Pink Skies

By aryzxxi

64K 2.3K 472

Skies Series #2 πŸ”ΈοΈApril 7, 2019 πŸ”ΉοΈAugust 30, 2020 More

Pink Skies
i
ii
iii
iv
v
vii
viii
ix
x
xi
xii
xiii
xiv
xv
xvi
xvii
xviii
xix
xx
xxi
xxii
xxiii
xxiv
xxv
xxvi
xxvii
xxviii
xxix
xxx
xxxi
xxxii
xxxiv
xxxv
xxxvi
xxxvii
xxxviii
xxxix
xl
xl.i
xl.ii
xl.iii
xl.iv
xl.v
a.n.
xl.vi
xl.vii
xl.viii
xl.ix
L
el fin

vi

1K 41 2
By aryzxxi

I remember daydreaming about performing on stage in front of a large audience with my groupmates. Nasa harap ang pamilya ko at mga kaibigan. Then, at the very corner would be Fire, looking at me and holding a bunch of roses. Habang naririnig ko ang mga palakpak at hiyawan sa paligid ay sa kanya lang nakatutok ang mga mata ko. Ang ngiti at palakpak niya lang ang nagpapainit sa puso ko.

"Ziana Rose!"

"M-Ma'am!"

Hinampas ni Teacher Maricel ang silyang nasa gilid ko. She's fuming mad sa kadahilanang nakalimutan ko. Why is she mad again?

Naglakad siya patungo sa electronic keyboard at tinuro ang pinto gamit ang naka-rolyong mga papel.

"Kinuha ni Joey si Conrad!"

Nabigla ako roon. Nandito si Conrad? Magwo-workshop na run siya? Sinubukan kong sumilip sa labas pero pinigilan niya ako.

"Wag kang sumilip! Sabihin non chismosa tayo", she hissed. "Bakit ba kasi ang bagal ko! Yan tuloy! Argh!"

"Bakit po?"

Ano naman kung nakuha ni Teacher Joey si Conrad? Sa totoo lang ay parang hindi na kailangan ni Conrad ang ganitong workshop, he told me before that he just watches tutorials online at doon natuto. Ang galing lang.

"Sikat na kasi ang batang yon, if ever he makes it big in this industry ay paniguradong maraming kukuha diyan kay Joey at may chance na siya ang kuning vocal coach sa isang reality show na natutunugan namin!" frustrated siyang napahawak sa kanyang buhok.

Easy ka lang Teacher! Gusto kong matawa kaso baka pag ginawa ko iyon ay ibato niya sa akin yung electronic keyboard.

"Nga pala, may mga makakasama ka na ngayon dito."

"Talaga po?" ngiti ko. Teacher Maricel's students have different schedules. Minsan ay may mga magkakasamang nagti-training, depende sa oras. I've been practicing with her alone for almost a year now. Ang huling kong mga nakasama ay nagpalipat ng schedule since noong nagsimula ang klase.

"Oo. Balak ata nilang sumali doon sa pa-audition ng Aspire. For sure, you heard about it?" sabi niya.

"Opo! Gusto ko rin po sanang sumali!"

Aspire Productions is the country's leading entertainment industry. They have produced successful individuals and groups. Krown, for example, it's a quartet na sumikat noong kabataan pa nina Mommy, she told me how sensational they are. They performed overseas, too! Hanggang ngayon ay nasa showbiz pa rin ang bawat miyembro kahit matagal na itong nagdisband.

Another group is Neon, alam ko ay paborito ito ni Conrad. This boy band is popular in the US. Nakasama nilang magperform ang iba pang sikat na banda roon. Thanks to Aspire's great management ay marami silang gig.

May mga models, actresses and entertainers din! Sa kanila din galing ang tatlong pinaka sikat na love team ngayon. May sariling shop ang Aspire, selling official merchandise of their artists.

"Maganda kung makakapasok ka roon. But take note, mas mahirap ang training nila ngayon. Alam mo naman kung anong nangyare sa huling girl group na binuo nila di ba?" Teacher Maricel sounded a bit off.

"Opo"

Alam ng halos lahat ang nangyare sa girl group na nilabas nila three years ago. Chiara and I were so thrilled to hear that they're releasing a new girl group. Masyado kasing nagfocus ang Aspire noon sa mga solo artist lang.

"Huy! Naglabas na sila ng pictures!" kalabit sa akin ni Chiara habang kumakain kami sa canteen. She showed me her phone.

Limang babae ang nakapose, wearing shorts and crop tops at ang background ay beach.

"Eclipse! Ang ganda ng name!" puri ko.

"Oo nga! Tignan mo may Korean na member, oh! Ang sabi nagtraining daw ito sa Korea noon tapos di napili don sa nagdebut na girl group kaya umuwi rito," kwento ni Chiara

"Talaga? Ang swerte niya pa rin pala!"

