KABANATA 30

4.1K 171 10
                                    

UNO



"Teka! Kung ano man 'yang nasa isip mo hayaan mo akong magpaliwanag" Sabi ko agad sa kaniya masama ang mga tinging pinupukol niya sa'kin.


"Explain? Hindi na kailangan Uno! kita na naman diba? Now answer me masarap ba siyang humalik?" Napaismid ako sa sigaw niya alam kong galit ito dahil sa nakita niya pero aksidente 'yun hindi ko alam kung sinadya ba talaga 'yun ni devon.


"Bri makinig ka, Paalis na sana ako pero tinawag niya ako ulit at 'yun nga pagkalingon ko hindi ko naman alam na sobrang lapit niya pala sa'kin at ayun aksidenteng na.. nahalikan ko" Imbis na lumambot ang ekspresyon nito lalo atang nagalit sa sinabi ko.

"Sinabi ko nang lumayo-layo ka sa babaeng 'yun! Hindi mo ba alam na may gusto pa rin sayo 'yun! Inaagaw na lang niya lahat sa'kin" Humanap ako ng tyempo para lapitan ito at nagtagumpay naman ako.


"Sorry na bri..May gusto man siya o wala sa'kin ikaw lang ang mahal ko hindi niya ako maagaw sayo tsaka...M-magka ibigan lang naman kami" Naramdaman kong niyakap ako nito pabalik ngunit agad din niyang inalis.


"What? Are you serious? At talagang kinaibigan mo pa ang gaga na 'yun? talaga uno?" Napangiwi nanaman ako kahit kailan talaga ang lakas makasigaw pwede nang announcer sa bingohan.

"Bri hanggang duon lang yun okay? Kung may gawin man siyang hindi maganda edi hindi kona siya papansinin" Niyakap ko ulit siya sobrang higpit kanina ko pa gustong gawin 'to sa kaniya pero biglang may naalala ako.


"Tch I'm pretty sure na gagawin niya ang lahat para bumalik ka sa kaniya tch" Napatawa naman ako ng mahina ang cute lang kasi ng mukha niya ngayon.


"Baby?" tawag nito sa'kin

"Bakit Po?" Malambing kong sagot,kapag baby o babe na ang tawag niya sa'kin ibig sabihin okay na kaming dalawa.


"M-may ahm ano sasabihin ko ano" Kinakabahan niyang sabi at nauutal pa kaya nagtataka ko siyang tiningnan.


"Hoy Ako lang 'to bri akong ako lang 'to haha kaya sige na ano bang sasabihin mo?" Nginitian ko 'to sabay halik sa kaniyang noo.


"I'm.. I'm -" Sasabihin na niya sana nang may umeksena saming dalawa.Nilingon ko ang taong tumawag kay bria at lalaki 'to.


"Hi babe? Hatid na kita?" Nakangiting lumapit si Tristan yung mukhang pwet ng manok dito kay bria nakita kong hinawakan niya sa bewang si bria kaya nag-init ang ulo ko.


"Sino naman nagsabi sayo na pwede mong hawakan si bria? at pwede bang layuan mona siya? hindi ka pa ba nadala ha?" Galit ko itong kinuwelyuhan kaya napabitaw siya sa bewang ni bria.


"Ohh hahaha ikaw pala 'yan? Ang akala ko kasi poste by the way yung suntok mo bro parang suntok ng babae pinagbigyan lang kita" Lalo akong nagalit at nainis ng makitang ngumisi ito.


At talagang pinuno na niya ang pasensya ko kaya sinuntok ko 'to at sinikmuraan dahil sa inis sinapak ko ulit yung mukha para wala na siyang maipagmamayabang pa.

"Oh my god Uno! Ano bang ginagawa mo? nahihibang kana ba?" Nang huminahon na ako ay sinundan ko ng tingin si bria na papunta sa gawi ng lalaking si Tristan.

Napaiwas ako ng tingin ng tumingin sa'kin si bria na galit ang mga mata habang inaalalayan niya yung lalaking sinapak ko hindi ko lang maintindihan bakit lumapit pa siya sa lalaking yun? dapat lumalayo na siya dito tapos ano? ako pa yung nagmukhang masama dito!.


"O-ok-okay lang ako babe hahaha grabe yang kaibigan mo tuwing nakikita ako lagi akong sinasapak tsk tsk" Nginitian naman ako nito sa mga ngiting 'yun ay may halong pang-aasar.


𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang