Chapter 23: If only
"Nanliligaw ba siya sa 'yo?" tanong ko habang kasalukuyang nagdi-discuss ang prof naming boring magturo.
Hay, sarap matulog!
Napatigil siya saglit sa pagsusulat at napalingon sa 'kin.
"Ha? Anong sinabi mo?"
"Nanliligaw ba siya sa 'yo?" pabulong kong tanong nang hindi siya nililingon. Mamaya baka mahuli kami ng prof na nagdadaldalan.
"Sinong nanliligaw?" gulat niyang tanong.
"Sino pa ba?"
"Wala kayang nanliligaw sa 'kin!" aniya.
"Nag-text kaya sa 'kin si Mart. Nanliligaw na raw siya sa 'yo," inis kong sagot. Naalala ko 'yong usapan namin sa text. Ayan, kumukulo na naman tuloy ang dugo ko. "Itatanggi mo pa, huling-huli ka na!" pahabol ko pa.
"E? Nanliligaw siya? Kailan pa?" gulat niyang sabi. Hindi niya alam?!
Ay nako! Hindi niya ba napapansin na laging umaaligid sa kaniya ang mokong na 'yon? Manhid ba siya? Tama, manhid nga siya. Ako nga na laging niyang kasama mula pa no'ng high school, hindi niya napapansin.
"Mukhang may pinag-uusapan kayong dalawa. Care to share?" Nako, ayan na nga bang sinasabi ko!
"Ikaw kasi! Ang lakas ng boses mo! Ayan, narinig tuloy tayo!" pabulong kong sabi sa katabi ko.
"So ako pa ang may kasalanan?" mataray niyang sagot.
"Kung tumahimik ka nalang kaya?"
Nagulat ako nang biglang sumigaw ang prof namin.
"You two, get out of my class!"
Napakamot ako sa ulo. Dinampot ko ang bag ko saka tumayo't naglakad palabas ng classroom.
"Saglit lang naman! Hintayin mo 'ko!"
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa maramdaman kong may humatak sa 'king braso.
"Ano ba?"
"Sorry na, okay? Fine, kasalanan ko na kung ba't tayo pinalabas!" paumanhin niya.
Napatingin ako sa malayo. Hindi naman kasi 'yon ang ikinaiinis ko.
Hindi ako sumagot. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad.
"Oy, galit ka ba?" tanong niya.
Hindi ako umimik. Binilisan ko ang paglalakad.
"Sorry na! Saglit lang!"
Kulang nalang tumakbo ako para makalayo mula sa kaniya. Ano ba 'tong ginagawa ko?
"Walang namamagitan sa 'min, okay? Wala akong alam tungkol sa sinabi niya sa 'yo. We're just friends! Nothing more, nothing less."
Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa kaniya.
"Talaga?" Hindi ako naniniwala.
Tumango siya.
"Alam mo, wala namang masama kung aaminin mong may gusto ka sa kaniya. Hindi ko naman ipagkakalat," nakahalukipkip kong sabi.
"Sinabi na ngang wala, 'di ba? Magkaibigan lang kami, okay? I don't have any romantic feelings for him, I swear," pagtutol niya.
Kung hindi siya, sino?
Damn! I'd give up everything just to be the one that she loves.
"Kunwari ka pa! Umamin ka na kasi!" Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung sino ba talaga.
"Anong aaminin ko? Wala nga sabi! Kung ayaw mong maniwala, fine! 'Di h'wag kang maniwala!" aniya sabay walk-out.
Ngayon, ako naman ang humahabol sa kaniya. Parang tanga lang, 'no?
"Ta'mo 'to," bulong ko sa 'king sarili. "Oy, saglit lang! H'wag mo naman akong iwan!"
"Ewan ko sa 'yo," pasigaw niyang sagot habang patuloy pa rin sa paglalakad. Buti nalang mabilis akong tumakbo kaya naabutan ko agad siya.
Umakbay ako sa kaniya.
"Para 'yon lang, galit ka na agad?"
"H'wag mo 'kong kausapin! Do'n ka sa Erica mo," aniya sabay alis ng braso ko.
Galit na naman siya. Ano na naman bang nagawa ko?
"Jealous?" I say with a smirk.
