Mister Superstar ll Choi Yeon...

De Angelkim_10

44K 1.2K 198

Is it possible that a Superstar like him will fall for a girl like her? Choi Yeonjun × Yumi Chua TXT Series... Mais

Prologue
MS-1
MS-2
MS-3
MS-4
MS-5
MS-6
MS-7
MS-8
MS-9
MS-10
MS-11
MS-12
MS-13
MS-14
MS-15
MS-16
MS-17
MS-18
MS-19
MS-20
MS-21
MS-22
MS-24
MS-25
MS-26
MS-27
MS-28
MS-29
MS-30
MS-31
MS-32
MS-33
MS-34
MS-35
MS-36
MS-37
MS-38
MS-39
MS-40
MS- EPILOGUE
Can I Ask?
Special Chapter

MS-23

797 22 1
De Angelkim_10

•••

Pagkadating nila sa isang hotel sa tagaytay ay nag-check in agad silang dalawa doon, tago pa din ang mukha nila siyempre.

Mainit pa din ang ulo ni Kaze pero si Yeonjun naman ay nae-excite dahil sa wakas, pagkatapos ng ilang taon ay makukuha na niya ang kapatid niya sa hayop niyang ama. Pero alam niyang hindi  magiging madali yon kaya kailangan niyang makapag-isip ng plano.

Nakahiga sila ngayon sa sarili nilang kama, pang-dalawahang tao kasi ang kinuha nilang suite dahil hindi kumportable si Kaze na mag-isa. Natatakot kasi siya na baka daw may multong humila nalang sa kaniya ng basta.

“Sinabi mo na ba kay Yumi na isang linggo tayo dito?” Pambasag ni Kaze sa katahimikan.

Tinanggal ni Yeonjun ang kumot na nakatakip sa kaniya. Gusto niyang matulog pero at the same time, ayaw niya. Gusto niya dahil napagod siya sa limang oras na biyahe at ayaw niya naman dahil alam niyang hindi siya magkakaroon ng magandang tulog. Wala naman sa tabi niya si Yumi kaya imposibleng maging maayos ang tulog niya.

“Yeah.” Pabuntong hininga niyang sabi.

“What did she say?”

“She will miss me.” Nang-maalala ang yakapan nila ni Yumi ay awtomatikong napangiti siya.

Napatakip siya ng unan sa mukha nang maramdamang nag-iinit ang pisngi tsaka tenga niya.

Fuck! Why am I blushing?! Stop blushing, Yeonjun! Are you gay?!

Pagtanggal niya ng unan sa mukha niya ay sumalubong sa kaniya ang mukha ni Kaze kaya muntik na niya itong masapak sa gulat.

“Shit, Kaze! Get out of my face!” Sigaw niya dito.

“Sus, kinikilig ka lang e.” Pang-aasar nito sa kaniya.

“I'm not!” Tanggi niya kahit halata naman.

“Tologo bo?” Sinundot nito ang pisngi niya pati tenga. “E bakit namumula yang pisngi saka tenga mo? Ikaw ah, umamin ka nga, may nangyari na ba sa inyo ni Yumi?” Tanong nito sa kaniya habang pinanliliitan siya ng mata.

Napaiwas siya ng tingin saka hindi nakasagot. Sobrang bilis kasi ng tibok ng puso niya at nararamdaman niyang bahagyang nanginginig ang kamay niya kaya hindi siya makaimik.

“So meron nga?!” Sigaw ni Kaze. “Tsanggala, Yeonjun! Hindi pa kayo kasal—”

“We just kissed! We don't do anything more than that! Hindi namin gagawin ang iniisip ng malibog mong utak. Kakanuod mo yan ng porn e!” Pagputol niya sa sasabihin ng kaibigan.

“E ikaw nga, nakikipag-halikan kay Yumi kahit hindi pa naman kayo! Ikaw ang mas malandi sa ating dalawa, dahil ako, nanonood lang, ikaw, ginagawa na!” Giit naman ni Kaze.

Natahimik naman siya dahil sa sinabi ng kaibigan. Wala talaga siyang laban dito sa ganitong usapan, lagi itong may dahilan at katwiran sa ano mang bagay na pinagtatalunan nila kahit pa maliit na bagay lang yon.

Inirapan niya muna ang kaibigan bago magsalita ulit.