Most of the students in our school instantly became a fan of Eclipse. Dalawang kanta pa lang ang nilalabas nila ay marami na silang naging fans, most are teenagers.

Sa kasagsagan ng kasikatan nila ay isa-isang lumabas ang mga mapanirang usap-usapan. The group's leader was involved in an adultery case with an actor from a neighboring agency. Sumunod doon ang drug use ng isa pang member. They tried to revive the group by terminating the contracts of the two members but the public didn't seem to like it. Eclipse's image was tainted. Nalungkot kami ni Chiara roon dahil gusto talaga namin sila bilang isang grupo.

"Naging mas mahirap ang casting at trainings. They will dig your past kung kinakailangan and I heard you weren't allowed to be active in social media after debuting," sabi ni Teacher Maricel.

"Marami rin pong trainees ang sumuko dahil sa mga striktong rules."

I know how hard it will be kaya hinahanda ko ang sarili ko mentally. Alam kong suportado ako rito ng pamilya ko at malaking tulong iyon.

"Nandito na pala ang mga makakasama mo"

May dalawang babaeng pumasok. Ang isa ay naka-pink na t-shirt at itim na pantalon. Her hair is tied in a ponytail at may suot din siyang salamin. The other looks timid, maikli lang ang ash blonde na buhok. Her chinita eyes is looking at me.

"Welcome!" bati ni Teacher Maricel. "Ziana meet, Eugene Kim and May Chua."

Eugene, the girl in pink, offered me her hand. Inabot ko iyon para makipagkamayan.

"Nice to meet you! I'm Ziana."

Ngumiti siya at bumitaw na. I expect her to say "nice to meet you too" pa naman. But it's okay. Sunod Kong binalingan ang kasama niya.

"Zia!"

"M-May!" agad siyang nakipag-shakehands.

"Eugene is Korean and May is Chinese. Actually, balak din mag-audition nitong si Ziana sa Aspire" sabi ni Teacher Maricel. Nabigla ako roon at napatingin sa dalawa.

"We can debut together!" maligaya kong sinabi. Imagine how cool it will be kung sabay-sabay kaming magdi-debut sa isang grupo!

Eugene frowned, "Hindi naman sigurado yon."

Pansin ko ang masamang tingin niya habang nilalabas ang kanyang mga gamit. Mukha yatang may pinanghuhugutan siya ng sama ng loob. Siya ang unang nagpractice, she sang Never Enough from the movie The Greatest Showman.

"Ang galing niya," bulong namin ni May sa isa't-isa whenever Eugene hits the notes. Pumalakpak kami nang matapos siya.

Mukha siyang hiningal doon. Teacher Maricel started writing notes.

"I think you shouldn't audition with that song."

Nabigla kaming tatlo doon habang nanatiling poker faced ang guro namin. She explained why Eugene shouldn't sing that.

"Familiar naman kayo sa mga Korean groups hindi ba? They sing and dance at the same time. Iilan lang sa kanila ang nananatiling stable ang boses lalo na kapag mahirap ang choreography." she looked at Eugene sternly. "You're good pero halatang pinipilit mo lang ang sarili mo sa kantang yan. Pick another song."

Sumunod naman si May. Bumalik si Eugene sa upuan at nagbrowse ng kanta sa kanyang phone. Nilapitan ko siya ng konti pero di niya ako pinansin. While listening to May, nakita ko ang pamimili ni Eugene.

"I think Beyonce's songs would suit you", hindi ko napigilang sabihin. Nilingon ako ni Eugene at tinitigan ako ng masama.

"Mind your own business."

Napatikom ako ng bibig don. Sorry! I was just trying to help sis. Binalik ko na lang ang tingin ko kina May. She's now being evaluated by Teacher Maricel.

"You're a good singer. Tama ang decision mong magstay lang sa range na yan. You can't reach the high notes. Let's just practice how stable you can be while dancing. Ziana, ikaw naman!"

Tumayo ako. Syempre, hindi lang papuri ang binigay sa akin. I also received criticism from our teacher. Isang oras at kalahati lang ang tinagal ko sa workshop namin dahil nagpaalam akong uuwi ng maaga. I need to review my lines para musical.

"Dumiretso ka na sa dining, Zia. Nandoon na ang Mommy at Daddy mo.." sabi sa akin ni Ate Cristy.

"Sige po", nagmadali akong nagpunas ng mukha. Pakiramdam ko ang dumi ko. Ang dami naming ginawa kanina sa eskwelahan like pagtapos ng projects, group activity sa PE at role play pa. Lagi na lang maraming ginagawa sa tuwing malapit na ang exams. Ang swerte ni Zian dahil wala silang training kanina kaya nakauwi siya agad.

Naririnig ko ang boses nina Mommy sa dining habang bumababa ako sa hagdan.

