Fated To Be

By BampirangPuyat

1.1M 44.7K 4.3K

MIDNIGHT CREATURES SERIES 1 "I am the king, but you are my ruler. I am a demon, but you are my religion. I go... More

DISCLAIMER
DEDICATION
Prologue
Obsession 1
Obsession 2
Obsession 3
Obsession 4
Obsession 5
Obsession 6
Obsession 8
Obsession 9
Obsession 10
Obsession 11
Obsession 12
Obsession 13
Obsession 14
Obsession 15
Obsession 16
Obsession 17
Obsession 18
Obsession 19
Obsession 20
Obsession 21
Obsession 22
Obsession 23
Obsession 24
Obsession 25
Obsession 26
Obsession 27
Obsession 28
Obsession 29
Obsession 30
Obsession 31
Obsession 32
Obsession 33
Obsession 34
Obsession 35
Obsession 36
Obsession 37
Obsession 38
Obsession 39
Obsession 40
Obsession 41
Obsession 42
Obsession 43
Obsession 44
Final Obsession
Panda's Obsession
Special Obsession
I'm the Vampire Boss' Probinsiyana
BampirangPuyat
Caldrix and Gresha
Other Characters (Male)
Other Characters (Female)
Instagram

Obsession 7

24.6K 1K 112
By BampirangPuyat

Gresha

"Miss Gresha Iris, pinapapunta ka ni Ma'am Salazar sa kanyang opisina," pag-iimporma sa akin ng aming college secretary.

"I'll be there in a moment," sagot ko sa kanya at itinabi saglit ang mop na ginagamit ko sa  paglilinis ng sahig.

"Ako na ang magpapatuloy, Gresha," malugod na alok ng kapwa ko scholar na si Mara, kaya siya na ang nagpatuloy.

Kasalukuyang nagko-community service ngayon ang lahat ng scholars.

"Good morning, Ma'am Salazar," bati ko sa aming college dean ng makapasok ako sa kanyang opisina.

"Good morning too, Ms. Iris. Will you arrange those documents in alphabetical order?" Napatingin naman ako sa mesa na may nakapatong na samo't saring dokumento.

"Yes ma'am, you can count on me," nakangiti kong sagot at nilapitan na ang aking aatupagin. Bumalik naman si Ma'am Salazar sa pagcocomputer sa kanyang desk.

"Madalas magkuwento ang iilang mga guro tungkol sa'yo Ms. Iris, namamangha sila sa pinapakita mong galing sa klase," sabi niya habang nakatingin pa rin sa computer.

"Ah ganoon ba? Nakakahiya naman. Mahilig lang po talaga akong magbasa," nahihiya kong sagot.

"Unang semester pa lang ay nangunguna ka na sa klase, keep up the good work. Your parents will be surely proud."

Napa-kagatlabi ako dahil sa huling linyang binigkas niya. Hindi niya alam na wala na ngayon ang aking mga magulang. Pareho na silang sumakabilang-buhay.

Huminga ako ng malalim at inayos ang aking postura. "Tatandaan ko po 'yan ma'am."

Mabuti na lang at naging abala na siya sa kanyang ginagawa kaya itinuon ko na rin ang aking atensiyon sa ginagawa ko.

"I was really saddened by the news this morning. Dalawang graduating students ng college natin ang nasawi sa aksidenteng naganap kahapon."

Bigla akong nanlamig. Kumabog ang aking dibdib nang maalala muli ang nangyari kahapon.

May iilang nasawi at karamihan ay sugatan dahil sa nangyari. Ayon sa balita ay lasing ang mga driver ng dalawang truck. Nawalan din ng preno ang isa sa kanila, kaya naganap ang insidente.

Ngunit ang biglang nagpakabog sa aking nararamdaman ngayon ay ang katotohanang sakay ako ng jeep na naaksidente kahapon. Wala sana ako ngayon dito. Dapat nasa hospital ako ngayon, nagpapagaling. O di kaya'y ang mas malala, pinagluluksaan na rin sana ako ngayon.

Kagabi ay halos hindi ako makatulog dahil sa pagkabalisa sa kaiisip kung paano ako nakaligtas.

"Are you alright, Ms. Iris? Namutmutla ka, are you sick?" Dahil sa sunod-sunod na tanong ni Ms. Salazar ay napatigil ang aking pagbabaliktanaw sa nangyari.

"I'm fine, ma'am. Medyo nashock lang ako sa balitang yan," sagot ko kaya napatango siya.

Ilang sandali lang ay nagpaalam si Ma'am Salazar na lalabas muna siya sandali at ibinilin  sa akin ang opisina.

Malapit na akong matapos sa pag-aayos ng mga dokumento ay biglang tumonog ang aking cellphone.

Isang text message.

Aling Matilda : Hija, pinapasabi ni Sir Agustine na kung wala kang ibang gagawin ngayong hapon ay dumalaw ka raw sandali sa shop.

Bigla naman akong nagtaka. Ito ang unang beses na papuntahin ako ni Mang Agustine sa shop na hindi Linggo. Siguro may importanteng sasabihin lang sa akin, kaya nag-reply na lang ako kay Aling Matilda at sinabing dadaan ako sa shop mamayang hapon. Hindi naman masyadong abala dahil halos nadadaanan lang ang shop pauwi.

Ngayon lang pumasok sa isip ko na dahil semestral break na ay kailangan ko na namang maghanap ng trabaho tuwing weekdays. Dagdag income na rin. Sana makahanap ako agad, mamaya ay pupuntahan ko ang karinderyang pinagtrabahuan ko last summer dahil baka maipasok ako nila ulit.

Marahang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Ma'am Salazar na may dalang iilang papeles.

"Tapos ka na ba, Ms. Iris?"

"Opo ma'am."

"That's good. I want you to encode these, nagkaroon ng biglaang meeting. Don't worry, papadalhan na lang kita ng lunch."

"Okay po, ma'am. Walang problema." Nakangiti kong sagot.

"Thank you so much. Absent kasi ngayon ang aming administrative aide kaya sa'yo ko na lang ito ipapagawa."

"Naku, okay lang po ma'am, total community service namin ngayong araw."

Nagbilin pa siya ng iilang notes at umalis pagkatapos. Pumunta ako agad sa kanyang table at sinimulang i-type ang pinapaencode niyang mga papeles upang maaga akong matapos.May karamihan pa naman ito.

*

"Dito na lang po kuya."

Pagkatapos magbayad ng pamasahe ay bumaba na ako ng tricycle. Hindi pa rin ako comfortable sumakay ng jeep. Naalala ko pa rin ang nangyare kahapon.

Halos 4:00 pm na ako natapos sa pag-eencode ng mga dokumento, may idinagdag pa kasi si Ma'am Salazar. Pagkatapos ay may mga folder pa siyang pinahanap sa akin.

Nalaman ko rin na isang buwan ang semestral break namin dahil may mahalagang dadaluhan ang lahat ng college staff. Kadalasan kasi ay dalawa o tatlong linggo lang ang sembreak.

Lumiko ako sa unang kanto ng kalye at natanaw ko agad ang magandang mansyon ni Mang Agustine at ang shop na katabi nito. Malapit lang talaga ito sa university.

Kahit may nakasabit na "Closed" ang pinto ng shop ay pumasok pa rin ako. Pinaalam ko na kay Aling Matilda bago ako pumunta rito, sabi niya ay pumasok na lang ako ng shop dahil doon ako hihintayin ni Mang Agustine.

Napalingon sa akin si Mang Agustine ng malaman ang pagdating ko.

"Magandang hapon, Gresha. Naabala ba kita?"

"Hindi naman po, Mang Agustine. Galing din kasi ako ng university," nakangiti kong pahayag.

"Dahil hapon na ay dediretsohin na kita kung ano ang pakay ko. May nahanap ka na bang pagtatrabahoan ngayong semestral break?"

Napailing ako sa kanyang tanong. "Wala pa po. Magsisimula pa lang akong maghanap bukas."

"Mabuti naman kung ganoon, may irerekomenda kasi ako sa'yo."

May iniabot siyang calling card sa akin at malugod kong tinanggap.

"Naghahanap ang kapatid ko ng makakatulong niya sa pag-aayos at paglilinis sa mansyon ng kanyang amo. Kababalik pa lang kasi nila roon sa loob ng matagal na panahon."

Napaisip ako.

"Si Ma'am Veronica po ba ang tinutukoy niyo?"  pagtatanong ko.

"Siya nga. Kung interesado ka ay mas maiging si Ate Veronica ang kausapin mo. Tawagan mo na lang sa numerong iyan."

Ate?

Ate niya si Ma'am Veronica? Mukhang mas matanda naman si Mang Agustine sa kanya ng maraming taon. Baka nagkamali lang ako ng pandinig, ang nasa isip ko kasi ngayon ay ang huling tagpo namin ng kanyang amo.

She has a crazy boss.

"Sige po," nakangiti kong sagot kay Mang Agustine dahil mukhang naghihintay siya ng aking sagot.

*

Ilang minuto ko nang tinitigan ang calling card na ibinigay sa akin Mang Agustine.

Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako sa trabahong inaalok sa akin. Ngunit sino ba ako para mag-inarte pa? Ang trabaho na ang lumalapit sa akin. Sabi nga nila, when opportunity knocks, grab it.

Later on, I finally decided to dial the number printed on the card.

"Good evening. May I know who the caller is?" Kahit sa kabilang linya ay halatang boses ito ni Ma'am Veronica.

"Good evening too, Ma'am Veronica. This is Gresha Iris, the shop assistant of your brother. Gusto ko po sanang magtanong about sa inaalok ninyong trabaho."

Nakarinig ako ng iilang kaluskos sa kabilang linya.

"You will just help me clean the mansion, and run some errands if necessary. You'll stay here for the whole duration of your work, your living necessities and expenses will be covered by us. Your salary will be ten thousands a week, or even higher, if my boss will like your service. I heared that Princeton University will be having a whole month semestral break, so if my calculation is right, you'll earn 40,000 or more for a whole month."

Napatulala ako.

10, 000 per week? 40,000 a month? For real? Daig ko pa ang isang simpleng licensed professional.

"Are you still there, Ms. Iris? May nais ka pa bang baguhin sa contract? Kailangan pa ba naming taasan ang iyong sahod?"

Napatikhim ako dahil sa sunod-sunod na tanong ni Ma'am Veronica ng mahalatang hindi ako nakaimik ng ilang sandali.

"Okay na po sa akin ang sahod, in fact masyado pong mataas. I was just shocked, " pag-amin ko.

"That's good. So are you going to work here?"

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. "Yes, ma'am. I'll start my work as soon as you need me."

Narinig kong huminga siya na parang nabunotan ng tinik.

"Great. I'll pick you up tomorrow morning. Be ready at 8:00 am sharp. We still need to discuss some rules and regulations tomorrow on our way here. Be punctual."

Sasabihin ko pa sana ang aking address, ngunit bigla niya nang pinutol ang tawag.

Humiga na ako sa aking kama. I stared at the ceiling for a while.

For a whole month, I won't be staying here. I'm gonna miss this little place.

I hope my decision is right.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 68.9K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
14.3M 621K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...
10.9M 558K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...