𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪

By Seannnyoritooo

264K 8K 671

𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮 𝗨𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗦𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗺�... More

I DON'T KNOW
SPECIAL
KABANATA1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA4
KABANATA5
KABANATA6
KABANATA 7
KABANATA8
KABANATA9
KABANATA10
KABANATA11
KABANATA12
KABANATA13
KABANATA14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA17
KABANATA18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 23
KABANATA24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
Psst!!
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗘

KABANATA 22

4.6K 205 11
By Seannnyoritooo


yun oh,update update na si otor haha😂lam niyo na mga kaibigan every reason ng mga author dito sa watty busy sa school,projects,or what else kaya laging slow yung update sana naiintindihan niyo✋🏻 na mas inuuna nila yung pag-aaral nila ganun din ako😅❤....so mga kaibigan ito na po enjoy reading i guess?✋🏻





°°°






"Tito, tita hindi po ba siya talaga umuwi dito?" naisipan kong umuwi sa bahay baka sakaling nandun si bria pero wala naman daw silang nakita ni kahit anino ni bria kanina pa daw kasi ito umalis








"Eh bakit ba uno? at nagkakaganiyan ka?" nagtatakang tanong ni tito oscar sakin sasabihin ko bang nawawala si bria? o wag na lang?








"W-wala po hindi ko po kasi siya nakikita kanina pa tsaka may ibibigay lang po sana ako kaso nga wala siya" sagot ko naman









matapos nun ay nagpaalam na ako sa kanila,napatingin ako sa orasan wala nang oras pa kung babalik pa ako sa school ganun din naman hindi na ako papapasukin ng mga guard dahil late na late na ako.










Tumunog ako ang cellphone ko hudyat na may tumatawag agad ko itong dinukot sa bulsa at napakunot ang noo ko dahil unkown number lamang ito.









"Hello..?"









Papatayin kona sana nang magsalita ang nasa kabilang linya "Hello sayo uno..hahaha" napalaki ang mata ko at tiningnan ulit ang tumawag kaso ganun pa din. pamilyar ang boses na ito.










"Sino ito? kung nang gogoodtime ka pwes wala akong panahon para diyan!" agaran kong sabi dito mukhang trip lang ako nito pero paano niya nalaman ang pangalan ko?









"Hmm? busy ka sa paghahanap sa mahal mong prinsesa? hahaha kung ako sayo bibilisan ko ang pagkilos ko baka malay mo! pulutan na siya" sabay baba ng tawag












kinabahan naman ako sa huling sinabi nito.napahilamos ako at hindi alam ang gagawin paano ko siya mahahanap?..tumunog ulit ang cellphone ko at may text akong natanggap sabi dito nasa lugar silang tago? pero alam ko ang lugar na ito.












Kaya dali dali akong pumunta sa lugar na yun, makalipas ang kalahating oras ay nakarating na ako sa Sinasabing lugar kung saan nila tinatago si bria













nilibot ko ang aking paningin sa lugar at masasabi kong delikado ka kapag hindi mo alam ang lugar na ito "Tingnan mo nga naman sa wakas pumunta ka din" ani ng isang tao sa aking likuran dahan-dahan akong pumihit paharap dito.













"Nasaan na siya? kapag may nangyari sa kaniyang masama malalagot kayo sakin" galit kong sigaw dito hindi ko maalam kung babae ba ito o lalaki naka takip kasi yung mukha niya.













"Psh! Easy boy! mabait naman ako kaya walang masamang nangyari buti nga pumunta ka agad mga bata piringan niyo siya at siguraduhing wala siyang makikita bilis!" naalarma ako sa sinabi nitong pipiringan ako













"Mamili ka makakapunta ka sa kaniya ng walang pasa at galos o gusto mong magkapasa?" inis niyang sabi sakin kaya umiling ako. at kinuha niya ang pagkakataong yun para matakpan na ang aking mga mata













Nasa likuran ko ang mga kamay ko kaya wala akong kawala nakatali ang mga ito't wala akong makita kundi kadiliman












Naglakad lakad lang kami hanggang sa makarating kami sa kanilang kinaroroonan ramdam kong tinanggal na ang mga tali sa kamay ko at kasunod naman nun ang nakatakip sa mga mata ko.













