Mister Superstar ll Choi Yeon...

Angelkim_10 tarafından

44K 1.2K 198

Is it possible that a Superstar like him will fall for a girl like her? Choi Yeonjun × Yumi Chua TXT Series... Daha Fazla

Prologue
MS-1
MS-2
MS-3
MS-4
MS-5
MS-6
MS-7
MS-8
MS-9
MS-10
MS-11
MS-12
MS-13
MS-14
MS-15
MS-17
MS-18
MS-19
MS-20
MS-21
MS-22
MS-23
MS-24
MS-25
MS-26
MS-27
MS-28
MS-29
MS-30
MS-31
MS-32
MS-33
MS-34
MS-35
MS-36
MS-37
MS-38
MS-39
MS-40
MS- EPILOGUE
Can I Ask?
Special Chapter

MS-16

870 33 3
Angelkim_10 tarafından

YUMI CHUA

“Hoy boss! Mag-almusal ka na, magagalit na naman si Direk sa atin nito! Kesyo daw napaka-wala kong kwentang assistant dahil lagi kang late. E ikaw naman kasi—”

“Shut up, Yumi. You don't need to shout.” Aniya habang naglalakad papunta dito sa akin.

“Haays! Bilisan mo na nga kumain ka na. Ayokong masermunan, lagi ko nalang ina-almusal ang sermon ni Direk dahil sayo—”

“Okay! Okay! Just... just shut up, it's annoying.” Masungit niyang sambit saka umupo na at nag-sandok ng pagkain.

Ako naman ay umirap muna bago umupo sa harapan niya. Nakakainis na kasi, noong nakaraang araw nabatukan ako ni Direk. Kahapon naman nasigawan. Tapos, naalala ko pa, nakaraang linggo kinutusan niya ako. Baka mamaya, ma-tadyakan niya na ako. Nakakainis naman kasi tong si Yeonjun, anong oras na kung magising, ako ang napipirwisyo e.

Sumandok na ako ng pagkain ko saka sunod-sunod na sumubo. Kailangang magmadali, bawal bababagal-bagal— ay punyemas! Nagagaya ko na si Direk!

Isa pa yon, ang tanda-tanda na, kung makasigaw akala mo napakalayo ko sa kaniya. Bakit kaya hindi niya pagalitan si Yeonjun?! E siya nga yung nagpapa-late sa amin e. Jusmiyo.

Tatlong linggo na ako dito pero wala pang araw na hindi sumasakit ang ulo ko. Una si Yeonjun, ang tigas-tigas ng ulo. Minsan kasi ayaw niyang mag-shooting kaya gumagawa pa ako ng paraan para lang mapapunta siya dahil ako ang malalagot. Napaka-tamad niya kasi! Ni-ultimo selpon niya ako magcha-charge, nyemas siya. At isa pa yang si Kaze! Akala mo hindi superstar kung umakto! Napaka-kalat na tao na kahit nasa tabi na niya ang basurahan, itatapon niya pa din kung saan-saan yung mga basura niya.

Oo, nakapag-move on na ako sa kaniya. Akala niyo ba hindi ko magagawa? Mga baliw, madali lang kaya— oo na! Hindi na madali! It took me one week to move on. Bilis di ba? Well, ganon ako e. Siguro infatuated lang ako sa kaniya kaya ganon ko lang mabilis na naalis sa sistema ko yung nararamdaman ko sa kaniya. Although, medyo mahirap, nakaya ko naman. Bakit kaya yung author hindi magawa?

At pang huli, ang linta ng buhay ni Yeonjun, si Samantha. Araw-araw kasi nandito siya, I mean, halos lang pala. Halos dito na nga siya tumira kung pupunta siya dito. Kung makautos siya sa akin akala mo naman siya yung nagpapasahod sa akin, duh! Sarap niyang tirisin. Kung makayapos din siya kay boss akala mo talaga matsing tas si boss yung saging.

Ang landi niya, guys. Seryoso.

Ang sarap niyang painumin ng lagundi, pano ba naman kasi, daig niya pa pokpok sa sobrang landi.

Hah! Mas malaki naman boobs ko sa kaniya. De joke lang.

Nakita ko siyang humikab kaya napatingin ako sa kaniya. Lumalaki lalo ang itim sa ilalim ng mga mata niya. Napabutong hininga nalang ako saka tinanong siya.

