Loving the Nation's Idol

Por LadyOnTheNextCubicle

1.1M 56.2K 13.2K

"POVERTY IS NOT HINDRANCE TO SUCCESS!" Sigaw ni Islanda bilang panimula niya sa sinalihang barangay beauty pa... Más

OLD COVER W/ AUTHOR'S NOTE
Stage 1: The Difference of HE and SHE
Stage 2: Heartstrings
Stage 3: When Their Eyes Finally Meet
Stage 4: The Meeting of Two Tangents
Stage 5: Strangers No More
Stage 6: Two Heads are Better Than One
Stage 7: The Repetition of History
Stage 8: Insecurity or Jealousy?
Stage 9: So Feminine
Stage 10: The Wallflower
Stage 11: The Victor
Stage 12: Both Sides of the Coin
Stage 13: Double Trouble
Stage 14: This kind of SHITuation
Stage 15: Domino Effect
Stage 16: His Personal Silver Lining
Stage 17: Beautiful Disaster
Stage 18: Four Letters (First Base)
Stage 19: Magic and Moments
Stage 20: Neverland
Stage 21: ...and the PLOT thickens
Part 22: Connection
Part 23: Of Lips and Touches
Stage 24: An Unusual Earthquake
Stage 25: The Unwavering Truth
Scarlet Letter (Part I)
Scarlet Letter (Part II)
Scarlet Letter (Part III)
Scarlet Letter: Two Crowns
Stage 26: Yearning
Stage 27: Body Talk
Stage 28: Who's In For Bodily Treats?
Stage 29: Sea of Memories
Stage 30: Accepting Fears and Feelings
Stage 31: Four Letter (Second Base)
Stage 32: Heartbeat
Stage 33: Pleasure
Stage 34: Home
Stage 35: The Sudden Twist of Fate
Stage 36: Pandora's Box (Part I)
Stage 37: Pandora's Box (Part II)
Missing Page: Margaret x Elaine (Part I)
Missing Page: Margaret x Elaine (Part II)
Nameless
Stage 38: Borrowed Time
Stage 39: Star-Crossed
Stage 40: The Most Painful Battle
Reputation
WINNING THE MAGNATE'S HEART (#LTNI BOOK 2 COVER)
#WTMH Roll 1: The Princess and The Sunflower
#WTMH Roll 2: Margaret of Scotland & Ireland
#WTMH Roll 3: The Royal Puppet
#WTMH Roll 4: Entanglement
#WTMH Roll 5: Isaiah Clark
#WTMH Roll 6: A Cupid named 'Boyet'
#WTMH Roll 7: Closure
#WTMH Roll 8: He Who Has Her Heart
#WTMH Roll 9: The 'PAWN' versus The 'Queen'
#WTMH Roll 10: Knight
#WTMH Roll 11: Back to Neverland
#WTMH Roll 12: The Queen's Wrath
#WTMH Roll 13: The Final Straw
#WTMH Roll 14: Chasing Her
#WTMH Roll 15: Islanda Mutya
#WTMH Roll 16: Reunion
#WTMH Roll 17: Slow Hands
#WTMH Roll 18: Until It Lasts
#WTMH Roll 19: Revelations
#WTMH Roll 20: Falling Apart
#WTMH Roll 21: Honor & Duty
#WTMH Roll 22: Dreams & Promises
#WTMH Roll 23: The King and The Queen
#WTMH Roll 24: Loyalty
#WTMH Roll 25: Love & Freedom
#WTMH Roll 26: In Loving Memory...
#WTMH Roll 27: Women
#WTMH Roll 29: It All Ends Here
#WTMH Roll 30: Blood
#WTMH Roll 31: For The Greater Good
#WTMH Roll 32: The Scott-Miller
#WTMH Roll 33: Only Him
#WTMH Roll 34: Blue & Red
#WTMH Roll 35: The Sunflower and the Zombie
SPECIAL CHAPTER

#WTMH Roll 28: At Long Last

12.2K 544 72
Por LadyOnTheNextCubicle

Facebook Page to read #WTMH for free (even with no data): •ᴥ• Happy Virus •ᴥ•

and in Facebook Group: MARPLE DAME Stories.

A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐

Enjoy!

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

The three of them – Margaret, Isaiah and Avery are all dumbfounded as the branded handbag hit Isaac straight in the face. Nanatili silang na-estatwa kahit nahulog na ang bag sa sahig.

Walang nagsalita.

The only sound they can hear are the nocturnal insects buzzing loudly on the cold night.

Isaac releases a... annoyed sigh.

This is Isaac Roe Miller, a shrewd businessman with an acumen in par with Isaiah's. A man whose smiles and laughs can only be counted with fingers since he likes to put up this straight, intimidating face.

And he just received the most painful slap and the most awkward moment in the entire history of his life.

"L-Love?" Unang nagsalita si Avery. Naisip kasi niyang mas mabuti ang siya ang unang kumibo sa kanilang tatlo kasi baka di mapigilan nitong maninghal. His patience can last long only for their twins, Basti & Thea.

Her husband slowly turns to her. There's a tight, force smile on his face. "Yes?"

Alanganing ngumisi si Avery sabay nag-thumbs-up. "All good?"

He nods. "Yeah. All good." Isaac sighs sharply again. "Well..." Nilingon nito si Margaret na di pa rin naka-recover sa buong pangyayari. "That was a warm welcome."

Nanlaki ang mata ni Ava sa sinabing iyon ng asawa. "Isaac --- "

At narinig nalang nila na may humikbi.

Mula sa pagkaupo sa sahig, tiningala ni Isaiah si Margaret. "M-Marga?"

Umaalog ang mga balikat nito habang paimpit na umiiyak. Butil-butil ang mga luha nitong umagos mula sa malulungkot nitong mga mata.

"Huh?" Napakurap si Isaac. "Did I say something wrong ---"

Mabilis na tumalikod si Margaret at patakbong inakyat ang hagdan papunta sa kwarto.

"Margaret!" Tumayo si Isaiah at hinabol ang nobya.

Nag-aakusang binalingan ni Avery ang asawa. "Why are you so insensitive?!"

"Ha?! Me?" Turo ni Isaac sa sarili. "Why was this all my fault of a sudden --- " Muling naputol ang sasabihin niya nang iniwan siya ni Avery nang pumasok ito sa loob at sinundan si Isaiah. "Great!" He throws his hand frustratingly at the air. "My nose is okay, thank you." Pumasok nalang siya na hila ang maleta. "My nose is not hurting, thank you." Sabi nalang niya sa hangin sabay sinara ang main door.

.

.

"Marga!" Tawag ni Isaiah sa papasok na babae sa kwarto nila. "Hey -- " Pero agad na nitong nasara ang pinto. "Marga!" Pinihit niya ang doorknob. "Babe..." Dinikit nalang ni Isaiah ang noo nito sa pinto. "Please... talk to me?" Sumamo niya. "Ayokong ganito tayo. Marga naman 'oh." Katok niya. "Margaret..."

"Isaiah?"

Nilingon niya si Avery na kakalapag lang sa second floor. "Ava..."

Nahabag si Avery sa nakitang kalungkutan sa mukha ng matalik niyang kaibigan. Halatang apektadong-apektado ito sa nangyayari. Nilapitan niya ito at tinapik ang balikat. "Let me handle it."

"But ---"

"Only a woman can read what a woman thinks, Isaiah." She reassures him. "Wag mo munang ipilit ang sarili mo sa kaniya, baka mas lalo iyong mainis."

"Akala ko nadadala ang mga babae sa lambing." Bumagsak ang mga balikat nito.

"As you can see, Marga is not one of them." She smiles hesitantly. "So, this is gonna be tricky, Isaiah. The first thing you need to do is give her a space."

"I miss her already." Nanlulumo nitong saad.

Doon na ngumiti nalang malapad si Avery. Of how mighty people perceive this blonde-hair and blue-eyes chairman, he is the opposite now. All Ava can see is a sad, love-stricken, man.

A side she never seen despite growing up with him basically and it made her happy.

Indeed, Margaret successfully pulled out a better man out of him.

"I know. But let me talk to her, hmm?" She holds both his shoulder. "Relax, she still loves you and I know she's not serious on leaving you." Gusto niyang matawa sa nakitang maleta ni Marga sa paanan ng hagdan. "Puntahan mo nalang kapatid mo sa baba. His nose might be in a bad shape right now. Okay?"

Tahimik itong tumango.

.

.

"Good thing someone decided to welcome me." Isaac remarks upon seeing Isaiah walking towards him.

"Sorry about earlier." Namulsa siya.

"Women." He nods in agreement. Tumingala ito para libutin ng tingin ang kabuuan ng bahay. "Great interior, by the way."

Isaiah looks at his brother. Even if Isaac's nose is slowly turning red and that hit must be really painful, his face is at peace. 'Is it because he already has everything?' He thought. "Isaac."

"Hmm?" Binalingan siya nito.

"Here." Lahad niya sa isang ice-bag. "For your..." Tinuro niya ang ilong nito. "...nose."

"Oh, thanks --- " Natigilan si Isaac nang makapang walang laman ang ice-bag. "No ice?"

Isaiah points something on the kitchen's doorway which Isaac turns to look at.

'ISAIAH-FREE ZONE (except breakfast, lunch, dinner)'

"Sorry, brother." Tapik ni Isaiah sa balikat ng kapatid. "Di ako pwedeng pumasok sa loob."

Isaac throws him a weird look. "Seriously?"

He shrugs. "I don't want her hating on me more, bud. Gotta take the safest steps from now on."

"Unbelievable!" Napailing nalang si Isaac na pumasok sa kusina para kumuha ng yelo at malamig na tubig para isilid sa ice bag --- para sa sariling ilong na namamaga na.

.

.

Avery knocks on the wooden door. "Margaret? It's me... Avery." No response. "Can we talk? I wanted to hear your stories; you know." Ayaw niyang isipin nitong si Isaiah lang ang pag-uusapan nila. Baka kasi inis na inis talaga ito sa lalaki. Avery will play it safe by gaining her trust first. "Margaret?"

Few minutes passed by before Avery hears the door unlock from the other side. Napangiti siya nang nakita niyang sumilip si Marga sa awang ng pinto. The princess' eyes and nose are red from crying hard. "Hello." Ava looks around then back to the sad woman behind the door. "Coast is clear. No sign of Isaiah."

Doon palang binuksan ni Margaret nang tuluyan ang pinto. "Miss A-Avery..." Muling humikbi ito.

"Hey." She pinches her cheek. "It's too early to cry. We have all night to spend with, Marga." Trying to cheer her up, she hugs her. "Let's start with the happy moments you had back in Scotland and Ireland, shall we?"

.

.

With bottle of beer on their hands, Isaac and Isaiah's feet are dipped in the calm, blue water as they sit on the poolside. Since the pool is equipped with a heater, designed for late night swim, the warm water somehow sorted out Isaiah's messy thoughts.

"How's your nose?" He asked his brother who simultaneously presses the ice-bag to its nose and drinks beer from the bottle.