“Kaze, sa pagkakaalam ko ay mas mataas naman ang IQ ko kumpara sayo, pero bakit hindi ako manalo-nalo sa pangangatwiran sayo?” Si Yeonjun habang nakatingin sa kaibigan na nakahiga na sa kama nito at naglalaro ng cellphone.

“Ewan ko din e. Pero siguro, gumaling ako sa pangangatwiran because, remember? Nag-law ako noon ng one year dahil yun talaga ang pangarap ko maliban sa pagiging artista, pero hindi ako nakapasa dahil nga mahina ang utak ko.” Sabi ni Kaze sa kaniya habang hindi pa din inaalis ang tingin sa phone.

Napangisi nalang si Yeonjun at hindi nagsalita. Napaisip siya, siguro ang kalahati ng utak ng kaibigan niya ay puro kabobohan at ang kalahati naman ay pangangatwiran pero wala siyang nasama na katalinuhan sa naisip.

“So, pre, nakausap ko na yung taong nakakaalam kung nasaan ang kapatid at Daddy mo, ang sabi niya ay bukas, pwede na daw natin simulan yung operasyon para kunin ang kapatid mo.”

“Tomorrow?”

“Bingi lang? Oo nga daw.” Inirapan pa siya nito. “Bukas daw, kasi kapag sa susunod na araw, baka mawala na sila dahil nalaman niyang nagpa-book pala ng flight ang Daddy mo papuntang Kazakhstan nang malaman nito na alam mo na kung nasaan sila.” Dagdag ni Kaze.

“That's good. Anyway, saan naman siya nakakuha ng pera para makapag-pa book ng flight?”

“Nang ipa-investigate ko ang buhay niya, my investigator found out that he is a CEO of the Medical company named, Lorenza's. Inspired by your Mom's name.”

Kinuyom niya naman ang kamao niya sa galit, awtomatikong sumiklab ang galit at poot sa puso niya.

“How dare him to use my mother's name for his fucking company! He don't have a right! Hindi na niya ginalang si Mommy! I will kill him!” Sigaw niya sa galit saka tumayo.

Pinagbabato niya ang mga unan sa kama niya kasama na ang kumot. Walang karapatan ang ama niya na gamitin ang pangalan ng nanay niya para sa kumpanya nito. Pagkatapos ng ginawa nito, pagkatapos ng ginawa nitong pagpatay sa nanay niya nagawa pa nitong gamitin ang pangalan nito!

Saan ba siya nakahugot ng lakas ng loob?!

Nagpupuyos siya sa galit pero nang marinig ang isang pangalan, kusang huminahon ang loob niya at katawan.

“Oh, Yumi? Napatawag ka?!” Agad siyang lumingon sa pwesto ng kaibigan at nakita niya itong may hawak-hawak na phone habang nakangising nakatingin sa kaniya.

Sabi ko na nga ba e.

Sa isip-isip ni Kaze. Alam niya kasi na ang dalaga lang ang makakapag-pakalma sa mala-halimaw kung magalit na kaibigan niya.

“Naka-shabu ka ba? Ikaw kaya ang tumawag sa akin.” Sagot ni Yumi sa kabilang linya. Mabuti nalang at hindi naka-loudspeak.

“Ay, ako ba? Sorry na.” Sabi ni Kaze habang kinakamot ang batok.

Si Yeonjun naman ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa kaibigan na nakangiti ngayon habang kausap ang babaeng gusto niya.

“Anong sabi mo?! Ang gwapo ko?! Sus, hindi naman masiyado.” Nginisihan siya ng kaibigan pagkatapos nitong sabihin yon.

Umigting ang panga niya saka sumama ang tingin sa kaibigan. Ito na naman ang kakaibang pakiramdam niya kapag nakikita o naririnig na mag-kausap ang dalawa. Ang babaeng gusto niya pati na ang kaibigan niya.

Selos.

Nilalamon siya ng selos.

“Ah, siyempre naman mag-iingat ako dito! Ako pa ba?” Si Kaze ulit na kahit kanina pa talaga siya binabaan ng telepono ni Yumi dahil kung anu-ano ang pinagsasabi niya.

Hindi na napigilan ni Yeonjun na maglakad papunta sa direksyon ng kaibigan tsaka basta-basta nalang hinablot ang cellphone mula dito. Pagtingin niya doon, wala namang tawag mula kay Yumi.

Sinamaan niya ng tingin si Kaze na tumatawa ngayon.

“Hahahahaha! Potek, laptrip yung mukha mo!” May pahampas-hampas pa ito sa kama niya. “Uto-uto ka masiyado, pre!” Dagdag nito.

Hinagis ni Yeonjun ang cellphone nito sa sahig at sinugod ang kaibigan. Sinapak niya ito sa mukha kaya napa-aray agad si Kaze sa sakit.

“Fuck you, Yeonjun! Why did you punch me!”

“Fuck you too one hundred times! You've gone too far that's why I punched you!” Sigaw niya pabalik sa kaibigan.

“My face!” Sigaw ni Kaze saka tumakbo papasok sa cr.

Napairap nalang si Yeonjun saka pabagsak na humiga sa kama niya. Napapikit siya dahil sa pagod at para na din pakalmahin ang sarili niya.

I'm so tired, I need my happy pill.

Kinuha niya ang cellphone sa side table ng kama niya at binuksan ang records kung nasaan nandodoon ang pinapadalang voice records sa kaniya ni Yumi kapag binubulyawan siya nito.

“Hoy booooss! Aba! Anong oras na?! Makukutusan na naman ako ni Direk nito!”

Natawa nalang siya habang pinapakinggan ang boses ng dalaga at iniimagine ang itsura nito na galit habang nakapamaywang sa harapan niya.

Binuksan niya ang isa pang audio file at pinakinggan yon.

“Boss?... di ba, lab mo naman ako? Pwede bang pag-uwi mo ay pasalubungan mo ako ng pizza? Nagugutom na kasi ako, wala nang pagkain dito sa unit mo, wala na din akong mapambili dahil pinaggastos ko yun nakaraan. Hehehe. Kaya kung ayaw mong mawalan ng PA, bilhan mo ako ng pizza.”

Nangingiti siya habang tinatakpan niya ng kumot ang mukha niya. Sabi nga nila, hindi lang ang mga babae ang kinikilig, pati na din ang mga lalaki at isa na si Yeonjun sa patunay doon.

Binuksan niya ang isa pang audio file.

“Boss, ang sungit mo kanina, ang panget mo tuloy. Ews. Mas nagiging gwapo na tuloy sa akin si Jose Manalo kaysa sayo. Kaya ngiti ka na, alam kong binangungot ka naman pero ayos lang yan, smile ka na para gwapo ka na ulit. Hahaha!”

Napatakip siya ng bibig para hindi kumawala ang malakas niyang pag-halakhak.

Bubuksan na sana niya ang isa pang audio file nang may humila sa kumot sa mukha niya. Nakita niya si Kaze na nagtataka ang mga mata na nakatingin sa kaniya. Kitang-kita niya ang pasang nasa kanang pisngi nito dahil sa sapak niya kanina.

“Para kang isang high school student na nginitian ng crush niya. Hindi bagay sayo ang kiligin, uy!” Sabi nito sa kaniya.

“What do you care?” Masungit niyang sambit dito.

“What do you care, what do you care ka diyan... sapakin din kaya kita para magka-pasa ka din sa pisngi! Alam mo ba na ilang taon kong inalagaan itong mukha ko para hindi magkaroon ng kahit na ano pero ikaw! Binangasan mo ako!” Reklamo nito sa kaniya.

Nginisihan niya lang si Kaze at nagsalita. “Serves you right. Gusto mo sa kabila naman? Para pantay?”

“I hate you.” Nagngingitngit ang mga ngipin na sabi ni Kaze sa kaniya habang masama ang tingin na parang ikamamatay naman niya.

Napangiting tagumpay nalang si Yeonjun sa sinabi nito. Sa wakas ay nanalo siya mula sa pang-aalaska ng kaibigan niya.

“I hate you more than you hate me, Kaze.”

Continue lendo

Você também vai gostar

389K 11.9K 21
The only mistake I did in life was saying " I Do." Was it really a mistake?
3.1M 252K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
2.9M 190K 89
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
26.9M 1.1M 42
she dreads to get to school because of one name. ; high school au, tsundere!taehyung lmao » under edit » #4 in fanfiction on 171222