"Makinig ka bata! Pumasok ka lang sa loob na yun at makikita mo siya agad" agad na sabi ng maskuladong lalaki













Nagtaka ako kung bakit hindi ito katulad ng nakikita ko sa mga palabas na kapag kinidnapp dapat nasa madilim na lugar o panget na lugar ka pero bakit maliwanag at maraming christmas light? napailing ako magpapasalamat na lang ako kasi walang masamang ginawa sakin yung mga lalaking yun. pumasok na ako sa mala palasyong mansion at sinunod ko lang ang sinabi ng maskuladong lalaki.














Naglakad pa ako hanggang mapahinto ako sa isang balkonahe kung saan ang dahilan nang aking pagkahinto "Bria..." tawag ko dito ngunit para itong bingi na ayaw humarap kaya lumapit ako dito













"Bria?... i-ikaw nga" parang tanga kong sambit sa pangalan niya lumingon ito't ngumiti sakin ng kay tamis na para bang ayaw walang nangyari saming masama













"Teka.. may ginawa ba sila sayong masama? patingin nga" nagkandakumahog na ako sa paghahanap kung meron ba siyang sugat pero umiling lang ito at tumawa














"Stop that babe! okay okay, wala silang ginawa sakin malilintikan sila kapag nangyari yun" nakangiti nitong sabi kaya nagtaka ako













Napansin niya siguro yun kaya huminto ito sa pagngiti at napa ikot ang kaniyang mga mata "Okay lahat ng ito ay planado" unang sabi nito na siyang kinagualat ko "Plinano kona ito kasi may gusto akong gawin.. Oo ako ang may pakana ng kunwaring pagkawala ko dahil may plano ako" Lumuhod ito kaya mas lalo akong nagulat sa ginawa niya "At ito yun.. Alam kong masyadong delikado ang mga pinagagawa ko pero ito lang ang naisip kong paraan para walang makagulo sating dalawa walang kaibigan mo mas lalo na yang maharot na shami na yun, babe promise me na sasagutin mo ako ng yes at kapag may iba kapang sinabi papatayin kita!" naglabas ito ng singsing















"Uno Veneracion can you be my girlfriend?"














Napatulala ako sa kaniyang tanong anak ng! hindi ko inaasahan ang bagay na ito at talagang siya pa ang nangahas na magtanong sakin ng ganiyan samantalang siya ang babae samin "Hoy ano na teh? sinasabi ko sayo kapag may iba ka pang sinabi bukod sa yes ay mapapatay talaga kita hindi ako tumatanggap ng no!" napailing ako sa kamalditahan nitong si bria













Siguro ay nakita niya yun kaya nagsalita nanaman siya "What the hell! So ang sagot mo No? kakasabi ko lang na-" May umusbong saking dibdib na hindi ko malaman kaya padalos dalos ko siyang hinatak patayo at hinalikan sa kaniyang mga labi.















"Ang ingay mo talaga, Pumapayag na po ako kaya ngayon iyong iyo na ako" pagbibiro ko dito na siyang kinataas ng kilay niya grabe!













"Talaga! akin ka lang talaga at hindi kana pwedeng dumikit sa ibang babae lalong lalo na sa suesue na yun gets mo?" nanliit ang mga mata nito na parang nanlalabo ang mga mata kaya natawa ulit ako














"Opo at pwede bang next time? kapag may gagawin kang ganito wag naman sana yung pinag aalala mo ako hindi mo alam ang ginawa ko para mahanap ka lang" seryosong sabi ko dito sabay hawak sa kaniyang mga kamay














"Tsk okay next time kapag may plano na akong pakasalan ka iibahin ko naman" at talagang kinindatan pa ako














"Nga pala sino yung tumawag sakin kanina? pamilyar siya eh parang si...."













"Oh sorry nakalimutan ko! ka kuntsaba ko din si jenemie hep hep wag kang magselos matagal na kaming hiwalay nung mga panahong palagi mo kaming nakikitang magkasama napagkasunduan na lang namin na maging magkaibigan na lang" nakangit nitong sabi mabuti naman















"Let's go babe, para makarami na tayo"













"Anong makarami ka diyan?" kunwaring galit kong sabi dito













"Syempre makarami ng anak kaya let's go gagawa pa tayo" hinatak na ako nito sa kung saan

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
37.9K 1.4K 20
GODESS Series #2 [SABRINA ARIELLE REYES]
1.2M 44.4K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...