"Still functioning." Isaac exhales and inhales.

Tumingala si Isaiah sa bintana ng master bedroom kung saan nakabukas ang ilaw ng loob niyon. 'Sana makumbinse siya ni Avery.'

"What happened?"

Nilingon niya ito. "An old issue popping out."

"And the old issue is about a woman."

Hindi na siya sumagot pa.

Isaac take it as a yes. "I'm may not the best adviser, but I can tell you this... you better start telling her all your dirty little secrets in the past because if she heard an old issue of you from somebody else again..." He shakes his head. "... better expect something like this."

Dumaan ang ilang minuto bago nagsalita si Isaiah. "How's Grandpa Arthur, by the way?" He pops another beer bottle open.

"Enjoying Thea and Basti's presence. Masaya ako't papaano'y maaliwalas na ang pakiramdam ni Lolo. The first three week of his stay is a struggle."

"Why?" Natigilan siya sa pag-tungga ng beer.

"Parati kasi itong may malalim na iniisip o di kaya'y naabutan naming nakatingin sa malaypo. Have you talked to the Queen already?"

"About?"

"About Grandpa?"

"I've told her that I knew about their past. Nothing more."

"I was just thinking that Grandpa Arthur wanted to talk to Queen Mary."

Tumingin sa asul na tubig si Isaiah at pinagmasdan ang repliksyon nila roon. "Maybe he wanted make peace with the past, is that what you wanted to say?"

He shrugs. "Maybe. Hindi naging maganda ang huling pagkikita nila noong burol ng yumaong hari. Sa kabila ng naudlot nilang relasyon, naging magkaibigan rin sila at pareho naging malapit sa puso ng hari."

May punto nga naman si Isaac. Their grandfather is not getting any younger and the last thing their grandpa wants is to leave this world with something he failed to say to a certain someone – Mary. Baka gusto nito kahit man lang sa natitirang taon ng buhay nito'y makausap niya ng maayos ang abuela ni Margaret. "I could try." He suggested.

"What do you mean?"

"I won her heart." Isaiah smiles proudly upon remembering his struggle at Scotland just to win the blessing of the Queen in order to have Margaret's hand for marriage to the point that he nearly sold his freedom for the princess. "Maybe I could talk to her and try persuading her to talk to our grandfather. You know, for old times' sake."

Isaac nods. "Not a bad idea."

At muling pumagitna sa kanila ang katahimikan. Isaiah starts to feel an awkward atmosphere building up around them. Maybe because both him and Isaac never got the chance to talk properly after the incident two years ago. If Isaiah's memory serves him right, the longest conversation they had for the past years are through e-mails discussing figures and numbers and data about their company since Prima Nova is under Smith&Miller Conglomerates handled by Isaac and SMCg is under Miller Group of Companies which he handles.

At nung nagkita silang muli'y di sila nagkausap ng maayos kasi 'yon yung oras na kakalahad lang ng lolo nila tungkol sa nakaraan ng dalawang pamilya – Scott at Miller --- at anong koneksiyon ng dalawang pamilya sa isa't-isa.

Kaya siguro may namumuong ilangan sa kanilang dalawa kung anong dapat nilang pag-usapan.

He initiates another topic. "How are the twins?"

"Uhhh... Basti's loves to hear stories which Fire gladly obliged to read it to him."

"Really?" Napangiti siya. Ngayon palang naiimagine niya gaano siguro katahimik pag ang dalawang iyon ang magkasama. Based on Avery's description about Sebastian Jacob, he is quiet and sharp like Isaac. While Fire can endure weeks of not talking especially if the topic doesn't concern him at all. "Perfect tandem, eh?"

Tumango si Isaac at napangiti na rin sa kabila nang sumisigaw sa sakit nitong ilong. "Yes. Thea, on the other hand, exhausts all of Grandpa Arthur's energy."

"Owww..." He sneers. "Now that's a bad combination."

"Sinabi mo pa." Uminom si Isaac sa hawak nitong botelya ng beer. "Grandpa can't keep up with their daily walks at the garden because he is either running after her or he's running away from her. Gusto kasi ni Thea kada minuto'y may ginagawa ito. Ayaw nitong mabagot."

Althea Suzette, the female twin, is Avery's mini version. 'Di pa niya ito nakikita sa personal pero sa mga pinapadala ni Avery na mga video ni Thea'y nakikita talaga ni Isaiah si Avery sa katauhan nito. Like Ava, Thea's a source of positiveness and pure happiness that everyone who cross path with her will definitely leave with smiles on their faces.

"I'll visit them one of these days." Isaiah expresses his intention of seeing his nephew and niece and spoil them to bits.

"Oh, trust me, Isaiah." Napailing si Isaac. "If you are thinking of spoiling them, beware of Thea. She can make a rich man, poor."

"It just made me wanted to see them more." Humiga si Isaiah sa damuhan habang ang mga paa'y nakalublob pa rin sa pool. "Parang kailan lang, ano?"

Isaac leans back with one arm as he turns to him. "Alin?"

"Manager pa kita noon." Natatawa siya sa mga naaalala. "You were this... quiet and strict yet effective manager."

"And you were that narcissistic, insensitive top superstar."

Paupong bumangon uli si Isaiah. Tama, bakit ba sila nag-iilangan? Before they knew they were brothers from the same father, they first became friends. Isaac back then can frankly tell Isaiah/Liam what he thinks, whether it will offend him or not. Bakit ngayon parang nahihirapan na silang magbukas ng kanilang saloobin kung kailan mas malalim na ang relasyon nila. Nararamdaman ni Isaiah kanina pa may gustong sabihin si Isaac sa kaniya pero nagdadalawang-isip ito kaya pipiliin nalang nitong manahimik.

"Isaac?"

"Hmm?" Nag-angat ito ng tingin mula sa pagtapon ng tubig sa loob ng ice bag sa damuhan.

"Just so you know, if you are thinking about what happened two years ago... I advise you to forget it."

Hindi ito tuminag. Halatang nasapol niya ang isipan nito.

Isaiah looks at the bright window of the master's bedroom covered with cream-colored blinds. "Not that I was thankful it happened, but if it weren't for that incident... Marga and I will never know the truth about our families'. If it weren't for that incident, Marga and I will never realize the true value of freedom, love and family. If it weren't for that incident, Marga and I will never taste this bittersweet ending for us. It was all worth it, Isaac." Tinapik niya ang likod nito. "Don't be too hard on yourself. You were just a victim, asking for justice."

"In a wrong way." Nagbaba ng tingin ito.

"One choice will lead to another series of choices, Ice. Kasi kahit umalis noon si Marga, pinili niya pa rin ang patuloy akong mahalin. And because we both chose to fight together; it leads us to where we are now."

Nakangiting umiling nalang si Isaac at tumingala sa kalawakang namuumtiktik ng bituin. "Dad must have been so proud of you after hearing that."

"Wala 'to sa galing mo sa pagpapalaki ng mga anak mo ng mabuti. Your mom must be smiling down on you because she raised a good son."

Nawala ang ngiti ni Isaac na binalingan siya. "I wonder how great will it be if Elaine is alive. Here, with us... sharing her fair share of stories."

Natahimik si Isaiah. 'Elaine.' Pinagmasdan niya ang nangungulilang mata ng kapatid na tumingala uli sa kalangitan. "W-Why?"

"That girl is the sweetest creature you'll ever meet, Isaiah. Napakamalambing niyon." Isaac's brown eyes seems to be travelling down the memory lane. "You can't stay mad at her for a minute."

Isaiah felt guilty about keeping an important information from Isaac. He deserves to know that her beloved sister is alive... but...

> "Tell no soul about my existence, Isaiah." Elaine firmly hold his hands to convey her seriousness about her favor. "It is much better that I stay dead on their lives. Trust me, it's for us – our family."

Isaac deserves to know the truth, but Isaiah made a promised to his half-sister. He can clearly remember the raw fear he saw on her ocean blue eyes the day he discovered her real identity. Talagang desidido itong matago sa kanila. Kahit di niya alam ang dahilan, pinili ni Isaiah na respetuhin ang desisyon nito. He can't imagine how hard and painful it is for her to be around them as his manager, using the name 'Hailey' and not being able to hug and talk to them like a family.

"Well..." He clears his throat. "E-Elaine is also proud of y-you."

Isaac points at the bright window of the master's bedroom. "You think Avery talked her out?"

Bumagsak uli ang mga balikat. "Why are women so sensitive?"

Kumuha ng mga yelo si Isaac sa bucket ng beer nila at sinilid iyon sa ice bag. "They are not sensitive, Isaiah. They are possessive. There's the difference." Dinikit nito uli ang ice bag sa ilong nito.

"Difference?"

"Wala na kayo sa estado ng girlfriend-boyfriend, Isaiah. For example, you failed to reply her messages on time then she goes berserk over that puny issue... that is sensitive."

"The possessive?"

"You and Margaret are already into each other that you mutually decided to spend your lives together. Therefore, you are in the stage of taking property of each other's lives. You own Margaret. She owns you. Then all of a sudden, she heard that someone decided to trespass her property. For example, that subjected woman owning you for one night. Margaret has the right to get angry. That is being possessive, Isaiah."

Isaiah can't help giving his brother a funny look. "Iba nga talagang nagagawa pag nagkaasawa na, ano? Lumalalim ang pinaghuhugutan."

"Being married to Avery for two years taught me a lot about how the mind of a woman works."

"How is Avery as a wife?"

Growing up with Avery, Isaiah can't imagine back then that she'll be a doting mother to her children. Tulad ni Marga, batang-kalye kasi iyon. Maingay at parating umuuwi na madungis at kahit noong nagkolehiyo na sila'y nagsusuot pa rin ito ng short sa ilalim ng palda nito para pagkatapos ng klase'y naka-short na itong umuwi.

Having an inspiration can really change someone. Even Isaiah can't imagine himself back then to be this happy and contented. He thought he'll forever be stuck under the limelight --- scrutinized by people on every actions or words he makes.

Isaac smiles proudly. "She's more than everything I asked for."

"Ow?"

Nawala rin ang ngiti nito sa mga labi. "But she can be a nightmare as well."

"You've seen her best, you gotta expect the worst too." Isaiah raises a bottle of beer and clinks it with Isaac's.

"Married life, I guess." Isaac shrugs. "I am pretty sure I can survive." He chugs the beverage.

"Alam mo kung anong nakakatakot, Isaac?" Tanong niya sa kapatid.

"Ano?" Isaac presses the ice bag on his nose. Among the Millers, Isaac got this – what they call a perfect, prominent nose and thinking it was hit by a hard handbag, it must hurt like hell. The consolation? At least it was an expensive handbag.

Tiningala ni Isaiah ang maliwanag na kwarto. "Pag nagagalit ang mga maliliit na tao. I'm 6-footer, Ice. She's like... 5'3? 5'5? Yet I can sense she can slam me down in the floor with one arm. Can you believe that? Margaret's the epitome of small but terrible people."

"Wait 'till you're married, Isaiah." Tumingala si Isaac para damhin ang lamig ng compress. "There's nothing more terrifying than an angry wife. Matatakot ka nalang umidlip ng isang segundo kasi ramdam mong nakatayo siya sa tabi ng kama at may dalang kutsilyo."

Naalala niya si Baxter na takot na takot kanina. "May dalang BBQ stick, kamo."

.

.

Tumango si Avery nang malaman ang totoong dahilan nang pagtatampo ni Margaret. "Ahhhh... so you heard from Boyet that Isaiah bedded a woman back in the States."

Lumabi si Marga at tumango sabay sinubsob ang mukha nito sa pagitan ng tuhod nito habang yakap-yakap ang mga binti na nakaupo sa kama.

Avery's plan was successfully. Kinuha muna niya ang loob ni Margaret sa pagtatanong tungkol sa Scotland at Ireland. Kung anong masarap na mga pagkain roon, magandang pasyalan at kung anu-ano pa para mapagaan niya kahit papaano ang dinaramdam nito. Slowly, she opens up the fight Marga had with Isaiah.

"You're jealous?" She asked.

Tumango ang nakayupyop na si Margaret.

"You love him?"

"So much..." Pabulong na sagot nito.

"You hate seeing him sad?"

The princess nods again.

"Then why are you making him sad?"

Unti-unti siya nitong tiningnan.

"Kung ako nasa kalagayan mo, magagalit rin ako." Panimula ni Avery. Hinubad niya ang suot na sandalyas at umupo nang komportable sa kamay, paharap sa babaeng mugto ang mga mata sa kakaiyak. "Pahihirapan ko rin siya. Pero Margaret..." She touches her arm. "...as much as I wanted to support you on your cold strike, my heart also goes to Isaiah."

Kinagat nito ang ibabang labi para 'wag umiyak.

"I can really see sincere and deep regrets on him." Natatawa niyang paglalarawan sa nakitang ekspresyon ni Isaiah kanina. "I am not taking his side on this one. Yes, it was not an excuse that he was drunk that's why something happened between them... but I know him, Margaret. I also believe that you know too. Right?"

Mangiyak-ngiyak itong tumango.

"When a Miller loves someone..."

"...they love h-hard." Dugtong ni Margaret.

"Kaya naniniwala akong nagawa niya iyon kasi ikaw ang nasa isip niya sa oras na mga iyon. He longs for you and he accidentally answer it by..." Binitin niya sinabi para huwag muling maalala ni Margaret ang nangyari. "I just want you both to realize that being together isn't measured by the good times but rather on the bad times where you decided to stick together and understand each other. Kasi doon nasusubok kung gaano niyo kamahal ang isa't-isa."

Tuluyan nang umiyak ang prinsesa.

Naaawa si Avery rito pero may boses sa sulok ng isip niya ang nagsasabing may kakaiba sa inaasta nito. Sanay kasi si Avery na makita itong palaban kaya nakakapanibago lang ang pagiging emotional nito. Puwera nalang kong...

Tiningnan ni Ava ang tiyan nito. Napabalik bigla ang tingin niya rito nang magsalita ito.

"Natatakot k-kasi ako M-Ms. Avery na baka maulit."

"Drop the formality, Marga. You can call me 'Avery'. As for your dilemma..." Inayos ni Ava ang buhok nito patalikod para makita niya ang mukha nito. "...I'll put my life on the line, Isaiah can never cheat on you. Trust me."

"Paano niyo po nasabi?"

"Margaret, kung di mo nakikita, nakikita namin. Isaiah's crazy about you and if you could shrink enough to fit on his pocket, dala-dala ka na niya kahit saan para lang makasama ka niya. Isa pa, walang matinong lalake ang pupunta sa bansa na pinamumunuan ng isang reynang alam nating may disgusto sa kaniya, tapos handa pang isakripsiyo lahat para sa'yo." Sa pag-uusap nila'y na-i-kuwento rin ni Margaret ang nangyari sa palasyo kung saan naging King Regent si Isaiah sa maikling panahon at mananatili sana sa posisyong iyon kung hindi dahil sa ama ni Marga na siyang sumalo muna pansamantala sa tungkulin para malubos-lubos ng dalawa ang kanilang kalayaan. "Being said, Marga, Isaiah is really serious to have you."

Natahimik si Margaret.

"Lahat tayo nagkakamali. Nasusubok kung gaano ka-seryoso ang isang tao sa'yo sa pamamagitan ng kaniyang pag-suyo sa'yo." Avery turns to a basket of sweets on the table. "If someone can go through lengths for you, he can surely do everything for you."

"Pag kayo ba nag-aaway ni Isaac, anong ginagawa niya para suyuin ka?"

"Nililigawan niya ako oras-oras." Namula si Avery pag inaalala niya ang mga ginagawa ni Isaac pag nagagalit siya. "Sa umaga pa lang, pinagluluto na niya ako."

A small smile form on Marga's lips. "Isaiah can't cook."

"Different but still sweet, right?"

Naalala ni Margaret 'nong nag-effort talaga si Isaiah na magluto ng agahan niya no'ng nakaraang araw. She was pissed but learning the reason behind the dirty kitchen and wasted food, Isaiah's effort makes her heart swell with love. "Yes." Tumango si Marga bilang pag-sang-ayon kay Avery.

"In the end of the day, they want us to feel their love... in their own little ways." Kinikilig na ngisi ni Ava.

Doon na napatawa si Margaret. "Kinilig ka?"

"Bakit, ikaw ba hindi?" Binalingan uli ni Ava ang basket ng mga matatamis na pagkain sa mesa. "Just look at that! That's from Ducasse. I guess he surprised you with it when you woke up. Anong oras ka nagigising?"

"Seven... Eight A.M.?"

"See? Ducasee opens at 9AM. Ang effort palang ni Isaiah na kalampagin ang tindahan para magbukas ng maaga upang paggising mo'y may 'basket of sweets' ka sa pintuan mo, kikiligin ka na."

Margaret blushes as she bites her lower lip.

"Oh, tingnan mo 'to! Kinilig rin pala." Sabay sinipa ni Avery nang mahina ang binti ng prinsesa.

"Naiinis talaga kasi ako!!" Nagdadabog ito pero nakangiti na.

"Kung ayaw mong maniwala kay Isaiah, sa akin ka nalang makinig. Margaret, there's no other woman in Isaiah's life – only you and her mother and it will remain that way as long as your children will have their own children and them having children of their own."

Marga reaches Ava's hands. "Thank you, Avery."

"Wala 'to, ano ka ba. Magiging sister-in-law rin naman kita kaya share-share lang ng tips." Avery opens her arms for a hug which Marga happily accepted.

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

"Noah sent me a disturbing text, by the way." Tumayo si Isaac mula sa pagkakaupo sa poolside at pinulot ang mga botelya ng beer sa damuhan.

"What does it say?" Tumayo na rin si Isaiah at kinuha ang mga botelya mula sa kamay ni Isaac at sinilid iyon sa isang balde.

"Uncle Clive informed Noah that Grandma Cora wants the chairmanship of the MGC."

Natigilan si Isaiah at nilingon ito. "What?"

"You heard it." Isaac sighs. "Grandma Cora wanted to gain the majority votes of our uncles and aunt to push the proposal of replacing you."

"Why?"

Umiling ang kapatid niya. "I don't know. But whatever it is, Isaiah... considering everything we knew about Grandma Cora's past and her illegal detainment of Grandpa Arthur in an asylum, she's up to something."

Ewan ba't sa sinabing iyon ni Isaac, biglang pumasok sa isip niya si Elaine.

> "It's for us --- it's for our family."

"Isaac?"

"Yes?"

"Uncle Clive defended Rene Ocampo during the trial, right?"

"The prime suspect of killing my mother and Elaine and Marga's mother?"

"Yeah?"

"So, I've heard." Umigiting ang panga ni Isaac sa inis. "Why?"

"H-How did Rene get Uncle Clive's service?" Nagkatinginan sila. "Uncle Clive is a private attorney. Rene is only capable of having a public attorney provided by the government to those who cannot afford the expensive fees of a private defender."

"What are you trying to say, Isaiah?"

> "It's for us --- it's for our family."

Hinarap ni Isaiah ang pool at nag-isip ng malalim. If he's theory is right, Rene got the service of his Uncle Clive with the help of their Grandma Cora. The question is: What is the relationship between Cordelia and Rene? Isa pa, kung totoong magkakilala si Rene at ang abuela niya'y malaki ang tsansang alam ng lola nila ang ginawa ni Rene na pagpatay nito sa ina at sa kapatid ni Isaac ---

> "It's for us --- it's for our family."

Is Elaine referring to their Grandma Cora as the impending threat to their family?

Elaine's fear of coming back to their family is based on the fear that Grandma Cora might go after her since she is alive, and she knows something about what happened that fateful day. What also stops her from coming out is that she already has a son to protect more than herself.

> Arthur looks at his grandchildren --- including Isaiah. "No one can ever predict Cordelia's plan. I am not ruining her image on your minds but be careful."

"Shit." He inwardly curses.

Nagsalubong ang kilay ni Isaac. "Isaiah --- "

"BOYS!!" Sigaw ni Avery mula sa balkonahe ng master's bedroom sa second floor na siyang pumutol sa lumalalim nilang pag-uusap. Sabay pa silang napalingon sa direksyon nito.

"I am sleepy." Ava smiles at Isaiah. "She IS also sleepy." She winks in order to give him a subtle clue.

Nabuhayan ng loob si Isaiah sabay tinuro ang sarili at ang direksyon ng kwarto.

Makahulugang tumango si Avery.

"AVERY! YOU ARE AN ANGEL!" Sigaw ni Isaiah at nag-flying kiss pa sa kaibigan.

"No big deal." Avery shrugs, smiling.

Isaiah taps Isaac's back before running towards the house. "Feel free to use any rooms, Isaac."

Sinundan lang ng tingin ni Isaac ang kapatid na masayang pumasok sa kabahayan.'Di pa rin mawala sa isipan niya ang hitsura kanina ni Isaiah na para bang may nadiskubre itong kagimbal-gimbal. Though he wants to know it, he also doesn't want to ruin the moment.

Andito siya para makipag-usap sa kapatid at para libangin ang asawa.

May tamang oras para doon.

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

Isaiah knocks twice on the door and peeks inside the room. "Margaret?" Nakita niya itong nakaupo sa kama at masamang-masama ang tingin sa kaniya. "Hey --- "

"Sa sahig ka matutulog." Binaba ni Margaret ang isang kumot at unan sa carpet.

Tumango si Isaiah. "O-Okay."

Humiga na si Margaret, nagtalukbo ng kumot sabay tumalikod sa lalake.

"Babe?" Tawag niya sa nobya.

"Ano?" Maktol nitong sagot.

"Can't we just share a bed?" He misses the experience of feeling her warmth beside him. But right now, he needs to compromise. "K-Kahit may unan sa gitna natin, okay na ako 'ron --- "

"Floor." Putol nito sa sa kaniya.

"Marga --- "

"Or in the living room." Nakatalikod pa rin ito sa kaniya.

"Floor." Pili nalang niya. Niyuko nalang niya ang unan at kumot sa sahig. At least, there's a progress --- from living room to the bedroom floor. Who knows, tomorrow they'll be sharing the same bed. Humarap nalang siya sa closet at hinubad ang damit para magpalit ng pantulog. He prefers sleeping naked, but he'll be sleeping on the floor tonight. The last thing he wants right now is insect bites, so he'll just wear at least a boxer shorts.

Naramdaman ni Margaret na tumahimik ang kwarto. Mula sa pagkatalikod ay bahagya siyang lumingon para tingnan kung anong ginawagawa ni Isaiah. Napako ang tingin niya sa nakatalikod na hubad na katawan nito habang naghahanap ito ng damit sa closet. Bumaba ang tingin niya sa puwet nito. His butt cheeks are so firm ---- Mabilis siyang bumalik sa posisyon niya na nakatalikod rito nang humarap ito. Mariin na pumikit siya para masabing natutulog na siya.

The next thing Margaret heard is the soft ruffle of the blanket on the carpet and it went silent.

Kinagat niya ang ibabang labi at huminga nang malalim para patulugin ang sarili.

.

.

Inis na nagdilat nang mata si Margaret sabay tiningnan ang wallclock. 1AM. Halos tatlong oras na niyang pinipilit ang sarili na matulog. Nayayamot siya sa sarili kung bakit nahihirapan siyang matulog 'eh halos buong araw nga siya nagagalaw.

Sinipa niya pababa ang kumot para ilabas ang sarili sa ilalim niyon. Baka kasi naiinitan lang siya. Pumikit uli siya. Pero napadilat rin uli. 'Why can't she sleep?!' Bumangon siya at inayos ang pagkapuwesto ng kaniyang mga unan at humiga uli pero bumangon na naman. "Ano ba..." Mahina pero mariin niyang pinagalitan ang sarili. "Problema mo, Marga?" Sinuntok niya ang unan dahil sa pagka-bwesit niya sa sarili.

Sumandal nalang siya sa headboard at niyakap ang mga binti.

Doon palang niya naalala si Isaiah na nasa sahig at natutulog

Sinilip niya ito.

Nakadapa ito at mahimbing na mahimbing natutulog dahil sa mahina nitong hilik.

Ewan ba't nakaramdam siya ng inis. Heto't siya't nahihirapan man lang makaidlip ng ilang segundo, pero ito? Di man lang siya dinungaw para tingnan kung maayos ba ang kumot na nakabalbal sa kaniya. 'Oo nga... nakatulog nga ito ng mahimbing sa loob ng dalawang taon na wala ako. Ngayon pa kaya --- '

Naputol ang pagiging praning niya nang marinig niyang umugol ito.

"Hmmm... Mar...ga..."

Umirap siya. "Hmp. Ewan."

Muli itong umungol. "Mar...ga."

Lumabi siya. "Alam mo ba gaano kasakit marinig 'yon sa ibang tao, Isaiah?" Malungkot niyang sabi. "Di naman kita pipilitin i-kuwento iyon sa akin... kaso di ako handa 'eh." Humiga siya at dumapa rin sa kama para abutin ang lantad nitong likod. "I had this expectation that we remained faithful in those times when we were apart. Alam kong may pagkakataong matutukso ka o di kaya'y magka-girlfriend kasi nga nagkahiwalay tayo... pero ewan ko, Isaiah." Sinubsob niya ang mukha sa unan at tahimik na humikbi. "...ang sakit pa rin eh."

"Pero mahal mo pa rin naman ako, 'di ba?"

"Oo. Di naman 'yon magbabago." Sagot niya --- teka... Gulat na napabaling si Margaret sa direksyon nito nang bigla itong nagtanong.

Nakaupo na ito sa carpet at hawak-hawak ang kamay niya sa may dibdib nito. "Does my mistake made you love me less?"

She bits her lower lip and shakes her head. "No. Not an inch, Isaiah. At siguro... kung m-magkakamali ka man sa darating n-na panahon..." She sniffs as she fails to stop her tears from falling. "...tatanggapin pa rin kita ng buong-buo. Mamahalin pa rin kita ng buong-buo."

Isaiah kisses the inside of her palm.

"Pero di mo ako masisisi kong magdamdam." Her fingers betrayed her as she feels his strong jaw. "You're one o-of my precious treasures i-in my life, Isaiah. Ayokong may kahati ako at mas lalong ayokong may ibang humawak sa'yo."

Isaiah stares at Margaret crying.

> "They are not sensitive, Isaiah. They are possessive. There's the difference."

"C-Call me clingy... o-or sensitive." She sobs. "O-Or moody but --- "

Umiling si Isaiah at ngumiti. "You're not any of those, Marga. You are just being possessive, and you have every right to be." He places her hand flat on his chest where his heart is. "I am sorry. I am sorry for hiding that crucial fact. I am sorry that you heard it from other people. I am sorry that I have no valid excuse of that one-night stand. I am sorry for making you cry."

Umupo siya kama, palad ay nasa pumipintig pa rin nitong dibdib.

"I am yours, Margaret. You already own me..." He grins. "... from the time you entered the stage when a devastating make-up."

Doon na siya tumawa sa kabila ng kaniyang mga luha. "I am candidate #9 and you are mine." Nawala ang ngiti niya sa mga labi. "Mine, Isaiah."

Lumuhod si Isaiah at hinawakan ang mukha niya. "Yours, Margaret. Always." At sinakop nito ang mga labi niya.

Margaret buries her hands in Isaiah's hair and pulls her towards him to quench her thirst of him.

Tinukod ni Isaiah ang dalawang malalakas na braso nito sa kama para bigyang suporta ang nagiging mapusok nilang halikan. He grunts to control his carnal desire when Marga ended their kiss with a bite on his lower lip.

Naghinang ang kanilang mga mata na napatitig nalang sa isa't-isa. Unang ngumiti si Isaiah. "Still angry?"

Margaret teasingly plays her fingers on the garter of Isaiah's boxer shorts. "99.9% hindi na."

Isaiah bites the strap of her white nightgown and pulls it down. "Then let's make it 100%"

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

"Good morning, lovebirds!" Silip ni Avery pataas mula sa kusina. "Let's have breakfast together."

Napakurap mula sa second floor si Margaret na kakagising lang. Binuhol niya sa may puson ang ribbon ng bathrobe na suot. "M-Miss Avery?"

"It's Avery, Marga." Pumasok uli ito sa kusina. "No Miss."

"A-Avery pala. Hala! Sana po ginising niyo ako." Mabilis siyang bumaba sa hagdan. "Panauhin po namin kayo --- " Naudlot ang pagpasok niya sa kusina nang makita rin si Isaac roon na nagluluto ng pancake. She even gasp with amazement as Isaac flips a pancake in the air and perfectly landed it on the frying pan on the its other side.

Nilingon niya si Avery na nag-shake ng strawberry at almonds nuts gamit ang mixer. "Isaac?" Tawag nito sa asawa. "Fresh milk please."

Habang ang antensiyon nito'y nasa pancake, kinuha ni Isaac gamit ang isang kamay ang box ng gatas sa tabi nito at binigay kay Avery iyon. "Can you pass me a plate, love."

Kumuha ng isang plato si Avery sa counter at nilahad iyon sa asawa.

Margaret marvels how well-coordinated the couple's movements are in the kitchen -- from Isaac's cooking skills to Avery's cleanliness in the kitchen.

Tumabi sa kaniya ang kababa palang na si Isaiah. "Ang bango ah." Humikab pa ito.

Nilingon niya ito. "Bakit 'di tayo ganito?"

"Ang alin?"

"Tingnan mo oh. Ang galing ni Isaac magluto at kahit di sila nakatingin sa isa't-isa, maayos ang galaw nila. They compliment each other so well." Pinagmasdan uli niya ang mag-asawa na abala sa kusina.

"Wait 'till we're married." Siko ni Isaiah sa kaniya. "Hihigitan pa natin sila."

Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Huwag mo ako lokohin. Anong hihigitan eh kahit paghugas ng baso, dumudulas pa sa kamay mo."

"Handa na!" Nilapag ni Avery ang huling baso ng strawberry-almond milk sa center-island table kung saan may nakahanda na ring mga pagkain.

Pumasok si Isaiah sa kusina. "'ISAIAH-FREE Zone is temporarily not applicable because it's breakfast." He smiles at Marga and pats Isaac's back as a greeting.

Napailing nalang siya. "Magpasalamat ka sa kanila, oy."

"Good morning~" Masiglang bati sa kanila ni Avery na yumakap kay Isaiah at humalik sa pisngi ni Margaret. "Isaac and I decided to prepare you breakfast as our way of saying our thanks for accepting us." Umupo na ito sa tabi ni Isaac. Magkaharap ang dalawang pares ng mag-sing-irog sa mesa. "Sorry for intruding your kitchen."

"H-Huh?" Namula si Margaret. "No, no. It's okay." Pinagmasdan niya ang mga pagkain sa mesa. Maayos ang mga itong naka-presinta na para bang nasa restaurant sila. The simple strawberry almond milk for example, looks expensive because of the ground almond seeds spread on the surface.

Avery giggles seeing Marga's reaction. "Don't worry, I can teach you how to have a simple presentation on food."

"T-Talaga ho?" Napakurap siya.

"Oo naman." She shrugs. "No biggie." She spreads the table napkin on her lap.

Nagsimula na silang kumain. Susubo na sana siya ng kanin nang mahagip ng tingin niya ang ilong ni Isaac. "U-Uhh... Isaac?"

Tumingin ito sa kaniya habang ngumunguya ito.

She points his nose. "I'm sorry about that."

Nagkibit-balikat ito. "I can still breathe, no damage done."

Pilit siyang ngumiti. 'G-Ganito ba talaga ito magsalita? Ang tipid?' Or maybe the issue between them still exists --- since she decided to save the men behind his family's death by leaving Isaiah.

Pinilig niya ang ulo. 'Pwede ba, Margaret? 'Wag mong sirain ang araw mo sa pag-o-overthink?'

"Ice, try this." Lumingon si Avery sa asawa habang may hawak na tinidor na may nakatusok na sausage.

Kinain naman iyon ni Isaac. "Hmm..."

"I used butter rather than a vegetable oil. It brings out the taste of the spices, right?" Tanong ng babae.

Nag-thumbs-up bilang pang-sang-ayon ang ngumunguya pang asawa nito.

'Ang ganda nila tingnan.' Sa genes palang, umaapaw na ng gandang lahi ang dalawa --- Isaac with the physically blessed Miller genes plus Avery's small, heart-shaped face and angelic looks, no wonder their kids, the twins, are so good-looking.

Isa pa'y ang ganda ng relasyon ng mag-asawa lalo na sa kusina.

Samantalang ang sa kaniya'y...

Nilingon niya ang katabi. "Psst... hoy." Mahina niyang tawag rito.

Isaiah stopped from slicing a cinnamon bread. "What?"

"Subuan mo ako." Lumabi siya.

"Huh? Subuan?" Sinubo ni Isaiah ang kahihiwa lang nito na tinapay. "Bakit?"

Dumilim ang anyo niya.

"Oo na, oo na." He pokes a sausage with his fork. "Open your mouth, Margaret~"

Ngumit siya at kinain iyon nang --- "Ah! P*ta! Sh*t!" Malutong niyang mura at tinakpan ang bibig na napaso sa mainit na pagkain.

Agad siyang dinaluhan ni Isaiah ang nobya. "Y-You okay?"

Tumayo si Avery at kumuha ng ice sa ref.

Napangiwi si Marga sa dahil sa umaaray na sakit sa ibabang labi. 'Karma ko na'to sa pagbato ko ng bag sa ilong ni Isaac.'

Isaac spread a tablecloth as Avery places ice cubes on the cloth. "We need to apply first-aid on it," saad ng babae.

Nilingon niya ito. "First-aid --- " Naputol ang sasabihin niya nang bigla siyang dinampian ng halik ni Isaiah sa labi. Napakurap nalang siya gulat. "A-Anong ginagawa mo?"

"First-aid." Malapad na ngiti ni Isaiah dahilan para mamula pa sa hinog na kamatis si Marga.

"Nababaliw ka na talaga." Natatawang iling ni Margaret.

Kinilig na yumakap si Avery sa braso ni Isaac at sinandal ang ulo nito balikat ng lalake.

Isaac looks down on the smiling Avery. He smiles as Avery finally relaxes from all the tension she felt on the past few days.

.

.

"May lakad ka?" Tanong ni Avery kay Isaiah na lumapit sa kaniya sa kusina. Naghahanda kasi siya ng mga gamit para turuan si Margaret ng table at food presentation.

"Yeah." Isaiah zips his blue jacket upward.

"Saan naman?" Nilingin ni Avery si Margaret na noo'y hawak ang cellphone ni Isaac at masayang pinapanood ang mga videos nila Thea at Basti.

Instead of answering her question, Isaiah lowers down his voice. "I've got to do something. Please distract Marga for me."

Nameywang siya. "Kakabati niyo lang, Isaiah. Pag kayo nag-away uli, 'di na kita tutulungan."

"Trust me, this won't take long. I'll be out the whole day." Namulsa ito.

"Ano ba kasi 'yang gagawin mo?"

At natigilan si Avery sa sinagot ng kaibigan.

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

Isaiah peeks at the kitchen where the two women are busy teaching each other's cooking skill. "Aalis muna ako."

Nilingon ni Margaret ito. "Saan ka pupunta?"

Tiningnan ni Isaiah si Avery. "Isaac and I will fetch the twins at the mansion. Fire and Grandpa Arthur will be here as well."

Biglang nasasabik si Margaret sa ideyang makikita na niya ang mga kambal. "Really?!" At medyo kinabahan na makikita rin niya ang abuelo nito --- Arthur Frederick Miller, her grandfather's bestfriend and her grandmother's ex-flame.

"Yeah. The house is big to cater a lot of guests. Sabi kasi ni Avery na kapag bago ang bahay, dapat daw sa unang buwan ay puno ito ng ingay, pantaboy ng malas."

Nagsalubong ang kilay ni Marga. "Huh? May ganoon bang pamahiin?"

Naisapak nalang ni Avery ang palad sa noo nito. Gagawa na nga lang ng alibi si Isaiah, 'yon pang 'di kapani-paniwala.

Bagong dating si Isaac sa kusina na sumandal sa pintuan. "I heard 'twins', why?"

Isaiah turns to his brother. "Oh, here's Isaac!" Sabay akbay rito.

Nagtatakang tiningnan ni Isaac ang kapatid. "I've been in this house the whole time?"

"'Di ba m-may lakad tayo?" Pilit na ngiti ni Isaiah. "Kukunin natin ang dalawang kambal sa mansiyon, pati sina Fire at Lolo. 'Di ba?"

Isaac shrugs off Isaiah's arm on his shoulder. "You're smiling creepily, you know that. Iiyak sina Thea at Basti kung makikita nila ganiyan mukha mo --- "

Sumingit si Avery. "Isaac, we've talked this last night, right? Dadalhin mo ang mga kambal dito."

Nangunot ang noo ni Isaac at pinaglilipat ang tingin kay Isaiah at Avery. 'Nope, we certainly didn't have that talk.' At parang nakuha na ni Isaac kung anong nangyayari nang pasikretong sumenyas sa kaniya si Avery na tinuro si Margaret at si Isaiah. "Uhhh, y-yeah. Yeah." He eventually nods. "Umm, y-yeah. Isaiah and I are on our way to the mansion to fetch them. Sabi kasi ni Avery na papasok daw ang suwerte sa bahay pag may bata."

"Oh?" Malapad ang ngiti ni Marga na tiningnan si Avery. "Talaga po ba? 'Di ko alam 'yon ha. Hilig ka pala sa pamahiin, Avery?"

Muling naitampal ni Avery ang palad sa noo nito. 'Magkapatid nga sila. Magsisinungaling na nga lang, palpak pa.'

Hinila na ni Isaiah si Isaac papalayo sa kusina.

.

.

Nang makalabas na sila sa bahay, nilingon ni Isaac ang kapatid. "What was all that about?"

"I am brewing a surprise for Margret." Sagot ni Isaiah na pinindot ang car key para buhayin ang makina ng kaniyang puti Audi na sasakyan.

"And you used my children as an excuse?" He tilts his head sidewards.

"Because they are really part of the plan. Yes, you are going to the mansion and bring everybody here." Naglakad na siya papunta sa kotse niya.

"What for?" Pasigaw na habol na tanong ni Isaac.

Paatras na nilingon ni Isaiah ang kapatid. He points his ring finger.

Nanlaki ang mata ni Isaac at papasok sana sa bahay para kausapin ang asawa nang lumabas na ito at sinalubong siya. "Ava, do you know --- "

"Yes, I know. Go to the mansion and pick them up. Pag pabalik na kayo, daanan niyo ang bahay ni Rose (Avery's close 'former gay' friend.). Nakausap ko na ang ate ng baklang iyon ay may wedding gown daw na kakasya kay Margaret." Mabilis nitong sabi.

Naguguluhan si Isaac sa mabilis na pangyayari. "H-Hang on a minute, when did you and Isaiah planned this?"

"An hour ago." Kibit-balikat siya nitong sinagot.

"Really?"

She nods. "Magkaibigan kami ni Isaiah noon pa, alam mo 'yon, Isaac. Nababasa ko anong gusto 'non at alam kong tama 'tong ginagawa ko. Now, move it!"

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

STA. CLARA HOME FOR THE AGED

Matapos ang daily rosary ng mga madre, lumabas mula sa chapel ang Mother Superior na si Sister Maria at ang assistant nitong madre na si Sister Olga. "Olga," Binalingan ni Sis. Maria ang nakasunod na katiwala sa kaniya habang naglalakad papunta sa opisina nila. "Dumating na ba ang bagong bili na mga oxygen?" Walang laman na kasi ang mga oxygen tanks sa clinic nila kaya dapat na nila itong palitan kasi di nila alam kung kelan may sakuna. Halos mga matatanda pa naman ang pasyente nila rito.

"Opo, Mother Superior." Tango si Sister Olga. "I-de-deliver na raw ang mga iyon mamayang tanghali." Huminto siya nang huminto ang Mother Superior sa harap niya. "Mother Superior?" Nakapako ang tingin nito sa may gate kay sinundan niya ang tinitingnan nito.

Nakatayo sa gate si Isaiah/Liam na may dalang bouquet ng bulaklak.

.

.

Naglapag isang tasa ng kape si Sister Olga sa center table. Kasalukuyang nasa opisina sila ni Sister Maria.

"Anong maipaglilingkod naming sa'yo, hijo?" Tanong ni Sis. Maria.

"I was hoping I could talk to Pablo." Patungkol niya sa amain ni Margaret.

"Ay, nasa morning exercise sila." Sagot Sis. Olga na nakatayo sa tabi nang nakaupong Sis. Maria. "Hanggang alas-nuwebe iyon." Nilingon nito ang wallclock. "Palabas na iyon, teka't sasalubungin ko." Lumabas ang madre.

Naiwan si Sis. Maria at Isaiah sa opisina. "Kamusta ka na, hijo?"

Binalingan ni Isaiah ang nakatandang madre. "Masaya po, Sister Maria."

Ngumiti ang madre. "Napakagandang pakinggan, anak." Inabot ng madre ang kamay niya at tinapik-tapik iyon. "Alam mo ba noong bumibisita ka rito kay Pablo, pag tinatanong kita kung kamusta ka... palaging sagot mo lang..."

> Liam shrugs casually. "I'm fine."

Napakamot sa batok si Isaiah. "I found my purpose, Sister Maria." He blushes like a schoolboy.

"Pangalan ba nito'y Margaret?" Tukso ng madre.

"And I'm planning to make her a Miller." He proudly declares.

Gulat na napasinghap ang matandang madre. "Hala... kaya ka naparito para..."

Sakto namang pumasok si Sister Olga kasama si Pablo na ang mata'y nagliliwaliw naman kung saan.

Isaiah stands up and hugs his friend. "Pablo..."

Tumingin sa kaniya ito at humagikhik. "I-Ikaw kalaro k-ko noon, 'di ba?"

Tumango siya at ginulo ang buhok nito. "Na-miss kita."

At dahil mas matangkad pa siya rito, parang batang yumakap ito sa katawan niya sabay dinikit ang pisngi nito sa dibdib. "Ako rin! Ako rin!"

He hugs the frail man tightly. "Pablo, I am here to ask for your permission..." Tiningnan niya ang dalawang madre at binalik ang mata sa may-edad na lalake sa bisig niya. "...to have your daughter's hand for marriage."

Nagulat si Sister Olga at nilingon ang Mother Superior niya. "T-Talaga, Sister Maria?!"

Masayang tumango ito. "Oo, Sister Olga." They look at the two men infront of them.

Kumalas mula sa pagkayakap si Pablo sa kaniya at tiningala siya. "Isla?"

Tumango si Isaiah. "Yes, I wanted to marry your 'Isla'."

"H-Huwag mo siyang paiiyakin 'ah..." Bilin ni Pablo kahit tumitingin kahit saan ang mata nito. "K-Kasi... m-mahal na mahal ko siya."

"Oo, Pablo."

"G-Gusto n-niya ng matatamis." Ngumiti si Pablo. "M-Maramig-marami."

"I'll spoil her." He promises.

'Di alam ng dalawang madre kung bakit sila naiiyak sa nasaksihan nila. Despite Pablo's mental illness, deep inside, he is still concern of his daughter. Isla/Margaret may not carry his blood, he loves her more than a real one. Sa mga bilin pa lang nito, kilalang-kilala ni Pablo ang anak niya at bilang ama, gusto nito ng mabuting buhay para kay Isla/Margaret.

Tumatawa-tawang tumango si Pablo na mas lalong nagpahagulhol sa dalawang madre kasi umiiyak ito habang masayang tumatango.

Isaiah wipes Pablo's tears with his thumbs.

"Mahalin mo s-si Isla. Mahalin mo-mo anak ko..."

"Pangako, Pablo." Hinawakan niya ang mukha ng kaibigan. "Pangako ko 'yan sa'yo."

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

BRGY. TAGPI

"Let's kill this love~!" Pakembot-kembot na sayaw ni Chichi habang dala ang dalawang stick na pinabili ng kaniyang Tatay Junrey. Huminto ang bakla na may kulay blonde na buhok na hanggang baywang sabay sinayaw ang dance step ng sikat ng K-Pop song. "Rum, pum, pum, pum, pum, pum, pum~!"

Pa-kembot uli siyang naglakad papunta sana sa bilihan niya ng tempura nang may nakita siyang puting kotse sa harap ng Barangay Hall. "Wowoweeee~ ang sosyal ng kotse niya 'ah" Niluwagan niya sa may singit ang masikip na pekpek shorts na suot. "Sino kaya --- " Bumagsak pabukas ang bibig niya nang makilala ang lumabas na lalake. "HUMAY PAKENSYET!" Halos madapa si Chichi na tumalikod at patakbong bumalik sa kanilang bahay. "PADER DEAR~ PADER DEAR~!!"

.

.

"P*tang bakla 'yon." Inis na nilingon ni Junrey ang bukana ng kanilang bahay. Ubos na ang natira niyang sigarilyo. Noo'y kinukumpuni niya ang dalawang sira na electric fan ng eskwelahan kung saan siya nagtatrabaho bilang janitor para dagdag sahod na rin. Nasa sistema na kasi ng katawan niya na di siya masyado makakapag-concentrate basta walang hithit na sigarilyo. Dabog siyang tumayo at lalabas na sana siya sa bahay nang napaatras siya nang pumasok ang hinihingal na anak. "Ba't ang tagal mo? Mabigat ba kesa sa isang sakong bigas ang --- "

"Pudra~ kukunin na ako~" Kahit pawisan ay kinikilig itong nagsasalita.

"Kukunin?" Nagsalubong ang kilay. "Huh?"

"Ikakasal na ako~" Tatalon sana ito nang inunahan niya ito ng sapak sa ulo "Aray! Sakit 'ah!"

"Ano bang pinagsasabi mo riyan? Nasaan ang pinabili kong sigarilyo?"

Naudlot ang paglahad niya nang kamay nang may tumatakbo na bata papunta sa direskyon nila at tinatwag siya. "Manong Jun! Manong Jun!"

"Ow?"

Habol ang hininga nitong tinuro ang direksyon ng Brgy. Hall. "May naghahanap po sa inyo, Manong Junrey. Pinapupunta po kayo ni Kap. Jerome sa Brgy. Hall."

Binalingan ni Junrey ang anak na bakla.

Winakli ni Chichi ang buhok nito. "See?! Sa Brgy. Capt. nga talaga kami ikakasal~ syet!"

"Sino ba ang dumating, Chichi?" Seryosong tanong niya.

Pero di alintana nito ang nararamdaman niyang kaba, bagkus namumula pa ang anak. "Si Liam Allejo-Torres!" Malapit na mabasag ang tainga niya sa lakas nito ng tili na talo pa ang tunay na babae.

Si Liam Allejo-Torres.

Napabuga ng hangin si Junrey.

Si Isaiah Clark Miller.

.

.

Di pang sila nakaabot sa Brgy. Hall ay namumuktikik na ito nga mga tao na pilit makasilip man lang sa idolo. Dahil inaasahan siyang dumating, agad silang pinapasok sa Brgy. Hall ng mga nagbabantay na tanod.

Parang bulateng nanginigisay na si Chichi nang makompirmang ang idolo nga ang nasa opisina ng kapitan. Mula sa sliding door na pinto ng opisina'y kitang-kita na nila ang nakaupo at nakatalikod na pigura nito."'Tay, shet! shet! Si Liam nga! Si Liam nga!" Yumakap pa ito sa braso niya.

"P*ste!" Inis na hila niya sa braso. "Umayos ka nga!"

"Pader dear~ kung tatanong niya ako kung anong pangalan ko para sa Marriage Certificate naming, sabihin mong Chichi 'ha. Huwag ang Charlie!"

"'Pag 'di ka pa umalis, ipapadampot talaga kita sa DSWD!"

"'Tay naman eh --- "

Naputol ang pagbabangyan nila nang bumukas ang sliding door at iniluwa niyon ang secretary ni Jerome. "Pasok na kayo. Kanina pa kayo hinihintay ni Kap."

"'Kayo'?" Gulat na tinuro ni Chichi ang sarili. "K-Kasali ako?"

Tumango ang secretary nito.

"YES!!!" At mas nauna pang pumasok ang bakla sa loob.

.

.

Pagpasok sa opsina'y star-stuck na star-struck si Chichi nang tumayo si Isaiah para salubungin sila. Kulang nalang tumulo ang lawa nito habang nakatingala sa matangkad na idolo. "N-Nasa h-harapan ba talaga ki-kita, Liam?"

Isaiah boyishly grins and nods. "Yes. You must be Chichi?" Di pa nga tuluyang nalahad ni Isaiah ang kamay ay niyakap na siya ng binatilyo – este dalaga.

"Ang bango mo! Ang bango mo!" Inaamoy-amoy pa ni Chichi ang damit ni Isaiah. "At kasing-kulay pa buhok natin~ BLONDE!! Are we meant to be!"

Kung gaano ka-saya si Chichi, siya namang pagkabahala ang nakitang ekspresyon ni Junrey sa mukha ni Jerome. Nilapitan niya ang anak at piningot ang tainga nito. "Tumahimik ka nga!"

"Aray,'tay!"

Umupo na silang tatlo. Katabi ng kapitan si Junrey samantalang kumuha pa ng monobloc na upuan si Chichi para tumabi talaga sa idolo sabay yakap pa sa braso nito.

Huminga nang malalim si Jerome. "Anong pwede naming maipaglilingkod naming sa i-inyo, M-Mr. Miller." Para mapait na pagkain sa dila ni Jerome ang apelyido nito. Pag naririnig kasi niya at ni Junrey ang apelyidong ito ay nanginginig na sila sa takot --- dahil ipinapaalala ng apelyido nito ang napakalalim nilang kasalanan noon na pilit nilang binabaon sa limot.

Nakikita nila sa balita na nagkabalikan nga raw ito at si Isla/Margaret. 'Di pinapalampas ng mga balita ang tungkol sa dalawa.

A Princess and a Former Nation's Idol is really an item worth featured. Dahil medyo higpit ang seguridad sa dalawa'y mahirap makahagilap ng impormasyon o kahit man lang litrato ng dalawang magkasama kaya puro haka-haka lang ang nababasa nila sa mga pahayagan.

Isaiah's blue-eyes darken with seriousness. "My family is important to me, especially my brother... Isaac."

Nagsi-iwasan ng tingin ang dalawa. Si Chichi nama'y nakalutang pa ang utak sa kaguwapahuan sa katabi kaya 'di alintana nito ang bumibigat na hangin sa loob ng opisina.

"Mr. Miller." Nagkalakas ng loob na magsalita si Junrey. "... alam naming hindi ninyo basta-basta malilimutan ang nangyari pero pilit po naming tinama ang buhay namin sa panglawang pagkakataon na binigay sa amin ni Isla ---"

"That's why I am here."

Napatingin sa kaharap na Miller sina Junrey at Jerome.

"Isla is ready to turn back everything for the sake of her family. She turned back on me, two years ago... because of you."

Hindi na sila sumagot.

"I kept wondering why she chose you two over me. But these few months, I realized why she did it."

Tinaas ni Jerome ang tingin nito papunta sa lalake.

"Isla sees something in you two that is worth her sacrifice." Nilingon ni Isaiah ang labas ng bintana. Dahil nasa second floor sila ng Brgy. Hall, kitang-kita nila ang lawak ng barangay. "She sees something in you two that is worth a second chance." Malaki na ang nabago sa lugar. Noon, squatter na squatter itong tingnan pero ngayon, maayos na lugar at base sa dinaanan niyang mga kalye, may sapat na ilaw na sa daan at suplay na tubig. "She talks a lot about her life here in Tagpi." Nilingon niya ang dalawa. "She never regretted treating you like her real fathers."

Yumuko si Jerome para itago ang namumuong luha sa kaniyang mga mata.

"You taught her how to overcome the bitter side of reality. You taught her to survive."

Kahit si Junrey ay naging emosyonal.

Tinuring na kasi nilang parang anak ang prinsesa at kung andito pa rin iyon sa Tagpi, tiyak walang magtatangkang manliligaw roon kasi kahit sino matatakot pag nalamang ang mga tatay-tatayan nito ay ang mga mabangis na leader ng Batang Tagpi Gang na handang protektahan ang nag-iisang babae sa kanilang grupo.

"You are Islanda's fathers." Huminga nang malalim si Isaiah. "At andito ako para hingin ang basbas niyo na pakasalan siya."

Tahimik na humagulhol si Jerome habang tumulo naman ang luha ni Junrey. Siniko ni Junrey ang katabi. "P-Pwede ba? H-Huwag ka nga umiyak? Letse naman oh." Pero 'di rin nito mapigilan ang mga luha.

Parehong umiyak na ang dalawang may-edad na lalaki.

Lumuwag ang yakap ni Chichi sa braso ng idolo nang makitang malakas na umiyak ang ama niya. Malungkot siyang ngumiti. Kilala sa barangay nila ang ama niya na maangas at basagulero --- ang di nila alam na tanging si Chichi at si Isla lang nakakaalam ay may sobra pa sa malambot ang pusong mamon ni Junrey.

"I-Isaiah..." Humihikbi tingin ni Jerome kay Isaiah. "A-Alam naming imposible kaming makadalo sa kasal ninyo... kasi wala pa kaming mukhang ihaharap sina sa p-pamilya mo at p-pati na rin kay Isla, pero pakisabi naman na... na..." Humagulhol uli ito.

Si Junrey na ang nagdugtong na umiiyak na rin. "... pakisabi na mahal na mahal namin siya. N-Na pag bumisita rito sa Tagpi'y lulutuan ko pa rin siya ng paborito niyang tinolang m-manok. N-Na siya pa rin ang nag-iisa naming siga na tomboy d-dito."

Isaiah warmly smiles at the two changed man. "Makakarating po."

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

While driving on his way home, Isaiah called his mother. "Ma, nakuha na po ba kayo ni Boyet?"

📱 Lizbeth: "Oo, andito na siya sa bahay. Nag-e-empake pa ako. Diyaskeng bata 'to oo. Sana sinabihan mo ako ng maaga, para mapaghandaan ko."

Napangiti si Isaiah habang maayos na nag-o-overtake ng mga kotse sa daan. He presses the loudspeaker button and places the phone on the dashboard. "I just decided it out of nowhere too, Mom. I planned it one night and push the details in the morning with the help of Avery."

📱 Lizbeth: "Totoo na ba'to, anak?"

"Yes. I don't want to prolong it, mom. Unplanned moments are often the best ones ." He took a de-tour to avoid traffic.

📱 Lizbeth: "Iyan ang sinasabi ko! Anak nga talaga kita!"

"See you tomorrow, mom. Have safe trip." At ini-off niya ang tawag.

.

.

Alas-siyete na ng gabi siya nakauwi sa bahay. When he pushes the main door open, it stuck midway. "Huh?" Pilit niya tinulak ang pinto. 'Di ito tuluyan mabuksan. Niyuko niya ang sahig baka may nakabarang gamit sa ilalim niyon. Tama nga ang hinala niya nang yumuko siya at kinuha ang isang black crayon. "A crayon?"

He pushes the door and the first thing he saw is Margaret carrying Thea on her arms while Basti on piggy-back riding on her back.

Marga laughs as she runs around the house. "Pupunta na tayo sa palasyo ni Prinsesa Thea~ vroom! vroom!!"

Tumiling tumatawa ang batang babae habang nakangiti naman ang batang lalake sa likod nito.

All the exhaustion Isaiah felt from travelling the whole day was gone in an instant. Seeing Margaret so happy with kids is so refreshing. How much more if they'll have their own family?

Isaiah will always be excited to go home.

Nakita siya ni Margaret. "Oh! There's your Uncle Isaiah~ vrroommmm~!" Takbo nito palapit sa kaniya. Masaya niyang kinuha ni Basti sa likod nito at dinala sa kaniyang mga bisig.

"Hi, Sebastian." Natigilan ang dalawang bata na nakatitig ng matiim sa kaniya. "Uhhh... is there something on my face, Marga?" Tanong niya sa babae.

Umiling naman ito. "Wala naman." Pati ito'y nagtataka rin sa pananahimik ng dalawang bulilit.

At parang nasagot ang katanungan nila ng lumabas mula sa isang kwarto sa second floor ang abuelo niyang si Arthur. "Isaiah." Ngiti nito sa kaniya. Nakita nilang pinaglilipat nina Thea at Basti ang tingin kay Isaiah at papunta sa Lolo Arthur nila at pabalik uli kay Isaiah.

Isaiah smiles apologetically. "Yes. I look like your Lolo Arthur. You are not seeing double. I will look like him when I get old."

Nang maghapunan, masayang nagsalo-salo ng pagkain silang magkakapamilya. Margaret really enjoyed the company of the twins. Siya ang sumusubo sa napakakulit na si Thea habang si Avery naman ang nagpapakain sa behave na si Basti. Fire remains silent as the Isaiah, Isaac and their grandpa Arthur share stories.

Nilibot ni Margaret ang tingin sa maingay pero masayang kusina sa gabing iyon.

Yes, she wants to have this large family of her own... soon.

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

"Where have you been the whole day?" Tanong ni Margaret kay Isaiah nang naghanda na silang matulog. Pumailalim siya sa kumot.

Isaiah pulled off his grey shirt off his lean body. "Oh... uhmm... I talked to a client in the city." Umupo ito sa gilid kama. "Medyo natagalan kasi ang dami naming pinag-usapan." The first part was a lie – it wasn't a client. The second part was a truth --- he indeed talked to a person, a priest.

He impressively did that in one whole day.

Di pa isali diyan ang pagpunta niya sa Brgy. Tagpi at Sta. Clara Home for The Aged.

"Miss me?" He grins as Margaret, from behind, wraps her arms around his naked upper body.

She nods and lays her head on his shoulder. "Isaiah?"

"Hmm?"

"May na-contact ka ba sa palasyo."

Natigilan si Isaiah at nilingon ito.

He didn't. Not because he was busy but because the line of communications in Balmoral Castle are down. While driving home earlier, he tried contacting the people there --- Nelson, Jean, Ussie, the King Regent and even the Queen's personal number yet every number leads him to a voicemail. He was planning to pick them up with a private jet for the to attend the wedding, but he can't reach them. Now that he thinks about it, when they arrived in Philippines, no one from the palace called them to check if they landed safely or even asked if they arrive on the country.

Umiling siya. "Wala."

Umupo sa kama si Margaret at sumandal sa headboard. "Iba ang kutob ko, Isaiah eh."

"Hey." He holds her hand. "Do not think too much about it. If something happened, they will call us. Plus, there's no bad news about Scotland on the televisions and social media. Everything is okay, hmm?"

Nilingon siya ni Margaret at tumango. "Okay." At tsaka pilit na ngumiti.

Hinalikan ni Isaiah ang noo nito. "Maybe there's a maintenance on the security system. Rest assured; they will call us if ever, right?"

"Nag-aalala lang ako." Margaret crosses their distance and hugs Isaiah to calm her troubled heart.

Isaiah hugs her tightly. May problema 'ata ang pami-pamilya nila. The Millers has their Grandma Cora's intent to vie for the Chairmanship. The Scotts are... unusually quiet.

He shuts his train of thoughts down.

Tomorrow is a big day.

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

THE NEXT DAY

Kinapa ni Margaret ang katabing espasyo kinabukasan. She woke up with a vacant bedside. Dinilat niya ang mata at tinukod ang mga braso ibangon ang sarili. "Isaiah?" Lumingon siya sa kwarto. While her red hair is in a mess, she pulls her bathrobe.

Pagkalabas niya'y napangiti siya nang makita sa hardin ang kambal na nakikipaglaro kay Fire. She holds on the windowsill and observes the aloof man trying to socialize with the energetic Thea. The little girl wants to take a dip on the pool while Fire is sitting on the poolside, holding Thea's tiny body to stop her from jumping into the water.

'Bata lang pala katapat nitong masungit na Finnian Reed,' isip niya.

"Margaret?"

Napalingon siya tumawag sa kaniya. Si Avery na kakalabas lang ng kwarto ng mga ito. Bagong ligo at bagong bihis na rin. "Why are you still not dressed?"

Napakurap siya. "D-Dressed?" Niyuko niya sa sarili na suot lang ang bathrobe. "B-Bakit? Saan po tayo?"

"Didn't we planned to go shopping today?"

Napakunot ang noo niya. "Huh? S-Shopping? No, we didn't --- " 'Di na niya natapos ang sasabihin nang tinulak siya ni Avery pabalik sa kwarto niya.

"We did. Nakalimutan mo na siguro."

Nagpatangay nalang si Marga sa pagtutulak nito. No, she's pretty sure they never mentioned any trip yesterday.

Oh well, whatever. She might learn a thing or two from a former international model.

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

Their trip to city was indeed a fulfilling one. Having a 'For-The-Girls' time with Avery, it was worth it.

Their first stop was in a nail salon where they pampered their fingernails – both hands and feet --- for a spa and a new fresh coating of nail colors.

Next, the go for a whole-body massage inside a room with very fragranct scent that relaxes their muscles.

Laking gulat nga ni Margaret na pagkatapos ng kalahating-araw nilang pagtatambay sa spa/salon na iyo'y ramdam niya ang epekto. She feels light and beautiful.

Noo'y nasa kotse na sila na si Avery mismo ang nag-da-drive. Nakaupo sa tabi nito, dinama ni Margaret ang mga pisngi. "Grabe... ang kinis ng mukha ko. Feel ko kahit langaw, madudulas na. Ang lambot pa." She smiles.

Nakangiting nilingon siya ni Avery. "I know right. I really love that place. Good customer service and very affordable services."

Kahit prinsesa ay napangiti nang alanganin si Margret. The foot spa alone costs, 3 thousand per foot and that's six thousand pesos. 'Ang mahal nga.' "Ah, Avery... alam mo ba saan nagpunta si Isaiah?"

"Isaac and Isaiah left early. I heard they're going for a swim in a nearby beach."

"Ahhh..." Tango ni Margaret sabay tumingin sa labas ng bintana.

Palihim na tiningnan ni Avery ang katabi at nakahinga nang maluwag nang makitang kumbinsido naman ito sa alibi niya.

.

.

They had their lunch in a very pricey restaurant. Halos lumuwa ang mga mat ani Margaret sa mga presyong nakalista sa menu. "Uhhh... Avery --- "

"Chose anything, Marga." Avery peeks above the menu she is holding. "It's my treat. Thank you for coming with me on my adventure." She calls a waiter. "I love being a mother and I'll forever want to be a mother."

"Ako rin kaya kung magkakaanak ako ng ganoon ka-cute."

After giving their choices to the waiter, Avery looks at her. "Pero may pagkakataon kasing gusto mo ring mapag-isa. Yung wala kang iisipin, yung aalagaan mo ang sarili mo... spoil yourself with food and clothes or anything that makes you happy. Alone. Kasi kung ipipilit mo ang sarili mong okay ka kahit tingin mo sa sarili mo ay pangit ka, lalabas kasi ang inis mo sa pakikitungo mo sa ibang tao. That is why some wives tend to be noisy or nagger to their husbands kasi feel nila pangit sila at di na sila mahal ng asawa nila." She winks. "Take note of that. Do not forget yourself in the midst of loving someone else."

Napangisi siya. "Lalim hugot natin 'ah."

"Just saying the truth." Avery shrugs giggly.

.

.

Their next stop is in a very expensive boutique. 'Eh? Ang mahal dito!' The store's interior speaks money already. Uupo na sana siya sa isang waiting chairs doon nang hinila siya ni Avery patayo.

"What are you doing? Let's fit some dresses."

"H-Ha? O-Oh sige." Pagdadalawang-isip niyang tango. 'Grabe pala kung mahalin ni Avery ang sarili nito. Ang mahaaaaal!'

They fit dresses, shoes, female tuxedos and even swimwear. Nagtawanan pa sila kasi para silang timang na nag-fa-fashion show sa loob. Mabuti nalang at sila lang ang customer ng araw na iyon kundi masasabi talaga silang baliw ng iba.

"MARGA!!" Excited na sumilip si Avery sa fitting room na ino-okupa niya habang hinuhubad niya ang isang two-piece swimwear.

"Yes?"

May pinasok si Avery na damit. "Try this."

Nagsalubong ang kilay niya. "T-This is a... wedding dress?"

"Try it, try it!"

"H-Huh?" 'Traje de Boda talaga? Sige na nga lang...' Kinuha niya mula sa hawak nito ang kulay cremang damit. Ayaw niyang maging KJ.

"Lumabas pagkatapos 'ah. I wanna see the result." Avery happily closes the door.

Pinasadahan niya ang damit. "Wala naman akong nakitang mga wedding gown the display 'ah." At sinimulan niyang isuot ito.

.

.

"Avery?" Sigaw ni Marga mula sa loob.

