KABANATA5

6K 204 3
                                    

UNO






Nagising akong kumakalam ang sikmura ngayon ko lang napagtantong hindi pa pala ako nakakakain yung babae kasing yun.bumaba ako papuntang kusina sana naman may natira pang ulam kung wala magmamailo na lang muna ako sanay na naman ako.




"Anong ginagawa mo dito?" Muntik ko nang maibato ang hawak kong takip ng kaldero sa kung sino mang tao ang nagsalita. Humarap ako dito tsaka binuksan ang ilaw




"Nagnanakaw? Hindi ba halata?" Sabi ko pero tumalikod din agad para makakain na ako sa nagugutom na ako




"Oh gosh patay gutom talaga!" Maarte nitong sabi gusto ko sanang ibato sa kaniya yung takip ng kaldero kaya lang wag na lang kawawa naman yung mukha niya panget na tapos kapag binato ko pa ng takip ng kaldero lalong papanget na yung pagmumukha niya




Hindi ko siya pinansin alam ko kapag pinapansin yan lalo ka lang niya aasarin "Hoy akin yan! Anak ng tokwa!" Paano ba naman kasi inagaw yung pinggan ko tapos siya na yung kumain




Kain siya nang kain habang ako nakatingin lang sa kaniya naghihintay na sana mabilaukan siya at kapag nangyari yun hahayaan ko lang siya hanggang sa boom malagutan siya ng hininga




Mukhang napansin siguro niyang kanina pa ako nakatingin sa kaniya kaya tumigil siya saglit at tumingin sakin "Tsk Come here!" Lumapit naman ako "Ahh" ngumanga naman ako sinubuan pala niya ako "Kapag namatay ka dahil sa gutom edi kasalanan ko pa? Pasalamat ka mabait ako at syempre maganda ako" nagflip hair pa ang gaga kaya natawa ako




"Hahaha putik ka! Hindi bagay alam mo kapag ginawa mo ulit yan magmumukha kang si elsa droga" nakita kong sumama ang timpla ng kaniyang mukha kaya napatigil na ako hirap na.




"Uy uy yung kalat mo naman! Teka bria" pero wala dire-diretso lang ito paakyat sa kwarto kaya no choice ako na ang magliligpit







Kinabukasan maaga akong nagising dahil nga sa may pasok pa kami hindi problema ang pamasahe kasi palagi ko namang kasabay si bria sa sasakyan.





Pagkagising ko hindi kona katabi si bria kaya napabangon na lang ako tsaka inayos ang higaan bago bumaba






"Oh gising na pala ang prinsesa" umismid ako dahil sa tinawag niya sakin anak ng tinola! Mukha ba akong achz! Nvm.






"Anak lagi mo na lang pinagt-tripan itong si uno naku ah? Kung hindi ko lang alam na straight ka aakalain ko talagang may gusto ka kay uno" makahulugang ngumiti si tita amandha saming dalawa ni bria at itong katabi ko naubo pa kaya inabutan agad siya ni tita amandha ng tubig .







"Mom! Kadiri kaya at ayan? Magugustuhan ko like duh! Marami akong manliligaw at never akong magkakagusto diyan!" Sa sinabi niyang yun ay para akong natusok ng karayom sa aking puso hindi ko mawari kung ano ang dahilan nun kaya napahawak ako dito







"Ohh Uno Are you okay?" Puna ni tito oscar ng mapansin niyang napahawak ako banda sa dibdib ko ngumiti ako dito ng tipid tsaka tumango






Sa sinabing yun ni bria parang sinasabi niyang hindi mangyayari ang bagay na yun at ano? Kahit kailan hindi ako papatulan nito? Huh gusto kong matawa dahil naaalala ko pa kung paano niya ako halikan at yung lagi niya akong iniibabawan







"Mag-iingat kayo mga anak basta tawagan niyo kami kapag may problema" sabi ni tita amandha ngayon ko lang alam na nakasakay na pala kami ng sasakyan






Parang ayaw ko muna pansinin si bria sa kadahilanang hindi ko naman alam basta gusto ko muna siyang iwasan nasaktan ata ako sa pinagsasabi niya kanina. Siguro nandidiri ito sa mga kagaya ko






"We're here na sige na bumaba kana" sabi nito na siyang nakapag gising saking diwa sumunod ako sa sinabi niya bumaba ako at walang lingon-lingong naglakad paalis sa pwesto niya. Hindi kona naman siya kailangan alam ko na din ang pasikot-sikot dito







"Ay sorry!" Halos kamuntikan na akong humalik sa lupa ng makabangga ako ng isang nilalang. Mabuti na lang mabilis ang kilos ko at nang mag-angat na ako ng tingin napagtanto ko kung sino ang taong nakatayo sa harapan ko.







"Devon? Devon Ann Diaz?" Hinding makapaniwala kong sabi dito nang mapagtanto din nito kung sino ako ay lumaki ang mga singkit nitong mata






"Oh my gosh! Uno veneracion right? Omg ikaw na nga yan" dala na din siguro sa tuwa ay napayakap ito sakin ng mahigpit kaya niyakap ko din siya pabalik







"I miss you" Natigilan ako sa narinig kong sinabi nito mula sa pagkakayakap ay sandali akong kumalas upang tingnan kung nagsasabi ba siya ng totoo







Devon Ann Diaz siya ang babaeng una kong minahal siya ang babaeng inaasam kong maging akin hanggang sa natupad ang aking hiling. Naging kami kahit sa maikling panahon alam kong mahal namin ang isa't isa pero hindi pa pala sapat yun. Nagkaroon ng pagsubok saming pagmamahalan dahil nga sa likas na mayaman itong si devon napagpasyahan ng mga magulang niya na sa manila na sila manirahan at sa manila na din siya nag-aral hindi ko nakayanan ang malayo sa kaniya kaya nakipaghiwalay ako dito







Ano ba dapat ang sabihin ko? Na namiss ko din siya nandito pa din yung kakaibang pakiramdam ko kapag malapit siya sakin alam ko kung ano ang bagay na ito. "Dito ka pala nag-aaral?" Pag-iiba ko na lang ng usapan kita kong nadismaya ito sa sinagot ko.






"Ah yeah , Wait dito kana din ba nag-aaral?" Biglang napalitan ang tono ng pananalita nito nandun na ang may halong saya "Oo bumalik na ako sa pag-aaral yung mga anak kasi ng amo ni mama pumunta sa bahay hanggang sa ayun napag usapan naming ituloy kona dito ang pag-aaral ko" sabi ko sa kaniya tumango tango naman ito






"Buti naman naisipan mo nang bumalik sa pag-aaral ahm uno may itatanong sana ako?" Nahihiya ata niyang sabi kaya tumango ako dito "Ka-Kasi ano eh ahm.. Ita-itatanong ko sana k-kung may ano ah g-girlfriend kana ba ngayon?" Gusto kong matawa sa sinabi niya ano daw? Hindi nga mabenta ang feslak ko dito sa manila mabuti sana kung sa probinsya







Akmang sasagot na ako nang may taong sumingit sa usapan namin "To Answer your question bitch yeah may girlfriend na siya" napalingon ako sa taong nagsabi nun






Anong pinagsasabi nitong si bria? Girlfriend ako meron na? Aba hindi ko alam na may girlfriend na pala ako ngayon at sino naman? "Ha? Pinagsasabi mo diyan bria? Wala akong.." Natameme ako sa sunod nitong sinabi









































"And thats me so back off!"

𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon