bahay ka muna namin. Mas safe ka lugar ko."

Napapikit na lang ako sa aking kinauupuan dito sa taxi.

Nagulo ko ba ang pangyayari? Sana pala hindi ko na lang pinakilala ang tunay na ako. Pero wala! Nandito na! Kailangan ko na lang bigyang responsibilidad ang mga nagawa ko.

Tinignan ko pang muli si Ream na nakapikit din na mukhang stress na stress pero gwapo pa rin.

Argh! Napailing ako sa naisip ko. Pati ba naman ba sa sitwasyon ko ngayon ay na sasabihan ko pa rin siyang gwapo?

But that was fast! Hindi biro ang pag baril nila sa amin. Sino ang mga 'yon? I need to find it as soon as possible, gayong alam na nila kung sino ako... sigurado akong mauulit muli ang pangyayaring nangyari kanina sa apartment ko.

I need to be more careful now.

--

HartleyRoses




Continue Reading

You'll Also Like

457K 39.7K 139
Rogue Wars Online (RWO) is an all-out action-adventure game that invites the top streamers, pro-gamers, and even newbies in their official beta-testi...
8.9K 540 45
Infinito has become the top group of illegal street racers with the guidance of mentor Erie Illyria Vosslen. Under the organization named Les Voleurs...
420K 13.4K 46
Myth Series 1 Title: Hades: King of Underworld Genre: Fantasy Romance Hades is cursed to live in darkness forever. Among his brothers, Zeus and Posei...
ZOMBREAK By Angge

Science Fiction

252K 12.8K 62
Vessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this t...