“Binangungot ka na naman ba?” Tanong ko sa kaniya.

“As always.” Balewalang sambit niya saka ininom yung kape niya.

Lagi kasi siyang binabangungot, sabi niya. Mabuti na nga lang ay kapag natutulog siya ay nasa paligid lang ako para ginigising ko siya kaya lang, ang problema, hindi siya nakakatulog ng maayos. Kulang na kulang na ang tulog niya. Naaawa na nga ako sa kaniya kaso, wala naman akong magagawa para matulungan siya.

“Wala ba talagang gamot para hindi ka na bangungutin?”

“Ikaw.” Aniya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Napakurap naman ako at ito na naman ang puso ko, ewan ko ba, kapag ganiyan siya sa akin ganito na agad mag-react ang puso ko. Ang weird pero at the same time, masarap sa pakiramdam. Ewan ko ba.

“A-Ako?” Gulat kong tanong habang nakaturo sa sarili.

“I mean, ikaw, may alam ka ba?”

Napa-ahh nalang ako. Akala ko naman kung ano na, medyo umasa ako doon. Hehe.

“Duh! Tatanungin pa ba kita kung may alam ako? Nasaan ang utak mo, boss? Nasa pwet mo, nagkakape?” Asar ko sa kaniya.

Inirapan niya naman ako bago magsalita.

“You and your trashy words.”

“Trashy words ka diyan. Ikaw nga pa-english-english akala mo naman kano ang kausap. Dapat tagalog lang! Maging proud filipino ka naman!”

“Anong bang pakialam mo? I'm not comfortable using tagalog when I'm speaking.”

“Nyenyenyenyenye! Arte mo.” Pang-aasar ko sa kaniya. “Wag mo akong sasamaan ng tingin. Bilisan mo diyan kumain para nang makaalis na tayo. Tignan mo, hindi ka pa nga bihis!” Reklamo ko na naman.

“Nyenyenyenyenye! Ang ingay mo.” Pang-gagaya niya sa tono ko.

Sinamaan ko siya ng tingin at siya naman ay nginisihan lang ako.

Babangasan ko na to e.

“Mabuti naman at hindi kayo late ngayon, hindi ka mababatukan ni Direk, Yumi.” Pagsalubong sa akin ni Khariza, yung personal assistant ni Samantha the matsing and linta.

Siya yung mukhang bata pumorma, kilala na niya ako bilang Yumi, hindi na Tania since nagpakilala na ako sa kanila. Pinaliwanag ko na din sa kanila noong nakaraan kung bakit ako muna ang pumalit kay ate bilang personal assistant ni Yeonjun slash, manager.

Umirap muna ako sa ere bago siya sagutin.

“Kotang-kota na yung batok ko sa gurang na yon no, kaya kailangan maaga talaga kami. Binulabog ko pa talaga yang si Yeonjun para lang makalayas kami agad at hindi ma-late.” Sabi ko.

“Buti hindi nagagalit sayo si Sir. Yeonjun? Ayaw niya kasi kapag iniistorbo siya o binubulabog e.”

“Paki ko kung magalit siya? Kung gusto niya, magsapakan pa kami e. Nang dahil sa kaniya, ilang beses akong nakutusan at nabatukan ng gurang na yon.” Tinuro ko si Direk na nag-aayos ng mga gamit. “Kaya wala siyang karapatang magalit.” Dagdag ko.

“Hahaha! Iba ka talaga, Yumi. Siguro, dahil na din close kayo ni Sir. Yeonjun kaya hindi siya nagagalit sayo.”

Nagkibit-balikat naman ako dahil doon.

“Ewan ko. Basta, kumportable kami sa isa't-isa e.”

“Dati naman hindi siya ganiyan kay ate Tania. Pormal lang talaga ang pagturing niya sa mga tao dito maliban sayo. Ano ba talagang meron sa inyong dalawa?” Tanong niya habang bahagya pang nakakunot ang noo.

Napataas naman ang kilay.

“Walang meron sa amin uy, boss ko lang siya at ako naman ay personal assistant niya slash, manager niya. Ikaw, napaka-malisyosa mo.”

“E kasi naman, yung closeness niyo ibang-iba na. Para kayong mag-bestfriend na mag-jowa kung kumilos.” Aniya na ikinalito ko.

“Sandali, tara, umupo tayo doon.” Sabi ko atsaka hinila siya papunta doon sa sa dalawang bakanteng upuan na nasa gilid ng pintuan ng dressing room.

Inilapag ko muna ang gamit ko sa baba tsaka muli siyang hinarap.

“Anong ibig mong sabihin sa mag-bestfriend na parang mag-jowa?” Litong tanong ko sa kaniya.

Huminga naman siya ng malalim bago magsalita. “Kasi, minsan, nakikita ko kung paano niyo ituring yung isa't-isa, kung paano kayo mag-batukan, kung paano kayo mag-asara, kung paano niyo bully-hin yung isa't-isa, para talaga kayong mag-bestfriend. At doon naman sa parang mag-jowa kayong dalawa, kasi, kapag dumadating yung time na ang sweet niyo, umaabot na sa level na parang lalanggamin ako ano mang oras habang nakatingin sa inyong dalawa. Kung paano mo alagaan si Sir. Yeonjun, kung paano ka niya kausapin na parang nalalambing, minsan pa nga, hinahawakan niya yung kamay mo at higit sa lahat... kung paano kayo magtinginan.” Mahabang paliwanag niya.

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa mga sinabi niyang yon. Ganon na ba talaga kami ka-close ni boss?

“T-Tinginan?”

Tumango siya bago magsalita. “Oo, kung magtinginan kasi kayo, parang mahal na mahal—”

“Teka, teka, teka! Wag mo nang ituloy nakakadiri.” Pagpapahinto ko sa kaniya habang nakalapat pa ang hintuturo ko sa labi niya. “Lilinawin ko sayo lahat, Khariza. Una, normal na talaga sa aking dalawa ang mag-batukan, mag-asaran at bully-hin ang isa't-isa. Minsan nga nag-sisigawan pa kami. Pangalawa, hindi kami sweet, kadiri yon. Hindi mo makikita ang salitang sweet sa pagitan naming dalawa dahil wala namang dahilan para maging sweet kami sa isa't-isa, baka iba lang yung nakikita ko dahil lahat ng galaw namin ay nilalagyan mo ng malisya. At huli, doon sa kung paano kami magtitigan, walang pagmamahalan ang nakapaloob doon, okay? Simpleng tinginan lang yon, walang ibang emosyon maliban sa inis tsaka galit. Walang pagmamahal, naiintindihan mo?” Tanong ko sa kaniya.

Nakita ko ang paglunok niya bago tumango.

“Kasi alam mo, Khariza. Malayo ang salitang pagmamahalan para ihalintulad kaming dalawa ni Yeonjun. Masiyadong malabo at nakakadiri. Duh! Aso't pusa kaya kaming dalawa. At isa pa, malabo namang mahalin namin yung isa't-isa kagay ng iniisip mo.”

“Bakit naman naging malabo?” Tanong niya na naman na parang isang inosenteng bata.

Humigop naman ako ng hangin bago mag-paliwang sa kaniya. Minsan, ang hirap paliwanagan itong si Khariza e, palibhasa slow.

“Simple lang, dahil boss ko siya at ako naman ay assistant niya. Hindi kami pwedeng mag-samang dalawa bilang mag-karelasyon. Trabaho kung trabaho. At trabaho lang din naman ang dahilan kung bakit kami magkasama ngayon.”

“Hindi naman hadlang ang pagiging assistant mo lang para magmahalan kayong dalawa.” Aniya saka umiwas ng tingin.

Napakamot naman ako ng ulo.

“Yun na nga e, hindi nga namin mahal ang isa't-isa! Argh! Bakit ba ganito yung pinag-uusapan natin?!” Iritang tanong ko pero hindi siya nagsalita.

Ngumuso nalang siya saka nag-kibit balikat bago tumayo. Akala ko aalis na siya pero nagulat ako mung nilapit niya yung mukha niya sa akin saka bumulong.

“Pero, Yumi, bagay kayo ni Sir. Yeonjun. Hihi.” Bulong niya.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

1.1M 27.9K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
3.2M 187K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...
389K 11.9K 21
The only mistake I did in life was saying " I Do." Was it really a mistake?
3.4M 143K 60
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...