"Sigurado ba si Jaine diyan? Baka naman makakaabala kami sa inyo," concerned na tanong ni Mommy. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ang isang pamilyar na boses na sasagot sa tanong na iyon.

"Ayos lang po, Tita. Medyo abala po sa rancho pero malayo naman po ang mansyon doon." Fire answered. Nagmadali akong pumunta sa dining. Nilingon nila akong lahat at nang magtama ang paningin namin Fire ay kinabahan ako. Nandito siya!

"Zia! Mabuti naman at natapos ka na. Halika na rito," sabi ni Mommy.

I saw their sitting arrangement. Normally, kami ni Zian ang magkatabi kapag kumakain, si Daddy sa gitna at si Mommy naman sa right side. Ngayon ay magkatabi ang kapatid ko at si Mommy, kaharap naman nila si Fire.

Nagsisimula na silang kumuha ng mga pagkain habang ako ay naglalakad patungo sa tabi ni Zian. Uupo pa lang sana ako nang tawagin ako ni Daddy.

"Ziana, doon ka na lang maupo sa tabi ni Kuya Fire mo." utos ni Daddy. Para akong nanghina. Tinitigan ko lang ang ama ko, seryoso ba siya?

"Dali na, Zia" sabi pa ni Mommy.

Tinignan ko si Fire na seryoso ang tingin sa pagkain. Dahan-dahan Kong tinulak pabalik ang upuan at naglakad papunta sa kabilang bahagi ng mesa. Bakit ako kinakabahan? Dahil ba nandito si Fire? O sahil nakatutok sa aming dalawa ngayon ang atensyon ng pamilya ko?

Inabot ng nanginginig kong kamay ang kanin. Habang nagsasandok ako ay binasag ng kakambal ko ang katahimikan.

"Kuya Fire, malaki ba ang rancho niyo?"

"Sakto lang."

"Hindi ba bumili ng lupain si Nicholas?" tanong naman ni Daddy.

"Hindi po pero ang alam ko, nagbabalak po siya. Maybe after we graduate", sagot niya.

"Sabagay, tatapusin na lang muna niya ang gastusin sa pag-aaral niyo bago siya gumastos para sa ibang bagay." kumento ni Daddy.

Nagpatuloy ang usapan nila tungkol sa rancho samantalang ako ay hindi pa nakakapili ng ulam. May chopseuy, porkchop, adobong pusit at roasted chicken. Nakakapagtaka namang ang dami naming ulam. Madalas ay dalawa lang ang hinahain. Dahil ba may bisita kami kaya ganito?

From here, tinignan ko ang ulam ng kakambal ko. I snickered silently when I saw he's got all of them. Napagkasya niya sa plato niya yon? Chopseuy at chicken na lang ang kakainin ko. Lagi kaming may isang gulay na dish kaya nasanay ako sa ganon. Minsan kapag hindi ko gusto ang gulay na nakahain, tulad ng kalabasa o patatas ay kumukuha ako ng kimchi na gawa ni Mommy.

Sunod kong inabot ang manok pero malayo ito sa akin at kailangan ko pang tumayo para kunin iyon. If I do that ay mapapalapit ako ng konti sa gilid ni Fire. Magbaboy na nga lang ako!

Aabutin ko na sana yung porkchop kung hindi lang nilapag ni Fire sa gilid ko ang chicken.

"You should've told me", sabi niya sabay balik ng tingin sa pagkain. Tinignan ko siya. Totoo bang nangyayare to?

"Ahem!!", Zian coughed. I slightly shook my head. Nagkatitigan kami ng kakambal ko. Natulala ba ako?

"Thank you sa pagtuturo dito kay Zian, Fire", Mommy said.

"Marunong naman po siya."

"But I'm nothing compared to you, Kuya", sabi naman ng kapatid ko.

Tumango ako roon habang manghang sinusulyapan si Fire. Malakas na nabagsak ni Zian ang kanyang mga kubyertos kaya napatingin kami sa kanya.

"Really, Zia?", he asked humorously

"What? Umagree lang ako sa sinabi mo", natatawa kong sinabi

Nakita ko ang pag-iling ni Fire at pasimpleng pag ngiti. I felt a little pride of making him smile. Ngumiti rin ako at pinagpatuloy ang pagkain.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 162 48
[COMPLETED] Gallianna Navarro -a person hated by the world. Since childhood ,she has experienced living with anger in her heart for his father. Becau...
282K 6.4K 29
Cover made by @CassieLinn BOOK ONE OF THE DEADLY DUET. If you're here to leave hate comments, don't even bother reading. Check the warnings before y...
328K 11.8K 56
"I guess so" "But dogs are nice. Dogs are loyal. As a dog you have no free-will. You obey your master blindly." ____________________________________...
1.4M 128K 45
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...