Mister Superstar ll Choi Yeon...

Von Angelkim_10

44K 1.2K 198

Is it possible that a Superstar like him will fall for a girl like her? Choi Yeonjun × Yumi Chua TXT Series... Mehr

Prologue
MS-1
MS-2
MS-3
MS-4
MS-5
MS-6
MS-7
MS-8
MS-9
MS-10
MS-11
MS-12
MS-13
MS-14
MS-15
MS-16
MS-17
MS-18
MS-20
MS-21
MS-22
MS-23
MS-24
MS-25
MS-26
MS-27
MS-28
MS-29
MS-30
MS-31
MS-32
MS-33
MS-34
MS-35
MS-36
MS-37
MS-38
MS-39
MS-40
MS- EPILOGUE
Can I Ask?
Special Chapter

MS-19

847 32 3
Von Angelkim_10

YUMI CHUA

Dinilat ko ang mga mata ko at sumalubong sa aking kulay gray na kisame. Teka, ibig sabihin wala ako sa ospital? Hindi naman puti yung kisame e. Salamat naman.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at napahawak nalang ako sa ulo nang kumirot ito. Ang sakit ng ulo ko, kainis.

Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto na inuukupa ko. Nakakita ako ng isang book shelf na punong-puno ng libro at meron ding computer dito sa loob. Maganda yung kwarto, malinis, navy blue at gray ang motif, pati na rin itong kama at mga kurtina.

Kaninong kwarto kaya to?

Biglang bumukas ang pintuan kaya napalingon ako doon. Pumasok ang lalaking naka-salamin.

“Teka, ikaw yung lalaki sa harap ng bahay ko ah?” Tanong ko sa kaniya.

Hindi siya nagsalita at dire-diretso lang ang paglalakad papunta sa akin. Sa mga ganitong oras dapat ay natatakot na ako, siyempre, hindi ko siya kilala at nasa kwarto pa ako, baka may gawin siyang masama. Kaso, iba ang nararamdaman ko, walang kaba at takot, paano ba naman ako natatakot sa lalaking nagmumukhang bata at cute sa suot niyang salamin. Sabihin niyo nga?

“Maayos na ba ang pakiramdam mo?” Napasinghap ako sa lalim ng boses niya. Ibang-iba yung boses niya sa itsura niya, yung itsura niya, pambata, yung boses, mas malalim pa sa karagatan ng pacific ocean. Ang lalim e, pero ang sarap sa tenga.

Tumango ako sa kaniya.

“O-Oo.” Sagot ko.

“Mabuti naman. Isa't-kalahating araw ka nang tulog, imposible namang masama pa din ang pakiramdam mo.” Sabi niya na ikina-kunot ng noo ko.

“Isa't-kalahating araw?!” Tumaas ang tono ng boses ko dahil sa gulat.

“Yeah. Kuya Jin took care of you while you are asleep. Ang taas daw kasi ng lagnat mo, tapos nung nahimatay ka, dinala ka nalang namin dito sa bahay. Hind kasi namin mabuksan ang loob ng bahay mo dahil naka-lock.” Aniya.

Napalunok nalang ako saka napakagat ng labi. Patay ako kay boss nito! Isa't-kalahating araw akong wala sa tabi niya, ano na kayang nangyayari doon? Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa inis ko sa sarili, pero agad din akong napatigil sa pagkamot nang makaramdam ako ng gutom.

“Hindi na kita tatanungin kung gutom ka na, obvious naman e. Tara, bumaba na tayo, nagluto si Kuya ng tanghalian. Pagkatapos mong kumain, ihahatid kita pauwi sa inyo.” Sabi niya habang may maliit na ngiti sa labi.

Tumango nalang ako saka tumayo, napansin kong hindi ito yung suot ko nung nakaraan kaya tinanong ko siya.

“Sino ang nagpalit ng damit sa akin?”

“Pinapalitan ka ng damit ni Kuya sa maid namin, kaya, don't worry.” Aniya sabay lakad palabas ng pinto.

Sumunod naman agad ako sa kaniya. Pagkababa namin galing sa 2nd floor, napanganga nalang ako sa laki at ganda ng bahay. Ang ganda na ng kwarto, paano pa kaya to? Sobrang ganda. Halatang yayamanin ang may-ari.

Iginaya ako ng lalaki paupo sa tabi ng isa pang lalaki. Siya yung kasama niya noong nakaupo ako sa harap ng bahay, yung malapad yung balikat. Napaiwas ako ng tingin dahil sa titig niya sa akin, parang hinahalukay niya ang buong pagkatao ko.

“Wag kang matakot sa kaniya, ganiyan lang kasi siya kumilatis ng tao.” Bulong sa akin ng naka-salamin. Tinanguan ko nalang siya.

Pinaglagyan niya ako ng pagkain sa plato ko at nag-laway naman ang bagang ko nang mahalimuyak ang mabango nitong amoy, mukha pang masasarap.

“Salamat.” Sabi ko sa kaniya. “Teka muna, sino ba kayong dalawa?” Tanong ko sa kanila.

“Ako si Taehyung, Kim Taehyung at V nalang para mas maikli and don't worry, I'm a good boy.” Sabi ng naka-salamin na si Taehyung pala. “At siya naman ang kuya ko, si Kim Seokjin pero Jin nalang for short.” Sabi niya saka itinuro ang kuya.

Napatango-tango nalang ako. Mag-kapatid nga sila pero bakit hindi sila magkamukha? Magkaibang-magkaiba ang features ng mukha nila. Pero, parehas namang gwapo. Haay, heaven. Napapaligiran ako ng gwapo.

“Salamat nga pala sa pag-alaga sa akin nang may sakit ako, pasensiya na din dahil naabala ko kayo. Promise, kapag may pagkakataon babawi ako sa inyo.” Sabi ko sa kanilang dalawa.

“Your welcome, kumain na tayo para makauwi ka na din sa inyo.” Si Jin ang nagsalita.

“Salamat sa paghatid, V.” Nakangiting sambit ko kay V na nakapamulsa ngayon sa harapan ko. Ang gwapo talaga ng isang to, ang sarap jowain.

Ngumiti naman siya sa akin. “Walang ano man, masaya ako na maka-usap ka.”

“Ako din, ang saya mong kasama. Kayong dalawa ng kuya mo.”

“Sinungaling, aminin mo na, nasusungitan ka kay kuya. Ganon lang talaga yun, hindi kasi siya mahilig makihalubilo. Galit sa mundo yun e.” Aniya na ikinatawa ko.

Para siyang si Kaze. Pareho silang makulit at masarap kasama. Parehas pang gwapo! Haay, ang swerte kong tao. Lahat ng mga kaibigan kong lalaki ay kampon ni Adonis, lahat gwapo! Jusmiyo.

Nandito na kami ngayon sa harap ng building kung saan nakatira si boss. Dito na ako nagpahatid kay V dahil wala naman akong mapapala kapag pumunta pa ako sa bahay, wala akong susi e.

“Dito ka nakatira? Yayamanin ka pala.” Komento niya habang nakatingala sa mataas na building ja nasa harap namin.

“Ah, hindi. Yung boss ko lang yung nakatira diyan, tsaka hindi ako mayaman. Yung bahay na pinagkakaupuan ko nakaraan, yun yung bahay ko.”

“Ahh, yun pala yun.” Tumatangong sabi niya. “Oo nga pala, bakit ka ba nakaupo sa harap ng bahay mo nakaraan?”

“Wala kasi akong susi, naiwan ko. Tapos masakit na nga yung ulo ko non kaya napaupo nalang ako. Tapos ayun, naabutan niyo ako.”

Tumango-tango naman siya.

“Sabi ni kuya, kaya ka siguro nahimatay saka nilagnat ng mataas dahil pagod daw yung katawan mo. Halata daw kasi sa mukha mo tsaka ang payat-payat mo daw, minsan daw damihan mo kumain para hindi ka basta-basta himatayin, okay?” Paalala niya sa akin.

“Yes, doc.” Tumango ako na parang masunuring bata sa kaniya.

Ginulo niya naman ang buhok ko saka kinurot ang dalawang pisngi ko.

“Ang cute mo.” Aniya saka nagpamulsa na ulit. “Sige na, puntahan mo na yung boss mo dahil baka hinahanap ka na non. Baka sisantihin ka pa niya. Sabi ko kasi sayo i-text mo siya e.”

“E lowbat na ako e, tsaka nakakahiya naman na sa inyo masiyado. Inalagaan niyo na nga ako makiki-charge pa ako.”

Napabunton hininga naman siya.

“Sige na, ikaw na ang bahala. Mag-iingat ka, okay? Alagaan mo ang sarili mo. Bye!” Yun lang ang sinabi niya at pumasok na siya sa kotse niya.

Ako naman ay kumakaway habang nakatanaw sa papalayong kotse niya. Nang mawala na yon sa paningin ko ay pumasok na ako sa loob ng building. Binati pa nga ako ni manong guard at sinabihan niya ako na nagagalit na si Yeonjun dahil hindi niya ako mahanap. Doon ko na pinag-sisihan na hindi pa ako naki-charge kayla V.

Nang makarating ako sa tapat ng unit ni Yeonjun ay kumatok ako ng ilang beses pero walang nagbukas kaya pinindot ko nalang pin para makapasok. Bumuga muna ko ng hangin bago tuluyang buksan ang pinto, pagbukas ko, sumalubong sa akin ang napaka-kalat na paligid.

Karamihan ay bote at lata ng alak at beer, pati na din ang mga damit. At mas lalong bumigat ang pakiramdam ko nang makita si Yeonjun na nakatingala sa kisame habang may hawak na bote ng alak at saka kabila naman niyang kamay ay may hawak siyang kung ano. Hindi ko alam kung natutulog ba siya dahil nakapikit siya.

Ano bang pinag-gagagawa niya sa buhay niya? Nawala lang ako saglit nagka-ganito na.

Marahas akong bumuga ng hangin saka inisa-isang pinulot ang mga bote at lata alak sa sahig. Kinuha ko din ang nasa kamay niya at mukhang tulog nga siya dahil hindi niya ako napansin. Nang matapos ako sa paglilinis ay tumabi ako ng upo sa kaniya.

Ang pula-pula ng pisngi niya dahil sa pagka-lasing. Nakabukas din ang dalawang butones ng polong suot niya. Nakakaawa naman ang isang to, akala mo pinagbaksakan ng langit at lupa e.

Hinaplos ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko at inayos siya ng higa pahiga sa mga hita ko. Salamat naman at hindi siya nagising dahil doon.

Kinuha ko ang bagay na hawak-hawak saka tinignan yon, at ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang sarili habang buhat-buhat ni V. Mukhang yun ang eksena na hinumatay ako at dinala ako ng Kim brothers sa bahay nila. Bakit naman may pictures na ganito si boss?

Napatitig ako sa mukha niya at napakunot ang noo ko nang may makita akong maliit na sugat sa gilid ng mata niya pati sa labi niya. Ano bang ginagawa niya habang wala ako? Bakit may picture ko siya? Mukha tuloy siyang stalker, pasalamat siya boss ko siya.

Dahan-dahan kong iniangat ang ulo niya para makaalis ako. Nilagyan ko muna ng unan ang ilalim ng ulo niya pansamantala. Pumunta ko sa kusina saka kinuha ang first aid kit doon.

Pagbalik ko sa sala, nakita ko siyang nakaupo na habang nakayuko sapo-sapo ang ulo. Mukhang may hangover ang loko.

Umupo ako sa tabi niya saka hinawakan ang pisngi niya pra maiharap sa akin. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko o nagulat siya dahil nakita niya ako.

Nanlalaki ang mga mapungay niyang mata habang nakatingin sa akin habang ako naman ay dinadampian ng bulak na may betadine ang sugat niya sa gilid ng mata.

“Is that really you, Yumi?” Tanong niya habang nakatitig sa akin.

Nilagyan ko muna ng band aid ang sugat niya bago siya sagutin.

“Hindi, picture ko lang to.” Sabi ko.

Nakita ko siyang bahagyang ngumiti, siguro natawa dahil sa akin.

“I thought you already left. I thought you don't want to be my PA anymore.” Aniya habang nakatitig sa akin.

Ngumiti nalang ako sa kaniya saka dinampian ng bulak ang gilid ng labi niya kung nasaan ang sugat niya.

“Yumi,” Tawag niya sa pangalan ko kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.

Napalunok ako nang makita siyang nakatitig sa labi ko. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at wala sa sariling napatitig din sa labi niyang natural na mapupula.

Unti-unti niyang inilapit ang mukha sa akin hanggang sa ilang inches nalang ang lapit namin sa isa't-isa. Para akong nahihipnutismo ng labi niya at inuutusang ilapat ang akin sa kaniya. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito?

Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko saka nagsalita.

“Please, don't hate me after I do this.” Yun lang ang sinabi niya at tinawid ang pagitan naming dalawa.

Maya-maya ay naglapat na ang labi namin. Naramdaman ko ang libo-libong boltahe ng kuryente na dumadaloy sa katawan ko dahil doon. Parang biglang may fireworks na sumabog sa kalangitan at ang mga paru-paro sa tiyan ko ay nagsasayawan.

Napapikit nalang ako nang maramdamang gumalaw ang labi niya sa labi ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng damit niya na parang doon kumukuha ng lakas. Wala sa sariling tinugon ko ang mga halik niya at parang may sariling isip ang mga kamay ko na pumalibot sa leeg niya.

Naghiwalay lang ang mga labi namin nang naubusan kami ng hangin. Tinitigan niya ako sa mga mata saka pinagdikit ang noo namin, ako naman ay napaiwas ng tingin dahil sa kahihiyan. Nararamdaman kong nag-iinit ang pisngi ko kaya sigurado akong namumula yon.

“I can't survive a day without you, don't you ever, ever leave me again. I miss you, my Yumi.”

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

61.5K 2.4K 30
❝ am i dreaming again? ❞ when she can't help but slowly leave her senses into reality and let herself seep into a dream she knows that she'll never b...
2.8M 65.5K 37
Lavender has lived her entire life sheltered developing extreme anxiety, what happens when she moves away alone, and meets a professor who sees to he...
1.4M 40.7K 45
《COMPLETED》 Y/N: wait..can you tell me one more time? I think I heard it wrong. BTS: you heard it right. Y/N: means you guys are really? Jin: .....we...
3.4M 143K 60
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...