Binaba ni Avery ang brochure na binabasa at tumayo. "Tapos ka na? Huwag mo muna hubarin... let me see.. let me see..."

Namumulang sumilip si Margaret mula sa fitting room. "Nahihiya ako..."

"Ow, come on. Tayo lang naman rito." Nilingon ni Avery ang tatlong staff ng tindahan. "Right?"

Nakangiti namang tumango ang mga ito.

Dahan-dahang lumabas si Marga. "Here."

Avery and the three staff's eyes widens with adoration.

"Oh my God." Nasapo ni Ava ang bibig. "Marga..." Mangiyak-ngiyak itong lumapit sa kaniya at pinaharap siya sa full-body mirror. "LOOK!!" Patalon-talon ito sa saya.

Margaret is breathless when she saw her reflection clearer.

The white wedding gown frames her petite body perfectly, showing her assets: her small waist shapes nicely bec. of the belt made of small pearls, her ample chest is cupped with a sweetheart neckline that compliments her bare shoulders and collarbone's fair skin. Niyuko niya ang cream-colored silk na skirt. It flows like creamily with her every movement. The lacy sleeves that wraps her upper arms completed the ensemble.

Marga feels the gown is custom-made for her. Nilibot niya ang tingin sa buong tindahan. Wala ngang wedding dress na naka-display. Laking gulat nalang niya na ang akala niyang window shopping ay nauwi talaga sa totohanang pamili.

Avery bought all the dresses their fit.

"A-Avery, teka... masyadong mga mahal --- "

Avery, from the cashier booth lifted the paper bags. "Let's go?"

"H-Huh?" Tinaas niya ang palda sa may tuhod. "Teka't magbibihis muna ako --- " Naputol ang sasabihin niya nang hinila na siya ni Avery palabas. "T-Teka... Avery! I can't go out wearing a wedding dress!" Namula siya nang tuluyan na silang nakalabas sa tindahan. Napalingon ang iilang mga taong dumadaan sa harap ng tindahan.

She looks down to hide her embarrassment. 'What is happening --- '

"Marga, inside. We'll be late." Tawag sa kaniya ni Avery mula sa loob ng kotse.

"F-From what?" Pumasok na rin siya sa loob ng kotse.

.

.

Mag-a-alas singko nan ang hapon nang duamting sila sa bahay. Sa pathway palang nanigas na ang mga pa ani Margaret. "A-Avery..." Namula ang mga pisngi niya. "Pwede bang magbihis man lang ako sa kotse? Nakakahiya kasi --- "

Nagpatiunang na itong naglakad papunta sa bukana ng bahay. "Oh, forget it." She pulls her hand. "Come on, come on."

At dahil pati ang sandals ay nakalimutan niyang dalhin na naiwan sa fitting room, nakapayapak siya sa mga oras na iyon. She looks like a runaway bride. A red-haired run-away bride. Huminto sila sa harap ng front door ng bahay. Dahil may salamin sa pinto na bahagyang kita ang repliksyon niya, tiningnan ni Marga ang hitsura ng buhok niya.

Unconscious by Avery's action of pushing the door open, Margaret combs her hair with her hand as the orange sunset on the horizon blinds her temporarily when the orange light peeks from the open door. Sinalag ni Marga ang palad sa mga mata niya sabay yumuko pero natigilan siya nang may nakitang mga sunflower petals sa sahig papasok ng bahay. "This is --- " Agad siyang nagtaas ng tingin.

Her heart immediately drums hard on her chest as she saw Isaiah standing on the sunflower field, looking dashingly handsome on a white long-sleeve with sleeves rolled on its elbows. His white pants softly ride the blows of the wind from the sea. "Wait... i-is this..." She stammers as she saw familiar faces also standing among the sunflowers.

There's Baxter and Nadia, Mama Lizbeth... a-and his foster mother Celestina... Fire, their Grandpa Arthur, Isaac with their twins and...

Napaluha siya nang makita ang miss na miss niyang si Chichi na noo'y umiiyak na nang makita siyang muli. "Chichi..." She smiles.

Kumaway sa kaniya ang baklita. All of them are wearing white.

Avery then places a flower crown on her head. "The whole house is yours, Margaret."

Umiiyak siyang nilingon ang babae. "I-Is this..."

Avery nods. "Your wedding."

Tiningnan niya si Isaiah na nakatayo sa dulo.

Umiiyak siyang binagtas ang sala na punong-puno ng mga petals. Her bare feet feel warm in every step she takes towards the man she loves.

Patuloy siyang humihikbi at pilit pinatutuyo ang mga luha niya habang naglalakad palabas na sa sunflower field. As one foot lands on the grassy land, a song then filled the air.

An acoustic sound rendition of Can't Help Falling in Love

♫ Wise men say only fools rush in

But I can't help falling in love with you

A drone above them drops showers of sunflower petals on them.

♫ Shall I stay?

Would it be a sin?

If I can't help falling in love with you?

With tears pooling her eyes, she looks at Isaiah waiting for her on the other end. As ever yellow petals fall infront her face, her eyes plays trick on her as he changes into the idol she first love then to the King Regent who is willing to give up everything for her then lastly... to the man who is now ready to spend his life with her.

♫ Like a river flows surely to the sea

Darling so it goes

Some things are meant to be ♫

Isaiah lends his hand towards her.

♫Take my hand, take my whole life too

For I can't help falling in love with you ♫

She's still crying hard as she holds her hand. Isaiah then pulls her towards him.

"Stop crying..." Natatawang bulong sa kaniya ni Isaiah.

"'Eh kasi naman i-ikaw..." Hagulhol niya. "Bakit ganito ka mag-s-sopresa 'ha."

"You'll know later." He winks as they sit on a chair infront of a priest.

The priest smiles as he gazes at Margaret who won't stop crying and then started the ceremony. "We are all gathered here to witness the union of Isaiah Clark Miller and Margaret Victoria Carolina Scott."

Arthur who witness the union heaves a deep sigh.

Miller and Scott.

'Damn, Francis.' Pinahid ni Arthur ang luha nitong namumuo sa mata.

As the priests gives the holy matrimonial vows to them, Margaret tightly holds Isaiah's hand.

The set-up was just simple but very meaningful.

There's no fancy carpet, nor wedding bells or cakes, or even a veil most bride wears but Margaret feels complete already. Nilingon niya ang paligid.

The people close to their heart is their witness. The heavens as well as the seas serves as their guests.

Nilingon niya si Isaiah sa tabi niya na lumingon rin sa kaniya.

The man beside her already made this simple garden wedding perfect.

"When did you planned all of this?" She whispers.

Isaiah grins and whispers back. "I just planned it while making love to you the other night."

"Are you sure?" She laughs.

He nods proudly. "This is not a dream, babe."

Matapos ang litanya ng pari ay pinatayo sila nito. "Do you have something to say to each other?"

Umiling si Margaret at nagsimulang umiyak uli na tumayo at humarap ka Isaiah. "Wala! Kainis ka... di ko napaghandaan ang speech ko..."

At umani iyon ng tawa mula sa mga bisita.

"Well I have mine." Isaiah holds her hands as the setting sun on the horizon gives of it's brightest light. "The lyrics of the song goes: Wise men say, only fools rush in. I am one of the fools, Margaret and the proof of me being fool is pulling of a wedding like this."

She nods as tears won't stop falling.

"I know, I can pull a proper... and fancy wedding you deserve, Marga. In a church... with a choir... designed with millions of roses... with our whole family in one roof... but do you know why I wanted a wedding now?"

"W-Why?"

"Kasi gusto kong ipakita sa'yo na seryosong-seryoso ako sa'yo, Margaret. I don't see myself marrying another woman other than you."

Yumuko si Marga at pilit wag humagulhol ng malakas.

"Marga."

Tiningnan niya uli ang lalake.

Isaiah feels her cheek. "Liligawan kita araw-araw. At kung magalit ka na naman, papakasalan uli kita hanggang sa maniwala kang ikaw lang ang mahal ko. Yes, babe... I'll marry you over and over again... to let you feel how deeply, madly... foolishly into you." He presses his forehead on her forehead. "Be a Miller, be with me... through ups and downs, Margaret. I promise you; you'll have the love and care and family you deserve."

Tumango siya. "I do."

Napatawa na rin ang pari. "Being said, Isaiah..." The priest nods at Isaiah. "The ring."

"The ring. Uhhh..." Kinapa ni Isaiah ang bulsa. "I think... I put it in my pocket."

Sumimangot si Margaret. "Naiwala mo --- "

Tinaas ni Isaiah ang dilaw na laruang singsing na binigay nito sa kaniya dalawang taon na nakakalipas. Ang singsing na makikita sa loob ng chichirya.

Napatawa lang si Margaret. "Ano 'to?!"

Namula si Isaiah. "Wag kang ganiyan. Alam mo ba malapit na kami magka-UTI ni Isaac sa kakabili namin ng mga chichirya sa mga tindahan para lang makahanap pa ng isa nito?"

"Wait... you found another one?" Gulat niyang tanong.

"Nothing is impossible." Tinaas ni Isaiah ang kamay nito kung saang may dilaw na plastic na singsing na nakapulupot sa palasingsingan nito. "Sorry babe, the rings I ordered for us is custom-made." Napakamot ito sa batok. "Don't worry, on our next wedding..." Tiningnan ni Isaiah ang mga dumalong bisita. "With everyone... on a church... I'll give us a matching ring."

Umiling si Margaret. "This is already perfect, Isaiah." Sinuot niya ang singsing sa sariling daliri.

"I should wear that ring on you --- "

"Then on our next... wedding... wear our couple ring on me." Tinaas rin ni Marga ang kamay niya. "This is enough to bind me to you."

Unti-unting lumawak ang ngiti sa labi ni Isaiah. "So, what should I call you now? My Queen? My wife --- "

Hinila ni Margaret ang kwelyo nito pababa at hinalikan ito ng mariin sa labi. She smiles. "Call me Mrs. Miller."

"Finally!" Sigaw ni Isaiah.

Tumawa nalang ang pari. "I now pronounce you, husband and wife. You may now --- "

Hinila uli ni Margaret si Isaiah para halikan ito.

"...you may now kiss your groom." Patapos ng pari.

At saktong umilaw ang mga maliliit na bombilya sa hardin at lumubog ang araw, umalingawngaw sa malamig na gabi ang palakpakan.

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

[NEXT CHAPTER PREVIEW pt .1]

Isaiah angrily slams his hand on the table that made the old and new generation of Miller turns to him. He threw an icy glare at his grandmother sitting on the other end of the table.

[NEXT CHAPTER PREVIEW pt .2]

Margaret hand trembles as she looks down on the pregnancy test kit.

It has two solid red-lines.

A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote⭐

Seguir leyendo

También te gustarán

978K 31.1K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
24.1K 1.1K 26
Xuxia Queen Del Martin is a popular med student in Patterson University of Medicine because of her excellent academic records. Everyone in the campus...
98.2K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...