His Greatest Downfall

By greatfairy

3.7M 113K 15.2K

ZERO DEGREE SERIES 2: SID DELA VEGA Sid's love for Serenity was beyond compare. Head over heels in love, he... More

His Greatest Downfall
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
PASASALAMAT

CHAPTER 9

81.5K 2.5K 173
By greatfairy

Chapter 9

"UMUWI ka na."

Humakbang ako paatras para isara ang pinto ngunit hinarang niya ito.

"Ganito ka ba tumanggap ng bisita? How grateful of you, my lady. Pagkatapos mo akong patayan ng tawag kagabi at hindi pinatulog, palalayasin mo ako ngayon?" panunumbat niya.

Bagama't mahinahon ang kanyang boses ay nakakunot naman ang kanyang noo.

"Ngayon kasalanan ko pa kung hindi ka nakatulog? Hawak ko ba ang mga mata mo? Umalis ka na. Sinisira mo ang umaga ako."

Bumuwelo ako at buong lakas siyang itinulak. Hindi niya yata napaghandaan iyon kaya't bumulagta siya sa sahig.

"The fu—shit!"

Nakita ko ang pagdaing niya at napahimas pa sa kanyang balakang. Napangiwi ako at agad na tinalaban ng konsensya.

Anong ginawa ko?

"S—sorry. H—hindi ko sinasadya. Ikaw kasi."

Nakagat ko ang ibabang labi at hindi alam ang gagawin. Yumuko siya't patuloy pa ring hinihimas ang kanyang tagiliran. Napasama yata ang pagbagsak niya.

Diyos ko! Wala akong perang pambayad ng x-ray!

Bahagya akong yumuko para hulihin ang kanyang mukha.

"A—ayos ka lang ba?" alanganin kong tanong.

Hindi agad siya nakasagot. Nasa bahagyang pang-upo pa rin niya ang kanyang kaliwang kamay. Binalot kami ng katahimikan sa loob ng mahigit isang minuto

Hindi ko nakayanan ang pananahimik niya kaya't umayos ako ng tayo at inilahad ang aking kamay sa kanya para tulungan siyang tumayo.

"P—pasensya ka na. Tulungan na kita."

He looked up to me, but instead of grabbing my hand, he handed me the bouquet of flowers. Ngayon ko lang napansin na hindi niya iyon binitiwan kahit na napasama ang pagbagsak niya.

Hindi agad ako nakagalaw. Nag-aalangan akong tanggapin ang mga bulaklak. I don't want to entertain him. Higit sa lahat, ayaw kong magkaharap kami nang matagal dahil pakiramdam ko'y matutunaw ako sa kanyang mga titig.

"Please?" he begged while looking up to me.

Nangungusap ang kanyang mga mata. I shut my eyes close then opened again. Nagbabakasaling sana ay nananaginip lamang ako. Ngunit pagdilat ko'y gano'n pa rin ang kanyang posisyon—patihayang nakaupo sa sahig habang inaabot sa akin ang mga bulaklak.

Ilang beses akong tumingala sa bubong para maghanap ng kasagutan kung tatanggapin ko ba o hindi ang mga iyon ngunit sa huli'y marahan ko iyong inabot mula sa kanya.

"Salamat. Tumayo ka na d'yan," mahinang sabi ko. Umiwas ako ng tingin nang pilit niyang hinuluhi ang mga mata ko.

"Help me, please?"

Napailing ako at muling inilahad ang kanang kamay ko para tulungan siyang tumayo—na siyang pinagsisihan ko dahil sa isang iglap ay nakaibabaw na ako sa kanya.

"What the hell, Dela Vega!"

Hinila niya ako padapa sa kanya!

I heard him chuckled. Aksidenteng nangudngud ang mukha ko sa matigas niyang dibdib kaya't amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Bigla ay parang lalabas ang puso ko sa aking dibdib. Ramdam ko rin ang tibok ng kanyang puso. It was as loud as mine.

I don't know for how long we stayed in that awkward position. Nakayakap sa bewang ko ang kabilang kamay niya.

Natauhan ako at mabilis na umalis sa ibabaw niya. Tiningnan ko siya nang masama ngunit nakahiga pa rin siya at malaki ang ngisi sa mga labi.

"Walang nakakatawa sa ginawa mo," asik ko. He grinned even wider. Ginawa niyang ulunan ang magkabilang kamay niya't tiningnan ako.

"Heaven..." he murmured.

Tinapunan ko siya ng matalim na tingin.

"Alam mo, malapit na akong mapuno sa 'yo! Kailan ka ba titigil sa kabaliwan mo, ha?"

Ngunit tumawa lang siya.

"Huwag kang mag-alala, pupunuin talaga kita...ng pagmamahal."

"Buwisit ka talaga! Diyan ka na nga!"

Akmang tatalikuran ko na siya ngunit mabilis siyang bumangon mula sa sahig at hinawakan ako sa siko.

"Not that fast, Serenity."

"Ano ba?!"

"You owe me a date for pushing me down." Tiningnan niya ako sa mga mata.

"What?!"

Nanlaki ang mga mata ko. Tila umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. The nerve of this guy!

"You heard it right. Be my date on Friday night, sa anniversary ng university. You do not have the right to decline."

"At sino ka para tanggalan ako ng karapatang magdesisyon para sa sarili ko? Tatay ba kita, ha? Puwede ba lubayan mo na ako? Namumuro ka na sa 'kin!" Iwinaksi ko ang kanyang kamay.

"Masakit ang tagiliran ko dahil sa biglang pagbagsak ko at utang mo iyon sa 'kin. "

"Kasalanan mo naman 'yon! Pinagbigyan na kita noong nakaraan at hinding-hindi na mauulit iyon kaya maghanap ka na lang ng ibang makaka-date, huwag ako. Makakaalis ka na."

"Why are you too hard on me, Serenity?"

"Dahil makulit ka na. At hindi nakakatuwang pinaglalaruan mo ako. May boyfriend akong tao, Dela Vega, kaya't tigilan mo na ang paghahabol sa 'kin. Kahit ano'ng gawin mo, hinding-hindi ako magkakagusto sa isang kagaya mo! Kahit punuin mo pa ng mababangong bulaklak at tsokolate ang apartment na ito, wala kang mapapala sa 'kin. You're not my type!"

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata kaya't agad akong tinablan ng guilt. Bumuntonghininga siya saka ako pinakawalan.

"Lulubayan lang kita kapag pumunta ka. Be my date for that night. Hindi na kita iistorbohin at kukulitin pagkatapos."

I fell into silence. Bakit pakiramdam ko'y namamaalam siya? Hindi ko alam ngunit parang nagkaroon ng butas sa isang bahagi ng puso ko dahil sa kanyang mga sinabi.

"Kung gano'n ay pumapayag ako. Pero panghahawakan ko ang mga pangakong 'yan."

"Deal."

He offered his hand for a handshake. Tinanggap ko iyon. The moment our hands met, I was electrified. Napatulala ako nang ikulong niya iyon gamit ang dalawa niyang kamay.

"This is so soft and tiny," he commented. He drew some invisible lines at the back of my palm. Gusto kong bawiin mula sa kanya ang aking kamay ngunit hindi ko magawa. There's something that stops me from doing it. It's weird that—I felt home. I felt like I'm safe when I'm with him.

"Kung nauna ba akong dumating sa buhay mo, naging tayo kaya?" mahinang anas niya. He was looking at me intently but he never let go of my hand.

Muli akong umiwas ng tingin. Inulit ko ang kanyang tanong sa aking utak. Bigla ay naghanap ako ng kasagutan sa sarili ko. Hindi mahirap mahalin ang isang katulad niya. He's someone that any woman would dream for. He's almost perfect. Siguro'y kung sa ibang pagkakataon kami nagkakilala, baka... Ipinilig ko ang aking ulo.

What am I thinking?

Marahas kong binawi ang aking kamay mula sa kanya.

"Makakaalis ka na. Huwag kang mag-aalala, pupunta ako sa date na sinasabi mo."

"Mahirap bang sagutin ang tanong ko, Serenity? Bakit mo ba ako iniiwasan? Nahuhulog ka na rin ba sa 'kin at ayaw mo lang aminin?"

"Shut up! Umalis ka na dahil baka magbago pa ang isip ko at hindi kita sisiputin sa date mo." Muli ko siyang tinalikuran.

"It was just a simple question, Serenity. Is it that hard for you to answer me? O, baka tama nga ako. May nararamdaman ka na sa 'kin. Ayaw mo lang aminin dahil isang kasalanan ang mahalin ako."

"I said shut up and leave!"

I left him and slammed the door. Napasandal ako sa pinto. Ilang beses akong huminga nang malalim para pakalmahin ang puso ko. I felt the fast pacing of my breath.

Naramdaman ko ang mainit na likidong dumaloy sa aking pisngi. Hindi ko kayang tanggapin na may epekto sa akin ang lahat ng sinabi niya. Hindi puwedeng magkasala ako kay Ronald.

I did not mind checking if he was still outside my apartment. Pagkatapos ng ilang minutong pagkatulala ay nag-ayos na ako para pumasok.

It will be our last week this week. Katatapos lang din ng final exams namin noong nakarang linggo kaya't halos kaunti na lang din ang pumapasok. Kadalasan ay nag-aasikaso na lamang ng clearance para hindi mahirapan sa enrolment ng susunod na semester.

Kinuha ko ang cellphone ko para magpadala ng mensahe sa bahay. I'm pretty sure na excited na sina Mama sa pag-uwi ko. Miss na miss ko na rin sila.

Pagkababa ko ng cellphone ay siya ring pag-ring nito. It was Marga calling.

"O? Napatawag ka?" tanong ko pagkasagot ko ng tawag.

"Ay, ang taray ng tono mo, meym. Ang aga-aga," maarteng sabi niya. Inirapan ko siya kahit hindi niya ako nakikita.

"Whatever, ano nga ang kailangan mo? Kitang nag-aayos ako."

"Itatanong ko lang naman kung may damit ka nang susuotin sa anniversary party sa Biyernes dahil kung wala, isasama sana kita mamaya sa boutique ng kaibigan ni Mommy."

"Puwede na siguro 'yung dress na sinuot ko noong—"

"Noong last year na anniversary? Alam mo, meym, outfit repeater ka. May manliligaw ka na ngayon kaya mag-ayos ka naman nang nababagay sa beauty mo."

"Aba't!"

"Biro lang, galit ka na naman. Iyon nga, sumama ka sa akin mamaya, ha? Mag-excuse ka na sa Council kung may kailangan kang gagawin doon. Huwag kang mag-alala, hindi ka naman magbabayad, maraming gown na pagpipilian do'n na mura lang. Ako'ng bahala sa 'yo."

I sighed in defeat. Kahit na minsan naaasar ako sa kakulitan ni Marga ay nagpapasalamat naman ako na hindi niya ako kinakalimutan sa tuwing kailangan ko ng tulong niya. I was actually planning to ask her kung may extra siyang damit na puwede kong hiramin. Sa totoo lang ay may punto siya, outfit repeater nga ako. But that doesn't mean na masama iyon. At some point we also need to change our wardrobe to give ourselves a breath of fresh air.

...

"ITO, subukan nga ito. Feeling ko bagay ito sa skin tone mo dahil maputi ka."

Marga handed me a black long gown. Tube iyon kaya't siguradong ma-e-expose ang balikat ko. Umiling ako.

"Masyadong revealing, Marga. Ano ba 'tong pinagsusukat mo sa 'kin? Hindi naman kasalan ang pupuntahan natin. Ang arte mo," reklamo ko. Ngunit sinimangutan niya ako.

"Alam mo, ikaw mas maarte sa ating dalawa. Ikaw na nga itong hinahanapan ng magandang isusuot, nag-iinarte ka pa," panunumbat niya.

"Eh, bakit ba kasi kailangan pa nating magpabongga ng suot? Last year, simpleng dress lang naman ang isinuot ko pero natuloy naman ang anniversary. Sabihin mo nga sa 'kin, ano ba'ng pinaglalaban mo?"

"Nuknukan ka talaga ng arte. Sige na nga, pumili ka na lang gusto mong suotin. Malapit na kitang makalbo sa kaartehan mo," aniya.

Natawa ako. Inignora ko na lamang siya at pimili ng damit na kakasya sa akin. True to his words, pagkatapos ko ngang ma-i-submit ang mga kulang kong outputs ay inaya niya akong lumabas. Courtesy of her Mom's request. I can say that Marga was so lucky having supportive parents.

A navy blue halter dress caught my attention. Agad ko iyong kinuha at inilapat sa sarili ko habang nakaharap sa malaking salamin. Napangiti ako dahil tama lang sa akin ang haba. Pumasok ako sa fitting room at sinukat iyon.

It has metallic beads around the top. Mas komportable akong isuot ito dahil round neck. Though my back becomes bare, my hair can partially cover it. That will surely add mystery to my looks. Siguro'y ilulugay ko na lamang ang buhok ko sa Biyernes.

Lumabas ako't tinawag si Marga.

"Wow!"

Napapalakpak siya na tila nanalo sa lotto. "In fairness, you looked divine yet alluring on that dress. Tiyak na lalong maiinlab sa 'yo ang ka-date mo 'pag nakita ka niya."

Inikutan ko siya ng mga mata. Sinasabi ko na nga ba't isisingit niya talaga iyon.

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit imbis na payuhan mo akong magpakatino, e, mas tinuturuan mo pa akong mag-cheat. Kaibigan ba talaga kita?"

"Mismo! Kaya nga itinutulak kita sa taong tiyak akong mamahalin ka. Hindi mo lang nakikita na patay na patay sa 'yo si Fafa Sid kasi puro Ronald ang laman ng utak mo. Malay mo naman si Fafa Sid na talaga ang para sa 'yo."

