KABANATA 40

3.7K 118 10
                                    

Napagpasyahan kong pumunta sa bahay nila devon alam kong mahihirapan akong makapasok dahil sa dami na ng nakabantay sa labas ng bahay nila.

"Saan 'Ho kayo?" Tanong ng guard ng tangkain kong pumasok.

"Ah..Ahem Kaibigan ako ni devon nandiyan ba siya?" Nakayukong tanong ko sa kaniya.

"Oo grabe nga 'yung nangyari sa anak ni sir , ikaw ba naman hindi siputin sa mismong kasal" naiiling na sagot naman nito napatango-tango naman ako.

Alam kong nasaktan ko si Devon dahil sa ginawa ko pero nagpapasalamat na rin ako na hindi natuloy ang kasal namin.

"Sige pasok na po kayo" Narinig kong bumukas ang gate nila devon nagpasalamat naman ako dito tsaka siya binigyan ng matamis na ngiti.

Nang makapasok na ako sa bahay nila ay tanging katahimikan ang maririnig medyo nakakalungkot pagmasdan ang bahay nila,Madilim at parang malungkot ang nakatira.

Akmang hahakbang kona ang aking mga paa paakyat sa kwarto kung nasaan si devon pero nakarinig ako ng tunog ng sapatos na papalapit sa pwesto ko kaya naman mabilis akong nagtago.

Nakita ko ang babaeng nakatalikod habang abala sa pagpipindot ng kaniyang cellphone para pa 'tong naiinis maya-maya lang ay may tinawagan 'to.

"Ano? Nganga tayo ngayon? Gumawa ka nga ng paraan para bumalik sa'kin si Uno!" Hindi nako nagulat ng marinig ang boses niya pero nagulat ako sa sinabi niya. Nacurious tuloy ako kung sino ang katawagan nito.

"Kung hindi ba naman kasi tatanga-tanga 'yang mga tauhan mo edi sana natuloy ang kasal ko! Hindi sana nakatakas 'yang kakambal mo" Napatiim bagang ako ng marinig ang sinabi nito.

Hindi ko alam na magagawa niya ang isang bagay kahit na ikasama pa ng iba basta makuha niya lang ang gusto niya. Hindi na siya ang dati na babaeng minahal ko.

"Yeah! How are you by the way? What? Ipapalaglag mo talaga 'yang bata? Tch it's your choice anyway , Oo nga kasi kung hindi sana nakialam 'yang kapatid mo edi sana may pakinabang pa 'yang pagbubuntis mo" sunod kong narinig mula sa bibig mismo ni devon.

"Ang plano lang kasi magpapabuntis ka tapos ako naman magpapanggap na buntis din para naman mapasakin si uno at masira ang buhay ng kakambal mo at pagkatapos nun kapag nanganak kana agad mong ibibigay sa'kin at 'yung bata ang mag-uugnay sana samin ni uno" Napalaki ang aking mga mata.

Ibig sabihin tama lang ang pagpunta ko dito dahil kung hindi agad ako pumunta dito hindi ko maririnig ang mga sinasabi ngayon ni Devon.

"K , bye" Huling narinig ko bago ko marinig ang tunog na papalayo na 'to.

Lumabas ako mula sa pinagtataguan ko hindi ko kinaya ang mga nalaman ko , tsk kung nangyari ang lahat ng mga plano nila edi nagmukha kaming tanga.

Palinga-linga muna ako sa paligid ko pagkatapos nun ay sinundan ko si devon kung saan siya pumasok kanina.

Napahinto ako ng makita ko ang dalawang pares ng takong sa ibaba ng sahig pataas ng pataas hanggang sa napunta 'to sa kaniyang mukha.

"Sabi na nga ba pupunta ka" Nakangiti siyang lumapit sa'kin tsaka ako niyakap na para bang malapit na ang katapusan ng mundo dahil sa higpit ng kaniyang pagkakayakap.

Hindi ako sumagot sa kaniya hanggang ngayon sariwa pa rin ang lahat lahat-lahat ng ginawa niya nila! Hindi ako makapaniwala na sumanib siya sa kakambal ni bria para lang makuha ang gusto niya.

"A-akala ko iniwan mona 'ko, Mabuti naman bumalik-

Kumalas ako sa yakap niya nakita kong nagbago ang ekspresyon ng mukha nito simula sa masaya maging galit ang tingin nito.

𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Donde viven las historias. Descúbrelo ahora