"What? No way!" I know! Asa pa 'ko.
"Kung gano'n, bakit bigla-bigla mo nalang siyang isiningit sa usapan? Ang labo! Hindi kita maintindihan." Ayaw ko nang umasa pa kaya mabuti pa, linawin mo na!
"Kasi palagi kayong magkasama. Kulang nalang agawin niya ang titulo ko bilang bestfriend mo."
Natawa ako dahil sa sinabi niya. E 'di para niya na ring sinabing nagseselos nga siya! Well, as a friend. As a bestfriend, rather. I know, it sucks.
"Nagsalita! Kayo rin naman!" Ayaw kong banggitin ang pangalan ng mokong, baka kasi biglang dumating at malasin na naman ako.
"Sana lang hindi magpa-quiz mamaya," bulong niya. Oo nga pala, major subject pala 'yong kanina! Ice! Bakit niya ba iniiba ang usapan?
"Hindi 'yan. Tiwala lang." Bad-influence. Haha. H'wag niyo kaming gayahin, masama po ang mag-cutting.
"So anong gagawin natin ngayon?"
"Tara, cutting! Gala tayo," yaya ko.
Last subject na naman 'yong kanina saka malapit na ring mag-uwian. Sakto, bukas ang back gate! Naalala ko tuloy no'ng nakaraan, inakyat namin 'yon para lang makalabas kami kasi nakasarado. Muntik pa siyang mahulog no'n. Para akong nagka-mini heart attack nang mga sandaling 'yon. Buti nalang, nasalo ko siya.
Masaya sana kung pati puso niya, nahulog na rin sa 'kin.
Alam ko, ang corny. H'wag niyo nalang pansinin.
Para akong nagising sa isang panaginip nang magsalita siyang muli.
"Tara na!"
Gaya nang napag-usapan, lumabas kami sa may back gate. Buti nalang at walang nakabantay ro'n kaya malaya kaming nakalusot.
Hindi pa kami nakalalayo nang bigla kaming harangin ng isang grupo ng mga lalaki. Mukhang schoolmate namin ang mga 'to base na rin sa suot nilang uniform. Pinagmasdan ko sila. Mukhang pamilyar ang mga mukha nila! Kaso hindi ko maalala kung sa'ng department sila nabibilang.
"Mawalang galang na. May lakad kami at hindi niyo naman pag-aari 'tong daan kaya tumabi kayo."
Siniko ako ng kasama ko.
"Ano?"
"Ayusin mo naman 'yang pananalita mo! Kaya ka napapa-away," bulong niya.
Wala akong paki! Sanay na naman ako. Saka kayang-kaya ko namang patumbahin 'yang mga 'yan.
Maya-maya, lumapit sa 'min 'yong isang lalaki. Nasa likod kasi siya kanina kaya hindi ko ga'nong makita ang mukha niya. Saka ko lang napagtanto na tama ang hinala ko nang magkaharap kaming dalawa.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," aniya. "Layuan mo si Erica kung gusto mo pang mabuhay." Ang kapal talaga ng mukha niya! Matapos ng lahat nang ginawa niya? Sira-ulo ba siya?
"Bakit ba? Sino ka ba sa buhay niya para sabihin 'yan? Ex ka lang naman niya," sagot ko sabay ngisi. "Saka isa pa, siya naman 'tong kusang lumalapit sa 'kin. Bakit hindi siya ang pagsabihan mo?"
"Wala kang karapatang lumapit sa kaniya dahil una sa lahat, akin lang siya. Kaya sa susunod na makita ko kayong magkasama, dudurugin ko 'yang pagmumukha mo." Akala niya ba natatakot ako sa kaniya?
"Hindi na kayo kaya malaya akong gawin ang gusto ko. Lalapit ako sa kaniya kung kailan ko gusto at wala kang nang magagawa-"
Hindi ako natapos sa pagsasalita dahil bigla nalang niya akong sinuntok. Napasigaw tuloy ang kasama ko dahil sa gulat.
Tangina, ang sakit! Parang nadurog ang panga ko dahil sa lakas ng impact!
Papatalo ba naman ako? Lintik lang ang walang ganti kaya binanatan ko rin siya ng isang malupit na suntok sa napakatigas niyang mukha.
"Gago ka! Matapos mo siyang saktan, nagawa mo pang sabihin 'yan?" sigaw ko sabay suntok sa sikmura niya.
"Tangina mo! Wala kang alam kaya h'wag kang makisawsaw sa gulo namin!" Aray! Tinamaan na naman niya ako! Namumuro ang walang 'ya!
"Ano ba, tama na 'yan!" sigaw ng bestfriend ko. Kaso itong gago, ayaw paawat! Ang mga kasama niya, parang mga timang lang na nanonood sa bakbakan namin.
"Loko ka pala! Pinakawalan mo siya tapos ayaw mong may nakikita siyang kasamang iba? Tarantado!"
"Tumahimik ka! Siya ang nang-iwan at hindi lang naman ako ang may kasalanan! Hindi lang siya ang nasasaktan. Wala kang alam kaya wala kang karapatang pagsalitaan ako ng masama!" Kasabay nito ay dumapo ang isang malakas na suntok sa mukha ko.
Tangina, parang nabali ang ilong ko sa ginawa niya! Ang lakas sumuntok ng gago!
Magsasalita na sana ako nang maramdaman kong may humampas nang malakas sa ulo ko, dahilan para bumagsak ako sa lupa. Umiikot na ang paningin ko dahil sa nangyari, sinabayan pa ng hapdi at kirot na dulot ng pinsalang natamo ko. Tiniis ko ang sakit at pinilit na bumangon ngunit pinagtatadyakan ako ng mga loko.
Taking advantage ang mga walang 'ya, pinagtutulungan ako! Mga mandaraya! May dala pang pamalo ang iba!
Lintik! Parang dinudurog ang mga buto ko dahil sa sakit.
"Ano ba, tama na! Paki-usap! Bitawan niyo ako! Tama na!" sigaw ng bestfriend ko.
Saktan na nila ako, h'wag lang nilang galawin ang mahal ko.
Pinilit kong lumaban ngunit hindi ako makawala. Hawak ako ng dalawa kaya hindi ako makalaban nang ayos. Panay ang suntok at sipa nila sa 'kin na may kasama pang malulutong na mura.
Kinuha ko ang cellphone mula sa 'king bulsa at pinindot ang speed dial ng number ni Allen. Salamat dahil agad niyang sinagot ang tawag.
"Hello?" bati niya.
"T-Tulong..." Shit! Parang nahihirapan akong huminga bigla!
"Anong nangyari, 'tol? Nasa'n kayo?"
"Na'ndito kami 'di kalayuan sa may back gate, malapit sa may-" Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil may biglang umagaw ng phone ko. Hindi pa nakuntento ang mga loko, binasag at tinapak-tapakan pa ang walang kamalay-malay kong cellphone.
"T-Tama na, please! Tama na..." paki-usap ng bestfriend ko na sinamahan ng paghikbi.
Pinipilit niya pa ring makawala mula sa dalawang lalaking pumipigil sa kaniya. Sigaw pa rin siya nang sigaw kahit hindi siya pinapansin ng mga walang 'ya. Pinipilit niyang lumapit sa 'kin ngunit hindi niya magawa. Maya-maya, tuluyan na siyang napahagulgol.
Ang ayaw ko sa lahat, ang nakikita siyang umiiyak nang dahil sa 'kin.
Humanda sila kapag nakawala ako! Magbabayad sila! Makikita nila!
Nasa'n na ba sila Allen? Bakit ang tagal nila? Mamaya baka may mangyaring masama sa bestfriend ko.
Baka saktan nila ang bestfriend ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari 'yon.
Para akong unti-unting nawawalan ng lakas. Hindi na ako makalaban pa. Pakiramdam ko, malalagutan ako ng hininga. Lintik, mukhang aatakin pa yata ako ng asthma!
Katapusan ko na ba? H'wag naman sana.
Unti-unting nagdilim ang paningin ko.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
***
A/N: Dedicated 'to para sa kaibigan kong si Eunice. Salamat bes sa pagbabasa ng story kahit may pagka-ano hahaha saka salamat din sa pagre-recommend nito sa classmates mo :>> Anyway, salamat sa mga sumusuporta! :>> Next time ulit kapag hindi ako busy.