"Paulit-ulit ka. Alam mo, tama na 'yan. Umuwi na tayo kasi baka kung saan-saan na naman mapupunta ang usapang ito."

Nagpasalamat ako sa kaibigan niya bago hinatak si Marga palabas. As much as possible, I don't want to talk about Dela Vega. Ayaw kong maalalang nang dahil sa kanya ay nagsinunangaling ako kay Ronald. Nang sa kanya ay nagulo ang dating tahimik kong mundo.

Hindi ko pa rin makakalimutan ang huling tanong ng Dela Vega na iyon isang umaga sa tapat ng apartment. I hardly had a sleep that night. Ayaw ko mang aminin ngunit partly ay tama siya. His question made me realize something about myself. At hindi ko kayang tanggapin ang realisasyong iyon. Ronald does not deserve to be cheated.

"It was just a simple question, Serenity. Is it that hard for you to answer me? O, baka tama nga ako. May nararamdaman ka na sa 'kin. Ayaw mo lang aminin dahil isang kasalanan ang mahalin ako."

"I said shut up and leave!"

I just hate the Dela Vega's existence because I did not have any more decent sleeps for few nights until Friday came.

Kinakabahan ako dahil ngayong gabi na gaganapin ang party ng university dahil aaniversary. Taun-taon man itong ginagawa ay nitong taon lang magiging kakaiba sa akin ang selebrasyon dahil may pesteng lalaking nangungulit sa 'kin para maging ka-date.

"Pak! Ang ganda-ganda mo talaga, Senyorita Serenity!" namamanghang pahayag ni Marga.

Dinala niya ang outfit niya rito sa apartment para maayusan na rin niya ako. I'm glad I have this very annoying friend. Dahil kahit saksakan siya nang daldal ay hindi niya ako pinapabayaan.

"Yung totoo, baka nasobrahan naman ako nito nang ayos. Baka simple lang ang selebrasyon gaya ng dati."

"Simple man o bongga ang party dapat magmuka kang dyosa sa paningin ni Fafa Sid para hindi ka na niya pakakawalan pa. Ano ka ba---aray!"

Binatukan ko siya.

"Ang sadista mo talagang babae ka!" reklamo niya.

"Paano kasi parang ibinibenta mo ako sa antipatikong iyon! Nakakalimutan mo na ba? May boyfriend ako at mahal ko siya."

Napangiwi siya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit bukambibig niya ang Isidorong iyon gayung noong una ay ayw niyang naglalandi ako.

"Nagbibiro lang naman ako. Sobrang manhid mo kasi. Magpalit na lang kaya tayo ng mukha para ako na lang mamahalin ni Fafa Sid? Aray!"

Binatukan ko siya. Strike 2.

Mayamaya'y may narinig kaming busina ng sasakyan. Kumalabog ang dibdib ko. Nagkatinginan kami ni Marga at nakita ko ang pagkinang ng kanyang mga mata.

"Nandiyan na ang sundo mo. Ang punctual, in fairness," tukso niya. Hindi ko na nagawang sumagot dahil biglang naghurumintado ang puso ko.

Ilang beses akong napalunok para pakalmahin ang sarili ko. I unconsciously looked at myself again in the mirror. Kinulot ni Marga nang bahagya ang dulo ng aking buhok saka hinayaang nakalugay. I applied a light make up on. Pinatingkad niya rin ang kulay ng magkabila kong kilay para madepina ang hugis ng aking mga mata. I liked it.

"Oh? Ano pang hinihintay mo? Season ng pag-aani ng mga mais? Labasin mo na kaya siya?" aniya. Bahagya niya akong itinulak kaya't tinapunan ko siya nang masamang tingin.

Kinuha ko ang purse na kapares ng halter dress saka lumabas kasunod si Marga. Hindi ko pa man nabubuksan ang pinto ay may kumatok na rito.

Halos nanuyo ang aking lalamunan. Ang huling pagkikita namin ay noong pinuntahan niya ako rito noong Martes. It's been three days since we saw each other. Kaya't ganito siguro ang nararamdaman ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. At namilog ako nang tuluyang magtagpo ang aming mga mata. I saw the amused expression in his eyes and how his mouth formed a perfect "O" as he looked at me from top to toe.

"Wow!" he mumbled as he looked at me adoringly.

©GREATFAIRY

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 49.1K 164
Frankie (Epistolary with narration)
4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
6K 166 28
"Is it really possible to embrace someone's poison, the poison that can make me fall again." Amstel Jacob Bandiala is the guy who badly wants to move...
3.3M 102K 44
Kailanman ay hindi inisip ni Ellie ang magseryoso sa pag-ibig. Binibitawan niya lamang iyon pagkatapos ng pintong araw. But when she met Ridge Castil...